You are on page 1of 2

Basahin ang dulang Moses Moses at suriin ito batay sa pormat ng pagsusuri ng dula

Pagsusuri sa Akdang Moses, Moses


ni Rogelio Sikat

 I.       Pagkilala sa may Akda

-Si Rogelio R. Sikat (kilala rin bilang Rogelio Sícat) (1939-1996) ay isang


Pilipinong piksyonista, mandudula, tagasalinwika, attagapagturo. Siya ay anak
nina Estanislao Sikat at Crisanta Rodriguez. Ipinanganak siya noong Hunyo
26, 1940 sa Alua, San Isidro,Nueva Ecija, Pilipinas. Siya ang pang-anim sa
walong magkakapatid. Si Rogelio Sikat ay nagtapos na may Batsilyer ng
Panitikan sa Pamamahayag mula sa Pamantasan ng Santo Tomas at isang MA
sa Filipino sa Unibersidad ng Pilipinas.
II.       Uri ng Panitikan
Ang “Moses, Moses” ay isang sikat na dulang trahedya.
III.      Layunin ng may Akda
-       Ibig nito mapakita ang masasaklap na katotohanan tungkol sa lipunan.
Kasama rin ang kabuktutan ng pamahalaan kasama na rinang mga opisyal
nito. Ipinapakita rin nito ang mga kasawian sa buhay na hindi dapat
takasan.
IV.         Tema o Paksa ng May-akda
-       Nagmumulat sa isyu ng lipunan ukol sa mga karimlan ng pamahalaan at
ang mga opisyal nito. Naglalayon din na maipakita ang hirap sa mga
problema. Ang suliranin laban sa sarili , lipunan at mga kapwa.
V.        Mga Tauhan sa Akda
-       Regina Calderon - 48, balo, isang maestro
-       Tony  -panganay niyang anak, estudyante
-       Aida  - anak niyang babae, estudyante
-       Ben - 16, bunso, estudyante
-       Ana -  46, matandang dalaga, kapatid ni Regina
-       Ang Alkalde
-       Ang Konsehal

VI.         Tagpuan/ Panahon

-     Isang “Middle Class” na komunidad sa Rizal ; 1950’s

VII.       Nilalaman/ Balangkas ng Pangyayari


-       nagpapakita ng sistema ng pamahalaan sa ating bansa. Ang paghihirap ng
mga taong na nabibiktima ng gaintong gawain . Kasama rin ang
paghihiganti ng mga nasaktan at pagtatakip ng mga tao sa ganitong
gawain. Paulit-ulit na mangyayari ito kung patuloy ang paghihiganti at
galit ang papairalin natin.
VIII.     Mga Kaisipan/ Ideyang Taglay ng Akda
-      Nagtataglay ito ng mga kultura, kaugalian at kalagayan ng lipunan natin
ito. Lalo na sa usapin ng pulitika sa ating bansa. Mga karahasan sa ating
bansa at pati na rin ang paghihiganti ng mga taong nabiktima ng
pangyayaring ito . Sumasalamin din ito sa mga desisyon na nagagawa
natin kung puno ng galit ang ating mga puso. Karaniwan nakakagawa
tayo ng maling desisyon na magpapalala pa sa sitwasyon
IX.         Istilo ng Pagkakasulat ng Akda
-       Naging epektibo ang akdang ito sa papakita ng mga emosyon at suliranin
ng mga tauhan sa lipunan. Naging pormal ang mga salitang ginamit at
wasto ang gramatika nito. Matatalinghaga rin ang ilang mga salita na
ginamit sa akad.
X.          Buod

Napabalita na pinagsasamantalahan ng anak ng alkalde si Aida na anak ni


Regina. Humingi ng tawad ang alkalde at hiniling na iurong ang kaso
isinampa ng pamilya, tumanggi sila dito. Nanaig din kay Tony na
ipaglaban ang kaso dahil na rin sa pagkamatay ng kanyang ama.Lalo
silang nabahala dahil patuloy na pakikipagrelasyon ni Aida sa anak ng
alkalde, kailangan niya na ren ng “tranquilizer” upang mapakalma siya.
Isang araw nga ay nanaginip siya na si Tony ay pilit na pinapainom ng
lason ang anak ng alkalde. Ilang sandali lang ay nabalitaan nila na pinatay
ni Tony ang binata. Hinabol siya ng mga pulis , inagaw naman ni Regina
ang baril mula sa anak. Tinutukan si Tony ng mga pulis pero hinarangan
ito ng ina ngunit biglang inagaw ng anak ang baril. Ngunit hindi
sinasadya na mabaril ni Regina ang mismong anak niya at nahuli ito ng
mga pulis.

You might also like