heograpiya? Bakit mahalagang pag-aralan ang Heograpiya ng daigdig? Ano ang masasabi ninyo sa sa posisyon ng daigdig sa solar system? Isa ang daigdig sa walong planetang umiinog sa isang malaking bituin, ang araw. Bumubuo sa tinatawag na solar system ang mga ito. Ang lahat ng buhay sa daigdig – halaman, hayop, at tao – ay kumukuha ng enerhiya mula sa araw. Gayon, halos lahat sa kalikasan at kapaligiran – mula sa hangin, alon, ulan, klima, at panahon – ay naaapektuhan ng araw.Mahalaga rin ang sinag ng araw sa mga halaman upang mabuhay at maganap ang photosynthesis. Samantala, ang mga halamang ito ay nagbibigay ng oxygen na mahalaga sa lahat ng nilalang. Ang pagkakaroon ng buhay sa daigdig ay masasabing dulot ng tiyak na posisyon nito sa solar system, patunay na ang pag-inog nito sa sariling aksis at ang paglalakbay paikot sa araw Ang daigdig ay may plate o malalaking masa ng solidong bato na hindi nananatili sa posisyon. Sa halip, ang mga ito ay gumagalaw na tilang mga bansang inaanod sa Mantle Paano nakakaapekto ang mga plate sa pagbabago ng hitsura ng ibabaw ng daigdig? Napakabagal ng paggalaw ng mga plate na Sa katunayan, umaabot lamang sa 5 sentimetro (2 pulgada) bawat taon. Gayunpaman, ang paggalaw at ang pag-uumpugan ng mga ito ay napakalakas at nagdudulot ng mga paglindol, pagputok ng mga bulkan, at pagbuo ng mga kabundukan tulad ng Himalayas. Ito rin ang makapagpapaliwanag kung bakit sa loob ng milyon-milyong taon, ang posisyon ng mga kontinente sa daigdig ay nagbabago-bago. Ang daigdig ay may apat na hating globo (hemisphere) . Ang Northern Hemisphere at Southern Hemisphere na hinahati ng equator, at ang Eastern Hemisphere at Western Hemisphere na hinahati ng Prime Meridian Longitude at Latitude Sa pagtatakda ng lokasyon ng isang lugar sa globo o mapa, mahalagang mabatid ang ilang termino at konseptong may malaking kaugnayan dito. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng longitude at latitude ng isang lugar, maaaring matukoy ang lokasyon nito sa globo o mapa sa paraang absolute, astronomical, o tiyak. Ang equator Tinatawag na ang humahati latitude angsa globo sa hilaga at timog distansyang angular hemisphere sa pagitan ngo hemispero. Ito rin ay dalawang parallel itinatakdang zero o patungo sa hilaga degree timog nglatitude. equator. Ang Tropic of Capricorn Cancer angang ay pinaka pinakadulong dulong bahagi ng Southern Northern Hemisphere na direkta direktang ring sinisikatan sinisikatan ng ng araw. Matatagpuan Makikita ito saito 23.5o sa 23.5o hilaga timog ng ng equator. equator Bilang isang mag-aaral ano ang iyong maiimungkahing batas na maaring makatulong sa pangangalaga at pagpapanatiling maayos ang ating daigdig? Ang daigdig ang tanging planeta sa solar system na kayang makapagpanatili ng buhay. Ang malaking bahagi ng ating planeta ay may kaaya-ayang atmospera at sapat na sinag ng araw. 1. Kung patuloy ang pangingibang bansa ng mga Pilpino para maghanap-buhay at manirahan na rin at patuloy ang paglago ng turismo, ano ang maaaring dulot nito sa bansa sa aspetong kultural. A. Mapapalakas nito ang aspetong cultural ng mga Pilipino. B. Maaaring maging dahilan ito ng pagkawala o paghina ng kulturang Pilipino. C. Wala gaanong maidudulot ito sa paglakas at paghina ng kulturang Pilipino. D. Magkakaroon tayo ng pagbabagong bihis ng kulturang Pilipino. 2. “ Ang USA ay matatagpuan sa kanlurang hemispiro partikular sa kontinente ng Hilagang Amerika”. Anong tema ng heograpiya ang sumasaklaw sa pangungusap sa itaas? A. paggalaw B. rehiyon C. lugar D. interaksyon ng tao at kapaligiran 3. “ Masasabing ang kultura ng mga Amerikano ay produkto ng napakaraming kultura”. Anong pangungusap ang makapagbibigay patunay dito? A. Maraming mga lahi ang nandarayuhan dito para maghanap ng hanap-buhay at manirahan. B. Ginaya ng mga Amerikano ang paraan ng pamumuhay ng mga mayayamang bansa. C. Binago ng mga Amerikano ang mga lumang kultura nila at pinalitan ng makamodernong kultura. D. Inayos ng mga Amerikano at ang ating kultura 4. Kristiyanismo ang opisyal na relihiyon ng mga Pilipino. Anong tema ng heograpiya ang sumasaklaw sa pangungusap sa itaas? A. paggalaw B. rehiyon C. lugar D. interaksyon ng tao at kapaligiran 5. Palagiang dinadalaw ng bagyo ang Pilipinas lalo na ang Batanes. Ano ang naging epekto nito sa kanilang pamumuhay? a. Sila ay lalong naging madasalin b. Sila ay naging matatakutin c. Sila ay lalong naging masipag d. Natuto silang magtipid at mag-impok 1.A 2.C 3.C 4.B 5.D Takdang Gawain Paghambingin ang kalagayan ng Daigdig Noon at Ngayon gamit ang Venn Diagram.