You are on page 1of 68

ANG PANITIKAN SA

PANAHON NG PROPAGANDA
AT HIMAGSIKAN (1872-1898)
Kabaligtaran naman ang
paniniwala ng pangkat na
Nahati sa dalawang pangkat ang pinamumunuan ni Andres
mga Filipinong nagnanais ng Bonifacio. Ayon kay Bonifacio ay
pagbabago. Ang unang pangkat ay umabot na sa sukdulan ang
pinangunahan ni Dr. Jose Rizal na kanilang paghihintay ng
umasang makakamit ang kalayaan pagbabago, at panahon na para
sa mahinahong pamamaraan. Ayon mag-alsa. Kaya hindi na napigil sa
sa pambansang bayani, di- paglusob ang mga Katipunero.
kailangang magbuwis ng buhay ang Marami ang napatay sa bawat
mga Filipino. Dapat anyang paglusob ngunit sa halip na
maghintay ng tamang panahon para mawalan ng pag-asa, ay lalo pang
makamit ang kalayaan. dumami ang sumapi sa samahan.
Ang panahong ito ay nagsimula noong taong 1872 nang
pinalitan ng isang mahigpit na Kapitan Heneral na si Rafael
de Izquierdo ang isang mabuting pinuno, at tunay na
demokratikong si Hen. Carlos Maria de la Torre. Binaligtad
ni Izquierdo ang mga ginawa ni de la Torre kaya nagkagulo.
Naghimagsik ang mga kawal, at manggagawa sa
pamumuno ng isang sarhentong kawal, si La Madrid. Sa
kasamaang-palad, nasupil sila kaya sinamantala ng mga
maimpluwensiyang Kastila at isinangkot ang tatlong paring
Filipino sa aklasan ng Kabite. Binitay sila sa garote noong
Pebrero 17, 1872. Dahil dito, lumaganap ang diwang
humihingi ng pagbabago sa masamang pamamalakad ng
mga mananakop.
DR. JOSE RIZAL - BAYANI NG LAHING KAYUMANGGI
Si Jose Rizal ay isinilang sa Calamba, Laguna noong
Hunyo 19, 1861. Sa kabataan pa lamang ay kinakitaan
na siya ng pambihirang talino. Sa kabuuan, siya ay
isang henyo. Ang mga isinulat niya ay mga batumbuhay
na pambuo ng batayan ng kagitingan. Itinaya niya ang
kanyang buhay sa kamatayan tulad ng isang magiting
na kawal sa larangan ng digmaan. Ilan sa mga isinulat
ni Rizal ay ang mga sumusunod:
ANG AWIT NI MARIA CLARA
Buhat sa "Noli Me Tangere"

Kaytamis ng oras sa sariling bayan,


kaibigang lahat ang abot ng araw,
at sampu ng simoy sa paraan ng buhay,
aliw ng panimdim pati kamatayan.

Maalab na halik ang nagsasaliw-saliw


sa labi ng inang mahal, pagkagising;
ang pita ng bisig ay siya'y yapusin,
pati mga mata'y ngumingiti mandin.

Kung dahil sa bayan, kaytamis mamatay,


doon sa kasuyo ang abot ng araw;
kamatayan pati ng simoy sa parang,
sa walang pag-ibig, ni ina, ni bayan.
ANG SANHI NG PAGIGING TAMAD NG MGA FILIPINO
Noong taong 1890, Hulyo 13-Setyembre 15, isang artikulo
ni Dr. Rizal ang nasulat sa pahayagang La Solidaridad ang
lumabas na nagsasabi ng tunay na kalagayan at katayuan ng
bansang Filipinas at ng mga taong naninirahan dito.
Ang tulang obra-maestro ni Rizal ay ang Huling Paalam (Mi
Ultimo Adios). Ito ay kanyang sinulat habang siya ay nasa
piitan ng Puwerta Santiago noong 1896. Si Andres Bonifacio
ay isa sa mga nagsalin ng Huling Paalam sa Filipino.
 

IBA PANG LIKHA NI DR. RIZAL


• Sa Aking Mga Kababata
• Pinatutula Ako
• Ang Sanggol na si Hesus
• Ang Awit ni Maria Clara
• Sa Kaarawan ni Ina
• Sa mga Bulaklak ng Heidelberg
• Sa Kabataang Filipino
• Dalit sa Paggawa
• Ang Tanglaw ng Bayan
• Ang ligpit kong Tahanan
• Isang Alaala sa Aking Ina
• Awit ng Manlalakbay
• Sa Tabi ng Pasig
• Sa Mahal na Birhen
PILIPINAS SA LOOB NG SANDAANG TAON (FILIPINAS
DENTRO DE CIEN AÑOS)
Ito ay isang sanaysay na nagpapahiwatig na sa
darating na panahon ay mababawasan ang interes ng
Europa sa Pilipinas at ang hangarin ng Estados
Unidos ay mararamdaman. Hinulaan ni Dr. Rizal na
kung may sasakop na muli sa Pilipinas ito ay wala
nang iba kundi ang Amerika.
TUNGKOL SA KATAMARAN NG MGA FILIPINO (SOBRE LA
INDOLENCIA LOS FILIPINOS)
Isang sanaysay na ipinagtatanggol ni Dr. Rizal ang
sinasabing katamaran ng mga Pilipino. Ipinahahayag ni
Dr. Rizal na ang mga Pilipino ay hindi likas na
mapagpabaya at tamad. Ang pagiging tamad ng mga
Pilipino ay kagagawan na rin ng mga prayle at pinuno ng
pamahalaan.
ANG NOLI ME TANGERE AT ANG EL FILIBUSTERISMO
Ito ang dalawang walang kamatayang nobela ni Dr. Rizal. Sinasabing ang nobela ay
isang “buhay na nobela.” Maraming pangyayari sa Noli at Fili na nangyayari pa rin sa
kasalukuyan.
Inilantad niya ang mga kasamaang naghahari sa Pilipinas sa pamamahala ng mga
Kastila, gayon din ang maling pagsunod ng mga Filipino. Hindi malilimot ang mga
larawang buhay sa katauhan nina Juan Crisostomo Ibarra, Elias, Sisa, Pilosopong Tasyo,
Donya Victorina, Basilio, Crispin, Kapitan ng guardia sibil, Pari Damaso, at marami pang
iba.
Ang El Fili ay karugtong ng Noli. Ang Noli ay nilimbag sa Berlin Germany noong 1887,
at ang Fili ay sa Ghent, Belgium noong 1891. Dahil sa dalawang nobelang ito, si Dr.
Rizal ay naging kaaway ng pamahalaang Kastila at mga prayle.
Ito rin ang nagpasigla sa kilusang propaganda, at siyang nagbigay-daan sa Himagsikang
Filipino at Kastila.
Nang sumiklab ang himagsikang ibinangon ng mga Katipunero noong 1896,
si Dr. Rizal ay ipinadakip sa salang pakikialam sa mga manghihimagsik.
Tatlong araw bago siya dinakip, itinatag ni Dr. Rizal ang La Liga Filipina,
kapisanang nagtataguyod ng mga pagbabago sa pamamahala ng mga
Kastila. Narito ang ilang halimbawa ng pahayag ni Dr. Rizal sa bibig ng mga
tauhan sa Noli at Fili.
“Hindi po, kung dahil sa pagkatuto ng wikang Kastila ay mapapalapit
tayo sa pamahalaan at sa kabilang dako naman ay magiging sanhi ng
paglalapit-lapit ng mga pulo…!
-Basilio
“Kayong mga kabataan ay tunay na mapangarapin, hangad ninyong
magtayo ng Akademya ng Wikang Kastila, samantalang maraming wikain
sa Pilipinas na dapat ninyong pag-aralam…”
“Ang balita ay parang isang koryente-elektrika na biglang kumalat sa mga
tahanan ng mga lintang-panlipunan, bangaw o kantanod na nilalang ng
diyos sa kanyang walang hanggang awa at walang sagabal na pinararami
sa Maynila…”
“Ang mga mamamayan ay hindi makadaing sa pamahalaan sapagkat
binubusalan ang kanilang bibig. Ang lakas ng naimpit sa maraming
dantaon, mga lasong patak-patak na naipon, mga buntonghiningang
nagsisikip sa dibdib ay biglang tatalsik at sasabog…”
-Pilosopo Tasyo
MARCELO H. DEL PILAR
Si Marcelo H. Del Pilaray isinilang sa nayon ng Kupang, San Nicolas, Bulakan
noong Agosto 30, 1850. Siya ay buhat sa angkan ng mayaman, subalit
namatay na isang mahirap sa Barcelona, Espanya noong Hulyo 4, 1896, at
malayo sa kanyang mga kaanak.
Si Del Pilar ay lalong kilala sa sagisag-panulat na Plaridel. Siya ang nagtatag
ng Diariong Tagalog noong 1882. Ang pahayagang ito ay naglalaman ng mga
daing ng mga Filipino laban sa maling pamamalakad ng mga Kastila sa
Filipinas. Si Del Pilar ay nagtungo sa Espanya noong 1888. Dito ay hinalinhan
niya si Graciano Lopez-Jaena sa pagka-patnugot ng La Solidaridad,
pahayagang naging tagapagbandila ng kilusang propaganda sa Filipinas at
Espanya.
Si Marcelo H. Del Pilar, tulad din ni Dr. Rizal
hanggang sa kanyang huling sandal ay naghahangad ng
kaligayahan ng kanyang mga kababayan, at
pagmamalasakit sa kapakanan ng bayan. Narito ang
kanyang pahayag:
“Sabihin ninyo sa aking pamilya na sila ay hindi
ko na napagpaalamanan. Ipagpatuloy ninyo ang
pagtuklas ng mga paraang ikagiginhawa at
ikagagaling ng ating bayan.”
PAGKATAO AT KAUGALIAN
Nang bata pa si Plaridel, siya ay naging palakaibigan, maging
sa paaralan, sa kanyang pook na sinilangan, at sa ibang mga
dako na kanyang pinaroroonan. Sapagkat siya ay mahusay
tumugtog ng biyolin, at maganda ang tinig sa pag-awit,
madalas siyang makasama sa paghaharana ng mga diwata
kung gabing maliwanag ang sikat ng buwan. Sa pagtitipon ay
kinagigiliwan ang kanyang pagiging magaling sa dupluhan,
dalitan at bugtungan. Isa rin siyang mahusay na
mananalumpati tulad ng ama.
Magaling siyang makipagsalitaan, nakalilibang, at nakasisiyang
maging kausap. Masalita siya, pangkaraniwan, masaya, lantad ang
kalooban, at magalang. Hindi siyapalalo o mapagpanggap. Sa
panganib, siya ay matapat, at buo ang loob, subalit kung kailangan
ay maawain at mataktika. Sa ibang salita, siya ay magaling
makitungo sa mga taong may magkakaibang ugali o paninindigan.
Kaya nga minsan ay nawika ni Hen. Antonio Luna nang magkaroon
ng pagsasalungatan ang mga kapwa nila Filipinpo sa Espanya at hindi
masansala, ang ganito:
“Kung si Marcelo lamang ay buhay pa! Siya lamang ang
makapagpapatahimik sa ganitong kaguluhan.”
Sa paninindigan, si Plaridel ay sukdulang matatag at matibay.
Noong 1889 o sumunod na taon, sa kahilingan ni Ferdinand
Blumentritt, ay sinuri ang mga sulat kamay ni Plaridel ng isang
Aleman na dalubhasa sa pagbasa ng mga sulat-kamay, si Herr
Langerbrunch, at ganito ang kanyang naihayag:
“Ang kanyang pagkatao ay paladigma, tuso, labis na
masigasig, at may malaking kahusayan sa panunudyo;
maawain, matapat, mapag-adhika; walang pagsasaalang-
alang kailanma’t may mahalagang dapat gawin.”
Isa sa naging kasama ni Plaridel sa Kilusang Pagpapalaganap
sa Espanya, si Dr. Dominador Gomez, ay nagwika naman ng
ganito tungkol sa ating bayani:
“May pangangatawang katulad ng pinanday ng asero’t
gulugod ng isang taong walang gulat;utak na
napakatalino na napapaloob sa isang bungong parisukat;
at mga titig na nangungusap at may katangiang
makapagpasuko at makabighani sa sinumang matitigan.”
Ang isa sa pinakamatalik na kaibigan ni Plaridel, si Mariano Ponce ng
Baliwag, sa isang sinulat niya na nalathala sa pahayagng La
Independencia noong taong 1898, ay nagwika ng ganito hinggil kay
Plaridel:
“Isang walang pagod na propagandista, bihasa sa pampulitikang
pakikipaglaban, matibay sa pananalakay at pagtatanggol at
magaling na manunulat, matatag sa kanyang pangangatwiran; ang
kanyang karunungan at katalinuhan ay iginalang pati ng kanyang
mga kaaway na sa higit sa isang pagkakataon ay nagapi niya sa
matahimik na tunggalian ng mga kaisipan.”
PAGKAKASAKIT AT MGA KASIPHAYUAN SA ESPANYA
Dahil sa masidhing pangungulila, pag-aalala sa kanyang asawa at mga
anak, pagdarahop sa buhay, pag-iisip, at kasiphayuang bunga ng
pagwawakas ng LA SOLIDARIDAD, at ng kabiguang matamo ang mga
pagbabagong hinihingi sa pamahalaang Kastila, si Plaridel ay kinapitan ng
sakit sa baga.
Naisangla na niya ang kanyang mga alahas at ibang pananamit, at halos
nabaon na siya sa pagkakautang. Naranasan niyang magutom, mamulot
sa lansangan ng upos ng sigarilyo upang makahithit lamang at
mapaglabanan ang lamig ng panahon sa Madrid at ang hapdi ng sikmura.
Nagkasunod-sunod ang mga liham niya sa kanyang asawa na
halos nagmamakaawa na siya ay padalhan ng salaping
magugugol sa pagbalik sa Filipinas kahit salaping yaon ay
jutangin sa kanilang mga kamag-anak at kaibigan. Datapwa’t
nagtagal bago dumating ang hinihingi niyang salapi.
Ang paghihirap na ito ni Plaridel ay naragdagan pa ng isang
masaklap na balita mula sa kanyang asawa tungkol sa
pagkakasunog ng kanilang tahanan sa Bulakan.
Sa isang sulat niya sa kabiyak ay ganito ang winika niya:
“Tungkol sa sumunog o nagpasunog ng ating bahay, ay
hindi ko pinagtatakhan; lagpas pa roon ang mahihintay
natin sa kanila, at sukat naman. Sakaling kadugo rin natin
ang ginamit sa gayong pakay ay inaasahan kong iniligaw
lamang ng di kinukusang kabulagan, sapagkat di ko
mapaniniwalang sasapit hanggang diyan ang maglililo sa
akin, kung nakatatalastas din lamang ng tunay kong
pagmamahal sa kanya. Wala akong hinanakit munti man sa
aking loob.”
Ilan sa mga sinulat ni Del pilar ay ang mga sumusunod:
1. Caiingat Cayo- sagot ni Del Pilar sa tuligsa ni Pari Jose Rodriguez tungkol sa Noli ni Dr.
Rizal. Gumamit siya ditto ng sagisag na Dolores Manapat.
2. Kadakilaan ng Diyos- sanaysay na tumutuligsa sa mga prayle, subalit naglalarawan ng
pagturing ni Del Pilar sa Lumikha bilang Diyos ng Katarungan.
3. Dasalan at Tocsohan- isang panunuya ni Del Pilar sa mga prayle na may kaugnayan sa
pagtuturo ng katesismo. Nalathala sa Magno, Gatmaitan noong 1888. Dahil ditto, si
Del Pilar ay tinawag na erehe at pilibustero (taong sumusuway sa utos ng simbahan).
4. Sagot ng Espanya sa Hibik ng Pilipinas- sagot ni Del Pilar sa tula ng kanyang dating
guro na si Herminigildo Flores na may pamagat na Hibik ng Pilipinas sa Inang Espanya.
GRACIANO LOPEZ JAENA
• Ipinanganak sa Jaro, Iloilo noong Disyembre 17, 1856.
• Siya ay isa sa pinakadakilang henyo sa Pilipinas at nakasulat ng 100
talumpati.
• Natungo siya sa Barcelona sa tulong ng kanyang tiyuhin na si Don
Claudio Lopez, upang makaiwas sa pag-uusig ng mga paring Kastila at
mga pinuno ng pamahalaan.
• Sa Barcelona, itinatag niya ang pahayagang La Solidaridad noong 1889.
• Sinulat din niya ang nobelang Ang Bandido sa Pilipinas (El
Bandolerismo en Filipinas).
• Kabilang din si Lopez-Jaena sa mga bumubuo ng Asociacion Hispano-
Filipina, kapisanang binubuo ng mga Kastila at Pilipino na lumalakad sa
pagbabago sa mga batas sa Pilipinas.
• Itinatag din niya ang El Latigo Nacional.
• Si Graciano ay namatay noong Enero 20, 1894 sa Barcelona ngunit
namatay siyang naipakilala sa buong mundo na ang panulat ay malaki
ang maitutulong sa pagbabago sa mga batas, reporma at pag-unlad sa
kabihasnan ng alinmang bansa sa daigdig.
• Ang pinakatanyag sa mga naisulat niya ay ang Fray Botod, kung saan
tinuligsa niya ang mga prayle.
FRAY BOTOD
A. Mahigpit na itinuro ng mga prayle ang patakarang panrelihiyon,
pati na ang pagdadala ng kanilang mga patay sa simbahan at maiburol
sa paraang Kristiyano, upang sa huli’y magulat na lamang sa
napakalaking sisingilin ng mga prayle pagkatapos ng kanilamg
serbisyo, at ibaon ang namatay sa pagkakautang. Sinasangkalan ng
mga prayle ang “Mahal na Birhen” na siyang nagbibigay ng biyaya
upang sila ay mag-abuloy.
B. Ang isang mahirap ay nagkakautang ng pera sa mga
prayle ngunit may malaking tubo at dahil dito ay wala
nang halos matira sa kaniyang pag-aari sa pagbabayad
nito.
C. Sa halip na maging mabuting halimbawa ang mga
prayle ay sila pa ang nagbibigay daan upang ang iba
naming paring Pilipino ay lumabis pa kaysa sa kanila.
D. Si Fray Botod ay lubhang malakas kumain dito sa atin at
ayon kay Lopez-Jaena sa nakakatawang larawan ay ganito:
Nang siya ay dumating dito sa Pilipinas ay animo’y tuyong
lamok. Pagkalipas ng ilang buwan sa pagkain ng papaya at
saging, si Fray Botod ay nagmukhang tao. Pagkatapos ng
maraming taong napakain at napag-aral sa pagtutulung-
tulong ng mga tao at maging pari na siya, ang unang sermon
ay pagtuligsa sa mga taong nagbigay sa kanya ng lahat ng
kaluwagang natamo niya.
IBA PANG TAGAPAGBANDILA NG KILUSANG PROPAGANDA
 

ANTONIO LUNA
• Isinilang sa Urbistondo, Maynila noong Oktubre 29, 1866.
• Siya ay isang parmasyotiko at nagtapos ng panggagamot sa Unibersidad
Central de Madrid.
• Si Luna ay isa ring mahusay na manunulat sa ilalim ng sagisag –panulat
na Taga-ilog.
• Pinamatgunutan niya ang pahayagang La Indepedencia na tagapamansag
ng mga manghihimagsik at ng Unang Republika ng Pilipinas.
• Noong 1887, si Antonio Luna ay ipinatapon sa Espanya dahil sa hinalang
siya ay kaalam ng mga manghihimagsik.
• Siya ay ibinilanggo sa Carcel Modelo de Madrid.
• Nang siya ay makalaya, pinag-aralan niya ang karunungang
panghukbo. Nagpakadalubhasa sa paraan ng pakikilaban at
paghawak ng sandata.
• Siya ay nagbalik sa Pilipinas.
• Nang sumiklab ang Digmaang Amerikano-Pilipino, siya ay
ginawang heneral ni Emilio Aguinaldo.
• Si Antonio Luna ay binaril at napatay sa Cabanatuan, Nueva
Ecija subalit hanggang ngayon ay hindi pa nakikilala ang
pumaslang sa kanya.
Ang ilan sa mga iniakda ni Antonio Luna ay ang mga sumusunod:
1. Noche Buena – isang sanaysay na naglalarawan ng buhay at pamumuhay ng mga
Pilipino.
2. Se Divierten (Sila ay Naglilibang) – isang sanaysay na pumupuna sa sayaw ng mga
Kastila. Tinuligsa rin niya sa sanaysay na ito ang mga Espanyola.

3. Por Madrid (Sa Madrid) – isang tuligsa tungkol sa paniningil ng


buwis.
4.La Tertulia Filipino (Ang Handaang Pilipino) – naglalarawan ng mga
kaugaliang Pilipino. Ipinaliwanag ni Antonio Luna na higit na mabuti
ang mga kaugaliang Pilipino kaysa sa kaugalian ng mga Kastila.
5.La Casa de Huespedes (Bahay-Pangaserahan) – paglalarawan ng
buhay-mag-aaral sa isang bahay-pangaserahan.
PEDRO PATERNO
Isinilang mula sa mayamang angkan sa Sta. Cruz, Maynila
noong Pebrero 27, 1857. Siya ay isang manunulat, makata,
dramaturgo at nobelista. Kabilang sa tatlong panahon ng
panitikang Pilipino:
(1) Panahon ng Propaganda
(2) Panahon ng Himagsikan
(3) Panahon ng Amerikano
Ang mga akda ni Paterno ay ang mga sumusunod:
1. Sampaguitas y Poesis Varias (Mga Sampagita at Iba’t ibang Tula) –
nilimbag sa Madrid noong 1880. Paghanga sa kagandahan ang
namamayani sa tula.
2. El Christianismo en la Antigua Civilizacion Tagala (Ang Kristiyanismo
at ang Dating Kabihasnang Tagalog) – nilimbag noong 1892.
Ipinaliwanag niya sa sanysay na ito ang mga kaugalian Tagalog ay
hindi mapangingibabawan ng Kristiyanismo.
3. Ninay – isang nobelang nasusulat sa Kastila. Ito ay itinuturing na
nobelang obra-maestra ni Paterno at naghatid sa kanya ng
katanyagan sa panitikan sa kaniyang panahon.
Ang iba pang sinulat ni Paterno ay:
1. La Familia Tagalog en la Historia Universal (Ang Pamilyang
Tagalog sa Kasaysayang Pandaigdig). Ito ay sinulat noong 1892.
2. El Barangay (Ang Barangay) -1892 at El Individuo Tagalog y Su
Arte en la Exposicion Historico-Americana (Ang Tagalog at ang
Kilos Niya sa Tanghalang Pangkasaysayang Amerikano) – 1893.
Pawang inilarawan ang mga kalinangan at kabihasnan ng mga
Pilipino na nakahihigit sa mga Kastila, at maaaring ipantay sa
kalinangan at kabihasnan ng maraming bansa sa daigidig.
Si Paterno rin ay sumulat ng kasunduan sa Biak-na-Bato na
nilagdaan noong Disyembre 15, 1897.Nang buksan ang
Kapulungang Bayan, siya ay kauna-unahang nahalal na
kinatawan ng unang purok ng Maynila. Sa pagkakinatawan,
siya ay umakda ng panukalang batas ukol sa pandarayuhan
ng mga Intsik, pagtatayo ng Aklatang Pambansa at ang
pagtatag ng isang Konserbatoryo ng Musika. Si Paterno ay
namatay noong Marso 11, 1911.
JOSE MARIA PANGANIBAN
• Tubong Mambulao, Camarines Norte at ipinanganak noong Pebrero 1, 1863.
• Nagtapos ng kursong Batsilyer ng Agham sa San Juan de Letran.
• Nag-aral din siya ng pagkamanggagamot sa Unibersidad ng Santo Tomas, subalit
nakaabot lamang ng tatlong taon.
• Si Panganiban ay nag-aral din sa tanyag na Unibersidad ng Sto. Tomas dahil sa
kahusayan niyang magtalumpati.
• Siya ay isa ring mamamahayag. Siya ay katulong ni Del Pilar sa pagtatag ng La
Solidaridad.
• Isa sa mga nakilala at napatanyag niyang sinulat sa wikang Kastila ay isang
lathalaing may pamagat na Memoria Fotogracia.
• Siya ay namatay sa Barcelona, Espanya noong Agosto 19, 1890.
MARIANO PONCE
• Isinilang sa Baliwag, Bulacan noong Marso 23, 1863.
• Naging masugid na katulong ng tatlong
pangunahing propagandista.
• Siya ay nakasulat ng mga akdang-pampanitikan sa
tatlong wika: Kastila, Tagalog at Ingles.
• Siya ay namatay noong Mayo 23, 1918.
Ang kanyang mga akda ay ang mga sumunod:
1. Pagpugot kay Longhinos – isang dulang Tagalog na itinanghal sa
liwasan ng Malolos, Bulacan at ipinalalagay na nagtataglay ng mga
katangiang maipapantay sa kapanahunang dula sa Espanya.
2. Mga Alamat ng Bulacan – aklat-kalipunan ng mga alamat at kwentong
bayan ng kaniyang lalawigang sinilangan.
3. Ang mga Pilipino sa Indo-Tsina – kasaysayan ng mga Pilipinong
nanirahan sa Indo-Tsina.
4. The Literature of the Propaganda Movement – mga akdang
pampanitikan ng mga kaanib ng kilusang propaganda at ang bisa nito
sa pagkakaroon ng tuwirang panghihimagsik.
 
PASCUAL POBLETE
• Isinilang sa Kawit, Cavite noong Mayo 17, 1857.
• Siya ay kabilang sa dalawang panahon ng panitikang Pilipino –
Panahon ng Kastila at Panahon ng Amerikano.
• Siya ay isang mamamahayag, makata, mandudula, nobelista
at mananalaysay.
• Itinatag niya at pinamatnugutan ang pahayagang El Resumen.
Sa pahayagang ito, buong tapang na tinuligsa ni Poblete ang
mga katiwalian at mga pang-aapi ng mga may kapangyarihang
Kastila sa Pilipinas. Dahil dito siya ay ipinatapon sa Aprika.
• Panahon na ng Amerikano nang makabalik sa Pilipina si
Poblete at itinatag niya ang dalawang pahayagang El Grito
del Pueblo at Ang Kapatid ng Bayan. Ang mga pahayagang
ito ay kapwa naglalaman ng hangarin ng mga Pilipino sa
kasarinlan.
• Si Poblete ang kauna-unahang nagsalin sa Pilipino ng Noli
Me Tangere ni Dr. Rizal at kinilalang Ama ng Pahayagang
Tagalog.
• Siya ay namatay noong Pebrero 5, 1921.
ANG PANITIKANG MAKABAYAN AT MAPANGHIMAGSIK
• Ang mga unang binhi ng pagtutol laban sa mga Kastila ay ipinunla nina
Dagohoy, Pule, Palaris at Silang.
• Walang patid ang pulu-pulong pagbabangon ng mga katutubo subalit
humantong lamang sa mga kabiguan.
• Nagpatuloy ang mga Pilipino sa paghingi ng katarungan at
pagkakapantay-pantay.
• Ipinadalang Gobernador-Heneral si Carlos Maria de la Torre. Sa unang
pagkakataon, ang mga Pilipino ay pinagkalooban ng pantay-pantay na
pagtingin.
• Ang ilang makabayan ay humiling sa pamahalaang Kastila na maging
Pilipino ang mga karapatang pampulitika.
• Subalit ang mga karapatang tinatamasa ng mga Pilipino at natigil nang maging Gobernador-
Heneral si Rafael de Izquierdo.
• Ang pamamahala ni de Izquierdo ay kabaligtarang lahat sa pagiging liberal ni de la Torre.
• Muling nagsimula ang gulo. Nag-alsa ang mga sundalo at mga manggagawa sa arsenal ng Cavite
noong Enero 20, 1872 sa pamumuno ni La Madrid.
• Nahuli si La Madrid at pinatay ng mga Kastila.
• Isinangkot din sina Pari Burgos, Gomez, at Zamora.
• Sila ay hinatulang bitayin sa pamamagitan ng garote noong Pebrero 17, 1872.
• Ang panahong ito ay may dalawang yugto ng pagbabagong-isip.
• Ang una ay ang Kilusang Propaganda at ang ikalawa ay ang Tuwirang Panghihimagsik.
• Ang mga kabilang sa Tuwirang Panghihimagsik ay nanulat din, subalit hindi kasinghusay ng mga
kabilang sa Kilusang Propaganda.
• Kabilang sa panahong ito ay sina Andres Bonifacio, Emilio Jacinto, Apolinario Mabini, Jose Palma
at marami pang iba.
ANDRES BONIFACIO
• Siya ang “Ama ng Himagsikan”. Isinilang sa Tondo, Maynila noong Nobyembre
30, 1863.
• Si Bonifacio ay nagsimulang mag-aral sa paaralan ni Don Guillermo sa Meisik.
• Nang siya ay maulila sa gulang na 14, nahinto siya sa pag-aaral.
• Gayon man ay mahusay na siyang magsalita at sumulat sa mga wikang Kastila
at Tagalog.
• Mahilig si Bonifacio sa pagbabasa at pagsusulat.
• Ang mga aklat na nauukol sa himagsikan at digmaan ang kinagigiliwan niyang
basahin.
• Ilan sa kaniyang aklat ay Les Miserables, Historia de la Revolucion, El Judio
Errante at Las Ruinas de Palmira.
• Nang mabunyag ang lihim ng Katipunan, si Bonifacio at ang
kaniyang mga kasamahan ay nagsitungo sa Balintawak.
• Noong Agosto 26, 1896, sa pangunguna ng walang sindak na si
Bonifacio, ay pinunit nila ang kanilang sedula at iwinagayway ang
pulang bandila, bilang tanda ng pagsisimula ng himagsikan laban
sa mga Kastila.
• Dahil sa hindi pagkakaunawaan nang idaos ang pulong sa Tejeros
noong 1897, si Bonifacio ay nagtatag ng bagong pamahaalan. Sa
pagkakatatag na ito ng bagong pamahalaan, siya ay ipinadakip at
nilitis ng isang hukumang pandigma.
• Hinatulan siya at kaniyang kapatid na si Procopio na
barilin hanggang sa mamatay.
• Ang pagbaril ay naganap sa Bundok Buntis.
• Ang “Ama ng Himagsikan” ay naging biktima ng
masamang pamumulitika ng kaniyang mga masamang
kababayan.
• Nakahihigit ang pagiging mandirigma ni Bonifacio subalit
siya ay nag-iwan ng mga akdang-pampanitikan na isa sa
mga nagpaalab ng himagsikan.
 
Ang ilan sa kaniyang mga sinulat ay ang mga sumusunod:
1. Ang Dapat Mabatid ng mga Tagalog – ito ay bumabanggit sa
kasaysayan ng Pilipinas. Ang kaunlarang tinatamasa ng bansa
bago dumating ang mga Kastila at ang mga kaapihan ng mga
Pilipino sa kamay ng mga Kastila. Ang huling bahagi ay
nagpapahayag ng ganito:

“Mga kababayan, hawiin natin ang mga ulap na nagpapadilim sa taong mga
isip at talino, inubos natin ang lahat ng ating lakas sa mabuting hangarin na
kakambal ng di mababali at lubos na papanalig sa tagumpay at sa kaunlarang
pinakamimitihi ng ating lupang tinubuan. Isabog natin sa himpapawid ang
ating hangaring maging malaya. Mga kababayan, magkaisa tayo!”
3. Katapusang Hibik ng Pilipinas – ito ay tulang
nagpapahiwatig ng hinanakit ng bayan. Kinatha ni Bonifacio
bilang pagpapatuloy sa tulang sinimulan ni Herminigildo
Flores na may pamagat na Hibik ng Pilipinas sa Inang
Espanya. Ito ay tinugon naman ni Marcelo del Pilar sa
kanyang tulang Sagot ng Espanya sa Hibik ng Pilipinas.
EMILIO JACINTO
• Isinilang sa mahirap na angkan sa Tondo, Maynila noong Disyembre 15, 1875.
• Dahil sa kanilang kahirapan, si Jacinto ay madalas na ipinanghihingi lang ng
damit ng kaniyang ina sa ilang may kayang kamag-anak at sa mga hinihilot ng
kaniyang ina.
• Ang ina ni Jacinto ay isang mabuting hilot.
• Bata pa si Jacinto nang ipakilala niya ang kaniyang marubdob na pagmamahal
sa bayan.
• Siya ay tahimik sa loob ng paaralan ngunit ipinakilala niya ang kaniyang
katapangan kung dumarating ang mga sandaling kinakailangan.
• Natigil ang pag-aaral ni Jacinto nang sumiklab ang digmaan.
• May 20 taong gulang lamang si Jacinto nang umanib sa Katipunan.
• Siya ay kinalugdan ni Bonifacio dahil sa kaniyang ugaling
mahinahon at mapag-isip, ngunit mapasok sa inaakala niyang
matuwid at makatarungan.
• Si Jacinto ay isa ring mahusay na manunulat.
• Marami ang nagpapatunay na nilampasan pa niya ang kaniyang
naging gurong si Andres Bonifacio sa larangan ng pagsulat.
• Sa katunayan, ang sinulat niyang Kartilya ng Katipunan ang
napagkaisahang gamitin.
• Sa pahayagang Kalayaan, ang pahayagan ng Katipunan, inilathala
ang kaniyang lalong mahuhusay na akda sa sagisag-panulat ng
Dimasilaw.
• Si Jacinto at kinilalang Utak ng Katipunan sapagkat siya ang naghanda at sumulat ng mga
patalastas, saligang-batas at iba pang kautusan ng Katipunan. Siya rin ang punong
sanggunian ni Bonifacio.
• Ang makatuwiran niyang mungkahi ay lubos na pinahahalagahan ni Bonifacio.
• Si Emilio Jacinto ay namatay sa pagtatanggol sa bayan.
• Siya ay tinamaan ng punglo at napatay ng mga kaaway noong Abril 6, 1899. Ang lalong
napabantog sa kaniyang mga sinulat ay itong mga sumusunod:
1. Kartilya ng Katipunan – mga kautusan para sa mga kasapi ng Katipunan.
2. Liwanag at Dilim – katipunan ng mga sanaysay na may iba’t ibang paksa, tulad ng pag-ibig
sa bayan, kahalagahan ng paggawa, pagkakapantay-pantay, kalayaan at paniniwala.
3. A Mi Madre (Sa Aking Ina) –isang tula handog niya sa kaniyang ina.
4. A la Patria (Sa Bayang Tinubuan) – tulang ipinalagay na obra maestra ni Jacinto. Narito ang
ilang saknong na salin sa Filipino ni Jose Villa Panganiban.
Kabilang sa mahahalagang aral ng Kartilya ng Katipunan na iniwan ni
Jacinto sa bayan ay ang mga sumusunod:
1. Ang kabuhayang hindi ginugol sa isang malaki at banal na
kadahilanan ay kahoy na walang lilim at damong makamandag.
2. Ang gawang magaling na nagbubuhat sa pagpipita sa sarili at di
talagang nasang gumawa ng kabutihan ay di kabaitan.
3. Ang tunay na kabanalan ay ang pagkakawanggawa, ang pag-ibig sa
kapuwa at ang pagbabantay sa bawat kilos, gawa’t pangungusap ay
talagang katuwiran.
4. Sa taong may hiya, ang salita’y panunumpa.
5. Huwag mong sayangin ang panahon. Ang yamang nawala’y
mangyayaring magbalik, ngunit ang panahong nagdaan na’y di na
muli pang magbabalik.
6. Ipagtanggol mo ang inaapi at kabakahin ang umaapi.
7. Ang kamahalan ng tao’y wala sa mataas na kalagayan sa balat ng
lupa. Wagas at tunay na mahal na tao, kahit laking-gubat at walang
nababatid kundi ang sariling wika, yaong may magandang-asal, may
isang pangungusap, may puri at dangal.
8. Ang taong matalino’y ang may pag-iingat sa bawat sasabihin at
marunong ipaglihim ang dapat ipaglihim.
APOLINARIO MABINI
• Siya ay isinilang noong Hulyo 23, 1864 sa Talaga, Tanawan
Batangas at nagmula sa maralitang angkan.
• Bata pa si Mabini ay nagpamalas na ng kasipagan sa pag-aaral.
• Ang kaniyang ina ang nagturo sa kaniya ng dasal at ng mga titik
ng Abakada.
• Ang pagsulat naman ay natutuhan niya sa kaniyang Ingkong.
• Sa hangad niyang maipagpatuloy ang kaniyang pag-aaral, siya ay
pumasok na utusan sa mananahing si Mariano Petrasanta.
• Mula sa Tanawan, si Mabini ay lumuwas sa Maynila at
nagpatuloy ng pag-aaral sa San Juan de Letran. Natamo niya sa
San Juan de Letran ang titulong Batsilyer en Artes at propesor
sa Latin.
• Noong 1894, natapos niya ang pagka-manananggol sa Sto.
Tomas. Sa panahon ng kaniyang pagsasanay bilang
manananggol, dinapuan siya ng sakit na paralisis. Nang
magsimula ang himagsikang Pilipino at Kastila, siya ay
ibinilanggo ng mga Kastila sa kasong panghihimagsik laban sa
mga Kastila.
• Noong 1897, siya ay pinakawalan.
• Nabalitaan ni Aguinaldo ang angkin niyang katalinuhan kaya siya ay
ipinasundo nito.
• Mula sa Bay, Laguna, siya ay dinuyan ng mga tao hanggang makarating sa
Cavite.
• Siya ay naging katulong sa pagbabalangkas ng Saligang Batas ng Malolos
kung kaya’t siya ay tinaguriang Utak ng Himagsikan.
• Sa panahon ng himagsikang Pilipino at Amerikano, muli siyang dinakip ng
mga Amerikano at ibinilanggo.
• Siya ay ipinatapon sa Guam ng mga Amerikano sapagkat ayaw niyang
manumpa sa ngalan ng bandilang Amerikano.
• Si Mabini ay namatay sa sariling bayan noong Mayo 13, 1903 sa sakit na
kolera.
Ang ilan sa kanyang mga napatanyag na sinulat ay itong mga
sumusunod:
1. Ang Himagsikang Pilipino – isang sanaysay na naglalarawan
ng kabayanihan ng mga Pilipino sa pakikipaglaban.
2. Sa Bayang Pilipino – isang tulang handog sa bayan.
3. Ang Pahayag – hinango sa kaniyang manipesto.
4. El Desarollo y Caida de la Republica Filipina – ang pagtaas at
pagbagsak ng Republikang Pilipino
5. Pagpapalit ng Ilang Titik sa Alpabetong Pilipino
6. El Verdadero Decalogo – Ang Tunay na Sampung Utos
JULIAN FELIPE
• Isinilang sa Cavite, Cavite noong Enero 28, 1861.
• Siya ay unang nag-aral noong 1867 sa paaralang-bayan sa Cavite sa
pamamatnubay ni G. Pio Mondragon.
• Pagkatapos ay nagpatuloy siya sa paaralan sa Binondo, Maynila na
pinamamahalaan ni Anacleto Bonifacio.
• Si Propesor Leandro Cuenca ang unang nagturo sa kaniya ng musika
noong 1871. Ito ay pansamantalang natigil nang magkaroon ng pag-
aaklas ang mga manggagawa sa arsenal ng Cavite noong Enero 20,
1872.
• Nang mapayapa ang gulo ay ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral
sa musika hanggang mahirang siyang manunugtog ng organo sa
simbahan ng San Pedro sa Cavite.
• Madaling napatanyag ang kaniyang pangalan sa daigdig ng musika
dahil sa tugtuging kaniyang nilikha na karamiha’y nauukol sa organo.
• Kabilang sa kaniyang mga nilikha ang Amerita Danza, Cintas y Flores
Rigodones at Motet al Santisimo. Ang mga ito ay ipinarinig sa
pambansang purok ng perya sa Pilipinas noong Hulyo 1895.
• Ito ay nagkamit ng isang medalyang pilak at sertipiko ng karangalan.
Dahil dito ay isinapi siya kapisanang Santa Cecilia na itinatag ng mga
kilalang alagad ng sining ng musika.
• May isang taon siyang nabilanggo sapagkat noong Setyembre 5,
1896 ay dinakip siya matapos sumiklab ang pag-aalsa ng mga
Pilipino laban sa pamahalaang Kastila.
• Nakasama niya sa piitan ang 13 martir ng Cavite sa Puerto San Felipe
ngunit siya ay pinalaya noong Hunyo 2, 1897.
• Siya ay ipinatawag ni Hen. Emilio Aguinaldo upang hilinging
maghada ng isang tugtuging maapoy o martsang angkop tugtugin sa
pagpapahayag ng kasarinlan ng Pilipinas.
• Noon niya ginawa ang kasalukuyang tugtuging pambansa na ang
unang naging pangalan ay Marcha Magdalo.
• Ngunit upang magkauring pambansa ay pinalitan ni Hen. Aguinaldo
ng pangalang Himno Nacional Filipino. Ito ay unang tinugtog nang
pasinayaan ang kasarinlan noong Hulyo 12, 1898.
• Noong mayo 1898, inihandog niya ang kaniyang paglilingkod sa
pamahalaan ni Hen. Aguinaldo.
• Siya ay nahirang na Musiko Mayor na may ranggong kapitan.
• Si Julian Felipe ay namatay noong Oktubre 2, 1944.
 
JOSE PALMA
• Isang kawal ng himagsikan ay isinilang noong Hunyo 3, 1876 sa
Tondo, Maynila.
• Sa gulang na 17, si Jose Palma ay lumikha ng tulang liriko at ito ay
tinipon sa isang aklat na pinamagatang Melancolicas (Mga
Panimdim).
• Noong Setyembre 3, 1899, ang Pambansang Awit ay nilapatan niya
ng titik sa wikang Kastila habang ang mga pulutong ng mga kawal na
kinabibilangan niya ay nakahimpil sa Bautista, Pangasinan.
• Ang isa sa madamdaming tula ni Jose Palma ay may pamagat na De
Mi Jardin (Mula sa Aking Hardin).
Pahayagan sa Pilipinas sa Panahon ng Kastila
• Unang Gasetilya – noong 1637, nilimbag ni Tomas Pinpin ang
Sucesos Felices bagamat isang polyeto ang isang ipinalalagay
na kauna-unahang pahayagang nalimbag sa Pilipinas.
• Del Superior Gobierno – kauna-unahang pahayagan na
regular na inilathala sa Pilipinas. ang unang naging patnugot
ay si Manuel Fernandez del Folguera. Unang lumabas noong
Agosto 8, 1811, inilathala sa pahayagang ito ang mga gawain
sa Kortes ng Espanya. Ang pahayang ito ay natigil pagkaraan
ng 15 labas.
• La Esperanza – kinilalang unang pahayang pang-araw-araw. Unang lumabas
noong Disyembre 1, 1846 sa pamamatnugot nina Felipe Lacorte at Evaristo
Calderon. Upang makaiwas sa mahigpit na sensura, ang malaking bahagi
nito ay nauukol sa pilosopiya, relihiyon at kasaysayan. Ito ay tumagal nang
tatlong taon.
• Diario de Manila – unang lumabas noong 1848 sa pamamatnugot ni Felipe
del Pan. Ang pahayagang ito ay tumagal ng apat na taon, ngunit binuhay uli
pagkaraan ng ilang panahon at tuluyang itinigil noong 1899.
• El Resumen – magkatulong na inilathala nina Isabelo de los Reyes at
Baldomero Hazanas. Ayon sa diwa ng nilalaman, ito ang siyang kauna-
unahang pahayagng lantad sa pagtataguyod ng nasyonalismong pilipino.
Unang lumabas noong Hulyo 1, 1890.
Mga Pahayagan sa Panahon ng Pagbabagong-isip
• La Opinion – sa maraming labas ng pahayagang ito, tinuligsa ang
mga prayle at hiniling ang pagtitiwalag ng arsobispo ng Maynila
noon. Ang mga naging patnugot ay sina Julian de Poso at Jesus
Polanco.
• Ang Diariong Tagalog – magkatulong na inilathala nina Marcelo del
Pilar at Pascual Poblete noong 1882. Ang mga unang labas nito ay
nagpahayag ng matimping pagkamakabayan at ang laging hiling ay
magkaroon ng reporma o pagbabago sa pamamalakad ng mga
Kastila. Sa dakong huli, ito ay naging satiriko at mapanghimagsik.
• Ang La Solidaridad – pinakabantog na pahayagan. Ito ay pahayagan
ng mga Pilipino sa Espanya. Si Graciano-lopez Jaena ang unang
patnugot nito, at ang pamamatnugot ni Marcelo H. del Pilar.
• Ang Kalayaan – si Emilio Jacinto ang unang patnugot ng Ang
Kalayaan. Ito ay hanggang dalawang labas lamang sapagkat
natiktikan ng mga Kastila ang lihim ng Katipunan.
• La Independencia – ang unang namatnugot sa pahayagang ito ay si
Antonio Luna. Nanatiling inilathala sa panahon ng himagsikang
Pilipino at Kastila at naging pahayagan ng Katipunan.
 

You might also like