You are on page 1of 3

NOBELA

Ang nobela ay isang mahabang kathang pampanitikan na naglalahad ng mga pangyayari na pinaghahabi
sa isang mahusay na pagbabalangkas na ang pinakapangunahing sangkap ay ang pagkakalabas ng
hangarin ng bayani sa dako at ng hangarin ng katunggali sa kabila -isang makasining na pagsasalaysay ng
maraming pangyayaring magkasunod at magkakaugnay. Ang mga pangyayaring ito ay may kanya-
kanyang tungkuling ginagampanan sa pagbuo ng isang matibay at kawili-wiling balangkas na siyang
pinakabuod ng nobela.

Layunin:

gumising sa diwa at damdamin

nananawagan sa talino ng guni-guni

mapukaw ang damdamin ng mambabasa

magbigay ng aral tungo sa pag-unlad ng buhay at lipunan

nagsisilbing daan tungo sa pagbabago ng sarili at lipunan

nagbibigay inspirasyon sa mambabasa

napupukas nito ang kaalaman ng tao sa pagsulat ng nobela

Katangian:

maliwanag at maayos na pagsulat ng mga tagpo at kaisipan

pumupuna sa lahat ng mga larangan ng buhay

dapat maging malikhain at maguni-guni ang paglalahad

pumupukaw ng damdamin ng mambabasa kaya ito nagiging kawili-wili

kailangang isaalang-alang ang ukol sa kaasalan

maraming ligaw na tagpo at kaganapan

ang balangkas ng mga pangyayari ay tumutukoy sa kaisahang ibig mangyari

malinis at maayos ang pagkakasulat

maganda

maraming magagandang tagpuan kung saan nakikilala pa ng lalo ang mga tauhan

Bahagi:

tagpuan - lugar at panahon ng mga pinangyarihan

tauhan - nagpapagalaw at nagbibigay buhay sa nobela

banghay - pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari sa nobela


pananaw - panauhang ginagamit ng may-akda a. una - kapag kasali ang may-akda sa kwento b.
pangalawa - ang may-akda ay nakikipag-usap c. pangatlo - batay sa nakikita o obserbasyon ng may-akda

tema - paksang-diwang binibigyan ng diin sa nobela

damdamin - nagbibigay kulay sa mga pangyayari

pamamaraan - istilo ng manunulat

pananalita - diyalogong ginagamit sa nobela

simbolismo - nagbibigay ng mas malalim na kahulugan sa tao, bagay at pangyayarihan

http://rosiefilipino10.weebly.com/nobela.html#/

https://www.slideshare.net/rafaeladantes/nobela4-th-year

Limang elemento ng nobela

1. ANG LIMANG ELEMENTO NG NOBELA

2. Tauhan  Binibigyang-buhay ng manunulat sa kaisipan ng mga mambabasa.  Dapat gumagalaw nang


alinsunod sa hinihingi ng tunay na buhay.

3. Tagpuan  Tumutulong sa pagbibigay ng linaw sa paksa, sa banghay at sa tauhan.  Hal. : barong-


barong sa gilid ng estero maharlikang palasyo ng hari

4. Banghay  Ito ang salaysay o mga pangyayaring bumubuo sa akda o mga pangyayaring tungkol sa
salaysay.  Balangkas ng mga pangyayari na inayos at pinag-ugnay ng isip.

5. paraan ng pagsulat ng nobela  Paano sinulat ang nobela .  Maligoy, mabulaklak o direkta ang
pagkakapahayag ng manunulat sa kanyang pananalita . Makabuluhan ba ang kanyang ginagamit na
salita.

6. Haba  Gaano kahaba ang nobela.  Ang haba ng nobela ay naaangkop rin . Katangian ng kaakit-akit
na nobela 1. Mahusay na pagpili ng mga salita. 2. May bahaging masaya. 3. May sariling tatak ng
kumatha.

7. MGA KARANIWANG PAKSANG UMIIRAL SA NOBELA

8. Kasaysayang pampag-ibig  Ipinopokus dito ang karanasan sa pag-ibig ng mga tampok na tauhan. 
Ang pangunahing suliranin ay tungkol sa pagtatagumpay ng pag-ibig ng pangunahing tauhan.  Hal. :
Anak na Ligaw (1972) ni Dr. Fausto Galaman

9. NOBELANG HISTORIKAL  Nakatuon sa maayos na pagkakasunod-sunod ng mga pangyayaring


naganap sa nakaraan ng isang bansa o lugar ang banghay sa nobelang ito.

10. Nobela ng tauhan  Ang mga pangyayari ay umiikot sa pangunahing tauhan at iba pang tauhang
nakaapekto sa kanyang buhay.  Hal. : Nena at Neneng ni Valeriano Pena
11. Nobela ng pagbabago  Binibigyang diin dito ang layunin ng may-akda o ang kanyang mga
hinahangad na pagbabago sa lipunan at sa pamahalaan.  Hal. : Noli Me Tangere at El Felibusterismo ni
Dr. Jose P. Rizal

12. Nobelang pulitikal  Tumatalakay sa isyung pulitikal noong panahon ng amerikano.  Hal. :


Pinaglahuan (1907) ni Faustino Aguilar

13. Nobelang moral  Nauuri sa dalawa : a) isang kasaysayan ng babaeng may madilim na nakaraan
ngunit may ginintuang puso. b) Ang katapatan at pagtataksil ng isang asawa.  Hal. : Ang Tunay na Pag-
ibig (1913) Sampaguita Walang Bango (1918) ni Inigo Ed Regalado

14. Nobelang pang-ekonomiya at isyu sa paggawa  Tumatalakay sa isyung ekonomiya at paggawa. 


Hal. : Banaag at Sikat (1905) ni Lope K. Santos Anak Dalita (1911) ni Patricio Mariano

15. Nobelang layunin  Binibigyang-diin ang mga pilosopiya, simulain, mga balyu sa moralidad at
pananaw ng mga pangunahing tauhan.  Ang suliranin ay nilulutas batay sa pinahihintulutang kaugalian
ng lipunan.

16. Nobelang makasining  Nagbibigay ng malaking pansin sa mahusay na pagtalakay at paghahanay ng


mga pangyayari at paglalarawan ng mga tauhan.

https://www.slideshare.net/lovelycentizas/limang-elemento-ng-nobela

https://www.slideshare.net/isabelguape/nobela-63275713

You might also like