You are on page 1of 11

Tunggalian sa Kwento

Palihang Pampanitikan
Ano nga ba ang tunggalian?

▪ Ito ay ang isang problema na kaillangang harapin o


bigyang solusyon ng tauhan sa isang kwento.
▪ Ang labanan ng mga panig at/o pagharap ng tauhan
upang masolusyonan ang problema ay tinatawag
rin na tunggalian.
Halimbawa:

▪ Problema : Walang pera ang tatay pero kailanagan


niya ng milyon upang mapagamot ang kaniyang
anak na may kanser sa buto.
▪ Tunggalian: Ang tatay ay ingat-yaman ng barangay
at may akses sa pera ng taong-bayan. Natutukso
siyang galawin ang pera dahil wala namang
makakaalam nito. Nag-aagaw ang katuwiran at
pangangailangan ngayon para sa kanya
Mga Uri ng Tunggalian

▪ Panloob (Internal) na Tunggalian


▪ Panlabas (External) na Tunggalian
a. Tao Laban sa Tao
b. Tao Laban sa Lipunan
c. Tao Laban sa Sirkunstansiya
Panloob (Internal) na Tunggalian

▪ Nanggagaling sa pangunahing tauhan ang suliranin.


Maaaring ito ay sa kanyang damdamin, pag-iisip, o
paniniwala.
▪ Nakakaapekto parin ang mga nakapaligid at ibang
tauhan sa kwento.
▪ Tinatawag din ito bilang tao laban sa sarili.
Panlabas (External) na Tunggalian

▪ Suliranin na nanggagaling sa mga nakapaligid sa


pangunahing tauhan. May iba’t ibang uri ang
tunggaliang ito.
Panlabas (External) na Tunggalian

a. Tao Laban sa Tao


- ang tinutunggali ng tauhan ay isa ring tauhan na
nagdudulot sa kaniya ng paghihirap na marating ang
kaniyang layunin sa kuwento.
Halimbawa:
Hindi pinayagan si Erika ng kaniyang mommy nang
magpaalam siyang sasama sa field trip. (Ang katunggali ni
Erika ay ang kaniyang nanay.)
Panlabas (External) na Tunggalian

b. Tao Laban sa Lipunan


- ang katunggali ng tauhan ay hindi lamang isa o
dalawang tao kundi ang kaniyang lipunan---ang mga
pamantayan nito, kawalang-hustisya, no maging an
pamahalaan at batas na mas malaki sa kaniya at
hinahamon niya.
Panlabas (External) na Tunggalian

b. Tao Laban sa Lipunan


Halimbawa:
Naging usap-usapan si Cindy sa buong
eskwelahan nang lumabas ang balita na niyaya niya si
Jake sa kanilang prom. (Pamantayang panlipunan ang
tinutunggali ni Cindy dahil babae siya at niyaya niya
na maging prom date si Jake, dahil dito ay nagging
usap-usapan siya.)
Panlabas (External) na Tunggalian

c. Tao Laban sa Sirkunstansiya


- ang tunggalian ay nasa pagitan ng tauhan at
ang mga di inaasahang pangyayari at kalagayan na
hindi niya kontrol ngunit kailangan niyang harapin at
labanan.
Panlabas (External) na Tunggalian

c. Tao Laban sa Sirkunstansiya


Halimbawa:
Pitong kilometro ang kailangang lakarin ni
Janjan upang marating ang Cape Enganyo na
pinagtatrabahuan niya bilang isang local tourist guide.
(Kahirapan ang tinutunggali ni Janjan.)

You might also like