You are on page 1of 3

Kasaysayan ng El Filibusterismo

Ang Paghahari ng Kasakiman

Ang El Filibusterismo (1891) ay and pangalawang nobelang isinulat ni Jose Rizal. Ito ang karugtong ng kanyang
nobelang Noli Me Tangere. Inilalantad ng El Filibusterismo ang higit na madilim na larawan ng mga dekada ng ika-19
na siglo sa Pilipinas na kaniyang buong pusong inialay sa tatlong paring martir na lalong kilala sa bansag na
Gomburza o Gomez, Burgos, at Zamora. Ito ang karugtong o sequel sa Noli Me Tangere at tulad sa Noli, nagdanas
si Rizal ng hirap habang sinusulat ito at, tulad din nito, nakasulat ito sa Kastila. Sinimulan niya ang akda noong
Oktubre ng 1887 habang nagpapraktis ng medisina sa Calamba.

Sa London, noong 1888, gumawa siya ng maraming pagbabago sa plot at pinagbuti niya ang ilang mga kabanata.
Ipinagpatuloy ni Rizal ang pagtatrabaho sa kaniyang manuskrito habang naninirahan sa Paris, Madrid, at Brussel, at
nakumpleto niya ito noong Marso 29, 1891, sa Biarritz. Inilathala ito sa taon ring iyon sa Gent. Isang nagngangalang
Valentin Ventura na isa niyang kaibigan ang nagpahiram ng pera sa kanya upang maipalimbag at mailathala ng
maayos ang aklat noong Setyembre 22, 1891.

Ang nasabing nobela ay pampulitika na nagpapadama, nagpapahiwatig at nagpapagising pang lalo sa maalab na
hangaring makapagtamo ng tunay na kalayaan at karapatan ng bayan.

Bago pa man bumalik sa sariling bayan si Jose Rizal noong Oktubre 1887, marami ng kasawiang dinanas ang
kanyang mga kamag-anakan at kaibigan dahil sa pagkakasulat niya ng Noli Me Tangere. Nang mga panahong yao’y
nagdaranas din ng suliranin sa lupa ang mga magsasaka ng Calamba. Ito ay kanilang inilapit kay Rizal na humingi
naman ng tulong ang pagdinig sa kasi ng problema sa lupa, napasabay pa sa pagdinig ng kaso ni Rizal ukol sa
pagpapalathala ng tinaguriang “makamandag” na babasahing Noli Me Tangere. Maraming mga tuligsa at
pagbabanta ang tinanggap ni Rizal. Ang kanyang pamily ay giniyagis din ng maraming mga panggigipit.

Sinimulan ni Rizal and nobelang El Filibusterismo sa harap ng karanasang ito. Magkakabisa sa kanya kaipala ang
mga sakit sa loob na dinanas niya at ng kanyng pamilya. Bagaman may mga pagpapalagay na mayplanosi Rizal
para sa ikalwang nobela, naiba ito ng mga pangyayaring kinasangkutan niya sa pagbabalik sa sariling bayan.
Tuwiran at di-tuwiran, naapektuhan ito ng wala pang anim na buwang pagkamalas niya ng mga kasamaang
ginagawa ng mga pari, katulad ng “pagpapayaman sa kanilang mga asyenda, pang-aakit sa mga babae,
panggugulo, pagliligpiy sa mga kaaway atbp.”

Nilisan ni Rizal ang Pilipinas noong Pebrero 3, 1888 dahil sa pangamba niyang manganib ang buhay ng mga mahal
sa buhay. Katakut-takot na liham ng mga pagbabanta na karamihan ay walang lagda ang dumarating at ipinayo ng
gobernador na bumalik siya sa ibang bansa. Ani Rizal sa isang sulat na ipinadala niya kay Blumetritt habang
naglalakbay.

“Lahat ng mga punong panlalawigan at mga arsobispo ay naparoroon sa Gobernador Heneral araw-araw upang
ako’y ipagsumbong. Ang buong ahente ng Dominiko ay sumulat ng sumbong sa mga alkalde na nakita nila akong
lihim na nakikipagpulong sa mga babae at lalaki sa itaas ng bundok. Totoong ako’y naglalakad sa bundok kung
bukangliwayway na kasama ng mga lalaki, babae at bata upang damhin ang kalamigan ng umaga ngunit laging may
kasamang tenyente ng guwardiya sibil na marunong managalog…

Inalok ako ng salapi ng akong mga kababayan para lisanin ang pulo. Hiniling nila ang mga bagay na ito hindi lamang
sa aking kapakanan kundi sa kanila na rin sapagkat marami akong kaibigan at kasalamuha na maaaring ipatapon
kasama ko sa Balabag o Marianas. Dahil dito kahit may kaunting karamdaman, ako’y dali-daling nagpaalam sa aking
pamilya.”
Hindi nagwakas sa paglisan ni Rizal ang suliranin. Ang kanyang pamilya ay inusig. Umakyat ang kaso sa lupa ng
mga Mercado-Rizal hanggang Kataastaasang Hukuman ng Espanya. Maraming kamag-anakan niya ang namatay at
pinag-usig. May isa pang tinanggihang mapalibinng sa libingang Katoliko. Sa gitna ng mga pag-aalalang ito,
ginigiyagis si Rizal ng mga personal at pulitikal na suliranin; nangungulila siya kay Leonor Rivera at waring walang
kasiglahan ang insipirasyong dulot ng paniningalang-pugad kay Nellie Boustead; sinasagot niya ang kabi-kabilang
tuligsang tinatamo ng Noli Me Tangere; namatayan siya ng dalawang kaibigan at mababa ang pagkikilalang
iginagawad sa kanya ng mga kasama sa Kilusang Propaganda. Bukod dito’y dumanas si Rizal ng suliranin sa
pananalapi. Naisiwalat ni Rizal ang kanyang paghihirap sa isang liham na naipadala kay Jose Maria Basa:

“Ako’y nanghihinawa na sa paniniwala sa ating mga kababayan. Parang sila’y nagkakaisa upang maging mapait ang
aking buhay; pinipigilan nila ang aking pagbabalik, nangangakong bibigyan ako ng tustos, at pagkatapos na gawin sa
loob ng isang buwan ay kalilimutan nang muli ako… Naisanla ko na ang aking mga alahas, nakatira ako sa isang
mumurahing silid, kumakain ako sa mga pangkaraniwang restawran upang makatipid at mailathala ko ang aking
aklat. Hindi naglao iyon, ititigil ko kung walang darating sa aking salapi. A, sasabihin ko sa iyong kung hindi lamang
sa iyo, kung hindi lamang ako naniniwalang may mga mabubuti pang Pilipino, nais kong dalhin ang aking mga
kababayan at ang lahat sa demonyo…”

Sa kabutihang palad, nang lahat ang pag-asa ni Rizal, dumating ang hindi niya inaasahang tulong ni Valentin
Ventura mula sa Paris. Ipinadala niya ang kabuuang gugol sa pagpapalimbag ng aklat matapos mabalitaan ang
pangangailangan ni Rizal sa salapi.

Natapos limbagin ang aklat noong Setyembre 18, 1891 saGhent,Belgium. Inihandog ni Rizal ang nobela sa alaala ng
mga paring sina Gomez,BurgosatZamora.

Ang pagkahandog na ito sa tatlong paring martir ng ikalawang nobela ni Rizal ang panunahing dahilan kung bakit ito
ay itinuturing na isang nobelang political. Naglalahad dito sa isang malatalaarawang pagsasalaysay ang mga
suliranin ng sistema ng pamahalaan at ang mga kaakibat na problema: problema sa lupa, pamamahala,
pamamalakad ng relihiyon at edukasyon, katiwalian atbp. Tuwiran at di-tuwiran, masasalamin din ang mapapait na
karanasang gumiyagis kay Rizal sa ilang mga eksena at yugto ng nobela.

Masagisag at malarawan ang ebolusyon ni Simoun mula kay Crisostomo Ibarra, bagaman hindi maiiwasang makilala
ang mga kapaitan at kabiguan sa paraang hindi maipagkakamali – kasama na pati ang pangungulila at pag-aasam
sa pag-ibig.

Sa El Filibusterismo, ipinakilala ni Rizal ang isang pagbabanyuhay niya bilang nobelista.

Si Rizal ay:

 Dumaranas ng kagipitan sa pananalapi


 Ginipit ang pamilya at kamaganakan sa pilipinas
 Nangungulila sa larangan ng pagibig
 Kabi-kabila ang panunuligsang tinatanggap mula ng lumabas ang Noli Me Tangere
 Namatayan ng dalawang kaibigan
 Mababa ang pagkakilala ng mga kasama sa Kilusang Propaganda

You might also like