You are on page 1of 3

Isang Pagsusuri sa Kuwentong “Moses, Moses” ni Rogelio R.

Sikat
Amiel John F. Mercado
9-Krypton

A. Banghay

-Isang gabi, napag-usapan nina Regina at Ana ang tungkol sa nangyari kay Aida. Si Aida ay
nagahasa ng anak ng Alkalde. Si Aida ngayo’y hindi parin makapasok sa eskwelahan dahil
siya’y na-troma at takot na humarap sa kanyang mga kaklase. Gawa nito’y pansamantalang
lumiban si Regina sa pagtuturo upang mabantayan niya si Aida.

Bigla naming dumating ang Alkalde kasama ang isang konsehal sa kanilang tinitirhan
upang makiusap kay Regina na i-urong na lamang ang kaso. Hindi pumayag si Regina,
sapagkat naisasaisip niyang hustisya ang mananaig. Nang makaalis ang Alkalde at ang
konsehal ay si Tony naman ang nakipag-usap kay Regina. Ginusto ni Tony na i-urong na ang
pagsampa ng kaso dahil sa kalagayan ngayon, ang hustisya ay hindi na nananaig. Ang
malakas, makapangyarihan, at mayaman na ang hustisya, sila ang laging mananaig. Ang gusto
ni Tony ay mapatay ang anak ng Alkalde. Nasasakanya ang pilosopyang “buhay sa buhay”.
Sinabi rin ni Tony ang nangyari sa kaniyang ama, kung paano nila hindi nakamit ang hustisya sa
pagpaslang sa kanya. Gayunpaman, ipinagpilitan parin ni Regina na itutuloy niya ang
pagsampa ng kaso.

Muling sinumpong si Aida at kinakailangan ng isang tranquilizer upang siya’y


mapahinahon, kaya naman si Regina ay nagpabili ng gamot kay Tony. Paglisan niya’y
nabanggit ni Regina kay Ana na Malaki ang pinagbago ni Tony. Bigla naming dumating si Ben at
tinanong niya kung nakaalis na si Tony. Tumugon si Regina sa kaniyang tanong, at matapos
nito’y inamin ni Ben na may bitbit na baril si Tony dahil binabalak niyang paslangin ang anak ng
Alkalde. Bilin ni Tony sa kanya na huwag itong ipagsasabi, ngunit naikalat na ito ni Ben.

Nagising si Aida at nakatabig ng isang bote ng gamot, dahilan upang ito’y mabasag at
magising si Regina. ‘Ika ni Aida na hanap niya ang gamot. Tinugunan naman ito ni Regina at
sinabing binili na ito ni Tony. Hindi raw makatulog si Aida, kaya naman siya’y tinimplahan ni
Regina ng gatas.
Takot na naikwento ni Aida ang mga pangyayari sa kanyang panaginip. Pinaiinom daw
ng mga alagad ng anak ng Alkalde ang kanyang kuya Tony ng lason. Kahit anong pilit daw niya
na humingi ng tawad ay patuloy parin siyang pinaiinom ng lason.

Matapos nito’y nakabalik na si Tony, ngunit siya’y balot ng dugo. Nakisuyo siya kay Ben
upang kumuha ng taxi. Pinatay ni Tony ang anak ng Alkalde, at ngayo’y tinutugis siya ng pulisya
at ng Alkalde. ‘Ika ni Tony ay iyon lamang ang paraan upang makamit ang hustisya. Tugon ni
Regina ay mali ang nagawang paghihiganti ni Tony, sapagkat ito ang humirang sa kanya bilang
mamamatay-tao. Kinuha ni Regina ang baril at sinabing wag silang umalis upang sumuko si
Tony. Nang nakarating ang Alkalde ay tinutukan niya ng baril si Tony ngunit itinaboy ito ni
Regina. Pinagtulungan ng mga pulis si Tony. Pagkuha naman ng baril mula kay Regina ay bigla
itong pumutok habang nakatutok kay Tony, dahilan upang dakipin si Regina.

B. Pagsusuri

-Isa sa mga mahahalagang diyalogo rito ay ang sinabi ni Regina sa alkalde na, “Halos
labingwalong taon mong pinalaki, inalagaan, kung maaari’y ipakatagu-tago mo, pinakaingat-
ingatan mo, at pagkatapos, pagkatapos, nag-aabang lamang ng bus na pauwi galing sa
eskwelahan ay bigla na lamang aagawin ng anak ninyo, dadalhin sa motel, sasaktan doon,
paglalaruan, pag-aaliwan! Isasakay sa taksi, pauuwiin, halos hindi makagulapay. At pagkaraan
niyan, pagkaraan niyan paparito kayo sa aki’t sasabihin ninyong ako’y maging praktikal!” Ito’y
dahil naririto na ang paksa ng buong storya, at naririto rin ang suliranin, kung saan ginagamit ng
alkalde ang kanyang pwesto sa gobyerno upang ipa-urong ang kaso laban sa anak niyang may
sala.

Para sa ‘kin, ito’y maisisimbolo ng isang suwail na pulis: tatanggalan ng dignidad ang
mabibiktima at papatayin na lamang pagkatapos, ngunit dahil siya’y tinitingala at wari’y mas
mapagkakatiwalaan kaysa sa mismong biktima niya ay hindi siya parurusahan. Ginamit ng
alkalde ang kanyang puwesto sa kanilang pamahalaan para lang sa pansarili niyang
kagustuhan: “mapawalang-sala” ang kanyang anak at maprotektahan ang kanyang reputasyon.

C. Bakit “Moses, Moses” ang nagging pamagat nito?

-Ito ay nabanggit sa ilang mga linya ni Tony, “Kapag buhay ang inutang, buhay din ang
magiging kabayaran, na para bangmay sisingil para sa kanya.- o para sa atin- ang inutang na
buhay ni Itay. Naisip ko, ito’y hindi isang pamahiin, hindi isang kasabihan- ito’y isang simpleng
batas, isang kautusan o kahatulang inihabilin ng Diyos kay Moses sa itaas ng bundok sa gitna
ng kulog, ng kidlat, ng usok at ingay ng pakakak. Sapagkat hindi ba sinabi sa Exodus na “buhay
sa buhay”. Nang magbanta si Tony na papatayin ang anak ng alkalde ay maiihalintulad natin
ang kanyang takbo ng isip sa sa ‘ika nga niya’y ang nakalahad sa Exodus.

D. Sariling Pangwakas

-Sa pagtatapos ng storya ay aksidenteng napatay ni Regina si Tony dahil sya ang may
hawak ng baril na unang bitbit ni Tony, dahilan upang siya ang makulong at maiwan si Aida.
Kung ako ang may-akda ng kwentong ito ay nais ko siyang gawing mas positibo. Imbes na
patagalin ni Regina ang paghawak sa baril ay ipatong na lamang niya ito sa isang ligtas na
lugar kung saan hindi ito maaaring bumagsak at aksidenteng pumutok, at madali na rin itong
makukuha ng pulis na talagang marunong sa paghawak ng mga ito. Sa ganoong paraan ay
hindi ito aksidenteng makakapatay at ang pulisya na ang bahala kay Tony, at hindi na rin
mawawala sa tabi ni Aida si Regina.

You might also like