Professional Documents
Culture Documents
Mga Tauhan:
Simoun Mayamang mag-aalahas, pinagkakamalang Indiyong
Ingles, Amerikano, Mulato, Portuges at Cardenal Moreno
Kabanata 2
Sa Ilalim ng Kubyerta
Buod
Tinungo ni Simoun ang ibaba ng kubyerta. Masikip sa pasahero ang
ilalim ng kubyerta. Naroon ang dalawang estudyate na pinakukundanganan
ng iba-si Basilio na nag-aaral ng medisina at mahusay ng manggamot at
isang katatapos pa lamang sa Ateneo, isang makata, si Isagani. Kausap
sila Kap. Basilio. Napag-usapan si Kap. Tiyago. Pinauwi raw siya, ani
na naging tagapayo ng kapitan nitong mga huling araw. Napaling ang
usapan sa paaralang balak ng mga estudyante ukol sa pagtuturo ng mga
Kastila. Hindi raw ito magtatagumpay ayon kay Kap. Basilio.
Magtatagumpay, ayon sa dalawang binata. Lumayo ang matandang Basilio.
Napag-usapan si Paulita Gomez, ang kasintahan ni Isagani at tukod ng
ganda, mayaman at may pinag-aralan kaya nga lamang ay tiya si Donya
Victorina. Ipinahahanap ni Donya Victorina kay Isagani ang asawa , si
De Espadaa, na sa bahay pa ni Padre Florentino, amain ng binata,
nagtatago.
Dumating si Simoun at kinausap ng magkabigan. Ipinakilala ni Basilio
kay Simoun si Isagani. Sinabi ni Simoun na di niya nadadalaw ang
lalawigan nina Basilio sapagkat ang lalawigan nina Basilio sapagkat
ang lalawigang itoy mahirap at di makabibili ng alahas. Matigas na
tumutol Si Isagani at anya: Hindi kami namimili ng alahas dahil di
namin kailangan. Napangiti si Simoun. Nasabi raw niyang dukha ang
lalawigan, dahil ang mga pari sa simbahan ay Pilipino.
Nag-anyaya si Simoun sa pag-inom ng serbesa. Tumanggi ang dalawa. Ayon
kay Simoun, Sinabi ni Padre Camorra na kaya tamad ang mga Pilipino ay
dahil pala-inom ng tubig at di ng serbesa. Mabilis na tumugon si
Kabanata 3
Ang mga Alamat
Buod
Dinatnan ni Padre Florentino na nagtatawanan na ang nangasa kubyerta.
Nagdaraingan ang mga prayle sa pagkamulat ng mga Pilipino at pag-uusig
sa mga bayarin sa simbahan. Dumating si Simoun. Sayang daw at di
nakita ni Simoun ang mga dinaanan ng bapor. Kung wala raw alamat ay
walang kuwenta sa kanya ang alinmang pook ayon kay Simoun. Isinalaysay
ng kapitan ang alamat ng Malapad-na-bato. Ito raw ay banal sa mga
katutubo noong una bilang tahanan ng mga espiritu. Nang panahanan daw
ng mga tulisan ay nawala ang takot sa espiritu, nasalin sa mga
tulisan.
Sinabi ng Kapitan na may isa pang alamat na ukol kay Donya Geronima.
Si Padre Florentino ang nahingang magkuwento. May magkasintahan daw sa
Espanya. Naging arsobispo sa Maynila ang lalaki. Nagbabalatkayo ang
babae. Naparito at hinihiling sa arsobispo na sundin nito ang pangako
pakasal sila. Iba ang naisip ng arsobispo. Itinira ang babae sa isang
yungib na malapit sa Ilog Pasig.
Nagandahan si Ben Zayb sa alamat. Nainggit si Donya Victorina na ibig
ding manirahan sa kuweba. Tinanong ni Simoun si Padre Salvi. Sa inyong
palagay, hindi ba higit na mainam ay ilagay sa isang beateryo tulad ni
Sta. Clara? Hindi raw siya makakahatol sa mga ginawa ng isang
arsobispo, ayon kay padre Salvi. At upang mabago ang paksa ay
isinalaysay ang alamat ni San Nicolas na nagligtas sa isang Intsik sa
Kabanata 5
Ang Noche Buena ng Isang Kutsero
Buod
Gabi nat inilalakad na ang prusisyong pang-noche buena nang dumating
si Basilio sa San Diego. Naabala sila sa daan dahil nalimutan ng
kutsero ang sedula nito at itoy kinakailangang bugbugin muna ng mga
guwardiya sibil.
Idinaan ang imahen ni Metusalem, ang pinaka-matandang taong nabuhay sa
mundo. Kasunod na idinaan ang mga imahen ng tatlong Haring Mago.
Nakapagpaalaala kay Sinang ang itim na Haring Melchor. Itinanong kay
Basilio kung nakawala na ang kanang paa ni Bernardo Carpio na naipit
sa kabundukan ng San Mateo. Kasunod sa prusisyon ang mga batang
malulngkot sa pag-ilaw. Si San Jose naman. Kasunod naman ay mga batang
may mga parol. Nasa dulo ng prusisyon ang Birhen.
Natapos ang prusisyon. Napuna ng mga sibil na walang ilaw an parol ng
karitela. Pinarusahan uli ng mga sibil ang kutsroong si Sinong.
Naglakad na lamang si Basilio.
Tanging bahay ni Kap. Basilio ang tila masaya sa mga nadaraanan ni
Basilio. May mga manok na pinapatay. Nasilip ni Basilio na ang Kapitan
ay nakikipag-usap sa kura, sa alperes, at kay Simoun.. nagkakaunawaan
na tayo, G. Simuon, ani Kapitan Basilio, Tutungo tayo sa Tiani upang
tingnan ang inyong mga alahas. Nagbilin ng isang kairel sa relo ang
alperes. Isang pares na hikaw naman ang ipinakikibili ng kura. (Bakit
kaya hikaw?)
Nasabi ni Basilio s sarili na si Simuon ay may kasindak-sindak na
pagkatao. Ang lahat ay nakapaghahanap-buhay sa bayang ito maliban sa
amin.
Sa bahay ni Kap. Tiyago ay iginagalang si Basilio, lalo na ng
matandang utusan, nang makitang tumistis ng isang maysakit si Basilio
na parang walang ano man.
Ibinigay ng mga utusan ang mga ulat. Mga kalabaw na namatay, mga
katulong na napipiit at namatay ang matandang nagtatanod sa gubat.
Nanghinayang si Basilio nang mabatid na sa katandaan namatay ang
matanda.. Ibig niyang makatistis ng tao. Ang huling balitay ukol sa
pagkadukot ng mgs tulisan kay Kab. Tales. Di nakakain ng hapunan si
Basilio.
Kabanata 6
Si Basilio
Buod
Nang tumutunog ang mga batingaw ng noche buena si Basilio ay palihim
na nagtungo sa gubat. Paliit ang buwan. Kayat paaninaw na tinungo ni
Basilio ang libing ng kanyang ina. Ipinagdasal ang kaluluwa ng ina at
gunita ng nakaraang may 13 taon.
Namatayan ang kanyang ina. May dumating na lalaking sugatan. Pinahakot
siya ng kahoy na ipansusunog sa bangkay ng ina at ng sugatang lalaki.
May dumating pang isang lalaki. Tumulong ito sa pagtatalsakan ng kahoy
at paglilibing sa kanyang ina.
Umalis siya sa gubat. Lummuwas ng Maynila. Maysakit at gulanit ang
damit. Ninais nang pasagasa sa mga karuwahe dahil sa hirap at gutom.
Natagpuan niya sina Kap. Tiyago na katatpos dalhin sa beateryo si
Maria Clara. Kinuha siyang katulong o utusan. Ping-aral sa Letran.
Unang taon: wala siyang nabibigkas kundi ang pangalan niya at ang
salitang adsum o narito po. Minaliit siya dahil sa luma at gulanit na
suot. Gayunman ay lagi siyang nagsasaulo ng leksiyon. At nang matuos
niyang sa tatlo o apat na paraan sa kanyang klase ay may 40 lamang ang
nagtatanong di na sumama ang loob niya. Nang magsulit, natugon niya
ang tanong sa kanya at ang marka niya para sa unang taon ay aprovado.
Ang siyam niyang kasamahan sa pagsusulit ay nangag-ulit na lahat.
Ikatlong taon. Naisipan ng professor na Dominiko ang pagtanong kay
Basilio na akala niyay tanga upang magpatawa sa klase. Natugon ni
Basilio ang tanong. Parang loro siya sa pagsagot. Nooy di na tinanong
si Basilio. Bakit pa tatanugin itoy di naman nakapag-papatawa sa
klase? Nawalan ng sigla sa pag-aaral si Basilio. Ngunit isang
professor niya ang nasiyahang tumanggap ng hamon ng mga kadete sa
isang pasyalan at nagyakag ng mga estudyante niya na inilaban niya sa
mga kadete sable laban sa baston. Namayani si Basilio sa labanan.
Nakilala ng professor. Nang magtapos: sobresaliente at may mga medalya
pa.
Muhi si Kap. Tiyago sa mga prayle mula nang magmongha si Maria Clara.
Pinalipat si Basilio sa Ateneo Municipal. Malaki ang natutuhan ni
Basilio. Nagsulit siya sa pagkabatsilyer. Ipinagmalaki siya ng kanyang
mga profesor. Nakasulit siya at kumuha ng medisina. Pagkatapos, naging
matiyaga at masigasig sa pag-aaral si Basilio. Kaya di pa man
nakakatapos ay nakapanggamot na siya. At huling taon na ng pag-aaral
ni Basilio. Pagkatapos niyay pakaksal na sila ni Huli.
Kabanata 7
Si Simoun
Buod
Pauwi na sana si Basilio nang may marinig siyang mga yabag at liwanag
na palapit. Nangubli siyan sa puno ng baliti. Sa kabila ng puno
tumigil ang dumating. Nakilala ito ni Basilio-ang mag-aalahas nang
mag-alis ito ng salamin. Nangsimulang maghukay si Simoun sa tulong ng
isang asarol. Naalaala si Basilio. Ito ang taong tumulong sa
paglilibing sa kanyang ina at sa pagsunog sa isa pang lalaking doon
namatay. Nag-isip si Basilio. Sino sa dalawang lalaking ito ang
namatay o ang buhay na nagbubuhay Simoun- ang si Ibarra?
Napakita na kay Simoun si Basilio at nag handog ng pagtulong bilang
ganti sa tulong na ipanagkaloob nito nam ay 13 ton na ang nakalilipas.
Tinitutukan ni Simoun ng baril si Basilio. Sino ako sa palagay mo?
tanong ng mag-aalahas. Tugon ni Basilio. Kayo poy isang taong mahal
sa akin, kayoy ipinalalagay ng lahat, matangi sa akin, na patay na at
ang mga kasawian sa buhay ay madalas kong ikinalulungkot. Lumapit si
Simoun sa binata. Aniya: Basilio, ikay naghahawak ng isang lihim na
maaring magpangayaya sa akin, at ngayoy natuklasan mo pa ang isa na
kung mabubunyag ay ikasisira ng aking mga balak. At sinabi ni Simoun
na dapat ay patayin na niya si Basilio upang iligtas ang kanyang
layunin. "Gayunman, hindi ko marahil pagsisihan na ikay di ko
patayin. Gaya ko rin ay may dapat kang ipakipagtuos sa lipunan. Ikaw
at ako ay uhaw sa katarungan Dapat tayong magtulungan.
At inamin ni Simoun na siya nga si Ibarra. Isinalaysay nito ang
pagkakapaglibot sa buong daigdig upang magpakayaman. Nagbalik upang
ibagsak ang pamahalaang marumi sukdang ipagdanak ng dugo. Siya raw ay
sadyang nagpapalala sa pag-iimbot at pagmamalabis ng taong pamahalaan
at simbahan upang gisingin ang damdamin ng bayan sa paghihimagsik.
Ngunit sinuwatan niya sina Basilio at mga kasamahan na nagbabalak
magtayo ng paaralan ng Wikang Kastila at humihinging gawing lalawigan
ng Espanya ang pilipinas at bigyan ng pantay na karapatan ang mga
Kastila at Pilipino. Ito raw ay magbibigay daan sa Pilipinas sa
pagiging bayang walang sariling pagkukuro, walang kalayaan at pati
kapintasan ay hiram dahil sa pagpipilit manghiram ng wika. Ibig raw
nina Basilio na matulad ang Pilipinas sa mga bansang magugulo sa Timog
Amerika (South Amerika).
Ayon kay Basilio ang kastila ay isang wikang magbubuklod-buklod sa mga
pulo ng Pilipinas.
Itoy pinabulaan ni Simoun. Anya: Ang kastila kailanman ay di magiging
wikang pangkalahatan sa bayang ito ; sapagkat sa mga kulubot ng
kanyang isip at sa pintig ng kanyang puso ay wala ang mga akmang
pananalita sa wikang iyan. Iilan lamang daw ang nakapagsasalita ng
nang mahusay si
higit
na di nauukol sa
halip maging
Kabanata 8
Maligayang Pasko
Buod
Hindi naghimala ang birhen. Di nagbigay ng karagdagang salaping
kailangan ni Huli. Natuloy si Huli sa pagpapaupa kay Hermana Penchang.
(Iyon ay araw ng Pasko). Sa sama ng loob ay napipi si Tandang Selo.
Kabanata 9
Ang mga Pilato
Buod
Pinag-usapan sa bayan ang nangyari kay Tandang Selo at kung sino ang
may kasalanan sa ipinagkagayon ng matanda.
Ang alperes o tenyente ng guardia sibil? Ano raw ang kasalanan niya?
Kaya lamang daw niya sinamsam ang mga sandata ay utos sa kanya iyon,
hindi upang bigyan ng pagkakataon ang mga tulisan upang madukot si
Kabesang Tales. At di raw niya kasalanan kung di man matagpuan si
Kabesang Tales.
Ang asenderong bagong gumagawa ng lupa ni Kabesang Tales? Paano raw
niya isusuplong ang pagdadala ni Kabesang Tales ng armas e kung
tingnan siyay parang pinipili ang pinakamabuting patamaan sa kanya.
Kung namalagi raw si Kabesang Tales sa bahay ay di sana nadukot ng mga
tulisan.
Si Hermana Penchang na bagong panginoon ni Huli? Ang may sala raw ay
si Tandang Selo na rin na may kasalanan dahil di marunong magdasal at
di nagturo ng wastong pagdarasal sa mga kaanak na tulad ng ginagawa
niya ngayon kay Huli na tinuturuan niya ng dasal at pinababasa niya ng
aklat na. Tandang Basyong Makunat. Nang mabalitaang tutubusin ni
Basilio ang kasintahan ay nagsabing si Basilio ay isang demonyong nagaanyong estudyante na ibig magpahamak sa kaluluwa ng dalaga.
Nakauwi si Kabesang Tales sa tulong ng salaping napagbilhan ng mga
alahas ni Huli at nautang ng dalaga kay Hermana Penchang. Nabatid
niyang iba na ang gumagawa ng kanyang lupa, nagpaupang utusan si Huli,
pipi ang amang si Tangdang Selo, at pinaalis siya sa kanyang bahay, sa
atas ng hukuman at sa katuwaan ng mga kura at gugmawa ng lupa. Si
Kabesang Tales ay naupo sa isang tabi at nanatiling walang kibo.
Kabanata 10
Kayamanan at Karalitaan
Buod
Sa bahay ni Kabesang Tales nakipanuluyan si Simoun. Itoy nasa pagitan
ng San Diego at Tiyani. Nagdarahop si Kabesang Tales ngunit dala nang
lahat ni Simoun ang pagkain at ibang kailangan at dalawang kaban ng
mga alahas.
Ipingmalaki ni Simoun ang kanyang rebolber kay Kabesang Tales.
Nagdatingan ang mga mamimili ng alahas. Si Kapitan Basilio, ang anak
na si Sinang at asawa nito, Si Hermana Penchang mamimili ng isang
singsing na brilyante para sa birhen ng Antipolo. Binuksan ni Simoun
ang dalawang maleta ng alahas. Mga alahas na may ibat ibang uri,
ayos, at kasaysayan.
Napatingin si Kabesang Tales sa mga alahas ni Simoun. Naisisp niyang
parang sa tulong ng kayamanang iyon ay tinutudyo siya ni Simoun,
nilalait ang kanyang kapahamakan. Sa bisperas pa naman ng araw ng
kanyang pag-alis sa bahay niyang iyon isa lamang pinakamaliit sa mga
brilyanteng iyon ay sapat nang pantubos kay Huli at makapagbigay ng
kapanatagan sa matanda na niyang ama. Wala namimili isa man sa mga
nagsitawad sa mga luma ang makasaysayang alahas ni Simoun.
Inilibas ni Simoun ang mga bagong hiyas. Dito namili sina Sinang at
iba pa. Siya raw ay namimili rin ng alahas, ani si Simoun. Tinanong si
Kabesang Tales kung may may ipabibili. Iminungkahi ni Sinang ang
kuwintas. Tinawaran agad ni Simoun ng makilalang iyon nga ang kuwintas
ng kasintahang nagmongha. Limandaang piso. O ipagpalit ng Kabesa sa
alin mang hiyas na maibigan niya. Nag-isip si Kabesang Tales. Ani
Hermana Penchang ay di dapat ipagbili iyon dahil minabitu pa ni Huli
ang paalila kaysa ipagbili iyon. Isinangguni raw muna ni Kabesang
Tales sa anak ang bagay na iyon. Tumango si Simoun.
Ngunit nang nasa labas na ng bahay ay natanaw ni Kabesang Tales ang
prayle at ang bagong gumagawa ng lupa. Nangagtawanan pa iyon ng makita
si Kabesang Tales. Tulad niya ay isang lalaking nakita ang kanyang
asawa na kasama ang ibang lalaki at pumasok sa isang silid at
nangagtatatwanang inaglahi ang kanyang pagkalalaki. Bumalik ng bahay
si kabesang Tales. Sinabi kay Simoun na di niya nakausap ang anak.
Kinabukasan, wala si Kabesang Tales. Gayundin ang rebolber ng magaalahas-wala sa kaluban at ang naroroon ay isang sulat at kuwintas ni
Maria Clara. Humingi ng paumanhin si Kabesang Tales sa pagkakahuha ng
baril na kailangan daw niya sa pagsapi niya sa mgas tulisan.
Pinagbilinan si Simoun na mag-ingat sa paglakad sapagkat pagnahulog
ang mag-aalahas sa kamay ng mga tulisan ay mapapahamak ito. Ani
Simoun-sa wakas ay natagpuan ko ang taong aking kailangan: Pangahas
ngunit mabuti nga ito-marunong tumupad sa mga pangko.
Kabanata 20
Si Don Custodio
Buod
Ang usapin ukol sa akademya ng salitang kastila ay nasa mga kamay ni
Don Custodio, na siyang pinagkatiwalaan lumutas sa suliraning ito.
Si Don Custodio de Salazar y Sanchez deMonteheredondo ay kilalang
tanyag sabahagi ng lipunan sa Maynila at tinaguriang Buena Tinta.
Siya ay nakapag-asawa ng isang mayaman at sa pamamagitan ng yaman ng
asawa, nakapagnegosyosiya kahit kulang sa kaalaman sa mga tungkuling
kanyang hinahawakan siya ay pinupuri dahil siya ay masipag.
Nang bumalik siya sa Espanya walang pumansin sa kanya dahil sa
kakulangan niya sa pinag-aralan, kaya walapang isang taon nagbalik na
siya sa Pilipinas at nagmagaling sa mga Pilipino sa kanyang kunwaring
magandang karanasan sa Madrid.
Lumagay siya parang amot tagapagtanggol, ngunit siyay naniniwalang
may ipinanganak upang mag-utos at ang ibay upang sumunod. Ang
Pilipinoy ipinanganak upang maging utusan, kayat kailangang
pagsabihang lagi na ang mga itoy sa gayon lamang ukol.
Sa loob ng labing limang araw, si Don Custodio ay bumuo ng pasiya ukol
sa kasulatan at handa na niya itong ipaalam sa lahat.
Kabanata 21
Mga Anyo ng Taga-Maynila
Buod
Nang gabing iyon ay may pagtatanghal sa teatro de Variendades, ang Les
Choches de Corneville ng bantog na mga Pranses. Ubos kaagad ang tiket,
at mahabang-mahaba ang hanay ng nagsipasok.
Isang Kastila ang tanging walang bahala sa pagpasok sa dulaan. Itoy
si Camarroncocido na anyong pulubi o palaboy. May lumapit sa kanya na
isang kayumangging lalaki na matanda at may amerikanang mahabat
hanggang tuhod. Siyay si Tiyo Kiko. Pinakitaan nito ng mga mamisong
Mehikano si Camarroncocido. Iisa ang kanilang hanapbuhay: pagdidikit
ng mga paskil.
Anim na piso ang iniupa ng mga Pranses kay Tiyo Kiko. Ani
Camarroncocido: E, magkano naman ang ibinigay nila sa mga prayle?
Dapat mong malaman na ang buong kikitain ng palabas ay mauuwi sa mga
kumbento.
Ang palabas ay humati sa Maynila. Mayroong nagsitutol dito bilang
masagwa at laban sa moralidad, tulad nina Don Custodio at ng mga
prayle. Mayroon namang nagtanggol dito. Mga pinuno ng hukbo at mga
marino, ang kawani, at maraming matataas na tao. Laban ang mga babaing
may asawa o may kasintahan. Ang wala namay sang-ayon sa opera. Naging
malaki at malaganap ang bulung-bulungan at kasamang nababanggit ang
Kapitan Heneral, si Simoun, si Quiroga at mga artista.
Ani Camarroncocido kay Kiko: Ang kalahati ng mga nagsisipasok sa
teatro ay manonood dahil sinasabi ng mga prayle na huwag manood: at
ang palabas dahil ipinagbabawal ng mga prayle. Mabuti ang iyong mga
paskil ngunit higit na mabisang pantawag ng tao ang pastoral o
pagbabawal ng mga pari.
Nang makaalis si Tiyo Kiko ay may napansin si Camarroncocido na mga
taong tila hindi sanay mag-amerikana at sa wariy umiiwas mapuna.
Anya: Mga sekretarya kaya o magnanakaw? Kinapa ang sariling mga bulsa.
Walang laman. Ano sa akin sino man sila? anito at nagkibit-balikat.
Isang kagawad ng hukbo ang kumausap sa mga di-kilalang tao na apat o
lima sa bawat pulutong. Pagkatapos, ang kagawad ay lumapit sa karwahe
at masiglang nakipag-usap sa taong lulan niyon si Simoun. May narinig
ang palaboy na Kastila: Ang hudyat ay isang putok. At umalis ang
karwahe. May binabalak! ani Camarroncocido.
Nagpatuloy
nag-uusap.
ay malakas
At yayaman
Kabanata 22
Ang Palabas
Buod
Maingay sa dulaan. Lampas na sa oras ay di pa nagsisimula ang palabas
dahil wala pa ang Kapitan Heneral. May nagsisipadyak ng baston at
sumisigaw na buksan na ang tabing. Maraming pabastos na paghanga sa
mga babae na maririnig sa mga artilyero. Maraming tsismisan. Mausok.
Maraming pagtatalo. May isang matigas ang ulo sa isang luklukang di
kanya at ayaw ibigay iyon sa may-aring si Don Primitivo. Hindi ito
napakiusapan ng tagapamahala. Nagsigawan ang mga artilyero. Ibibigay o
hindi na oo na hindi! Nalibang ang mga tao. Ang mga tanod ay di
makapangahas magpaalis sa nasa upuan ni Don Primitivo dahil sa ito ay
isang mataas na tao sa pamahalaan.
Dumating ang Heneral. Tumugtog ng marcha real. Si Pepay ay nasa isang
palko na handog ni Makaraig. Katapat ito ng palko ng mga estudyante.
Si Don Custodio ay tinipan ni Pepay sa dulaan kayat di man ibig ay
napilitan ang tagapagmungkahi na pasadulaan.
Masaya si Pepay. Masaya rin ang mga estudyante pati si Pecson. Si
Isagani lang ang hindi dahil nakita niya sa dulaan si Paulita na
kasama ni Pelaez na kanyang karibal.
Isang Pransesa ang umawit, si Gertude. Isang awit na puno ng tsismis
ng linggo ang kanyang ipinaririnig. Tigas na kasasalin ni Tadeo sa
Kastila ng mga salitang Pranses. Gayon din ang ginawa ni Juanito
Pelaez kina Paulita at Donya Victorina. Karaniwan naman ay mali si
Juanito. Umawit si Serpolette. May pumalakpak sa una. Nakilala ito ni
Tadeo. Padre Irene na pinapag-espiya ni Padre Salvi sa kung sadyang
masama nga ang palabas ng mga Pranses ay namukhaan ng mananayaw.
Kakilala pala siya ni Serpolette sa Europa pa.
Isang babae ang dumating na kasama ang asawa. Ipinamalaki ang
pagdating niya nang huli sa lahat. Nang makitang may palko pang walang
laman ay inaway ng ginang ang asawa. Sinutsutan siya ng mga tao.
Wikang paismid: Ang mga ungas! Akala moy marurunong ng Pranses. (Tama
naman.)
Si Juanitoy nagpapanggap na maalam ng Pranses na di naman nalalayo sa
Espaol. Kapag nagtawa ang mga taoy nakikitawa siya. Kapag nagsiungol
o nagsiubo, napapailing siya. Humanga sa kanya si Donya Victorina at
hinangad pakasalan ang binatang kuba pag namatay si De Espadaa.
Inubo nang masasal si Juanito. Sinigawan siya. Paalisin ang tisiko.
Nais awayin ito ni Pelaez. Nakilalang si Don Custodio iyon. Natakot
ang binata. Kundi lamang kasama ko kayo anya kina Paulita. Lalong
humanga si Donya Victorina kay Pelaez.
Ayon kay Ben Zayb, na isa sa mga nagsiganap ay hindi artista, di
marunong umawit.
Kabanata 26
Mga Paskil
Buod
Maagang nagbangon si Basilio upang magtungo sa ospital. Nais niyang
pakialaman ang kanyang linsensiyatura sa Unibersidad pagkatapos
madalaw ang may sakit. Uutang siya kay Makaraig ng perang gugugulin.
Ang naimpok niya ay naipanubos kay Huli.
Sa tapat ng San Juan de Letran ay may nagtanong sa kanya ukol sa
pagbabangon. Iniugnay niya sa isip ang pagkakatungo sa kanya ni
Simoun. Marami raw nadadamay na mga estudyante ayon sa nagbabalita.
Nagpatuloy sa paglalakad si Basilio.
Nakasalubong niya ang isang katedratiko na malapit ang loob sa kanya.
Itinanong kung nasa piging ng mga estudyante si Basilio. Mabuti raw at
wala. Nang malamang kasapi si Basilio sa kapisanan ay pinayuhan nitop
ang binata na umuwi nat sirain niya ang lahat ng kasukatang
magdadawit sa kanya. Nabanggit ni Basilio si Simoun. Wala raw
kinalaman dahil nahihiga ang mag-aalahas dahil sa sinugatan ng kung
sino. Ditoy may ibang mga kamay na nakapangingilabot, anang
katedratiko.
Itinanong ni Basilio kung may kasangkot na tulisan. Wala raw. Panay
raw mga estudyante. Nagkatagpo raw sa unibersidad ng mga paskil o mga
paskin (posters) na mapanghimagsik.
May nasalubong silang isa pang katedratiko na kakilala ni Basilio,.
Ang una: Nangangamoy na si Kapitan Tiyago. Nilalapitan na siya ng mga
uwak at buwitre.
Nagpatuloy si Basilio sa paglalakad. Mga karagdagang balita. Marami
raw estudyante ang papupugutan ng ulo, ipabibilanggo, ibabagsak sa
pag-aaral.
Nagunita ni Basilio ang sinabi ni Simoun. Sa oras na kayoy itiwalag
nila di kayo makatatapos sa inyong karera. Pinaghinalaan ni Basilio na
may kinalaman si Simoun sa mga paskil.
Nakita niya si Sandoval. Tinawag ito. Naging bingi ito sa tawag niya.
Tuwang-tuwa si Tadeo. Wala na raw klase. Ibibilanggo raw lahat ang
kasama sa kapisanan ng mga estudyante. Tuwang-tuwa pa rin ito dahil
wal ng klase.
Si Pelaez naman ay parang baliw na paulit-ulit ang pagsasabi: Walawala akong kinalaman, wala akong kinalaman ; ikaw ang saksi ko Basili,
na sinabi kong isang quijoterias ang lahat
Mabilis tumalilis si Juanito nang makita ang isang tanod na palapit sa
kanila.
Natanaw ni Basilio si Isagani. Namumutla ang huli ngunit
pinagpupuyusan ng kalooban.
Nakapagtataka, mga ginoo, na walang kakuwenta-kuwentang mga bagay ay
nagkakagulo tayo na parang mga mayang paking na itinaboy ng tautauhang panakot. Ito lang ba ang pangyayari na ang kabataan ay
mabibilanggo dahil sa kalayaan? Nasaan ang mga binitay, ang mga
pinagbabaril? Bakit tayo magsisiurong ngayon?
May nagtanong: Sino ba ang ungas na sumulat naiyon?
Walang halaga ang kung sino ang sumulat. Tungkulin nilang ( mga kura )
alamin niyon. Ngunit di tayo dapat patangay sa kaguluhang ito kung
saan naroon ang panganib ay doon tayo dumako dahil naroon ang
karangalan. Kung nasasabi sa paskil ay kaayon ng ating kalooban, sino
man ang sumulat noon ay dapat nating pasalamatan. Kung hindi naman ay
sapat nang tutulan natin at tanggihan, ani Isagani.
Tumalikod si Basilio. Di siya sang-ayon sa sinabi ng kaibigan. Tutungo
siya kay Makaraig upang mangutang. Di niya alintana ang mahiwagang
senyas ng mga kalapit bahay ni Makaraig.
Napadubo siya at napaharap sa dalawang tanod na beterana. Anya:
Naparito ako upang makipagkita ako sa kaibigan kong si Makaraig.
Nagkatinginan ang dalawang tanod.
Dumating si Makaraig at ang kabo at dalawang kawal. Nagtaka si
Makaraig kay Basilio. Anito: Marangal na pagkatao! Sa panahon ng
kapayapaan ay umiwas kayo sa amin ..
Inusig ng kabo si Basilio. Dinakip rin ito nang pakilala kung sino
Pati ba ako? tanong ni Basilio. Nagatawa si Makaraig. Huwag kayong
mag-alala. Mabutit ng maibalita ko sa inyo ang ukol sa hapunan kagabi
samantalang nasa sasakyan tayo.
Sa sasakyan ay ipinagtapat ni Basilio ang kanyang pagsasadya kay
Makarai. Sinabi ni Makaraig na ma-aasahan siya ni Basilio at sa
magtatapos raw ng madodoktor ay aanyayahan pa nila ang mga kawal na
dumakip sa kanila.
Kabanata 27
Ang Prayle at ang Estudyante
Buod
Si Isagani ay ipinatawag ni Padre Fernandez na isang katedratiko.
Labis na iginagalang ito ng binata.
Ayon sa pari narinig nito si Isagani sa pagtatalumpati ng binata.
Itinata-nong ng kura kung kasama si Isagani sa hapunan. Pinuri rin ang
pagkakaroon ni Isagani ng paninindigan . Pinaupo ang binata. Ngunit
nanatiling nakatayo si Isagni. Patuloy na nagsalita ang pari. May mga
dalawang libong estudyante na raw ang naturuan niya o sinikap niyang
turuang mabuti at karamihay pumupula at lumalalos sa mga prayle
ngunit walang makapagsalita nang tapatan o harapan.
Ayon kay Isagani ay di kasalanan iyon na kabataan na pag nagsalita
laban sa maykapangyarihan ay kaagad nang sinasabing pilibustero at
alam ng pai ang ibinubunga ng gayong paratang. Baliw ang sino mang
magsabi nang malakas sa kanyang iniisip sapagkat siyay magtitiis ng
pag-uusig, ani Isagani.
Sinabi ng prayle na di niya inuusig si Isagani at malaya itong
nakapagsasalita ng anuman sa kanyang klase. Sa halip ay paborito pa
niya si Isagani.
Pangiting nagpasalamat ang binata. Sinabi niyang itinatangi rin niya
ang katedratiko. Ngunit di tayo maguusap dito ng ukol sa ating
sarili kayat ipinakikiusap ko sa aking katedratiko na ibahin na ang
paksa.
May narinig silang mga yabag. Natigil ang usapan kay Quiroga. Kunway
binanggit ng isa si San Pascual Bailon. Ang dumating ay si Placido .
Kasama ang manggagawa ng kuwitis o pulbura si Simoun.
Hindi raw nakausap ni Placido ang mga bilanggo.Tatlumpu raw. Ayon sa
manggagawa ng pulbura ay magpupugutan ng ulo sa gabing iyon. Hindi raw
mangyayari iyon, anang isa, dahil si Simoun na siyang madalas magpayo
niyon ay maysakit. Nagkapalitan ng tingin ang dalawang bagong dating.
Nang gabing iyon ay pinalitan ang mga tanod sa pinto ng siyudad.
Ipinalit ay mga artilyerong Kastila. Kinabukasan ay nakatagpo sa
Luneta, malapit sa pinto, ng bangkay ng isang dalagitang kayumanggi.
Halos hubad. Ngunit nakita man iyon ni Ben Zayb ay di na nabalita.
Kabanata 29
Ang Huling Pati-ukol kay Kapitan Tiyago
Buod
Marangal ang libing ni Kapitan Tiyago. Si Padre irene ang hinirang na
tagapamahala at tagapagpatupad ng testamento ng kapitan. Paghahatihatiin ang kanyang kayaman sa Sta. Clara, sa Papa, sa Arsobispo, at sa
mga orden. P20.00 ay itinira para pangmatrikulang mga estudyante
mahihirap. Iminungkahi ito ni Padre Irene para masabing tagatangkilik
siya ng mga estudyante. Inalis ni kapitan Tiyago ang P25.00 pamana kay
basilio dahil sa kawalang-utang na loob ngunit isinauli ni paddre
Irene at siya raw ang magpapaluwal sa sariling bulsa.
Nang nakaburol si Kapitan Tiyago ay marami ang usap-usapan ukol sa
kanya. Nakita raw ng mga mongha ang nagliliwag na kaluluwa ni Kapitan
Tiyago. Iyon daw ang utang sa maraming pamisang nagawa ni Kapitan.
Naisip ng sakristan na ipanabing ang kaluluwa ni Kapitan Tiyago ay may
hawak pang mangkok ng taho. May nangaghaka namang hamunin ni Kapitan
Tiyago ng sabong si San Pedro. Pero paano magkakamatayan o magkakatalo
mag manok na kaluluwa? Ayon kay Pilosopo Primotivo, di magkakatalo
sagkat ang pagkataloy kaugnay ng sama ng loob ay walang puwang sa
langit.
Hinandugan ni Quiroga ng isang tabako si Don Primotivo. Saka nagtanong
nang malumanay: Sigulo puede de contalata aliedo galela con kilisto,
a? Cuando muele, mia contalista, ja? May nagtalo sa damit na isusuot
kay KapitanTiyago. Abito? Mayroon nito si kapitan tinong. Lumang-luma
at binayaran niya ng P36.00. Ipagkakaloob niya ito sa mahal na
kaibigan. Tumutol ang sastre.Prak daw ang kailangan nakaprak ang
kaluluwang nakita ng mga mongha. May yari na ang sastre na P32.00 ang
halaga, dahil suki niya ang namatay. Lumang damit ang ipinasuot ni
Padre Irene. Hindi raw mahalaga sa langit ang damit.
Tatlong prayle ang dapit sa libing ni Kapitan. Maraming kamanyang nang
sinunog at gayundin ang iwinisik na agua bendita.
Kabanata 33
Ang Huling Matuwid
Buod
Araw ng pag-alis ni Simoun. Sasama na siya sa Kapitan Heneral.
Nakahanda na ang kanyang dadalhingmga alahas at lahat na. Paniwala ng
marami na hindi makapangahas magpaiwan si Smoun. Maring paghigantihan
siya ng mga galit sa kanya o pag-uusigin siya ng kahaliling Heneral.
Nagkulong si Simoun sa kanyang silid. Wala raw dapat tanggapin kundi
si Basilio. Dumating ang binata. Pinatuloy siya sa utusan Kay laki ng
ipinagbago ni Basilio. Payat na payat, gusot ang buhok at walang ayos
ang pananamit. Wala ang dating kaamuan sa kanyang mga mata.Matalim na
ang mga iyon. Para siyang bangkay na nabuhay. Maging si Simoun ay
nagulumihan sa anyo ng kababayan. Sinabi ni Basilio kay Simoun na siya
ay naging masama na anak at kapatid na nilimot niya ang pagkapatay ng
kapatid kaya siya ay pinarusahan ng Diyos. Siya ngayon ay nakahanda ng
gumanti ng samasama. Sinabi niya na ang pag-iwas niya sa gulo na tulad
ng pakikiisa kay Simoun ay nagbunga lamang ng kanyang pagkabilanggo
Sasanib na raw siya kay Simoun.
Noon lamang nagsalita si Simoun . Nasa sa panig daw pala niyang talaga
ang katwiran. Ang kanyang usapin ay siyang usapin ng mga sawimpalad na
tulad ni Basilio.
Tumindig si Basilio na maaliwalas na ang mukha. Sinabi niyang
matutuloy na ang himagsikan dahil hindi na siya nag-aatubili. Sinabi
ni Simoun na ang mga ating mapayapa at ayaw ng gulo ang siyang
nagtulak sa kanya upang ipagtuloy ang kanyang mga balak. Kung noon
sanay nagkatulungan na ang mga nasa sa mataas na lipunan at ang mga
nasa ibaba ang gawain sana ay mapagkawanggawa at hindi madugo at
buktot.Sa mga imbi niya natagpuan ang kanyang mga katulong. Kung sila
man ay hindi makagawa ng makinis na estatuwa sapat nang simulan nila
ang paglilok at bahala na ang mga susunod sa kanila.
Di maunawaan ni Basilio si Simoun. Nagtuloy sila sa laboratoryo. Sa
mesa roon ay may isang kakaibang ilawan. Ang pinakalalagyan ay anyong
Granada, may bitak at naiino pa ang mga tila buto nito. Tinanggal ni
Simoun ang mitsa. Bakal na may dalawang sentimetro ang kapal na
sisidlan na may isang litrong gas. Binuhusan ito ni Simoun ng likido.
Nabasa ni Basilio ang nakatitik sa lalagyan ng likido
nitroglisirina.
Tumango si Simoun. Ipinaliwanag niya na ang granada ay hindi isang
payak na dinamita. Iyon daw ang mga tinipon na luha ng mga api na
siyang panglaban nila sa lakas at dahas. Noon lamang nakakita ng
dinamita si Basilio. Hindi makakibo ang estudyante. Tinurnilyuhan ni
Simoun ang isang masalimuot na kasangkapang inilagay sa ilawan.Sinabi
ni Simoun na ang ilawan ay gagamitin sa isang pista. Pagkaraan ng 20
minuto ang liwang nitoy mangungulimlim at kapag ginalaw ang mitsa ay
sasabog ang Granada kasunod ang mga supot ng pulbura sa kainan at
walang makaliligtas sa mga bisita ng kapistahan.
Kabanata 35
Ang Piging
Buod
Ikapito ng gabi nang magsisimulang dumating ang mga may paanyaya. Una
ang maliliit. Sunod ang palaki sa katayuan sa tungkulin at sa
kabuhayan. Lahat ay pinagpupugayan ni Don Timoteo.
Dumating ang bagong kasal. Kasama si Donya Victoria. Batian. Kamayan.
Naroon na sina Padre Salvi ngunit wala pa ang Heneral. Nais tumungo
ni Don Timoteo sa palikuran ngunit di siya makaalis at wala pa ang
Heneral. May pumintas sa mga kromo sa pader. Nagalit si Don Timoteo.
Iyon saw ang pinakamahal na mabibili sa Maynila. Sisisngilin daw niya
ang utang ng namintas kinabukasan.
Dumating na rin ang heneral. Nawal ang mga dinaramdam ni Don Timoteo.
May nagsabi na ang araw ng kapitan dahil natititigan na tio nang
harap-harapan.
Si Basilio ay nasa harap ng bahay at pinapanood ang mga nagdaratingan.
Naawa siya sa mga inakala niyang mga walang malay na mamamatay roon.
Naiisip na bigyan ng babala ang mga iyon. Ngunit siyang pagdating ng
sasakyan nina Padre Slavi at Padre Irene. Nagbago siya ng isip.
Hindi ako dapat magmalabis sa pagtitiwalang inilagak sa akin. Akoy
may utang na loob sa kanya; sa kanilay wala. Siya ang humukay ng
libingan ng aking ina na pinatay nila. Akoy nagpakabuti; pinagsikapan
kong magpatawad, ano ang ginawa sa akin? Mangamatay na nga sial na ang
aming pagtitiis, nasabi ni Basilio.
Nakita niya si Simoun, dala ang ilawan. Waring kakila-kilabot ang anyo
ni Simoun na naliligid ng apoy. Parang nag-alinlangan sa pagpanhik sa
hagdan si Simoun. Ngunit nagtuloy rin ito. Nang dumating ang Kapitan
Heneral ay sandaling nakipag-usap dito at sa ibang naroon ang magaalahas. Saka ito nawala sa paningin ni Basilio.
Namayani na naman ang kabutihang-loob ni Basilio. Nalimot ang ina, ang
kapatid, si Huli, ang sariling kaapihan. Ninais na iligtas ang
nangasabahy. Ngunit hinadlangan siya ng mga tanod dahil sa marusing
niyang anyo. Namutla si Simoun nang makita si Basilio na iniwan ng
tanod-pinto upang magpugay sa mag-aalahas. Matigas ang mukha ni Simoun
na tumuloy sa sasakyan at nag-utos. Sa Eskolta. Matulin!
Mabilis ding lumayo si Basilio. Ngunit may nakita siyang isang
lalaking tatanaw-tanaw sa bahay. Si Isagani! Niyaya niya itong lumayo.
Marahang itinulak ni Isagani ang kaibigan. Nagpilit si Basilio. Bakit
ako lalayo Bukas ay hindi na siya ang dati. May hapdi ang tinig ni
Isagani. Ipinaliwanag ni Basilio ang ukol sa ilawan. Hinila niya si
Isagani. Tumutol ito. Mabilis na lumayo si Basilio.
Nakita ni Isagani na nagtungo sa kainan ang mga tao. Naisip niyang
sasabog ang bahay kasama si Paulita. Mabilis na nagpasya ito.
Naku, kung may isa man lang daw na nanigarilyo sa mga trabahador,
sasabog ang buong daan ng Anlogue. Kung sumabog daw ang mga pulbura
ang noong gabi.
Nangatakot ang mga babae. Naghulaan kung sino ang pinaghihinulaan. Mga
prayle. Si Quiroga. Isang estudyante. Si Makaraig. At tumingin si
Kapitan Toringgoy kay Isagani. Ani Chikoy: ayon sa ilang kawani, si
Simoun. Nagtaka ang lahat.
Naalala ni Momoy, isang dumalo sa piging, ang pagalis ni Simoun sa
bahay bago magsimula ang hapunan.
Si Simoun daw ay nawawala, patuloy ni Chikoy. Kasalukuyang itoy
pinaghahanap ng mga sibil. Lalong nabuo sa isip ng mga kababaihan ang
pagiging demonyo ni Simoun na nagkakatawang-tao.
Naalala uli ni Momoy ang pagkakaagaw sa ilawan ni Simoun na nuoy
namamatayan ng ningas. Nagpayot dito sa silid ni Isagani.Nagpatuloy
si Chikoy.Tinataya raw ng mga maykapangyarihan na ang ilawan ay siyang
magpapasiklab sa pulbura.
Nahintakutang gayon na lamang si Momoy. Ngunit nang makita ang
kasintahang si Siensa na nakatingin sa kanya ay nagtapang-tapangang
nagsabi: Masama ng ginawa ng magnanakaw. Mamatay sanang lahat! Nagantanda sa takot ang lahat ng matanda at babae. Lumapit si Momoy kay
Isagani.
Hindi nga mabuting kumuha ng di kanya. Ani Isagani na mahiwang
nakangiti. Kung nalaman lamang ng magnanakaw na iyon kung ano ang
nilalayon .kung siya ana ay nakapag-isip-isip tiyak na di niya gagawin
ang gayon. Pantayan man ng kahit ano . Hindi ako tatayo s kanyang
kalagayan!
Saka nagpaalam si Isagani. Ngunit upang hindi na bumalik pa sa kanyang
amain.
Kabanata 38
Kasawiang-palad
Buod
Buong Luzon halos ang nilaganapan ni Matanglawin sa kanyang
panunulisan. Siyay pumatay sa hukom pamayapa sa Tiyani, nanunog,
nangulimbat. Ngayoy sa Batangas, bukas ay sa Kabite, di maglilipataraw ay sa Tayabas, pagkatapos ay sa Panggasinan o sa Albay. Laging
naliligtasan ni Matanglawin ang mga habol sa kanya. At sa kawalangkaya
ng mga sibil sa dumakip sa mga tulisan ay mga magsasakang walang sala
ang kanilang dinarakip.
May anim o pitong magsasaka ang dinakip ng mga sibil matapos ang isang
pagsalakay ni Kabesang Tales. Abut-siko at kabit-kabit ang gapos ng
Kabanata 2
Si Crisostomo Ibarra
Dumating si Kapitan Tyago kasabay ang isang binata na halatang
nagluluksa ayon sa kasuotan. Binati ng Kapitan ang kanyang mga
panauhin, at tulad ng kaugalian, humalik siya sa kamay ng mga pari.
Ang mga pari naman ay nabigla, lalo na si Padre Damaso ng makilala
nito na ang binata. Ipinakilala ni Kapitan Tiyago ang kagalang galang
na binata bilang anak ng kanyang nasirang kaibigan na si Don Rafael
Ibarra. Kadarating lamang ng binata mula pitong taon na pag-aaral nito
sa Europa. Kusang nagpakilala si Ibarra bilang Juan Crisostomo Ibarra
y Magsalin kasabay ng pakikipag-kamay nito, isang kaugaliang natutunan
niya sa bansang Alemanya. Tumanggi naman na makipag-kamay si Padre
Damaso at bagkus ay tinalikuran nito ang binata. Lumapit ang Tinyente
kay Ibarra at nagpasalamat ito sa ligtas niyang pagdating. Pinuri rin
nito ang kabaitan ng kanyang ama, na siyang nagpanatag sa kalooban ng
binata. Palihim naman ang pagsulyap ni Padre Damaso sa Tinyente na
tila ba nagbabanta. Dahilan upang tapusin ng Tinyente ang pakikipagusap nito kay Ibarra. Nang malapit na ang hapunan, inanyayahan ni
Kapitan Tinong, sa pananghalian kinabukasan si Ibarra. Si Kapitan
Tinong ay malapit na kaibigan ni Kapitan Tiyago at kaibigan din ng
kanyang ama. Magalang na tumanggi ang binata sapagkat patungo siya sa
San Diego sa araw na iyon.
mahabang usapan. Nagbahagi ang binata ng kanyang buhay, tulad ng pagaaral sa Europa ng pitong taon, ang pagpunta sa iba't ibang bansa at
pag-aaral ng kasaysayan at pag-unlad ng mga bansang ito, ang
pagsasalita ng ibang wika, ang hindi paglimot sa kanyang bayan sa
kabila ng kaunlarang namasdan sa ibang bansa, at ang ang hindi
pagkaka-alam sa tunay na dahilan sa nangyari sa kanyang ama. Ang bagay
na ito naman ang nagkumpirma sa hinala ng Tinyente na wala ngang alam
ang binata. Binanggit ni Ibarra na sa kanyang mga bansang napuntahan,
iisang antas lamang ang kabuhayan, pulitika at relihiyong tinatamasa
ng mga ito sapagkat pinahihintulutan ito ng sarili nilang kalayaan at
kakayanang pamahalaan ang kanilang sariling bansa. Binatikos naman ito
ni Padre Damaso at ininsulto ang binata na kahit paslit ay kaya itong
matutunan; at ang kanyang pagpunta sa Europa ay maliwanag na pagaksaya ng salapi. Magalang naman na tinanggap ni Ibarra ang salita ng
pari at binanggit na lamang ang mga ala-ala niya na si Padre Damaso ay
karaniwan nang kasalo sa kanilang hapag-kainan at malapit na kaibigan
ng kanyang ama. Hindi naman nakakibo ang pari dahil sa mga naging
kaganapan sa pagitan nila ng ama ni Ibarra. Maagang nagpaalam si
Ibarra ng gabing iyon, kaya't hindi sila nagkita ni Maria Clara, ang
dalagang anak ni Kapitan Tyago. Nagpatuloy naman ng pag-alipusta si
Padre Damaso sa binata. Isinulat naman ni Ibarra sa pahayagan ng
Estudios Coloniales ang kanyang mga obserbasyon sa gabing iyon.
Isabel na ayusin ang sarili. Lumabas rin ito at nagkita ang dalawa sa
bulwagan. Nagtama ang kanilang paningin at kapwa nagkaroon ng
kaligayahan sa kanilang mga mata. Nagtungo sila sa Asotea upang
makapag-sarili at makaiwas na rin sa alikabok na likha ng pagwawalis
ni Tiya Isabel. Masinsinang nag-usap ang dalawa tungkol sa kanilang
nararamdaman, sa kanilang mga sinumpaan sa isa't-isa, sa kanilang
kamusmusan, sa kanilang naging tampuhan at mabilis na pagbabati. Kapwa
itinago ng dalawa ang mga ala-ala at bagay na ibinigay nila sa isa'tisa: ang dahon ng sambong na inilagay ni Maria Clara sa sumbrero ni
Ibarra upang hindi ito mainitan, at ang sulat ni Ibarra kay Maria bago
ito tumulak papuntang Europa. Binasa ito ni Maria Clara sa katipan.
Kabilang sa sulat ang layunin ni Don Rafael na pag-aralin si Ibarra sa
malayong lugar upang makapaglingkod ng mataas na kalidad sa bayang
sinilangan. Handa rin itong magtiis na mawalay sa anak upang sa
bandang huli ay maibigay nito sa bayan ang kanyang hangarin. Dito
natigilan si Ibarra dahil naalala nito na bukas ay undas at marami
siyang kailangang gawain. Nagpaalam na ang binata at pinagbilinan ni
Kapitan Tyago si Ibarra na sabihin sa kanyang katiwala na sila ay
magbabakasyon doon. Hindi naman mapigilan ni Maria na maluha dahil sa
pangungulila kay Ibarra, kaya't sinabihan siya ng kanyang ama na
ipagtulos si Ibarra ng dalawang kandila at ialay sa santo ng
manlalakbay.
Damaso. Higit na may kabaitan ito kumpara kay Padre Damaso, kung meron
mang naging kabaitan ang huli. Ang Alperes naman ay lasinggero,
mapambugbog sa asawa at malupit sa kanyang mga tauhan. Nakapag-asawa
ito ng Pilipina, si Donya Consolacion, na mahilig magkolorete sa
mukha. Dahil sa agawang ito sa kapangyarihan ng dalawang Kastila,
natural lamang na may palihim na hidwaang nagaganap. Ngunit sa
publikong lugar ay ipinapakita ng dalawa ang kanilang pakunwaring
pagkakasunduan.
Buod ng
Kabanata 12- Araw ng mga Patay
Ang sementeryo ng San Diego ay matatagpuna sa isang malawak na
palayan at nababakuran ng lumang pader at kawayan. Masukal ang
libingan at may malaking krus na nakatirik sa kalagitnaan. Makipot ang
daan patungo sa sementeryo, maputik kapag tag-ulan at maalikabok naman
kung tag-araw. Isang napakalakas na ulan ang bumuhos ng gabing iyon,
at dalawang tao ang abalang-abala sa paghuhukay sa isang bahagi ng
sementeryo. Ang isa ay batikang sepulturero at ang kanyang katulong ay
bago at hindi mapakali sa kanilang ginagawa. Hindi nito maitago ang
pandidiri at kinakalaban ang pagbaliktad ng sikmura sa pagdura at
paghitit ng sigarilyo. Sinaway ng batikang sepulturero ang kanyang
kasama sa pagrereklamo nito at pinagpatuloy ang paghuhukay hanggang sa
maiahon ang bangkay. Sariwa pa kasi ang bangkay na kanilang hinuhukay,
sapagkat dalawampung araw pa lamang itong naililibing mula ng mamatay.
Sinusunod nila ang pinag-utos ni Padre Garrote, na walang iba kundi si
Padre Damaso, ang kura paroko ng panahong iyon; na ilipat ang bangkay
sa libingan ng mga Intsik. Ngunit dahil sa kabigatan ng bangkay at sa
malakas na buhos ng ulan, minarapat na lamang nila na itapong ito sa
lawa. Mabibilang lamang ang mga tao na kinikilalang makapangyarihan o
casique sa bayan ng San Diego. Katulad ito ng Roma at Italya sa
mahigpit na agawan sa kapangyarihan sa pamumuno sa bayan. Hindi
kabilang dito sina Don Rafael, Kapitan Tyago, at ilang namumuno sa
pamahalaan. Bagamat si Don Rafael ang pinakamayaman sa bayan, ang
iginagalang ng lahat at pinagkakautangan ng marami, hindi pa rin siya
ang nagmamay-ari ng kapangyarihan sa bayang iyon. Si Kapitan Tyago na
may mga ari-arian din at kabilang sa mataas na antas ng lipunan,
sinasalubong ng banda ng musiko, at pinagsisilbihan ng masasarap na
pagkain ay walang posisyon sa lipon ng mga makapangyarihan. Ang
posisyon naman sa pamahalaan tulad ng gobernadorcillo o kapitan sa
bayan ay mabibili sa halagang P5,000 at madalas pa na kagalitan ng
alkalde mayor. Sino ba talaga ang makapangyarihan sa San Diego? Walang
iba kundi ang kura paroko sa simbahan at ang Alperes na siyang puno ng
mga gwardiya sibil. Ang kura paroko na si Padre Bernardo Salvi, ang
batang pransiskano na mukhang masasakitin at siyang pumalit kay Padre
Damaso. Higit na may kabaitan ito kumpara kay Padre Damaso, kung meron
mang naging kabaitan ang huli. Ang Alperes naman ay lasinggero,
mapambugbog sa asawa at malupit sa kanyang mga tauhan. Nakapag-asawa
ito ng Pilipina, si Donya Consolacion, na mahilig magkolorete sa
mukha. Dahil sa agawang ito sa kapangyarihan ng dalawang Kastila,
natural lamang na may palihim na hidwaang nagaganap. Ngunit sa
publikong lugar ay ipinapakita ng dalawa ang kanilang pakunwaring
pagkakasunduan.
Kabanata 24 Sa Kagubatan
Maagang nakapagmisa si Padre Salvi at kaagad na nag-almusal,
ngunit hindi na nito tinapos ang pagkain at nagpunta na ito sa lugar
ng piknik sakay ng karwahe. Malayo pa ay pinahinto na niya ang karwahe
upang sa gayon ay malayang makapanood ng lihim sa mga kadalagahan.
Hindi naman siya nabigo sa ninais na mangyari, nakita nga niya ang mga
dalaga at masayang pinagmamasdan ang mga binti at sakong ng mga ito
habang nagkakatuwaan. Pinigil na lamang ng pari ang kanyang sarili na
sundan pa ang mga ito kung kaya't hinanap na lamang niya ang mga
kalalakihan. Pagkapananghalian ay nag-usap-usap ang mga nagpiknik.
Nabanggit ni Padre Salvi na may tumampalasan kay Padre Damaso kaya't
nagkasakit ito. Nagkataon na dumating si Sisa at nais ni Ibarra na
siya ay pakainin ngunit dala ng pagkawala ng katinuan nito ay
tumalilis itong papalayo sa pangkat. Nabanggit din ang pagkawala ng
mga anak ni Sisa, kung saan nagkaroon ng matinding pagtatalo sina Don
Filipo at Padre Salvi. Ikinatwiran ng una na higit pang pinahalagahan
ang dalawang onsa kaysa sa pagkawala ng mga bata. Pumagitna na sa
Ibarra sa dalawa upang hindi na umabot sa sakitan ang dalawa. Lumayo
si Ibarra at nakiumpok sa mga binata at dalagang naglalaro ng Gulong
ng Kapalaran. Itinanong ni Ibarra sa Gulong kung may mga katuparan ang
kanyang binabalak. Natapat naman ang dais sa sagot na pangarap lamang.
Kabanata 27 Sa Pagtatakipsilim
Sadyang hinigitan ni Kapitan Tyago ang paghahanda sa kapistahan
sapagkat ikinasisiya niya ang mabangong pagtanggap ng mga tao kay
Ibarra na kanyang mamanugangin, lalo na at kahit sa Maynila ay tanyag
na tanyag ang binata. Sa ganitong pagkakataon ay kasama siyang
mapupuri sa mga pahayagan. Samu't saring pagkain at inumin na inangkat
pa mula sa ibang bansa ang nasa kanyang tahanan. Pinasalubungan din
niya si Maria ng mga kagamitang may mamahaling bato. Nagkita sina
Ibarra at Kapitan Tyago ng bandang hapon. Nagpa-alam naman si Maria na
mamasyal kasama ang mga kaibigan nitong dalaga, at kinumbida ng mga
ito si Ibarra, na pinaunlakan naman ng huli. Inanyayahan ni Kapitan si
Ibarra na duon na maghapunan sapagkat darating si Padre Damaso, na
magalang namang tinanggihan ni Ibarra. Lumakad na ang magkatipan
kasama ang mga kadalagahan. Napadaan sila sa kanilang kaibigan na si
Simang at ito ay sumama rin sa kanila na mamasyal. Nang marating nila
ang liwasang bayan, sinalubong sila ng isang ketongin na
pinandidirihan ng lahat. Nahabag naman si Maria at binigay niya dito
ang iniregalo ng kanyang ama sa kabila ng pagtataka ng kanyang mga
kasama. Lumapit naman ang walang katinuan na si Sisa at kinausap ang
ketongin. Itinuro nito ang kampanaryo at sinabing anduon ang kanyang
mga anak, at pagkasabi nito ay umalis ng pakanta-kanta. Lumisan na rin
ang ketong na dala ang bigay sa kanya ni Maria. Napag-isip isip ni
Maria na marami pala ang mga mahihirap at kapus-palad at iyon ay
naging lingid sa kanyang kaalaman
Kabanata 28 Sulatan
Ang pagsusulatan ay isang kaugaliang Pilipino at ang paraan ng
ligawan noong kapanahunan ni Rizal. Buod. Katulad ng inaasahan,
nalathala sa pahayagan sa Maynila ang mga naganap sa kapistahan ng San
Diego. Iniulat ang marangyang kapistahan at mga tanyag na tao sa San
Diego, pati na rin ang mga musiko, at mga palatuntunang naganap.
Kasama rin sa balita ang mga pari sa bayan, ang komedyang naganap at
mga mahuhusay nitong artista, na tanging mga Kastila lamang ang
nasiyahan sapagkat ang komedyang iyon ay idinaos sa wikang Kastila.
Ang mga Pilipino naman ay nasiyahan sa komedyang Tagalog. Hindi naman
dumalo si Ibarra sa mga palabas na iyon. Kinabukasan ay nagkaroon ng
prusisyon para sa mga santo at santa. Nagkaroon din ng misa na
pinamunuan ni Padre Manuel Martin. Nagkaroon din ng sayawan na
pinangunahan ni Kapitan Tyago at Maria. Ikinayamot naman ito ng huli.
Sinulatan ni Maria si Ibarra sapagkat ilang araw na niya itong hindi
nakikita. Hiniling ng dalaga na siya ay dalawin at nagpaimbita ito na
imbitahan siya ni Ibarra sa pagpapasinaya ng binata ng bahay-paaralan.
Kabanata 29 Ang Kapistahan
Umaga pa lamang ay handa na ang mga banda ng musiko upang magbigay
saya at salubungin ang kapistahan. Sinabayan pa ito ng tunog ng
kampana at mga siklab at pasabog ng paputok. Nagising ang mga tao sa
Kabanata 30 Sa Simbahan
Dito inilalarawan ni Jose Rizal ang kanyang pagtutol sa mapanlait at
mahahayap na ugali ng mga prayle noong panahong iyon. Bagamat siya ay
tumatangkilik sa relihiyon, hindi naman niya maatim ang mga
kagaspangan ng pag-uugali ng mga prayle. Inilalarawan din ang matapat
na pagtangkilik ng mga Pilipino sa relihiyong nakagisnan, kahit pa ang
kapalit nito ay ang kanilang kabuhayan. Buod: Dinumog ng lahat ang
simbahan kung kaya't nagsiksikan ang mga tao sa kabila ng init at
iyakan ng mga bata. Bayad din ang misang iyon para sa kabanalan ng
lahat sa halagang P250. Ang paniniwala noon ay mas mabuti ng magbayad
ng mahal sa misa kaysa sa komedya sapagkat ang misa ay makapagdadala
ng kaluluwa sa langit, samantalang impyerno naman sa komedya. Hindi
naman sinimulan ang misa hanggat hindi dumarating ang alkalde mayor.
Sinadya naman ng alkalde na magpahuli, upang higit na mapansin ng
lahat. Nagsuot din ito ng limang medalya na sagisag ng kanyang
tungkulin. Nang siya ay dumating, naghanda na ang lahat upang makinig
sa pagmimisa ni Padre Damaso. Sinamantala naman ng Padre ang walang
pakundangang paglibak sa pari na nagmisa kahapon, si Padre Manuel
Martin. Ipinangalandakan ng mayabang na padre na higit siyang magaling
magmisa kaysa Kay Padre Martin. Hindi ito nagsimulang mag-sermon
hanggat hindi ito tapos makapag-mayabang.
Kabanata 31 Ang Sermon
Sinimulan ni Padre Damaso ang kanyang sermon mula sa isang sipi sa
Bibliya at nagsermon sa wikang Tagalog at Kastila. Ang kabuuan ng
sermon ni Padre Damaso ay pagpupuri sa mga banal na santo ng simbahan,
kalo at ng malaking bato. Ang taong dilaw ang siyang namatay at hindi
si Ibarra. Nais ng alkalde na ipahuli si Nol Juan ngunit sinabi ni
Ibarra na siya na ang bahala sa lahat.
naman ito ng ama at sinabing may inilalaan ang kanyang pangalawang ama
na si Padre Damaso- na isang binatang kamag-anak nito at manggagaling
pa mula sa Europa. Lalong nasindak ang dalaga at pati si Tiya Isabel
ay nagalit sa kapitan at pinagsabihan ito na hindi parang damit na
isinusuot ang magpalit ng katipan. Iminungkahi ni Tiya Isabel na
sulatan ng Kapitan ang Arsobispo ngunit sinalungat naman ito ng huli.
Sinabi niyang hindi sila nito pakikinggan kundi ang desisyon lamang ng
mga pari. Tinapos na nito ang usapan at hinarap ang paghahanda sa
bahay. Pagkalipas ng ilang oras ay dumating na nga ang Kapitan-Heneral
at napuno na rin ang bahay ni Kapitan Tyago ng mga panauhin. Si Maria
naman ay pumasok sa loob ng silid at taimtim na nananalangin ng
pasukin ni Tiya Isabel. Sinusundo siya nito upang harapin ang Kapitan
Heneral sapagkat ipinapatawag ito. Sumunod naman ang dalaga.
Kabanata 37 Ang Kapitan Heneral
Ipinapakita sa kabanatang ito ng Noli Me Tangere ang makataong
pamumuno ng Kapitan Heneral, na siyang may pinakamataas na pwesto sa
lipunan ngunit hindi naghahari-hariang katulad ng mga prayle.
Minarapat niyang magkaroon ng pantay na katarungan para sa lahat.
Buod. Naunang kinausap ng Kapitan Heneral ang binatang nakagalitan ni
Padre Damaso ng ito ay lumabas sa kalagitnaan ng sermon. Inakala ng
binata na siya ay sasamain ngunit pagkatapos niyang makausap ang
Kapitan Heneral ay nakangiti itong lumabas ng silid. Sumunod niyang
hinarap ang mga reverencia sa bayang iyon: sina Pari Sibyla, Pari
Martin, Pari Salvi at iba pang mga prayle. Nagpakita naman ng buong
paggalang ang mga pari sa pagyuko nila sa Kapitan. Binanggit din nila
ang pagkakasakit ni Padre Damaso kaya't wala siya sa araw na iyon.
Sumunod namang humarap sa Heneral sina Kapitan Tyago at Maria Clara.
Pinuri ng Heneral ang katapangan nito sa paggitna sa away ni Ibarra at
Damaso, at ang pagbabalik ng hinahon ni Ibarra dahil na rin sa kanya.
Binanggit nito na dapat siyang gantimpalaan sa kanyang ginawa, na
tinanggihan naman ng dalaga. Kalaunan ay dumating na rin si Ibarra
upang makausap ng Heneral. Ipinaalala naman ni Padre Salvi na ang
binata ay excomulgado ngunit hindi ito pinansin ng pari at sa halip ay
ipinaabot ang pagbati kay Padre Damaso. Pagkatapos ay umalis ang mga
pari na hindi naibigan ang ipinakita ng Heneral. Malugod na binati ng
Heneral si Ibarra at pinuri sa ginawang pagtatanggol nito sa ala-ala
ng kanyang ama. Sinabi rin ng Heneral na kakausapin niya ang Arsobispo
tungkol sa pagiging excomulgado ng binata. Napansin ng Heneral na
medyo nabalisa si Maria, kaya sinabi niyang nais itong makaharap bago
umaalis patungong Espanya. Sinabi naman niya sa alkalde na samahan
siya nito sa paglilibot. Malalaman sa pag-uusap ng binata at Kapitan
Heneral na kilala ng binata pati ang pamilya ng Kapitan Heneral sa
Espanya. Ipinamalas din ng Heneral ang paghanga sa katalinuhan ni
Ibarra bagamat iminungkahi ng huli na mas makabubuting sa Europa siya
manirahan sapagkat ang kanyang kaisipan ay nararapat lamang sa
kaunlaran ng ibang bansa. Magalang namang tumanggi si Ibarra at
sinabing higit na matamis ang mamuhay sa sariling bayan. Ilang sandali
pa ay binanggit ng Heneral kay Ibarra na kausapin si Maria at
inihabilin na papuntahin sa kanya si Kapitan Tyago. Umalis naman si
kakompetensya pa niya ang mga totoong doktor. Nagalit ang mga ito at
isinumbong sa Protomediko de Manila. Napilitan siyang tumigil sa
panggagamot at nawalan na rin siya ng pasyente. Ngunit nakilala naman
niya si Donya Victorina at sila ay nagpakasal. Pagkatapos ng kasal,
lumipat sila sa bayan ng Sta Ana upang idaos ang kanilang pulu't-gata,
at upang duon na rin manirahan. Si Donya Victorina rin ang sumuporta
sa kanyang asawa, ibinahay, binihisan at ibinili pa ng mga karwahe.
Ang kanyang pangalan ay ginawang Victorina delos Reyes de Espanada.
Binago na rin niya ang kanyang anyo upang maging mukhang taga-Europa.
Kinulayan nito ang mukha at nagpalamuti sa katawan. Makalipas ang
ilang buwan, siya kuno ay naglilihi at kailangan pa sa Espanya
manganak upang hindi matawag na rebolusyunaryo ang kanyang anak.
Ngunit walang panganganak na nangyari sapagkat ang Donya ay hindi
naman talaga buntis. Lumapit na rin siya sa mga hilot at manggagamot
ngunit walang nangyari. Kung kaya't walang nangyari sa ambisyon na
makapunta sa Espanya ang ginang bagkus ay manatili sa tinubuang lupa,
na kung tawagin niya ay "lupain ng mga salbahe". Wala rin siyang
tiwala sa mga kapwa Pilipino kung kaya't humirang pa siya ng Kastilang
taga-pangasiwa ng kanyang mga ari-arian. Sa pagkabigo ng kanyang
pangarap ay pinagbuntunan ng ginang ang kanyang asawa, na pumapayag
naman maging andres de saya at taga-salo ng alburuto ng asawa. Mas
mabuti na ang ganong kalagayan kaysa naman ang mamalimos sa kalye.
Inuutus-utusan din niya ito at may mga pagkakataon na sinasaktan niya
ito ng pisikal, na tinatanggap na lamang ng lalaki. Pati ang kapritso
ng ginang na magpagawa ng karatulang marmol na may nakaukit na: DOCTOR
DE ESPADAA, ESPECIALISTA EN TODA CLASE DE ENFERMEDADES. Walang nagawa
ang lalaki kahit labag sa kalooban nito na ianunsyo sa publiko na siya
nga ay isang manggagamot, sapagkat siya nga ay nagpapanggap lamang.
bayan. Paano raw magkakagayon gayong 15 taon nang may mga sibil,
ngunit ang mga tulisan ay patuloy pa rin sa pandarambong. Ang mga
sibil ay walang naidudulot na kabutihan sa bayan sapagkat kanilang
pinipigil at pinahihirapan ang isang tao kahit na marangal dahil
lamang sa nakalimutan ang cedula personal, at kapag kailangang malinis
ang kanilang mga kuwartel, ay manghuhuli sila ng mga kaawa-awang
mamamayan na walang lakas na tumutol.
Napag-usapan pa nila na bago itatag ang guardia civil nanunulisan
ang mga tao dahil sa matinding pagkagutom. Binigyang diin naman ni
Elias na ang mga sawimpalad na hinihingi ng bayan ang pagbabago sa mga
palakad ng mga prayle at ng isang pagtangkilik laban sa korporasyon.
Pero, sinabi naman ni Ibarra na may utang na loob na dapat tanawin ng
bayan sa mga paring pinagkakautangan ng pananalig at patangkilik noon
laban sa mga pandarahas ng mga may-kapangyarihan.
Noli Me Tangere:
Sinimulang sulatin ni Dr. Jose P. Rizal ang mga unang bahagi ng "Noli
Me Tangere" noong 1884 sa Madrid noong siya ay nag-aaral pa ng
medisina. Nang makatapos ng pag-aaral, nagtungo siya sa Paris at doon
ipinagpatuloy ang pagsusulat nito. At sa Berlin natapos ni Rizal ang
huling bahagi ng nobela.
Mga Tauhan:
Crisostomo Ibarra
Binatang nag-aral sa Europa; nangarap na makapagpatayo ng paaralan
upang matiyak ang magandang kinabukasan ng mga kabataan ng San Diego.
Elias
Piloto at magsasakang tumulong kay Ibarra para makilala ang kanyang
bayan at ang mga suliranin nito.
Kapitan Tiyago
Mangangalakal na tiga-Binondo; ama-amahan ni Maria Clara.
Padre Damaso
Isang kurang Pransiskano na napalipat ng ibang parokya matapos
maglingkod ng matagal na panahon sa San Diego.
Padre Salvi
Kurang pumalit kay Padre Damaso, nagkaroon ng lihim na pagtatangi kay
Maria Clara.
Maria Clara
Mayuming kasintahan ni Crisostomo; mutya ng San Diego na inihimatong
anak ng kanyang ina na si Doa Pia Alba kay Padre Damaso
Pilosopo Tasyo
Maalam na matandang tagapayo ng marurunong na mamamayan ng San Diego.
Sisa
Isang masintahing ina na ang tanging kasalanan ay ang pagkakaroon ng
asawang pabaya at malupit.
Basilio at Crispin
Magkapatid na anak ni Sisa; sakristan at tagatugtog ng kampana sa
simbahan ng San Diego.
Alperes
Matalik na kaagaw ng kura sa kapangyarihan sa San Diego
Donya Victorina
Babaing nagpapanggap na mestisang Kastila kung kaya abut-abot ang
kolorete sa mukha at maling pangangastila.
Donya Consolacion
Napangasawa ng alperes; dating labandera na may malaswang bibig at
pag-uugali.
Linares
Malayong pamangkin ni Don Tiburcio at pinsan ng inaanak ni Padre
Damaso na napili niya para mapangasawa ni Maria Clara.
Don Filipo
Tinyente mayor na mahilig magbasa na Latin; ama ni Sinang
Lucas
Taong madilaw na gumawa ng kalong ginamit sa di-natuloy na pagpatay
kay Ibarra.
Tarsilo at Bruno
Magkapatid na ang ama ay napatay sa palo ng mga Kastila.
Tiya Isabel
Hipag ni Kapitan Tiago na tumulong sa pagpapalaki kay Maria Clara.
Donya Pia
Masimbahing ina ni Maria Clara na namatay matapos na kaagad na siya'y
maisilang.
Kapitan-Heneral
Pinakamakapangyarihan sa Pilipinas; lumakad na maalisan ng pagkaekskomunyon si Ibarra.
Don Saturnino
Nuno ni Crisostomo; naging dahilan ng kasawian ng nuno ni Elias.
Mang Pablo
Pinuno ng mga tulisan na ibig tulungan ni Elias.
Kapitan Basilio
Ilan sa mga kapitan ng bayan sa San Diego Kapitan Tinong at Kapitan
Valentin
Tinyente Guevarra
Isang matapat na tinyente ng mga guwardiya sibil na nagsalaysay kay
Ibarra ng tungkol sa kasawiang sinapit ng kanyang ama.
Kapitana Maria
Tanging babaing makabayan na pumapanig sa pagtatanggol ni Ibarra sa
alaala ng ama.
Padre Sibyla
Paring Agustino na lihim na sumusubaybay sa mga kilos ni Ibarra.
Albino
Dating seminarista na nakasama sa piknik sa lawa.