You are on page 1of 44

MAGANDANG UMAGA

SA INYONG LAHAT!
Panahon ng Himagsikan
1896-1900
KATIPUNAN
Kaligirang kasaysayan
Hindi naipagkaloob sa mga Pilipino ang mga hinihinging pagbabago
ng mga Propagandista. Naging bingi ang pamahalaan, nagpatuloy ang
pang-aapi at pagsasamantala, at naging mahigpit pa sa mga Pilipino
ang pamahalaan at simbahan. Ang mga mabuting balakin sana ng
Inang Espanya sa Pilipinas ay nasasalungat pa rin ng mga prayleng
nangaghari rito.
KATIPUNAN
Kaligirang kasaysayan
Matapos madakip si Rizal noong Hulyo 6, 1892, inisip ng mga
Pilipino na hindi na nila makakamit ang hinihinging pagbabago sa
mapayapang paraan. Para sa kanila, ang tanging paraan na lamang
upang mabago ang pamumuhay ng mga Pilipino ay ang
pagpapaalis ang mga Espanyol sa pamamagitan ng rebolusyon.
PAGKATATAG
NG KATIPUNAN

Noong Hulyo 7, 1892, itinatag nina Andres Bonifacio,Valentin


Diaz,Teodoro Plata, Ladislao Diwa, Deodato Arellano at ilan pang may
diwang makabayan na lihim na nagpulongsa isang bahay sa Azcarraga.
LAYUNIN NG KATIPUNAN
1.Politikal- maitaguyod ang kalayaan ng Piliponas mula sa mga
Espanyol.
2.Moral- Turuan ang mga Pilipino ng kalinisan, mabuting-asal,
at labanan ang pagiging bulag na tagasunod sa
pananampalataya.
3.Sibika- tulungan ang sarili at ipagtanggol ang mahihirap at
naapi.
TATLONG SANGGUNIAN NG KKK
1.Kataastaasang Sanggunian
2.Sangguniang Bayan
3.Sangguniang Balangay
PAGSAPI SA
KATIPUNAN

• Ang trianggulong sistema ay ginamit sa pagkuha ng mga kasaping


katipunero.

• Ang dating miyembro ay maghahanap ng dalawang bagong miyembro


na hindi magkakilala.

• Sa maikling panahon, lumaki ang samahan ng Katipunan.


MGA KASAPI NG
KATIPUNAN
Katipun

• Unang antas ng Katipunero

• (Password): Anak ng Bayan

• Nagsusuot ng itim na pandong sa mga pagpupulong na may


nakasulat na titik Z,B,L. Nangangahulugang Anak ng Bayan
MGA KASAPI NG
KATIPUNAN
Kawal

• Ikalawang antas ng Katipunero

• (Password): GOMBURZA

• Nagsusuot ng berdeng pandong sa mga pagpupulong


na may titik na Z,B,L nangangahulugang Anak ng
Bayan
MGA KASAPI NG
KATIPUNAN
Bayani
• Ikatlong antas ng Katipunero

• (Password): Rizal

• Nagsusuot ng pulang hood sa mga pagpupulong.

• Binubuo ng mga pinuno ng Katipunan.


Pacto de Sangre

• Ang ritwal na ginagawa sa mga taong nais na maging kasapi


ng Katipunan.

• Ito ay ginagawa sa isang lihim na silid na kung tawagin ay


Camara Negra (Dark Chamber)

• Ito ay nagsisimula sa isang pagsubok at nagtatapos sa


paglagda sa kasunduan gamit ang sarili nilang dugo.
NILALAMAN NG PANITIKAN SA PANAHON NG
TAHASANG PAGHIHIMAGSIK
• Pawang pagtuligsa sa pamahalaan at simbahan

• Pagbibigay-payo sa mga Pilipino upang


magkaisa at maghanda nang matamo ang
inaasam na kalayaan
TALUKTOK NG TAHASANG PAGHIHIMAGSIK

• Ang kinikilalang taluktok o pinakalider ng tahasang


paghihimagsik ay sina: Andres Bonifacio, Emilio Jacinto at
Apolinario Mabini.
Andrés Bonifacio y de Castro

• Siya’y isáng tunay na Pilipino na ipinanganak


noong ika-30 ng Nobiyembre ng 1863 sa isang
bahay na pawid sa pook na nasa sa harap ng
himpilan ngayón ng pero-karil sa daang
Azcárraga, Tundó, Maynila.

• Ang kanyang amá’y nagngangalang Santiago


Bonifacio na ang hanap-buhay ay sastré at ang
kanyang ina nama’y Catalina de Castro. Mga taal
na taga Maynilà.
• Isang Pilipinong makabayan at rebolusyonaryo.

• Binansagan siyang "Ama ng Katipunan". Siya ang


nagtatag at lumaon naging Supremo ng kilusang
Katipunan na naglayong makamtan ang kasarinlan ng
Pilipinas mula sa Espanya at nagpasimula ng
Himagsikang Pilipino.

• Kinikilala rin siya ng ilang mga dalubhasa sa


kasaysayan bílang unang Pangulo ng Pilipinas, subalit
hindi siya opisyal na kinikilala.
• Hamak ang pinanggalingang kalagayan sa buhay,
kaya’t sinasabing ang kanyang mga natutuhan ay
pawang galing sa “paaralan ng karanasan”

• Umanib o lumahok sa kilusang itinatag ni Jose


Rizal-ang LA LIGA FILIPINA

• Lalong kilala sa pagiging dakilang mandirigma


kaysa manunulat
MGA AKDA NI A. BONIFACIO

 Pag-ibig sa Tinubuang Lupa


-isang tulang nagpapakilala sa malaking pagibig sa Inang
Bayan, ang kamatayan ay handang harapin kung ang dahilan ay
pagtatanggol sa kalayaan ng Bayan.
 Ang Dapat Mabatid ng mga Tagalog
- isang paglalagom ng kasaysayan ng Pilipinas, isinad dito
ang magandang kalagayan ng pamumuhay ng ga Pilipino bago
dumating ang mga kastila.
 Katungkulang Gagawin Ng Mga Anak Ng Bayan
(Decalogo)
-karatilya ng Katipunan na isinulat ni Andres Bonifacio.
Kartilya ni Bonifacio
1. Ibigin mo ang Diyos nang buong puso.

2. Laging isaisip na ang tunay na pag-ibig sa Diyos ay ang


pag- ibig sa bayan at sa kapwa tao.

3. Ikintal mo sa puso na ang tunay na karangalan at


kaligayahan ay natatamo sa iyong pagkamatay sapakikilaban
sa ngalan ng iyong bayan.

4. Ang lahat ng mabubuti mong hangarin ay makakamtan


kung ikaw ay mahinahon, matiyaga, makatwiran at may pag-
asa sa iyong gawain.

5. Pangalagaang katulad ng iyong karangalan ang mga


kautusan at mga hangarin ng KKK.
6. Katungkulan mong iligtas ang buhay na nasa panganib sa
pagpupumilit na matupad ang isang marangal na hangarin, kahit
mapilitang ihandog mo ang sariling buhayat yaman.

7. Bayaang ang saring pag-uugali at pangingilos sa pagtupad ng ating


tungkulin ay maging uliran ng iba.

8. Bahagian mo ng iyong yaman ang bawat dukha at taong kulang-


palad sa loob ng iyong makakaya.

9. Ang pagsusumikap at pagpipilit na kumita ng ikabubuhay ay


nagpapahayag ng tunay na pagmamahal sa sarili, sa asawa, anak,
kapatid at kababayan.

10. May parusa sa bawatsalarin ang taksil, at gantimpala sa lahat ng


mabubuting gawa. Manalig na ang puntahin ng KKK ay kaloob ng
Maykapal, samaktwid ang hangad ng bayanay hangad din niya.
Emilio Jacinto (1875-1899)

 Ang tinaguriang “Utak ng Katipunan.”

 Si Emilio Jacinto ay anak nila Mariano Jacinto at


Josefa Dizon. Namatay agad ang kanyang ama
ilang sandali lamang matapos na siya ay isilang
na nagtulak sa kanyang ina.

 na ipaampon si Emilio sa kanyang tiyuhin na si


Don Jose Dizon upang magkaroon ng magandang
buhay.
 Si Emilio ay bihasa sa pagsasalita ng Tagalog at Kastila pero
mas gusto niya ang Kastila. Siya ay nag-aral sa Kolehiyo ng
San Juan de Letran at nang maglaon ay lumipat sa Pamantasan
ng Sto. Tomas para mag-aral ng batas. Hindi niya natapos ang
kurso at sa edad na 20 ay sumapi siya sa isang sikretong
samahan na ang pangalan ay Katipunan.

 Nang mamatay si Bonifacio, ipinagpatuloy ni Jacinto ang


paglaban sa mga Kastila bagamat hindi siya sumali sa puwersa
ni Aguinaldo. Namatay si Emilio Jacinto sa sakit na malaria
noong Abril 16, 1899 sa Majayjay, Laguna sa edad na 23.

 Nakilatis ni Bonifacio ang dunong at katapatan ni Jacinto, kaya


hinirang niya itong kalihim (secretary) at fiscal (abogado,
attorney) ng Katipunan.
Pio Valenzuela
 Si Pio Valenzuela ay isang Pilipinong manggagamot at isang
importanteng tao sa panahon ng Rebolusyong Pilipino laban sa
mga kolonyalistang Espanyol. Noong ika-11 ng Hulyo 1869, siya
ay isinilang sa Polo, Bulacan (ngayon ay Valenzuela City).

 Si Valenzuela ay isang mag-aaral sa medisina ng University of


Santos Tomas nang sumali siya sa bagong tatag na Katipunan,
isang sikretong lipunan na itinatag ni Andres Bonifacio noong
Hulyo 7, 1892 sa Tondo, Maynila. Lihim na itinatag niya ang
mga sangay ng Katipunan sa maraming lugar sa Morong (ngayon
Rizal province) at Bulacan. Si Dr. Valenzuela din ang
kinomisyon ni Bonifacio upang makipag- usap kay Dr. Jose
Rizal, na pinatapon sa Dapitan, tungkol sa Katipunan at sa plano
ng grupo na bumangon laban sa mga awtoridad ng Espanyol.
 Umalis siya sa papuntang Dapitan noong Hunyo 15, 1896.
Gayunpaman, nagbigay ng babala si Rizal laban sa pagpapalit ng
pamahalaan kung saan hindi handa ang mga tao. Sinabi ni Rizal na
kinakailangan ang edukasyon, at sa kanyang opinyon pangkalahatang
paliwanag ang tanging daan upang umunlad.

 Si Valenzuela rin ang tumulong kay Emilio Jacinto sa pagtatag ng


"Kalayaan", ang pahayagan ng Katipunan, gamit ang mga ninakaw na
makinilya mula sa Diario de Manila.

 Nang maglaon, tinanggap ni Valenzuela ang amnestiya na inaalok ng


kolonyal na gobyerno ng Espanyol. Sumuko siya noong Setyembre 1,
1896 at pagkatapos ay dineport siya sa Espanya at nabilanggo sa
Madrid. Nang maglaon, siya ay inilipat sa Malaga, Barcelona at
pagkatapos ay sa isang outpost ng Espanya sa Africa. Siya ay nakulong
sa loob ng mga dalawang taon. Sa ilalim ng mga Amerikano, siya ay
nabilanggo muli at inihayag bilang isang "radical propagandist".
 Pagkalipas ng ilang taon, naglingkod siya bilang unang
alkalde (sa panahon ng rehimeng Amerikano) ng
munisipalidad ng Polo (ngayon ay Valenzuela City) mula
1899 hanggang 1900 bago siya naging gobernador ng
lalawigan ng Bulacan (1921-1925). Namatay siya noong Abril
6, 1956 sa edad na 86.

 Noong 1963, pinalitan ang pangalan ng bayan ng Polo at


tinawag na Valenzuela bilang parangal kay Dr. Pio
Valenzuela. Ang munisipalidad ay naging isang lungsod
noong 1998.
Apolinari Mabini (1864-1903)

 Si Mabini ang “Utak ng Himagsikan”

 Tinagurian din siyang “Dakilang Lumpo” sapagkat sa kabila ng


kanyang kapansanan ay kinatatakutan pa ang kaniyang panulat at
kailangan siyang ipatapon.

 Sa Maynila noong 1881, nakamit niya ang isang partial


scholarship na nagbigay-daan upang makapag-aral siya sa
Kolehiyo ng San Juan de Letran. Natapos niya ang kanyang
Batsilyer sa Sining noong 1887. Nag-aral din siya ng abogasya sa
Unibersidad ng Santo Tomas mula 1888 hanggang 1894
 Noong 1893, isa siya sa mga bumuhay ng La Liga Filipina na siyang
nagbibigay-suporta sa Kilusang Pang-reporma. Noong taong 1896
naman, nagkaroon siya ng matinding sakit na nagdulot sa kanya na
maging paralitiko habambuhay.

 Hinuli siya ng mga gwardiya sibil noong 10 Oktubre 1896, dahil sa


pagkakaroon niya ng koneksyon sa mga repormista. Sumailalim siya
sa house arrest sa ospital ng San Juan de Dios at nang kinalaunan ay
pinalaya na rin dahil sa kanyang kondisyon.

 Nang bumalik sa Pilipinas si Emilio Aguinaldo noong 19 Mayo


1898, pinasundo niya si Mabini sa Laguna at matapos ang kanilang
pagpupulong noong 12 Hunyo 1898, si Mabini ay naging punong
tagapayo ni Aguinaldo.
Jose Palma

Mahalaga rin ang papel na ginagampanan ni Jose Palma sa


kasaysayan at sa panitikan ng bayan. Siya ang sumulat ng “Himno
Nacional Filipino “(Pambansang Awit ng Pilipinas).
 Bagama’t sa Kastila niya ito isisnulat at marami nang salin ang
nagawa, hindi maitatatwang siya ang naghandog sa bayan ng
Pambansang Awit
Mga Pahayagan Noong Panahon ng Himagsikan
1.) Kalayaan- ang pamansag ng Katipunan. Itinatag ito noong 1896.
Pinamatnugutan ito ni Pio Valenzuela.

2.) Diario de Manila, ang pantulong ng Kalayaan. Natagpuan ng mga


kastila ang limbagan nito kaya’t may katibayan sila sa mga plano ng mga
Katipunero.

3.) El Heraldo de la Revolicion. Makalwa sanlinggom kung lumabas


ang pahayagang ito. Limbag ito sa Unang Republika ng Pilipinas noong
1898. Itinaguyod nito ang kaisipang pampulitika. Nang lumaon, naging
Heraldo Filipino ang pangalan nito at kalaunan ay naging Indice Official
at Gaceta de Filipinas. Tumagal ang pahayagang ito mula ika- 28 ng
Detyembre, 1898 hanggang kalagitnaan ng 1899. Layon nitong pag-
alabin ang damdaming makabayan tulad din ng mga naunang pahayagan.
4.)La Independencia. Naging patnugot nito si Antonio Luna. Itinatag
ito noong ika- 3 ng Setyembre, 1898.

5.) La Republika Filipina. Pinamatnugutan at itinatag ni Pedro Paterno


noong 1898.

6.) Ang Bayang Kahapis- hapis. Lumabas noong ika-24 ng Agosto,


1899.

7.) Ang Kaibigan ng Bayan. Lumabas noong 1898.

8.) Ang Kalayaan. Tagapamalitang Tagalog at Capampangan, Tarlac,


1899.
Pagkakatuklas ng Katipunan

 Nabunyag ang lihim ng Katipunan ng


ikinumpisal ito ng kapatid ni Teodoro Patiño kay
Padre Mariano Gil noong August 19, 1896.

 Sa ginawang paghahalughog sa palimbagan ng


Diario de Manila, natuklasan ang mga patalim,
resibo at dokumento ng Katipunan.
 Gumagamit sila ng mga
MGA SAGISAG-PANULAT sagisag-panulat upang
itago ang kanilang tunay
na pagkakakilanlan. Ito
Andres Bonifacio- Agapito Bagumbayan,
ay dahil malaya silang
Maypagasa, Magdiwang
ipahayag ang kanilang
hinanakit at pagtuligsa
Emilio Jacinto- Dimas-ilaw, Pingkian
sa mga Kastila.
Pio Valenzuela- Madlang-awa

Apolinario Mabini- Bini, Paralitiko, Katabay

Jose Palma- Anahaw, Esteban Estebanes, Gan


Hantik, dapithapon
Marcos, Xyrick
Albus, Ronalyn Balauitan, Zaira Mae
Pascua, Blessie Angel Sauadan,Sharaina
Luwang, Jen Cricel Danao, Winmar

GROUP 1
PANITIKANG PILIPINO
Maraming Salamat
po.

You might also like