You are on page 1of 6

PANUNURING PAMPANITIKAN

(FILIPINO 108)

KALIPUNAN NG MGA SINURING AKDA NG MAY-AKDA

IPINASA KAY:
PROF: CARMELA ONG

IPINASA NI:
SHIELA MAE M. YARAN

MAY 25,2018
PAGTATAPAT
(Lope K. Santos)

Ibig kong kung ikaw ay may iniisip ay mabayaran ko ng libong pangako;


sa ulo mo'y ako ang buong masilid; Nasa kong sa bawat luha mong tumulo
Ibig kong kung iyang mata'y tumititig ay mga labi ko ang gamiting panyo.
sa balintataw mo ako'y mapadikit;
Ibig kong tuwi mong bubukhin ang bibig Nais kong sa aklat ng aking pagsinta
ang labi ko'y siyang lumasap ng tamis; ang ngalan ng lumbay ay huwag mabasa;
Ibig kong sa bawat pagtibok ng dibdib Nais kong sa mukha ng ating ligaya
bulong ng dibdib ko ang iyong marinig. batik man ng hapis ay walang makita;
Nais kong ang linis ng ating panata'y
Hangad kong kung ikaw'y siyang nag-uutos huwag marungisan ng munting balisa;
akung-ako lamang ang makasusunod; Nais kong sa buhay ng ating pag-asa'y
Hangad kong sa iyong mga bungang-tulog walang makatagpong anino ng dusa.
kaluluwa ko lang ang makapupulot;
Hangad kong sa harap ng iyong alindog Mithi kong sa lantang bulaklak ng nasa'y
ay diwa ko lamang ang makaluluhod; hamog ng halik mo ang magpapasariwa;
Hangad kong sa altar ng iyong pag-irog Mithi kong sa minsang pagsikat ng tala
kamanyang ko lamang ang naisusuob. ay wala nang ulap na makagambala;
Mithi kong ang tibay ng minsanang sumpa'y
Nasa kong kung ikaw'y may tinik sa puso mabaon ko hanggang tabunan ng lupa;
dini sa puso ko maunang tumimo; Mithi kong kung ako'y mabalik sa wala
Nasa kong ang iyong tampo't panibugho'y ay sa walang yao'y huwag kang mawala.
maluoy sa halik ng aking pagsuyo;
Nasa kong ang bawat hiling mong mabigo
“Ang Guryon”
ni Ildefonso Santos

Tanggapin mo, anak, itong munting guryon


na yari sa patpat at papel de Hapon;
magandang laruang pula, puti, asul,
na may pangalan mong sa gitna naroon.
Ang hiling ko lamang, bago paliparin
ang guryon mong ito ay pakatimbangin;
ang solo’t paulo’y sukating magaling
nang hindi mag-ikit o kaya’y magkiling.
Saka pag sumimoy ang hangin, ilabas
at sa papawiri’y bayaang lumipad;
datapwa’t ang pisi’y tibayan mo, anak,
at baka lagutin ng hanging malakas.
Ibigin mo’t hindi, balang araw ikaw
ay mapapabuyong makipagdagitan;
makipaglaban ka, subali’t tandaan
na ang nagwawagi’y ang pusong marangal.
At kung ang guryon mo’y sakaling madaig,
matangay ng iba o kaya’y mapatid;
kung saka-sakaling di na mapabalik,
maawaing kamay nawa ang magkamit!
Ang buhay ay guryon: marupok, malikot,
dagiti’t dumagit, saanman sumuot…
O, paliparin mo’t ihalik sa Diyos,
bago pa tuluyang sa lupa’y sumubsob!
Putol
ni Michael Coroza

May kanang pang putol


sa tambakan
ng basura.
Naka-Niké.

Dinampot
ng basurero.
Kumatas
ang dugo.

Umiling-iling
ang basurero’t
bumulong, “Sayang,
wala na namang kapares.
MAILA
ni Paul del Rosario
Kagabi win ang beauty ko (May lawit, gaga!)
Talagang ang drama'y MISS U
Ako yata ang nanalo
Yes, Madir, Ms. Gay Retiro

Shalbog silang lahat, Mama


Sa emote kong Dayanara
Sa national costume pa lang
Hitsura na'y Puerto Rican

Sa talent portion, abay bongga rin


Ate Guy aking n-acting
"Walang Himala" shout aketch

Crayola lahat ang backless

At syempre pa, best in swimsuit


Mga hin nga'y sutsot ng sutsot
Ang hirap talaga, Tita
Kapag ubod ka ng ganda

Kagabi, win ang beauty ko


Pero ano ba ang premyo?
Ngayong palabas ay wa na
Ako pa ri'y isang Maila

You might also like