You are on page 1of 8

FIL 130: INTRODUKSYON SA PAMAMAHAYAG

TTH (2:00-3:30)

PAMAMAHAYAG
I. INTRODUKSYON
A. HUDDLESTON
- iyong kaakit-akit na libangang pang-araw-araw na taglay ang katotohanan ng buhay sa kasalukuyan
-Iyong nakalulugod bagaman sa kalaunan ay nakapapagal din sa pakiramdam na siya’y kasangkot sa mga
pangyayari, na ang iba’y tunay na mahalaga sa ating sarili sa darating na salinlahi.
B. F. FRASER BOND
- Sinasaklaw ng pamamahayag ang ang lahat ng uri ng bagay sa pamamagitan ng balita at punang
nakararating sa mga madla, lahat ng nagaganap sa mundo.

II. SAKLAW NG PAMAMAHAYAG

-Ang pahayagan, diyaryo, o peryodiko ay isang uri ng paglilimbag na naglalaman ng balita, impormasyon at patalastas,


kadalasang na imprenta sa mababang halaga. Ito ay maaaring pangkalahatan o may espesyal na interes, at kadalasan itong
inilalathala ng araw-araw o lingguhan.

-Ang Polyeto(flyer) ay isang babasahin na tumatalakay lamang sa limitadong paksa.

-Ang magasin ay peryodikong publikasyon na naglalaman ng maraming artikulo, kalimitang pinopondohan ng mga


patalastas. Ito ay nagbibigay ng impormasyon sa mga mambabasa.

-Maaring maipamahagi ang mga magasin sa pamamagitan ng koreo, pagbebenta sa mga tindahan ng pahayagan, aklat o
ibang mga nagbebenta, o sa pamamagitan ng libreng pamamahagi sa piling lugar na pagkukuhanan.

-Ang aklat o tinatawag ding libro ay mga pinagsamasamang mga nailimbag na salita sa papel. Naglalaman din ang ibang
mga aklat ng mga larawan. Kadalasang maraming mga pahina ang mga ito.

III. Layunin ng Pampaaralang Pahayagan


1. Magbigay ng pagkakataon sa pagsasanay sa nakawiwiling panunulat.
2. Magpasigla sa mga mag-aaral na magkaroon ng hilig at panlasa at lugod sa mambabasa.
3. Luminang ng mga kakayahan sa pagmamasid at sa wastong pagpapahalaga sa mga babasahin.
4. Magpasigla sa lalong maningning at mabungang pag-aaral.
5. Magsanay, hindi lamang pang-akda at pasulat kundi sa pamamahala, pagtuturo, paghahanap- buhay,
pakikitungo sa kapwa, pagsusuri sa kasiningan at kaaghaman ng mga bagay-bagay.
6. Maturuan ng wastong pagbasa ng mga pahayagan at ng mga aklat.
7. Maglinang ng mataas na pamantayan ng pagtutulungan, katapatang-loob, pagpapaumanhin, pagkamaginoo,
pananagutan, pagkukusa at pagpapasunod.

Tulong sa Paaralan at sa Pamayanan


1. Ipaalam sa bayan ang mga gawain ng Paaralan.
2. Maglathala ng mga balitang Pampaaralan at Pampamayanan din.
3. Magtaguyod sa pagkakaisa sa tahanan at paaralan.
4. Tumulong sa paglinang ng mabuting pamantayan ng pag-uugali.
5. Lumikha at magpahayag ng mga kuro-kuro sa paaralan.
6. Magbigay-daan sa pagkakaisa ng buong paaralan.
7. Magpasigla at magbunsod ng mga gawaing kapaki-pakinabang.
8. Mag-ukol ng pitak ng mga mungkahi ng mga mag-aaral at ng kanilang mga magulang sa lalong
ikabubuti ng paaralan.
9. Tumangkilik ng mga pakikipag-unawaan at pakikipagtulungan sa iba’t ibang paaralan.
10. Mag-alaga at magpasigla sa diwang pampaaralan, gaya ng paglikha ng matangkilik na pag-ibig sa bayan.
11. Magpahayag at magpalaganap ng diwa ng idiyalismo na higit kaysa matiryalismo.
12. Lumikha ng maagang pagtutulungan ng mga magulang at mga guro.

IV. TUNGKULIN NG PAHAYAGAN


1. Maging mata at tainga ng mga mambabasa. (Information function)
2. Maging tagapagturo (Education Function)
3. Pumuna ng mga balita sa pamamagitan ng mga tudling at pitak (Interpretation Function)
4. Tagapaglahad ng mga kuro-kuro (Opinion Moulder)
5. Maging tagapaglibang o Taga-aliw (Entertainment Function)
6. Gumanap bilang tagapag-alaga ng karapatan ng mga mambabasa (Watchdog Function)
7. Bilang talaan sa mga mahahalagang pangyayaring naganap (Documentation Function)

BALITA
I. KATUTURAN NG BALITA
Ang balita ay napapanahon at makatotohanang ulat ng mga pangyayaring naganap na, nagaganap at magaganap
pa lamang . Ito ay maaaring maibahagi sa pamamaraang pasalita, pasulat at pampaningin. Ang isang balita ay nagiging
balita lamang kung ito ay nakakapukaw ng interes ng mga tagapakinig o mambabasa. Kaya maaaring sabihing ang
anumang kaganapan na balita para sa isa ay hindi balitapara sa iba.
1. Pasalita ito, kung ang ginawang midyum ay ang radio at telebisyon;
2. Pasulat naman kung ito ay ipinalimbag sa pahayagan at iba pang uri ng babasahin;
3. Pampaningin kung ang midyum ay ang telebisyon at sine.

II. MGA KATANGIAN NG BALITA


1. Kawastuhan -ang mga datos ay inilahad nang walang labis, walang kulang .
2. Katimbangan  –inilahad ang mga datos nawalang kinikilingan sa alinmang panig na sangkot.
3. Makatotohanan –ang mga impormasyon ay tunay at aktuwal at hindi  gawa-gawa lamang.
4. Kaiklian - ang mga datos ay inilahad nang diretsahan , hindi maligoy.

III. MGA SANGKAP NG BALITA


1. Kapanahunan - Ito ay bago pa lamang nangyari o maaaring matagal na ngunit ngayon
lamang natuklasan.
2. Kalapitan - Mas interesado ang mgatagapakinig o mambabasa na malamanang nagyayari sa kanilang paligid
o pamayanan kaysa sa malalayong lugar.
3. Kabantugan –Tumutukoysa pagiging prominente o kilala ng taong sangkot sa pangyayari.
4. Kakatwahan o Kaibahan -Mga pangyayaring di karaniwan tulad halimbawa ng isang taona nangagat ng aso
ong isang hayop na dalawa ang ulo.
5. Tunggalian -Ito ay tumutukoy hindi lamang sa labanng tao laban sa kapwa tao, maaaririn itong
pakikibaka ng taolaban sa kalikasan o ng tao laban sa kaniyang sarili.
6. MakataongKawilihan -Ito ay tumutukoy sa mga pangyayaring nakapupukaw sa iba’t-ibang uri ng
emosyon ng tao: pag-ibig, poot ,simpatiya, inggit at iba pa.
7. Romansa at Pakikipagsapalaran -Tinatalakay dito hindi lamang ang buhay pag-ibig ng isang tao katulad
ng mga artista kundi ang  pakikipagsapalaran din ng mga  ordinaryong tao tulad ng pagliligtas ng batang si Rona
Mahilum sa sa kaniyang mga kapatid sa nasusunog nilang bahay.
8. Pagbabago at Kaunlaran -Anumang pagbabago at kaunlarang nangyayari  sa pamayanan ay maaaring
paksain ng balitatulad ng pagpapatayo ngmga bagong gusali,kalsada, pamilihang bayan at iba pa.
9. Bilang o Estadistika - Halimbawa nito ay ang mga ulat ukol sa pananalapi, resulta ng eleksyon at iba pa.
10. Pangalan -Tumutukoy sa mga pangalang nasasangkot sa balita tulad ng mga nakapasa sa mga board
examinations.
11. Hayop -Halimbawa nito ay ang mga bagong inakay ng Philippine Eagle mula sa itlog na nabuo sa
pamamagitan ng artipisyal inseminasyon.
12. Kalamidad -Kapag nagkaroon ng malakasna bagyo, lindol, pag- putok ngbulkan 
at iba pa, karaniwangpinapaksa ng balita ang mgapinsalang dulot nito.
IV. MGA URI NG BALITA
A. Ayon sa istilo ng pagkalahad ng datos
1.Tuwirang Balita  -Diretsahan ang pagkahanay ng mga datos at ginagamitan ng kombensyonal o kabuuang
pamatnubay.
2. Pabalitang Lathalain -Hindi diretsahan ang paglalahad ng datosat ginagamitan ng makabagong
pamatnubay .
B. Ayon sa  lugar na  pinangyarihan
1.Lokal na Balita -Kung ang kinasasaklawan ng pangyayari ay sapamayana-ng kinabibilangan o tinitirhan ng
taga-pakinig o mambabasa.
a. pambarangay
b. pambayan
c. panlunsod
d. panlalawigan
e. panrehiyon
f. pambansa
2. Balitang Pang-ibang Bansa

C. Ayon sa nilalaman
1. Pang-agham at teknolohiya
2. Pangkaunlarang komunikasyon
3. Pang-isports o pampalakasan

D. Ayon sa pinagbabatayan o  pinag-kukunan
1.Batay sa aksyon - Ang manunulat / mambabalitaay naro’n mismo sa lugar napinangyarihan ng aksyon o
pangyayari.
2.Batay sa Tala  -Kung ang pinagbabatayan ng balita ay mga talang nakalap mula sa talaan ng
pulisya, ospital at iba pang ahensya.
3. Batay sa Talumpati  -Kung ang  pinagkukunan ng  datos ay ang talumpati ng mga kilalang tao.
4.Batay sa pakikipanayam  -Kung ang mga datos ay nalikom sa pamamagitan ng pakikipanayam sa mga
taong  sangkot  o  may alam sa pangyayari.

E. Ayon sa  pagkakaayos o pagkakaanyo sa pahina


1.Balitang may iisang tala  -Tumatalakay sa iisangpangyayari lamang.
2. May maraming talang itinampok  -Naglalahad ng higit  sa isang pangyayari na  naganap sa iisang araw 
at  halos  magkaparehong oras.
3. Balitang Kinipil -Balitang pinaikli na lamang dahil sa kawalan ng espasyo.
4. Dagliang Balita  -Pahabol na balita na dahil sa kawalanng espasyo ay  nilagyan na  lamang ng salitang
flash  at  kasunod  nito ang isang linya o  talatang nilalaman.
5. Balitang pangkatnig  -Maikling balita na isinulat ng hiwalay ngunit kaagapay sa kaugnay na pangunahing
balita.
6. Bulitin -Habol at karagdagan sa mahalagang balita at inilagay sa pangmukhang pahina na nakakahonat
nasa tipong mariin.

F. Ayon sa pagkakalahad ng nilalaman


1.Balitang pamukaw-kawilihan  -Karaniwang maiikling balita tungkolsa tao, bagay, hayop na umaantigsa
damdamin ng mambabasa.
2. Balitang nagpapakahulugan - Nagpapaunawa sa mambabasa tungkol sa dahilan,saligan, katauhan ng mga
pangunahing sangkot at kahalagahan ng isangpangyayari .

V. Mga Hakbang sa Pagsulat ng Balita


1. Isulat kaagad ang balita matapos makalap.
2. Itala ang mga datos ayon sa pababang kahalagahan.
3. Unahing itampok ang  Pinakamahalagang datos bilang pamatnubay.
4. Ibigay ang buong pangalan ng taong awtoridad o  pinagkunan ng datos  at kaniyang  katungkulan.
Sa muling pagbanggit  sa kanya ay gamitin na lamang ang G. atapelyido ng lalaki at Bb. o Gng. At
apelyido ng babae o anumang titulo na angkop sa kanya.
5. Iwasang magbigay ng opinyon sa balita.
6. Maging tumpak sa paglalahad ng datos.
7. Gawing maikli ang talata.
8. Gumamit ng mga payak na salita.
9. Gawing maiikli ang pangungusap at pag-ibaibahin ang haba nito .
10. Gamitin ang pangungusap na tukuyan kaysa sa balintiyak.
11. Isulat ang tuwiran at di tuwirang sabi sa magkahiwalay na talata.
12. Ilahad ang dalawang panig ng mga taong sangkot sa balita.
13. Gawing  pasalita ang  bilang 1 hanggang9 at gawing tambilang ang 10 pataas.

VI. Ang kaayusang baligtad na piramide ay nakatutulong sa mga sumusunod na dahilan:


1.Napapadali ang pagbabasa.
2. Napapadali ang pag-aayos ng ispasyo,dahil kung kulang ang ispasyo, maaarinang putulin ang huling bahagi
ng balitana hindi nawawala ang mahalagangdatos nito.
3. Napapadali ang pagsulat ng ulo ng balitadahil sa unang dalawang talata nanaglalaman ng mahahalagang
datos aymaaari nang mapagkunan ng itatampok sa ulong balita.

VII. Mga Tuntunin sa Pagtatalata ng Balita


1. Ang talata ay hindi sumusobra sa 75 na salita.
2. Ilagay ang mahahalagang datos sa unahan ng talata.
3. Iwasan ang paggamit ng mgamagkatulad na mga salita o mga sugnay sa simula ng magkasunod na talata.
4. Huwag ilagay ang tahasang sabi at buod nito sa isang talata.
5. Ang isang pangungusap na talata ang pinakagamitin sa balita ngunitkung hindi maiiwasan ang
paggamit ng mahigit sa isang pangungusap,hindi ito dapat na sumobra sa 3 pangungusap.
6. Isaayos ang mga talata ayon sa pababang kahalagahan upang kung kukulangin sa ispasyo ay maaaring
putulin ang mga huling talata na hindi naaapektuhan ang nilalaman nito.

VIII. MGA KATANGIAN NG ISANG MANUNULAT NG BALITA


1. Matalas ang pang-amoy sa balita.
2. Mapagtanong
3. Matiyaga
4. Makatarungan at walang kinikilingan
5. Totoong interesado sa tao.
6. Laging mapaghanap ng buong katotohanan
7. Mapamaraan
8. Malawak ang kaalaman sa talasalitaan at gramatika
9. Alam ang sariling kalakasan
10. Mapagbasa

PAMATNUBAY
I. Kahulugan
- Ito ay ang panimula ng balita.
- ito ang pinakamahalagang bahagi ng balita sapagkat ito ang unang pinagtutuunan ng pansin at siyang umaakit sa
mga mambabasa dahil ito ang buod.
- Ngunit ito ay maaaring isang salita lamang, lipon ng mga salita na panghikayat ng interes ng mga mambabasa, o
isang talata.

II. Tatlong Uri ng Pamatnubay


1. KOMBENSIONAL O KABUURANG PAMATNUBAY
- Ito ay sumasagot sa mga tanong na SINO, ANO, SAAN, KAILAN.
a. Pamatnubay na SINO (Who Lead)
- Pangalan ang itinatampok sapagkat ang tao o mga taong nasasangkot sa balita ay tanyag at higit na prominente
kaysa aktibidad o gawaing naganap o nagaganap.
Halimbawa:
Si Joey Lina Jr.,IV CP ang nahirang na Punong Patnugot ng The New Horizons at katulong ng Patnugot ng Ang
Bulalakaw mga pampaaralang pahayagan ng Mataas na Paaralang Osmena.

b. Pamatnubay na ANO ( What Lead)


- Ang Pangyayari, aktibidad o mga gawain na naganap, nagaganap, o magaganap ang itinatampok sapagkat mas
prominente ito kaysa sa tao o mga taong nasasangkot dito.
Halimbawa:
Ang NCEE ay ibibigay ng DECS sa lahat ng magsisipagtapos sa ika-24 ng buwang kasalukuyan.

c. Pamanubay na KAILAN (When Lead)


- Ginagamit kung ang mga pangyayari ay naganap o magaganap sa di-nakaugaliang oras o kung ang oras o
panahon ng kaganapan ay ang lalong mahalaga. Pambihirang gamitin ang Pamatnubay na ito subalit ito’y kapaki-
pakinabang gamitin kung ang itinatampok ay ang huling araw ng itinakda (Deadline): Kapistahan , Hollidays o iba pa.
Halimbawa:
Abril 16, ang huling araw ng pagbabayad sa BIR.

Sa araw na ito, sabado, Pebrero 21, dalawang taon na ang nakararaan naganap ang mapayapang EDSA
Revolution.

d. Pamatnubay na Saan (Where Lead)


-Ginagamit kung ang mga pangyayi ay naganap, nagaganap o magaganap sa hindi pangkaraniwang pook.
Halimbawa:
Sa Pilipinas gaganapin ang Palarong Olympiada.
Sa Pilipinas gaganapin ang Miss Universe 2017.

2. Panimulang Parilalang Pamatnubay


- Ito ay mga pamatnubay na nagsisimula sa mga PANGATNIG at PARIRALANG PAWATAS
- tulad ng Pasanhi, Pasubali, Paninsay, Patakda at iba pa.

a. Pasanhi (Causal Phrase)


- ang Pamatnubay ay nagsasaad ng sanhi ng mga balitang naganap, nagaganap o magaganap pa lamang.
Halimbawa:
Dahil sa maraming reklamo patungkol sa mga nawawalang aklat sa silid-aklatan, dinagdagan ng punong-guro ang
mga tagabantay dito.
Palibhasa pataas nang pataas ang kaso ng krimen sa bansa, naging mahigpit ang seguridad ng mga pulisya sa bansa.

b. Pamatnubay na Pasubali ( Conditional Phrase)


- Nagsasad ng kondisyon sa pagtupad o pagpapatupad ng isang kaganapan o pangyayari.
Halimbawa:
Kung di titigil ang mga nagbebenta at gumagamit ng droga sa Pilipinas, mapipilitan si Duterte na daanin sa dahas
ang lahat.
Kapag walang umamin sa krimeng nangyari, magkakaroon ng malawakang pag-iimbestiga sa lahat ng sangay ng
gobyerno.

c. Pamatnubay na Paninsay (Concessive Phrase)


- Nagsasaad ang Pamatnubay ng Magkasalungat na detalye.
Halimbawa:
Bagaman bumabagyo, ipinagpatuloy pa rin ng mga Pulisya ang Rally kaugnay sa Kampanya laban sa Droga ng
Pamahalaan.
Kahit na 16 na taon pa lamang si Rosa, hinirang na siya bilang Bb. Pilipinas 2016.

d. Pamatnubay na Pawatas (Infinitive Phrase)


- Ang Pamatnubay ay nagtataglay ng Pandiwang Pautos.
Halimbawa:
Ang tumulong sa mga batang lansangan ay ilan lamang sa layunin ng KARITON na kinilala ng Guiness Book of
World Records.

3. Pamatnubay na Di-Kombensional o Makabagong Pamatnubay


- Ito ay ginagamit ng mga manunulat sa pamamaraang inaakala niyang madaling makatawag o makapukaw ng
pansin o kawilihan at pananabik.
- Ginagamit ito sa Balitang Lathalain.

a. Panggulat (Startler or Astonisher Lead)


- Kalimitang isang pangungusap na maikli, hiwalay sa talata, na sinusundan ng buod ng ibang impormasyon.
Ginagamit ito kung ang tala ay lubhang mahalaga, nakakagulat, nakakagulantang o nakasisindak.
Halimbawa:
Kampeon ng NSSPC!
Nagwagi muli ang Bulalakaw sa Pambansang Paligsahang ginanap sa Lungsod ng Olonggapo noong Pebrero 20
nang ito ay naging pinakamagaling na Pampaaralang pahayagan sa bansa.
Wagi sa Miss Universe 2016!
Nasungkit muli ng Pilipinas ang Titulong Pinakamataas sa larangan ng Talino at Kagandahan matapos maiuwi ni
Bb. Meagan Young ang korona sa nasabing naganap na Tagisan nitong Peb. 21.

b. Pinangyarihan o Sanligan ( Background Lead)


- naglalarawan ng pangyayari, o ng pook ng pinangyarihan ay higit na makatawag ng pansin kaysa sa mga taong
kasangkot. Ito ay karaniwang ginagamit sa mga salaysay tungkol sa karnabal, piyestahan, eksibisyon, okasyon o
bulwagan.
Halimbawa:
Ang Paaralang Normal ay mistulang naging munting karnabal matapos dagsain ng mga tao sa pagdiriwang nito
ng kanyang ikawalumpo’t limang taong pagkakatatag.

c. Tahasang Sabi (Direct Quotation)


- Makabuluhang pangungusap ng tagapagsalita o kaya, ito’y hango sa isang akda na sinipi at ginamit na panimula
sa isang balita. Ginagamit ang ganitong paraan kapag mas nakakatawag pansin ang pahayag na sinabi na dapat na
idokumentaryo.
Halimbawa:
“Malaki ang magagawa ng pagkakaisa”. Binigyang diin ito ng isang punong-guro sa Distrito ng Pangasinan sa
ginanap na pagpupulong ng mga guro sa mga Pampublikong Paaralan nitong nakalipas na Sabado, Enero 25.

d. Tanong (Question Lead)


- Ginagamit kung ang tanong ay may malaking bahagi sa balita at kung ang tanong ay wala pang kasagutan at ito
ang gawing batayan ng balita.
Halimbawa:
Sino kaya ang magiging Bb. Kolehiyo ng Edukasyon sa darating na tagisan ng Kagandahan at Katalinuhan?
Matutunghayan sa nalalapit na programa sa DMMMMSU-SLUC sa susunod na linggo.

e. Paglalarawan (Descriptive or Picture Lead)


- Ito’y paglalarawan ng tao, lunan o pangyayari. Ginagamit kung sa pamamagitan ng mga salita ay makabubuo ng
malinaw na larawan sa isipan ng bumabasa.
Halimbawa:
Puting-puti ang kasuotan, at tangan-tangan ang mga diploma, ang 597 nagsitapos ay masasayang nagmartsang
pababa ng entablado habang tinutugtog ng rondalya ang “Aida March”.

f. Pagkakaiba (Contrast Lead)


- Ginagamit upang maipakita o mapalitaw ang pagkakaiba ng dalawang bagay sa unang pangungusap ng balita.
Halimbawa:
Higit na marami ang nakapasa ngayon sa NCEE kaysa noong isang taon.
Nabawasan ang suspek ng mga hinihinalang nagbebenta ng droga kumpara sa tala noong mga nakaraang buwan
ayon sa sarbey ng pamahalaan.

g. Parodya o Nakakatawang Panulad (Parody Lead)


- Karaniwang hango sa tanyag na awit, tula, sipi, aklat o pamagat ng pelikula.Ginagamit lamang ito kung angkop
sa pangyayari ang ibabalita.
Halimbawa:
“Tubig, tubig sa lahat ng dako, ngunit wala ni isang patak na maiinom”. Ito ang nararanasan ng mga taong taga
Maynila nang binaha sila at nawalan ng tubig ang NAWASA.
(Ang siniping linya ay hango sa tulang “The Rime of the ancient Mariner”, ni Samuel Coleridge.

h. Kasabihan o Kawikaan (Epigram Lead)


- Sinisimulan ang Pamatnubay sa mga kilalang kasabihan o kawikaan.
Halimbawa:
Kung gaano ang ama, ay ganoon din ang anak (Like Father like son). Si Warren Cruz isang binatang katatapos
lamang sa pag-aaral mg abogasya, ay nanguna ssa pagsusulit sa batas gaya rin ng kanyang ama na nagkamit ng
pinakamataas na marka noong 1967 bar Examination.

i.Isang salita (One Word Lead)


- Nagsasaad lamang ng isang salita.
Halimbawa:
Sugod!
Ito ang utos ni Gng. Maria sa pagsisimula ng batang aakyat sa bundok Armenya.

j. Kapaligiran (Atmosphere Lead)


- nagsasaad kung paano naganap o nagaganap ang isang pangyayari.

Halimbawa:
Sa pamamagitan ng awitan, sayawan at tugtugan, maligayang ipinagdiwang ng mga guro, magulang at mag-aaral
ang ika-20 taong pagkatatag ng kanilang paaralan.

k. Tukoy mula sa mitolohiya at panitikan (Literature Lead)


-Ang mga binanggit sa pamatnubay ay may kinalaman sa mitolohiya at panitikan.
Halimbawa:
Kagandahang Venus. Katalinuhang Athena, at pang-akit Cleopatra, ang mga pambihirang katangian ng mga
kalahok sa FHM 2016 na dinaluhan ng mga kilalang artista sa telebisyon.

L. Maiikli’t hiwa-hiwalay na parirala o mga salita (Staccato Lead)


- Pagbanggit ng magkakasunod na salita o parirala sa pagtumbok ng isyu o balita.
Halimbawa:
Krimen, Droga, Prostitusyon, Korupsyon, Kahirapan at kawalan ng trabaho, iyan ay ilan lamang sa pinagtutunan
ng pansin ng pamahalaan sa bagong administrasyon ng pangulo ngayon sa Pilipinas.

You might also like