Professional Documents
Culture Documents
KONTEKSTO NG
KARTILYA NG
KATIPUNAN NI EMILIO
JACINTO
Ika-walong pangkat (SBAC-1A):
Kilala ito bilang isang lihim na kilusan na may layunin na ipagtanggol ang bayan
mula sa mga mananakop (Espanyol).
Naitatag ito noong ika-pitong araw ng hulyo sa taong 1892, sa isang tahanan sa
kahabaan ng Azcaraga ( ngayon ay mas kilala bilang Claro M. Recto, Tondo, Maynila)
May sarili rin silang paraan ng paghahanap ng bagong kasapi na kung tawagin ay
“triangle Sytem”.
Ang mga Konseho
Kataastaasang Sanggunian (Supreme Council)
Ito ay pinamumunuan ng Supremo o Presidente.
Pinuno ng Katipunan
Deodato Arellano – Supremo
Ladislao Diwa – Taga pangasiwa ng pananalapi ng pamahalaan
Teodora Plata - Pangkalahatang-kalihim (secretary)
Valentine Diaz – Taga pangalaga ng kabang-yaman
Andres Bonifacio – Taga pamahala (controller)
Pagka lantad ng KKK
Teodoro Patiño isa sa ng myembro ng Katipunan, isang manggagawa sa Diario
de Manila.
Sinabi nya ito sa kanilang Mother Suprior, na si Sor Teresa de Jesus, siya
namang tugon ni Sor Teresa na hingin ang payo ng kanilang Kurang Paroko na si
Father Mariano Gil
Ang Kartilya ng
Katipunan
Ang orihinal nitong pamagat ay “Mga Aral ng Katipunan Ng Mga Anak ng
Bayan”. Kahanga-hanga ang mga salitang ginamit niya rito, dahil mas naipamalas
niyang siya ay puno ng kaalaman.
Paliwanag:
Hindi nalilimitahan ang mga patakarang ito, ang lahat ng nakapaloob sa bansa ay
pare- parehong maituturing.
Dito’y isa sa mga kaunaunahang utos, ang tunay na pag-ibig sa bayang tinubuan at
lubos na pagdadamayan ng isa’t isa.
Paliwanag:
Ang pag-ibig sa ating inang bayan ay dapat sumalamin rin sa pag-ibig natin sa isa’t
isa.
Maralita, mayaman, mangmang, marunong, lahat dito’y magkakapantay at tunay na
magkakapatid.
Paliwanag:
Ano mang estado ng iyong buhay ,may kapansanan ka man o wala, nakapagtapos ka
man ng pagaaral o hindi. Lahat ay pantay pantay at ituturing bawat isa na para nilang
kapatid.
Kapagkarakang mapusok dito ang sino man, tataligdan pilit ang buhalhal na kaugalian,
at paiilalim sa kapangyarihan ng mga banal na utos ng katipunan.
Paliwanag:
Ang bawat isang aanib sa kilusan aya dapat na magpasakop sa mga patakaran at aral
nito. Dapat niyang talikuran ang mga kauglian niyang labag sa kilusan.
Ang gawang lahat, na laban sa kamahalan at kalinisan, dito’y kinasusuklaman; kaya’t
sa bagay na ito ipinaiilalim sa masigasig na pakikibalita ang kabuhayan ng sino
mang nagiibig makisanib sa katipunang ito.
Paliwanag:
Ang lahat ng gawa na sumasalungat sa marangal at malinis na pamumuhay ay
kinamumuhian sa katipunan. Hindi kinukunsinti ng katipunan ang di malinis na
pamamaraan
Kung ang hangad ng papasuk dito’y ang tumalastas lamang o mga kalihiman nito, o
ang ikagiginhawa ng sariling katawan, o ang kilalanin ang mga naririto’t ng
maipagbili sa isang dakot na salapi, huag magpatuloy, sapagkat dito’y bantain
lamang ay talastas na ng makapal na nakikiramdam sa kaniya, at karakarakang
nilalapatan ng mabisang gamut, na laan sa mga sukaban.
Paliwanag:
Huwag na lamang sumali ang mga taong mali ang intension tulad ng
kagustuhan lamang ng sarili, o ang malaman lamang ang nasa loob ng kilusan dahil
walang saysay ang pag anib niya kung hindi naman tama ang kalooban.
Dito’y gawa ang hinahanap at gawa ang tinitignan; kaya’t hindi dapat pumasuk ang di
makagagawa, kahit magaling magsalita.
Paliwanag:
Kahit na maayos at magaling ka pagdating sa salitaan ay walang silbi at huwag nang
umanib sa katipunan kung hindi ito marunong kumilos. Sapagkat mas hinihiling o
hinahanap at ginagalang ang mga aksyon o kilos kesa sa salita.
Ipinauunawa din, ang mga katungkulang ginaganap ng lahat ng napaaanak sa
katipunang ito ay lubhang mabibigat lalung lalu na, kung gugunitain na di
magyayaring maiiwasan at walang kusang pagkukulang na di aabutin ng
kakilakilabot na kaparusahan.
Paliwanag:
Ipinapaintindi sa lahat ng mga may balak sumali sa Katipunan na hindi lamang
basta basta madali ang mga tungkulin o gawain sa loob, kaya marapat lamang na
sila'y mag-ingat, gawin at sundin ng maayos ang kanilang tungkulin upang hindi
maparusahan.
Kung ang hangad ng papasuk dito, ang siya’y abuluyan o ang ginhawa’t malayaw
na katahimikan ng katawan, huag magpatuloy, sapagkat mabigat na mga
katungkulan ang matatagpuan, gaya ng pagtatangkilik sa mga naaapi at
madaluhong na paguusig sa lahat ng kasamaan; sa bagay na ito ay aabuting ang
maligalig na pamumuhay.
Paliwanag:
Huwag nang pumasok sa grupo ang umaasang makatatanggap ng pinansyal na
suporta, hindi tutulong at ibig hindi makararanas ng pagod sa katawan dahil ang
tungkulin ng lahat ay ang tulungan/ ipagtanggol ang mga naaapi, labanan ang mga
masasama laban sa ating kapwa, kaya sa grupo ay hindi puro lamang ligaya.
Di kaila sa kanino pa man ang mga nagbalang kapahamakan sa mga tagalog na
nakaiisip nitong mga banal na kabagayan (at hindi man), at mga pahirap na
ibinibigay na nagharing kalupitan, kalikuan at kasamaan.
Paliwanag:
Walang ibang naka- aalam patungkol sa kabayanihang ginawa ng mga Pilipino lalo
na ang patungkol sa paghihirap na kanilang naranasan, pagtitiis nila sa mga
kalupitan, kawalang katarungan at kasamaan na ginawa sa kanila.
Talastas din naman ng lahat ang pagkakailangan ng salapi, na sa ngayo’y isa sa mga
unang lakas na maaasahang magbibigay buhay sa lahat; sa bagay na ito, kinakailangan
ang lubos na pagtupad sa mga pagbabayaran; piso sa pagpasok at sa buan buan ay
sikapat. Ang salaping ito’y ipinagbibigay alam ng nagiingat sa tuing kapanahunan,
bukod pa sa mapagsisiyasat ng sinoman kailan ma’t ibigin. Di makikilos ang salaping
ito, kundi pagkayarin ng karamihan.
Paliwanag:
Kinakailangan nilang magbayad para maging kasapi ng grupo. Ang salaping
kokolektahin ay gagamitin para sa lahat at ang bawat isa ay may karapatang alamin ang
ikot ng kanilang mga salapi dahil gagastahin lamang ito kapag may pahintulot ng lahat.
Ang lahat ng ipinagsaysay at dapat gunitain at mahinahong pagbulaybulayin,
sapagkat di magaganap at di matitiis ng walang tunay na pagibig sa tinubuang
lupa, at tunay na adhikang ipagtangkilik ang Kagalingan.
Paliwanag:
Ang lahat mga kaganapan o impormasyon ukol sa kilusan ay dapat na
pahalagahan. Dahil ang taong walang pag mamahal sa bayan ay magsasawalang
bahala lamang ngunit ang nagmamahal rito ay kikilos sa oras na malaman ang
kalagayan.
MGA ARAL NANG
KATIPUNAN NG MGA
ANAK NG BAYAN
Ang kabuhayang hindi ginugugol sa isang malaki at banal na kadahilanan ay
kahoy na walang lilim, kundi damong makamandag.
Paliwanag:
Ang buhay ay dapat iginugugol lamang sa makabuluhang bagay at puno ng
kabanalan. Walang halaga ang buhay kung di rin naman ginamit ng makabuluhan.
Paliwanag:
Maihahalintulad sa "Pagbubuhat sa sariling bangko". Kung ang isang tao na
nakagawa ng magaling na bagay at ipinagmalaki o ipinagmayabang ito ay di
matatawag na kabutihan. Ang tunay na kabutihan ay gagawin ang lahat dahil sa
kanyang kagustuhan anuman ang kalabasan.
Ang tunay na kabanalan ay ang pagkakawang gawa, ang pagibig sa kapua at ang
isukat ang bawat kilos, gawa’t pangungusap sa talagang Katuiran.
Paliwanag:
Ang tunay na kabanalan ay hindi naghahangad ng kapalit mula sa pag tulong sa
kapwa. Hindi nito kailangan ng papuri, ngunit ginagawa ng puno ng pag-ibig.
Paliwanag:
Mahalagang ang bawat isa ay binibigyan ng pantay pantay na pag kilala. Hindi ito
nasusukat sa pagkakaiba-iba, ngunit dapat lahat ay pantay sa paningin ng mata.
Ang may mataas na kalooban inuuna ang puri sa pagpipita sa sarili; ang may hamak
na kalooban inuuna ang pagpipita sa sarili sa puri.
Paliwanag:
Ang mataas na kalooban ay hindi inuuna ang pangsariling kapakanan ngunit
binibigyang halaga ang puri. Hindi dapat unahin ang makasariling hangarin.
Paliwanag:
Ang taong may hiya ay sinasabing hindi agad nagbibitaw ng mga salitang hindi niya
kayang panindigan sapagkat ito ay wala nang bawian.
Huag mong sasayangin ang panahun; ang yamang nawala’y magyayaring magbalik;
nguni’t panahong nagdaan na’y di na muli pang magdadaan.
Paliwanag:
Ang bawat oras ay dapat ginugugol sa mga makabuluhang bagay sa kadahilanang
maaari mong mabawi o maibalik sa'yo ang mga kagamitang iyong naiwan ngunit
yung panahong lumipas na ay di na muling madadaan at mababago pa.
Paliwanag:
Ipagtanggol ang mga naapi at gapiin ang mga nang-aapi. Huwag hayaang, tapakan
lamang ang ating pagkatao.
Ang taong matalino’y ang may pagiingat sa bawat sasabihin, at matutong
ipaglihim ang dapat ipaglihim.
Paliwanag:
Sa pagpasok sa katipunang ito ay dapat maghinay-hinay sa pagbibitaw ng mga
salitang sasabihin, ang mga konpidensyal na usapin ay marapat lang na ilihim sa
kahit na sinoman.
Paliwanag:
Sa pag dating ng mga problema o pagsubok nariyan ang haligi ng tahanan, o
ang ama upang ang pamilya niyang ay pangunahan. Siya ang dapat maging
pinuno ng tahanan.
Ang babai ay huag mong tignang isang bagay na libangan lamang, kundi isang
katuang at karamay sa mga kahirapan nitong kabuhayan; gamitan mo ng
buong pagpipitagan ang kaniyang kahinaan, at alalahanin ang inang
pinagbuhata’t nagiwi sa iyong kasangulan.
Paliwanag:
Ang mga kababaihan ay hindi dapat itinuturing na pampalipas ng oras, kundi
dapat silang igalang, gaya ng pag galang na nararapat sa ating ina.
Ang di mo ibig na gawin sa asawa mo, anak at kapatid, ay huag mong gagawin
sa asawa, anak, at kapatid ng iba.
Paliwanag:
Di mo dapat gawin sa iba ang ayaw gawin ng iba sa iyo. Lalo na ang ayaw
mong gawin ng iba sa iyong mga mahal sa buhay.
Ang kamahalan ng tao’y wala sa pagkahari, wala sa tangus ng ilong at puti ng mukha,
wala sa pagkaparing KAHILILI NG DIOS, wala sa mataas na kalagayan sa balat ng lupa;
wagas at tunay na mahal na tao, kahit laking gubat at walang nababatid kundi ang
sariling wika, yaong may magandang asal, may isang pangungusap, may dangal at
puri; yaong di napaaapi’t di nakikiapi; yaong marunong magdamdam at marunong
lumingap sa bayang tinubuan.
Paliwanag:
Àng kahalagahan ng tao ay hindi makikita sa yaman na mayroon ito, sa ganda ng
itsura at pagiging malapit nito sa Diyos na may likha. Ang kamahalan ng tao ay
makikita sa kanyang pamumuhay, sa pagtupad sa mga inumpaan at may dangal at
puri. Ipinaglalaban ang karapat ngunit hindi nananapak nang ibang katauhan at
marunong lumingon sa bayang pinagmulan.
Paglaganap ng mga aral na ito at maningning na sumikat ang araw ng mahal
na Kalayaan dito sa kaabaabang Sangkalupuan, at sabugan ng matamis
niyang liwanag ang nangagkaisang magkalahi’t magkakapatid ng ligaya ng
walang katapusan, ang mga ginugol na buhay, pagud, at mga tiniis na
kahirapa’y labis nang natumbasan.
Paliwanag:
Sa pamamagitan ng mga aral na ito, nawa'y makamtan ang kalayaan ng
kaawa-awang bayan hanggang sa walang katapusan na magdadala ng labis
na ligaya sa bawat-isa ng mga nagkaisang magkakalahi't magkakapatid na
nagdulot ng kamatayan sa karamihan, pagod at kahirapahan.
KAHALAGAHAN NG
DOKUMENTO SA PAG-
UNAWA NG
KASAYSAYAN NG
PILIPINAS
Ang Kartliya ng Katipunan ay nagging gabay ng mga rebolusyonaryo
upang isa-puso ang pag laban tungo sa kalayaan. Malaki ang nagging
kahalaghan nito sa ating kasaysayan dahil sap ag papakita nito ng angking
talinong meron ang mga Pilipino simula pa man noong panahong iyon.
Naipakita ni Emilio Jacinto na ang mga Pilipino ay hindi dapat minamaliit at hindi
dapat inaapi. Ang pag laban para sa kalayaan ang isa sa pinakamagandang
parte ng kasaysayan ng Pilipinas sapagkat dito natin naipamalas ang pag-
kakaisa at pagtutulungan tungo sa isang layunin.
Mahalagang ang dokumentong ito ay pag-aralan lalo na ng mga kabataan
sa panahon ngayon, upang maitanim sa kanila ang etikong at katuruang moral
na hatid nito.
MGA NATUTUHAN
MULA SA
KARANASAN
Natutuhan kong makiisa sa grupong
kinabibilangan. Matutong makisama at
tumulong para sa kapakanan ng lahat.