You are on page 1of 9

APOLINARIO MABINI Y MARANAN

 “Dakilang Paralitiko at Utak ng


Rebolusyon”

 Hulyo 23, 1864- Mayo 13, 1903

 Isa sa mga bumuhay sa La Liga Filipina


na syang nagbibigay suporta sa
kilusang propaganda.
 Noong 1896 naman, nagkaroon sya ng matinding sakit na
nagdolot sa kanya na maging paralitiko sa buhay.

 Isa sa mga importanteng dokumento na kanyang


nagawa ay ang Programa Contitucional de la Republica
Filipina, isang konstitusyon na kanyang iminungkahi para sa
Republika ng Pilipinas. Ang introduksyon sa balangkas ng
konstitusyong ito ay ang El Verdadero Decalogo, na isinulat
upang gisingin ang makabayang diwa ng mga Pilipino.
Ang tunay na dekalogo ay isang rebisyon ng akda ni Andres
Bonifacio ng “Ang Dekalogo,” o ang Sampung Utos ng isang
totoong Katipunero. Sa Dokumentong ito, ibinahagi ni Andres
Bonifacio ang mga gampanin at resposibilidad ng mga Anak ng
Bayan na may respeto sa Diyos, sa bansa, sa komunidad at sa
kapwa. Pakatapos ng pagkamatay ni Bonifacio sa kamay ng
mga kawal ni Aguinaldo, si Mabini, isang walang
kapangyarihang tao upang makapagbigay ng hustisya sa
taong may kasalanan, ay gumawa ng isang bagay para kay
Bonifacio. Binago niya ang mga salita mula sa Decalogo upang
mas maging makabuluhan at may kaugnayan sa mga oras at
pangangailangan ng rebolusyon, kaya, ang pamagat ay, “El
Verdadero Decalogo,”(Ang Tunay na Decalogo).
Nilalaman ng El Verdadero Decalogo

Una. “Ibigin mo ang Diyos at ang iyong puri ng lalo sa lahat ng bagay .Ang
paghahangad ng puri ang siya lamang makapipigil sa iyo sa pagbubulaan at
makapipigil na huwag kang suminsay sa daan ng katuwiran at laging
magtaglay ng kasipagan.”

Ikalawa. “Sambahin mo ang Dios sa kaparaang lalong minamarapat ng


iyong bait at kalooban o konsyensya.”

Ikatlo. “Dagdagan mong pilit ang talos ng isip at katutubong alam na


ipinagkaloob ng Diyos sa iyo sa pamamagitan ng pag-aaral, at magsumakit
ka ng ubos lakas sa gawang kinahihiligan ng iyong loob upang matipon sayo
ang lalong maraming kagalingan at sa ganitong paraa’y makatulong ka sa
ikasusulong ng lahat.”
Ika apat. “ Ibigin mo ang iyong Inang bayan ikalawa sa Dios at sa iyong
puri at higit sa iyong sarili, sa pagka’t siya ang nakaisaisang Paraisong
pinaglagyan sa iyo ng Diyos sa buhay na ito.”

Ikalima. “Pagpilitan mo ang kalayaan ng iyong bayan bago ang iyong


sarili,sapagkat kung malaya siya at lalaya rin ikaw at ang iyong kamag-
anakan.”

Ikaanim. “Pagpilitan mo ang kasarinlan ng iyong bayan, sa pagka’t ikaw


lamang ang tunay na makapagmamasakit sa kanyang ikasusulong at
ikatatanghal.”
Ikapito. “Huwag mong kilalanin sa loob ng iyong bayan ang
kapangyarihan ng sino mang tao na hindi inilagay ninyong
magkakababayan,ang taong ituro at ihalal ng mga konsyensya ng
sangkabayanan ang siya lamang makapagtataglay ng tunay na
kapangyarihan.”

Ikawalo. “ Ihanap mong pilit ang iyong bayan ng Republica, yaon baga
ang lahat na namamahala ay palagay ng bayan, at huwag isipin kailan man
ang Monarkiya, ang pagkakaroon baga ng hari; sa pagka’t ang hari ay
walang binibigyan ng kamahalan kundi isa o ilang angkan lamang.”

Ikasiyam. “Ibigin mo ang kapwa mo tao kaparis ng pag-ibig mo sa iyong


sarili, sa pagka’t siya’y binigyan ng Diyos, at ikaw ay ganon din naman, ng
katungkulang tulungan ka at huwag niyang gawin sa iyo ang di niya ibig na
gawin mo sa kaniya; nguni’t kapag ang kapwa mo tao ay nagkukulang dito
…at pinagtatangkaang lipulin ang iyong buhay at kalayaan at pag-aari, ay
dapat mo namang ibuwal at lipulin siya.”
Ikasampu. “Palalaluin ng kaunti sa loob mo ang iyong kababayan sa
iyong kapwa tao; aariin mong palagi siya na parang isang katoto,
kapatid kaya o kasama man lamang, palibhasa’y iisa ang inyong
kapalaran, iisa din ang inyong tuwa at kapighatian.”
Unang tagubilin

Walang itinuro sa atin ang namahalang Kastila at ang mga paring


religioso, kundi ang itaas natin sa isang balobalong langit ang ating mga
mata at ang boo nating pag iisip, uoang bayaan natin sila sa
pagtatamong mahinusay ng mga kagalingan dito sa lupa. Dahil dito’y
hindi nila inibig na makakita at makabasa tayo ng mga librong
magpapatalastas sa atin ng mga katotohanang ito, na kung maganap
natin ay matatamong walang sala ang ating kaginhawaan sa buhay na
ito at sa kabila ang ating kaluwalhatian at kabuhayang walang hanggan.
Ikalawang tagubilin

Ang bayan ay hindi lamang ang provincial, hindi rin yaong baying
sakop ng provincial at hindi rin yaong baying sakop ng provincial at
hindi rin naman ang lugar na pinangakan ng bawat isa. Ang lahat na
provincial, ang lahat ng mga bayan at ang lahat ng mga bayan at ang
lahat na lugar na kanino mang taga Filipinas, kahit ano ang
sinasampalataya niya at ano man ang wika, ito ang syang tunay na
bayan o inang bayan nating mga taga rito sa Kapuluan.

Jomari B. Galias
BSCE-2A

You might also like