You are on page 1of 1

Ikaw Ang Bayani Ko

I kaw ang lumalaban ng di nakitaan

Ng kahit na katiting lang na bakas ng kahinaan


Kahit pa nga sariling buhay ay handa ninyong ialay
Maski pa mahal sa buhay ay panandaliang mawalay

Kami’y ligtas ngayo,napakalayo sa sakit


Dahil sa tulad niyong lubos kung magmalasakit
Pangako na tutuparin munting hiling niyo sa amin
Kami ay manatili sa bahay ,itoy lilipas din

Aking ika’y tutulaan ,hindi mo man hiling


Upang gumaan iyong damdamin
Saludo at pagpupugay nais naming iparating
Dasal naming kayo’y ligtas at pagpalain

Wala kang medalya,gawad,o parangal


Na maitatampok sa gitna ng altar
Ngunit may dambana ang inyong larawan
Sa puso ng madlang napaglilingkuran

You might also like