You are on page 1of 3

Ang Bangis ni Haring Kenkevrham

Si Haring Kenkevrham ay kilala sa kanilang lugar bilang malakas, matapang, malupit, at walang
inuurungan ngunit ang hindi alam ng lahat ay ang hari ay may iniindang malalang sakit. Takot ang mga
tao dahil sa kaniyang ipinapakitang mga katangian sa kanyang nasasakupan. Si Meed Saitam ang pinuno
ng mga manggagawang naglilingkod sa kaharian ng hari ang siyang tagabigay ng mensahe sa hari mula
sa mga hinaing ng mga tao. Takot at matinding pagkabahala ang kanyang nararamdaman habang siya ay
nagbibigay ng mensahe sa hari ngunit ito ang itinalagang trabaho para sa kaniya.

Sa unang trabaho ni Meed Saitam bilang mensahero ay maraming mamamayan ang siyang nagbahagi ng
kani-kanilang mga mensahe. Umusbong ang takot ni Meed dahil alam niyang pagkatapos ay haharap
siya sa mabangis na hari ngunit ito ay kinakailangan. Sa mga sumusunod na pagbalik-balik niya ay
tinanggap niya ang kaniyang trabaho at ito ay kanya nang nakasanayan. Sa sumunod niyang pagbabalik
ay hinarangan siya ng sundalo na nakabantay sa pintuan ng han. "Hindi ka maaaring pumasok". May
mahalagang sasabihin si Meed sa hari. "Pakisabi sa mahal na hari ako ay may importanteng sasabihin sa
kaniya", wika ni Meed. Ngunit hindi niya alam na ang han ay may tinitiis ang sakit na nararamdaman at
hinihintay ang manggagamot. Ito ang matinding sekreto na hindi dapat malaman ninuman para hindi
masira ang imahe ng nari sa mga tao. Ngunit hindi nagpapigil si Meed. Pumasok ang sundalo para
sabihin sa han. "Mahal na hari, s Meed ay naririto at may importanteng mensahe siyang nais na ipaabot
sa inyo." Sagot ng hari, "Sasabihin niya ang dapat na sabihin sa sampung minuto lamang." Pagkalabas ng
sundalo ay sinabing sampung minuto ang ibinigay ng hari para sabihin ang kaniyang dapat na sabihin.
Napag-isip-isip ni Meed na ang sampung minuto ay hindi kakasya kung kaya't bumalik siya at muling
nakiusap. Hindi na siya nakaramdam ng takot sa kadahilanang ginagawa lamang niya ang kaniyang
trabaho. Sa sumunod na pangyayari ay narinig niya mula sa labas ang galit na sigaw ng hari. "Dahil siya
ay hindi nakuntento sa ibinigay kong oras ay dapat siyang parusahan. Talagang ginagalit niya ako. Gigil
na sigaw ng hari. Hinuli at ikinulong sa napakadilim na silid si Meed. Mula doon ay nilatigo, pinahirapan,
at hindi binigyan ng anumang pagkain. Ang plano ng hari sa huli ay ipapain siya sa mga alagang
mababangis na leon.

Ang mga tao ay nangamba kung bakit lumipas na ang ilang araw hindi nila nakita si Meed. May hinuha
sila na si Meed ay maaaring naparusahan ng mabangis na hari. Pagkatapos ay hinanap ng mga tao at
ipinatawag nila si Renrel Ydram ang matalik na kaibigan ni Meed para alamin ang nangyari. Sama-sama
silang pumunta sa kaharian ng han para alamin kung ano ang nangyari kay Meed ngunit sila ay
hinarangan ng mga sundalo. "Si Meed ay pinarusahan ng Hari at maaaring siya ay hindi na ninyo
makikita pa. Wika ng isa sa mga sundalo. Dahil sa narinig ng mga tao at ni Renrel na mensahe, sila ay
nagalit at nagpupumilit na pumasko ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, sa isang malaking kahon na
kulungan sa likod ng entradang pintuan ay nakita nila ang napakaraming aso na tumutulo ang laway at
ilang segundo laamang ay handa na itong lumapa.Tinungo nila ang sekretong lagusan tungo sa kulungan
na alam nilaang naroroon si Meed. Nakita nila pa si Meed ay nanghihina na. Itinakas nila si Meed ngunit
habang sila ay papalabas ay may nakaabang na mga leon at aso. Isa-isa nilabanan at pinatay ng mga
taong kasama ni Renrel. Sila ay nagwagi at maayos na naiuwi at nagamot si Meed. Nalaman ng mga tao
ang kalagayang ng hari dahil nalaman nila ang madalas na pagpunta ng manggagamot sa palasyo. Sa
huli, ang mabangis na hari ay binawian ng buhay dahil mas lumala pa ang kaniyang kalagayan kasama na
rin ang kanyang mga mababangis na alagang leon at aso.

Ang Alamat ng Ulan


Noong unang panahon sa malayong nayon ay may nanininirahang batang babaeng nagngangalang Luna.
Masaya siyang naninirahan kasama ang kaniyang pamilya sa kanilang malapalasyong tahanan. Kilala ang
kanilang pamilya 'di lamang dahil sila ang pinakamayaman kundi dahil na rin sa ipinapakita nilang
mabuting kalooban. Si Luna ang nag iisang anak ng mag-asawang Ula at An kaya naman napalaki nila ito
ng may takot sa Diyos at butihing kalooban.

Madalas ang pagkakaroon ng tagtuyo sa kanilang lugar kaya marami ang laging nagugutom. Sa pag-baha
(o kaya high tide) lamang sila umaasa. Sa panahon ng taggutom, ang pamilya nila ang nagsisilbing
sandalan ng mga taong naghihirap sa nayon. Sobra sobra ang kanilang mga ani tulad ng palay kaya
marami silang naitatagong mga pagkain.

Isang araw ay nagkaroon ng hindi inaasahang pangyayari ang buong baryo. Habang naglalakbay ang ama
ni Luna na si Ula upang magbigay tulong sa kabilang nayon ay aksidenteng nabangga ang sinasakyan nito
sa isang malaking bato na kaniyang ikinamatay. Nagulat at nalungkot ang lahat sa biglaang pangyayaring
ito.

Halos isang linggo bumalot ang katahimikan sa naturang baryo.

Hindi na nakayanan ni An ang kaniyang nadaramang depresyon. Makalipas ang dalawang buwan ay
tuluyan na siyang nagkaroon ng sakit sa pag-iisip. Marami ang gustong mag alaga sa kaniya ngunit
tanging si Luna lang ang kaniyang pinapakinggan. Masaya namang pinaglingkuran ni Luna ang kaniyang
ina habang ipinagpapatuloy ang pagtulo sa mga taong mahihirap.

Nang dahil sa murang eded, hindi alam ni Luna kung ano ba ang dapat niyang gawin. Nahihiya siyang
humingi ng tulong sa ibang tao sa takot na mapahiya kaya inililihim niya nalang ang kaniyang pag-
hihirap. 'Di nagtagal ay nawalan siya ng pag-asa at tiwala sa Diyos. Araw araw na siyang umiiyak at
nagwawala sa kaniyang silid. Nakalimutan niya nang tumulong. Pati na rin ang sariling ina ay napabayaan
na hanggang sa dumating ang araw na namatay ito ng dahil nga sa kaniyang pagpapabaya.

Ang pangyayaring ito ang gumising sa pagkawala ni Luna sa kaniyang sarili. Naisip niya na kung hindi siya
nagkulong sa kaniyang silid at hinarap nalang ang mga problema, ay hindi magyayari ang mga bagay na
ito. Pinilit niyang tumayo sa pagkakahiga sa kama ngunit masyado na siyang mahina. Tumingala na
lamang siya at nanalangin. Hiniling niya sa Panginoon na sana makatulong pa rin siya kahit siya ay wala
na. Nagkaroon saglit ng napakaliwanag na liwanag ng matapos niyang masambit ang mga katagang iyon.
Maya maya pa'y may bumubuhos nang malakas na tubig na nagmumula sa kalangitan. Nagtaka ang
lahat sa nangyari hanggang sa napansin nila na wala na si Luna sa kaniyang silid.

Madalas na bumubuhos ang tubig mula sa kalangitan simula noong araw na iyon kaya hindi na
kailanman nagkaroon ng tagtuyo sa kanilang nayon. Tinawag ng mga tao ang tubig na nagmumula sa
kalangitan na "Ulan" na nanggaling sa pinaghalong pangalan ng mag asawang Ula at An at pinag-lipat
lipat na titik ng pangalan ni Luna. Sa tulong ng ulan ay masagana nang namumuhay ang lahat ng tao.

You might also like