You are on page 1of 10

REPUBLIKA NG PILIPINAS

KOMISYON SA LALONG MATAAS NA EDUKASYON


DR. RUBY LANTING-CASAUL EDUCATIONAL FOUNDATION, INC.
Tomas Cabiles St. Tabaco City, Albay

MC FIL 109

(INTRODUKSYON SA
PAMAMAHAYAG)
IKALAWANG SEMESTRE
IKAPITONG LINGGO
MODYUL 7

Inihanda ni:

Gng. JUVELLIE CALLEJA-DACAME


Instraktor, Filipino
YUNIT 4: PAGSULAT NG BALITA

LAYUNING PAMPAGKATUTO
1. Nailalahad ang katuturan at mga salik ng balita;
2. Natatalakay ang mga katangian ng isang mabuting balita;
3. Naiisa-isa ang iba't ibang elemento at uri ng balita;
4. Nababatid ang mga dapat at di-dapat gawin sa pagsulat ng balita;
5. Nasusuri ang mga halimbawang balita batay sa elemento at uri ng
balitang ginamit;
6. Nailalapat ang mga kaalamang natutunan sa pagsulat ng balita.

PAGSULAT NG BALITA
KATUTURAN:
 Ang balita ay napapanahon at makatotohanang ulat ng mga
pangyayaring naganap na, nagaganap at magaganap pa lamang.
 Ito ay maaaring maibahagi sa pamamaraang pasalita, pasulat at
pampaningin.
 Pasalita. Kung ang ginagwang midyum ay ang radyo at
telebisyon.
 Pasulat. Kung ito ay ipinalimbag sa pahayagan at iba
pang uri ng babasahin.
 Pampaningin. Kung ang midyum ay ang telebisyon at
sine.

MGA KATANGIAN NG BALITA


1. KAWASTUHAN
 Ang mga datos ay inilahad nang walang labis, walang kulang.
2. KATIMBANGAN
 Inilahad ang mga datos na walang kinikilingan sa alinmang
panig na sangkot.
3. MAKATOTOHANAN
 Ang mga impormasyon ay tunay at aktuwal at hindi gawa –
gawa lamang.
4. KAIKLIAN
 Ang mga datos ay inilahad nang diretsahab, hindi maligoy.
KAHALAGAHAN NG BALITA
1. Nagbibigay – impormasyon
Halimbawa:
Ang kababaihang regular na natutulog nang mas kokontipa pa
sa pitong oras gabi – gabi ay may mas mataas na panganib sa pagtaas
ng presyon ng dugo, ayon sa isang bagong pag – aaral.

2. Nagtuturo
Halimbawa:
Ang relaxation technique ay isang mabuting paraan para
labanan ang stress at mapanatili ang magandang kalusugan.

3. Lumilibang
Halimbawa:
Siyempre naman, nag – aalala ako nang malaman ko na kinagat
ng pusa si Gladys Reyes sa presscon ng My Only Love. Nakakaloka ang
pusa dahil gumawa ito ng sariling eksena para mapansin siya.

4. Nakapagbabago
Halimbawa:
Matapos na masangkot sa anomalya ang mga pulis ng Manila
Police District – Station Anti Illegal Drugs, iniutos ni Manila Mayor
Alfredo Lim ang pagbalasa sa 11 police station ng Manila Police District
(MPD).

MGA SANGKAP NG BALITA


Ang isang balita ay nagiging balita lamang kung ito ay nakapupukaw
ng interes ng mga tagapakinig o mambabasa. Kaya maaaring sabihing ang
anumang kaganapan na balita para sa isa ay hindi balita para sa iba.
Narito ang mga sangkap ng balita na maaaring makapagbigay ng
interes sa mga tagapakinig at mambabasa.
1. Kapanahunan
 Ito ay bago pa lamang nangyari o maaaring matagal nang
nangyaro ngunit ngayon lamang natuklasan.

2. Kalapitan
 Mas interesado ang mga tagapakinig o mambabasa na malaman
ang nangyayari sa kanilang paligid o pamayanan kaysa sa
malalayong lugar.

3. Kabantugan
 Tumutukoy sa pagiging prominente o sa pagiging kilala ng
taong sangkot sa pangyayari.

4. Kakatwahan o Kaibahan
 Mga pangyayaring di karaniwan tulad halimbawa ng isang tao
na nangatngat ng aso o ng isang hayop na dalawa ang ulo.

5. Tunggalian
 Ito ay tumutukoy hindi lamang sa laban ng tao laban sa kapwa
tao, maaari itong pakikibaka ng tao laban sa kalikasan o ng tao
laban sa kaniyang sarili.

6. Makataong Kawilihan
 Ito ay tumutukoy sa mga pangyayaring nakapupukaw sa iba’t
ibang uri ng emosyon ng tao: pag – ibig, poot, simpatiya, inggit
at iba pa.

7. Romansa at Pakikipagsapalaran
 Tinatalakay dito hindi lamang ang buhay pag – ibig ng isang tao
katulad ng mga artista kundi ang pakikipagsapalaran din ng
mga ordinaryong tao tulad ng pagliligtas ng batang si Rona
Mahilum sa kaniyang mga kapatid sa nasusunog nilang bahay.

8. Pagbabago at Kaunlaran
 Anumang pagbabago at kaunlarang nangyayari sa pamayanan
ay maaaring paksain ng balita tulad ng pagpapatayo ng mga
bagong gusali, mga kalsada, pamilihang bayan at iba pa.

9. Bilang o Estadistika
 Halimbawa nito ay ang mga ulat ukol sa pananalapi, resulta ng
eleksyon at iba pa.
10. Pangalan
 Tumutukoy sa mga pangalang nasasangkot sa balita tulad ng
mga nakapasa sa mga board examinations.

11. Hayop
 Halimbawa nito ay ang mga bagong inakay ng Philippine Eagle
mula sa itlog na nabuo sa pamamagitan ng artipisyal
inseminasyon.

12. Kalamidad
 Kapag nagkaroon ng malakas na bagyo, lindol, pag – putok ng
bulkan at iba pa. Karaniwang pinapaksa ng balita ang mga
pinsalang dulot nito.

MGA URI NG BALITA


A. Ayon sa istilo ng pagkalahad ng datos
1. TUWIRANG BALITA
 Diretsahan ang pagkahanay ng mga datos at ginagamitan ng
kumbesyonal o kabuuang pamatnubay.

2. PABALITANG LATHALAIN
 Hindi diretsahan ang paglalahad ng datos at ginagamitan ng
makabagong pamatnubay.

B. Ayon sa lugar na pinangyarihan


1. LOKAL NA BALITA
 Kung ang kinasasaklawan ng pangyayari ay sa pamayanang
kinabibilangan o tinitirhan ng tagapakinig o mambabasa.
a. Pambarangay
b. Pambayan
c. Panglungsod
d. Panlalawigan
e. Panrehiyon

2. BALITANG PANG – IBANG BANSA


C. Ayon sa nilalaman
1. Pang – agham at Teknolohiya
2. Pangkaunlarang Komunikasyon
3. Pang – isports o pampalakasan

D. Ayon sa pinagbabatayan o pinagkukunan


1. BATAY SA AKSYON
 Ang manunulat/ mambabalita ay naroon sa mismo sa lugar na
pinangyarihan ng aksyon o pangyayari.

2. BATAY SA TALA
 Kung ang pinagbabatayan ng balita ay mga talang nakalap mula
sa talaan ng pulisya, ospital at iba pang ahensiya.

3. BATAY SA TALUMPATI
 Kung ang pinagkukunan ng datos ay ang talumpati ng mga
kilalang tao.

4. BATAY SA PAKIKIPANAYAM
 Kung ang mga datos ay nalikom sa pamamagitan ng
pakikipanayam sa mga taong sangkot o may alam sa
pangyayari.

E. Ayon sa pagkakaayos o pagkakaanyo sa pahina


1. BALITANG MAY – IISANG TALA
 Tumatalakay sa iisang pangyayari lamang.

2. MAY MARAMING TALANG ITINAMPOK


 Naglalahad ng higit sa isang pangyayari na naganap sa iisang
araw at halos magkaparehong oras.

3. BALITANG KINIPIL
 Balitang pinaikli na lamang dahil sa kawalan ng espasyo.

4. DAGLIANG BALITA
 Pahabaol na balita na dahil kawalan ng espasyo ay nilagyan na
lamang ng salitang flash at kasunod nito ang isang linya o
talatang nilalaman.

5. BALITANG PANGKATNIG
 Maikiling balita na isinulat ng hiwalay ngunit kaagapay sa
kaugnay na pangunahing balita.

6. BULITIN
 Habol at karagdagan sa mahalagang balita at inilagay sa
pangmukhang pahina na nakakahon at nasa tipong mariin.

F. Ayon sa pagkakalahad ng nilalaman


1. BALITANG PAMUKAW – KAWILIHAN
 Karaniwang maiikling balita tungkol sa tao, bagay, hayop, na
umaantig sa damdamin ng mambabasa.

2. BALITANG NAGPAPAKAHULUGAN
 Nagpapaunawa sa mambabasa tungkol sa dahilan, sanligan,
katauhan, katauhan ng pangunahing sangkot at kahalagahan ng
isang pangyayari.

MGA HAKBANG SA PAGSULAT NG BALITA


1. Isulat kaagad ang balita matapos makalap.
2. Itala ang mga datos ayon sa pababang kahalagahan.
3. Unahing itampok ang pinakamahalagang datos bilang pamatnubay.
4. Ibigay ang buong pangalan ng taong awtoridad o pinagkunan ng datos
at kaniyang katungkulan. Sa muling pagbanggit sa kanya gamitin na
lamang ang G. at apelyido ng babae o anumang titulo na angkop sa
kanya.
5. Iwasang magbigay ng opinyon sa balita.
6. Maging tumpak sa paglalahad ng datos.
7. Gawing maikli ang talata.
8. Gumamit ng payak na salita.
9. Gawing maikli ang pangungusap at pag – iba – ibahin ang haba nito.
10. Gamitin ang pangungusap na tukuyan kaysa sa balintiyak.
11. Isulat ang tuwiran at di – tuwirang sabi sa magkahiwalay na talata.
12. Ilahad ang dalawang paniig ng mga taong sangkot sa balita.
13. Gawing pasalita ang bilang 1 hanggang 9 at gawing tambilang ang 1-
pataas.

KAAYUSAN NG BALITA
 Ang kaayusan ng paglalahad ng mga datos sa balita ay
sumusunod sa baligtad na piramide tulad ng nasa ibaba:

 Ang kaayusang baligtad na piramide ay nakatutulong sa mga


sumusunod na dahilan:
 Napapadali ang pagbabasa. Karaniwan sa mga
mambabasa ay abala, kung kaya ang paglalagay ng mga
mahahalagang datos sa unahan ng balita ay nakakatipid
sa kanila sa panahon, dahil sa pamatnubay pa lang ay
nakukuha na nila ang buod ng istorya.
 Napapadali ang pag – aayos ng ispasyo, dahil kung
kulang ang ispasyo, maaari nang putulin ang huling
bahagi ng balita na hindi nawawala ang mahalagang
datos nito.
 Napapadali ang pagsulat ng ulo ng balita dahil sa unang
dalawang talata na naglalaman ng mahahalagang datos
ay maaari nang mapagkunan ng itatampok sa ulo ng
balita.

MGA TUNTUNIN SA PAGTATALA NG BALITA


1. Ang talata ay hindi sumusobra sa 75 na salita.
2. Ilagay ang mahahalagang datos sa unahan ng talata.
3. Iwasan ang paggamit ng mga magkatulad na mga salita o mga sugnay
sa simula ng magkasunod na talata.
4. Huwag ilagay ang tahasang sabi at buod nito sa isang talata.
5. Ang isang pangungusap na talata ang pinakagamitin sa balita ngunit
kung hindi maiiwasan ang paggamit ng mahigit sa isang pangungusap,
hindi ito dapat na sumobra sa 3 pangungusap.
6. Isaayos ang mga talata ayon sa pababang kahalagahan upang kung
kukulangin sa espasyon at maaaring putulin ang mga huling talata na
hindi naaapektuhan ang nilalaman nito.

MGA KATANGIAN NG ISANG MANUNULAT NG BALITA


1. Matalas ang pang – amoy sa balita.

Alam kung saan makapangalap ng datos.

Marunong kumilatis kung alin ang anggulo sa pangyayari na
itatampok sa balita.
2. Mapagtanong
3. Matiyaga
4. Makatarungan at walang kinikilingan
5. Titoong interasado sa tao
6. Laging mapaghanap ng buong katotohanan
7. Mapamaraan
8. Malawak ang kaalaman sa talasalitaan at gramatika
9. Alam ang sariling kalakasan
10. Mapagbasa

SANGGUNIAN:
https://prezi.com/cejqgndvgscr/ang-paglalakbay-sangkap-at-
pamatnubay-ng-balita/
https://www.slideshare.net/divinegarciasarmiento/pagsulat-ng-balita-
ppt

Makinig o manood ng balita. Tukuyin o alamin kung anong uri


ng balita ang ginamit. Magtala ng sampung (10) halimbawa. Gawing batayan
ang pormat sa ibaba.

HALIMBAWA NG BALITA URI NG BALITA

1.

2.

3.

4.

5.
6.

7.

8.

9.

10.

EBALWASYON
Magmasid sa inyong lugar; barangay, munisipyo, lungsod rehiyon o
bansa. Gumawa ng tig – iisang halimbawa batay sa mga uri nito. Mangyaring
isaalang – alang ang mga hakbang at tuntunin sa pagtatala/pagsusulat ng
isang mabisang balita.
1. Ayon sa istilo ng pagkalahad ng datos
2. Ayon sa lugar na pinangyarihan
3. Ayon sa nilalaman
4. Ayon sa pinagbabatayan o pinagkukunan
5. Ayon sa pagkakaayos o pagkakaanyo sa pahina
6. Ayon sa pagkakalahad ng nilalaman

You might also like