You are on page 1of 5

Pagsasanay.

Pagsulat ng balitang pampalakasan


Panuto: Gumawa ng sariling halimbawa ng balitang isports. 20 pts.

Philippine B.E.S.T swimmers, nanggulat sa Tokyo

Tunay na may palalagyan ang batang pinoy sa international competition Kung


may matibay na suporta at pagkakaisa sa swimming community.
Impresibo ang kampanya ng Philippine B E.S.T (Behrouz Elite Swim Team) junior
squad sa napagwagihang 18 medalya, tampok ang walong ginto sa 2020 Tokyo
swimming winner championship nitong weekend sa At. Mary’s International
School sa Setagaya, Tokyo, Japan.
Pinangunahan ni Cambodia-based Enkhmend Enkmend ang ratsada ng batang
pinoy sa napagwagihang tatlong ginto, habang kumana ng dalawa si Brendan
Viñas at may tig-isang gintong medalya sina JahZeel Rosario, Dawn Martina
Camacho, Ashley Anne Alvarez sa torneo na nilahukan ng may 15 club at school
team.
Nanguna ang 10 anyos na so Enkhmend sa boys 9-10 class 100m breaststroke sa
tyempong isang minuto at 33.75 Segundo laban kina Japanese Kenjiro Koya
(1:39.34) at Sho Sendai (1:41.49).
Hataw din ang grade 5 student Panyathip International School Cambodia sa 200-
m individual medley (3:05.88) kontra Kenjiro Koya (3:10.41) at Zen Twohig
(3:16.70), gayundin sa 50-m breasstroke para kompletuhin three-meet duel
sweep Kay Koya. Bunsod nito, tinaghal siyang Most Outstanding Swimmer sa boys
9-10 category.
Hataw Naman si Viñas sa boys 11-12 class 100-m fly at 50-meter fly bukod sa
bronze medal sa 100-m breast, habang nakopo ni Rosario, grade 8 student sa
Bristol integrated school Ang ginto sa 100-m breaststroke boys 13-14 class
(1:17.14) kontra sa kambal niyang si Jah Leel (1:26.60) at American Gray West
(1:21.93).
Himirit si Camacho sa girls 11-12 100 fly at nakakuha ng silver medal sa 50 fly
event habang nanguna si Alvarez sa girls 12-13 class 200 fly.
Ang Philippine B.E.S.T Team ay affiliated sa Philippine Swimming Inc. (PSI) at
suportado ng Behrouz Persian Cuisine sa pakikipagtulungan ng Filipino-Japanese
Community sa Tokyo na pinamumunuan ni Myles Briones-Beltran at Mama Aki
Marilyn Mabansag Yokokoj ng Iyawan Shinjuku.
Pagsasanay. Pagwawasto ng kopya o sipi.

Panuto. Basahin at iwasto ang isang artikulo sa ibaba. 10 pts.

Talambuhay ni Dr. Jose Rizal

Si Jose protasio Rizal ay ang Pambansang Bayani ng Pilipinas. Siya ay


isinilang sa Calamba, Laguna noong Hunyo 19, 1861. Ang kanyang mga
magulang ay sina Ginoong Francisco Mercado at Ginang Teodora Alonzo.

Ang kanyang ina ang naging unang guro niya. Maaga siyang nagsimula ng
pag-aaral sa bahay at ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Biñan,
Laguna. Nakapag tapos siya ng Batsilyer sa Agham sa Ateneo de Manila
noong Marso 23, 1876 na may mataas na karangalan.

Noong 1877, ipingpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Unibersidad


ng Santos Tomas at Unibersidad Central de Madrid hanggang sa matapos
niya ng sabay ang medisina at pilosopia noong 1885. Natuto rin siyang
bumasa at sumulat ng iba’t ibang wika kabilang na ang Latin at Greko. At
nakapagtapos siya ng kanyang masteral sa Paris, France at Heidelberg,
Germany.
Ang kanyang dalawang nobela “Me Noli Tangere” at “El
Filibusterismo” naglalahad ng mga pang-aabuso ng mga prayle sa mga
Pilipino at mga katiwalian sa pamahalaan ng Kastila.

Noong Hunyo 18 1892 ay umuwi ng Pilipinas si Dr. Jsoe P. Rizal.


Nagtatag siya ng samahan tinawag ito na “La Liga Filipina.” Ang layunin ng
samahan ay ang pagkakaisa ng mga Pilipino at maitaguyod ang pag-unlad
ng komersiyo, industriya at agricultura.

Noong Hulyo 6, 1892, si Jose Rizal ay nakulong sa Fort Santiago at


ipinatapon sa Dapitan noong Hulyo 14, 1892. Apat na taon siya namalagi
sa Dapitan kung saan nanggamot siya sa mga maysakit at hinikayat niya
ang mamamayan na magbukas ng paaralan. Hinikayat din niya ang ito sa
pagpapaunlad ng kanilang kapaligaran.

Noong Setyembre 3, 1896, habang papunta siya sa Cuba upang


magsilbi bilang siruhano, inaresto siya. Noong Nobyembre 3, 1896 ibinalik
sa Pilipinas at, sa pangalawang pagkakataon, ikinulong siya sa Fort
Santiago.

Noong Disyembre 26, 1896, si Jose Rizal ay nahatulan ng kamatayan


sa dahilang nagpagbintangan siya na nagpasimula ng rebelyon laban sa
mga Kastila.
Bago dumating ang kanyang katapusan naisulat niya ang “Mi Ultimo
Adios” (Ang Huling Paalam) upang magmulat sa mga susunod pang
henerasyon na maging makabayan.

Noong Disyembre 30, 1896, binaril si Jose P. Rizal sa Bagumbayan


(na ngayon ay Luneta).

I. Pangkabatiran/Pang-unawa.

1. . Bakit kailangang isunod sa ayos na inverted pyramid ang pagsulat ng balitang


pampalakasan?
Kailangang isunod ang ayos ng inverted pyramid ang pagsulat ng balita dahilan
nito ang baligtad na piramido ay isang talinghaga na ginamit ng mamamahayag at
iba pang mga dapat unahin Ang impormasyon sa prosa.

2. Gaano kahalaga ang pagwawasto ng sipi sa isang pahayagan at sa isang


manunulat?
Mahalaga ang pagwawasto ng sipi sa isang pahayagan at sa isang manunulat dahil
ito ang gawain ng isang editor upang lalong mapabuti at mapaganda ang estorya
at maging karapat-dapat na magkaroon ng espayo sa pahayagan.
3. Ano ang pagkakaiba ng pagsulat ng balita at pagsulat ng lathalain?
Ang pagkakaiba ng pagsulat ng balita at pagsulat ng lathalain ay ang balita ay
pawang katotohanan lamang. Hindi pwede iimbento ang lathalain naman ay
gumagamit ng mabubulaklak at matatalinhagang salita. Maaring gumawa ka ng
sariling kuwento o pagsalitain ang isang bagay.

4. May kaugnayan ba ang pagsulat ng balita sa pagsulat ng editorial? Kung


mayroon man, ano o papaano?
Oo may kaugnayan ang pagsulat ng balita sa pagsulat ng editorial dahil ang
editorial ay nanggaling din sa balita. Ngunit sa editorial ay ipinapaliwanag nila nito
ng maayos kaysa sa balita.

5. Sa pagsulat ng balita, lathalain, editorial at balitang isports, alin ditto ang sa


palagay mo ay nagugustuhan o sulatin? Bakit?
Sa palagay ko ang nagugustuhan na sulatin ko ay ang lathalain dahil sa lathalain
dito mo mapabatid mapalawak ang isang balita o isang impormasyon at isang
makakatohanang pangyayari batay sa iyong karanasan o pag-aaral. Ang pagsulat
ng lathalain ay nakasalalay sa malikhaing kaisipan ng isang manunulat.

You might also like