You are on page 1of 3

“IMPENG NEGRO”

Rolegio Sikat

Isang masipag na bata,

May mabuting puso at gawa,

Kung gaano kabigat ang baldeng dala,

Ay siyang bigat ng pansan niyang di kta.

Tunay na siya ay lumaking kakaiba,

Ngunit damdamin niya’y nahubog tulad ng iba,

Mga salitang humuhila sa kanya pababa,

Pilit na nilalabanan upang maging masaya.

Sadyang umiiwas, sadyang nakikibagay,

Lahat ginawa upang makaiwas sa away,

Bagkus tayo ang kanyang maging gabay,

Dahil pagmamahal ang tunay na buhay.


“DEKADA ‘70”
Lualhati Bautista

Sa kamay ko’y ikaw ay bumitaw,

Upang tahakin ang buhay na iyong natatanaw,

Tanging puso ko pa lamang ang nasugatan,

‘Di handing tanggapin ang tunay mong tahanan.

Pinahiram kita upang maging malaya,

Makamit ang buhay na iyong tinatamasa,

Doo’y nahubog ka sa lupit ng buhay,

Karatula at baril ang iyong kinakaway.

Pilit ko’ng ipinaglaban ang tama,

Nahanap ko ang reyalidad sa likod ng mga pasa,

Tiniis ko ang nakaraang dekada sesenta,

Ipinaglaban kita at ang demokrasya.


“DEAD STARS”
Paz Maquez Benitez

Hanggang ngayon ika’y nasa aking isipan,

Bakit ‘di ko nasabi noon pa man,

Upang malaman ang mga kasagutan,

At mapayapa ang aking kalooban.

Natutunan kong magbigay ng kahulugan,

Matapos Makita ang mga bituin sa kalangitan,

Umaapoy ang iyong kagandahan,

Ngunit ang pagmamahal ko’y walang kaliwanagan.

Minamahal man kita’y ‘di masabi,

Nais maibalik ang panahong di mabawi,

Sa kamay ng aking kabiyak kung maaari’y,

Lumisan at sabihing ikaw ang aking pinili.

You might also like