You are on page 1of 1

III.

TUNGKULIN NG WIKA

Anak,
Kumusta ka na, mahal kong anak? (16)___________________Pinadala ko na iyong 50,000 para
sa matrikula mo. (17)_________________________ Ipinagbenta na rin naming ang kalabaw.
(18)___________________________ Mahal pala ang DOTA mong course. (19) __________________.
Wala na din yung baboy. Nabenta na para sa project mong IPHONE6 ba yun? (20)
________________________ Kasama na ang 7,000 para sa fieldtrip no sa MALL OF ASIA, malayo ba
yun? Sinanla pa namin ang sakahan para mabili mo ang instrumentong IPOD. Napailaw na ba ninyo ang
project niyo na SAN MIG LIGHT? (21) ________________________ Eh yung libro na FACEBOOK?
Nabili mo na ba? Sana makagraduate ka anak. Huwag kang mag-alala anak, makakaraos din tayo. (22)
_________________ Mahal na mahal ka namin anak. Alam mong ginagawa naming araw ang gabi para
lang magparami ng tatlong bibe, maigapang lamang namin ang pag-aaral mo. (23)_____________Kaya
sana, ang hiling ko lang sayo anak, nakikiusap ako na kapag nakatapos ka na, sana ay hindi mo kami
pabayaan ng Nanang mo. (24)____________ Matanda at uugod-ugod na kami para magtrabaho.

P.S.
Isa pa anak, huwag mo naman kaming kakalimutang sabihan kung kailan ang petsa ng iyong
pagtatapos. (25) ______________________Talagang si Nanang mo ay magpapakaabalang magsulsi ng
pangmalakasan niyang saya at ako namay ang kulduroy kong pantalon na bigay pa sa akin ni Ka
Karding, para hindi naman nakakahiya. Huwag mo rin naman sana kaming ikakahiya sa mga kaklase mo
lalong lalo na sa mga guro mo. Gugustuhin namin silang makita para magpasalamat sa pag-iintindi nila
sayo. Mag-iingat ka palagi diyan anak.

You might also like