You are on page 1of 1

asdKaligirang Pangkasaysayan ng El Filibusterismo

Bago pa man bumalik sa sariling bayan si Jose Rizal noong Oktubre 1887, marami ng
kasawiang dinanas ang kanyang mga kamag-anakan at kaibigan dahil sa pagkakasulat niya ng Noli
Me Tangere. Nang mga panahong yao'y nagdaranas din ng suliranin sa lupa ang mga magsasaka
ng Calamba. Ito ay kanilang inilapit kay Rizal na humingi naman ng tulong ang pagdinig sa kasi
ng problema sa lupa, napasabay pa sa pagdinig ng kaso ni Rizal ukol sa pagpapalathala ng
tinaguriang "makamandag" na babasahing Noli Me Tangere. Maraming mga tuligsa at pagbabanta
ang tinanggap ni Rizal. Ang kanyang pamilya’y giniyagis din ng maraming mga panggigipit.

Sinimulan ni Rizal and nobelang El Filibusterismo sa harap ng karanasang ito.


Magkakabisa sa kanya kaipala ang mga sakit sa loob na dinanas niya at ng kanyng pamilya.
Bagaman may mga pagpapalagay na mayplanosi Rizal para sa ikalwang nobela. naiba ito ng mga
pangyayaring kinasangkutan niya sa pagbabalik sa sariling bayan. Tuwiran at di-tuwiran,
naapektuhan ito ng wala pang anim na buwang pagkamalas niya ng mga kasamaang ginagawa ng
mga pari, katulad ng "pagpapayaman sa kanilang mga asyenda, pang-aakit sa mga babae,
panggugulo, pagliligpiy sa mga aaaway atbp."

Nilisan ni Rizal ang Pilipinas noong Pebrero 3, 1888 dahil sa pangamba niyang manganib
ang buhay ng mga mahal sa buhay. Katakut-takot na liham ng mga pagbabanta na karamihan ay
walang lagda ang dumarating at ipinayo ng gobernador na bumalik siya sa ibang bansa. Ani Rizal
sa isang sulat na ipinadala niya kay Blumetritt habang naglalakbay.

"Lahat ng mga punong panlalawigan at mga arsobispo ay naparoroon sa Gobernador


Heneral araw-araw upang ako'y ipagsumbong. Ang buong ahente ng Dominiko ay sumulat ng
sumbong sa mga alkalde na nakita nila akong lihim na nakikipagpulong sa mga babae at lalaki
sa itaas ng bundok. Totoong ako'y naglalakad sa bundok kung bukangliwayway na kasama ng
mga lalaki, babae at bata upang damhin ang kalamigan ng umaga ngunit laging may kasamang
tenyente ng guwardiya sibil na marunong managalog... Inalok ako ng salapi ng akong mga
kababayan para lisanin ang pulo. Hiniling nila ang mga bagay na ito hindi lamang sa aking
kapakanan kundi sa kanila na rin sapagkat marami akong kaibigan at kasalamuha na maaaring
ipatapon kasama ko".

You might also like