Professional Documents
Culture Documents
KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN
Matapos madakip si Rizal noong Hulyo 6, 1892, iniisip ng mga Pilipino na hindi na
nila makakamit ang hinihinging pagbabago sa mapayapang paraan. Para sa kanila,
ang tanging paraan na lamang upang mabago ang pamumuhay ng mga Pilipino ay ang
pagpapaalis ng mga Espanyol sa pamamagitan ng rebolusyon.
Ang Katipunan- Ang pagkakatatag ng Katipunan ay noong Hulyo 7, 1892 itinatag nina
Andres Bonifacio, Valentin Diaz, Teodoro Plata, Ladislao Diwa, Deodato Arellano
sa isang bahay sa Azcarraga.
Layunin ng Katipunan
1. Politikal
2. Moral
3. Sibiko
Mga Kasapi ng Katipunan
Andres Bonifacio
-Katungkulang Gagawin ng mga Anak ng Bayan - Huling Paalam ni Dr. Jose Rizal
-Katapusang Hibik ng Pilipinas
Emilio Jacinto
Ipinanganak si Emilio Jacinto sa Tondo, Maynila at ang mga magulang niya ay sina
Mariano Jacinto at Josefa Dizon. Nag-aral siya sa Colegio de San Juan de Letran,
at lumaon at lumipat sa Unibersidad ng Santo Tomas upang mag-aral ng abogasiya.
Naging kamag-aral niya rito sina Manuel Quezon at Sergio Osmeña. Hindi siya
nakapagtapos sa kolehiyo, at sa gulang na 17, si Emilio Jacinto ang pinakabata sa
lihim na samahan na tinawag na Katipunan. Naging tagapayo siya sa mga usaping
pampiskalya at kalihim ni Andrés Bonifacio. Lumaon ay nakilala siya bilang Utak
ng Katipunan.
Pio Valenzuela
Si Pio Valenzuela ay isang manggagamot at naging mataas na pinunô ng
Katipunan. Bilang pagkilala sa kaniyang kabayanihan, ipinangalan sa kanya ang
isang siyudad sa Metro Manila, ang Lungsod Valenzuela(dating Polo, Bulacan).
Sumapi siyá sa Katipunan noong Hulyo 1892, at halos sanlinggo pa lámang naitatayô
noon ang lihim na kapatirang mapanghimagsik. Mabilis siyáng naging kaibigan ni
Andres Bonifacio. Naging ninong siyá ng anak nina Andres at Gregoria at sa
kaniyang bahay tumuloy ang mag-asawa nang masunog ang kanilang tahanan.
Noong1896, isinugo din siyá sa Dapitan upang kausapin si Jose Rizal at talakayin
ang suporta nitó para sa armadong himagsikan.
Nang natuklasan ng mga Español ang Katipunan, tumakas si Valenzuela sa Balintawak
ngunit sumuko rin upang makamtan ang inaalok na amnestiya ng pamahalaang
kolonyal. Ipinatapón siyá sa España at ipiniit sa Madrid, Malaga, Barcelona, at
sa Africa. Nakulong siyá nang mahigit-kumulang dalawang taón.
Isinilang siyá noong 11 Hulyo 1869 sa Polo, Bulacan sa maykayang pamilya nina
Francisco Valenzuela at Lorenza Alejandrino. Nag-aral siyá sa Colegio de San Juan
de Letran, at nakamit ang lisensiya sa medisina mula sa Unibersidad ng Santo
Tomas noong 1895. Nagkaroon siyá ng pitóng anak sa asawang si Marciana Castro.
Pumanaw siyá noong 6 Abril 1956 sa kaniyang bayang sinilangan.
Ilang sa mga pahayagan noon ang:
1. Kalayaan- ang pamansag ng Katipunan. Itinatag ito noong 1896. Pinamatnugutan
ito ni PioValenzuela.
2.) Diario de Manila, ang pantulong ng Kalayaan. Natagpuan ng mga kastila ang
limbagan nito kaya’t may katibayan sila sa mga plano ng mga Katipunero.
3.) El Heraldo de la Revolicion. Makalwa sanlinggom kung lumabas ang pahayagang
ito. Limbag ito sa Unang Republika ng Pilipinas noong 1898. Itinaguyod nito ang
kaisipang pampulitika. Nang lumaon, naging Heraldo Filipino ang pangalan nito at
kalaunan ay naging Indice Official at Gaceta de Filipinas. Tumagal ang pahayagang
ito mula ika- 28 ng Detyembre, 1898 hanggang kalagitnaan ng 1899. Layon nitong
pag-alabin ang damdaming makabayan tulad din ng mga naunang pahayagan.
4.) La Independencia. Naging patnugot nito si Antonio Luna. Itinatag ito noong
ika- 3 ng Setyembre, 1898.
5.) La Republika Filipina. Pinamatnugutan at itinatag ni Pedro Paterno noong
1898.
6.) Ang Bayang Kahapis- hapis. Lumabas noong ika-24 ng Agosto, 1899.