You are on page 1of 33

7

Araling Panlipunan
Unang Markahan - Modyul 2:
Ang Ugnayan ng Tao at
Kapaligiran sa Paghubog ng
Kabihasnang Asyano
Araling Panlipunan– Ikapitong Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 2: Ang Ugnayan ng Tao at Kapaligiran sa Paghubog ng
Kabihasnang Asyano
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Nicolas T. Capulong, PhD.,CESO V
Ronilo AJ K. Pirmo, PhD, CESO V
Librada M. Rubio, PhD.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: John Revin V. De Jesus / Joanna D. Balde
Tagasuri ng Nilalaman: Angelica M. Burayag PhD / Virgilio L. Laggui PhD /
Eva Fe Taclibo PhD / Rizaldy Aglipay
Tagasuri ng Wika: Edwin T. Marcos EdD / Marie Anne Ligsay PhD /
Bennedick Viola / Anastacia M. Victorino PhD
Tagasuri sa ADM: Jovannie B. Belmonte
Tagasuri ng Paglapat/Pagguhit: Jovannie B. Belmonte
Tagaguhit: Maesie T. Dela Peña
Tagalapat: Maesie T. Dela Peña / Joyce O. Saraza
Tagapamahala: Nicolas T. Capulong PhD, CESO V
Librada M. Rubio PhD
Angelica M. Burayag PhD
Nestor Nuesca EdD
Gregorio C. Quinto, Jr. EdD
Rainelda M. Blanco PhD
Agnes R.Bernardo PhD
Virgilio L. Laggui PhD

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III


Office Address: Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telephone Number: (045) 598-8580 to 89
E-mail Address: region3@deped.gov.ph

ii
7

Araling Panlipunan
Unang Markahan - Modyul 2
Ang Ugnayan ng Tao at
Kapaligiran sa Paghubog ng
Kabihasnang Asyano

iii
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 7 ng Alternative


Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Ang Ugnayan ng Tao at Kapaligiran sa
Paghubog ng Kabihasnang Asyano.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa


mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,
bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang
mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang


kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 7 ng Alternative Delivery


Mode (ADM) Modyul ukol sa Ang Ugnayan ng Tao at Kapaligiran sa Paghubog ng
Kabihasnang Asyano.
Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin.
Sa pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na

iv
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

v
Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o
masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

vi
Alamin

Ang modyul na ito ay ginawa at isinulat para sa iyong kapakinabangan. Ito ay


upang matulungan kang unawain ang mga araling tinatalakay sa Araling
Panlipunan Baitang 7.

PAMANTAYAN SA PAGKATUTO
 Napahahalagahan ang ugnayan ng tao at kapaligiran sa paghubog ng
kabihasnang Asyano.

Ang modyul na ito ay nahahati sa tatlong aralin:


 Aralin 1: Lokasyon, Hugis, Sukat at Anyo ng Asya
 Aralin 2: Iba’t Ibang Anyong Lupa at Anyong Tubig
 Aralin 3: Behetasyon at Klima sa Asya
 Aralin 4: Pacific Ring of Fire

Kapag natapos mo na ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:


1. nakapaglalarawan ng mga katangian ng kapaligirang pisikal sa mga rehiyon
ng Asya katulad ng kinaroroonan, hugis, anyo, sukat, klima at vegetation
cover;
2. nakapaghahambing ng mga kalagayan ng kapaligiran sa iba’t ibang bahagi
ng Asya; at
3. nakapagsusuri ng epekto ng mga katangiang pisikal ng Asya sa pamumuhay
ng mga Asyano.

Mga Tala para sa Guro


Kailangang gumamit ng mga pamprosesong tanong upang
maiugnay ang natapos na aralin tungo sa bagong aralin. Ituro ang
konsepto ng araling ito sa pamamagitan ng mga malikhaing
pamamaraan na makikita sa mga gawain sa modyul na ito.
Makikita rin sa huling bahagi ng modyul na ito ang mga rubric na
gagamitin sa pagmamarka sa ilang mga gawain.

1
Subukin

Panuto: Basahing mabuti at sagutin ang sumusunod na katanungan. Piliin ang titik
ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Ilang rehiyon ang bumubuo sa Asya?


A. lima B. anim C. pito D. walo

2. Ano ang tawag sa pinakamalaking masa ng lupain sa daigdig?


A. Tectonic plate C. Pacific Ring of Fire
B. Kontinente D. Monsoon
3. Isa ito sa pamamaraan ng pagtukoy ng lokasyon na nakabatay sa nakapalibot na
anyong tubig sa isang lugar.
A. bisinal B. insular C. absolute D. concrete

4. Ano ang tawag sa uri o dami ng mga halaman sa isang lugar tulad ng
pagkakaroon ng kagubatan o damuhan na epekto ng klima nito?
A. monsoon C. vegetation cover
B. plant geography D. botanical garden

5. Ito ay karaniwang panahon o average weather na nararanasan ng isang lugar sa


loob ng mahabang panahon?
A. temperature B. monsoon C. hangin D. klima

6. Alin sa mga sumusunod na ilog ang HINDI kabilang sa nagsilbing lunduyan ng


sinaunang kabihasnan?
A. Ilog Tigris at Euphrates C. Ilog Indus
B. Dagat Caspian D. Ilog Huang Ho

7. Ang rehiyon ng Timog-Silangang Asya ay may klimang tropikal. Ano ang


implikasyon nito sa pamumuhay ng mga taga-rito?
A. Makakapal ang kanilang mga kasuotan bunga ng matinding lamig.
B. May malalawak na disyerto na sagana sa mga mineral at ginto.
C. Sagana sa mga yamang-likas tulad ng kagubatan, mga pananim at rekado.
D. Nagyeyelo ang paligid bunga ng makapal na niyebe.

8. Ano ang pinakamalawak at pinakamalalim na karagatan sa buong mundo na


makikita sa Asya?
A. Karagatang Pasipiko C. Karagatang Indian
B. Karagatang Artiko D. Karagatang Atlantik

9. Namasyal ka sa bahay ng iyong kaibigan at nalaman mo na ang bahay nila ay


nasa gitna ng palayan. Anong anyong lupa ang kinatitirikan ng bahay nila na
kadalasang nakikita sa mga probinsya ng Gitnang Luzon?
A. lambak B. bundok C. burol D.kapatagan

2
10. Niyaya ka ng barkada mo sa Bataan at ibinilin nya sa iyo na magdala ng sobrang
damit para maligo. Sa anong anyong tubig kaya kayo magtutungo?
A. lawa B. bukal C. dagat D. ilog

11. Ano ang maaaring magandang epekto sa mga Asyano na nakatira sa Pacific Ring
of Fire?
A. Paghagupit ng mga tsunami sa tabing dagat na nakakaantala ng pag-
unlad ng bayan.
B. Pagkakaroon ng mga bagong anyong lupa at anyong tubig bunga ng
pagsabog ng mga bulkan.
C. Madalas na pagbuga ng lava mula sa bulkan na ikinamamatay ng mga
hayop at halaman.
D. Palagiang paglipat ng mga tao sa ibang lugar.

12. Si Albert ay nakatira malapit sa isang ilog. Alin sa mga sumusunod ang hindi
niya pwedeng gawin sa kanilang lugar?
A. maligo araw-araw C. maglaba araw-araw
B. uminom ng malinis na tubig D. manguha ng halamang gamot
13. Bakit mahalagang malaman ang ugnayan ng tao sa kapaligiran?
A. Dahil sa kapaligiran nakasalalay ang ating pinagkukunan ng yaman.
B. Dahil sa kapaligiran makikita ang magagandang tanawin.
C. Dahil sa kapaligiran ay may kapayapaan.
D. Dahil sa kapaligiran nakatuon ang kasiyahan.

14. Paano magkakaroon ng ugnayan ang tao sa kanyang kapaligiran?


A. Sa pamamagitan ng mabuting pagtugon sa hamon ng kapaligiran.
B. Sa pamamagitan ng pagsuko sa mga pagsubok.
C. Sa pamamagitan ng pagsasarili ng mga problema.
D. Sa pamamagitan ng pang-aabuso sa paggamit ng kalikasan.

15. Alin sa mga sumusunod ang HINDI KABILANG sa kahalagahan ng mga Ilog
Tigris / Euphrates, Ilog Indus at Ilog Huang Ho?
A. Dahil sa tabing-ilog sila nakakapagtanim at nakakapag-alaga ng hayop.
B. Dahil dito sila nakikipagkalakalan sa mga kalapit lugar.
C. Dahil dito sila kumukuha ng pangangailangan sa araw-araw.
D. Dahil dito sila natutong magbasa at magsulat.

Mahusay! Kung marami kang nasagot sa bahaging ito ng modyul ay


madali mong maiintindihan ang nakapaloob ditong aralin. Kung mababa
naman ang nakuha mong marka ay dapat pagsumikapang mas maintindihan
pa ang aralin sa pamamagitan ng pagbabasang mabuti sa mga teksto at
pagsasagawa ng mga dinesenyong gawin.

3
Aralin

1
Halika na at sabay nating tuklasin ang Yamang Likas ng
Asya upang mas maunawaan natin ang kahalagahan nito sa
paghubog ng kabihasnang Asyano at pamumuhay ng mga
taong nakatira rito.
.

Balikan

Sa bahaging ito, ating balikan ang iyong nalalaman ukol sa mga rehiyon ng
Asya. Gamit ang kasunod na mapa ng Asya, lagyan ng kaukulang rehiyon ang
kanang bahagi ng tsart kung saan kabilang ang bawat bansa na makikita naman sa
kaliwang kolum. Gawing halimbawa ang nasa unang bilang.

Tingnan ang mapa ng mga Rehiyon ng Asya

Bansa Rehiyon sa Asya


1. Pilipinas Timog-Silangang Asya
2. Mongolia
3. Saudi Arabia
4. India
5. China
6. Indonesia

4
Tuklasin

Sa bahaging ito ay inaasahang basahin mo at unawain ang tula.


Maaari din itong bigkasin nang malakas upang maramdaman mo ng
husto ang mensaheng nais iparating nito sa iyo.
Alam mo ba na marami ang nagmamahal sa Asya? Ano kaya ng
mga katangian nito na nakakaapekto sa paghubog ng sinaunang
sibilisasyon? Malalaman natin yan sa pagbabasa ng tulang ito. Handa na
ba kayo?

Asya: Mahal Kita


(wala nang patumpik-tumpik pa!)
Joanna D. Balde

Tulad ng hinahangaan mo, ang Asya ay may pisikal na katangian,


Nandyan ang sukat, hugis, anyo, lawak at kinaroroonan.
Isama na rin natin ang klima at behetasyon,
Na nakakaapekto sa pagbuhog ng sinaunang sibilisasyon.

Ibatay naman natin sa kinaroroonan,


Tinawag na Orient, dahil nasa gawing silangan.
Iyan ang sabi ng mga sinaunang manlalakbay,
Na hanggang ngayon ay ating binubulay-bulay.

Ang pagtukoy ng lokasyon ay may tatlong paraan,


Bisinal na batay sa anyong lupa na nagsisilbing hangganan;
Insular na batay sa anyong tubig na nakapalibot,
At absolute na nakabatay sa digri ng latitude at longitude.

Sa bandang huli ay may Pacific Ring of Fire,


Na parang simbolo ng pagmamahal na walang humpay.
Na dapat ay makita mo ang ganda ng tanawin,
Sa kabila ng idinulot nito sa atin.

Kaya naman napakaraming bagay ang pwedeng sambitin,


Nang nag-aalab na puso at damdamin.
Ngunit sa dami nito ay isa lang ang uubra,
Mahal kita Asya, wala nang patumpik-tumpik pa…

5
Suriin nang mabuti ang binasang tula at sagutin nang buong husay ang mga
katanungan. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Katulad ng hinahangaan mo, ano-ano ang pitong katangiang pisikal ng Asya na


nakakaapekto sa paghubog ng sibilisasyon? ___________________________________

2. Batay sa kinaroroonan, tinawag ng mga sinaunang manlalakbay ang Asya na


___________________________________ sapagkat ito ay matatagpuan sa gawing
silangan.

3. Ano ang tawag sa paraan ng pagtukoy sa Asya na nakabatay sa digri ng latitude


at longitude? ___________________________________

4. Ano ang tawag sa paraan ng pagtukoy sa Asya na nakabatay sa anyong lupa na


nagsisilbing hangganan? ___________________________________

5. Ano ang tawag sa paraan ng pagtukoy sa Asya na nakabatay sa anyong tubig na


nakapalibot? ___________________________________

Suriin

Ang kontinente ng Asya ay bahagi ng pitong kontinente na bumubuo


sa daigdig. Bilang isang Pilipino, marapat lamang na alam natin na tayo ay
bahagi ng kontinente ng Asya.

ANG KONTINENTE NG ASYA


Ang heograpiya ay tumutukoy sa paglalarawan ng mundo. Sa pag-aaral ng
heograpiya, iba’t ibang aspeto ang ating matututunan tulad ng kinaroroonan, sukat,
hugis, anyo, lawak o sakop nito, klima, topograpiya, mga yamang likas, at iba’t ibang
kalupaan at katubigan na matatagpuan sa isang tiyak na lugar o pook.

Narito ang pitong kontinente ng daigdig.


Kontinente Sukat (km2) Kontinente Sukat (km2)
Africa 30,330,000 Europe 10,500,000
Antarctica 14,160,000 North America 24,000,000
Asya 44,390,000 South America 17,800,000
Australia 7,700,000

Pinagkunan: Project EASE Araling Panlipunan III Modyul 1: Heograpiya ng Daigdig

6
ANG KATANGIANG PISIKAL NG ASYA

Ang Mapa ng Daigdig

LOKASYON NG ASYA

Pansinin ang mapa ng daigdig. Ano ang iyong napansin? Pagmasdang mabuti
ang lokasyon ng Asya. Sa mga sinaunang manlalakbay, tinatawag nilang orient o
silangan ang kontinente ng Asya sapagkat ito ay nasa gawing silangan ng Europe.
Samantala, occident naman o kanluran ang sa kontinente ng Europa. Ang
lokasyon ay tumutukoy sa kalagayang pang heograpiko ng isang lugar o pook. Ang
mga eksperto sa pag-aaral ng lokasyon ay gumagamit ng iba’t ibang paraan sa
pagtukoy ng kinaroroonan ng isang lugar.

Natutukoy natin ang lokasyon ng isang bansa batay sa tatlong pamamaraan:

LOKASYONG BISINAL Sa lokasyong bisinal, binabatay natin


ang lokasyon ng isang lugar sa mga
kalapit na bansa at mga pangunahing
anyong lupa na nagsisilbing
hangganan ng bawat lugar.

Ang kontinente ng Asya ay matatagpuan sa hilagang-silangan ng Africa,


silangan ng Europe. Nasa gawing kanluran naman ito ng Pacific Ocean.

LOKASYONG INSULAR

Batay naman sa mga nakapalibot na


anyong tubig sa isang bansa o lugar.

Ang Asya ay napalilibutan ng napakaraming uri ng anyong tubig tulad ng


Karagatang Pasipiko, ang pinakamalawak na karagatan sa mundo.

7
LOKASYONG ABSOLUTE

Nakabatay sa digri ng latitude at


longitude.

Tandaan: Ang nasasakop ng Asya ay mula sa 10° Timog hanggang 90°


Hilagang latitude at mula sa 11° hanggang 175° Silangang longitude.

HUGIS, SUKAT AT ANYO NG KONTINENTE NG ASYA

Ang Asya ay may kabuuang sukat sa kilometro


kwadrado na 44,579,000. Sa kabuuan, ito ay 31% o
halos isang-katlo (1/3) ng kabuuang lupain sa daigdig.
Pinakamalaki ito sa lahat ng kontinente sa daigdig.
Masasabing may iba-ibang anyo ang pisikal na katangian
ng Asya. Ang pagkakaroon nito ng magkakaibang anyo ay
lubos na nakakaapekto sa paghubog ng pamumuhay ng
mga Asyano. Ang pagkakaroon ng napakaraming uri o
katangian ng kapaligirang pisikal ng Asya ay isang kalakasan.

IBA’T IBANG URI NG ANYONG LUPA SA ASYA

Ang kontinente ng Asya ay nagtataglay ng napakaraming uri ng anyong lupa


na nagtataglay ng iba’t ibang katangian. Ang mga ito ay pawang may
kapakinabangang dulot sa mga Asyano. Bawat uri nito ay nililinang, patuloy na
ginagamit at naghahatid ng mga pakinabang sa bawat Asyano.

BUNDOK - pinakamataas na anyong lupa


Ang Mt. Everest pinakamataas na bundok sa
mundo na may sukat na 8,850 metro na nakahanay sa
Himalayas. K2 Mountain naman ang pangalawa sa
pinakamataas na bundok sa daigdig at sinusundan ng
Mt. Kanchenjunga bilang pangatlong pinakamataas na
bundok sa daigdig.

BULUBUNDUKIN - hanay ng mga bundok


Ang Himalayas ay may 2,415 kilometro at
pinakatanyag sa lahat ng bulubundukin dahil sa lawak
nito. Ilan pa sa mga halimbawa ng bulubundukin ay ang
Hindu Kush na matatagpuan sa Afghanistan at Ural na
matatagpuan sa Kanlurang Asya.

8
BULKAN - isang bundok na nagbubuga ng nagbabagang
mga bato, usok at iba pang materyal na galing sa ilalim
ng lupa

Ilan sa mga tanyag na bulkan sa mundo ay ang


Mayon at Pinatubo na matatagpuan sa Pilipinas. Fuji na
matatagpuan sa Japan at Krakatoa na matatagpuan sa
Indonesia.

DISYERTO - tigang na lupaing natatabunan ng buhangin


Ang Gobi Desert na nasa hilagang China at Timog
Mongolia na may 1,295,000 kilometro kwadrado na siyang
pinakamalaki sa Asya at pang-apat sa buong mundo.
Matatagpuan rin sa Asya ang mga disyerto ng Taklimakan
sa China at Kara Kum sa Turkmenistan.

PULO - anyong lupa na napapaligiran ng tubig


Ang mga pulo ng Borneo, Sumatra at mga pulo ng
Pilipinas sa Timog-Silangang Asya ay pawang mga tanyag
na pulo sa Asya.

KAPULUAN - binubuo ng maraming pulo

Ang kapuluan ng Pilipinas na nasa Timog-


Silangang Asya na may mahigit pitong libong mga pulo.
Samantala, ang bansang Indonesia ang pinakamalaking
kapuluan sa daigdig na may humigit-kumulang na 17,000
pulo.

IBA’T IBANG URI NG ANYONG TUBIG SA ASYA


May malaking bahaging ginampanan ang mga anyong tubig sa mga nakatira
sa Asya. Kaya naman ating tunghayan ang mga halimbawa.

KARAGATAN - pinakamalaking bahagi ng tubig

Matatagpuan sa hilaga ng Asya ang Karagatang


Artiko na pawang nagyeyelong karagatan. Sa timog na
bahagi naman ang Karagatang Indian at sa Silangang
bahagi naman ang Karagatang Pasipiko, ang
pinakamalawak na karagatan sa buong mundo.

9
DAGAT - mas maliit at nakadugtong sa karagatan na may
bahagi na nakadikit sa lupa
Sa silangan ng Asya ay matatagpuan ang mga East
China Sea, Japan Sea, Bering Sea, West Philippine Sea.

ILOG - uri ng katubigang karaniwang nagmumula sa


kabundukan at umaagos patungo sa ibang ilog, lawa o
dagat

Ang mga ilog ng Tigris at Euphrates, Indus at


Huang Ho ay nagsilbing lunduyan ng mga sinaunang
kabihasnan ay pawang matatagpuan sa Asya.

GOLPO - anyong tubig at bahagi ng dagat na pinaliligiran


ng lupa

Ang mga Golpo ng Oman, Golpo ng Thailand at


Golpo ng Persia ay ilan lamang sa mga golpo na
matatagpuan sa Asya.

LAWA - isang anyong tubig na pinapalibutan ng lupain

Mayroong apat na katangi-tanging lawa ang


matatagpuan sa Asya. Ang Caspian Sea ang
pinakamalaking lawa sa mundo. Ang Lake Baikal ang
pinakamalalim na lawa, ang Dead Sea ang pangalawa sa
pinakamaalat na anyong tubig sa buong daigdig at ang Aral
Sea ang pinakamalaking lawa sa Asya.

Ating tunghayan ang mga pakinabang na dulot ng mga anyong lupa at anyong
tubig sa pamumuhay ng mga Asyano sa pamamagitan ng graphic organizer.

10
ANG MGA VEGETATION COVER NG ASYA

VEGETATION/BEHETASYON – uri o dami ng mga halaman sa isang lugar tulad ng


pagkakaroon ng kagubatan o damuhan ay epekto ng klima nito.

Steppe Prairie Savanna

Sa Hilagang Asya, ang katangiang pisikal ng kapaligiran nito ay ang


pagkakaroon ng malawak na damuhan o grasslands na nahahati sa tatlong uri:

1. STEPPE – uri ng damuhang may ugat na mabababaw o shallow-rooted


short grasses. Maliliit lamang ang damuhan sa lupaing ito dahil
tumatanggap lamang ito ng 10-13 pulgada ng ulan. Mayroong mga steppe
sa Mongolia gayundin sa Manchuria at Ordos Dessert sa Silangan Asya.
2. PRAIRIE – ang lupaing may damuhang matataas na malalim ang ugat o
deeply-rooted tall grasses. Sa hilagang bahagi ng mga steppe ng Russia at
Manchuria at maging sa Mongolia matatagpuan ang prairie.
3. SAVANNA – lupain ng pinagsamang mga damuhan at kagubatan na
matatagpuan sa Timog Silangang Asya partikular sa Myanmar at
Thailand.
Ang mga taong naninirahan sa mga steppe, prairie at savanna ay kadalasang
nakatuon sa pagpapastol at pag-aalaga ng mga hayop tulad ng baka at tupa na
pinagkukunan nila ng lana, karne at gatas. Ang mga lambak-ilog at mabababang
burol ay ginagawa nilang pananinam.

11
Samantala nahahati naman sa tatlong uri ang kagubatan:

Taiga Tundra Tropical Rainforest

1. BOREAL FOREST/ TAIGA (ROCKY MOUNTAINOUS TERRAIN) ay matatagpuan


sa Hilagang Asya partikular na sa Siberia. Coniferous ang mga kagubatang ito
bunsod ng malamig na klima dahil sa presipitasyon na maaaring nasa anyong
yelo o ulan.
2. TUNDRA / TREELESS MOUNTAIN TRACT. Sa bahagi ng Russia at sa Siberia
matatagpuan ito. Kakaunti ang mga halamang tumatakip at halos walang puno
sa lupaing ito dahil sa malamig na klima. Ang lupaing malapit sa baybayin ng
Arctic Ocean ang saklaw ng behetasyon ito.
3. TROPICAL RAINFOREST. Sa Timog-Silangang Asya at sa mga bansang nasa
torrid zone ang biniyayaan ng mainam na klima nito na halos may pantay na
panahon ng tag-ulan at tag-araw.

KLIMA – Ang karaniwang panahon o average weather na


nararanasan ng isang lugar sa loob ng mahabang
panahon.

MONSOON – Mga hanging nagtataglay ng ulan ay isang bahagi ng klima na


may matinding epekto sa lipunan at iba pang salik ng pamumuhay ng tao lalo’t higit
yaong mga nasa Silangan at Timog-Silangang Asya. Depende sa lakas ng bugso nito,
ito ay maaaring magdulot ng parehong kapakinabangan at kapinsalaan.
Direksyon ng umiiral na hangin

AMIHAN o Northeast Monsoon HABAGAT o Southwest Monsoon

Nagmumula ang hangin sa Siberia Nagmumula sa karagatan


patungong karagatan patungong kontinente

12
Ang Pilipinas ay nakalatag sa Timog-
Silangang Asya at madalas na dinaraanan ng
Hanging Amihan at Hanging Habagat.
Maaaring nakakabuti sa mga magsasaka ang
madalas na pag-ulan ngunit may mga hindi
rin magandang naidudulot ito.

Dahil sa lawak ng Asya matatagpuan


dito ang lahat ng uri ng klima at panahon.
Narito ang isang talahanayan na nagpapakita
ng iba’t ibang uri ng klima sa mga rehiyon ng
Asya. Basahin at unawain mo itong mabuti.

MGA URI NG KLIMA SA ASYA

REHIYON KATANGIAN NG KLIMA


Sentral Kontinental. Mahaba ang taglamig at
Hilagang Asya malaking bahagi ng rehiyon ay hindi kayang tirahan
ng tao dahil sa sobrang lamig.

Hindi palagian ang pagbabago ng klima.


Maaaring magkaroon ng labis o di kaya’y
Kanlurang Asya katamtamang init o lamig ang lugar na ito. Bihira at
halos hindi nakararanas ng ulan ang malaking
bahagi ng rehiyon.

Iba-iba ang klima sa loob ng isang taon.


Mahalumigmig kung Hunyo hanggang Setyembre,
Timog Asya taglamig kung buwan ng Disyembre hanggang
Pebrero, at kung Marso hanggang Mayo, tag-init at
tagtuyot. Nananatiling malamig dahil sa niyebe o
yelo ang Himalayas at ibang bahagi ng rehiyon.

Monsoon climate ang uri ng klima sa rehiyon.


Dahil sa lawak ng rehiyong ito, ang mga bansa rito
Silangang Asya ay nakararanas ng iba’t ibang panahon; mainit
para sa bansang nasa mababang latitude, malamig
at nababalutan ng yelo ang ilang bahagi.

Halos lahat ng bansa sa rehiyon ay may


Timog-Silangang Asya klimang tropikal. Nakakaranas ang mga ito ng
tag-init, taglamig, tag-araw at tag-ulan.

13
ANG PACIFIC RING OF FIRE

Ipinapakita ng larawan ang mga bulkang


nakapalibot sa Pacific Ring of Fire.

Ang Pilipinas ay nakalatag sa isang malawak na sona na kung tawagin ay


Pacific Ring of Fire, o Circum-Pacific Seismic Belt. Ang lugar na ito ay nagtataglay
ng maraming hanay ng mga bulkan, kasama na ang mga Bulkang Mayon, Pinatubo,
Taal. Ang pagsabog ng mga bulkan ay kadalasang nagdudulot ng paglindol o
paggalaw ng lupa na nagbubunsod naman ng mga pagbabago sa pisikal na porma
ng anyong lupa at anyong tubig. Tinatayang 81% ng mga pinakamalakas na lindol
na mundo ay nagaganap dito. Sinasabing noong araw pa man bago maisulat ang
kasaysayan, ang karamihan sa mga anyong lupa at anyong tubig sa daigdig ay
hinubog at binigyang porma dulot ng mga pagyanig mula sa pagsabog ng bulkan.

Magaling! Ngayon ay handa ka na upang magsagot ng mga pagsasanay batay


sa iyong mga natutuhan. Magpatuloy ka.

14
Pagyamanin

A. PinakaBar Mo Ako!

Panuto: Pagsunud-sunurin ang mga kontinente ng daigdig ayon sa sukat


nito mula sa pinakamalaki hanggang sa pinakamaliit at ilagay ang
numero sa loob ng bar graph ng mga nasabing kontinente. Tingnan ang
unang halimbawa. Isulat mo ang sagot sa sagutang papel.

KONTINENTE Mga Kontinente


7
1. Africa
6 2. Antarctica
3. Asya
5
4. Australia
4 3 5. Europe
6. North America
3 7. South America
2

1 2 3 4 5 6 7

B. Kelan naging tama ang mali?

Panuto: Basahin nang mabuti ang tanong at isulat ang salitang OO kung ito ay may
katotohanan at HINDI kung walang katotohanan. Isulat mo ang sagot sa sagutang
papel.
_________1. Ang salitang heograpiya ay tumutukoy sa paglalarawan ng daigdig.

_________2. Kapag ba sinabing kontinente ay pinakamaliit na masa ng lupain sa


daigdig?

_________3. Totoo bang ang mga lokasyong bisinal, insular at solar ay mga
pamamaraan ng pagtukoy ng lokasyon ng isang lugar?

_________4. Ang tiyak nga bang kinaroroonan ng Asya ay 10° Timog hanggang 90°
Hilagang latitude at mula sa 11° hanggang 175° Silangang longitude?

_________5. Ang Asya nga ba ay tinatayang 31% o halos isang-katlo (1/3) ng


kabuuang lupain sa daigdig?

15
C. Cross my Heart, Na Puzzle ako!

Panuto. Kumpletuhin ang crossword puzzle. Gamiting gabay ang mga


tanong sa ibaba. Isulat mo ang sagot sa sagutang papel.

Pababa Pahalang
1. Ito ay ang pinakamataas na anyong 2. Ang tawag sa hanay ng mga bundok
lupa. (Halimbawa: Himalayas, Hindu Kush
(Halimbawa: Mt. Everest, K2
at Ural Mountain)
Mountain at Mt. Kanchenjunga)
3. Isang bundok na nagbubuga ng 6. Pinakamalaking bahagi ng anyong
nagbabagang bato, usok o iba pang tubig
materyal galing sa ilalim ng lupa. (Halimbawa: Pasipiko, Artiko at
(Halimbawa: Fuji, Mayon, Pinatubo) Indian)
4. Anyong lupa na napaliligiran ng 8. Uri ng katubigang karaniwang
tubig. nagmumula sa kabundukan at
(Halimbawa: Borneo, Sumatra, umaagos patungo sa ibang ilog,
Pilipinas) lawa o dagat
5. Tigang na lupaing natatabunan ng (Halimbawa: Tigris at Euphrates,
buhangin Indus at Huang Ho)
(Halimbawa: Gobi, Taklimakan at 9. Isang anyong tubig na
Kara Kum) pinapalibutan ng lupain
(Halimbawa: Caspian Sea, Lake
7. Mas maliit at nakadugtong sa
Baikal at Dead Sea)
karagatan at may bahagi na
nakadikit sa lupa
(Halimbawa: East China Sea, Japan
Sea, Bering Sea, West Philippine Sea)
10. Ito ay binubuo ng maraming pulo
(Halimbawa: Pilipinas at Indonesia)

16
D. Iba ang may alam sa sariling bayan!
Panuto: Hanapin sa Hanay B ang angkop na anyong lupa/tubig na nasa sa Hanay
A na makikita sa Gitnang Luzon. Isulat ang sagot sa patlang.

Hanay A Hanay B
_____1
.
A. Ilog
Halimbawa: Ilog Pampanga

_____2
. B. Kapatagan
Halimbawa: Bulacan Ricefields

_____3
.
C. Bulubundukin
Halimbawa: Sierra Madre

_____4
. D. Lawa
Halimbawa: Mt. Pinatubo
Crater Lake

_____5 E. Bundok
.
Halimbawa: Mt. Samat

17
E. Challenge Accepted!
Panuto: Pumili sa loob ng kahon ng tamang sagot ng katangian ng
vegetation cover sa Asya at ilagay ang TITIK sa ibabang kahon ng
larawan. Samantala, isulat ang katangian ng behetasyon sa patlang.
Gawing halimbawa ang nasa unang bilang.

a. Klima – Mainam d. Coniferous


b. Halaman – Kaunti e. Malalim na ugat
c. Damuhan at Kagubatan f. Mababaw na ugat

d. Klima – Mainam d. Coniferous


e. Halaman – Kaunti e. Malalim na ugat
f. Damuhan at Kagubatan f. Mababaw na ugat

1. Steppe: mababaw
f. 2. Savanna: ____________ 3. Prairie: __________
na ugat

4. Taiga: _________ 5. Tundra: ___________ 6. Rainforest: _______

F. Tuwing umuulan ay kapiling ka


Panuto: Pumili sa loob ng ulap ng tamang sagot para sa tanong at isulat sa patlang.

Klima Monsoon
Habagat Amihan
Sona Bulkan
Hangin Tectonic
Ulan Temperatura
Pacific Ring of Fire

_____________ 1. Ang tawag sa karaniwang panahon o average weather na


nararanasan ng isang lugar sa loob ng mahabang panahon.
_____________ 2. Antas ng init o lamig ng kapaligiran.

18
_____________ 3. Ito ay nabubuo kapag ang mga patak ng tubig ay nalalaglag sa
lupa galing sa mga ulap.
_____________ 4. Ito ay halo-halong mga gas at bumubuo sa atmospera ng mundo.
_____________ 5. Ito ay hanging nagtataglay ng ulan.
_____________ 6. Ang Pilipinas ay isa sa mga bansang nakalatag sa isang malawak
na sona na nagtataglay ng maraming hanay ng mga bulkan na
kadalasang nagdudulot ng paglindol at paggalaw ng lupa.

_____________ 7. Paggalaw ng malalaking mga bato na nakapatong sa isa’t isa, ito


ay gumagalaw ng 2 pulgada sa loob ng isang taon.

_____________ 8. Tinatawag din na Northeast Monsoon na nagmumula sa Siberia


ang hangin patungong karagatan (kaliwa).

_____________ 9. Tinatawag ding Southwest Monsoon na nagmumula sa karagatan


patungong kontinente.

_____________ 10. Anyong lupa na nagbubuga ng apoy.

Isaisip

Dugtungan Na!
Panuto: Gumawa ng hanggang tatlong pangungusap upang makumpleto
ang sumusunod na pahayag at makabuo ng isang ideya o konsepto.

1. Aking nalaman na ang pag-aaral ng katangiang pisikal ng Asya ay nakakaapekto


sa pamumuhay ng mga Asyano sapagkat _____________________________________
___________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

19
Isagawa

Timbangin Natin Mga Lods!


Panuto: Punan ang tsart. Magbigay nang mabuti at hindi mabuting
epekto sa pamumuhay ng mga Asyano ang mga sumusunod na paksa o
sitwasyon.

MABUTING EPEKTO PAKSA MASAMANG EPEKTO

Pagkakaroon ng monsoon

Pagsabog ng mga bulkan

Pagkakaroon ng mga anyong


lupa at tubig sa lugar.

Tayahin

Mahuli Taya!

Panuto: Basahin at sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Piliin ang


titik ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Isang katangiang pisikal ng kapaligiran sa Hilaga o Gitnang Asya ay ang


pagkakaroon ng malawak na damuhan o grasslands. Alin sa mga uri ng
grasslands ang may damuhang matataas at malalalim ang ugat na nasa ilang
bahagi ng Russia at Manchuria?
A. prairie B.savanna C.steppe D. tundra

20
2. Kung ang Kanlurang Asya ay bihira ang ulan at sa Hilagang Asya naman ay
mahaba ang taglamig at maigsi ang tag-init, ano naman ang katangian ng klima
sa Timog-Silangang Asya?
A. Ang mga bansa sa rehiyon ay nakararanas ng tag-init, taglamig, tag-araw
at tag-ulan.
B. May mainit na panahon sa ilang bahagi at may mga bahagi ng rehiyon na
nababalutan ng yelo.
C. Mahalumigmig, taglamig, tag-init at tagtuyot ang nararanasan sa rehiyong
ito sa iba’t ibang buwan sa loob ng isang taon.
D. Sobrang lamig sa rehiyon at hindi kayang panirahan ng tao.

3. Ang China ay kilalang nagtataglay ng malalawak na lambak-ilog na


pinasasagana pa ng Huang Ho River at Yangtze River. Alin sa mga sumusunod
na gawain ang maaaring nakatulong sa paglinang ng ekonomiya ng bansa?
A. agrikultura C. pagmimina
B. pangingisda D. pagtotroso

4. Ito ay ang karaniwang panahon o average weather na nararanasan ng isang


lugar sa loob ng mahabang panahon.
A. Klima B. Temperatura C. Hangin D. Monsoon
5. Ano ang kontinenteng may pinakamalaking sukat?
A. Africa B. Europa C. Asya D.Australia

6. Bakit tinawag na “orient” ang kontinente ng Asya ng mga sinaunang


manlalakbay?
A. Sapagkat ito ay nasa gawing silangan ng Europe
B. Sapagkat ito ay nasa gawing kanluran ng Europe
C. Sapagkat ito ay nasa gawing timog ng Europe
D. Sapagkat ito ay nasa gawing hilaga ng Europe

7. Paano nababago ng pagsabog ng mga hanay ng bulkan ang kapaligiran na


matatagpuan sa Pacific Ring of Fire?
A. Ang paglindol at paggalaw ng lupa ay nagbubunsod ng pagbabagong
pisikal ng anyong lupa at tubig.
B. Ang pagbaha sa tabing dagat ay dahilan para lumikas ang mga tao
C. Ang pagbitak ng mga lupa ay dahilan ng pagkamatay ng mga puno
D. Ang paglakas ng hangin ay dahilan ng pagkasira ng mga tahanan

8. Alin sa mga sumusunod ang HINDI KABILANG sa pagkakaroon ng kaugnayan


ng vegetation cover sa pamumuhay ng mga tao sa Asya?
A. Kung ang mga tao ay nakatira sa pinagsamang damuhan at kagubatan,
sila ay nakatuon sa pagpapastol na pinagkukunan ng karne at gatas.
B. Kung ang mga tao ay nakatira sa may mainam na klima, sila ay nakatuon
sa pagtotroso.
C. Kung ang mga tao ay nakatira sa malamig at nagyeyelong lugar ay marami
makakapagtanim sila para sa pagsasaka.
D. Kung ang mga taong nakatira sa kagubatan, sila ay nakatuon sa pagkuha
ng mga halamang gamot.

21
9. Ang mga sumusunod ay mga kilalang bulkan sa Asya MALIBAN sa
A. Mt. Mayon ng Pilipinas C. Mt. Krakatoa ng Indonesia
B. Mt. Fuji ng Japan D. Ural Mountain ng Russia
10. Si Nash ay nakatira malapit sa dagat, ano sa palagay mo ang kaugnayan ng
dagat sa buhay niya?
A. Ang pamumuhay ni Nash at mga kapitbahay niya ay mangingisda.
B. Ang pamumuhay ni Nash at mga kapitbahay niya ay mangtotroso.
C. Ang pamumuhay ni Nash at mga kapitbahay niya ay magsasaka.
D. Ang pamumuhay ni Nash at mga kapitbahay niya ay mangangalakal.
11. Si Rey ay may planong mamasyal kasama ang pamilya sa Ilog Pampanga ngunit
nakita niyang makulimlim ang kalangitan. Ano ang kaniyang gagawin?
A. Sabihin sa pamilya na ipagpaliban na lang dahil may parating na malakas
na ulan.
B. Itutuloy ang balak dahil wala ng ibang panahon.
C. Aalis ng maaga at uunahan ang ulan sa lugar na pupuntahan.
D. Pupunta sa lugar at habang umuulan ay makikipagselfie na lang sa
pamilya.
12. Si Albert ay nakatira malapit sa Angat Dam sa Bulacan. Alin sa mga sumusunod
ang hindi niya pwedeng gawin sa kanilang lugar?
A. Maligo araw-araw.
B. Uminom ng malinis na tubig
C. Maglaba araw-araw.
D. Manguha ng halamang gamot.
13. Ang Pilipinas ay binubuo ng humigit-kumulang na pitong-libong mga pulo.
Paano ito nakakaapekto sa paghubog ng ating kultura bilang Pilipino?
A. Dahil sa layo-layo ng mga pulo at ng mga taong naninirahan dito ay
nakabuo ng iba’t-ibang kultura.
B. Dahil sa layo-layo ng mga pulo at ng mga taong naninirahan dito ay hindi
naging hadlang para magkaisa ng paniniwala.
C. Dahil sa layo-layo ng mga pulo at ng mga taong naninirahan dito ay
dumami rin ang mga nasasakupan ng kanilang teritoryo.
D. Dahil sa layo-layo ng mga pulo at ng mga taong naninirahan dito ay
nakakapamasyal ang mga tao sa iba’t ibang lugar.

14. Ang mga halimbawa ay nagpapakita ng magandang ugnayan ng mga Asyano sa


kanyang kapaligiran MALIBAN sa
A. Nakakapamasyal ang mga turista sa iba’t-ibang bansa sa Asya dahil sa
karagatan.
B. Nakakapagtanim ng mga palay ang mga Pilipino tuwing tag-ulan.
C. Nagiging tanyag ang Asya sa magagandang tanawin dahil dulot ng
pagputok ng mga bulkan sa Pacific Ring of Fire.
D. Pananatili ng mga tao sa loob ng bahay bunga ng Covid-19 pandemic.

22
15. Ano ang magandang epekto ng kaugnayan ng kapaligiran sa iyo bilang isang
mag-aaral?
A. Nagiging masayahin sa araw-araw.
B. Nagiging mabait sa kapitbahay.
C. Nagiging masunurin sa magulang.
D. Nagiging mapanuri sa mga nangyayari sa kapaligiran.

Magaling! Ako ay lubhang nagagalak sapagkat hindi mo


sinukuan ang unang paksa sa ating modyul. At handa ka ng
harapin ang mga susunod na paksa sa ating modyul. Kung
iyong nanaisin, maaari mong ipagpatuloy ang pagsasagot sa
karagdagang gawain na mas magpapalalim sa iyong pag-unawa
sa aralin. Muli ang aking pagbati!

Karagdagang Gawain

Ikaw ay napili ng iyong paaralan upang lumahok sa poster making contest ng


mga iba’t ibang paaralan. Gumawa ka ng isang poster na naglalarawan ng lugar na
iyong tinitirahan at ipakita ang kaugnayan ng mga tao sa kaniyang kapaligiran,
gayundin ang kahalagahan nito sa iyo bilang isang mag-aaral. Maaaring gumamit
ng krayola sa pagbuo nito. Ano ang hinuha mo dito sa iyong poster? Ipaliwanag.

23
RUBRIK SA PAGTATAYA NG POSTER
Iskala ng Pagmamarka:
Di- Katanggap-
Kahanga-hanga
Kraytirya Pangkaraniwan tanggap Pagtatangka
3
4 2 1
1.Paksa Angkop na May kaugnayan May maliit na Walang
angkop at sa paksa kaugnayan kaugnayan
eksakto ang
kaugnayan sa
paksa

Gumamit ng Gumamit ng Makulay subalit Hindi makulay


maraming kulay kulay na may hindi tiyak ang at walang
2.Pagkamallikhain na may bahagyang kaugnayan kaugnayan sa
kaugnayan sa kaugnayan sa paksa
paksa paksa

3.Kalidad Makapukaw Makatawag Pansinin ngunit Di-pansinin, di-


interes at pansin di-makapukaw makapukaw ng
tumitimo sa isipan interes at isipan
isipan

4.Kalinisan Maganda,malinis Malinis Ginawa ng Inapura ang


at kahanga- apurahan ngunit paggawa at
hanga ang di-marumi marumi
pagkagawa

4 – 100 : Di-pangkaraniwan

3 – 90 : Kahanga-hanga

3 – 80 : Katanggap-tanggap

1 – 70 : Pagtatangka

24
25
SUBUKIN BALIKAN PAGYAMANIN A PAGYAMANIN C
1 A 1 3 1.Bundok
1 Timog-Silangang Asya
2 1 2.Bulubundukin
2 B 2 Hilagang Asya 3.Bulkan
3 6
3 A 3 Kanlurang Asya 4.Pulo
4 7
4 C 5.Disyerto
4 Timog Asya 5 2 6.Karagatan
5 D 5 Silangang Asya 6 5 7.Dagat
6 B 7 4 8.Ilog
6 Timog-Silangang Asya
7 C 9.Lawa
10.Kapuluan
8 A TUKLASIN
9 D Sukat, hugis, PAGYAMANIN B
anyo,lawak,
10 C 1 OO
kinaroroonan,klima,
11 B 1 behetasyon 2 HINDI
12 D 2 Orient 3 HINDI
13 A 3 Absolute 4 OO
14 A 4 Bisinal 5 OO
15 D 5 Insular
6 Pacific Ring of Fire
PAGYAMANIN E PAGYAMANIN F
PAGYAMANIN D
1 Klima
1 C 1 F mababaw na ugat
2 A 2 Temperatura
2 C damuhan at kagubatan 3 Ulan
3 D
4 B 3 E malalim na ugat 4 Hangin
5 E 5 Monsoon
4 D coniferous
6 Pacific Ring of Fire
5 B halaman - kaunti 7 Tectonic
8 Amihan
6 A klima - mainam
9 Habagat
10 Bulkan
TAYAHIN
1 A 9 D ISAISIP/
ISAGAWA/
2 A 10 A KARAGDAGANG
3 B 11 A GAWAIN
4 A 12 D
-Maaaring
5 C 13 A magkakaiba ang
6 A 14 D sagot ng mag-
aaral
7 A 15 D
8 C
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
"BALS: The World According To Map". Learning Resource Management and
Development System, 2014. https://lrmds.deped.gov.ph/pdf-view/6458.

Blando, Rosemarie C., et.al., 2014. Araling Panlipunan: ASYA: Pagkakaisa sa Gitna
ng Pagkakaiba. 1st ed. Pasig City, Philippines: Department of Education
Bureau of Learning Resources.

"K To 12 Gabay Pangkurikulum Araling Panlipunan Baitang 1-10". Department of


Education, 2016. https://www.deped.gov.ph/wp-content/uploads/2019/01
/AP-CG.pdf.

"Most Essential Learning Competencies (MELCs)". Learning Resource Management


and Development System, 2020. https://lrmds.deped.gov.ph/pdf-
view/18275.
"Project EASE Modyul 1: Heograpiya Ng Daigdig". Learning Resource Management
and Development System, 2014. https://lrmds.deped.gov.ph/pdf-view/6035.
"Project EASE: Araling Panlipunan II - Heograpiya Ng Asya". Learning Resource
Management and Development System, 2014.
https://lrmds.deped.gov.ph/pdf-view/6012.

26
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Region III


Learning Resource Management Section (LRMS)
Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)

Telephone Number: (045) 598-8580 to 89

E-mail Address: region3@deped.gov.ph

You might also like