You are on page 1of 12

Page PAGE \* MERGEFORMAT 1

MODYUL 3
_____________________________________________________________________

PANAHON NG KASTILA

Sa araling ito, malalaman ng mga mag-aaral nang dumating ang mga Kastila dito
sa Pilipinas.Nagtataglay ang panitikang ito ng kasaysayan ng ating lahi, mga kwento,
katangian ng panitikan sa panahon na ito.

Pagkatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang:

.Nakikilala ang ibat-ibang katangian ng panitikan nang dumating ang mga Kastila
.Naiisa-isa ang pagkakaiba-iba sa paksang panitikan panahon sa kasaysayan ng pag-
unlad nito.

Anu-ano na ang mga Alam Mo?

Bago mo simulan ang pag-aaral ng modyul sagutin mo muna ang mga katanungan
upang malaman mo kung ano na ang alam mo sa paksang tatalakayin dito.

Paunang Pagtataya

PANUTO: Basahin at unawain ang pahayag. Isulat ang TAMA kung wasto ang
pahayag.Kung MALI, salungguhitan ang salita o mga salitang nagpamali rito at
iwasto. Isulat ang iyong sagot mula sa puwang na nakalalaan bago ang bilang.

MALI 1.Dumating ang mga Kastila noong 1520..


TAMA 2.Ang kapuluan ay galing sa pangalan ni haring Felipe II ng Espanya.
TAMA 3.Pagkagandang -asal ang karaniwang paksa sa panahon ng panitikang
Kastila
TAMA 4.Ang Alibata ay napalitan ng titik Abakada.
MALI 5.Ang nobena ay panalangin na dapat ganapin sa loob ng sampung araw.

Basahin Natin Ito

Kaligiran ng Panahon

Bagama’t noong 1521 dumating ang mga Kastila sa Pilipinas, ang pagtingin sa
kasaysayan ng Panitikan sa Panahon ng Kastila ay nagmula lamang sa panahon nang
magtayo si Legaspi ng unang bayan. (Panitikan ng Pilipina, Jose Villa Panganiban.
1979). Nagkaroon ng mga sanduguan sa pagitan ng mga katutubo at kastila, ang
pagbibinyag kay Datu Humabon at mga kabig, at pagkakaroon ng unang misa,

Ang kapuluan ay pinangalanang Filipinas bilang pagpaparangal kay Haring


Felipe II ng Espanya. Ang mga barangay ay pinalitan nila at ang namuno sa Pilipinas
ay Gobernador-Heneral na siyang kinatawan ng Hari ng Espanya.
Page PAGE \* MERGEFORMAT 1

Sinasabing ang mga kastila ay nanakop sa Pilipinas taglay ang mga layuning:
palaganapin ang katolisismo, palawakin ang kapangyarihan sa mga sakop na bansa, at
paghanap ng mga “spices” o pampalasa, yamang-likas at hilaw na materyales para
matustusan ang mga isinusulong na mga ekspedisyon.

Maraming kalat-kalat na
paghihimagsik ang mga inilunsad
ng mga katutubo laban sa mga
Kastila. Nariyan ang kay
Tamblot, Dagohoy, Palaris,
DIego SIlang at iba pa na pawang
di nagtagumpay sa maraming
kadahilanan. Napagtagumpayan
ng mga Kastila ang mga
paghihimagsik na ito hanggang sa
umabot na sa kasukdulan at
naghimagsik ang mga Pilipino sa
Arsenal ng Cavite. Naging
biktima ng kalupitang ito ang tatlong pari na sina Gomez, Burgos at Zamora.

Dahil sa kagustuhan ng mga kolonisador at misyonerong Kastila na maipalaganap


ang pananampalatayang Kristiyanismo, nagturo sila ng pagbasa at pagsulat sa
pamamaraang kastila.

Sa panitikang Pilipino ang naging ambag nila ay ang mga sumusunod:

■ Romanisasyon ng Alibata o Baybayin


■ Ang alibata o baybayin ay napalitan ng titik Romano.

■ Pagsulat ng gramatika ng iba’t ibang wika sa Pilipinas - Tagalog, Ilokano,


Cebuano, Ilonggo, at iba pa.

■ Pagpasigla ng panulat sa ilalim ng pamamahala ng simbahan.

■ Pagtitipon ng mga panitikan mula sa saling-bibig na naabutan na nakasulat pa sa


mga dahon, bumbong o balat-kahoy.

■ Pagdadala ng mga alamat sa Europa.

■ Paggamit ng wikang Kastila.

■ Pagpasok ng kalinangang Kastila at Europeo.


Page PAGE \* MERGEFORMAT 1

Katangian ng Panitikan sa Panahong ito

■ Sari-sari ang kaanyuan at pamamaraan (mga tuluyan, tulang liriko, awit, korido,
at mga dulang pang-aliw tulad ng duplo, karagatan, komedya, cenakulo,
sarsuwela, karilyo, salubong, pananapatan, panunuluyan, pangangaluluwa,
santakrusan, at iba pa.

■ Mga panitikang panrelihiyon o pansimbahan at pangkagandahang-asal ang


karaniwang paksa.

■ Marami sa panitikan ay halaw sa anyo, paksa, o tradisyong Kastila

Ang mga Aklat na Nasulat

Aklat sa Gramatika

■ Arte Arte y Reglas dela Lengua Tagala (1610) - sinulat ni Padre Francisco
Blancas de San Jose at nilimbag ng kauna-unahang manlilimbag na Pilipino si
Tomas Pinpin.

■ Compendio del Arte dela Lengua Tagala (1703) - sinulat ni Padre Gaspar de San
Agustin.

■ Arte dela Lengua Taga y Manual Tagalog (1745) - Si Padre Sebastian de Totanes
ang sumulat.

■ Ensayo de Gramatika Hispano Tagala - sinulat ni Padre Toribio Minguella.

■ Lecciones de Gramatica Hispano - Tagalog - Si Padre Hevia Campomanes ang


sumulat.

Ang mga Diksyunaryo

■ Diksyunaryo ni Padre Agustin Abuquerque buhat sa Mexico nasulat ngunit hindi


sniya naipalimbag. Sinasabing sinasalungat ng mga Pransiskano ang tungkol sa
pagkakasulat sapagkat inangkin nila ang karangalang sila ang unang nagsulat.

■ Arte y diccionario de Tagala (1581) ni Padre Juan de Plasencia. Siya ang unang
binigyan ng karangalang unang nakasulat. Ang kanyang naisulat ay nanatili
lamang manuskrito. Isa siyang Pransiskano.

■ Vocabulario Tagala ni Padre Miguel Ruize, isang dominiko. Taong 1580 ang
petsang inilagay na sinasabing mali sapagkat noong 1587 lamang dumating ang
mga dominiko.

■ Arte y Reglo dela Lengua Tagala - unang akdang napalimbag tungkol sa


tagalong. Sinulat ito ni Padre Francisco Blancas de San Jose noong 1610.
Page PAGE \* MERGEFORMAT 1

■ Vocabulario de la Lengua Tagala - unang diksyunaryong nalimbag noong 1613


na sinulat ni Padre Pedro de San Buenaventura.

■ Vocabulario ni Padre Domingo de los Santos ( 1703).

■ Vocabulario nina Padre Pedro de San Lucas at Padre Juan de Placencia noong
1754.

■ Diccionario Tagalog - Español - (1854) Sinulat ito ni Rosalio Serrano.

■ Diccionario Hispano Tagalo (1889) - Pedro Serrano Laktaw (ang kauna-unahang


diksyunaryong gumamit ng makabagong abakada).

■ Vocabulario de la Lengua Iloca (1630) ni Francisco Lopez.

■ Vocabulario de la Lengua Pampanga ni Diego Bergano.

■ Vocabulario de la Bicol (1754) ni Marcos Lisbon.

■ Vocabulario Diccionario Moro o Magindanaw Español (1892) ni Jacinto


Juanmarti.

Aklat Pansimbahan/ Panrelihiyon

1593: Doctrina Cristiana - ito ang kauna-unahang aklat na nalimbag sa


pamamagitan ng silograpiko. Si Padre Domingo Nieva ang sumulat sa Kastila at si
Padre Juan de Placencia sa Tagalog. Ang nilalaman nito ay:
■ Pater Noster - Ama Namin
Hinango mula sa Meteo 6:9 - 13. Ito ang saligan ng panalangin, ang pagsasabi ng
“mapasaamin ang kaharian mo”.

■ Aba Ginoong Maria

■ Sumasampalataya

■ Aba Po Sta. Mariang Hari

■ Labing-Apat na Artikulo ng Pananalig

■ Ang Sampung Utos ng Diyos

■ Ang Utos ng Sta. Iglesiao Simbahan

■ Ang Pitong Sakramento

■ Ang Mga Kasalanang Mortal

■ Ang Labing-Apat na Pagkakawanggawa

■ Katesismo
Page PAGE \* MERGEFORMAT 1

1602: Libro del Rosario o Las Excellencias de Nuestra Señora del Rosario de San
Jose. Ito ang ikalawang aklat na nalimbag. Sa palimbagan sa UST, sa tulong ng
mestisong intsik na si Juan de Vera ito nalimbag.

1603: Libro de los Sacramentos

1604: El Libro delos Quatro Postrimeras del Hombre - si Padre Blancas de San Juan
ang may-akda at ito’y unang nalimbag sa pamamagitan ng tipograpiya.

1605: Memorial dela Vida Christiana

1608: Librong Pinagpapalamnan (Tagalog)

1610: Confesionario en Tagalog


Preparasyon para Comulgar

Dalit

Si Padre Mariano Sevilla na taga-Tondo ang nanguna sa pagsulat ng mga dalit


kay Maria noong 1852. Isang dalit na may pamagat na “Flores de Mayo” na sinulat
niya noong 1865 at hinalaw niya mula sa awit ng Italyanong si Muzzarelli ay naging
popular. Ang dalit na ito ay inaawit habang nag-aalay ng bulaklak kay Birheng Maria.
Nagsasagutan ang namumuno na nagpapahayag ng papuri sa mahal na Birheng Maria
at saka sasagot ang mga bata, pagkatapos ay isa-isang mag-aalay ng bulaklak sa altar.

Nobena

Katipunan ito ng mga panalangin na kailangang ganapin saloob ng siyam (9) na


araw, maaaring sa sunod-sunod na araw o tuwing Martes ang mga pagdiriwang o
ritwal ng mga katutubo ay isa ring uri ng pagnonobena bilang pasasalamat sa kanilang
masaganang ani, paghingi ng ulan, pagpapaalis ng sakit sa pamilya o tribo, at
pagpapalibing sa mga yumao na. Sa kasulukuyang panahon, ang nobena ay iniaalay
kay Birheng Maria bilang pagpapasalamatsa lahat ng mga biyayang natanggap,
pagpapagaling, mga kahilingan at iba pang idinudulong. Sa ngayon, ginaganap ang
nobena kung araw ng Miyerkules.

Pasyon

Ito ay tungkol sa buhay at pagpapasakit ng Panginoong Hesukristo. Ang aklat na


ito ay sinulat nang patula subali’t inaawit kung basahin sa panahon ng Kuwaresma -
hanggang Biyernes Santo.

Ang mga nagsulat ng pasyon ay sina:


● P. Gaspar Aquino de Belen 1704
● Don Luis Gulan 1750
● P. Mariano Pilapil 1814
● P. Aniceto dela Merced 1856
Page PAGE \* MERGEFORMAT 1

Pinakpopular ang pasyon ni Pilapil na may limang taludtod ang bawa’t saknong
at ang bawa’t saknong at ang bawa’t taludtod ay may wawaluhing pantig.

Buhay-buhay ng mga Santo’t Santa

Sa layuning mapalaganap ang relihiyon, sumulat sila ng mga salaysay tungkol sa


buhay-buhay ng mga santo’t santa para gawing mabuting halimbawa sa mga tao.
Binigyang diin dito ang pagpapasakit upang matamo ang walang hanggang
kaluwalhatian kaya, marapat na magpakasakit ang tao upang huwag mabulid sa
impiyerno ang kanilang kaluluwa.

Ang mga Nobela

■ Barlaan at Josaphat

Ang kauna-unahang nobelang Tagalog na buhat sa isang salaysay sa Bibliya


na isinalin sa Tagalog ni Padre Antonio de Borja mula sa wikang Griyego. Pagkatapos
ay isinalin din ni P. Agustin Mejia. Layunin ng nobelang ito na palaganapin ang
Katolisismo.

■ Si Tandang Bacio Macunat

Ito ay sinulat ni Padre Miguel Lucio Bustamante noong 1885. Ito at sinasabing
kuwento sa loob ng isang kuwento. Ipinakilala ng may-akda ang mabuti nilang
pagtitinginan ni Gervacio Macunat ba kung tawagin ay Bacio at taga-Tanay, Rizal.
Sinasabi niyang kilala sa pagiging matalino si Bacio at kung nakapag-aral lamang ng
Kastila at iba pang bagay sa Maynila, walang alinlanganna magiging tanyag siya sa
bayan. Hindi ikinatuwa ni Bacio ang sinasabing ito sapagka’t naniniwala siyang hindi
mabuting pagpapasya ang pagtungo sa Maynila kahit na ang layunin ay ang pagdukal
ng karunugan. Marahil, ang katwiran niyang ito ay base sa ikinuwento ng kanyang
ama, si Antonio Macunat na naging mahalagang tagubilin sa kanya na batay sa tunay
na pangyayari.

■ Urbana at Feliza

Ito’y pagsusulatan ng magkapatid na sina Urbana at Feliza. Ang aklat na ito ay


binubuo ng mga tagubilin para sa mabubuting asal at pagwawaksi sa masasamang
kilos at ugali na dapat ipakita ng tao sa kanyang pakikipagkapwa. Nakapaloob dito
ang mabuting aral para sa mga anak, magulang at kapatid. Si Padre Modesto de
Castro na tinaguriang, “Ama ng Tuluyang Klasika” ang sumulat ng akdang ito.

Mga Akdang Panrelihiyon sa Ilokano

Isang talasanggunian sa Panitikang Ilokano ang inihanda ni Juan F. Burgos na


naglalaman ng:
● “Doctrina Christiana sa Ilokano” salin ni Padre Francisco Lopez
● “Pasion Mahal” ni Jesucristo ni Padre Agustin Mejia
● “Sermones Morales” ni Padre Jacinto Guerrero
● “Escurdos del Cristiano” ni Padre Guillermo Sebastian
● “Novena de Nuestra Señora dela Caridad” ni Padre Juan Bautista Arenas
Page PAGE \* MERGEFORMAT 1

Mga Akdang Panrelihiyon sa Bisaya

● Lagda- siyang pinagbatayan ng mga paring Kastila sa kanilang pagtuturo ng


Katolisismo sa mga Pilipino. Itinuturo sa Lagda ang paghalik sa kamay ng
matatanda, pag-aantanda kung umaalis ng bahay, pagdarasal ng rosaryo at
pag-aayuno kung Mahal na Araw.

● Moro-moro o Komedya- kilala ang akda ni Eriberto GUmban na


pinamagatang, “Ang Mutia nga Matin-ao” (Ang Makinang na Alahas); “Ang
Yawa Nga Bulawan” (Ang Demonyong Ginto) at “Ang Salamin San
Pamatan-on” (Ang Salamin ng Kabataan).

Mga Akdang Panrelihiyon sa Bikol

Si Mariano Perfecto ang kinilalang “Ama ng Panitikang Bikol”. Nagsulat siya ng


mga dasal, nobena at talambuhay ng mga santo. Ang ilan sa kanyang mga akda ay: “
Talambuhay ni San Dimas”, “Mga Naghihirap na Kaluluwa sa Purgatoryo” at “Sining
ng Buhay”.

Mga Unang Tulang Tagalog

Bago dumating ang mga kastila, ang mga tula ay walang tiyak na kaanyuan.
Noong lamang 1610 nagsimula ang interes ng mga Tagalog sa tula. Si Tomas Pinpin,
na tinaguriang “Ama ng Manlilimbag na Pilipino” ang unang naglathala ng mga
tulang naisama niya sa kanyang aklat na “LibrongPag-aaralan ng mga Tagalog ng
Wikang Castilla”.

Ang paksa ng mga tula sa panahong iyon ay pawang panrelihiyon. Gumagamit ng


dalawang wika - Kastila at Tagalog na tinawag na Ditso.

Kabilang sa mga unang makatang Tagalog sina:


● Felipe de Jesus San Miguel, Bulacan
● Fernando Bagongbanta
● Tomas Pinpin
● Pedro Suarez Osorio

Ang Dungaw

Lumang tula ng mga Ilokano at mga Igorot ang dungaw. Ito’y inaawit bilang
panaghoy para sa isang namatayan. Katumbas ito ng panambitan ng mga Tagalog.
Inaawit ito samantalang nakaburol ang patay. Binabanggit dito ang kabutihan ng
taong pumanaw.

Ang Mga Korido

Mula sa salitang “corrido” na nangangahulugang “kasalukuyang pangyayari”. Ito


ay may sukat na walo o labindalawang pantig sa taludtod na may paksang
kababalaghan at sinasabing maalamat. Ang karamiha’y hiram at halaw sa paksang
Europeo na dala rito ng mga Kastila.
Page PAGE \* MERGEFORMAT 1

Ang mga nakilalang manunulat ng korido ay ang mga sumusunod:


● Jose dela Cruz (Huseng Sisiw, 1746 - 1829)
● Ananias Zorilla
● Francisco Baltazar (Balagtas)

Lumaganap ang korido noon sapagkat kakaunti lamang ang babasahin at tungkol
lamang sa relihiyon ang pinahihintulutan ng sensura; mga moro-moro o komedya na
ipinalalabas kung kapistahan, at pasyon kung kuwaresma.

Ang Mga Awit

Batay sa “metrical tales” kapwa ang korido at awit. May nagsasabing ang akda ay
korido at ito ay awit din. (J.V. Panganiban, 1954). Bagama’t nilinaw kapwa nina J.V.
Panganiban (1954) at Maria S. Ramos (1984) sa kanilang mga aklat na Panitikang
Pilipino na ang korido ay binubuo ng walong pantig at ang awit ay may
labindalawang pantig.

Ang ilan sa mga manunulat ng awit sina:


● Francisco Baltazar
● Ananias Zorilla
● Jose dela Cruz (Huseng Sisiw)
● Eulogio Juan de Tandiama

Si Francisco Balagtas at ang kanyang mga Akda

Tinatayang siyang pinakamatayog na taluktok ng Panitikang Pilipino. Sinasabing


ang kabantugan at kadakilaan ng panitik ni Balagtas ay walang kamatayan. Ang
kanyang obra maestra na “Florante at Laura” na nilimbag noong 1838 at isinalin sa
iba’t ibang wika ( Kastila, Ingles, Pranses, Aleman) at mga wikain sa Pilipinas
(Kapampangan, Sebuano, Ibanag, Panggasinense, Ilokano) ay labis na pinapurihan ng
mga manunulat na Kastila at ng mga Alemang manunulat.

Ang Mga Tulang Pandulaan

1. Panubong- isang tula na nagpaparangal sa isang magdaraos ng kaarawan,


kapistahan, o panauhin. Paawit ito isinasagawa at nahahati sa tatlong bahagi.

Ang unang bahagi ay inaawit sa may tarangkahan pa lang o sa may unahan ng


hagdanan (sinasabi rito na kahit nabalitaan lang nila ang kapistahan o kaarawan at
kahit hindi sila imbitado), sila’y kusang-loob na lumalapit upang makibahagi sa
kasayahan.
Ang ikalawang bahagi ay inaawit habang pumapanhik sa baitang ng hagdan.
Kapag nakarating na sa huling baitang, sila’y hihinto na sa pagkanta at doon ay
kunwari’y nahihiyang tumuloy dahil sa kanilang kapangahasan na pumunta ng walang
imbitasyon. Sa pagkakataong ito’y maririnig ang paanyaya ng may-ari ng bahay na
sila’y pumasok.
Ang ikatlong bahagi ay aawit muli sa loob o sala ng bahay, pauupuin sa isang
silya ang may kaarawan o pararangalan sa pagitan ng dalawan anghel (maaaring
gampanan ng sino man). Ang pinararangalan ay puputungan ng korona na yari sa mga
Page PAGE \* MERGEFORMAT 1

bulaklak at hahandugan din ng mga bulaklak o palma bilang sagisag ng pagkareyna o


pagkahari.

2. Karagatan- isa itong larong patula ng mga dalaga’t binata at ang paksa ay
pagliligawan o pagsisintahan. Sa pamamagitan ng palitan ng salita o dayalogo, sa
harap ng mga tao, sila’y nagpapahiwatig ng pagliligawan. Karaniwang sa lamayan ng
yumao, sa pagbababang-luksa ng mga naiwan o sa mga tindahan kungsaan may
magandang dalaga na dinarayo ng mga binata nagaganap ito.

Sinasabing parangal-gunita ito sa talino ng isang prinsesa na umibig sa isang


maninisid ng perlas na inayawan ng kanyang amang sultan. Nag-isip ng paraan ang
prinsesa at sinabing wala siyang mapili mula sa hanay ng kanyang manililigaw na
dugong bughaw, kaya, sinabi niya sa sultan na idaan sa pagsubok ang lahat upang
siya’y makapamili at ang sino mang manalo ang siya niyang pakakasalan.

3. Duplo - ginaganap ito tuwing ikasiyam ng gabi pagkatapos mailibing ang yumao
upang mapawi ang lungkot ng mga kaanak ng namatay. Magpapagalingan sa pagtula
ang mga makata. Isang matanda ang hihirangin bilang hari. May mga bangko na
uupuan ng mga bilyaka (manunula) at sa katapat naman ay upuan ng mga bilyako.

4. Tibag- sa dulang ito, hinahanap nina Reyna Elena at Prinsipe Constantino ang
krus na pinagpakuan kay Kristo. Tuwing buwan ng Mayo ginaganap ang dulang ito sa
Bulakan, Nueva Ecija, Bataan at Rizal. Sa dulang ito ay nagtatayo ng mga bundok-
bundokansa paligid ng simbahan, saka lalabas ang prusisyon na kasama si Reyna
Elena, Constantino at mga kawal. Titibagin ang mga bundok at sa huling bundok,
matatagpuan ang krus na hinahanap, pagkatapos ay dadalhin nila ang krus sa
simbahan.

5. Panunuluyan- ito’y isang prusisyon na ginaganap tuwing bisperas ng Pasko.


Isinasadula rito ang paghahanap ng bahay na matutuluyan ng Mahal na Birhen sa
kanyang panganganak. Paawit ang dulang ito, kaya, ang gumaganap na Birheng Maria
at San Jose ay kailangang may magandang tinig. Ang prusisyon ay daraan sa iba’t
ibang lansangan na ang mga bahay ay may palamuti.

6. Karilyo- tau-tauhang karton na ginamitan ng pisi ang gamit sa palabas na ito na


pinagagalaw ng mga taong nasa itaas ng tanghalan. Nasa likod naman ng telon ang
mga taong nagsasalita. Madilim ang kapaligiran habang ipinalalabas ito. Ang mga
dayalogo ay buhat sa dulang panrelihiyon, awit at korido. Sinasabing katulad ito ng
“isang puppet show”.

7. Cenaculo- inilalarawan sa dulang ito ang buong buhay hanggang sa muling


pagkabuhay ng ating Panginoong Hesukristo. Ang pasyon ang ginagamit na
manukristo at ito’y ginaganap sa tanghalan. Patula ang usapan. May dalawang uri ng
cenaculo: ito ay ang hablada na ang usapan ay patula, samantalang ang cantada ay
inaawit. Ang berso ng cenaculo ay karaniwang tigwa-walong pantig.
Page PAGE \* MERGEFORMAT 1

8. Moro-moro - ang paksa ng moro-moro ay lagi nang paglalaban ng Muslim at


Kristiyano na nagwawakas sa pagwawagi ng Kristiyano. Laging may gumaganap na
hari at reyna, prinsipe at prinsesa. Ang prinsesa at ang prinsipe ay laging Muslim na
mahihikayat na mag-kristiyano at pagbibinyag sa pananampalatayang ito.

9. Pangangaluwa- ang mga batang babae at lalaki ay nagpupunta sa mga bahay-


bahay bilang mga kaluluwang nagbuhat sa purgatoryo at humungi ng indulhensiya
para sa kaligtasan ng kanilang kaluluwa. Kapag di sila nagbigyan ng indulhensiya,
sila’y magnanakaw ng manok sa silong, lulutuin ang manok at isasahog sa lugaw
upang ialay sa mga kaluluwa. Pagkaraan nito, sila ay bibigkas at aawit ng mga berso.

10. Pananapatan- ginagawa ito tuwing Mahal na Araw sa mga pabasa; pagkarinig sa
mapanglawna awitin mula sa loob ng bahay o kapilya, ito ay sasagutin ng mga mang-
aawit na gumagala hanggang ang lahat ay kasali na sa pag-awit nang sabay-sabay.
Pagkaraan nito, ang mga mang-aawit ay uupo nang pabilog sa sala. Sila ay pipili ng
tagahatol mula sa grupo. Ang tagahatol ay aawit at magbibgay ng salawikain tungkol
sa pasyon na sasagutin naman ng mga mang-aawitsa paraang patula. Ang sinumang di
makasagot ay paluluhurin bilang parusa at pagkatapos ay bibigkas ng ilang dasal
tungkol kay Jesus.

11. Bulaklakan- isang mimetikong laro na ginagawa kapag pasiyam o bilasyon.


Naging palasak ito sa katagalugan. Ang mga lalaki ay binibigyan ng mga pangalang
prutas at ang mga kababaihan naman ay bulaklak. Nagsisimula ang laro sa
pagpapahayag ng hari na siya ay may alagang paruparu na lumipad at dumapo sa
isang prutas o bulaklak. Ang mapagbibintangang prutas o bulaklak ay sasagot at
ibibintang ito sa ibang prutas o bulaklak. Ang pagsagot ay mabilisan, kaya, kung sino
ang hindi makasagot at agad parurusahan. Magbibigay siya ng pangako sa
pamamagitan ng pag-iwan ng isang bagay na pag-aari ng hari. Ang laro ay
magpapatuloy hanggang sa dumami ang pangako at matubos ang mga ito ng hari.

12. Sarsuwela- ito ay isang dulang musikal na unang umunlad sa Espanya noong
ika-17 siglo. Binubuo ito ng mga salaysay na sinamahan g sayaw at tugtugin na may
paksang mitolohikal at kabayanihan. Hinango ang taguri sa maharlikang palasyo ng la
zarzuela na malapit sa Madrid, Espanya. Dinala ito sa Pilipinas ni Alejandro Cubero
noong 1880 kasama ni Elizea Raguer. l.

13. Salubong- dula ito ng mga parokong Katoliko at Aglipay. Ito ay pagsasadula ng
pagsasalubungan nina Birheng Maria at ang nabuhay na si Kristo sa umaga ng Linggo
ng Pagkabuhay na sinasaliwan ng awit at sayaw.

Juego de Prenda- kapag pasiyam ito ginagawa. Ang mga manlalaro ay nagkakabit-
kabit nang pabilog at nasa gitna. Sinisimulan ang laro sa pagsisindi ng kandila o
posporo at ipapasa ito pakanan. Magpapatuloy ng pasahan at ang manlalarong aabutan
ng papatay ng kandila o posporo ay bibigkas ng ilang bersong nagsasaad ng pangako
sa hari.

14. Santakrusan- ito ay dulang panlansangan na may temang panrelihiyon.


Isinasadula dito ang paghahatid ng krus sa simbahan. Ang mga kalahok dito ay mga
Page PAGE \* MERGEFORMAT 1

sagala at konsorteng nadadamitan ng magagarang kasuotan at kumakatawan sa iba’t


ibang tauhan sa bibliya. Kabilang sa mga ito sina: Reyna Sentinsyada, Maria
Magdalena, Reyna Esther, Infanta Judith, Reyna delos Flores, babaing may hawak na
bandila, Reyna Elena at ang konsorteng si Constantino.

Ang pananakop ng Kastila sa Pilipinas ay nagdulot ng mga pagbabago sa ating


lipunan. Ang pagtatayo ng maraming paaralan at unibersidaday nagbigayng
pagkakataon para sa edukasyon ng marami nating kababayan. Ang mga
nakapamihasnan nating mga ugali, asal, gawi, tradisyon ay naimpluwensyahan rin.
Nabuksan din ang kalakalan sa labas ng bansa at nagsimulang lumaya ang industriya
at negosyo. Pumasok din ang mga diwang liberal at nakapag-aral na sa Europa ang
ilan sa mga magagaling na Pilipino na naging ubod ng kagalingan ng intelehensiya ng
bayan.

Subali’t ang higit na tatlong daang taong panunupil sa kalayaan at pang-aabuso sa


kapangyarihan ang naging mitsa na nagtulak sa mga Pilipino na maghimagsik at
ipaglaban ang karapatan ng mga mamamayan sa pamamagitan ng pagtatatag ng mga
lihim na kilusan.
Page PAGE \* MERGEFORMAT 1

Pangalan: KRISTINE T. ABREO Petsa12/4/2020 Iskor:____


Taon & Pangkat: BEED4-A

Alamin Natin ang Iyong mga Natutuhan


Gawain 3-A
Panuto: Basahin at unawain ang mga pahayag.Pagkatapos isulat sa patlang ang
Paksang binibigyan diin dito.

DALIT 1.Ito ay inaawit habang nag-aalay ng bulaklak kay Birhen Maria.

SENAKULO 2.Ito ay tungkol sa buhay at pagpapasakit ng Panginoong Hesukristo.

NOBENA 3.Ito ay panalangin na kailangang ganapin sa loob ng siyam na araw.

LAGDA 4.Panrelehiyon sa Bisaya na siyang pinagbatayan ng mga paring


Kastila sa kanilang pagtuturo ng Katolisismo sa mga Pilipino.

TOMAS PINPIN Which of the following defines Ohm's Law? 5. Ama ng Manlilimbag
na Pilipino.

DUNGAW 6.Lumang tula ng mga Ilokano at inaawit bilang panaghoy para sa


isang namatayan.

PANUBONG 7. Isang tula na nagpaparangal sa isang magdaraos ng kaarawan o


kapistahan.

KARAGATAN 8.Isang larong patula ng mga dalaga’t binata’t at ang paksa ay


pagliligawan o pagsisintahan.

DUPLO 9. Ginaganap ito tuwing ika-siyam na gabi.pagkatapos nalibing ang


yumao upang mapawi ang lungkot ng mga kaanak ng namatay.

KARILYO 10. Ang mga tau-tauhang karton na ginagamitan ng pisi ang gamit sa
palabas na ito pinagagalaw ng mga tao sa itaas ng tanghalan.

Gawain 3-B
1. Paano ginamit ng mga Kastila ang tula at awit upang mapalaganap ang
kristiyanismo sa bansa? Ipaliwang.

Ito ay dahil sa kagustuhan ng mga kolonisador at misyonerong Kastila na


maipalaganap ang pananampalatayang Kristiyanismo, nagturo sila ng pagbasa
at pagsulat sa pamamaraang kastila upang ito ay mapalaganap ang kristyanismo
sa mga Pilipino at ito ay hindi naman sila nabigo.

You might also like