You are on page 1of 14

EL FELIBUSTERISMO

NI
DR. JOSE RIZAL

IPINASA NINA:
-MAASIN, CONCON JESTINE, LAUREL,

IPINASA KAY:
GNG. LYFLOR M. QUIÑANOLA
MAIKLING KASAYSAYAN NG EL FILIBUSTERISMO

Bago pa man bumalik sa sariling bayan si Jose Rizal noong Oktubre 1887, marami ng
kasawiang dinanas ang kanyang mga kamag-anakan at kaibigan dahil sa pagkakasulat
niya ng Noli Me Tangere. Nang mga panahong yao’y nagdaranas din ng suliranin sa lupa
ang mga magsasaka ng Calamba. Ito ay kanilang inilapit kay Rizal na humingi naman ng
tulong ang pagdinig sa kasi ng problema sa lupa, napasabay pa sa pagdinig ng kaso ni
Rizal ukol sa pagpapalathala ng tinaguriang “makamandag” na babasahing Noli Me
Tangere. Maraming mga tuligsa at pagbabanta ang tinanggap ni Rizal. Ang kanyang
pamily ay giniyagis din ng maraming mga panggigipit.

Sinimulan ni Rizal and nobelang El Filibusterismo sa harap ng karanasang ito.


Magkakabisa sa kanya kaipala ang mga sakit sa loob na dinanas niya at ng kanyng
pamilya. Bagaman may mga pagpapalagay na mayplanosi Rizal para sa ikalwang nobela,
naiba ito ng mga pangyayaring kinasangkutan niya sa pagbabalik sa sariling bayan.
Tuwiran at di-tuwiran, naapektuhan ito ng wala pang anim na buwang pagkamalas niya
ng mga kasamaang ginagawa ng mga pari, katulad ng “pagpapayaman sa kanilang mga
asyenda, pang-aakit sa mga babae, panggugulo, pagliligpiy sa mga kaaway atbp.”

Nilisan ni Rizal ang Pilipinas noong Pebrero 3, 1888 dahil sa pangamba niyang manganib
ang buhay ng mga mahal sa buhay. Katakut-takot na liham ng mga pagbabanta na
karamihan ay walang lagda ang dumarating at ipinayo ng gobernador na bumalik siya sa
ibang bansa. Ani Rizal sa isang sulat na ipinadala niya kay Blumetritt habang naglalakbay.

“Lahat ng mga punong panlalawigan at mga arsobispo ay naparoroon sa Gobernador


Heneral araw-araw upang ako’y ipagsumbong. Ang buong ahente ng Dominiko ay sumulat
ng sumbong sa mga alkalde na nakita nila akong lihim na nakikipagpulong sa mga babae at
lalaki sa itaas ng bundok. Totoong ako’y naglalakad sa bundok kung bukangliwayway na
kasama ng mga lalaki, babae at bata upang damhin ang kalamigan ng umaga ngunit laging
may kasamang tenyente ng guwardiya sibil na marunong managalog…

Inalok ako ng salapi ng akong mga kababayan para lisanin ang pulo. Hiniling nila ang mga
bagay na ito hindi lamang sa aking kapakanan kundi sa kanila na rin sapagkat marami
akong kaibigan at kasalamuha na maaaring ipatapon kasama ko sa Balabag o Marianas.
Dahil dito kahit may kaunting karamdaman, ako’y dali-daling nagpaalam sa aking pamilya.”

Hindi nagwakas sa paglisan ni Rizal ang suliranin. Ang kanyang pamilya ay inusig.
Umakyat ang kaso sa lupa ng mga Mercado-Rizal hanggang Kataastaasang Hukuman ng
Espanya. Maraming kamag-anakan niya ang namatay at pinag-usig. May isa pang
tinanggihang mapalibinng sa libingang Katoliko. Sa gitna ng mga pag-aalalang ito,
ginigiyagis si Rizal ng mga personal at pulitikal na suliranin; nangungulila siya kay Leonor
Rivera at waring walang kasiglahan ang insipirasyong dulot ng paniningalang-pugad kay
Nellie Boustead; sinasagot niya ang kabi-kabilang tuligsang tinatamo ng Noli Me Tangere;
namatayan siya ng dalawang kaibigan at mababa ang pagkikilalang iginagawad sa kanya
ng mga kasama sa Kilusang Propaganda. Bukod dito’y dumanas si Rizal ng suliranin sa
pananalapi. Naisiwalat ni Rizal ang kanyang paghihirap sa isang liham na naipadala kay
Jose Maria Basa:

“Ako’y nanghihinawa na sa paniniwala sa ating mga kababayan. Parang sila’y nagkakaisa


upang maging mapait ang aking buhay; pinipigilan nila ang aking pagbabalik,
nangangakong bibigyan ako ng tustos, at pagkatapos na gawin sa loob ng isang buwan ay
kalilimutan nang muli ako… Naisanla ko na ang aking mga alahas, nakatira ako sa isang
mumurahing silid, kumakain ako sa mga pangkaraniwang restawran upang makatipid at
mailathala ko ang aking aklat. Hindi naglao iyon, ititigil ko kung walang darating sa aking
salapi. A, sasabihin ko sa iyong kung hindi lamang sa iyo, kung hindi lamang ako
naniniwalang may mga mabubuti pang Pilipino, nais kong dalhin ang aking mga kababayan
at ang lahat sa demonyo…”

Sa kabutihang palad, nang lahat ang pag-asa ni Rizal, dumating ang hindi niya inaasahang
tulong ni Valentin Ventura mula sa Paris. Ipinadala niya ang kabuuang gugol sa
pagpapalimbag ng aklat matapos mabalitaan ang pangangailangan ni Rizal sa salapi.

Natapos limbagin ang aklat noong Setyembre 18, 1891 saGhent,Belgium. Inihandog ni
Rizal ang nobela sa alaala ng mga paring sina Gomez,BurgosatZamora.

Ang pagkahandog na ito sa tatlong paring martir ng ikalawang nobela ni Rizal ang
panunahing dahilan kung bakit ito ay itinuturing na isang nobelang political. Naglalahad
dito sa isang malatalaarawang pagsasalaysay ang mga suliranin ng sistema ng pamahalaan
at ang mga kaakibat na problema: problema sa lupa, pamamahala, pamamalakad ng
relihiyon at edukasyon, katiwalian atbp. Tuwiran at di-tuwiran, masasalamin din ang
mapapait na karanasang gumiyagis kay Rizal sa ilang mga eksena at yugto ng nobela.

Masagisag at malarawan ang ebolusyon ni Simoun mula kay Crisostomo Ibarra, bagaman
hindi maiiwasang makilala ang mga kapaitan at kabiguan sa paraang hindi
maipagkakamali – kasama na pati ang pangungulila at pag-aasam sa pag-ibig.

Sa El Filibusterismo, ipinakilala ni Rizal ang isang pagbabanyuhay niya bilang nobelista.


MGA TAUHAN
SIMOUN - Mayamang mag-aalahas, pinagkakamalang Indiyong Ingles, Amerikano,
Mulato, Portuges at Cardenal Moreno.

ISAGANI- Isang binatang may matayog na isipan, makata at katipan ni Paulita


Gomez.

PAULITA GOMEZ - Katipan ni Isagani, mayaman, maganda, pamangkin ni Donya


Victorina.

BASILIO - Isang binatang nakapag-aral ng medisina dahil sa sariling sikap.

JULI - Katipan ni Basilio, anak ni Kabesang Tales, nagpaalila upang matubos ang
ama.

PARI CAMORRA - Paring mukhang artilyero.

PARI SALVI - Tinatawag na moscamuerta o patay na langaw.

PARI SIBYLA - Vice Rector ng Unibersidad.

PARI IRENE - Kaibigan at tagapayo ni Kapitan Tiyago, namamahala sa pagpapatayo


ng Akademya ng Wikang Kastilang.

PARI FERNANDEZ - May kaibigang pangangatwiran, kaiba sa kapwa pari.

PARI FLORENTINO - Amain ni Isagani.

KABESANG TALES - Naging Cabeza de Barangay, dati’y isang tahimik na tao,


ngunit nang angkinin ng korporasyon ng mga prayle ang lupang sinasaka ay sumama
sa mga tulisan.

DON CUSTODIO - Pinakamasipag sa lahat ng nagpapalagay, kilala rin sa tawag na


Buena Tinta.

GINOONG PASTA - Isang abogadong sanggunian ng mga prayle kung may


suliranin, pinagsanggunian din ng mga estudyante tungkol sa pagpapatayo ng
Akademya.

BEN ZAYB - Manunulat at mamamahayag.


DONYA VICTORINA - Pilipinang kumikilos at umaasal na tulad ng isang tunay na
Espanyola at itinuturing na mapait na dalandan ng kaniyang asawa.

QUIROGA - Kaibigan ng mga prayle, naghahangad na magkaroon ng konsulado ng


mga Intsik.

DON TIMOTEO PELAEZ - Isang negosyante, masuwerteng nakabili ng bahay ni


Kapitan Tiyago, ama ni Juanito.

MATAAS NA KAWANI - Ang nagmamalasakit sa mga Pilipino na kawani ng


pamahalaang Kastila, katunggali ng Kapitang Heneral sa pagpapalaya kay Basilio.

KAPITAN HENERAL - Ang pinakamataas na pinuno ng bayab, sugo ng Espanya,


malapit na kaibigan ni Simoun.

HERMANA PENCHANG - Ang manang na umampon kay Juli na ginawang


katulong ang dalaga, mahilig sa pagpaparami ng indulgencia.

PLACIDO PENITENTE - Nag-aaral ng pagkamanananggol, magaling sa Latin,


pinakamatlino sa bayan ng Batangas, hindi naagiliwan ng mga propesor kaya binalak
nang huminto sa pag-aaral.

MAKARAIG - Mayaman at isa sa pinakamasigasig na isang magkaroon ng


Akademya ng Wikang Kastila.

JUANITO PELAEZ - Mapaglangis at kinagigiliwan ng mga propesor, mapanukso,


kuba at umaasa sa katalinuhan ng iba.

SANDOVAL - Isang Kastilang kawani na salungat sa mga ginagawa ng kanyang


mga kababayan, nagpatuloy ng pag-aaral sa Pilipinas .

PECSON - Isang mag-aaral na palaisip subalit pesimistiko o laging may kabiguang


laging natatanaw sa hinaharap.
TALAAN NG MGA NILALAMAN

Kabanata 1 – Sa Ibabaw ng Kubyerta……………………………………………………………………1


Kabanata 2 – Sa Ilalim ng Kubyerta……………………………………………………………………..6
Kabanata 3 – Ang mga Alamat………………………………………………………………………………..9
Kabanata 4 – Kabesang Tales…………………………………………………………….14
Kabanata 5 – Ang Noche Buena ng Isang Kutsero……………………………………………17
Kabanata 6 – Si Basilio………………………………………………………………………………………………21
Kabanata 7 – Si Simoun…………………………………………………………………………………………….23
Kabanata 8 – Maligayang Pasko………………………………………………………………………………25
Kabanata 9 – Ang mga Pilato…………………………………………………………………………………….27
Kabanata 10 – Kayamanan at Karalitaan………………………………………………………………30
Kabanata 11 – Los Baños…………………………………………………………………………………………….32
Kabanata 12 – Placido Penitente………………………………………………………………………………33
Kabanata 13 – Ang Klase sa Pisika…………………………………………………………………………..34
Kabanata 14 – Sa Bahay ng mga Mag-aaral…………………………………………………………..36
Kabanata 15 – Si Senyor Pasta………………………………………………………………………………….38
Kabanata 16 – Ang Kasawian ng Isang Intsik………………………………………………………39
Kabanata 17 – Ang Perya sa Quiapo………………………………………………………………………..41
Kabanata 18 – Ang mga Kadayaan………………………………………………………………………….44
Kabanata 19 – Ang Mitsa……………………………………………………………………………………………46
Kabanata 20 – Si Don Custodio……………………………………………………………………………….49
Kabanata 21 – Mga Anyo ng Taga-Maynila………………………………………………………….51
Kabanata 22 – Ang Palabas………………………………………………………………………………………54
Kabanata 23 – Isang Bangkay………………………………………………………………………………….57
Kabanata 24 – Mga Pangarap………………………………………………………………………………….59
Kabanata 25 – Tawanan at Iyakan…………………………………………………………………………62
Kabanata 26 – Mga Paskil…………………………………………………………………………………………64
Kabanata 27 – Ang Prayle at ang Estudyante………………………………………………………68
Kabanata 28 – Pagkatakot………………………………………………………………………………………..77
Kabanata 29 – Ang Huling Pati-ukol kay Kapitan Tiyago……………………………….81
Kabanata 30 – Si Juli…………………………………………………………………………………………………84
Kabanata 31 – Ang Mataas na Kawani………………………………………………………………….90
Kabanata 32 – Ang Bunga ng mga Paskil…………………………………………………………….93
Kabanata 33 – Ang Huling Matuwid……………………………………………………………………..96
Kabanata 34 – Ang Kasal ni Paulita………………………………………………………………………103
Kabanata 35 – Ang Piging…………………………………………………………………………………….....107
Kabanata 36 – Mga Kapighatian ni Ben Zayb…………………………………………………111
Kabanata 37 – Ang Hiwagaan………………………………………………………………………………114
Kabanata 38 – Kasawiang-palad…………………………………………………………………………118
Kabanata 39 – Katapusang Kabanata………………………………………………………………..121
D.) SINTESIS
SA ARALING ITO NATUTUHAN KO
(ISANG TALATA 5 PANGUNGUSAP)

KABANATA 1
Ang kubyerta ay tumutukoy sa ibabaw na bahagi ng bapor na nakalaan para sa mga
matataas na uri ng tao na karaniwan ay mga Kastila. Ang aral na ipinahiwatig ni Dr. Jose Rizal
sa kabanatang ito ay ang kalagayan ng pamahalaan na inihambing niya sa Bapor Tabo.
Mahina at mabagal ang pagtakbo nito at maraming balakid sa landas na nagpapakita ng
mabagal na pag-usad o pag-unlad ng ating bayan. Nahahati din sa dalawa ang sakay ng Bapor
Tabo - ang nasa kubyerta at ang mga nasa ilalim nito. Inihahambing niya ito sa kalagayan ng
tao sa lipunan noong panahon ng mga Espanyol. Ang pamahalaan ay nagtakda ng mababa at
mataas na uri ng tao. Ang matataas na uri ay karaniwang mga Espanyol at mayayamang tao
sa lipunan. Ang mga mabababa naman ay ang mga Pilipino.
KABANATA 2
Ang mga kabataan ay masigasig sa kanilang mga balak. Humahanap sila ng mga paraan
upang maisakatuparan ang kanilang mga adhika. Lipos ng pag-asa ang mga kabataan.
Mapupusok ang kanilang kalooban. Hayagang sinasagot nang makahulugan si Simoun gayung
ang pagkakakilala nila’y malapit sa kapitan heneral.
Ang pagpapari ni Pare Florentino dahil sa kagustuhan ng ina ay nagpapakita ng
kapangyarihan ng mga magulang sa anak noong unang panahon. Anumang bagay na naisin ng
magulang maging laban man sa kalooban ng anak ay nasusunod.
KABANATA 3
Ayon sa alamat, Si Donya Geronima ay tumanda dahil sa kahihintay sa kaniyang kasintahan.
Ito’y nagpapahayag ng pagkamatapat ng babaing Pilipina.
Maalamat ang ating bansa. Hindi lamang Pasig ang mayroon. Halos lahat ng bayan pati na
ang pinagmulan ng mga bagay, halaman o tao.

KABANATA 4
Ang pagkakaagaw ng Korporasyon sa lupain ni Tales ay nagpapahiwatig ng mga kasamaang
umiiral noong panahon ng Kastila.Ang paghahanda ni Kabesang Tales ng baril, gulok o palakol
ay nagpapakitang handang ipakipaglaban ng mga Pilipino ang kanilang karapatan May mga
Pilipino ring nagpapahirap sa kapuwa Pilipino. Nariyan ang mga tulisang dumakip kay
Kabesang Tales upang ito’y ipatubos.

KABANATA 5
Ang kaawaawang mga Pilipino’y tumatanggap ng mabigat na parusa sa kaunting
pagkukulang. Malulupit ang maraming mga nasa tungkulin.
Malaki ang pagnanais ni Kapitan Basiliong makasundo ang kura at alperes. Sila ang
makapangyarihan sa bayan.
KABANATA 6
Ang pagpapaalila ni Basilio upang makapag-aral ay nagpapakita ng pagpapahalaga ni Rizal
sa Karunungan. Maging ano mang uri ng gawain basta’t marangal ay kailangang pasukan
upang makatapos ng pag-aaral. Kailangan ang pagtitiis, pagtitiyaga at pagsusumigasig upang
matuto
Sa kabanatang ito’y napabulaanan ang kasabihang kung ano ang puno’y soyang bunga. Si
Basilio ay may mga mabubuting katangiang kabaligtaran ng sa ama.
KABANATA 7
Ang lahat ng pag-uusap sa kabanatang ito’y mahalaga. Isinisiwalat dito ang buong diwa,
kaisipan, damdamin at mga mithiin ng may akda para sa kaniyang bayan.
Nalalarawan din dito ang dalawang pangkat ng mga Pilipino na humihingi ng pagbabago. Ang
isa’y humihiling na maging bahagi ang Pilipinas ng Espanya at ang isa nama’y nagnanais
humiwalay upang maging ganap na malaya.
KABANATA 8
Ang mga Pilipino ay mapaniwalain sa mga himala. Ang paghahanap ni Huli ng Salaping
inaasahang ibibgay ng Birhen ay kaigsian ng pag-iisip. Ibig ipaunawa ni Rizal na nasa tao ang
gawa at nasa Diyos ang awa.
Ang pagkapipi ni Tandang Selo Ay nagpapahiwatig ng pagkaka-alis sa mga Pilipino ng
kalayaang magpahayag ng kanilang nais sabihin.
KABANATA 9
Masalapi at makapangyarihan ang korporasyon. Walang Pilipinong maaaring lumaban dito
noong panahong iyon.
Si Pilato ang siyang naggawad ng hatol na si Hesus ay ipako sa krus. Siya’y naghugas ng kamay
at sinabibg siya’y walang kasalanan.
KABANATA 10
Ang isinasama ng mga mamamayan ay nasa mga taong namamahala.Ang mga Pilipino’y
handang magbuwis ng buhay alang-alang sa kanilang karapatan.
KABANATA 11
Magkasamang nagpapasiya ang mga prayle at ang pamahalaan, karaniwang nananaig pa ang
pasiya ng mga prayle.Magkaiba ang pamamalakad ng mga Dominiko at mga Heswita
Ang panunuyo sa mga may kapangyarihan ay kaugalian nating mga Pilipino.
KABANATA 12
Ang di pantay-pantay na pagtingin ng guro sa mag-aaral ay hindi nararapat sapagkat ito’y
nagiging dahilan ng pagkawala ng kawilihan ng mga mag-aaral at ng di-paggalang ng mga ito
sa guro.
KABANATA 13
Ang mga mag-aaral noong panahong iyon ay hindi nasisiyahan sa pamamalakad at
pamamaraan ng pagtuturo sa pamantasan. Sila’y naghain ng kahilingan upang magkaroon ng
pagbabago .Ang malaking laboratoryo sa Pisika ay laging inihahanda sa mga panauhing
darating at hindi sa pag-aaral. Isa ito sa sakit ng ating lipunan-ang pakitang tao.
KABANATA 14
Si Sandoval ay larawan ng mga kastilang may malasakit sa ating bayan at pagpapahalaga sa
mga Pilipino. Ang pagitang inilalagay ng pulitika sa mga lahi ay nawawala sa mga paaralan, na
wari’y nalulusaw sa init ng kabataan at karunungan. Magandang halimbawa si Sandoval,
isang Kastilang naging kasama’t kamag-aral nina Isagani at Makaraig.
KABANATA 15
Upang mailapit at makahingi ng tulong sa isang taong makapangyarihan, kailangang hanapin
muna ang kaibigan o kinaaalang-alangan nito; isang sakit ng lipunan na ngayon ay palasak.
Maraming taong tumitigin sa pansariling kapakanan at winawalng bahala ang ikabubuti ng
bayan.
KABANATA 16
Ang pagtanggap ng suhol ng mga nanunungkulan sa pamahalaan at ang pagsasamantala sa
mga lumalapit sa kanila ay nakapagdaragdag ng paghihirap ng bayan. Ito ang
pinakamalubhang sakit ng lipunan sa ngayon.
KABANATA 17
Masining ang mga Pilipino. At sa dahilang ang singing ay kinakikitaan ng damdamin at ng
iniisip ng gumagawa nito, makikitang ang nalalarawan sa kanilang mga inukit ay ayon sa mga
pangyayari noong panahong yaon.
KABANATA 18
Ang mga bagay na nabanggit ng ulo ay tumutukoy sa pangyayaring nagaganap noong
panahon ng Kastila. Ang pagkatakot at tuluyang pagkakahimatay ni Pari Salvi ay
nagpapakilala ng pagtanggap ng mga prayle sa kanilang kasamaa’t pagkakasala.
KABANATA 19
Ang di-mabuting pagtingin ng Kastila sa mga Pilipino ay siyang nagtataboy sa huli upang
maghimagsik. Ang layunin ng maraming magulang sa pagpapaaral sa kanilang anak upang
maipagmalaki at masabing sila’y magulang ng isang nakapag-aral at nagkatitulo.
KABANATA 20
Mataas ang pagpapalagay ng mga Pilipino sa mga banyaga. Agad-agad tayong humahanga.
Hindi na natin sinusuri ang kanilang mga tunay na pagkatao at kakayahan. May paniniwala si
Rizal na ang tao’y pantay-pantay. Walang pagkakaiba ang puti at kayumanggi.
KABANATA 21
Karaniwan sa maraming tao ang pagwawalang bahala sa kapakanan ng kapwa at ng bayan.
Walang inaalagata ang marami kundi ang kagalingang pansarili.
KABANTA 22
Ang kaugaliang pagdating nang huli sa takdang oras at hindi taal na sa atin. Ginaya lamang
natin ito sa mga Kastila. Ang mga Pilipino’y mahilig sa mga palabas na buhat sa ibang lupain.
Maging ano mang bagay na gawa ng mga dayuhan ay tinatangkilik at hinahangaan natin.
KABANATA 23
Ang pagbabalik at balak ni Simoung agawin si Maria Clara sa kumbento ay nagpapatunay ng
kawagasan ng pag-ibig nito; at ang pagkamatay ng dalaga ay nagpapahiwatig ng pananatili ng
kapangyarihan ng relihiyon sa ating bansa.
KABANATA 24
Ang pag-unald na nakikinikinita ni Isagani ay siyang pangarap ng may-akda para sa kaniyang
bayan.Ito’y hindi nanatiling pangarap. Ang lahat ay nagkaroon ng katuparan.
KABANATA 25
Ang kapasiyahang ginawa ni Don Custodio tungkol sa akademya ay isang katunayang ang
kabataan ay hindi binibigyang laya upang gumawa ng mga bagay na ikauunlad ng sarili at ng
bayan.Makapangyarihan ang mga prayle dito sa ating bansa. Sa pamamagitan ng relihiyon, ng
pananampalataya, ay nangyayaring mapasunod at masakop tayo ng lubusan.
KABANATA 26
Ang mga makapangyarihan ay nakagagawa ng mga paraan upang masugpo ang anumang
kilusang labag sa kanilang kapakanan.Anumang pagsulong ay hinahadlangan nila sapagkat
malaki ang kanilang pagnanasang manatili sa Pilipinas.
KABANATA 27
May mga paring marunong umunawa. Hindi lahat ay may masamang ugali at di-mabuting
pagkilala sa mga Pilipino.
KABANATA 28
Higit na nakatatakot pagkaminsan ang mga bali-balita kaysa tunay na pangyayari. Kalimitan,
pag-nagpasalin-salin, ito’y marami nang dagdag.Sa kabilang dako, may mga pangyayari
namang aring pagtakpan kahit ng mga pahayagan.
KABANATA 29
Ang huling habilin ay nabago na ayon sa nais ni Pare Irene.Lubos ang paniniwala ng mga tao
noon sa mga himala; isa sa mga bagay na idiniin sa isipan ng mga mananampalataya.
KABANATA 30
Walang sukat napuntahan ang mga taong naghahanap ng katarungan. Ang lahat maging ang
mga may tungkulin sa pamahalaan ay nasa ilalim ng kapangyarihan ng simbahan. Walang
natitira sa mg kawawa kundi ang mamundok at manulisan.Makapangyarihan ang pag-ibig.
KABANATA 31
Ang pagtatanggol ng mataas na kawani kay Basilio ay isang pagpapatunay na may ilan ding
Kastilang ,ay ugaling marangal.Palaging api ang mga walang lakas at mga dukha. Hanggang
ngayon ay ito ang larawan ng katarungan sa ating bansa.
KABANATA 32
Si Paulita’y larawan ng isang dalagang makabago. magkalayo ang daigdig nila ni Isagani.
Hindi siya makapaghintay sa katuparan ng mga “pangarap” ng binata. Ang dalaga’y
makasarili, ang binata’y makabayan.
KABANATA 33
Si Simoun at Basilio ay kapuwa uhaw sa paghihganti. Nais nilang maipaghiganti ang sariling
kaapihan.Sa mga dukha at api nagsisimula ang paghihimagsik. Bihira ang nanggagaling sa mga
maruruning at mayayaman. Ito’y pinatutunayan ng kasaysayan. Si Simoun ay may
paniniwalang ang nilalayon ang nagbibigay katuwiran sa pamamaraan. Hindi baling masama
ang pamamaraan, mabuti lamang ang layunin. Nalimutan niyang ito’y labag sa alituntunin ng
kagandahang-asal.
KABANATA 34
Sa pagpili ng ninong at ninang- Marami ang nagpapaanak sa mataas na tao kahit ito’y di
lubhang kakilala. Ikinararangal nila iyon at ipinagmamalaki. Sa katotohanan ang mga ito ay
hindi nakagaganap sa kanilang tungkulin bilang ninong pagkat nin hindi natatandaan ang
inaanak.Ang paghahanda- sadyang pinagkakagastahan nang malaki ang kasalan, binyagan at
ano mang pisata dito sa Pilipinas. Inuubos ng may handa ang kanilang makakaya. Ang iba’y
kahit na mangutang.
KABANATA 35
Makahulugan ang tatlong salitang nakatitik sa papel na nagpalipat-lipat sa mga piling
panauhin. Sinasabing “Bilang na, natimbang na, hati ang inyong kapangyarihan.”
Nangangahulugang nabibilang na ang araw ng mga maykapangyarihan. Nalalapit na ang
kanilang wakas, sapagkat natagpuang nagkulang at nakgkasala.
-Magnum Jovem- Dakilang Jupiter. Si Jupiter ay ang Diyos ng kalangitan, ayon sa relihiyong
Romano.
KABANATA 36
Muling ipinakita ng may-akda ang walang katapatan sa pagbabalita noong panahong iyon.
KABANATA 37
Totoo ang kasabihang may pakpak ang balita at may tainga ang lupa. Walang lihim na hindi
nahahayag.
KABANATA 38
Maraming mga kawal na Pilipinong mahigpit pa sa mga Kastila. Walang pakundangan sa
kanilang mga kababayan.
KABANATA 39
Ang kayamanan ay malaking tukso sa buhay ng tao.Kailangang maging mabuti ang
kaparaanan upang maging mabuti ang wakas.Binibigyang diin ang katotohanang kung walang
kalayaan ay walang katarunga.Ang kalayaa’y maaaring makamit sa tulong ng pagpapataas ng
uri ng katuwiran at ng karangalan ng tao.Nasa kabataan ang pag-asa ng bayan.

You might also like