You are on page 1of 2

JEZIEL M.

DOLOR BSED FIL 2A

Ano-ano ang mga uri ng tunggalian at mga uri ng tauhan ang kalimitang
ginagamit ng mga kwentista sa kani-kanilang mga akda? ipaliwanag ito isa -isa.

Ano ang Tunggalian?

Ang tunggalian ay isang elemento ng maikling kwento Tumutukoy ito sa problemang


kinakaharap ng pangunahing tauhan. Ito ang humuhubog sa katauhan ng pangunahing
tauhan.

Panloob na Tunggalian – Ito’y uri ng tunggalian na nangyayari sa loob mismo ng


tauhan. Dito, ang kanyang pangunahing kalaban ay ang kanyang sarili at ang mga
problemang internal. Ito’y kadalasan na makikita kapag ang mga tauhan ay mayroong
“internal conflict” o kaya’y nahihirapan sa mga desisyon.

 Tao laban sa Sarili - Ito ay isang uri ng tunggalian na panloob dahil


nangyayari ito sa loob ng tauhan. Sa tunggalian na ito ay kalaban ng
pangunahing tauhan ang kaniyang sarili. Nakikita o napapansin ito kapag ang
pangunahing tauhan ay nahihirapan sa pagdedesisyon, sa tama ba o mali.

Panlabas na Tunggalian

Tao laban sa Tao - Ito ang pinakaunang halimbawa ng panlabas na tunggalian. Sa


tunggalian na ito, ang kalaban ng pangunahing tauhan ay isa pang tauhan. Ito ang
klasikong bida laban sa kontrabida na eksena.

Tao laban sa Kalikasan - Sa tunggalian naman na ito, ang pangunahing tauhan ay


naapektuhan ng mga pwersa ng kalikasan. Halimbawa, ang biglaang pagputok ng
bulkan na maaaring maglagay sa pangunahing tauhan sa panganib. At isa pang
halimbawa nito ay ang biglaang pag lindol ng malakas, o pagbagyo na naglalagay sa
mga tauhan sa panganib.

Tao laban sa Lipunan - Ang pangunahing tauhan sa tunggalian na ito ay


nakikipagbanggaan sa lipunan. Halimbawa nito ang pagsuway sa mga alituntunin ng
lipunan o di kaya ay ang pagtakwil sa kultura ng lipunan..

Mga uri ng tauhan sa maikling kwento

Pangunahing tauhan

pinakamahalagang tauhan sa akda. sa kaniya umiikot ang kuwento,


mula sa simula hanggang sa wakas

Katunggaling Tauhan

siya ang sumasalungat o kalaban ng pangunahing tauhan. Sa


kaniya nabubuhay ang pangyayari sa akda.
Pantulong na Tauhan

karaniwang kasama ng pangunahing tauhan


PANGUNAHING TUNGKULIN - maging kapalagayang loob o
sumusuporta sa tauhan

May-akda

magkasama lagi ang loob ng awtor at pangunahing tauhan.


laging nakasubaybay ang kamalayan ng makaoangyarihang awtor.
siya ang nag sulat ng kwento

You might also like