You are on page 1of 43

PAGSULAT NG

BALITA

Inihanda ni:
Bb. Shaine Maiko Marigocio
Katuturan ng Balita
Ang balita ay
napapanahon at
makatotohanang ulat ng
mga pangyayaring
naganap na, nagaganap at
magaganap pa lamang.
Ito ay maaaring maibahagi sa
pamamaraang pasalita, pasulat at
pampaningin.
Pasalita
kung ang ginawang midyum ay ang
radio at telebisyon;
Pasulat
kung ito ay ipinalimbag sa pahayagan
at iba pang uri ng babasahin; at
Pampaningin
kung ang midyum ay ang telebisyon
at sine.
Mga Katangian ng Balita
Kawastuhan
-ang mga datos ay inilahad nang walang
labis, walang kulang
Katimbangan
inilahad ang mga datos na walang
kinikilingan sa alinmang panig na
sangkot.
Makatotohanan
ang mga impormasyon ay tunay at
aktuwal at hindi gawa-gawa lamang.
Kaiklian
- ang mga datos ay inilahad nang
diretsahan, hindi maligoy.
Kahalagahan ng Balita
1. Nagbibigay-impormasyon
Ang kakabaihang regular na
natutulog nang mas kokonti pa sa pitong
oras gabi-gabi ay may mas mataas na
panganib sa pagtaas ng presyon ng
dugo, ayon sa isang bagong pag-aaral.
2. Nagtuturo
Ang relaxation techniques ay isang
mabuting paraan para labanan ang
stress at mapanatili ang magandang
kalusugan.
3. Lumilibang
Siyempre naman, nag-aalala ako
nang malaman ko na kinagat ng pusa si
Gladys Reyes sa presscon ng My Only
Love. Nakakaloka ang pusa dahil gumawa
ito ng sariling eksena para mapansin siya.
4. Nakapagpapabago
Matapos na masangkot sa anomalya
ang mga pulis ng Manila Police District-
Station Anti Illegal Drugs, iniutos ni
Manila Mayor Alfredo Lim ang pagbalasa
sa 11 police station ng Manila Police
District ( MPD).
Mga Sangkap ng Balita

Ang isang balita ay nagiging balita


lamang kung ito ay nakakapukaw
ng interes ng mga tagapakinig o
mambabasa. Kaya maaaring
sabihing ang anumang
kaganapan na balita para sa isa
ay hindi balita para sa iba.
Narito ang mga sangkap ng balita na
maaaring makapagbigay ng interes sa
mga tagapakinig at mambabasa.

Kapanahunan
- Ito ay bago pa lamang nangyari o
maaaring matagal nang nangyari ngunit
ngayon lamang natuklasan.
Kalapitan
- Mas interesado ang mga tagapakinig o
mambabasa na malaman ang nagyayari
sa kanilang paligid opamayanan kaysa sa
malalayong lugar.
Kabantugan
-Tumutukoysa pagiging prominente
o sa pagiging kilala ng taong
sangkot sa pangyayari.
Kakatwahan o Kaibahan
- Mga pangyayaring di karaniwan
tulad halimbawa ng isang tao na
nangagat ng aso o ng isang hayop
na dalawa ang ulo.
Tunggalian
- Ito ay tumutukoy hindi lamang sa laban
ng tao laban sa kapwa tao, maaari itong
pakikibaka ng tao laban sa kalikasan o
ng tao laban sa kaniyang sarili.

Makataong Kawilihan
- Ito ay tumutukoy sa mga pangyayaring
nakapupukaw sa ibat-ibang uri ng
emosyon ng tao: pag-ibig, poot
,simpatiya, inggit at iba pa.
Romansa at Pakikipagsapalaran
- Tinatalakay dito hindi lamang ang buhay
pag-ibig ng isang tao katulad ng
mga artista kundi ang pakikipagsapalaran
din ng mga ordinaryong tao
tulad ng pagliligtas ng batang si Rona
Mahilum sa kaniyang mga kapatid sa
nasusunog nilang bahay.
Pagbabago at Kaunlaran
- Anumang pagbabago at kaunlarang
nangyayari sa pamayanan aynangyayari sa
pamayanan ay maaaring paksain ng balita
tulad ng pagpapatayo ng mga bagong
gusali, mga kalsada, pamilihang bayan at
iba pa.
Bilang o Estadistika
- Halimbawa nito ay ang mga ulat ukol sa
pananalapi, resulta ng eleksyon at iba pa.
Pangalan -
- Tumutukoy sa mga pangalang nasasangkot sa
balita tulad ng mga nakapasa sa mga board
examinations.
Hayop
- Halimbawa nito ay ang mga bagong inakay ng
Philippine Eagle mula sa itlog na nabuo sa
pamamagitan ng artipisyal inseminasyon.
Kalamidad
- Kapag nagkaroon ng malakas na bagyo, lindol,
pag- putok ngbulkan at iba pa, karaniwang
pinapaksa ng balita ang mga pinsalang dulot nito.
Mga Uri ng Balita
A. Ayon sa istilo ng pagkalahad ng datos
1. Tuwirang Balita
- Diretsahan ang pagkahanay ng mga
datos at ginagamitan ng
kombenkombensyonal o kabuurang
pamatnubay.
2. Pabalitang Lathalain
- Hindi diretsahan ang paglalahad ng
datos at ginagamitan ng makabagong
pamatnubay.
B.Ayon sa lugar na pinangyarihan
1. Lokal na Balita
Kung ang kinasasaklawan ng
pangyayari ay sa pamayanang
kinabibilangan o tinitirhan ng
tagapakinig o mambabasa.
a. pambarangay b.panlalawigan
c. pambayan d. panrehiyon
e. panlunsod f. pambansa
2. Balitang Pang-ibang Bansa
C. Ayon sa nilalaman
Pang-agham at teknolohiya
Pangkaunlarang komunikasyon
Pang-isports o pampalakasan
D. Ayon sa pinagbabatayan o pinagku
kunan
1. Batay sa aksyon
Ang manunulat / mambabalita
ay naroon mismo sa lugar na
pinangyarihan ng aksyon o
pangyayari.
2. Batay sa Tala
Kung ang pinagbabatayan
ng balita ay mga talang nakalap mula
sa talaan ng pulisya, ospital at iba
pang ahensya.
3. Batay sa Talumpati
Kung ang pinagkukunan ng datos ay
ang talumpati ng mga kilalang tao.
4. Batay sa pakikipanayam
Kung ang mga datos ay nalikom sa
pamamagitan ng pakikipanayam sa
mga taong sangkot o may alam sa
pangyayari
E. Ayon sa pagkakaayos o pagkakaanyo
sa pahina
1.Balitang may iisang tala
Tumatalakay sa iisang pangyayari
lamang.
2. May maraming talang itinampok
Naglalahad ng higit sa isang
pangyayari na naganap sa iisang
araw at halos magkaparehong oras.
3. Balitang Kinipil
Balitang pinaikli nalamang dahil sa
kawalan ng espasyo.
4. Dagliang Balita
Pahabol na balita na dahil kawalan ng
espasyo ay nilagyan na lamang ng
salitang flash at kasunod nito ang
isang linya o talatang nilalaman.
5. Balitang pangkatnig
Maikling balita na isinulat ng hiwalay
ngunit kaagaapay sa kaugnay na
pangunahing balita.
6. Bulitin
Habol at karagdagan sa mahalagang
balita at inilagay sa pangmukhang
pahina na nakakahon at nasa tipong
mariin.
F. Ayon sa pagkakalahad ng nilalaman
1. Balitang pamukaw-kawilihan
Karaniwang maiikling balita tungkol sa
tao, bagay, hayop na umaantig sa
damdamin ng mambabasa.
2. Balitang nagpapakahulugan
Nagpapaunawa sa mambabasa tungkol
sa dahilan, saligan, katauhan,
katauhanng mga pangunahing sangkot
at kahalagahan ng isang pangyayari.
Ang Pamatnubay
Pamatnubay
Ang tawag sa una at pangalawang
talata ng balita. Nagsisilbi
itong pang-akit sa mga
mambabasa dahil ito ang pinakabu
od ng balita. Sa akdang lathalain o
pabalitang lathalain, ito
ay maaaring isang salita, parirala,
pangungusap o isang talata.
Mga Uri ng Pamatnubay
1.Kombensyonal o Kabuuurang
Pamatnubay
Sinasagot nito ang mga tanong na Ano?,
Sino?, Saan?, Kailan?, Bakit? at Paano?
Ang balita ay inilalahad sa baligtad
napiramide kung saan ang mga
mahahalagang ay nasa una at
pangalawang talata. Karaniwang
ginagamit ito sa tuwirang balita.
2. Makabagong Pamatnubay
Ginagamitan ng pangganyak na
panimula ang akda upang
akitin ang mambabasang
basahin ang kabuuan nito.
Karaniwang ginagamit ito sa
pagsulat ng Pabalitang
Lathalain.
Mga Uri ng Kombensyonal na
Pamatnubay
1. Pamatnubay na Ano
Kung ang pinakatampok sa balita ay ang
pangyayari.
Halimbawa:
Isang lindol ang yumanig sa lalawigan ng
Sorsogon at Masbate na ikinamatay ng
tatlong tao at ikinasira ng mga bahay at g
usali kahapon ng madaling araw.
2. Pamatnubay na Sino
Kung higit na pinakatampok ang tao o
organisasyong
kasangkot sa pangyayari.
Halimbawa:
Binawi ni Nueva Vizcaya Rep. Rodolfo
Agbayani, kasapi ng LDP ang kaniyang
pirma sa impeachment complaint na
inihain ng oposisyon, kahapon, matap
os itong katayin sa komite.
3. Pamatnubay na Saan
Kung higit na mahalaga ang lugar na
pinangyarihan kaysa sa gawain o tao na
kasangkot dito.
Halimbawa:
SaNaga City ginanap ang 2009 National
Schools Press Conference na dinaluhan
ng mga batang manunulat sa buong
bansa
4. Pamatnubay na Kailan
Hindi gaanong gamiting pamatnubay
dahil ginagamit lamang ito
kung higit na mahalaga ang petsa kaysa
sa iba pang aspeto ng mga pangyayari.
Halimbawa:
Hanggang sa Abril 18 na lamang ang
palugit na ibinigay ng BIR para
sapagababayad ng buwis sa taunang kita.
5. Pamatnubay na Bakit
Kung ang dahilan o sanhi ng pangyayari
ang pinakamahalaga.
Halimbawa:
Upang mapalawak at madaling
maipaabot sa mga mamamayan ang
mga serbisyo ng pamahalaan, inilunsad
ng Sangguniang Panlunsod ng
Quezon sa pamumuno ni Mayor Sonny
Belmonte ang City Hall sa Barangay.
6. Pamatnubay na Paano
Kung ang kaparaanan ng pangyayari
ang pinakamabisang anggulo na dapat
itampok.
Halimbawa:
Nagkunwaring naghahanap ng
mapapasukan, isang babae ang
tumangay ng malaking halaga ng salapi
at mga alahas ng isang ginang sa
Lunsod ng Baguio, pagkatapos itong
tanggapin bilang katulong.
Sa pagpapasya kung aling uri ng
kombensyonal na pamatnubay ang
itatampok,dapat munang alamin
ng manunulat kung aling
anggulong balita ang higit na
mahalaga. Kapag parehong
matimbang ang Ano at Sino,
unang itatampok ang Sino
dahil higit na mahalaga ang tao
kaysa sa mga bagay at pangyayari.
Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng
mabisang Pamatnubay:
1. Gumamit ng payak na pangungusap.
2. Huwag isulat ang lahat ng kasagutan sa
mga tanong na Ano, Sino, Saan, Kailan,
Paano at Bakit sa isang pangungusap
lamang, kung ito ay makasisira sa
kaisipan ng talata at makalilito sa
mambabasa. Alalahaning ang
pangalawang talata ay pamatnubay
rin.
3. Huwag uliting gamitin ang
mahalaga o di-
karaniwang salita sa isang
pangungusap.
4. Iwasan ang pag-uulit ng mga
sugnay, parirala at mga iba pang
katulad nitong gramatikong
kayarian.
Mga Hakbang sa Pagsulat ng Balita
1. Isulat kaagad ang balita matapos
makalap.
2. Itala ang mga datos ayon sa pababang
kahalagahan.
3. Unahing itampok ang
pinakamahalagang datos bilang
pamatnubay.
4. Ibigay ang buong pangalan ng
taong awtoridad o pinagkunan ng
datos at kaniyang katungkulan. Sa
muling pagbanggit sa kanya ay gamitin
na lamang ang G. at apelyido ng lalaki
at Bb. o Gng. at apelyido ng babae o
anumang titulo na angkop sa kanya.
5. Iwasang magbigay ng opinyon sa
balita.
6. Maging tumpak sa paglalahad ng
datos.
7. Gawing maikli ang talata.
8. Gumamit ng mga payak na salita.
9. Gawing maiikli ang pangungusap at pag-iba-
ibahin ang haba nito.
10. Gamitin ang pangungusap na tukuyan kaysa
sa balintiyak.
11. Isulat ang tuwiran at di tuwirang sabi sa
magkahiwalay na talata.
12. Ilahad ang dalawang panig ng mga taong
sangkot sa balita.
13. Gawing pasalita ang bilang 1 hanggang 9 at
gawing tambilang ang 10 pataas.
Kaayusan ng Balita
Ang kaayusan ng paglalahad ng
mga datos sa balita ay sumusunod
sa baligtad na piramide tulad ng
nasa ibaba:
Ang kaayusang baligtad na piramide ay
nakatutulong sa mga sumusunod na
dahilan:
1.Napapadali ang pagbabasa.
Karaniwan sa mga mambabasa ay
abala, kung kaya ang paglagay ng mga
mahahalagang datos sa
unahan ng balita, ay nakapagpapatipid
sa kanila sa panahon, dahil sa
pamatnubay pa lang ay nakukuha na n
ila ang buod ng istorya.
2. Napapadali ang pag-aayos ng
ispasyo, dahil kung kulang ang
ispasyo, maaari nang putulin ang
huling bahagi ng balita na hindi
nawawala ang mahalagang datos
nito.
3. Napapadali ang pagsulat ng ulo ng
balita dahil sa unang dalawang talata
na naglalaman ng mahahalagang
datos ay maaari nang mapagkunan
ng itatampok sa ulo ng balita.
Mga Tuntunin sa Pagtatalata
ng Balita
1. Ang talata ay hindi sumusobra sa
75 na salita.
2. Ilagay ang mahahalagang datos sa
unahan ng talata.
3. Iwasan ang paggamit ng mga
magkatulad na mga salita o mga
sugnay sa simula ng magkasunod
na talata.
4. Huwag ilagay ang tahasang sabi
at buod nito sa isang talata.
5. Ang isang pangungusap na
talata ang pinakagamitin sa
balita ngunit kung hindi
maiiwasan ang paggamit ng
mahigit sa isang
pangungusap,hindi ito dapat na
sumobra sa 3 pangungusap.
6. Isaayos ang mga talata ayon sa
pababang kahalagahan upang
kung kukulangin sa espasyo ay
maaaring putulin ang mga huling
talata na hindi naaapektuhan ang
nilalaman nito.
Mga Katangian ng Isang
Manunulat ng Balita
1. Matalas ang pang-amoy sa balita.
-Alam kung saan makapangalap ng
datos.
-Marunong kumilatis kung alin ang
anggulosa pangyayari na itatampok sa
balita.
-Madaling makakilala ng mga
2. Mapagtanong
3. Matiyaga
4. Makatarungan at walang kinikilingan
5. Totoong interesado sa tao.
6. Laging mapaghanap ng buong katotohanan.
7. Mapamaraan
8. Malawak ang kaalaman sa talasalitaan at
gramatika.
9. Alam ang sariling kalakasan
10. Mapagbasa
MARAMING
SALAMAT!
GOOD LUCK!!

You might also like