You are on page 1of 17

Panitikang

Mapanghimagsik ng
mga Anak ng Bayan
(ANB)
Fili 12 Panitikan ng Pilipinas
Dr. C. L. Santos
Subersibo ang Diwa
Sumasalungat sa dating bisa ng naghaharing
karunungan na naghatid sa pagsampalataya
sa “ningning”

 Sa “Ningning at Liwanag” ni Jacinto


ipinaliwanag niyang ang ningning ay masama
(nakasisira sa paningin). Ang pagsampalataya
sa “ningning“ ang nagbubunyag sa taong
masama ang loob
Nakikipagtunggali

 Uudyukin ng Ningning at Liwanag ang


paghahanap sa “liwanag” upang
mapagwari nang tunay ang mga bagay-
bagay.
 Masamang kahiligan ang itinuro ng mga
mananakop sa pagpapahalaga sa
panlabas na rangya.
 Ang liwanag ay katuwiran. Panangga sa
lihis na loob at paniniwala
Naggigiit na ang Sarili (bagong awtoridad) ang
Tama
 Itinatakwil ang ningning na nagturo ng
maling pagsampalataya. Binibigyang-diin
na mali ito (kung gayon mali ang nagturo
nito)
“Ito na nga ang dahilang isa pa na kung
kaya ang tao at mga bayan ay
namumuhay sa hinagpis at dalita.”
 Sa tulang “Katapusang Hibik ng
Pilipinas” ni Bonifacio ang mga isinaysay
niyang totoong kalagayan ng bayan sa
kamay ng Espanya ang aangkinin niyang
lisensiya upang maipaunawa ang
kahulugan ng katuwiran sa paghihimagsik
at ang deklarasyon ng paghiwalay sa
kolonisador. Pansinin ang mga saknong
na ito:
“Katapusang Hibik ng Pilipinas”
Walang isinuhay kaming iyong anak
sa bagyong masasal ng dalita’t hirap;
iisa ang puso nitong Pilipinas
at ikaw ay di na Ina naming lahat
“Katapusang Hibik ng Pilipinas”
Aming tinitiis hanggang sa mamatay;
bangkay nang mistula’y ayaw pang tigilan,
kaya kung ihulog sa mga libingan,
linsad na ang buto’t lumuray ang laman.
“Katapusang Hibik ng Pilipinas”
Wala nang namana itong Pilipinas
na layaw sa Ina kundi pawang hirap;
tiis ay pasulong, patente’y nagkalat,
rekargo’t impuwesto’y nagsala-salabat
Ang Katuwiran ay Kalayaan
 Katuwiran (ang liwanag kay Jacinto) ang
maggigiit sa katutubong bait.

 Mangyayari lamang kung makakawala


siya sa maling sinampalatayanang
“ningning” at makararating sabi ni Jacinto
sa “banal na landas ng katuwiran” ng
kalayaan.
Ang Katuwiran ay Kalayaan

 Ang katuwiran ay ang hangarin ang


pangingibabaw ng kabutihan, ay hangarin
din ang kalayaan.

 Ang dinaranas na pighati at kalupitan


ay pagpapairal ng kasamaan ng loob.
Hinihikayat ni Bonifacio ang pagkilos
upang kontrahin ito ng bayan. Pansinin
ang mga saknong na ito:
“Pag-ibig sa Tinubuang Bayan”
Nasaan ang dangal ng mga Tagalog?
Nasaan ang dugong dapat na ibuhos?
Baya’y inaapi, bakit di kumilos
At natitilihang ito’y mapanood?
“Pag-ibig sa Tinubuang Bayan”
Kayong mga pusong kusang [niyuyurakan]
Ng daya at bagsik ng ganid na asal,
Ngayon ay magbango’t Baya’y itangkal,
Agawin sa kuko ng mga sukaban.
Pang-aakit sa Kongkretong Pagkilos
 Lalansag sa sikil na kalagayan

Ani Jacinto, “Mapalad ang araw ng liwanag!”

sa “Pag-ibig sa Tinubuang Bayan”:

“Di gaano kaya ang paghihinagpis


Ng pusong Tagalog sa puring nilait?
Aling kalooban na lalong tahimik
Ang di pupukawin sa paghihimagsik?”
Katapusan ng Hibik sa Panitikan
ng mga ANB: Deskolonisasyon
 Tutuldukan ang “propaganda”

“Paalam na, Ina, itong Pilipinas,


Paalam na, Ina itong na sa hirap.
Paalam, paalam, Inang walang habag.
Paalam na ngayon, katapusang tawag”
Katapusan ng Hibik sa Panitikan
ng mga ANB: Deskolonisasyon
 Magbubuwis ng buhay

Ipaghandog-handog ang buong pag-ibig,


Hanggang sa may dugo’y ubusing itigis,
Kung sa pagtatanggol, buhay ay [mapatid]
Ito’y kapalaran at tunay na langit.
Pakikipag-usap sa Taumbayan
 Tagalog ang wika na magsusulong ng
hangarin sa deskolonisasyon

 Ang mga kongkretong kondisyon ng


pagkaalipin ng bayan ang inihibik (hindi
ang nasa posisyong nagpapanatili ng
kapangyarihan, ang mga prayle na tuon ng
mga propagandista)
Sanggunian:
Almario, Virgilio S. Panitikan ng Rebolusyon(g 1898) Isang Paglingon
at Katipunan ng mga Akda nina Bonifacio at Jacinto. Quezon City:
University of the Philippines Press,1993.

Lumbera, Bienvenido at Cynthia Nograles Lumbera. Philippine


Literature A History & Anthology. Pasig City: Anvil Publishing, 1997.

Mendez Ventura, Sylvia. Supremo The Story of Andres Bonifacio.


Manila: Tahanan Books, 2001.

You might also like