You are on page 1of 7

MGA PILING PAHAYAG NG MGA TAUHAN SA

EL FILIBUSTERISMO
STUDY

Flashcards

Learn

Write

Spell

Test

PLAY

Match

Created by

andromxche

Terms in this set (22)

Isagani (Kabanata 2) "Na ang tubig ay matamis inumin pero


nilulunod nito ang alak at serbesa,
nakapapatay ng apoy! Na ang tubig kapag
pinainit ay nagiging singaw! At kapag galit
nagiging baha na minsang nagwawasak sa
sangkatauhan at gumigimbal sa buong
daigdig!"

Isagani (Kabanata 2) "Ang tubig ay nagiging singaw kapag ito'y


inapuyan. Ito'y nagiging delubyo kung ang
lahat ng maliliit ay hiwa-hiwalay na ilog ay
nagsama-samang bumuhos dahilan sa
udyok ng kasawian sa banging hinuhukay
ng tao!"

Tandang Selo (Kabanata "Magtimpi! Mas gugugol ka sa isang taong


4) paghihintay sa usapin kaysa magbayad ng
sampung taon sa mga paring dayuhan.
Hmm! Marahil ay babayaran ka naman nila
ng mga misa. Isipin mo na lamang na
natalo ang tatlumpung piso mo sa sugal. O
kaya'y nahulog sa ilog at kinain ng mga
buwaya."

Tandang Selo (Kabanata "Magtimpi! Isipin mo na lamang na lumaki


4) ang buwaya!"

Tandang Selo (Kabanata "Magtimpi! Isipin mo na lamang na


4) nagsidating ang mga kamag-anak ng
buwaya!"

Kabesang Tales "Sa alikabok tayo babalik, Tatang, at wala


(Kabanata 4) tayong saplot nang tayo ay isilang."

Simoun (Kabanata 7) "Totoo nga. Ako ang taong naparito


labintatlong taon na ang nakararaan, may
sakit at kaawa-awa ang anyo, upang bigyan
ng huling pitagan ang isang dakilang
kaliliwang sadyang namatay para sa akin.
Biktima ng isang tiwaling pamahalaan.
Naglagalag ako at nagpunyaging
makaipon ng malaking halaga upang
maisakatuparan ang aking mga balak."

Simoun (Kabanata 7) "Maging matiyaga, kayong nag-iiwan ng


pangalan at tahanan, matiyaga! Isa-isa
itong nawala sa akin; bayan, kinabukasan,
ang iyong mga puntod. Subalit magtiyaga!
At ikaw banal na espiritu, dakilang
kaluluwa, mapagbigay na puso na
nabubuhay dahil lamang sa isang hangarin
at nagpakasakit ng inyong buhay nang
walang hinihintay na paghanga, magtiyaga,
magtiyaga. Malapit na ang araw at kapag
nagdapit-hapon ako ang magbibigay ng
mabuting balita. Magtiyaga, maghintay!"

Padre Sibyla (Kabanata "Alam mo na kahit anong pagpapahalaga o


11) kabutihan ay hindi naipagpapasa-pasa o
naipagbibili na tulad ng isang diyamante.
Ito ay nananatili sa tao."

Simoun (Kabanata 11) "Kayo ni Padre Irene ay makapagbabayad


ng mga gawa ng kabutihan, panalangin,
pagbibigay, hindi ba?"

Simoun (Kabanata 11) "Sa aking palagay, ang mga tulisan ang
mga pinakamatapat na mamamayan sa
buong bayan. Sila lamang ang
nagpapakapagod para sa araw-araw nilang
pagkain. Sa palagay ba ninyo kung nahulog
ako sa mga kamay halimbawa ni Padre
Irene ay pababayaan niya akong makaalis
nang hindi hinihingi ang kalahati sa aking
mga dalang alahas?" "Ang suliranin ay hindi
ang pagkakaroon ng tulisan sa mga
bundok kung hindi ang pagkakaroon ng
mga tulisan sa mga bayan."

Ginoong Pasta (Kabanata "Maniniwala ka, at matatandaan mo ako, at


15) sasabihin mong tama ako pag ang buhok
mo ay kasimputi na ng sa akin. "

Simoun (Kabanata 14) "At kung magkagayon ay gigibain ko ang


pader ng iyong kulungan; kukunin kita sa
gapos ng kapanatikuhan, at ikaw, mahal na
kalapati, ikaw ay magiging parang phoenix
na makalilipad mula sa nagliliyab na
lungsod!"

Makaraig (Kabanata 25) "Ang pansit ay ipinalalagay na mula sa mga


Intsik at Hapon. Ngunit ang totoo, ito'y
hindi kilala sa Tsina o Hapon, kaya lumilitaw
na ito'y Pilipino. Gayon pa man ang mga
nagluluto nito ay mga Intsik at sila rin ang
mga nakikinabang. Ganyan ang nangyayari
sa pamahalaan at sa Pilipinas, parang mga
Intsik. Ngunit ang tanong na kung ito ay
Intsik man o hindi ay dapat nang iwan sa
mga doktor na Banal na Simbahan.
Magmasid kayo lahat ay kumakain ng
pansit at nasasarapan naman. Ngunit ang
lahat ay nagkukunwaringg maselan sa
pagkain nito. Ganyan din ang Pilipinas at
ang walang kaayusang pamahalaan nito.
Kaya't ialay natin ang pansit sa bayan at sa
pamahalaan."

Isagani (26) "Kung nasaan ang panganib, doon tayo


pumaroon. Sapagkat doon naroon ang
karangalan."

Padre Fernandez (27) "Ang karunungan ay ipinagkaloob lamang


sa sadyang karapat-dapat na pagkalooban.
Ang ipagkaloob iyon sa mga taong walang
malinis na kalooban at mabuting asal ay
kahalay-halay lamang."

Isang Bangkay (23) Humimlay kang mapayapa, kaawa-awang


anak ng aking sawinpalad na Inang Bayan!
Ibaon mo sa libingan ang mga pang-akit
ng iyong kabataan na nalanta sa gitna ng
kanyang kalusugan. Kapag ang isang
bayan ay hindi makapaghahandog sa
kanyang walang dungis na mga babae ng
isang payapang tahanan sa ilalim ng
tungkulin ng banal na kalayaan, kapag ang
tanging maipamamana ng lalaki sa kanyang
kabiyak ay kahihiyan, luha sa kanyang ina, at
pagkaalipin sa kanyang mga anak, mabuti
pa nga ang iyong ginawa na mamalagi sa
pagkadalaga upang inisin sa iyong
sinapupunan ang binhi ng darating na
salinlahing isinumpa! A, mapalad ka pagkat
di ka na mangingilabot sa iyong libingan
kapag narinig mo ang daing ng mga
naghihingalo sa karimlan, ng mga may
pakpak, ngunit nangakatanikala, ang mga
sinisikil dahil sa kawalan ng kalayaan.

Ang Huling Matuwid (33) Ang Diyos ang makapagwawasak sapagkat


siya ang nakalikha. Ang Diyos ang may
hawak ng gantimpala, ng walang
katapusan, at ng kinabuksan, upang
mabigyang katwiran ang kanyang gawa.
Ang tao ay walang karapatan
magpakailanman.

Padre Florentino (39) "Ang kapuotan ay lumilikha lamang ng mga


dambuhala, mga kasamaan, mga salarin.
Tanging ang pag-ibig ang nakalilikha ng
mga kahanga-hanga. Tanging kabutihan
ang makapagliligtas. Ang kaligtasan ay
nangangahulugan ng kabutihan. Ang
kabutihan ay pagpapakasakit. At ang
pagpapakasakit ay pag-ibig."

Padre Florentino (39) "Kung ano ang Panginoon, gayon din ang
alipin. Kung ano ang pamahalaan ay gayon
din ang bayan."

Padre Florentino (39) "Nasaan ang kabataang maglalaan ng


kanilang magagandang sandali, ng
kanilang mga pangarap, at ng kanilang
kasiglagan sa ikabubuti ng kanilang bayan?
Nasaan ang kabataang magbubuo ng
dugo upang hugasan ang ganyan karaming
kahihiyan sa gayong karaming krimen at sa
gayong karaming bagay na nakamumuhi?
Malinis at walang bahid dungis ang
kailangang buhay na alay upang ang
handog ay maging karapat-dapat! Saan
kayo nangaroon, mga kabataang
nagtataglay ng lakas ng buhay na nanlamig
na sa aming mga ugat at ng lagablab ng
kasiglahang namatay na sa aming puso?
Hinihintay namin kayo! Halikayo! Hinihintay
namin kayo!"

Padre Florentino (39) "Itago ka nawa ng kalikasan sa kalalim-


laliman ng dagat, ang kasama ng mga
korales at mga perlas sa walang
katapusang dagat... Kung sa isang banal at
dakilang layunin ay kakailanganin ka ng tao,
matututuhan kong kunin ng Diyos sa
sinapupunan ng mga alon. Samantala,
diyan ay hindi ka na maghahasik ng
kasamaan hindi mo ililiko ang katuwiran, at
hindi ka mag-uudyok ng kasakiman!"

You might also like