You are on page 1of 23

8

Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 4:
PAG-USBONG AT PAG-UNLAD NG MGA
KLASIKO NA LIPUNAN SA AMERICA
AT MGA PULO SA PACIFIC

i
Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 4: Pag-usbong at Pag-unlad ng mga Klasiko na
Lipunan sa America at mga Pulo sa Pacific
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis – Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Ysmaela Chat A. Asdillo


Editor: Vida T. Cabristante and Emely D. De Los Niños
Tagasuri: Divina May S. Medez
Tagaguhit: Typesetter
Tagalapat: Mila A. Reyes
Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin, CESO V Rosela R. Abiera
Fay C. Luarez, TM, Ed.D., Ph.D. Maricel S. Rasid
Nilita L. Ragay, Ed.D. Elmar L. Cabrera
Carmelita A. Alcala, Ed.D.

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________


Department of Education –Region VII Schools Division of Negros Oriental
Office Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental
Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117
E-mail Address: negros.oriental@deped.gov.ph

i
Araling
Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 4
Pag-usbong at Pag-unlad ng
mga Klasiko na Lipunan sa
America
at mga Pulo sa Pacific

ii
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 8 ng Alternative
Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Ikalawang Yugto: Pag-usbong at Pag-
unlad ng mga Klasiko sa Lipunan sa America at mga Pulo sa Pacific!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa
mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis
at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang
kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o
estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-
aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad
nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito,
inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa
ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

iii
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 8 ng Alternative Delivery Mode
(ADM) Modyul ukol sa Pag-usbong at Pag-unlad ng mga Klasiko na Lipunan sa
America at mga Pulo sa Pacific.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


Alamin dapat mong matutuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
Subukin tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
Balikan kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
Tuklasin ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
Suriin
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

iv
Binubuo ito ng mga gawaing para sa
mapatnubay at malayang pagsasanay
upang mapagtibay ang iyong pang-unawa
Pagyamanin at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay
gamit ang susi sa pagwawasto sa huling
bahagi ng modyul.

Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
Isaisip
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Ito ay naglalaman ng gawaing


makatutulong sa iyo upang maisalin ang
Isagawa
bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.

Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
Tayahin
pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


Karagdagang Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa
natutuhang aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha o paglinang ng


modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

v
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o
sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot
sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin
lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng
tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama
sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang
pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi.
Kaya mo ito!

vi
Alamin
Nakapokus ang araling ito sa mga Kabihasnang Klasikal na umusbong sa America at
mga Pulo sa Pacific. Layunin nitong maimulat ang mga mag-aaral sa iba pang mahahalagang
ambag sa kabihasnan ng iba pang lahi. Sa araling ito, inaasahang mamumulat ang mga mag-
aaral sa iba pang Kabihasnang Klasikal na umusbong sa daigdig.

Halina at simulang tuklasin ito.

Most Essential Learning Competency:


Nasusuri ang pag-usbong at pag-unlad ng mga kasikong kabihasnan
sa Africa, America, at mga Pulo sa Pacific AP8DKT-IId-4

Sa araling ito, inaasahang:

K: Nakikilala ang mga klasikong kabihasnan sa America at mga Pulo sa Pacific

S: Nakabubuo ng chart ng mga impormasyon tungkol sa kabihasnang klasiko sa America at


mga Pulo sa Pacific

A: Napahahalagahan ang mga pamana na ipinagkaloob ng mga nasabing kabihasnan

Subukin
Panuto: Basahin at unawain ang mga aytem sa bawat bilang. Piliin ang pinakaangkop na
sagot at isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong kwaderno.

1. Alin sa mga kabihasnan ng America ang umusbong noong panahong Pre-historic?

Mga Kabihasnan sa America


1200-500 200-700 250-900 900-1100 1200-1521 1300-1525
BCE CE CE CE CE CE
Olmec Teotihuacan Maya Toltec Aztec Inca

A. Olmec B. Maya C. Aztec D. Inca

2. Alin sa mga sumusunod na kabihasnan ng America ang namayani sa Yucatan


Peninsula, ang rehiyon sa Timog Mexico hanggang Guatemala?
A. Olmec B. Maya C. Aztec D. Inca

3. Ano ang pinaniniwalaang dahilan ng pagbagsak ng kabihasnang Maya?


A. Ang pagkasira ng kalikasan C. Patuloy na digmaan
B. Paglaki ng populasyon D. Lahat ay ang mga dahilan

1
4. Sila ay mga nomadikong tribo na ang orihinal na pinagmulan ay hindi tukoy.
A. Olmec B. Maya C. Aztec D. Inca

5. Paano nagkakatulad ang mga Pilipino at mga Inca?


A. Sila ay parehong may pinagmulan na kabihasnan.
B. Sila ay may sariling kultura.
C. Sila ay parehong sinakop ng mga Espanyol.
D. Sila ay may parehong paniniwala.

6. Nahahati sa tatlong malalaking pangkat ang mga pulo sa Pacific: ang Polynesia,
Micronesia, at Melanesia. Ano ang kahulugan ng Micronesia?
A. maraming isla C. maitim na mga isla
B. maliit na mga isla D. itim ang mga tao sa isla

7. Alin ang naglalarawan sa sinaunang kabuhayan ng mga tao sa mga pulo ng pacific?
A. Ang pangunahing kabuhayan ng mga tao sa mga pulo ng Pacific ay pagsasaka
at pangingisda.
B. Ang mga sinaunang mamamayan ng mga pulo ng Pacific ay naniniwala sa
banal na kapangyarihan o mana.
C. Ang sinaunang relihiyon ng mga tao sa mga pulo ng Pacific ay Animismo.
D. Ang mga sinaunang pamayanan sa mga isla ay matatagpuan sa mga lawa o
dagat-dagatan

8. Alin sa sumusunod ang pangunahing pananim ng mga Polynesian?


A. Ang karaniwang tanim nila ay taro o gabi, yam o ube, breadfruit, saging, tubo,
niyog.
B. Nagtatanim sila ng taro, breadfruit, niyog, at pandan.
C. Nagtatanim ng pandan at sago palm na pinagkukunan ng sago.
D. Taro at yam ang pangunahing sinasaka.

9. Sa larangan ng pananampalataya, naniniwala sila sa banal na kapangyarihan o mana.


A. Polynesia B. Micronesia C. Melanesia D. Austronesia

10. Ang mga rituwal para sa mga makapangyarihang diyos ay kinapapalooban ng pag-aalay
ng unang ani.
A. mana B. tapu C. animismo D. tohua

Balikan
Pagkaraang pag-aralan ang klasikong kabihasnan sa Africa, isunod ang pagbibigay tuon sa
klasikong kabihasnan sa America at mga Pulo sa Pacific. Simulan mo na.

Gawain1: Maalaala Mo Kaya?


Panuto: Bumuo ng buod sa paksang natutunan tungkol sa Kabihasnan sa Africa. Dugtungan
ang kasunod na pangungusap na nasa loob ng kahon. Gawin ito sa iyong kwaderno.

2
Tuklasin
Gawain 2: Iugnay Mo!
Panuto: Pag-unayin ang Hanay A sa Hanay B. Isulat lamang ang titik ng tamang sagot sa
iyong kuwaderno.
HANAY A HANAY B
1. Mga nomadikong tribo na ang orihinal A. Animismo
na pinagmulan ay hindi tukoy. B. Micronesia
2. Maiitim ang mga tao dito. C. Aztec
3. Ang sentro ng bawat lungsod na ang D. Pyramid
itaas na bahagi ay dambana sa mga E. Melanesia
diyos. F. Mana
4. Maliliit na mga isla.
5. Ang sinaunang relihiyon ng mga Micronesian .

Suriin
Mga Sinauna at Klasikong Kabihasnan ng America

Ang mga Olmec


(Circa 1500 BCE- 500 BCE)

Olmec- nangangahulugang rubber people dahil sila ang kauna-unahang taong gumamit
ng dagta ng mga punong rubber o goma. Ang Olmec ay isang pamayanang agrikultural. Ang
sistema ng irigasyon ay nagbigay-daan upang masaka ang kanilang lupain. Sila rin ay
nakagawa ng mga kalendaryo ay may gumamit ng isang sistema ng pagsulat na may
pagkakatulad sa hieroglyphics. Nakalinang na rin sila ng ilang mga katangi-tanging akda ng
sining. Naunawaan na rin nila ang konsepo ng Zero sa pagtutuos.

3
Pok-a-tok- panritwal na larong tila
kahalintulad ng larong basketball subalit
ang mga manlalaro ay hindi maaaring
gumamit ng kanilang mga kamay ang
bolang yari sa goma.

https://tinyurl.com/y76s4vb9

Ang mga OLmec ay kilala rin sa paglilok ng mga


anyong ulo mula sa mga bato na ang karamihan
ay umaabot sa 18 tonelada at taas na 14
talampakan.

https://tinyurl.com/ya3cdqfh

Ang mga Olmec ay nakagawa din ng


mga istrukturang hugis piramide sa mga
ibabaw ng umbok ng lupa na
nagsisilbing lugar-sambahan ng
kanilang mga Diyos.

https://tinyurl.com/yaqhqaw7

4
Sentral ng paniniwalang Olmec ang hayop na
jaguar na pinakakinatatakutang maninila sa
Central at South America. Ang jaguar ay naging
simbolo ng paghahari sa mga kabihasnan sa
America.

https://tinyurl.com/y8j2cauz

Ang mga Maya


(1000 BCE- 900 CE)

Kasabay ng pagpapalawig ng Teotihuacan, ang mga Maya ay nagtatayo ng kanilang


sentrong panrelihiyon sa Yucatan Peninsula kung saan nagtatagpo ang Mexico at Guatemala
sa kasalukuyan.

Halach Uinic- Nangangahulugang “tunay na lalaki”.


Mga pinuno na nagpalawig ng mga sentrong
panrelihiyon upang maging lungsod-estado.
Isang sistemang agrikultural ang pinasimulan din ng
Maya, ang pagkakaingin. Ang pangunahing pananim
nila ay mais, patani, kalabasa, avocado, chili pepper,
pinya, papaya at cacao. Dahil sa kahalagahan ng
agrikultura sa Maya, ang sinamba nilang Diyos ay may
kaugnayan sa pagatatanim, tulad ng ulan at mais .

https://tinyurl.com/yan72rtu

Ang mga Aztec


(Circa 1325 BCE- 1521 CE)

Ang mga Aztec ay mga nomadikong tribo na nagmula sa tuyong lupain ng hilaga at
unti-unting tumungo patimog sa Valley of Mexico sa pagsapit ng ika-12 siglo C.E.
Ang salitang Aztec ay nangangahulugang “isang nagmula sa Aztlan”, isang mitikong
lugar sa hilagang Mexico.
Ang ekonomiya ang Aztec ay nakabatay sa pagtatanim. Ang mga lupa sa paligid ng
mga lawa ay mataba subalit hindi lubos malawak para sa buong populasyon.

5
Chinampas- Mga artipisyal na pulo na kung
tawagin ay mga floating garden sa gitna ng lawa.
Dahil sila ay mga magsasaka, ang mga Aztec ay
taimtim na umaasa sa mga pwersa ng kalikasan at
sinasamba ang mga ito bilang diyos.

https://tinyurl.com/y8uh9yuy

Huitzilopochtli- Ang pinakamahalagang diyos ng mga


Aztec. Ang diyos ng araw.
Tialoc- Diyos ng ulan.
Quetzalcoatl- Ang diyos ng hangin para sa mga Aztec.
Naniniwala ang mga Aztec na kailangang laging
malakas ang mga diyos upang mahadlangan nila ang
masasamang diyos na sirain ang daigdig.
Sa pagsapit ng ika-15 siglo, nagsimula ang
malawakang kampanyang militar at ekonomiko na mga
https://tinyurl.com/y7qenxrv
Aztec.

https://tinyurl.com/y8g6jjee https://tinyurl.com/y963q7a3

Tlacaelel- Itinaguyod niya


Hernando Cortez- Noong 1519,
ang pagsamba kay
pinamunuan niya ang ekspedisyon ng
Huitzilopochtli.
Espanya na nanakop sa Mexico.

Moctezuma II- Ang pinuno ng mga Aztec


nang dumating ang mga Espanyol.

6
Kabihasnang Inca
1200-1521

Noong ika-12 siglo, isang pangkat ng mga taong naninirahan


sa hilagang- kanlurang bahagi ng Lake Titicaca sa matabang
lupain ng Lambak ng Cuzco.

Manco Capac- Kilala din sa pangalang Manco Inca at Ayar


Manco. Unang gobernador at tagapagtatag ng sibilisasyong
Inca.
Ang salitang Inca ay nangangahulugang “imperyo”. Hango ito
sa pangalan ng pamilyang namuno sa isang pangkat ng tao na
naninirahan sa Andes. Unti-unting pinalawig ng mga Inca ang
kanilang teritoryo hanggang sa masakop ito ang 3,220
kilometro kuwadrado sa kahabaan ng baybayin ng Pacific.
Saklaw ng imperyong ito ang kasalukuyang lupain ng Peru,
Ecuador, Bolivia, at Argentina.

https://tinyurl.com/y8jvlr4z

Hinimok ng pamunuan ng Inca ang


pagsamba kay Inti- ang kanilang diyos ng
araw.

https://tinyurl.com/y779pud5

Itinuturing ng mga Inca ang kanilang hari,


ang Sapa Inca, bilang ang “anak ng
araw”.

https://tinyurl.com/yc9p3w3c

7
Cusi Inca Yupagqui/Pachakuti
(1438-1471)
Pinatatag ni Cusi Inca YUpagqui o Pachakuti
ang lipunang Inca sa pamamagitan ng
pagkakaroon ng isang sentralisadong estado.

https://tinyurl.com/yb2godn7

Topa Yupanqui (1471-1493)


Pinalawig niya ang imperyo hanggang hilagang
Argentina, bahagi ng Bolivia, at Chile. Napasailalim
din sa kaniyang kapangyarihan ang estado ng
Chimor o Chimu na pinakamatinding katungali ng
mga Inca sa baybayin ng Peru.

https://tinyurl.com/y9nrqd7n

Huayna Capac (1493-1527)


• Anak ni Topa Yupanqui
• Orihinal niyang pangalan ay Tito Husi Hualpa
• Nasakop ng imperyo ang Ecuador

https://tinyurl.com/y9nrqd7n

Ang mga Pulo sa Pacific

Ang mga pulo sa Pacific o Pacific Islands ay nahahati sa tatlong malalaking pangkat-
ang Polynesia, Micronesia, at Melanesia. Ang mga katawagang ito ay iginawad ng mga
Kanluranin matapos nilang makita ang kaayusan ng mga pulo at ang anyo ng mga katutubo
nito.

8
Polynesia (maraming isla poly-marami nesia- isla)

Polynesia ay matatagpuan sa gitna at timog na bahagi ng Pacific Ocean na nasa


silangan ng Melanesia at Micronesia. Ang Polynesia ay higit na malaki kaysa pinagsamang
lupain ng Melanesia at Micronesia.

Ang Polynesia ay binubuo ng New Zealand, Easter Island, Hawaii, Tuvalu, Wallis at
Futuna, Tonga, Tikelau, Samoa, American Samoa, Niue, Cook Islands, French Polynesia,
Austral Islands, Scoiety Islands, Tuamotu, Marquesas, at Pitcairn.

Ang pangunahing kabuhayan ng mga Polynesian ay pagsasaka at pangingisda. Ang


karaniwang tanim nila ay taro o gabi, yam o ube, breadfruit, saging, tubgo, at niyog. Sa
pangingisda naman nakakakuha ng tuna, hipon, octopus, at ibapa. Nanghuhuli rin sila ng
pating.
Sa larangan ng pananampalataya, naniniwala sila sa banal na kapangyarihan o mana.
Ang katagang mana ay nangangahulugang “bisa” o “lakas.”

Micronesia

Ang maliliit na pulo at atoll ng Micronesia ay matatagpuan sa hilaga ng Melanesia at


sa silangan ng Asya. Ang Micronesia ay binubuo ng Caroline Islands, Marianas Islands,
Marshall Islands, Gilbert Islands (ngayon ay Kiribati), at Nauru.

Ang mga sinaunang pamayanan dito ay matatagpuan malapit sa mga lawa o dagat-
dagatan. Ito ay upang madali para sa mga tao ang lumabas at maglayag sa karagatan. Itinatag
nila ang kanilang mga pamayanan sa bahaging hindi gaanong tinatamaan ng bagyo o
malalakas na ihip ng hangin.

Pagsasaka ang pangunahing kabuhayan ng mga Micronesian. Nagtatanim sila ng


taro, breadfruit, niyog, at pandan. Sagana ang mga ito sa asukal at starch na maaaring gawing
harina. Pangingisda ang isa pang ikinabubuhay ng mga Micronesian. May kaalaman din sa
paggawa ng simpleng palayok ang mga lipunan ng Marianas, Palau, at Yap.

Malimit din ang kalakalan ng magkakaratig-pulo. Sa Palau at Yap, bato at shell ang
ginagamit bilang paraan ng palitan. Gumagamit din ang Palau ng batong ginawang pera
(stone money). Sa iba pang mga pulo, nagpapalitan ng kalakal ang mga tao sa matataas
(high-lying islands) at mabababang pulo (low-lying coral atolls). Ipinagpapalit ng mga
shell/bead, banig yari sa dahon ng pandan, at magaspang na tela na galing sa saging at
gumamela. Bilang tela, ginagawa itong palda ng kababaihan at bahag ng kalalakihan.

Animismo rin ang sinaunang relihiyon ng mga Micronesian. Ang mga rituwal para sa
mga makapangyarihang diyos ay kinapalooban ng pag-aalay ng unang ani.

Melanesia

Ang Melanesia ay matatagpuan sa hilaga at silangang baybay-dagat ng Australia. Ito


ay kasalukuyang binubuo ng New Guinea, Bismarck Archipelgo, Papua New Guinea,
Solomon Islands, Vanuatu (dating New Hebrides), New Caledonia, at Fiji Islands.

Ang mga sinaunang pamayanan dito ay maaaring nasa baybaying-dagat o sa dakong


loob pa. Pinamumunuan ito ng mga mandirigma. Tagumpay sa digmaan ang pangkaraniwang
batayan ng pagpili sa pinuno. Sa maraming grupong Papuan, ang kultura ay hinubog ng mga
alituntunin ng mga mandirigma tulad ng katapangan, karahasan, paghihiganti, at karangalan.

9
Taro at yam ang pangunahing sinasaka sa Melanesia. Nagtatanim din dito ng pandan
at sago palm na pinagkukunan ng sago. Pangingisda, pag-aalaga ng baboy, at pangangaso
ng mga marsupial at ibon ang iba pang kabuhayan dito. May kalakalan din sa pagitan ng mga
pulo. Karaniwang produktong kinakalakal ng mga Melanesian ay mga palayok, kahoy, yam,
baboy, asin, apog, gayundin ang mga gawa nilang bangka.

Naniniwala rin sa animism ang mga sinaunang Melanesian. Pinagbabatid ng diyos ng


kalikasan ang mga kaganapan tulad ng tagumpay sa labanan, sakuna, kamatayan, o pag-
unlad ng kabuhayan. Laganap din sa Solomon Islands at Vanuatu ang paniniwala sa mana.

May sariling katangian at kakanyahan ang mga isla sa Pacific. Nakabatay ang kanilang
pamumuhay sa pakikipaglaban sa iba-ibang isla at kontinente.

Pagyamanin

GAWAIN A Kilalanin Mo!

Panuto: Kilalanin kung anong kabihasnan sa America ang tinutukoy ng mga sumusunod na
pahayag. (Olmec, Maya, Aztec, Inca) Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.

_____________1. Sentro ng kanilang paniniwala ang hayop na jaguar na


pinakakinatatakutang maninila sa Central at South America.

_____________2. Sila ay mga nomadikong tribo na nagmula sa tuyong lupain ng hilaga at


unti-unting tumungo patimog sa Valley of Mexico sa pagsapit ng ika-12
siglo C.E.

_____________3. Hango ito sa pamilyang namuno sa isang pangkat ng tao na naninirahan


sa Andes.

_____________4. Nangangahulugang “isang nagmula sa Aztlan”, isang mitikong lugar sa


hilagang Mexico.

_____________5. Nagtatayo ng kanilang sentrong panrelihiyon sa Yucatan Peninsula kung


saan nagtatagpo ang Mexico at Guatemala sa kasalukuyan.

GAWAIN B Tayahin ang Iyong Pag-unawa

Panuto: Sagutin ang mga tanong sa ibaba. Isulat ang sagot sa kuwaderno.

1. Ano ang pangunahing ikinabubuhay ng mga mamamayan sa Polynesia?


2. Magbigay ng ilan sa kasalukuyan na pinanirahan ng mga Austronesian.
3. Ano ang ibig sabihin ng mana?

10
4. Ano-ano ang mga paraan upang mapangalagaan ang mana?
5. Bakit nandayuhan ang mga Austronesian sa mga pulo sa Pacific?

Isaisip

Sa bahaging ito ay magmumuni-muni at magbahagi ng iyong


natutunan mula sa aralin.

Ang natutunan ko _________________________________________


Napagtanto ko na __________________________________________
Ilalagay ko na ______________________________________________

Isagawa

Panuto: Punan ng hinihinging impormasyon ang chart. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

Kabihasnang Klasiko sa America

PAMAHALAAN EKONOMIYA RELIHIYON KONTRIBUSYON

MAYA

AZTEC

INCA

11
Kabihasnang Klasiko sa mga Pulo sa Pacific

Isla Kahulugan ng Pangalan Kabuhayan Relihiyon

Polynesia

Micronesia

Melanesia

Tayahin
Panuto: Basahin at unawain ang mga aytem sa bawat bilang. Piliin ang pinakaangkop na
sagot at isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang kwaderno.

1. Paano nagkakatulad ang mga Pilipino at mga Inca?


A. Sila ay parehong may pinagmulan na kabihasnan.
B. Sila ay may sariling kultura.
C. Sila ay parehong sinakop ng mga Espanyol.
D. Sila ay may parehong paniniwala.

2. Alin sa sumusunod ang pangunahing pananim ng mga Polynesian?


A. Ang karaniwang tanim nila ay taro o gabi, yam o ube, breadfruit, saging,
tubo, niyog.
B. Nagtatanim sila ng taro, breadfruit, niyog, at pandan.
C. Nagtatanim ng pandan at sago palm na pinagkukunan ng sago.
D. Taro at yam ang pangunahing sinasaka.

3. Alin sa mga sumusunod na kabihasnan ng America ang namayani sa Yucatan Peninsula,


ang rehiyon sa Timog Mexico hanggang Guatemala?
A.Olmec B. Maya C. Aztec D. Inca

4. Sila ay mga nomadikong tribo na ang orihinal na pinagmulan ay hindi tukoy.


A. Olmec B. Maya C. Aztec D. Inca

5. Sa larangan ng pananampalataya, naniniwala sila sa banal na kapangyarihan o mana.


A. Polynesia B. Micronesia C. Melanesia D. Austronesia

6. Alin sa mga kabihasnan ng America ang umusbong noong panahong Pre-historic?

Mga Kabihasnan sa America


1200-500 200-700 250-900 900-1100 1200-1521 1300-1525
BCE CE CE CE CE CE
Olmec Teotihuacan Maya Toltec Aztec Inc

A. Olmec B. Maya C. Aztec D. Inca

12
7. Ano ang pinaniniwalaang dahilan ng pagbagsak ng kabihasnang Maya?
A. Ang pagkasira ng kalikasan C. Patuloy na digmaan
B. Paglaki ng populasyon D. Lahat ay ang mga dahilan

8. Nahahati sa tatlong malalaking pangkat ang mga pulo sa Pacific: ang Polynesia,
Micronesia, at Melanesia. Ano ang kahulugan ng Micronesia?
A. maraming isla C. maitim na mga isla
B. maliit na mga isla D. maitim ang mga tao sa isla

9. Ang mga rituwal para sa mga makapangyarihang diyos ay kinapapalooban ng pag-aalay


ng unang ani.
A. mana B. tapu C. animismo D. tohua

10. Alin ang naglalarawan sa sinaunang kabuhayan ng mga tao sa mga pulo ng pacific?
A. Ang pangunahing kabuhayan ng mga tao sa mga pulo ng Pacific ay pagsasaka at
pangingisda.
B. Ang mga sinaunang mamamayan ng mga pulo ng Pacific ay naniniwala sa banal
na kapangyarihan o mana.
C. Ang sinaunang relihiyon ng mga tao sa mga pulo ng Pacific ay Animismo.
D. Ang mga sinaunang pamayanan sa mga isla ay matatagpuan sa mga lawa o
dagat-dagatan

Karagdagang Gawain
Mula sa iyong mga natutunan sa aralin, isulat ang iyong paliwanag sa pamamagitan ng
pagdudugtong ng impormasyon sa pahayag na nasa ibaba. Isulat ang sagot sa iyong
kuwaderno.

Maituturing na Kabihasnang Klasikal ang naitatag na


kabihasnan ng America at mga Pulo sa Pacific dahil __________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
___.
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
___.

______________________________________________________________
______________________________________________________________.
_______.

13
14
Pagyamanin
Gawain A: Kilalanin Mo!
1. Olmec
2. Aztec
3. Inca
4. Aztec
5. Maya
Gawain B: Tayahin ang Iyong Pag-unawa
1. Ang pangunahing ikinabubuhay ng mga mamamayan sa Polynesia ay pagsasaka at pangingisda.
2. Ang mga Austronesian ay kasalukuyang naninirahan sa mga pulo sa Pacific.
3. Ang mana ay nangangahulugang banal na kapangyarihan o “bisa” o “lakas.”
4. May mga batas na sinusunod upang hindi mawala o mabawasan ang mana. Halimbawa, bawal
pumasok sa isang banal na lugar ang pangkaraniwang tao. Ang sinaunang kababaihan sa
Marquesas ay hindi maaaring sumakay sa bangka sapagkat malalapastangan niya ang bangka na
may angking mana. Gayundin, ang mga lalaking naghahanda sa pakikipaglaban o para sa isang
mapanganib na gawain ay dapat nakabuklod. Bawal silang makihalubilo sa babae at pili lang ang
dapat nilang kainin upang hindi mawala ang kanilang mana.
5. Sa hangaring makahanap ng mga bagong teritoryo na masasaka, umalis sila ng China at
nandayuhan simula noong 4000 BCE.
Isaisip
(Sa bahaging ito ay ilalahad ng mga mag-aaral ang natutunan mula sa paksang tinalakay.)
Paunang Pagtataya Tuklasin
1. A 6. B Gawain 2: Iugnay Mo!
2. B 7. A 1. C
3. D 8. A 2. E
4. C 9. A 3. D
5. C 10.C 4. B
Balikan 5. A
Gawain 1: Maalaala Mo Kaya?
(Ang mga mag-aaral ang magbibigay buod tungkol
sa paksang natalakay tungkol sa Kabihasnan sa Africa.)
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Aklat

Kasaysayan ng Daigdig, Teofista L. Vivar et al., ph.243-250


Kasaysayan ng Daigdig, Vivar et al., 281-284
Kasaysayan ng Daigdig, Grace Estela C. Mateo, PhD, et.al, ph. 309-319
Kasaysayan ng Daigdig, Grace Estela C. Mateo, PhD, et.al, ph. 338-343
Kasaysayan ng Daigdig, Grace Estela C. Mateo, PhD, et.al, ph. 348-355
Kasaysayan ng daigdig, Grace Estela C. Mateo, PhD, et.al, ph. 358-361

Website

https://www.slideshare.net/danz_03/ap-iii-ang-mga-kabihasnan-sa-amerika
https://www.slideshare.net/jhingsworld/kasaysayan-ng-daigdig-ap-9-module-second-quarter

15
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Schools Division of Negros Oriental


Kagawasan, Avenue, Daro, Dumaguete City, Negros Oriental

Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117


Email Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Website: lrmds.depednodis.net

You might also like