You are on page 1of 26

PAGSULAT NG

BALITA

Inihanda ni:
Bb. Shaine Maiko Marigocio
Katuturan ng Balita
Ang balita ay
napapanahon at
makatotohanang ulat ng
mga pangyayaring
naganap na, nagaganap at
magaganap pa lamang.
Ito ay maaaring maibahagi sa
pamamaraang pasalita, pasulat at
pampaningin.
Pasalita
kung ang ginawang midyum ay ang
radio at telebisyon;
Pasulat
kung ito ay ipinalimbag sa pahayagan
at iba pang uri ng babasahin; at
Pampaningin
kung ang midyum ay ang telebisyon
at sine.
Mga Katangian ng Balita
Kawastuhan
-ang mga datos ay inilahad nang walang
labis, walang kulang
Katimbangan
inilahad ang mga datos na walang
kinikilingan sa alinmang panig na
sangkot.
Makatotohanan
ang mga impormasyon ay tunay at
aktuwal at hindi gawa-gawa lamang.
Kaiklian
- ang mga datos ay inilahad nang
diretsahan, hindi maligoy.
Kahalagahan ng Balita
1. Nagbibigay-impormasyon
Ang kakabaihang regular na
natutulog nang mas kokonti pa sa pitong
oras gabi-gabi ay may mas mataas na
panganib sa pagtaas ng presyon ng
dugo, ayon sa isang bagong pag-aaral.
2. Nagtuturo
Ang relaxation techniques ay isang
mabuting paraan para labanan ang
stress at mapanatili ang magandang
kalusugan.
3. Lumilibang
Siyempre naman, nag-aalala ako
nang malaman ko na kinagat ng pusa si
Gladys Reyes sa presscon ng My Only
Love. Nakakaloka ang pusa dahil gumawa
ito ng sariling eksena para mapansin siya.
4. Nakapagpapabago
Matapos na masangkot sa anomalya
ang mga pulis ng Manila Police District-
Station Anti Illegal Drugs, iniutos ni
Manila Mayor Alfredo Lim ang pagbalasa
sa 11 police station ng Manila Police
District ( MPD).
Mga Sangkap ng Balita

Ang isang balita ay nagiging balita


lamang kung ito ay nakakapukaw
ng interes ng mga tagapakinig o
mambabasa. Kaya maaaring
sabihing ang anumang
kaganapan na balita para sa isa
ay hindi balita para sa iba.
Narito ang mga sangkap ng balita na
maaaring makapagbigay ng interes sa
mga tagapakinig at mambabasa.

Kapanahunan
- Ito ay bago pa lamang nangyari o
maaaring matagal nang nangyari ngunit
ngayon lamang natuklasan.
Kalapitan
- Mas interesado ang mga tagapakinig o
mambabasa na malaman ang nagyayari
sa kanilang paligid opamayanan kaysa sa
malalayong lugar.
Kabantugan
-Tumutukoysa pagiging prominente
o sa pagiging kilala ng taong
sangkot sa pangyayari.
Kakatwahan o Kaibahan
- Mga pangyayaring di karaniwan
tulad halimbawa ng isang tao na
nangagat ng aso o ng isang hayop
na dalawa ang ulo.
Tunggalian
- Ito ay tumutukoy hindi lamang sa laban
ng tao laban sa kapwa tao, maaari itong
pakikibaka ng tao laban sa kalikasan o
ng tao laban sa kaniyang sarili.

Makataong Kawilihan
- Ito ay tumutukoy sa mga pangyayaring
nakapupukaw sa ibat-ibang uri ng
emosyon ng tao: pag-ibig, poot
,simpatiya, inggit at iba pa.
Romansa at Pakikipagsapalaran
- Tinatalakay dito hindi lamang ang buhay
pag-ibig ng isang tao katulad ng
mga artista kundi ang pakikipagsapalaran
din ng mga ordinaryong tao
tulad ng pagliligtas ng batang si Rona
Mahilum sa kaniyang mga kapatid sa
nasusunog nilang bahay.
Pagbabago at Kaunlaran
- Anumang pagbabago at kaunlarang
nangyayari sa pamayanan aynangyayari sa
pamayanan ay maaaring paksain ng balita
tulad ng pagpapatayo ng mga bagong
gusali, mga kalsada, pamilihang bayan at
iba pa.
Bilang o Estadistika
- Halimbawa nito ay ang mga ulat ukol sa
pananalapi, resulta ng eleksyon at iba pa.
Pangalan -
- Tumutukoy sa mga pangalang nasasangkot sa
balita tulad ng mga nakapasa sa mga board
examinations.
Hayop
- Halimbawa nito ay ang mga bagong inakay ng
Philippine Eagle mula sa itlog na nabuo sa
pamamagitan ng artipisyal inseminasyon.
Kalamidad
- Kapag nagkaroon ng malakas na bagyo, lindol,
pag- putok ngbulkan at iba pa, karaniwang
pinapaksa ng balita ang mga pinsalang dulot nito.
Mga Uri ng Balita
A. Ayon sa istilo ng pagkalahad ng datos
1. Tuwirang Balita
- Diretsahan ang pagkahanay ng mga
datos at ginagamitan ng
kombenkombensyonal o kabuurang
pamatnubay.
2. Pabalitang Lathalain
- Hindi diretsahan ang paglalahad ng
datos at ginagamitan ng makabagong
pamatnubay.
Ang Pamatnubay
Pamatnubay
Ang tawag sa una at pangalawang
talata ng balita. Nagsisilbi
itong pang-akit sa mga
mambabasa dahil ito ang pinakabu
od ng balita. Sa akdang lathalain o
pabalitang lathalain, ito
ay maaaring isang salita, parirala,
pangungusap o isang talata.
Mga Uri ng Pamatnubay
1.Kombensyonal o Kabuuurang
Pamatnubay
Sinasagot nito ang mga tanong na Ano?,
Sino?, Saan?, Kailan?, Bakit? at Paano?
Ang balita ay inilalahad sa baligtad
napiramide kung saan ang mga
mahahalagang ay nasa una at
pangalawang talata. Karaniwang
ginagamit ito sa tuwirang balita.
2. Makabagong Pamatnubay
Ginagamitan ng pangganyak na
panimula ang akda upang
akitin ang mambabasang
basahin ang kabuuan nito.
Karaniwang ginagamit ito sa
pagsulat ng Pabalitang
Lathalain.
Mga Uri ng Kombensyonal na
Pamatnubay
1. Pamatnubay na Ano
Kung ang pinakatampok sa balita ay ang
pangyayari.
Halimbawa:
Isang lindol ang yumanig sa lalawigan ng
Sorsogon at Masbate na ikinamatay ng
tatlong tao at ikinasira ng mga bahay at g
usali kahapon ng madaling araw.
2. Pamatnubay na Sino
Kung higit na pinakatampok ang tao o
organisasyong
kasangkot sa pangyayari.
Halimbawa:
Binawi ni Nueva Vizcaya Rep. Rodolfo
Agbayani, kasapi ng LDP ang kaniyang
pirma sa impeachment complaint na
inihain ng oposisyon, kahapon, matap
os itong katayin sa komite.
3. Pamatnubay na Saan
Kung higit na mahalaga ang lugar na
pinangyarihan kaysa sa gawain o tao na
kasangkot dito.
Halimbawa:
SaNaga City ginanap ang 2009 National
Schools Press Conference na dinaluhan
ng mga batang manunulat sa buong
bansa
4. Pamatnubay na Kailan
Hindi gaanong gamiting pamatnubay
dahil ginagamit lamang ito
kung higit na mahalaga ang petsa kaysa
sa iba pang aspeto ng mga pangyayari.
Halimbawa:
Hanggang sa Abril 18 na lamang ang
palugit na ibinigay ng BIR para
sapagababayad ng buwis sa taunang kita.
5. Pamatnubay na Bakit
Kung ang dahilan o sanhi ng pangyayari
ang pinakamahalaga.
Halimbawa:
Upang mapalawak at madaling
maipaabot sa mga mamamayan ang
mga serbisyo ng pamahalaan, inilunsad
ng Sangguniang Panlunsod ng
Quezon sa pamumuno ni Mayor Sonny
Belmonte ang City Hall sa Barangay.
6. Pamatnubay na Paano
Kung ang kaparaanan ng pangyayari
ang pinakamabisang anggulo na dapat
itampok.
Halimbawa:
Nagkunwaring naghahanap ng
mapapasukan, isang babae ang
tumangay ng malaking halaga ng salapi
at mga alahas ng isang ginang sa
Lunsod ng Baguio, pagkatapos itong
tanggapin bilang katulong.
Sa pagpapasya kung aling uri ng
kombensyonal na pamatnubay ang
itatampok,dapat munang alamin
ng manunulat kung aling
anggulong balita ang higit na
mahalaga. Kapag parehong
matimbang ang Ano at Sino,
unang itatampok ang Sino
dahil higit na mahalaga ang tao
kaysa sa mga bagay at pangyayari.
Kaayusan ng Balita
Ang kaayusan ng paglalahad ng
mga datos sa balita ay sumusunod
sa baligtad na piramide tulad ng
nasa ibaba:
Mga Katangian ng Isang
Manunulat ng Balita
1. Matalas ang pang-amoy sa balita.
-Alam kung saan makapangalap ng
datos.
-Marunong kumilatis kung alin ang
anggulosa pangyayari na itatampok sa
balita.
-Madaling makakilala ng mga
2. Mapagtanong
3. Matiyaga
4. Makatarungan at walang kinikilingan
5. Totoong interesado sa tao.
6. Laging mapaghanap ng buong katotohanan.
7. Mapamaraan
8. Malawak ang kaalaman sa talasalitaan at
gramatika.
9. Alam ang sariling kalakasan
10. Mapagbasa

You might also like