You are on page 1of 15

PAGSULAT NG

BALITA
KATUTURAN NG BALITA
• Ang Balita ay napapanahon at
makatotohanang ulat ng mga pangyayaring
naganap na, nagaganap at magaganap pa
lamang. Ito ay maaaring maibahagi sa
pamamaraang pasalita, pasulat at
pampaningin.
• Pasalita kung ang ginawang midyum ay
ang radio at telebisyon;
• Pasulat kung ito ay ipinallimbag sa
pahayagan at iba pang uri ng babasahin; at
• Pampaningin kung ang midyum ay ang
telebisyon at sine.
MGA NATANGIAN NG BALITA
• Kawastuhan - ang mga datos ay
inilahad nang walang labis, walang
kulang
• Katimbangan - inilahad ang mga
datos na walang kinikilingan sa
alinmang panig na sangkot.
• Makatotohanan - ang mga
impormasyon ay tunay at aktuwal at
hindi gawa-gawa lamang.
• Kaiklian - ang mga datos ay inilahad
nang diretsahan, hindi maligoy.
KAHALAGAHAN NG BALITA

• 1. Nagbibigay
-impormasyon
• 2. Nagtuturo
• 3. Lumilibang
• 4.Nakapagpapabago
MGA SANGKAP NG BALITA

• Ang isang balita ay nagiging balita


lamang kung ito ay nakakapukaw ng
interes ng mga tagapakinig o
mambabasa. Kaya maaring sabihing
ang anumang kaganapan na balita
para sa isa ay hindi balita para sa iba.
• Narito ang mga sangkap ng balita na
maaaring makapagbigay ng interes
sa mga tagapakinig at mambabasa.
• Kapanahunan - Ito ay bago pa lamang
nangyari o maaaring matagal nang
nangyari ngunit ngayon lamang
natuklasan.
• Kalapitan - Mas interesado ang mga
tagapakinig o mambabasa na malaman
ang nagyayari sa kanilang paligid o
pamayanan kaysa malalayong lugar.
• Kabantugan -Tumutukoysa pagiging
prominente o sa pagiging kilala ng
taong sangkot sa pangyayari.
• Kakatwahan o Kaibahan - Mga
pangyayaring di karaniwan tulad
halimbawa ng isang tao na nangagat ng
aso o ng isang hayop na dalawa ang ulo.
• Tunggalian - ito ay tumutukoy hindi lamang sa
laban ng tao laban sa kapwa tao, maaari itong
pakikibaka ng tao laban sa kalikasan o ng tao
laban sa kaniyang sarili.
• Makataong Kawilihan- lto ay tumutukoy sa mga
pangyayaring nakapupukaw sa iba't-ibang uri ng
emosyon ng tao: pag-ibig, poot, simpatiya, inggit
at iba pa.
• Romansa at Pakikipagsapalaran - Tinatalakay
ordinaryong tao katulad ng mga artista kundi ang
pakikpagsapalaran din ng mga ordinaryong tao
tulad ng pagliligtas ng batang si Rona Mahilum sa
kaniyang mga kapatid sa nasusunog nilang bahay.
• Pagbabago at Kaunlaran – Anumang pagbabago at
kaunlarang nangyayari sa pamayanan ay maaring
paksain ng balita tulad ng pagpapatayo ng mga
bagong gusali, mga kalsada, pamilihang bayan at
iba pa.
• Bilang at Estadistika - Halimbawa nito ay
ang mga ulat ukoI sa pananalapi, resulta
ng eleksyon at iba pa.
• Pangalan – Tumutukoy sa mga pangalang
nasasangkot sa balita tulad ng mga
nakapasa sa Board Examinations.
• Hayop – Halimbawa nito ay ang mga
bagong inakay ng Philippine Eagle mula sa
itlog na nabuo sa pamamagitan ng
artipisyal inseminasyon.
• Kalamidad – Kapag nagkaroon ng malakas
na bagyo, lindol, pag-putok ng bulkan at
iba pa, karaniwang pinapaksa ng balita ang
mga pinsalang dulot nito.
• MGA URI NG BALITA
• A. Ayon sa istilo ng pagkalahad
ng datos
• 1. Tuwirang Balita - Diretsahan
ang pagkahanay ng mga datos at
ginagamitan kombensyonal o
katuturang
• pamatnubay.
• 2. Pabalitang Lathalain - Hindi
diretsahan ang paglalahad ng
datos at ginagamitan ng
makabagong pamanubay
• B. Ayon sa lugar na
pinangyarihan
• 1. Lokal na Balita - Kung ang
kinasasaklawan ng pangyayari
ay sa pamayanang
kinabibilangan o tinitirhan ng
tagapakinig o mambabasa.
• a. pambarangay b.panlalawigan
c. pambayan d. panrehiyon e.
panlunsod f. Pambansa.
• 2. Balitang pang ibang bansa
• C. Ayon sa nilalaman
• Pang agham at
teknolohiya
• Pangkaunlarang
komunikasyon
• Pang-isports o
pampalakasan
• MGA HAKBANG SA PAGSULAT NG BALITA
• 1. Isulat kaagad ang balita matapos
makalap.
• 2. Itala ang mga datos ayon sa pababang
kahalaganan.
• 3. Ibigay ang buong pangalan ng taong
awtoridad o pinagkunan ng datos at
kaniyang katungkulan. Sa muling
pagbanggit sa kanya ay gamitin na lamang
ang G. at apelyido ng lalaki at Bb. o Gng. at
apelyido ng babae o anumang titulo na
angkop sa kanya.
• 4. Iwasang magbigay ng opinyon sa balita.
• 5. Maging tumpak sa paglalahad ng datos.
• 6. Gawing maikli ang talata.
• 7. Gumamit ng mga payak na
salita.
• 8. Gawing maikli ang
pangungusap at pag-iba-ibahin
ang haba nito.
• 9. Ilahad ang dalawang panig
ng mga taong sangkot sa
balita.
MGA KATANGIAN NG ISANG MANUNULAT NG
BALITA
• 1. Matalas ang pang-amoy sa balita.
➢ Alam kung saan makapangalap ng datos.
➢ Marunong kumilatis kung alin ang anggulo sa
pangyayari na itatampok sa balita.
• 2. Mapagtanong
• 3. Matiyaga
• 4. Makatarungan at walang kinikilingan
• 5. Totoong interesado sa tao.
• 6. Laging mapaghanap ng buong katotohanan.
• 7. Mapamaraan
• 8. Malawak ang kaalaman sa talasalitaan at
gramatika.
• 9. Alam ang sariling kalakasan
• 10. Mapagbasa
• PROYEKTO
• (Gumamit ng mga video editing application tulad ng power director,
viva video at iba pa.)
• Ipagpalagay na ikaw ay isang broadcaster sa isang kilalang istasyon ng
telebisyon. Inatasan ka ng iyong segment director na magsaliksik tungkol sa
isang trahedya o kaganapan sa inyong lugar. Inaasahang makakukuha ka ng
impormasyon o datos na makatutulong sa paglilinaw kung ano ang
nangyari at kung ano ang epekto nito sa iyong mga kababaryo o
kababayan.
• Ang impormasyon iyong makukuha ay iyong ilalahad bilang balita sa
telebisyon. Tiyakin ang kawastuhan ng mga impormasyon sa iyong balita.
Inaasahang sinuri ang mga salitang gagamitin sa pagsulat ng balita ayon sa
nabasa at napakinggang halimbawa.
• Inaasahan ding gagamitin mo ang iyong kasanayan sa paggamit ng
teknolohiya sa pagbabalita. Siguraduhin ding mapanghikayat at tama ang
lakas ng iyong tinig sa pagbabalita.
• PS. Ipasa ang proyekto sa pamamagitan ng messenger.

You might also like