You are on page 1of 3

Isagani (Kabanata 2) "Na ang tubig ay matamis inumin pero nilulunod nito ang alak at serbesa,

nakapapatay ng apoy! Na ang tubig kapag pinainit ay nagiging singaw! At kapag galit nagiging baha na
minsang nagwawasak sa sangkatauhan at gumigimbal sa buong daigdig!"

Isagani (Kabanata 2) "Ang tubig ay nagiging singaw kapag ito'y inapuyan. Ito'y nagiging delubyo kung
ang lahat ng maliliit ay hiwa-hiwalay na ilog ay nagsama-samang bumuhos dahilan sa udyok ng kasawian
sa banging hinuhukay ng tao!"

Tandang Selo (Kabanata 4) "Magtimpi! Mas gugugol ka sa isang taong paghihintay sa usapin kaysa
magbayad ng sampung taon sa mga paring dayuhan. Hmm! Marahil ay babayaran ka naman nila ng mga
misa. Isipin mo na lamang na natalo ang tatlumpung piso mo sa sugal. O kaya'y nahulog sa ilog at kinain
ng mga buwaya."

Tandang Selo (Kabanata 4) "Magtimpi! Isipin mo na lamang na lumaki ang buwaya!"

Tandang Selo (Kabanata 4) "Magtimpi! Isipin mo na lamang na nagsidating ang mga kamag-anak ng
buwaya!"

Kabesang Tales (Kabanata 4) "Sa alikabok tayo babalik, Tatang, at wala tayong saplot nang tayo ay
isilang."

Simoun (Kabanata 7) "Totoo nga. Ako ang taong naparito labintatlong taon na ang nakararaan, may
sakit at kaawa-awa ang anyo, upang bigyan ng huling pitagan ang isang dakilang kaliliwang sadyang
namatay para sa akin. Biktima ng isang tiwaling pamahalaan. Naglagalag ako at nagpunyaging makaipon
ng malaking halaga upang maisakatuparan ang aking mga balak."

Simoun (Kabanata 7) "Maging matiyaga, kayong nag-iiwan ng pangalan at tahanan, matiyaga! Isa-isa
itong nawala sa akin; bayan, kinabukasan, ang iyong mga puntod. Subalit magtiyaga! At ikaw banal na
espiritu, dakilang kaluluwa, mapagbigay na puso na nabubuhay dahil lamang sa isang hangarin at
nagpakasakit ng inyong buhay nang walang hinihintay na paghanga, magtiyaga, magtiyaga. Malapit na
ang araw at kapag nagdapit-hapon ako ang magbibigay ng mabuting balita. Magtiyaga, maghintay!"

Padre Sibyla (Kabanata 11) "Alam mo na kahit anong pagpapahalaga o kabutihan ay hindi
naipagpapasa-pasa o naipagbibili na tulad ng isang diyamante. Ito ay nananatili sa tao."

Simoun (Kabanata 11) "Kayo ni Padre Irene ay makapagbabayad ng mga gawa ng kabutihan,
panalangin, pagbibigay, hindi ba?"

Simoun (Kabanata 11) "Sa aking palagay, ang mga tulisan ang mga pinakamatapat na mamamayan sa
buong bayan. Sila lamang ang nagpapakapagod para sa araw-araw nilang pagkain. Sa palagay ba ninyo
kung nahulog ako sa mga kamay halimbawa ni Padre Irene ay pababayaan niya akong makaalis nang
hindi hinihingi ang kalahati sa aking mga dalang alahas?" "Ang suliranin ay hindi ang pagkakaroon ng
tulisan sa mga bundok kung hindi ang pagkakaroon ng mga tulisan sa mga bayan."

Ginoong Pasta (Kabanata 15) "Maniniwala ka, at matatandaan mo ako, at sasabihin mong tama ako
pag ang buhok mo ay kasimputi na ng sa akin. "

Simoun (Kabanata 14) "At kung magkagayon ay gigibain ko ang pader ng iyong kulungan; kukunin kita
sa gapos ng kapanatikuhan, at ikaw, mahal na kalapati, ikaw ay magiging parang phoenix na makalilipad
mula sa nagliliyab na lungsod!"
Makaraig (Kabanata 25) "Ang pansit ay ipinalalagay na mula sa mga Intsik at Hapon. Ngunit ang totoo,
ito'y hindi kilala sa Tsina o Hapon, kaya lumilitaw na ito'y Pilipino. Gayon pa man ang mga nagluluto nito
ay mga Intsik at sila rin ang mga nakikinabang. Ganyan ang nangyayari sa pamahalaan at sa Pilipinas,
parang mga Intsik. Ngunit ang tanong na kung ito ay Intsik man o hindi ay dapat nang iwan sa mga
doktor na Banal na Simbahan. Magmasid kayo lahat ay kumakain ng pansit at nasasarapan naman.
Ngunit ang lahat ay nagkukunwaringg maselan sa pagkain nito. Ganyan din ang Pilipinas at ang walang
kaayusang pamahalaan nito. Kaya't ialay natin ang pansit sa bayan at sa pamahalaan."

Isagani (26) "Kung nasaan ang panganib, doon tayo pumaroon. Sapagkat doon naroon ang
karangalan."

Padre Fernandez (27) "Ang karunungan ay ipinagkaloob lamang sa sadyang karapat-dapat na


pagkalooban. Ang ipagkaloob iyon sa mga taong walang malinis na kalooban at mabuting asal ay
kahalay-halay lamang."

Isang Bangkay (23) Humimlay kang mapayapa, kaawa-awang anak ng aking sawinpalad na Inang
Bayan! Ibaon mo sa libingan ang mga pang-akit ng iyong kabataan na nalanta sa gitna ng kanyang
kalusugan. Kapag ang isang bayan ay hindi makapaghahandog sa kanyang walang dungis na mga babae
ng isang payapang tahanan sa ilalim ng tungkulin ng banal na kalayaan, kapag ang tanging
maipamamana ng lalaki sa kanyang kabiyak ay kahihiyan, luha sa kanyang ina, at pagkaalipin sa kanyang
mga anak, mabuti pa nga ang iyong ginawa na mamalagi sa pagkadalaga upang inisin sa iyong
sinapupunan ang binhi ng darating na salinlahing isinumpa! A, mapalad ka pagkat di ka na mangingilabot
sa iyong libingan kapag narinig mo ang daing ng mga naghihingalo sa karimlan, ng mga may pakpak,
ngunit nangakatanikala, ang mga sinisikil dahil sa kawalan ng kalayaan.

Ang Huling Matuwid (33) Ang Diyos ang makapagwawasak sapagkat siya ang nakalikha. Ang Diyos
ang may hawak ng gantimpala, ng walang katapusan, at ng kinabuksan, upang mabigyang katwiran ang
kanyang gawa. Ang tao ay walang karapatan magpakailanman.

Padre Florentino (39) "Ang kapuotan ay lumilikha lamang ng mga dambuhala, mga kasamaan, mga
salarin. Tanging ang pag-ibig ang nakalilikha ng mga kahanga-hanga. Tanging kabutihan ang
makapagliligtas. Ang kaligtasan ay nangangahulugan ng kabutihan. Ang kabutihan ay pagpapakasakit. At
ang pagpapakasakit ay pag-ibig."

Padre Florentino (39) "Kung ano ang Panginoon, gayon din ang alipin. Kung ano ang pamahalaan ay
gayon din ang bayan."

Padre Florentino (39) "Nasaan ang kabataang maglalaan ng kanilang magagandang sandali, ng
kanilang mga pangarap, at ng kanilang kasiglagan sa ikabubuti ng kanilang bayan? Nasaan ang kabataang
magbubuo ng dugo upang hugasan ang ganyan karaming kahihiyan sa gayong karaming krimen at sa
gayong karaming bagay na nakamumuhi? Malinis at walang bahid dungis ang kailangang buhay na alay
upang ang handog ay maging karapat-dapat! Saan kayo nangaroon, mga kabataang nagtataglay ng lakas
ng buhay na nanlamig na sa aming mga ugat at ng lagablab ng kasiglahang namatay na sa aming puso?
Hinihintay namin kayo! Halikayo! Hinihintay namin kayo!"

Padre Florentino (39) "Itago ka nawa ng kalikasan sa kalalim-laliman ng dagat, ang kasama ng mga
korales at mga perlas sa walang katapusang dagat... Kung sa isang banal at dakilang layunin ay
kakailanganin ka ng tao, matututuhan kong kunin ng Diyos sa sinapupunan ng mga alon. Samantala,
diyan ay hindi ka na maghahasik ng kasamaan hindi mo ililiko ang katuwiran, at hindi ka mag-uudyok ng
kasakiman!"

You might also like