You are on page 1of 8

Tunggaliang sa Pagitan ng mga kaparian

at Muntin sa Cavite

Ang mga paring sekular at regular ay karaniwan sa panahon ng mga Espanyol. Sekular ang
tawag sa mga paring binuo mula sa Diocesan. Regular naman ang tawag natin sa mga paring nasa
“order”. Halimbawa sa mga paring regular ay mga Jesuits, Dominicans, Augustinians, at Benedictines.
Ang dawalang uri ng paring ito ay may kani-kanilang responsibilidad katulad ng pamamahala ng
parokya. Kung titignan natin sa isang perspektibo, talagang ang mga paring sekular, na nagtataguyod
ng ideya ng sekularisasyon, ang may karapatang mamahala sa mga parokya.

Ngunit sa iilang mga dahilan, nagkakaroon ng mga tunggalian sa pagitan ng mga paring
secular at regular. Ang mga dahilan ay ang mga sumusunod:

1. Ang pamamahala ng parokya ay nangangahulugang may kapangyarihan ka sa


pamahalaan.

Alam nating na ang pamahalaan at simbahan ay iisang makapangyarihang awtoridad sa


panahon ng mga Espanyol. Kung ikaw ay isang pari, nangangahulugan ito na ang iyong katayuan sa
lipunan ay pantay o pareho ng isang mataas na opisyal na pamahalaan. At ang pagkakaroon ng
parokya ay nagbibigay din sa iyo ng pera (na galling as masang Pilipino) na siyang magagamit mo sa
iba’t ibang paraan.

2. May mga Pilipinong pari sa loob ng simbahan.

Hindi lamang mga Espanyol ang namumuno sa simbahan. May mga paring secular at
regular rin na Pilipino at isa sa mga kilala natin ay si Pedro Pelaez. Si Pedro Pelaez ay isang Pilipinong
paring sekular na naglalayong magkaroon ng karapatan ang mga Pilipinong pari sa loob ng simbahan.
At isa sa paraan upang makakamit niya (at ng ibang paring Pilipino) ito ay sa pamamagitan ng
pamamahala sa isang parokya.

This study source was downloaded by 100000853026649 from CourseHero.com on 10-04-2022 07:48:36 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/118666964/PANANALIKSIK-TUNGKOL-SA-TUNGGALIAN-SA-PAGITAN-NG-KAPARIAN-AT-CAVITE-MUNTINdocx/
Tunggaliang sa Pagitan ng mga Kaparian at ang Mutin sa Cavite Anu ano ang mga tunggalian
sa pagitan ng mga paring regular at secular? Bakit naging makabuluhan ang tunggaliang ito sa loob ng
simbahan sa kasaysayan ng Pilipinas sa pangkalahatan, at sa tindig politikal ni Rizal, sa partikular?

Ang tatlong magkakaugnay na pangyayaring ito ang huling pangyayari na nagpagalit sa mga
Pilipino. Dito na tuluyang nagbuklod-buklod ang mga Pilipino at naglunsad ng paghingi ng reporma at
himagsikan.

ANG ISYU NG SEKULARISASYON

Noong panahon ng mga Espanyol, nahati ang mga pari sa dalawa: mga paring regular at
sekular.

Paring Regular, ito ang kinabibilangan ng halos mga prayleng Espanyol. Ito ang mga paring kabilang
sa mga ordeng relihiyoso tulad ng mga Agustino, Dominikano, Heswita at iba pa. Habang ang mga
Paring Sekular naman ay ito ang mga paring Pilipino na hindi kabilang sa mga ordeng relihiyoso na
pawang katulong lamang ng mga Paring Regular sa mga parokya.

Nagkaroon ng suliranin kung sino ang mangangasiwa sa mga parokya ng mga paring Heswita
nang matanggal ang mga ito noong 1768. Pinagbintangan ng mga maykapangyarihan ang mga
Heswita na sinabing namuno sa isang pag-aalsa sa Madrid, Spain laban sa isang ministro sa
pamahalaan at pagtangkang patayin si Haring Carlos III.

Nang dahil sa pangyayaring iyon, iniutos ng mga nakatataas na iluklok ang mga paring sekular
sa mga bakanteng parokya. Lubhang tinutulan ito ng mga paring regular na natira.

Nang bumalik ang mga Heswita noong 1859, itinaboy na parang wala lang ang mga paring
Pilipino kaya nakadama sila ng diskriminasyon. Itinatag nila ang Kilusang Sekularisasyon na naglaban
sa mga karapatan ng mga Paring Pilipino.

Ang Kilusang Sekularisasyon ay itinatag ni Padre Pedro Pelaez upang ipaglaban ang
karapatan ng mga Paring Sekular. Maagang nagtapos ang panunungkulan ni Padre Pelaez pagkat
namatay siya dahil sa lindol sa Katedral ng Maynila. Ipinagpatuloy ng GomBurZa ang kampanyang
sinimulan ni Padre Pelaez.

This study source was downloaded by 100000853026649 from CourseHero.com on 10-04-2022 07:48:36 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/118666964/PANANALIKSIK-TUNGKOL-SA-TUNGGALIAN-SA-PAGITAN-NG-KAPARIAN-AT-CAVITE-MUNTINdocx/
Mas lumala ang diskriminasyon ng mga Espanyol sa mga Pilipino. Mas umigting din ang
hidwaan ng mga Espanyol at Pilipino.

ANG pag-aalsa sa cavite

Ang Pag-aalsá sa Cavite (o Cavite Mutiny sa Ingles) ay isang pag-aalsa noong 1872 ng
umaabot sa 200 Filipinong sundalo at obrero sa arsenal sa Cavite. Madaliang nasugpo ng
pamahalaang kolonyal ang pag-aaklas ngunit naging makabuluhan ito sa kasaysayan dahil ginamit
itong dahilan upang supilin ang mga Filipinong makabayan at humihingi ng reporma sa pamahalaan.
Ang pag-aalsa ang ginamit na batayan upang isakdal at bitayin ang tatlong paring Filipino na
sina José Burgos, Jacinto Zamora, at Mariano Gómez—o mas kilala bilang Gomburza—at ang
kanilang pagkamartir ang higit na nagpaalab sa nasyonalismo ng mga Filipino at magdudulot, sa huli,
ng Himagsikang1896.

Pinaniniwalaang nag-ugat ang pag-aalsa sa pagpapataw ni Gobernador- Heneral Rafael de


Izquierdo ng personal na buwis sa mga kawal at manggagawa, samantalang dati na siláng hindi
saklaw nitó. Isinaad ng buwis ang pagbabayad ng salapi at pagbibigay ng polo y servicio, o sapilitang
trabaho. Nang natanggap ng mga manggagawa ang kanilang sahod, binawasan na ito ng buwis. Sa
pamumunò ni Fernando La Madrid, isang mestisong sarhento, nag-alsa silá noong 20 Enero 1872.
Nakubkob nilá ang Fuerza San Felipe at pinaslang ang 11 Español na opisyal. Inakala ng mga
nag-aklas na sasamahan silá ng mga sundalo sa Maynila. Hudyat dapat ng simula ng labanan ang
mga paputok mula sa Intramuros noong gabing iyon. Sa kasamaang palad, ang hudyat na kanilang
nakita at sinunod ay isa lamang pagpapaputok para sa pagdiriwang ng pista ng Birhen ng Loreto, ang
patron ng Sampaloc.
Sa pangambang simula ito ng mas malawakang rebolusyon, isang pulutong ng mga sundalo sa
pamumunò ni Heneral Felipe Ginoves ang lumusob sa moog ng San Felipe. Sumuko ang mga nag-
aklas, kabilang si La Madrid, at pinaputukan sila sa utos ni Ginoves.

Pagkatapos ng pag-aalsa, dinesarmahan ang lahat ng sundalo sa arsenal at ipinatapon sa


Mindanao. Dinakip at binitay o ipinatápon ang mga pinaghinalaang sumuporta sa pag-aaklas.
Maraming mariwasa at ilustrado ang nadawit sa pag-aalsa.
Ginamit itong dahilan ng pamahalaang kolonyal at mga fraileng Español upang idawit ang
tatlong paring tinagurian ngayon bilang Gomburza. Pagkatapos ng maigsi at kahina-hinalang paglilitis,
binitay ang tatlong pari sa harap ng publiko sa pamamagitan ng garote. Sa halip ikatákot, tinandaan ito
ng mga patriyota na pruweba ng kalupitan ng mga mananakop.

This study source was downloaded by 100000853026649 from CourseHero.com on 10-04-2022 07:48:36 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/118666964/PANANALIKSIK-TUNGKOL-SA-TUNGGALIAN-SA-PAGITAN-NG-KAPARIAN-AT-CAVITE-MUNTINdocx/
ANG PAGGAROTE SA GOMBURZA
Ano ang kahulugan ng GomBurZa?
Ang salitang GomBurZa ay pinagsama-samang bahagi ng pangalan ng tatlong martir na paring
Pilipino na sina Mariano Gomez, Jose Apolonio Burgos, at Jacinto Zamora. Ipinangalan sa tatlong pari
ang ilang bayan sa Ilocos Norte, Ilocos Sur, Isabela, La Union, Pangasinan, Quezon, Surigao del
Norte, at Timog Leyte. Ang tatlong pari ay kinilala bilang mga bayani ng Pilipinas.
Sino si Mariano Gomez?
Si Mariano Gomez ay isa sa tatlong paring martir. Isang Pilipinong pari na kasama sa
Gomburza. Ipinanganak sa Sta Cruz, Maynila noong Agosto 2, 1799. Naging aktibo sa pagpapaunlad
ng agrikultura at industriyang pantahanan sa Bacoor, Cavite. Siya rin ang naging tagapaglutas ng mga
sigalot at alitan ng mga pari. Nagtagumpay din siya sa pakikipaglaban para sa mga karapatan ng mga
paring Pilipino laban sa mga prayleng Kastila.
Sino si Jose Apolonio Burgos?
Si Jose Apolonio Burgos ay isa sa tatlong paring martir. Anak nina Tenyente Jose Tiburcio
Burgos at Florencia Garcia. Siya ay isinilang noong Pebrero 9, 1837 sa Vigan, Ilocos Sur. Naging
aktibong kasapi ng kilusan na pinamumunuan ni Padre Pedro Pelaez na kalaunan ay pinamunuan niya
kasama ng dalawang pari na sina Padre Mariano Gomez at Padre Jacinto Zamora. Sila ay
nagtagumpay sa pakikipaglaban sa karapatan ng mga Pilipinong Pari.
Sino si Jacinto Zamora?
Si Padre Jacinto Zamora ay isa sa tatlong paring martir. Ipinanganak sa Pandacan, Maynila
noong Agosto 14, 1835. Anak siya nina Venancio Zamora at Hilaria del Rosario. Hindi siya nakakuha
ng permanenteng posisyon sa parokya dahil sa siya ay isa lamang "indio".

Kilala ba ninyo sina Padre Jose Burgos, Padre Mariano Gomez at Padre Jacinto Zamora? Sila
ang tatlong paring binitay noong 1872 dahil sa bintang na pakikisangkot sa pag-aalsa ng mga Pilipino
sa arsenal o gawaan ng armas ng mga Espanyol sa Cavite. Bunga ng pagbitay sa kanila, maraming
Pilipino ang tuluyang nawalan ng tiwala sa Espanya.
Mga prayleng Espanyol noon ang nagpapalakad sa lahat ng simbahan sa Pilipinas.
"Mangmang ang mga paring Pilipino at hindi nila kayang mamahala ng simbahan!" sabi ng mga
prayleng Espanyol sa kanilang sermon. Pero ayon sa mga Pilipino, maraming salapi ang nakukuha ng
mga prayle kaya ayaw nilang iwan ang pamamahala sa mga simbahan.
Isang araw, nakipagkita sa Arsobispo ang mga bagong dating na prayle buhat sa Espanya.
Bibigyan sana sila agad ng simbahang pamamahalaan pero bilang tumutol si Padre Burgos. "Paano

This study source was downloaded by 100000853026649 from CourseHero.com on 10-04-2022 07:48:36 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/118666964/PANANALIKSIK-TUNGKOL-SA-TUNGGALIAN-SA-PAGITAN-NG-KAPARIAN-AT-CAVITE-MUNTINdocx/
sila maiintindihan ng mga Pilipino? Espanyol lang ang wikang alam nila. Ang dapat sa kanila ay gawin
lamang katulong ng mga paring Pilipino!" katwiran niya.
Dahil doon, lalong nagalit ang mga prayle. Lumakas ang kanilang loob nang dumating noong
1871 ang bagong gobernador-heneral na si Rafael Izquierdo na kilalang malapit sa kanila. Sa kanyang
panunumpa, binalaan agad niya ang mga kaaway ng prayleng Espanyol. "Ako'y mamumuno na hawak
sa kamay ang isang krus at isang sable," banta niya.
Nang dumating si Izquierdo, iniutos agad niya sa mga trabahador sa arsenal ng Cavite na
magbayad ng buwis at magtarbaho sa daan. Dati ay hindi kabilang sa ganitong patakaran ang mga
nagtatrabaho sa gawaan ng armas. Pinilit ang maraming Pilipino na gumawa sa daan at pinarusahan
ang mga ayaw sumunod. Dahil dito, nagbalak silang mag-alsa.
Noong Enero 20, 1872 nilusob ng mga trabahador ang moog ng San Felipe sa Cavite.
Madaling natalo ang iilang tanod na Espanyol! Ilang beses nilang pinaputok ang kanyon para ibalita sa
buong bayan ang kanilang tagumpay. Kausap din nila ang sundalong Pilipino sa Maynila at dapat na
kasabay nilang nag-alsa ang mga ito.
Kinabukasan, nagulat ang mga nagsipag-alsa. Mula sa maliit na bintana ng moog ay nakita nila
ang mabilis na paglusob ng mga sandatahang kawal na Espanyol. Nagtago sila sa loob ng moog sa
pag-asang may darating na tulong mula sa mga kapanalig nilang tiga-Maynila pero walang tulong o
balita man lamang na dumating sa kanila.
Apat na kanyon ang itinapat ng mga Espanyol sa moog ngunit hindi sumuko ang mga nag-alsa.
Paulit-ulit nilang nilusob ang moog pero hindi sila nakapasok dito. Pinaligiran ng mga Espanyol ang
moog. Binantayan nila nang mabuti ang mga daanang papasok at palabas dito hanggang sa magutom
at manghina ang mga Pilipinong nagsipag-alsa.
Dahil sa matinding gutom, napilitang sumuko ang mga nagsipag-alsang Pilipino. Nagtaas sila
ng bandilang puti at binuksan nila ang pinakamalaking pintuan ng moog. Pinabayaang ng mga
Espanyol na makalabas ang mga Pilipino saka nila biglang pinagbabaril ang mga ito. Lahat ng sumuko
ay namatay noon din.
Bunga nito, inalisan ng armas ang maraming kawal na Pilipino at ipinatapon sila sa Mindanao.
Ang mga Pilipinong sarhento at kawal sa San Felipe, Cavite ay pinagbabaril. Naisip ng mga prayleng
Espanyol na gamitin ang pag-aalsa sa arsenal ng Cavite upang iligpit ang kanilang kaaway. Maraming
paring Pilipino ang ikinulong.
Hinuli rin sila Padre Burgos, Gomez at Zamora at pinagbintangang kasabawat ng mga
nagsipag-alsa sa Cavite. Ilang mayayamang Pilipino na kaaway ng mga prayleng Espanyol ang
isinakdal. Marami ang nahatulan ng mabigat na gawain sa loob ng sampung taon at ang iba ay
ikinulong o itinapon sa Marinas.

This study source was downloaded by 100000853026649 from CourseHero.com on 10-04-2022 07:48:36 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/118666964/PANANALIKSIK-TUNGKOL-SA-TUNGGALIAN-SA-PAGITAN-NG-KAPARIAN-AT-CAVITE-MUNTINdocx/
Hindi napatunayan ng hukuman ang pagkakasala ng tatlong pari pero hinatulan sila ng
kamatayan sa pamamagitan ng garrote. "Wala akong kasalanan!" napasigaw si Padre Burgos nang
marinig ang hatol. Si Padre Zamora ay nabaliw noon din samantalang si Padre Gomez ay nanatiling
tahimik lamang at nakayuko.
Matapos bitayin ang tatlong paring martir, lumuhod ang 40 libong Pilipinong dumayo sa
Bagumbayan para saksihan ang pagbitay. Akala ng mga Espanyol ay hudyat iyon para sa isang pag-
aalsa kaya agad silang kumubli. Mula noon, sumidhi ang hangarin ng mga Pilipinong makalaya sa
kalupitan ng mga mananakop na Espanyol.
Pagdating ni Rizal sa Calamba ay nabalitaan niya ang Pag-aalsa sa Cavite at ang pagbitay sa
tatlong paring martir na sina Jose Burgos, Mariano Gomez, at Jacinto Zamora. Si Paciano ay isang
malapit na mag-aaral ni Padre Jose Burgos at binahagi niya kay Rizal ang mga ideya at pilosopiya ng
pari. Ang pangyayaring ito ay isa sa mga nagpamulat kay Rizal sa mga kasamaan ng Kastila at isa ito
sa mga naging dahilan sa pagkamulat ng pagmamahal niya para sa bayan.
Nag-iwan ang kanilang pagkamatay ng mapait na damdamin sa maraming mga Pilipino. Ang
ating pambansang bayani na si Jose Rizal ang isa sa pinaka apektado sa pagkamatay ng tatlong pari.
Dahil dito inalay nito ang kanyang ikalawang nobelang El Filibusterismo upang maging alaala ito sa
tatlong pari.

Ang tatlong pari ay pinatay dahil sa paratang ng pagpapatalsik ng pamahalaan na nagdulot ng


pag-aalsa sa Cavite noong 1872. Sila ay binitay ng mga Kastila sa pamamagitan ng garote noong
Pebrero 17, 1872 sa harap ng mga tao sa Bagum-bayan na ngayon ay kilala bilang Luneta. Inilagak
ang mga labi ng tatlong pari sa walang ngalang libingan sa Sementeryong Paco.

Sa kabuuan, kahit may iba’t ibang responsibilidad ang dalawang uri ng pari, ito ay hindi
pinariringgan sa loob ng kapangyarihan. Sa pagbagsak ng sekularisasyon at Cavite Mutiny, naisaisip
ng mga Pilipino na walang magandang maidudulot ang paglaban gamit ang armas at sundalo. Ang
pamamahala ng parokya ay isa sa mga nagging sandalan ng mga Pilipino dahil ito sumisimbolo ng
kapangyarihan at karapatang Pilipino. Dahil dito, nagkakaroon ng tunggalian ng mga paring regular at
sekular kung saan may mga Pilipinong pari rin sa bawat panig.

This study source was downloaded by 100000853026649 from CourseHero.com on 10-04-2022 07:48:36 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/118666964/PANANALIKSIK-TUNGKOL-SA-TUNGGALIAN-SA-PAGITAN-NG-KAPARIAN-AT-CAVITE-MUNTINdocx/
MGA MYEMBRO:
 DIOVELYN URBANO
 ARNEL ADOYO
 JULIE ANN RALA
 MARIANNE MAURO

REFERENCES:
 http://www.seasite.niu.edu/Tagalog/translation_project/html%20files/gomburza.htm
 https://lifeofahero.tumblr.com/post/1026627733/pagbitay-sa-gomburza
 https://philippineculturaleducation.com.ph/pag-aalsa-sa-cavite/
 https://study-assistantph.com/araling-panlipunan/question513940423
 https://brainly.ph/question/4605235

This study source was downloaded by 100000853026649 from CourseHero.com on 10-04-2022 07:48:36 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/118666964/PANANALIKSIK-TUNGKOL-SA-TUNGGALIAN-SA-PAGITAN-NG-KAPARIAN-AT-CAVITE-MUNTINdocx/
This study source was downloaded by 100000853026649 from CourseHero.com on 10-04-2022 07:48:36 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/118666964/PANANALIKSIK-TUNGKOL-SA-TUNGGALIAN-SA-PAGITAN-NG-KAPARIAN-AT-CAVITE-MUNTINdocx/
Powered by TCPDF (www.tcpdf.org)

You might also like