You are on page 1of 3

Kulang ang Kahapon at Bukas Annalyn Madali Magmula pa sa aking kahapon Isang kahapong wari ay tulad ngayon Ikaw

na nga sinta ang noon ay kaylayo Ang ninais kong makasuyo Hindi man noon tanaw ng iyong puso Ang dati kong pagsuyo, Umasa na dumating ang isang tulad ng ngayon Sa piling mo aking sinta ay naging tunay ang isang kahapon Ngunit kulang ang ating kahapon, Kulang pa rin ang bukas Maipadama lamang sa iyo aking sinta Ang saya at ligaya na aking nadama Sa bawat kahapon, ngayon at bukas Sa piling mo aking sinta... ANG BANTAYOG Bartolome del Valle. May isang bantayog sa liwasangbayan, nililok sa marmol, magandat matibay, ang bawat magdaay lubos ang paghanga sa bagong bantayog ng isang dakila.

ANG VALENTINE KO Aniceto Silvestre. AKO ay naghanda ng puting tarheta, sa gitnay may pusong mapulangmapula; itoy kasimputi ng aking panata, itoy kasindugo ng aking pagsinta. MAY lunti pang lasong ditoy nakakabit, kulay ng pag-asat aking pananalig; ang laman ng diwat kumakabang dibdib ay nakalimbag ding mga gintong titik. AKING isinulat ang iyong pangalang singyumit sintamis ng iyong kariktan; nilagdaan ko rin ng aking palayaw na nasa bigkas mo kung may kabuluhan. PARANG puso ko rin huwag kang mamangha itoy hindi biro, itoy hindi daya; ang inaasam ko ay puso ring sutla, sa pag-asang yaoy puso mong dakila. Sa araw ng puso nasa kalendaryo pusong pulang sutla ay para sa iyo; alin pa ang langit kapag nanagano sa rosas mong labit dibdib na mabango. Sa masayang araw at hanging maaya, ang sinugong pusoy sasaiyong ganda; itoy magsasabing sa tuwa at dusa, ang Valentine koy ikaw walang iba!

Nagdaan ang araw, linggo, buwan, taon, ang bagong bantayog ay luma na ngayon, inulat inaraw, dumupok, nabasag, hanggang sa madurog ay walang lumingap.

Ang tanging bantayog na di-magigiba ay gawa ng pusong mapagkawanggawa,

MANGGAGAWA Jose Corazon de Jesus


Bawat palo ng martilyo sa bakal mong pinapanday alipatong nagtilamsik, alitaptap sa kadimlan; mga apoy ng pawis mong sa Bakal ay kumikinang tandang ikaw ang may gawa nitong buong Santinakpan. Nang tipakin mo ang bato ay natayo ang katedral nang pukpukin mo ang tanso ay umugong ang batingaw, nang lutuin mo ang pilak ang salapi a lumitaw, si Puhunan ay gawa mo, kaya ngayon'y nagyayabang. Kung may ilaw na kumisap ay ilaw ng iyong tadyang, kung may gusaling naangat, tandang ikaw ang pumasan mula sa duyan ng bata ay kamau mo ang gumalaw hanggang hukay ay gawa mo ang krus na nakalagay. Kaya ikaw ay marapat dakilain at itanghal pagkat ikaw ang yumari nitong buong Kabihasnan..... Bawat patak ng pawis mo'y yumayari ka ng dangal, dinadala mo ang lahi sa luklukan ng tagumpay. Mabuhay ka nng buhay na walang wakas, walang hanggan, at hihinto ang pag-ikot nitong mundo pag namatay.

Isang Dipang Langit


Amado V. Hernandez Ako'y ipiniit ng linsil na puno hangad palibhasang diwa ko'y piitin, katawang marupok, aniya'y pagsuko, damdami'y supil na't mithiin ay supil. Ikinulong ako sa kutang malupit: bato, bakal, punlo, balasik ng bantay; lubos na tiwalag sa buong daigdig at inaring kahit buhay man ay patay. Sa munting dungawan, tanging abotmalas ay sandipang langit na puno ng luha, maramot na birang ng pusong may sugat, watawat ng aking pagkapariwara. Sintalim ng kidlat ang mata ng tanod, sa pintong may susi't walang makalapit; sigaw ng bilanggo sa katabing moog, anaki'y atungal ng hayop sa yungib. Ang maghapo'y tila isang tanikala na kala-kaladkad ng paang madugo ang buong magdamag ay kulambong luksa ng kabaong waring lungga ng bilanggo. Kung minsa'y magdaan ang payak na yabag, kawil ng kadena ang kumakalanding; sa maputlang araw saglit ibibilad, sanlibong aninong iniluwa ng dilim.

Kung minsan, ang gabi'y biglang magulantang sa hudyat - may takas! - at asod ng punlo; kung minsa'y tumangis ang lumang batingaw, sa bitayang moog, may naghihingalo. At ito ang tanging daigdig ko ngayon bilangguang mandi'y libingan ng buhay; sampu, dalawampu, at lahat ng taon ng buong buhay ko'y dito mapipigtal. Nguni't yaring diwa'y walang takothirap at batis pa rin itong aking puso: piita'y bahagi ng pakikilamas, mapiit ay tanda ng di pagsuko. Ang tao't Bathala ay di natutulog at di habang araw ang api ay api, tanang paniniil ay may pagtutuos, habang may Bastilya'y may bayang gaganti. At bukas, diyan din, aking matatanaw sa sandipang langit na wala nang luha, sisikat ang gintong araw ng tagumpay... layang sasalubong ako sa paglaya!

Pusong makopa. Tadyang na kawayan. Mga matang walang alipato ni alitaptap. Marak na pisnging may dusing ng maghapon. Naunsiyaming bibig na humihigop ng labnaw. Butuhang kamay na nagdidildil ng alat. Iluwag nang itanong kung sino siya. Sapat nang sabihing siyay isang musmos Na kinamatayan ng sinapupunang pinagmulan At ng rnagsasakang sa kanyay nagpunla Sa sinapupunang yaon. Huwag, huwag Nang ita kung sino siya. Ang dapat Isipiy kung paanong mabubudburan ng kutitap Aug kanyang mga maiungkuting balintataw, Kung paano madaramtan ng ginhawa Ang nag-usling tadyang na kawayan, Kung paano mapalulukso sa tuwa Ang nababansot na pusong makopa, Kung paano magiging ligat ang Iabnaw, Kung paano magiging linamnam ang alat Na kanyang hinihigop at dinidili Sa isang madilim na sulok ng kahirapan. Pag naisip mo ito at naisagawa, Saka mo na itanong ang kanyang pangalan.

LARAWAN NG ISANG ULILA

You might also like