You are on page 1of 13

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III

Por
tfoli
o
In
Aral
Isinumite ni:
Name :_____________________________________
Grade and Section:___________________________

ing Isinumite kay :


______________

Panl
AP Teacher

ipu
nan
Panuto: Sagutin ang mga katanungan sa ibaba, hanapin ang mga salita sa pinaghalong letra at ito ay
bilugan. Kopyahin at sagutin ito sa iyong sagutang papel.

1. Paraan ng mga Espanyol sa pananakop sa pamamagitan ng pakikipagkaibigan na iinom ng alak ang


lokal na pinuno at pinunong Espanyol na hinaluaan ng kani-kanilang dugo.

2. Mataas ang paghahangad ng mga Kanluranin na makakuha ng mga bagay na ito na matatagpuan sa
Moluccas

3. Patakaran na ipinatupad ng mga Espanyol sa Pilipinas na sapilitang pinagtratrabaho ang mga


kalalakihang edad 16 hanggang 60.

4. Relihiyong ipinalaganap ng mga Espanyol sa Pilipinas na isa rin sa paraan na ginamit sa pananakop.

5. Ito ang pagkontrol ng mga kanluranin sa kalakalan.

Sagutin:

1. Ano ang kahalagahan ng paglalakbay ni Magellan? Ipaliwanag

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

2. Paano nakatulong ang Kristiyanismo upang mapasunod ang mga Pilipino? Ipaliwanag ang yong
kasagutan. ____________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

3. Tama ba ang ginawang pakikipagkaibigan ng mga lokal na pinuno sa mga Espanyol? Bakit?

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
Pag-unlad ng Nasyonalismo sa China

Nagsimula ang kawalan ng kontrol ng China sa kaniyang bansa nang matalo ito sa Great Britain sa
Unang Digmaang Opyo (1839 – 1842) at sa Great Britain at France noong Ikalawang Digmaang Opyo
1
(1856 – 1860). Bunga nito, nilagdaan ang Kasunduang Nanking (1843) at Kasunduang Tientsin (1858)
na naglalaman ng mga probisyong hindi patas para sa mga Tsino.

Upang ipahayag ang kanilang pagtutol mula sa panghihimasok ng mga dayuhan, nagsagawa ng
dalawang rebelyon ang mga Tsino. Ito ay ang Rebelyong Taiping (Taiping Rebellion) noong 1850 at
Rebelyong Boxer (Boxer Rebellion) noong 1900.

Rebelyong Taiping

Pinamunuan ito ni Huang Hsiu Ch’uan (Hongkong Xiuquan) noong Disyembre 1850 hanggang Agosto
1864 sa Timog China, sa paglalayong mapabagsak ang dinastiyang Qing na pinamunuan ng mga
dayuhang Manchu.

Rebelyong Boxer

Sumiklab ito noong 1899 sa pangunguna ng samahang I-ho Chu’an o Righteous and Harmonius Fists
na taglay ang kasanayan sa gymnastic exercise. Bukod sa pagtuligsa sa korupsiyon sa pamahalaan,
ang pangunahing layunin ng rebelyong ito ay patalsikin ang lahat ng mga dayuhang nasa bansa,
kabilang na ang mga kanluranin

Ang China sa Gitna ng Dalawang Magkatunggaling Ideolohiya Ang pagsisimula ng ika-20 siglo ay
nangangahulugang pagpasok ng dalawang magkatunggaling ideolohiya sa China. Lumaganap sa
bansa ang ideolohiya ng demokrasya at komunismo. Ito ay nagdulot ng pagkakahati ng bansa at
naghudyat ng tunggalian ng mga pinunong Tsinong nagsusulong ng demokrasya at komunismo.

Itinatag ni Sun Yat-Sen ang Partido Kuomintang o Nationalist Party noong 1912. Naging batayan ng
kanyang pamumuno ang paggamit ng konsiliasyon (conciliation) at pagkakasundo (compromise)
upang maiwasan ang alitan at maisulong ang kaunlaran ng bansa. Naniniwala rin siyang dapat
pagtuunan ng pansin ang regulasyon ng puhunan (regulation of capital) at pantay-pantay na pag-aari
ng lupa (equalization of land ownership). Higit sa lahat, hindi naniniwala si Sun Yat-Sen na kailangan
ang tunggalian ng mga uri o class struggle upang makamit ang pagkakaisa, kaayusang panlipunan, at
kaunlarang pang-ekonomiya.

Ideolohiyang Komunismo sa China Ang pagpasok nito ay nagsimula noong 1918 at naging tanyag ang
komunismo sa China sa pamumuno ni Mao Zedong na nanggaling sa pamilya ng magbubukid sa
probinsiya ng Hunan. Sinuportahan at isinulong ni Mao ang mga prinsipyo ng komunismo tulad ng
tunggalian ng uring manggagawa o proletariat laban sa uri ng kapitalista o bourgeois.

Nasyonalismo sa Indonesia

Mga Makabayang Samahan sa Indonesia Ang mga patakarang pang-ekonomiyang ipinatupad ng mga
Dutch tulad ng culture system at pagkontrol sa mga sentro ng kalakalan ay nagkaroon ng negatibong
epekto sa kabuhayan ng mga Indones. Lahat ng kapakinabangan sa mga nabanggit na patakaran ay
napunta sa mga mananakop na kanluranin.
Gawain A Panuto: Basahin mo at unawain ang mga pahayag. Ayusin mo ang mga nakahalong letrang
kumakatawan sa konseptong ipinaliliwanag ng bawat pangungusap. Isulat mo ang sagot sa iyong
2
sagutang papel.

_______________1. ONSYLNAAIMSO – Ito ay isang damdamin ng pagmamahal sa bayang


naipamamalas sa pamamagitan ng pagtatanggol sa kalagayan nito.

_______________2. ELERBNYOG XREOB – Ang mga naghimagsik ay miyembro ng samahang


Righteous and Harmonius Fists, at may kasanayan sa gymnastic exercise.

_______________3. NIKOMUMOS – Ito ang ideolohiyang naging tanyag sa China na isinulong ni Mao
Zedong.

_______________4. DER MYRA – Ito ang tawag sa mga komunistang sundalong Tsino.

_______________5. TAKEARS ALMIS – Ito ang makabayang samahang itinatag upang isulong ang
kabuhayan ng mga Indones.

_______________6. KINHATN – Ito ang tawag sa mga miyembro ng samahang All-Burma Students’
Union na nangangahulugang master.

_______________7. URECULT TYSEMS – Ito ay tumutukoy sa patakarang pang-ekonomiyang


ipinatupad ng mga Dutch sa Indonesia na nagkaroon ng negatibong epekto sa kabuhayan ng mga
Indones.

_______________8. UNKADUASNG NAAGKAWA – Sa bisa nito ay tinanggap ng mga Hapones ang


mga kanluranin sa pamumuno ni Emperador Mutsuhito.

_______________9. SULIADTRO – Ang grupong ito ang nagpasimula sa pagpapamalas ng


nasyonalismong Pilipino at nagtatag ng Kilusang Propaganda.

_______________10. ROLSWADR – Sila ang mga nagmamay-ari ng lupang may sariling sandatahang
lakas.

Panuto: Lumikha ka ng isang picture collage na binubuo ng mga larawang hindi bababa sa lima (5)
ang bilang, at sa iyong palagay ay nagpapakita ng masidhing pagmamahal sa bayan. Ang kalakip na
rubrics na matatagpuan sa ibaba ay maaaring magsilbing gabay mo para sa itinakdang gawain. Gawin
mo ito sa iyong sagutang papel.
3
Picture collage

4
Paglaya ng China

 Dahil sa kasikatan ng produktong China sa Europe, hinangad ng mga Europeo na makipagkalakalan


sa China na sa kalaunan ay naging dahilan ng paghahangad na makontrol ang lupain nito. Ang
pagkatalo ng China sa Digmaang Opyo ay naging daan ng ‘dimakatuwirang kasunduan at
pagkakaroon ng Sphere of influence ng mga bansang Europeo sa teritoryo ng China.

 Tatlong uri ng nasyonalismo ang umusbong. Una ay ang Nasyonalismong Tradisyonal na ang
layunin ay paalisin ang mga kanluranin at ang impluwensiya nito na pinangunahan ng samahang
boxers: Ang pangalawa ay ang nasyonalismong may impluwensiya ng kanluran na ang layunin ay
maging republika ang China yakap ang Ideyolohiyang demokratiko na pinangungunahan ni Dr. SunYat

5
Sen at Chiang Kai-shek: at ang pangatlo ay ang Nasyonalismong may impluwensiya ng komunismo na
pinangunahan ni Mao Zedong.

Paglaya at pagkakahati ng Korea

Unti-unting nasakop ng Japan ang Korea na ginawang basemilitar at pilit na itinaguyod ang kanilang
kabihasnan. Bunsod nito, maraming pagtatangkang ginawa ang Korea upang mapatalsik ang mga
Hapones. Napabilis ito pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig kung saan natalo ang mga
Hapones.

Paglaya ng Indonesia

Nakamit ng Indonesia ang kalayaan noong Agosto 17, 1945 sa pamumuno ni Achmed Sukarno sa
pamamagitan ng rebolusyon laban sa mga Olandes.

Paglaya ng Burma

Nakamit ng Burma ang kalayaan noong Enero 4, 1948 sa pamumuno ni U NU bilang punong Ministro
ng Republika ng Burma na kalaunan ay inilipat kay Heneral Ne Win na isang diktador militar. Bilang
pinuno ng mga hukbong armado, pinairal niya ang ideolohiyang Myanmar way to socialism kung saan
kinukumpiska ng pamahalaan ang anomang negosyo at pangkalakalan, bangko, at mga pribadong ari-
arian.

Paglaya ng Pilipinas

Nakamit ng Pilipinas ang paglaya noong Hunyo 12, 1898 sa pamumuno ni Heneral Emilio Aguinaldo.
Nakipagsabwatan ang mga Amerikano sa Pilipino upang matalo ang mga Espanyol sa Digmaang
Espanyol-Amerikano kung saan natalo ang mga Espanyol. Inakala ng pamunuan ni Aguinaldo na aalis
na ang mga Amerikano sa Pilipinas at ipauubaya na ang pamumuno sa Pilipino kaya idineklara ang
kalayaan at nagtatag ng isang demokratikong pamahalaan.
6
7
Japan

 Naging kakaiba ang nasyonalismo ng Japan, pinasimulan ito ni Emperador Mutsuhito na siyang
namuno sa panahon tinawag na Meiji Restoration.

 Westernisasyon at Modernisasyon- pagyakap sa impluwensya ng mga Kanluranin.

 Marami ang mga Hapones na tumungo sa Europa upang mag-aral. Natutuhan mula sa Germany
ang sentralisadong pamahalaan, ginawang modelo ang konstitusyon nito. Ang kahusayan at
pagsasanay sa mga sundalo ay natutuhan mula sa mga British. Sistema ng Edukasyon ay ginaya mula
sa US

North Korea at South Korea-

Komunismo at Demokrasya Nagkaroon ng PROXY WAR sa pagitan ng North Korea at South Korea
noong kasagsagan ng Cold War

Si Kim Il-Sung ang pinuno ng Demokratikong Republikang Makabayan ng Korea na karaniwang


tinatawag na Hilagang Korea mula sa pagtatag nito noong 1948 hanggang sa kanyang pagkamatay
noong 1994. Siya rin ang pinuno ng Partido ng Mga Manggagawa ng Korea mula 1949 hanggang
1994. Siya ang nagpasimuno ng paglusob sa Timog Korea noong 1950 na siyang naging hudyat ng
pagsimula ng Digmaang Koreano.

Walang nagwagi at nagresulta lamang ito sa pagkamatay ng maraming sundalo at pagkawasak ng


industriya ng dalawang bansa

Vietnam

Nahati ang Vietnam sa 17th parallel. Nabuo ang Hilagang Vietnam na pinamunuan ni Ho Chi Minh at
ang Timog Vietnam sa pamumuno ni Bao Dai. Naging magkatunggali ang dalawang Vietnam dahil sa
pagkakaiba ng ideolohiya. Ang Hilagang Vietnam ay sumuporta sa komunismo samantalang ang
Timog Vietnam ay naniniwala sa demokrasya.

Nauwi ang hidwaan sa digmaan na kilala bilang Vietnam War na nagsimula noong 1945.

Myanmar

Sosyalismo ang ideolohiya ng Myanmar. Ang Burmese Way sa Sosyalismo (kilala rin bilang ang
Burmese Road sa Sosyalismo) ay tumutukoy sa ideolohiyang sosyalista ng pamahalaan sa Burma,
1962-1988, nagkaroon ng kudeta noong 1962 na pinangunahan ni Ne Win at ang kanyang militar
upang alisin si U Nu mula sa kapangyarihan. Pinairal ni U Nu ang ideolohiyang Myanmar way to
socialism kung saan kinukumpiska ng pamahalaan ang anumang negosyo at pangkalakalan, bangko,
at mga pribadong ari-arian.

Pilipinas

Ang Philippine Democratic Socialist Party ay itinatag noong May 1, 1973 sa pangunguna ni Norberto
Gonzales. Nanguna rin ang partidong ito sa pag-aalsa ng mga Pilipino noong EDSA Revolution noong
1986

Kung babalikan ang kasaysayan, itinatag ang kilusang Propaganda na ang layunin ay maging pantay
ang pagtingin ng mga Espanyol sa mga Pilipino at makamit ang kalayaan sa paggamit ng mapayapang
paraan, ang paggamit ng panulat. Naging tapapagtaguyod sa kilusang ito ay sina Jose Rizal, Graciano
Lopez Jaena, Mariano Ponce, at Marcelo H. Del Pilar.

8
COLD WAR

 Labanan ng ideolohiya; alitan sa pagitan ng mga bansa na hindi naman ginagamitan ng pwersa

 Demokrasya at kapitalismo laban sa komunismo

 Sosyalismo laban sa kapitalismo

 Ginawang popular ni Walter Lippman, isang Amerikanong mamamahayag, manunulat, reporter, at


komentarista sa pulitika na tanyag na maging isa sa mga unang nagpakilala sa konsepto ng Cold War.

Laos at Cambodia

PATHET LAO ang itinawag sa mala-komunistang grupo na umangkin sa Hilagang Laos Kasama ang
Pro-Western Rightist na pinamunuan nina Heneral Phoumi Nosavan at Prinsipe Souvanna sa
pakikipag-agawan upang makontrol ang bansa Ang resulta ng pag-aagawan ay ang pagbagsak ng
monarkiya matapos mahulog ang Timog Vietnam at Cambodia sa mga komunista

Nang iwan ng mga Pranses ang Laos, hindi sila natahimik, nagkaroon ng pagkakahati ng mga
kumikiling sa mga komunista at sa ibang panig ng Royal Government
Gawain A

Panuto: Basahin ang sumusunod na salaysay. Isulat sa iyong sagutang papel kung ang bawat bilang ay
9
nagpapahayag ng Ideolohiya o Nasyonalismo.

__________ 1. Sa sistemang ito kung saan tumutukoy sa patakarang pangekonomiya at pag-iipon ng


capital.

__________ 2. Dito hinubog ng mga bansa sa Silangan at Timog-Silangang Asya ang kanilang paglaya.

__________ 3.Ang mga tao ay nagising ang kamalayan sa naranasang hirap sa kamay ng mga
kanluranin.

__________ 4. Ito ay nakabatay sa pantay, sama-sama at makataong pamamalakad.

__________ 5. Nagsimula sa mga ideya at kaisipan na nagpasimula ng kanilang adhikain sa paglaya

Gawain B

Panuto: Hanapin ang sagot sa loob ng kahon. Sagutin ang sumusunod sa iyong sagutang papel.
Sosyalismo Komunismo Demokrasya Cold War Ideolohiya

__________ 1. Pagnanais ng kapitalista na magkaroon ng malaking tubo, ginigipit niya ang mga
manggagawa sa pamamagitan ng mababang pagpapasahod.

__________ 2. Lipon ng mga kaisipang pinaniniwalaan at pinanghahawakan ng maraming tao na


kumikilos ayon sa mga ideya, simulain, prinsipyo o paniniwala na napapaloob dito

__________3. Labanan ng ideolohiya; alitan sa pagitan ng mga bansa na hindi naman ginagamitan ng
pwersa.

__________ 4. Ideolohiyang tutol sa kapitalismo. Ito ay nakabatay sa pantay, sama-sama at


makataong pamamalakad

__________ 5. Ideolohiyang nagpapatamasa sa lahat ng pantay na karapatan pinamumunuan ng


isang kinatawan sa pamamagitan ng halalan

Panuto: Punan ang patlang nang wastong salita upang mabuo ang diwa ng pangungusap tungkol sa
mga ideolohiya, nasyonalismo at mga kilusang nasyonalista. Gamitin ang mga pagpipiliang mga sagot
na nasa ibaba.

Ang (1)______ ay ang agham ng mga ideya o kaisipan. Maituturing din itong pamantayan at gabay ng
mga (2)_____ kung paano nila pamamahalaan ang kanilang nasasakupan. Sa ideolohiyang
(3)_______, ang kapangyarihan ay nasa kamay ng mga mamamayan. Ang mga nasasakupan ay may
karapatang magsalita laban sa gobyerno at magtalaga ng bagong mamumuno sa pamamagitan ng
(4)________. Ang bansang (5)________ ay tumangkilik sa ideolohiyang ito. Sa bansang China,
dalawang magkatunggaling ideolohiya ang lumaganap sa pangunguna ni (6)______ ay isinulong niya
ang ideolohiyang demokrasya at si (7) _________ naman ang nagtaguyod ng komunismo. Iba naman
ang naging tugon ng ilang bansa upang makamit ang hangaring mapalaya sa mga (8)________. Ang
pag-usbong ng (9)__________ sa ilang bansa sa Asya na magkaroon ng damdaming makabayan ang
naging hakbang sa pagkamit nila ng kalayaan. Sa bansang Indonesia, isinagawa ang kanilang
pakikibaka para sa kalayaan sa pagtatatag ng mga(10)______________. Sa Vietnam naman,
pinamunuan ni (11)__________ ang Hilagang Vietnam at si Bao Dai ng(12) ________. Ang bansang
Korea ay naglaban dahil din sa magkasalungat na ideolohiya, tinawag na(13) ________ ang labanan
nila. Kayat nahati ito sa dalawang bansa, ang North Korea sa impluwensiya ng (14) _________ at
(15)______________ sa impluwensiya naman ng Amerika. Ang lahat ng mga bansa sa Silangan at
Timog-Silangang Asya ay naghangad ng kalayaan sa pananakop ng mga dayuhang mananakop.

Kunan, i-print at idikit ang iyong mga larawan habang ginagawa ang
portfolio
11

You might also like