You are on page 1of 47

KRISTINE JOY C.

BOLIVAR, BSSW 4

KABANATA I – MGA BATAYANG KAALAMAN SA RETORIKA

ARALIN 1: “ANG RETORIKA AT MASINING NA PAGPAPAHAYAG”

PAGTIYAK SA KAKAYAHAN

Pag-unawa sa Paksa:

Sagutin ang sumusunod na mga tanong o kahingian upang matiyak ang kaalaman sa Aralin 1.

1. Ano ang relasyon ng wika sa retorika? Ipaliwanag.

- Mahalaga ang retorika sa pang araw-araw na buhay ng tao dahil ito ay nagbibigay daan
sa mga aktibidades na ginagawa ng tao tulad ng pakikipag-usap, pakikipag-argumento at
paghahanap ng impormasyon at kaalaman. Sa pakikipag-usap, mahalagang sangkap ang
retorika upang maipahayag ng mabuti at komprehensibo ang mga damdamin ng nag-
uusap. Mahalaga rin ito sa pakikipag-argumento dahil ito ay tanda ng pagbibigay diin sa
mga puntong nais na ipahayag. Mahalaga rin ito upang magkaroon ng maayos na
pagkakaintindihan sa pagitan ng dalawang panig na hindi magkasundo sa iisang
pamamaraan o paniniwala. Higit sa lahat, ang retorika ay mainam na instrumento sa
pagkakalap ng impormasyon at pamamahagi nito. Sapagkat kinakailangan ng tao ang
matuto at malinang ang pag-iisip.

2. Bakit pangangailangan ang masining at mabisang pagpapahayag sa retorika?

- Ang pagiging masining sa pagpapahayag at retorika ay ipinalalagay na


magkasingkahulugan. Sa katunayan, matutunghayan talaga ang ganitong pakahulugan sa
pagbasa ng iba’t ibang mga aklat. Batay sa kahulugan ni Aristotle, hindi maiaalis ang
sining kapag tinutukoy ang retorika sapagkat kung ang paghahanguan ay ang etimolohiya
ng salita ay mula ito sa mga salitang “rhetor” na nangangahulugang “may karanasang
mambibigkas o pampublikong mambibigkas”, samantalang ang panlaping “ika” ay
nangangahulugan namang sining at kasanayan.

3. Ano ang kahalagahan ng “social truth” sa perspektibong retorikal?

- Dito ibinabatay ang perspektibong retorikal sa pagdulog sa mga usapin. Kung may
perspektibong retorikal ang isang retor, magtataglay siya ng ideya kung paano maaaring
husgahan ng isang lipunan ang usapin na tatalakayin. Mapupulsuhan niya kung magiging
tanggap o magkakaroon ng masidhing pagtutol ang mga tagapakinig, awdyens, tagahatol
o ang simpleng mambabasa, manonood, manunulat at maging ang mga tagapagsalita sa
diskursong ihahain.

4. Ipaliwanag ang kahulugan ng mga sumusunod:

a. Retorika - sining ng argumento o diskurso; ito rin ang sining at agham ng


pagpapasang-ayon
b. Retor - Kung tayo ay nagsusulat o nagsasalita upang kumumbinsi sa kung anuman
ang ating pinaniniwalaan.
c. Retorisyan - sumusuri sa kabisaan ng isang argumento o diskurso
d. Teorista ng Retorika - nagbibigay-teorya o nag-uugnay ng retorika sa
mga teoryang maaaring makaapekto o nagagawa ng diskursong ito.

5. Sino si Demosthenes? Ilahad ang kanyang naging kontribusyon sa retorika.

 Kinilala bilang “The Father of Oration” isang dakilang orador ng Athens si Demosthenes.
Ang kanyang mga talumpati ay nagpapakita ng mahalagang ekspresyon ng
kontemporanyong Athenian at nagbibigay ng mahalagang pagsilip sa politika at kultura
ng Matandang Gresya. Natutuhan ni Demosthenes ang retorika sa pag-aaral ng mga
talumpati ng mga unang dakilang orador ng kanyang bayan.
Paglinang ng Kasanayan:

Pumili ng isa sa mga sumusunod na pahayag at bumuo ng isang sanaysay. Lagyan ng lagdang
alyas-pangalan ang wakas ng akda.

2. “Ang pinakamabuting retorika ay ang magsabi ng totoo.”

- Mabuti ang nagsasabi ng totoo, sapagkat ito ay saklaw ng magandang samahan, Samahan na
walang titinag. Sapagkat sa diskursong ito ay may sining at agham na maaring magamit sa bawat
araw na lilipas. (k.b)
ARALIN 2: “KASAYSAYAN NG RETORIKA SA DAIGDIG”

PAGTIYAK SA KAKAYAHAN

Pag-unawa sa Paksa:

Sagutin o tugunan ang sumusunod na mga tanong at kahingian.

1. Ano ang naging tungkulin ng retorika sa Panahong Klasikal?


 Ang tungkulin ng retorika ay ginagamit pampolitikal at kasangkapan sa paggawa ng mga
polisiya at pagtatalakay ng mga isyung pampolitika.

2. Paano nagkaiba ang retorika ni Aristotle at ng mga sophist?


 Gumagamit ang mga Sophists ng mga matatalinhaga at mabubulaklak na salita habang si
Aristotle ay mas binibigyang-pansin ang mensahe o ang ethos, logos, at pathos ng retor.

3. Bakit naging mahalaga ang retorika kay St. Augustine?

 Ang kanyang paggamit ng retorika ay nasa ikaapat na aklat nyang “De doctorina
Cristiana” Ang aklat na ito ang naging pundasyon at batayan ng Homiletics o ang
paggamit ng retorika sa pangangaral.

4. Ibuod ang kasaysayan ng retorika sa daigdig.

 Ayon sa kasaysayan, nagsimula ang retorika sa Mesopotamia. Ilan sa mga


unanghalimbawa ng retorika ay makikita sa mga lumang sulatin ng mga maharlika at
mga babaylan noon

Pagsukat sa Kaalaman:

Tukuyin ang konseptong hinihingi ng mga pahayag. Isulat sa bukod na papel ang sagot.

1. Siya ang may-akda ng Gorgias at naging guro ni Aristotle. Isa sa hinahanap ay ang
pagtatamo ng katotohanang pantay at para sa lahat. Tinawag niya itong “absolute truth”.
 PLATO
2. Sila ang mga retor na kilala sa paggamit ng mabubulaklak na pananalitang tumatagos sa
damdamin ng tagapakinig. Estilo rin nila ang paggamit ng enthymeme.
 SOPHIST

3. Ito ang katawagang Romano sa general audience o ang publiko, ang mga tagapakinig na
itinuturing na walang muwang at babatay lamang sa magiging pagpapasya ng mga lider
ng bayan.
 AD POPULUM

4. Siya ay isang media artist at pamoso sa kanyang isinulat na “The Medium is the
Message.” Ang akda ay naghahayag sa kanyang kaisipan na higit diumanong mahalaga
na hanapin ang kaalaman kaysa ang magpaliwanag ng kaalaman.
 MARSHALL MCLUHAN

5. Siya ay isang protestante na tumuligsa at nagbigay ng bagong pananaw sa retorika. Sa


paghamon na kanyang ginawa, inilahad niya na mas marapat pahalagahan ang pagtuturo
sa katotohanan kaysa sa retorika.
 PETRUS RAMUS

6. Ang panahong ito ay kakikitaan ng pag-angat ng bernakular na retorika. Ang mga akda
ay nasulat sa Wikang Ingles kaysa sa klasikong mga wika (Griyego at Romano).
 Kalagitnaan ng 16TH CENTURY

7. Ito ang pinakamaimpluwensiyang paaralan sa retorika noong 1800 na ang puno ng


Departamento ng Retorika at ng Belles Lettres ay ang paring presbiteryo na si Hugh
Blair.
 UNIVERSITY OF EDINBURGH

8. Siya ang maysabing, “a true rhetorician is a good man skilled at speaking.”


 QUINTILLIAN

9. Ang artikulong ito ay nagbigay ng pinakamaalam na sarbey ng Renaissance Humanism


na tumutukoy sa malawak na hindi pagsangayon sa pag-aaral ng lohika at dialektika
noong panahong medieval.
 HUMANISM

10. Siya ay isang pilosopong Briton, awtor at edukador. Inilaan niya ang kanyang panahon sa
pag-aanalisa ng mga praktikal na pagreresolba ng mga argumento sa mga isyung moral.
 STEPHEN TOULMIN
Pagpapaunlad ng Kasanayan:

Pumili ng isa sa mga retor/retorisyan na nasa ibaba. Magsagawa ng karagdagang pananaliksik


ukol sa kanilang mga akda. Ibuod ito sa klase.

PETER RAMUS

Si Petrus Ramus ay isang protestante na tumuligsa at nagbigay ng bagong pananaw sa retorika.

Sa paghamon na kanyang ginawa, inilahad niya na mas marapat pahalagahan ang pagtuturo sa

katotohanan kaysa sa retorika. Isa sa kanyang mga gawa ay ang pagtalakay na ang inventio,

dispositio at memoria ay bahagi ng dialectic (logic) samantalang ang elecutio at pronuncio

lamang ang naging bahagi ng retorika. Higit na nagpahalaga sa larangan ng edukasyon ang uri ng

retorika ni Ramus at hindi nito tinaglay ang kagaya ng kay Augustine na ginamit ang retorika sa

paraang pasermon sa misa upang maipakita ang debosyong espirituwal.

1.
ARALIN 3: “KASAYSAYAN NG RETORIKA SA PILIPINAS”

PAGTIYAK SA KAKAYAHAN

Pag-unawa sa Paksa:

Pag-unawa sa Paksa: Sagutin ang sumusunod na mga tanong at kahingian upang matiyak ang
pagkaunawa sa aralin.

1. Paano ipinakikita ng mga akdang Pilipino ang kasiningan ng mga pagpapahayag?


 Nakita ang mga akdang Pilipino sa mga kasabihan, tanaga at diona dalit noong
katutubong panahon na may ganap nang mga paksa at ganap na ayos ng mga salita.
Nagkaroon din ng paggamit sa rhetorical devices na lalong nagpasining sa bawat
pagpapahayag.

2. Sino-sino ang mga maituturing na Pilipinong retorisyan?


 Maituturing na Pilipinong retorisyan ang mga pari na gumawa ng mga diksyonaryo sa
iba’t ibang wika, si Balagtas na gumamit ng rhetorical devices sa kanyang mga akda, si
Jose Rizal, Lope K. Santos, Jose Corazon de Jesus, at Virgilio Almario.

3. Ibuod ang kasaysayan ng retorika sa Pilipinas.


 Noong katutubong panahon pa lamang, may kasanayan na sa retorika ang mga Pilipino at
makikita ito sa kanilang mga sinaunang isinulat. Nang dumating ang mga Kastila,
nangibabaw ang wikang katutubo kung kaya’t maraming nailathalang diksyonaryo at
naging tanyag si Balagtas. Sa Panahon ng Amerikano, nagkaroon ng paglilinaw sa
retorika; Sa Panahon ng Hapon, naging gintong panahon ito ng Tagalog ngunit naging
malamya ang retorika. Sa kasalukuyan ay maraming naisasagawang aklat at patuloy ang
pag-aaral ng retorika.
Pagpapaunlad ng Kasanayan:

Sa mga akda nina Jose Rizal at Francisco Balagtas, sumipi ng tatlong pahayag na nagtataglay ng
masining na pananalita at bumuo ng sanaysay ukol dito.

Nagugunita ko ang nagdaang araw


ng kamusmusang kong kay sayang pumanaw
sa gilid ng isang baybaying luntian
ng rumaragasang agos ng dagatan;
Kung alalahanin ang damping marahan
halik sa noo ko ng hanging magaslaw
ito’y naglalagos sa ‘king katauhan
lalong sumisigla’t nagbabagong buhay

Kung aking masdan ang liryong busilak


animo’y nagduruyan sa hanging marahas
habang sa buhangin dito’y nakalatag
ang lubhang maalon, mapusok na dagat
Kung aking samyuin sa mga bulaklak
kabanguhan nito ay ikinakalat
ang bukang liwayway na nanganganinag
masayang bumabati, may ngiti sa lahat.

Naalaala kong may kasamang lumbay


ang kamusmusan ko nang nagdaang araw
Kasama-sama ko’y inang mapagmahal
siyang nagpapaganda sa aba kong buhay.
Naalaala kong lubhang mapanglaw
bayan kong Kalambang aking sinilangan
sa dalampasigan ng dagat-dagatan
sadlakan ng aking saya’t kaaliwan

- Ipinadadama ni Rizal ang kaniyang pagkaulila sa mga panahaong dinuduyan sya ng


kanyang butihing ina malapit sa lawa at ang simpleng buhay sa kanyang inang bayan. At
maaring ipinakita ni Rizal ang kanyang emosyon sa pamamagitan ng pagkukuwento o di
kaya’y pagbanggit ng kanyang mga alaala sa nakaraan.
ARALIN 4: “ANG RETORIKA BILANG DISIPLINA: KATANGIAN,
GAMPANIN AT KANON”

PAGTIYAK SA KAKAYAHAN

Pag-unawa sa Paksa:

Sagutin ang sumusunod na tanong at tugunan ang mga kahingian.

1. Bigyang kahulugan/deskripsyon ang sumusunod:

a. Disiplina – ANG RETORIKA BILANG DISIPLINA, binigyang kahulugan ang retorika bilang
isang sangay ng pag-aaral nanakatuon upang maging mabisa ang pagpapahaog ng isang tao.

b. Ad Herrenium – o Rhetorica ad Herrenium; may kinikilalang tatlong katangian ng estilo:


panuri (taste), artistikong komposisyon at pagtatangi (distinction)

c. Birtuwal na karanasan - ito ay binubuo upang palawakin at ihulma ang karanasan ng


mambabasa sa pamamagitan ng paghahatid sa kanila ng isang karanasang kahit hindi man nila
aktuwal na nadama ay nakagagawa sila ng sariling representasyon nito.

d. Mnemonic device - inobatibo o malikhaing paraan ng pagmememorya na napatunayang


epektibo higit noong unang panahon.

1. Bakit sinasabi na ang Retorika ay …

a. Mapanghikayat - Ang retorika ay nanghihikayat dahil layunin nitong magpabago ng


paniniwala at magpasimula ng aksyon. Kung mahihikayat ang mga tagapakinig, masusunod nila
ang layunin ng retor at maaapektuhan o mababago ang kanilang paniniwala.

b. Lumilikha ng birtuwal na karanasan - Sa pamamagitan nito ay nagkakaroon ng malawak


naimahinasyon ang tao sa mga bagay na hindi nila nakikita, nahahawakan o nararanasan ngunit
naiisip nilang naroon sila sa sandaling iyon o nailalagay nila ang kanilang sarili kung
kaya’t epektibong nakukuha ang kanilang emosyon at kaisipan.

c. Simbolikal - binubuo ang retorika ng mga simbolo tulad ng mga letra, imahe at pagkumpasna
nakapagpaparating ng ideya sa mga makakakita nito o nakadaragdag sa kaisipang nais ipabatid
ng retor.
Pagpapaunlad sa Kasanayan:

Ipagpalagay mong ikaw ang kasalukuyang pangulo ng Pilipinas at ikaw ay maglalahad ng


talumpati sa iyong SONA (State of the Nation Address. Buuin ang iyong talumpati.

Tayo ngayon ay sa kasalukuyang humaharap sa pandemya. Mga pangarap na syang


humahadlang sa atin ngayon dulot ng bagong karanasan para sa atin. Walang kahit sinong tao
ang nakaligtas sa pandemyang ito. Walang pinipili kahit mayaman o mahirap.

Pero huwag sana tayo panghinaan ng loob. Maraming tumutulong at handing tumulong para sa
bansa naten at isa na doon ang kahit simpleng mamayan lamang. Sa panahon din ngayon ay alam
naman naten na patuloy na ang pagbaba ng mga tinatamaan ng virus. At sa mga susunod na taon
ay paniguradong magwawakas na ang pandemya at magsisismula ulit ang panibagong pag-asa sa
ating bayan.

Patuloy natin ihayag ang pagpapabakuna upang sa gayon ay mabawasan o natuldukan na ang
paglaganap ng sakit na covid 19 at asahan Ninyo ang mga tulong na maiabot sainyong mga
tahanan.

Patuloy na panalangin ang aking batid sa lahat ng mga taong naapektuhan ang kabuhayan at mga
nawalan ng mahal sa buhay.
KABANATA II - ANG GRAMATIKA AT ESTILO NG RETORIKA

ARALIN 1: “ANG GRAMATIKA NG RETORIKA”

PAGTIYAK SA KAKAYAHAN

Pag-unawa sa Paksa:

Sagutin ang mga sumusunod:

1. Ano ang ugnayan ng gramatika at retorika?


 Ang retorika ay ang proseso ng maayos at maingat na pagpili ng wastong pananalita sa
pagpapahayag ng mensahe habang ang gramatika naman ay may kinalaman sa function
atrelation ng mga salita sa loob ng pangungusap

2. Bakit nagkakaroon ng code switching sa pagpapahayag?


 Nagkakaroon ng code switching dahil naipagsasama ang dalawang magkaibang
lenggwahe na higit na mas nauunawaan at nakakasanayan ng tao sa pakikipag-usap. May
mga terminolohiya rin kasing nakasanayang sabihin sa ibang lenggwahe kaya’t naihahalo
sa isa pang wika.

3. Ano-ano ang mga antas ng salita na mahalaga sa mabisang pagpapahayag?


 Ang pormal at di-pormal na mga salita. Ang pormal ay ang mga pambansa at
pampanitikan na antas at sa hindi pormal naman ay ang mga lalawiganin, balbal, at
kolokyal.

4. Pumili ng tatlong gabay sa pagpapalawak ng kaalaman sa paggamit ng salita at


ipaliwanag ito.

 Pagsasalita ng wasto tungkol sa iba’t ibang kalagayan sa buhay 


- sa pagsasalita ay nararapat ikonsidera ang antas ng pamumuhay ng tagapakinig kung kaya’t
mayroon nga iba’t ibang antas ng salita upang maiangkop sa iba’t ibang kalagayan ng tao.
 
 Pagsasalaysay ng mga karanasan
- sa pamamagitan ng simpleng pagkukwento ng nangyarisa iyo ngayong araw ay nalalaman mo
na ang mga nararapat at hindi nararapat na mga salitang dapat gamitin. Kadalasan ay nagsisimula
tayo sa ating mga madalas kasama.
 
 Pagpapahayag ng kuro-kuro at diwa
-hindi lamang nito nailalabas ang iyong paraan ng pag-aanalisa at galing sa pakikisangkot kundi
ang galing sa paggamit ng mga salita sa paghayag.

Pagsukat sa Kaalaman:

A. Ibigay ang hinihinging ideya sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa isang bukod na papel.

1. Ito ang proseso ng maayos at maingat na pagpili ng wasto, malinaw, mabisa at kaaya-
ayang pananalita sa pagpapahayag ng mensahe upang higit na maunawaan ng mga
nakikinig o nagbabasa.
 RETORIKA

2. Tumutukoy ito sa tungkulin ng mga salita at ang ugnayan sa loob ng pangungusap.


 GRAMATIKA

3. Paggamit ng magkakaibang wika sa loob ng isang pahayag na madalas nangyayari sa


pasalitang pagpapahayag.
 CODE SWITCHING

4. Bahagi ng pangungusap na tumutukoy sa bahaging pinag-uusapan o binigyang-tuon.


 PAKSA

5. Ang bahagi ng pangungusap na nagbibigay-kaalaman o impormasyon tungkol sa pinag-


uusapan.
 PANAGURI

B. Suriin ang pahayag sa bawat bilang kung anong uri ng ayos ng pangungusap.

Isulat sa isang bukod na papel ang K kung ito ay nasa karaniwang ayos at DK naman kung ito’y
nasa di-karaniwang ayos.

1. May paparating na bagyo sa bansa. K


2. Si Sir ay mahusay magtalumpati. DK
3. Ang tunay na kaibigan ay laging maaasahan. DK
4. Maging doktor ang pangarap niya. K
5. Ang puno ng mangga ni Aling Rosa ay hitik sa bunga. DK
C. Suriin kung anong uri ng tayutay ang pahayag. Isulat sa bukod na papel ang sagot.

1. Ang tingin ng paruparo sa bulaklak ay katulad ng damdamin ng binata sa dalaga.


ANALOHIYA
2. Maamong tupa kung siya’y makiusap. METAPORA
3. Kumakaway sa akin ang dahon ng talahib. PERSONIPIKASYON
4. Ang pananampalataya ay ating kaligtasan. METONYMY
5. Ang katamaran ng tao ay nagbibigay daan sa kaunlaran ng daigdig. PARADOX
6. Ang buhay ng tao’y parang gulong. SIMILE
7. Bumaha ng luha sa kanyang kuwarto. PAGMAMALABIS
8. Nakita kong kumikindat ang bituin. PERSONIPIKASYON
9. Ang ganda ng kanyang mga binti, sakang naman. PAG-UYAM
10. O, Pag-ibig kailan ka pamamasid? TANONG RETORIKAL
ARALIN 2: “ANG ESTILO NG RETORIKA”

PAGTIYAK SA KAKAYAHAN

Pag-unawa sa Paksa:

Sagutin ang mga sumusunod:

1. Bakit mahalaga ang estilo sa pagpapahayag sa isang diskurso?

- Upang maunawaan ang kahalagahan ng estilo sa pagsulat; Upang malaman kung alin
ang kailangang bigyang diin; Upang malaman natin na maaari tayong magkaroon ng
sariling estilo; At Upang matiyak ng manunulat kung nais niyang magturo,mang
aliw,magbigay kaalaman o mag paliwanag.
- Upang mas maging makatotohanan at mas maganda ang iyong gagawin na sining.

2. Paano nagiging masining ang ekspresyon ng ideya?

- Dahil nagmula ito sa imahinasyon ng manunulat. Ang ideya ay binubuo ng isip na


imahinasyon, sa pag iisip naiimahe mo ang isang ideya at nababalanse mo kung tugma ba
ito.

3. Bilang mag-aaral, paano mo naipapakita ang kakanyahan at kapangyarihan ng


wika?

- Kailangan ang pagsisikap na pag-aralan ito. At dahil ginagamit ang wika bilang isang


midyum para makasulat, makabasa at makaintindi ng mga aralin at mga bagay na dapat
matutunan. Batid dapat na kapag walang wika ay hindi matututo ang isang mag-aaral.
Kaya dapat lang na sineseryoso ang sistematikong pag-aaral ng sariling wika.
- Gamitin ito sa araw-araw; at Ituro sa iba ang kayamanang taglay ng wika.

Pagsukat sa Kaalaman:

A. Tukuyin ang taong nagpahayag ng mga ideya sa bawat bilang.

1. Binigyang kahulugan niya ang retorika bilang sining ng pagpapahayag ng naiisip mula sa
isang tao patungo sa iba, at ang pag-aangkop ng wikang gamit sa pangyayari at panahon.
 SISTER MIRIAM JOSEPH
2. Ayon sa kanya kinakailangang malinaw ang pag-iisip ng isang manunulat upang
magkaroon ng estilo ang kanyang isinusulat at kung may magsusulat sa kagalang-galang
na estilo, dapat maging kagalang-galang muna ang kanyang pagkatao.
 JOHANN WOLFGANG VON GOETHE

3. Ang estilo ayon sa kanya ay kasuotan ng kanyang naiisip.


 LORD CHESTERFIELD

4. Ang nagsabi ng “The most durable thing in writing is style”.


 RICHARD NORDQUIST

5. Ang estilo ay pagkilala sa totoong pagkatao, sa gustong ipahayag at hindi nababahala sa


kalalabasan.
 GORE VIDAL

B. Ibigay ang hinihinging ideya.

1. Pagpapakahulugan sa mga salitang ginamit sa pagpapahayag na nakabatay sa estilo ng


nagpapahayag. (KAHULUGANG KONOTATIBO)
2. Ito ay hindi matatagpuan saanman na katangiang taglay ng pinagugnay na pananalita at
ideya, bait at kilos, sining at moralidad, pagtataya at pagtitilad at ng iba pang elemento ng
pagkilos. (DEKORUM)
3. Ang kahulugang nakabatay sa pahiwatig ng mga pahayag na ginamit sa
pakikipagtalastasan. (KAHULUGANG KONTEKSTWAL)
4. Ang kahulugang ito ay maaaring makita sa kabuuan ng isang aklat, dula, musika o
pelikula na hindi hayagang ipinababatid ng mga nagpapahayag. (KAHULUGANG
SUBSTEKSTWAL)
5. Ito ay ang kahulugang makukuha sa ugnayan ng mga pahayag sa loob ng isang diskurso
na iniuugnay sa diskurso ng iba. (KAHULUGANG INTERTEKSTWAL)
KABANATA III - ANG RETORIKA AT DISKURSO

ARALIN 1: “ANG RETORIKA AT DISKURSO”

PAGTIYAK SA KAKAYAHAN

Pag-unawa sa Paksa:

Sagutin ang mga sumusunod:

A. Ipaliwanag ang gampanin ng retorika at diskurso sa pagpapahayag.

 Ang retorika at ang diskurso ay isang mahalagang salik sa pagpapahayag upang


makahikayat o makumbinsi ang kinakausap o ang tagapakinig. Sa pamamagitan nito ay
nagkakaroon ng pagkakaunawaan kahit gamitan pa ng masining na uri ng pagpapahayag.
Tinitignan din nito ang antas ng tagapakinig bago magsimula sa pahayag.

B. Ipaliwanag ang pagkakaiba ng pasulat at pasalitang diskurso.

 Sa pasalitang diskursong panlipunan nag pagtanaw sa kontekstong ay sa presensya ng


tagapakanig. Hindi malay sa paggamit ng wika ngunit gumagamit ng tunog o ponema.
Isinasaalang-alang ang social settings dito. Ito ay likas o natututuhan sa prosesong
natural. Samantalang sa pasulat na diskurso, indibidwal ang konteksto sa pagtanaw sa
mambabasa. May malay sa paggamit ng wika, isinasaalang-alang ang audience at
gumagamit ng grapema o mga simbolo. Kung susuriin mas mahirap ang paggamit n
gpasulat na diskurso dahil ito ay natatala, maaaring mapansin agad ang pagkakamali
hindi kagaya ng pasalitang diskurso.

C. Magbigay ng halimbawa ng mga sitwasyong pandiskurso na kakikitaan ng mga


tinalakay na teorya sa diskurso.

 Sa teoryang speech act. Hindi binibigyang-tuon ang teknikalidad sa pagsasalita, bagkus


ang pagganap ng tagpaghatid o tagatanggap batay sa kanilang gampanin at kulturang
umiiral.

Tagapaghatid: May gusto ka ba sa kaniya? 


Tagatanggap: Magkaibigan lang kami at mayroon na siyang kasintahan.
Tagapaghatid: Maganda ba siya?
Tagatanggap: Mabait at matalino.
Pagsukat sa Kaalaman:

Ibigay ang hinihinging ideya sa bawat bilang.

1. Tumutukoy sa pangkalahatang konsepto ng kumbersasyon sa lahat ng modalidad at


konteksto na maiuugnay sa pasalita at pasulat na komunikasyon. (DISKURSO)
2. Panlipunan ang konteksto na likas na natututuhan sa isang prosesong natural at
ginagamitan ng tunog o ponema. (PASALITANG DISKURSO)
3. Nagpasimula ng teoryang Speech Act noong 1962. (JANE L. AUSTIN)
4. Akto na tumutukoy sa pagsasabi ng pahayag na may angking kahulugan sa tradisyonal
nitong kalagayan. (LOCUTIONARY ACT)
5. Akto na may tiyak na puwersa tulad ng pag-uutos, pagbabala, pagpapabatid at iba pa.
(ILLOCUTIONARY ACT)
6. Hango ito sa pag-aaral ukol sa pagkakaiba-iba ng mga wika na makikita sa tono o punto
sa pagsasalita, intonasyon at kahulugan ng mga salita.
(TEORYANG VARATIONALIST)
7. Nagpasimula ng teoryang Ethnography of Communication. (DELL HYMES)
8. Kakayahan ng isang katutubong tagapagsalita na magamit ang wika sa isang totoong
sitwasyong pandiskurso. (COMMUNICATIVE COMPETENCE)
9. Kakayahan ng isang ideyal na tagapagsalita o tagapakinig upang makalikha ng
pangungusap na angkop at wasto ang gramatika. (LINGUISTIC COMPETENCE)
10. Maituturing na sangay ng lingguwistika na nakatuon ang pag-aaral kung paanong
lumilikha at nauunawaan ang pahayag sa isang kongkretong sitwasyon ng pag-uusap.
(PRAGMATIKS)
ARALIN 2: “PAGLINANG SA IDEYA NG DISKURSO”
AT
ARALIN 3: “ORGANISASYON NG DISKURSONG PASALITA AT PASULAT”

PAGTIYAK SA KAKAYAHAN

Pag-unawa sa Paksa:

Sagutin ang mga sumusunod:

A. Paano malilinang ang ideya sa isang diskurso?

 Ang mga sumusunod ang mahahalagang aspekto sa paglinang ng ideya:

Paksa – Ito ang nagsisilbing batayan sa pagbuo ng kaisapan na itatanghal sa isang pahayag.

Sa isang diskurso, ang paksa ay ang pinakamahalagang ideya na sinusuportahan ng mga


detalye.

Layunin – Ito ang nagtatakda ng hangganan at landas na tutunguhin ng isang ideya. Maaaring
ang layunin ay manghikayat, manghamon, magpabatid at magmulat

Pagsasawika ng ideya – Ito ang pinakamahirap na bahagi ng diskurso dahil minsan marami
tayong kaalaman na gusto natin ipahayag ngunit nahihirapan tayo isawika ito. Ang ideya ay
kinakatawan ng mga simbolo, salita at pangungusap hanggang sa makabuo ng kongkretong
kahulugan. Makabubuting isulat nang isulat ang lahat ng naiisip na ideya sa isang sulatang-
papel. Matapos ito, isagawa ang pagrerebisa upang mapakinis ang ideyang ipinahahayag.

Patutunguhan o audience - ito ang paghahatidan ng mensahe upang makapag-adjust sa


pagbuo ng ideya.

B. Gaano kahalaga sa paggamit ng retorika ang mga uri ng diskurso?

Upang maglarawan – ang PAGLALARAWAN ay layunin na aipakita sa imahinasyon at isip ng


mambabasa o tagapakinig ang anyo, katangian, kalagayan ng tao, bagay, hayop at pangyayari.

Upang magsalaysay – ang PAGSASALAYAN ay layunin na pag-ugnayin ang mga


mahahalagang pangyayaring naganap tulad ng mga karanasang di malilimutan, kuwento o
kasaysayan ng mga mahahalagang tao.
Upang maglahad – ang PAGLALAHAD ay layunin na bumuo ng isang malinaw na kaisipan at
impormasyon na sakop ng kanyang kaalaman samakatuwid ang diskursong paglalahad ay
nilalayon na magbigay kaalaman, magpaliwanag at timbangin ang mga kasipan at impormasyon
batay sa mga kaisipang nakapalaoob dito.

Upang maghambing at magkontrast – ang PAGHAHAMBING AT PAGKOKONTRAST ay


isang tekstong nagbibigay-diin sa pagpapahayag ng kahigitan o kalamangan, pagkakaiba at
pakakatulad ng dalawa o higit pang tao, bagay, kaisipan o ideya at maging ng pangyayari. Sa
pamamagitan ng ganitong hulwaran sa pagbuo ng teksto nagiging maliwanag ang paksang
inilalahad.

Upang mangatwiran – ang PANGANGATWIRAN ay may layunin na dapat ay mahikayat na


sumang-ayon ang sinumang katunggali tungkol sa pinagtatalunang o pinaglalabanang isyu o
anumang argumento

C. Ilahad ang pagkakaiba at pagkakatulad ng mga sumusunod:

• Pulis at Sundalo

PAGKAKAIBA PAGKAKATULAD
Ang Army ay isang sangay ng serbisyo Legal na nagdadala ng mga armas
ng militar na pangunahing nakatuon sa
ground warfare at Ang pulisya ay isang
nabubuo na pangkat ng mga taong
binigyan ng kapangyarihan ng estado
upang ipatupad ang batas.

• Pananampalataya ng Kristiyano at Muslim

PAGKAKAIBA PAGKAKATULAD
Allah ang diyos ng mga muslim at Diyos ang Mayroong Diyos na sinasamba.
sinasamba ng mga Kristiyano.
Quran ang banal na libro ng mga Muslim  at Mayroong sariling klase ng banal na libro.
Bibliya naman ang banal na libro ng mga
Kristiyano.
Si Muhammad ang propeta ng mga muslim at Mayroong propeta na tumulong upang dumami
si Abraham naman ang propeta ng mga ang mga tagasunod ng relihiyon.
Kristiyano.
• Pananahan sa Urban at Rural

PAGKAKAIBA PAGKAKATULAD
Ang Urban ay isang pook kung saan Parehas ito na lugar na tirahan ng mga tao
matatagpuan ang napakaraming bilang ng
populasyon ng Tao sa bawat kilometro
kwadrado.

Ang Rural ay isang agrikultural na pook dahil


karamihan ng hanapbuhay dito ay ang
pagtatrabaho sa bukid.
• Edukasyon sa Panahon ng Kastila at Amerikano

PAGKAKAIBA PAGKAKATULAD
Magkaiba ang babae sa lalaki ksai anila mas Parehas na adapt ang wika ng Espanyol at
makapangyarihan at maraming kaalaman ingles
ang lalake
Sa panahon ng amerikano lalake lamang
ang pinahihntulutan makapag aral.

Pagsukat sa Kaalaman:

Ibigay ang hinihinging ideya sa bawat bilang.

1. Uri ng diskurso na ang layunin ay maipakita sa imahinasyon at isip ng mambabasa o


tagapakinig ang anyo, katangian, kalagayan ng tao, bagay, hayop at pangyayari.
- PAGLALARAWAN
2. Ibinibigay ng paglalarawang ito ang karaniwang anyo ng inilalarawan ayon sa nakikita o
nasaksihan ng nakararami.
- PANGKARANIWANG PAGLALARAWAN
3. Paglalarawan na binibigyang kulay ang inilalarawan upang higit na maging kaaya-aya
ang paglalarawan.
- MASINING NA PAGLALARAWAN
4. Diskurso na naglalayon na magbigay kaalaman, magpaliwanag at timbangin ang mga
kasipan at impormasyon batay sa mga kaisipang nakapaloob.
- PAGLALAHAD
5. Ang palasing ito ay ginagamit sa argumento na inaatake o hinahamak ang personalidad
ng tao at hindi sa paksa o isyung pinagtatalunan.
- ARGUMENTUM AD HOMINEM
6. Ginagamit ang awa sa pangangatwiran upang pagtakpan ang tunay na diskurso ng
argumento.
- ARGUMENTUM AD MISERICORDIAM
7. Ginagamitan ng kapangyarihan o awtoridad ang isang kaargumentong gumagamit ng
kapangyarihan upang ilihis ang tunay na argumento o isyu.
- ARGUMENTUM AD BACULUM
8. Itinuturing na tama ang argumento dahil sa popularidad ng tao, bagay, opinyon o
emosyon ng mga tao.
- ARGUMENTUM AD POPULUM
9. Ang palasing ito ay ipinagpapalagay na hindi totoo ang anumang hindi napatutunayan at
totoo ang anumang hindi napasisinungalingan.
- ARGUMENTUM AD IGNORANTIAM

Pagpapaunlad sa Kasanayan:

Maghanap ng mga pahayag sa diyaryo o tabloid na kakikitaan ng mga tinalakay na palasi. Isa-
isahin ang mga ito upang maipaliwanag kung anong uri ng palasi.

1. Diskurso na naglalayon na
magbigay kaalaman,
magpaliwanag at timbangin
ang mga kasipan at
impormasyon batay sa mga
kaisipang nakapaloob.
- PAGLALAHAD
KABANATA IV (WORKSYAP 1) – ANG PRAKTIKA NG RETORIK

ARALIN 1: “PALIHAN O WORKSYAP SA PAGSULAT”

PAGTIYAK SA KAKAYAHAN

Pag-unawa sa Paksa:

Sagutin ang mga sumusunod:

A. Ano ang pinakamahalagang isaalang-alang bago magsulat ng akda o komposisyon?


Bakit?

 Magsagawa ng panimulang pananaliksik. Sa pamamagitan nito ay magkakaroon ka ng
kaalaman ukol sa iyong paksa. Ang akda ay magiging malaman at informatib. Masasabi
mo na ang iyong opinyon na may basehan at sa pamamagitan ng iyong mga nasaliksik,
maaari ka ring makapagpabago ng paniniwala dahil ang mambabasa ay mas naniniwala
sa isang akdang may datos at basehan.

B. Habang sumusulat, ano ang dapat matiyak upang maging maayos ang sariling akda?

 Mahalaga habang sumusulat ang tiyak na tesis na nagsasaalang-alang ng Layunin, Tono
,at Estilo na iyong gagamitin. Ang limitasyon din ng sasaklawin ng paksa ay mahalaga
dahil ito ay magsisilbing gabay habang ginagawa mo ang iyong akda.

C. Kailangan ba ang rebisyon? Ipaliwanag.

 Oo, mahalaga ang rebisyon dahil sa pamamagitan nito, nasusuri natin ang ating akda,naki
kita at nababago ang pagkakamali tulad ng gramatika, ispeling at bantas at maaari pa
tayong makadagdag ng ideya o makabawas ng hindi kinakailangan upang masigurado na
maayos ang ating akda.

Pagpapaunlad sa Kakayahan

1. Sumulat ng isang sanaysay na pumapaksa sa kalagayan ng ating bansa sa kasalukuyan.

Ang kahirapan ang isa sa mga mabibigat na problema ng ating bansa. Madalas nating sabihin o
sisihin ang maling pamamalakad ng mga pinuo ng bansa, pero sila nga ba ang may kasalanan o
tayong mga Pilipino na tamad? Sa kasalukuyang kalagayan ng ating bansa magiging mahirap
ang pagkamit ng tunay na layunin ng lipunan, dahil ang mismong nanungkulan sa ating
pamahalaan sa ibat-ibang posisyon ay walang pagkakaisa, may kanya kanya kanyang mga
agenda, kanya kanyag paniniwala at kanya kanyang siraan bawat humahawak ng mga
katungkulan mapataas man o nasa mababang posisyon sapamahalaan, bawat isa sa kanila ay
sarado ang isipan sa pag-unawa sa mga bagay na sana kung kanilang mapagkakasunduan ay
siyang mas makakabuti sa pamahalaan at sa lipunang ginagalawan. Kasama pa riyan ang
pagkawalang displina.

Amg katotohanan ay tayo mismo ang dahilan ng ating paghihirap, tayong mga mamamayan ng
bansa natin. Kung sisimulan natin ang pagbabago sa sarili natin, malamang ay mababago rin
natin ang antas ng ating pamumuhay, pinuno ka man o isang simpleng mamayan ay dapat
magbago para sa ikauunlad nating lahat.

2. Sumulat ng akda na tumatalakay sa iyong sarili, malayang makapamimili ng anyo ng sulatin


na iyong maiibigan at aangkop sa iyong panlasa.

Ako, isang simpleng tao. Gaya ng iba mayroon din akong mga pangarap. Mga pangarap na
walang katapusan. Kapag mayroon na akong mga ninanais na bagay na aking nakamit ay
mayroon na namang bagong pangarap na uusbong sa aking puso at isip. Maiksi lamang ang
buhay at walang sandali ang dapat sayangin.

Ako, sa aking pagkakakilala sa aking sarili, ay isang tao na hinding hindi titigil sa isang bagay na
aking nasimulan. Sa paaralan, tahanan, sa trabaho, o saan mang lugar ako mapunta ay hinding -
hindi ako mag-iiwan ng isang bagay na aking sinimulan na hindi natatapos.

Pagdating naman sa aming tahanan, kasama na sa aking pamilya ay tunay kong maipagmamalaki
ang tunay na ako. Maasahan ako sa mga gawaing bahay na hindi na kinakailangan pang utusan
upang kumilos. Sa mga suliraning pampamilya naman ay mayroon na akong parte na buong puso
kong ginagampanan upang malampasan ang mga problemang iyon sa tulong ng iba pang
miyembro ng aking pamilya.
ARALIN 2: “PAGSULAT NG REPLEKSYON, REAKSYON AT PAGSUSURI NG
AKDA”

PAGTIYAK SA KAKAYAHAN

Pag-unawa sa Paksa:

Sagutin ang mga sumusunod:

A. Paano ang paggawa ng repleksyon? Ipaliwanag.

 Ang repleksyon ay nangangahulugang pag-uulit o pagbabalik tanaw. Ito ay


nangangailangan ng opinion at riserts ng isang manunulat. Ang pagsulat ng repleksyon ay
pagsasaalang-alang ng sariling pilosopiya at imahinasyon. Ang pangunahing layunin ng
replektibong sanaysay ay hindi lamang matalakay ang natutuhan o maisapapel bagkus
iparating ang pansariling karanasan at natuklusang resulta sa isang ispesipikong paksa.
 Mga konsiderasyon sa pagsulat ng replektibong sanaysay:
- Naglalahad ng interpretasyon; Ikonsidera ang pagkalap ng mga datos at mga bagay na
kailangan gamitin; Pagandahin ang panimulang bahagi; Nagtatalakay ng iba’t ibang
aspeto ng karanasan; Ang kongklusyon ay dapat na magkaroon ng repleksyon sa lahat ng
tinalakay; Kinakailangan na malinaw na nailalahad ng manunulat ang kanyang punto
upang lubusang maunawaan ng mambabasa; at Rebyuhin ng ilang ulit ng repleksyon

B. Paano ang paggawa ng reaksyon? Ipaliwanag.

 Ang reaksyon papel ay naglalayong maipaliwanag ang personal na reaksyon sa


napanood, nabasa, at narinig. Ang pagsulat ng reaksyon papel ay isang uri ng
pagpapahayag ng reaksyon ng manunulat sa mga mambabasa ukol sa kaganapang siya
mismo ang nakaranas o nakatunghay
 Ang paggawa ng reaksyong papel ay ang pag-aaral nang maigi tungkol sa isang
impormasyon kung saan ang may-akda ay kinakailangang magbigay ng kanyang sariling
kaisipan o opinyon ukol dito. Upang gumawa ng reaksyong papel, kailangang pag-aralan
nang maigi ang isang impormasyon at magbigay ng iyong sariling kaisipan at opinyon
ukol dito. Kailangan din na mayroong apat na bahagi ang iyong reaksyong papel:
introduksyon, katawan, konklusyon at mga pagsipi.

C. Paano ang paggawa ng rebyu? Ipaliwanag.

 Ang rebyu ay isang sang mapanuring pagbasa o pagtatasa ng isang gawang malikhain
(tulad ng tula, dula, pelikula, musika, sayaw) o ng isang gawang akademiko (tulad ng
aklat o artikulo na produkto ng isang pag-aaral o saliksik). Ang isang rebyu ng gawang
malikhain ay naglalaman ng una, batayang impormasyon tungkol sa gawa, at pangalawa,
pagsusuri ng rebyuwer sa gawa.
 Ang pagsusuri ay mas malalalim pa sa iniisip nating pagtukoy sa kung anong mali,
masama o kulang. Hindi nito layuning magbanggit lamang ng mga kamalian bagkus
magkaroon ng malalim at kritikal na ebalwasyon. Nararapat maglahad ito ng katanungan
sa mga impormasyon at opinyong nabasa at ang paglikha ng makatuturan at
makabuluhang ebalwasyon at hatol. Ang sinumang magsusuri ng anumang artikulo,
dyornal, sanaysay, nobela at anumang anyo ng literatura ay kinakailangang tumingin sa
iba’t ibang lente ng pagkakalikha nito, relasyon ng mga teorya, balangkas at layunin.

Pagpapaunlad sa Kakayahan:

1. Maghanap ng kopya ng talumpati ng isang kilalang tao sa Pilipinas, gumawa ng


reaksyon sa talumpating mapipili.
Talumpati
ng
Kagalang-galang Corazon C. Aquino
Pangulo ng Pilipinas
Sa pagdiriwang ng 1987 Araw ng Kalayaan
[Ipinahayag sa Quirino Grandstand, ika 12 ng Hunyo, 1987]

“MULING KAILANGAN ANG KAGITINGAN”

The country’s fight for freedom and democracy is far from over. Enemies of the state
are out to prove to Filipinos that Government is not in control. The congressional
elections, however, proved that the enemies of democracy do not have the support of the
people. The President reassures the people that Government, with the cooperation of a
concerned citizenry, has the capability to stop terrorists from destroying this
democracy.

Sa katapusan ng buwang darating, ang Kongreso ng Republika ng Pilipinas ay


magpupulong. Lahat ng mga institusyon ng demokrasyang Pilipino ay nasa kani-kanilang
lugar na.

Mayroon na tayong Pangulong nahalal sa demokratikong paraan, mayroon na tayong tunay


na malayang Korte Suprema, at isang Kongresong tunay na kumakatawan sa mamamayan.

Ngunit ang laban ng Pilipino ay hindi pa tapos. Ang mga kaaway niya na naglalayong
manira, mang-alipin at sirain ang ating mga karapatan at kalayaan, at muli hilahin tayo sa
hindi na maka-Diyos na pamamaraan at pagmamalupit ay narito pa at nagnanais gawin ang
kanilang masamang layunin sa kahit na ano pa mang paraan.
Ang mga kaaway natin ay hindi tayo hahayaang maranasan ang kaligayahan, katahimikan,
at mga biyaya na dulot ng demokrasya.

Ang nakaraang eleksiyon ay isa na namang pagpapatunay na silang mga kaaway ng ating
demokrasya ay walang suporta ng mga mamamayan. Ang mga kaaway na ito ng ating
kalayaan ay walang paggalang sa mga mamamayan, gayundin sila ay walang paggalang sa
hatol ng mga mamamayan. Ngayon, sila ay nananakot at pumapatay upang maipalabas
lamang ang kanilang kagustuhan at masamang intensiyon sa mga mamamayang Pilipino.

Sa loob lamang ng limang araw, ang karahasan sa lungsod ay nagdulot ng kasawian sa


tatlong pulis at dalawang sundalo. Dalawa pang pulis ay malubhang nasugatan. Noong
isang araw, ang kandidato ng Partido ng Bayan, na si Bernabe Buscayno, ay nasugatan sa
ambush ng mga hindi kilalang lalaki na kunwari ay mga sundalo.

Alam ko na marami sa inyo na mahal kong mga kababayan ay lubhang nag-aalala.

Ang inyong tanong – ano ang dapat gawin? Ang mga terorista ay dinala na ang digmaan sa
lunsod. Ang aking sagot: Dalhin natin ang digmaan sa kanila.

Kanilang ginambala ang katahimikan ng ating mga tahanan at katiwasayan ng ating


pamumuhay na siya nating pinaglaban at sinakripisyo; kailangan natin silang pagbayarin sa
mga kaguluhang ito.

Ang mga kaaway ng ating kalayaan, na lubhang nahihiya at nagtatago sa kaduwagan, ay


patagong sumasalakay, upang ang ating mga militar at pulis ay hindi sila malabanan ng
parehas. Lubhang matitindi ang kanilang ginagawang pagsalakay upang paniwalain kayo
na ang inyong Gobyerno ay hindi kayo kayang protektahan.

Ako ngayon ay narito sa inyong harapan upang ipaalam sa inyo na ang inyong Gobyerno ay
kayang sugpuin ang mga pananakot at paghamon na kanilang ginagawa.

Subalit tulad din ng mga hamon at pagbabanta na ating tinalo noong nakaraan, muli
kailangan natin ang kagitingan, pangangalaga at matiyagang pagbabantay ninyo, mga
mahal kong kababayan.

Kayo ngayon ay aking tinatawagan, mga mahal kong kababayan, na sana’y kayo ay
makipagtulungan sa ating militar at pulis upang hulihin ang mga duwag nating kaaway.
Kayo ay tinatawagan ko upang ipaalam agad sa pulis at militar ang mga taong inyong
pinaghihinalaan na maaaring kasangkot sa mga kaguluhang ito. Kayo rin ay aking
binabalaan na huwag ninyong labanan ang mga teroristang ito na kayo lamang. Sila ay may
armas at madaling pumatay sa inosente at walang armas. Ang inyong tungkulin ay isumbong
sila upang pangalagaan ang inyong mga tahanan at pamilya. Hayaan ninyo ang ating mga
pulis at militar upang gawin ang nararapat sa kanila. Sa pangangalaga at matiyagang
pagbabantay ng ating mga mamamayan, naniniwala ako na kaya nating talunin ang mga
kaaway na ito sa madaling panahon.
Tinatawagan ko ang ating mga OICs sa Metro Manila at sa lahat ng panig ng bansa na
bigyan nila ng kaukulang suporta at tulong ang ating mga militar at pulis sa pakikipaglaban
sa ating mga kaaway. Ang inyong panunungkulan at pagkakahalal kung sakali ay
nakasalalay sa akin at sa ating mga mamamayan.

Tayong lahat ay bahagi ng isang kamay: ang inyong Pangulo, ang Armed Forces, mga local
officials at kayong mga mamamayan ay magkakuyom ang mga palad sa iisang layunin
upang wasakin at durugin ang pananakot na ito sa ating buhay, sa ating kalayaan at sa ating
pananampalataya.

Source: Presidential Museum and Library

Aquino, C. C. (1987). Speeches of President Corazon C. Aquino : April – October 1987.


[Manila : Office of the President of the Philippines].

Reaksyon ko ukol sa talumpati ng dating pangulong Cory Aquino ay nagpapahiwatig ito ng


kagandahan ng kanyang pamumuno sa pamamagitan ng pagsasayos ng kung ano ang nagging
problema sa panahon ng kaniyang pamumuno sa bansa.

2. Manood ng isang Indie Film at gumawa ng repleksyon ukol sa iyong napanood.

Die Beautiful- para sa akin ay isa sa mga pinaka makaulay, pinaka relatable kung tutuusin , para
sa akin kahit hindi ka parte ng LGBT, nararamdaman mo nararanasan mo na rin sa buhay ang
pakiramdam ng tanggihan o ikahiya. Isa sa mga hinangaan at nagustuhan ko sa pelikulang ito ay
ang makulay na pagkukuwento ng buhay ng Trisha, mula sa paglaki nya, pagtakwil sa kanya ng
kanyang ama hanggang sa makapamuhay sya mag isa at dumanas pa ng sakit sa puso at psisikal
na pananakit mula sa mga manloloko nyang mga lalaki. Maganda ang kuha ng bawat eksena, Isa
sa magandang halimbawa nito ay sa tuwing pinapakita ang ibat-ibang mukha ni trisha sa
kanyang lamay isa ito sa mga hiling o bilin nya bago sya kunin. Ibat0ibang mukha ng mga sikat
sa actress sa bawat gabi ng burol nya na ginawa at tinupad naman ni Barbs kinalaunan.

Pagkatapos ko itong panoorin ay nag iwan pa ito sa akin ng mga katanungan sa iba pa niton mga
karakter,at sa totoo lang habang pinapanood ko ang pelikulang ito, hindi ko kaagad-agad
nalaman o nakuha ang dahilan kung ano ba talaga ang sanhhi ng kanyang pagkamatay.

Para sa akin punong- puno ng inspirasyon ang pelikulang ito. Hindi lamang sa mga miyembro ng
LGBT community bagkus pati na rin sa mga taong nakakaramdam ng tunay na mensahe nito. Isa
lamang ito sa dami ng pelikulang nagbibigay liwanag sa kung ano ang dapat trato sa mga kapwa
nating naaabuso ng mapang-husgang lipunan. Sa huli ay mahalaga ang pagsasapuso sa lahat ng
mga aral na binigay ni istorya na ito, na maging normal at magin masaya sa buhay.
3. Humanap ng kopya ng paborito mong maikling kuwento, suriin ito batay sa balangkas na
napag-aralan.

Si Langgam
Araw-araw ay makikita si Langgam na nagsisikap na maghanap, maghakot, at mag-impok ng
pagkain sa kanyang tinitirhan upang maging handa sa pagdating ng panahon ng tag-ulan. Siya ay
madalas pintasan ni Tipaklong sapagkat siya raw ay hindi na nagkakaroon ng oras upang
magsaya o maglibang.

Si Tipaklong
Sa kabilang banda, makikita si Tipaklong na masayang naglalaro. Patalon-talon ito habang
humihimig pa. Wala siyang ibang ginagawa kundi ang magsaya at maglibang na animo ay
walang iisipin sa pagdating ng panahon ng tagulan.

Ang Kawawang Tipaklong


Natapos ang panahon ng tag-araw kung kaya’t nagsimula na ang tag-ulan. Bumuhos ang ulan at
unti-unti itong lumakas at lalong lumalakas pa na naging dahilan upang magkaroon ng pagbaha
sa bukirin.

Sa kabutihang palad, si Langgam ay nasa maayos na kalagayan dahil sa kanyang ginawang


paghahanda subalit k Dahil sa hindi na makayanan ni Tipaklong ang gutom at lamig siya ay
nagtungo kay Langgam at humingi ng tulong. Hindi naman nagdalawang isip si Langgam na
tulungan ang kaawa-awang si Tipaklong kaya pinatuloy niya ito sa kanyang tahanan, binigyan ng
masusuot, at hinainan ng makakain at maiinom.

Dahil rito nakaramdam ng hiya si Tipaklong sapagkat si Langgam kahit na maliit ay may
abilidad ito samantalang siya na higit na mas malaki kaysa rito ay nangangailangan pang
humingi ng tulong.

Tauhan
Sa kwentong ito, itinampok sina:

1. Langgam – ang karakter na ipinakita sa kwento bilang masipag na nilalang na


naghahanda sa pagdating ng panahon ng tag-ulan sa pamamagitan ng pag-iimabk ng
mga makakain sa panahong ito.

2. Tipaklong – ang karakter sa kwento na ipinakitang mahilig magsaya, maglaro, at


maglibang na tila hindi alintana ang kahaharaping hamon sa pagdating ng panahon ng
tag-ulan.
Aral
Ang mga aral na mapupulot sa kwento ay:

 Ang isang taong may itinabi, sa oras ng pangangailangan siya ay mayroong


magagamit.

 Sa oras ng pangangilangan, malalaman ng tao ang tunay na ugali ng kanyang


kinikilalang mga kaibigan sapagkat dito nasusukat ang taong tunay na may kalooban
sa pagtulong.

 Ang isang taong naghirap upang makaipon ay makakamtan ang ginhawa sa takdang
panahon.
Tagpuan
Ang tagpuan ng kwento ay nangyari sa bukid kung saan dumaraan si Langgam at naglalaro si
Tipaklong.

Tema
Ang kwento ay umiikot sa paggawa, pag-iimpok, at pagkakaibigan.

Banghay
Sa pagsisimula ng kwento, Si Langgam ay matiyagang nag-iipon ng mga makakain niya sa
panahon ng tag-ulan. Madalas siyang tuksuhin ni Tipaklong na madalas nakikita namang
nagsasaya at naglalaro sa damuhan sapagkat siya ay laging gumagawa at walang panahon na
makapagsaya. Subalit sa pagdating ng panahon ng tag-ulan, naging maginhawa si Langgam dahil
sa kanyang pagsisikap samantalang kaawa-awa naman ang lagay ni Tipaklong sapagkat wala
itong masilungan at makain. Sa huli, lumapit si Tipaklong kay Langgam upang humingi ng
tulong. Siya ay tinulungan naman ni Langgam na naging ugat upang magbago si Tipaklong.
KABANATA V (WORKSYAP 2) – ANTOLOHIYA AT KRITIKA NG MGA AKDA

ARALIN 1: “ANG SANAYSAY”

Mga Gabay na Tanong sa Sanaysay ni Alejandro G. Abadilla:

1. Ano ang nais patunayan ng argumento ni Alejandro G. Abadilla sa sanaysay?


- Ang makata ay may malaya sa pagpapahayag ng mga elemento at balangkas ng tula. Ito
ang nais iparating ni Abadilla, na walang dapat tumigil, kahit na sa harap ng mga patula
na itinatag ng pagbabago ng mga mundo na hindi tumigil sa pag-ikot upang higit na
matuklasan ang kanilang sariling at pambansang mapagkukunan. Ang nais patunayan ni
Abadilla ay ang Makata ay may karapat-dapat Malaya sa pagpapahayag ng mga elemento
at balangkas ng tula.

2. Ano ang tinutukoy na kalamnan at kaanyuan ng tula?


- Ang tinutukoy niyang kalamnan at kaanyuan ng tula ay ang tumutukoy sa damdaming
matulain, yaong damdaming may hubog, may kulay at may tinig dahil nais linawin ni
Abadilla na ang paraan ng pagsusulat o pagbubuo ng isang tula o sa halip na istraktura
kung paano naihatid ang tula sa mambabasa ay hindi mahalaga sapagkat sa kanyang
namumukod-tanging kakanyahan, batayan, balangkas at pamamaraan ng paglikha,
bumubukal ang tunay na anyo ng isang makata.

3. Makatwiran ba ang ipinaglalabang pagbabago sa panulaan ng mayakda? Ipaliwanag.


- Makatwiran ang ipinaglalabang pagbabago sa panulaan sapagka’t sumasang-ayon ako na
ang balangkas na tinutukoy at sinasabing katutubo ay ang tugma at sukat na
kumakatawang tulang sang-ayon sa wastong pagkilala ng sining. Mahalagang magkamit
sa ideya na ang pagtanggal sa mismong kakanyahan ng katutubong pagsulat ng mga
Pilipino ay tatanggi sa kahulugan ng panitikan mismo.

4. Sa kabuuan ng sanaysay, anong makabuluhang ideya ang nais ikintal sa mga


mambabasa?
- Nilinaw niya na mali ang paniniwala ng mga kritiko na ang makabago ay may layuning
ibagsak at lansaging ganap ang katutubong balangkas ng Tulang Tagalog at palitan ng
Tulang Inggles na mula sa mga Amerikano. Ang makabuluhang ideya ang nais ikintal ni
Abadilla ay ang pagbabago ay hindi talaga maikakaila. Mahalaga ang pagbabago para sa
ating mga Pilipino na sumulong at maging higit sa kung paano tayo namumuhay.
Gayunpaman, ang pagbabago na ganap na itinanggi ang nakaraan ay hindi nakakamit ang
pagbabago na kailangan natin. Samakatuwid ito ay kinakailangan upang malaman mula
sa kung ano ang totoo sa ating sarili at pagbutihin ito nang hindi binabalewala kung ano
ang kumakatawan sa atin.
5. Ano ang diskurso ni Alejandro G. Abadilla? Naglalahad ba siya? Naglalarawan?
Nagsasalaysay? Nanghihikayat? Ipaliwanag?
- Masasabi na ang diskurso ni Alejandro G. Abadilla ay nasa anyo ng paglalahad. Ito ay
dahil maaari nating obserbahan ang pagsusuri at pagpapalawak ng ideya at kaisipan nya
sa paraan ng paghahambing at pagkokontrast; tulad ng nakikita mula sa paninindigan ni
Regalado laban sa katutubong panulaan ng panitikang Pilipinas hanggang sa
pagpapahayag ni Abadilla sa tama at mali sa pinaninindigang pagbabago ng malayang
paglalahad ng mga sangkap at balangkas ng tula.

Mga Gabay na Tanong sa Sanaysay ni Renato R. Santillan:

1. Sa tingin mo, ano ang nais ipabatid ng may-akda?


- Ang nais ipabatid ni Renato R. Santillan sa tula ng Pangasinan ipakita ang pagtindig sa
pinaniniwalaan na ang wikang Pangsinan ay hindi namamatay bagkus ito ay dumaraan sa
pagsubok nang pagbabago at pagiging malikhain na siyang pangunahing katangian ng
wika.

2. Masasabi mo bang namamatay o patuloy na yumayabong ang wikang Pangasinan lalo na


sa larangan ng panitikan? Ipaliwanag.
- Batay sa sanaysay ni Santillan, masasabi na ang wikang Pangasinan ay yumayabong
dahil isa sa mga halimbawa ay ang anlong o tula ng Pangasinan na nagpapatunay na
mayaman ito sa karanasan at buhay na buhay ang kahusayan sa pagpapabatid ng kultura
at mga ideyang kanilang kinagisnan. Isang patunay na patuloy na pamamayagpag ng tula
ng Pangasinan na ipinakita rin sa sanaysay ay ang koleksyon ng tatlong daan (300)
soneto, villanelle, at Magalion na maihahalintulad ito sa anyo at estilo ng mga tula sa
Tagalog.

3. May mga bagong kaisipan bang inilatag tungkol sa tulang Pangasinense ang sanaysay ni
Santillan?
- Ang kaisipang inilatag tungkol sa tulang Pangasinense ni Santillan ay ang dalumat na
buhay ang wika. Hindi lamang ito nalalapat sa Tagalog kundi pati na rin sa iba pang mga
dayalekto. Mahalagang maunawaan na ang bawat wika ay kumakatawan sa kakanyahan
at kultura ng mga tao. Dapat nating paalalahanan ang ating sarili tungkol sa epekto ng
iba't ibang uri ng komunikasyon na nakaapekto sa pamumuhay ng ibang tao.
Samakatuwid hindi natin dapat balewalain ang anumang anyo ng panitikan dahil ito’y
nagpapakita ng yaman ng sangkatauhang Pilipino.
4. Paano nilinang ng may-akda ang kaniyang argumento sa sanaysay?
- Nilinang ng may-akda ang kaniyang argumento sa paraan ng pagkokolekta, pagpapakita,
at pagpapaliwanag ng kaniyang datos; kasama dito ang koleksyon ng tatlong daan (300)
soneto, villanelle, at Magalio.

5. Ano ang himig o estilo ng sanaysay?


- Ang himig o estilo ng sanaysay ay sa anyong nangangatwiran sapagka’t isinuri niya ang
paksang buhay o patay ang wika ng Pangasinan sa pamamagitan ng pangongolekta ng
datos na kung saan pinag-aralan nya ang mga ebidensya na ito upang patibayin ang tindig
o panig ng kaniyang paksa sa tiyak na paraan sa pagbuo ng argumento o pangangatwiran.
ARALIN 2: “ANG DAGLI AT MAIKLING KWENTO”

Mga Gabay na Tanong sa Dagling Pagsasamantala ni Isaias G. Estrella:

1. Ano ang pinapaksa ng dagling pinamagatang Pagsasamantala?


- Pinapaksa ng dagling ito ang pagkasilaw ng tao sa mga material na bagay kahit pa ang
maging kapalit nito ay huwad na pag-ibig. Dahil na rin sa kahirapan ng buhay kumakapit
sa patalim ang sinomang tao upang sila’y makaranas na yumaman. Sa akdang ito kitang-
kita ang pagiging mapagsamantala ng ina at ng anak na si Tonia. Dahil sa pisikal na
ganda ni Tonya, marami ang nahuhumaling kaya naman siya’y nananamantala.

2. Paano inilarawan ang mga tauhan sa dagli?

a. Kalagayan sa buhay

Manuel – abogado, mayaman, bulutonggo, at halos lahat ng kapangitan ay taglay niya.


Tonia – magandang hamak ngunit ayaw mapaligaw sa isang mahirap.
Aling Tumasa - Siya ang ina ni Tonia na hindi nagmamalasakit sa hitsura ng mga
nanliligaw sa kanyang anak ngunit ang yaman lamang na maibibigay nila para sa kanya
at sa kanyang anak na babae.

b. Paniniwala

Manuel - Pinaniniwalaan ni Manuel na walang makaiibig sa kanya ay paunlak naman ng


paunlak hanggang mabundat niya ang mag-ina sa pagsasamantala nito sa kanyang bulsa.
Tonia – Siya ay nasisilaw sa salapi at sa katangian ng isang namimintuho.
Aling Tumasa – Naniniwala na ang kanyang anak na babae ay nararapat na makasama sa
isang lalaki anuman ang kanyang hitsura hangga't maaari siyang magbigay ng kayamanan
at karangyaan para sa kanilang dalawa.

c. Ugali

Manuel – lubhang desperado sa pag-ibig na mahihikayat niya ang parehong ina at anak
na babae gamit ang kanyang bulsa.
Tonia – may ugaling manghuhuthot na iibig sa kahit sinumang makakapagbigay sa kanya
ng kahit anong hinihiling nya.
Aling Tumasa - babaeng sakim na sinasamantala ang kanyang anak para sa kanilang
sariling pakinabang
3. Paano ipinahayag ang mga kulturang Pilipino na nakapaloob sa akda?
- Nakikita dito sa daglit na mararaming taong maghuhusga sa itsura ng tao, mayaman man
o mahirap. Kadalasan rin normal na kapag ang tao ay walang kagandahang katangian ay
masagana ito tuwing sya’y may kasintahan. May mga magulang pa rin sa lipunan natin
na naniniwala na ang pagiging matagumpay sa buhay ay nakabatay sa kayamanan ng
kanilang kapareha.

4. Paano sumasalamin sa ating lipunan ang akda?


- Sa lipunang ating kinatatayuan, kadalasan ang mas pinipili ng tao maging kasama ay
‘yung tao na pwedeng pakinabangan at ‘di niya iintindihin pag nagkaroon ng disgrasya at
kahirapan. Marami na ang mapuputi at dumadaan sa operasyon para gumanda,
tumangkad, tumangos ang ilong at kung anu-ano pa. Gumagastos talaga sila para sa
pagpupuri ng iba kahit mangutang pa sila basta’t gumanda at pakasalan ng mayayaman
na ang habol ay hindi totoong pag-ibig kundi ang mapagbulag na pisikal na kaanyuan
lamang.

5. Ano-anong mga suliraning panlipunan ang nakapaloob sa akda at paano ito mabibigyang
solusyon?

Ang mga suliraning tulad ng:

a. Panloloko sa mga mahihina

b. Pera lang ang solusyon sa lahat ng problema

Mag-ipon hindi lang pera kundi kabutihang loob para sa mga nangangailangan ng pag-aaruga
at atensyon.

Mga Gabay na Tanong sa Dagling Karera ni Jomar G. Adaya:

1. Ano ang pangunahing konsepto o kaisipan ng dagli?


- Ang pangunahing konsepto sa istoryang ito ay ang pagsasawalang bahala sa kahihiyan o
kapahamakan basta lang yumaman siya at mabili niya ang lahat ng luho sa buhay tulad sa
paghahabol sa kalapati.

2. Paano nakaimpluwensiya ang pamagat ng akda sa nilalaman nito?


- Ang bawat isa ay dapat may pangarap na nakamarka na sa utak niya: “ang maging
mahirap o mayaman balang araw.” Bilang tao nakararanas din tayong makipagkarerahan
upang marating ang “pinis layn” na may magandang buhay.
3. Iugnay ang dagli sa mga sumusunod:

a. Lipunan
- Kahit saang dako ng mundo, natural nasa lipunan ang ibig ng masaganang buhay, walang
kagutuman at walang utang.
b. Sosyo-ekonomiko
- Ipinanganak tayong may mayaman at mahirap. May pinanganak na ang pangarap ay
makapag-aral sa magagandang iskul. Samantalang ang iba ay pangarap lang makakain ng
keyk, makabili ng lapis, o papel.
c. Politika
- Ang politika ay ginawa upang pamahalaan ang mamamayan nang pantay-pantay. Isa
itong itinatag ng mga Griyego. Ano mang sistema ang itatag bastat may isang kuyap o
mangungulimbat sa kaban ng bayan ay mawawalang bisa ito at pirmeng malayo ang
agwat ng mayaman sa mahihirap.

4. Batay sa nabasang dagli, ipaliwanag ang pagkakapareho ng mananakbo at ng


manlalakbay.
- Ipinapakita nito na ang mananakbo na kulong sa kahirapan at utang at ang manlalakbay
na kulong sa iwi ng mananakbo ay parehas silang may gusto ng kalayaan ngunit parehas
din sila nakakulong sa kani-kanilang mga limitasyon.

5. Paano ginamit ang wika sa ganito kaiksing akda? Ipaliwanag.


- Gumamit ang may-akda ng “codes” at simbolo o mga mababaw na salita sa istoryang ito.
Ginawang kapanapanabik ang paggamit ng mga ito upang mahikayat ang mga
mambabasa.
Mga Gabay na Tanong sa Maikling Kuwentong Handog sa Kanyang Ina:

1. Anong pagkamulat ang ibinigay ng teksto sa iyo?


- Palaging magpasalamat sa kung ano ang meron ka at isipingmabuti ang sasabihin bago
ito ipahayag.

2. Ano ang pangunahing konsepto o kaisipan ng maikling kuwento?


- Ang pangunahing konsepto nito ay maging maingat sa kung ano ang sasabihin mo sa iba
dahil hindi natin talaga alam kung ano-ano ang mga pinagdaanan nila.

3. Paano nakaimpluwensiya ang pamagat ng akda sa nilalaman nito?


- Nakaimpluwensiya ang pamagat ng akda sa nilalaman nito sapagkat nakikita natin ang
mga pagsisikap na kaya ng mga anak. Natatanto tayo na hindi lang pala mga magulang
ang nagsasakripisyo kundi mga anak din nila ay marunong sa mga bagay na ito.

4. Iugnay ang maikling kwento sa mga sumusunod:

d. Lipunan - Sa lipunan, marami ang gumagastos ng mahal para magpapogi poynts sa iba,
lalo na sa social media. Ang iba malungkot na ‘di na nakabili ng grande sa Starbucks.
Lingid sa kanilang kaalaman na maraming masaya na kapag nakakain ng almusal na
lucky me noodles ang sampung anak.
e. Sosyo-ekonomiko - Kung ikukumpara natin ang mga resibo ng pinamili natin, baka wala
pa sa kalahati ng napamili ng isang naghihikahos. Malamang sa malamang pa lang ay
debote pa at espesyal na ristorante ang pinagbilhan ng isang may kaya. Ang hikahos ay sa
palengke lang namimili
f. Politika - Sa politika, isang propaganda lang ang makitang pagsambit ng isang politico sa
pagsagot sa iba’t ibang suliranin ng mga mahihirap upang makakuha sila ng boto mula sa
mga ito sa darating na eleksyon.

5. Sa iyong palagay, paano binuo ng may-akda ang bawat pahayag sa kuwento? Ipaliwanag
- Pasalaysay ang bawat pahayag sa kwento na kung saan ang karakter ay gumagawa,
nagsasabi, at nagdidikta. Sa paraang ito, mahihikayat na madali nang maunawaan ng
mambabasa ang paggamit ng makulay at simpleng mga salita.
Mga Gabay na Tanong sa Maikling Kuwentong Multo ng Isang Trahedya:

1. Naging matagumpay ba ang paggamit ng wika ng may-akda sa paglikha ng mga diyalogo


sa kuwento? Ipaliwanag.
- Opo. Dahil bawat diyalogo sa kuwento ay mabilis at kapanapanabik basahin hanggang sa
huli.

2. Ano ang pinapaksa ng maikling kuwento?


- Ang mga multo sa buhay ng tao dulot ng karanasan na ‘di maibaon sa limot kaya
nagiging sugat na ng alaala.

3. Paano inilarawan ang mga tauhan sa kuwento?

a. Kalalagayan sa Buhay - tulad ni Bong Baho na nagdarahop sa buhay ay nakagawa na ng


krimen upang maibsan ang kumakalam na sikmura.

b. Paniniwala - Paniniwala ni Shiela na makakapagtapos siya sa kolehiyo sa pagiging


working student

c. Ugali - Paniniwala ng may akda na may dahilan kung bakit nangyayari ang mga bagay
kaya hindi natin dapat husgahan agad-agad ang bawat isa.

4. Paano sumasalamin sa ating lipunan ang maikling kuwento?


- Sumasalamin sa ating lipunan ang maraming nasasangkot sa krimen dulot ng kahirapan.

5. Sang-ayon ka ba sa naging wakas ng kuwento? Ipaliwanag


- Sang-ayon ako sa wakas na open-ended dahil mabibigyan ng mambabasa ang katapusan
ng kwento sang-ayon sa gusto niyang “ending,” happy o sad ending.
ARALIN 3: “ANG TULA”

Mga Gabay na Tanong sa Tulang Napagawi Ako sa Mababang Paaralan:

1. Ano ang paksa ng tula?


- Ang paksa ng tula ay tungkol sa karpinterong hindi man nakapag-tapos sa Elementarya
ay siya namang tumapos sa mga problemang pagkumpuni sa mga sira-sirang kisame at
iba’t iba pang parte ng paaralang kanyang pinasukan noong siya’y bata pa.

2. Ang pagkakasulat ba nito ay ginamitan lamang ng mga salitang may literal na


kahulugan? Ipaliwanag.
- Bagaman ang ilang taludtod ay hindi nakasulat sa isang literal na kahulugan tulad ng
taludtod 30 na nagsasaad na "Nagpautang sa akin tanghali ng musmos na karanasan",
nakikita natin na ang tula na isinulat ay ginamit ng mga salitang literal na kahulugan
upang maintindihan ang pananaw ng persona. Ang kanyang diskarte sa pagpapahayag ng
kung ano ang kanyang pinag-iisipan kung ano ang pag-iisip sa isang hindi metapisiko na
paraa ay nagbigay sa mga mambabasa ng isang malinaw na pananaw sa kanyang mga
saloobin at karanasan habang siya ay patuloy na gumugunita sa nakaraan bilang isang
mag-aaral sa paaralang naatasan sa kaniya bilang isang mason.

3. Anong imahen ang ipinakita ng tula? Bakit?


- Makikitang malaking imahen ang edukasyon sa hinaharap kung ito’y isasagawa. May
sertipikasyon man o wala ngunit nakaukit ang munting natutunan ay sa puso ng
manggagawa malaking tulong ito sa hinaharap. Maging sino ka man, ano man ang
natapos mo ay tiyak mag-iiwan ito ng marka kapag pinagsikapan nang walang humpay.

4. Sa iyong palagay, sinunod ba ng manunulat ang proseso ng pagsusulat kaya siya


nakabuo ng ganitong uri ng tula? Ipaliwanag.
- Hindi po nasunod ang lahat ng proseso sa pagsusulat nitong uri ng tula. Hindi ito
ginamitan ng saknong, sukat, o pagpapantig. Walang indayog sa huling salita o hindi
tugma.

5. Sa iyong pananaw, ano ang kahalagahan ng pagsulat ng tula sa kasalukuyang panahon?


- Mahalaga ang pagsusulat ng tula lalo na sa panahon ngayon. Hindi lang ito nagbibigay ng
inspirasyon sa manunulat, ito rin ay nagpapalawak sa kaisipan at kagalakan sa parehong
gumawa ng tula at mambabasa o makikinig nito. Ang pagsusulat ng tula ay isang
talentong pagpipinta ng makulay sa isip at puso ng bawat isa.
Mga Gabay na Tanong sa Tulang In Memoriam:

1. Ano ang paksa ng tula?


- Ang paksa ay tumutukoy sa paggunita ng persona sa kanyang kakilala, kaibigan, kasama
na sumakabilang buhay.

2. Ang ang layunin ng may-akda? Naglalahad ba siya? Naglalarawan? Nagsasalaysay?


Nanghihikayat? Ipaliwanag.
- Nakikita natin na ang layunin ng tulang ito ay upang ilarawan sa mga mambabasa ang
karanasan ng persona sa loob ng bilangguan. Naglahad siya sa pamamagitan ng
pakwentong pangyayari ng kaniyang karanasan at damdamin. Naglarawan ng mga
kaganapan sa bilangguan na kaniyang nakita at naranasan.

3. Sino ang persona sa tula? Bakit?


- Ang persona sa tula ay isang bilanggo. Marami silang nakaranas ng pagaabuso sa loob ng
bilangguan. Kilala niya ang mga pangalan na nabanggit niya sa tula. Mga nangarap ng
kapayapaan ngunit mitsa pala iyon ng pagkapaslang sa mga kasama niya na humantong
sa kahindik-hindik at ‘di makatarungang pagkamatay.

4. Paano nilinang ng may-akda ang ideya niya sa kabuuan ng tula?


- Dahil sa malayang taludturang tula ay nalinang ng may-akda ang ideya sa pamamagitan
ng paggunita sa mga taong nasawi.

5. Paano ginamit ang wika? May mga hindi karaniwang paggamit ba ng mga salita? May
mga naitanghal bang kahulugan na lampas sa literal na antas? Ipaliwanag
- Ginamit ang wika sa pamamagitan ng patula. Meron pong hindi karaniwang paggamit ng
mga salita, tulad ng Anapora o paulit-ulit na salita. (Alang-alang may mga naitanghal na
kahulugan na lampas sa literal na antas tulad ng: Bulaklak ng tagumpay, uulan ng dugo,
tanglaw sa mabatong landas, at matalim na bituin.)

Mga Gabay na Tanong sa Tulang Gunita:

1. Ano ang paksa ng tula?


- Ang paksa ng tula ay sumisimbolo sa Kalayaan.

2. Sa paanong paraan ipinahayag ng may-akda ang temang nais niyang iparating sa


mambabasa?
- Ipinahayag ng may-akda ang temang nais niyang iparating sa mambabasa sa paraan ng
paggamit ng simbolismo.

3. Sa anong akda mo maiuugnay ang tulang nabasa?


- Maiuugnay ko ito sa akda ni Jose F. Lacaba na “In Memoriam”

4. Anong uri ng tula ang “Gunita” ni Mike L. Bigornia?


- Ito ay tulang liriko o tulang damdamin dahil ito’y nagpapahayag ng damdamin ng makata
batay sa kanyang karanasan o likha ng malikhaing guniguni.

5. Ano ang tono ng tula? Ipaliwanag.


- Naglalahad ng katuturan ng gunita punan ang kakulangan.
Mga Gabay na Tanong sa Tulang Makapili:

1. Para sa iyo, ano o sino ang tinutukoy na “Makapili” sa tula?


- Mga Pilipinong balimbing at tagaturo sa kalaban ng hapon dahil sa maliit na halaga.
Kabilang rin dito ang mga nagkukunwaring makabayan pero sa totoo’y kalaban upang
maitago ang pagiging gahaman sa kayamanan na galling sa masama.

2. Ano ang mensaheng nais ihatid ng tula?


- Ang mensahe ng tula ay ilahad ang problemang panlipunan.

3. Sang-ayon ka ba sa ideya o kaisipang inihatid ng may-akda?


- Opo. Maiuugnay ito sa kasalukuyang panahon.

4. Maiuugnay ba sa kasalukuyang panahon ang kaisipang inilahad sa tula? Magbigay ng


mga patunay.

Opo, maiuugnay ito sa kasalukuyang panahon dahil sa mga sumunusunod:

a. May mga opisyal na nakulong dahil sa sabong o pagsusugal at pandaraya sa eleksiyon


pero nakalaya na dahil sa marami nang kayamanang naipon.
b. May mga pedrino kaya naman hindi inalis sa pwesto kahit masama pa ang Gawain.
c. Hindi pantay-pantay na pagtrato sa mayayaman at mahihirap.

5. Naging mabisa ba ang mga salitang ginamit sa tula? Ipaliwanag.


- Opo dahil inilahad nito ang problemang panlipunan at pag-uugali ng mga Pilipino gamit
ang simbolismo.

Mga Gabay na Tanong sa Tulang Mga Lipaking Palad:

1. Bakit iniugnay ng may-akda sa lipaking palad ang mga manggagawa?


- Iniugnay ng may-akda sa lipaking-palad ang manggagawa kahit sobrang hirap ng gawain
ay kapiranggot pa rin ang sahod.

2. Ano ang naramdaman mo matapos mabasa ang tula?


- Awa at galit ang aking nararamdaman. Awa sa manggagawa at galit naman sa madayang
amo.

3. Sa iyong pananaw, nagtagumpay ba ang may-akda na ihatid ang mensaheng nais niyang
iparating sa mambabasa? Sa paanong paraan?
- Opo. Nagtagumpay ang may-akda. Naging daan ang mensahe sa tula sa kasalukuyang
kalagayan ng mga trabahador tulad ng mababang pasahod at mababang uri ng
pamumuhay.
4. Ano ang implikasyon ng tula sa pagtingin mo sa mga manggagawa?
- Kilalanin, respetohin, at taasan ang sweldo ng mga manggagawa sa konstruksiyon.

5. Magbigay ng limang problema na kinahaharap ng mga ordinaryong manggagawa sa


kasalukuyan.

- Maabang pasahod kahit doble ang trabaho ng mga mason at karpintero.


- Kulang ang protektib gir (protective gear.)
- Walang pabahay.
- Kulang ang benepisyong pang medical.
- Hindi pagbibigay ng ‘Hazard Pay.’

Mga Gabay na Tanong sa Tulang Awit ng Maliliit:

1. Ano-ano ang mga hinaing ng mga maliliit ang inilahad sa tula?


- Kumakalantog ang pinggan.
- Kumakalam ang sikmura.
- Namimilipit sa sakit.
- Unti-unting pinapatay.
- Sukdulang walang patlang.

2. Paano nasolusyonan ng persona ang kanyang hinaing na isinaad sa tula?


- Nanawagan siyang magsabay-sabay sa lahat ang panig dahil oras na ng pagtutuos o
pagsigaw sa gobyernong walang pandinig.

3. Bilang isang mag-aaral, ano ang nakikita mong kasagutan na maaaring gawin para sa
paglutas ng problemang inilahad sa tula.
- Iboto ang taong may-awa at matulungin sa maliliit na mamamayan para unahin silang
tulungan o kaya’ mag-aaral ako at mag-iipon upang makatulong sa lipunan.

4. Anong mensahe ang inilahad ng tula para sa mambabasa?


- Huwag umasa sa gobyerno lang. Magkaisa tayo upang matulungan ang totoong
nangangailangan na walang kapalit na ayuda o pwesto sa gobyerno.

5. Ano ang implikasyon ng tulang ito sa iyo bilang isang mamamayang kabilang sa isang
lipunan?
- Huwag magkibit ng balikat. Ipahayag ang saloobin. Tumulong at magsumikap upang
umunlad ang lipunan.
ARALIN 4: “ANG DULA”

Mga Gabay na Tanong sa Dula ni Rene O. Villanueva:

1. Ano-ano ang iba’t ibang suliraning kinaharap ng pangunahing tauhan?


- Sa dinami-dami ng suliraning hinaharap ng pangunahing persona na ayon sa politika
ay wala ring nabago tulad sa paghahango sa kahirapan. Marami pa rin ang mahirap at
tsismis ang prayoridad.

2. Sumasang-ayon ka ba sa ginawang solusyon ng pangunahing tauhan sa kanyang mga


suliranin? Bakit?
- Hindi ako sang-ayon sa paraan ng paglutas sa problema ng persona subalit hindi ko
sya sinisisi sa ginawa niya. Sa kabila ng mga kakila-kilabot na mga kaparaanang
ginawa niya sa huli, isipin natin kung ano kaya kapag hindi siya tumira sa klaseng
pamahalaan na pinapabayaan lang ang mga mahihirap.

3. Ano ang ideya ng may-akda hinggil sa pagiging isang dakilang mamamayan?


- Ang nais ipakita ng may-akda hinggil sa pagiging isang "dakilang mamamayan" ay
ang mga sakripisyo na handang magtiis sa kabila ng lahat ng mga problemang
nagaganap sa lipunan at ang marurunong tanggihan sa kanilang mga tuksong
nakakasira sa kabuhayan ng marami.

4. Ano ang naramdaman mo matapos mabasa ang dula? Ipaliwanag.


- Bilang isang mag-aaral na ngayon lang nadediskubre ang klase ng mundong aking
kinagagalawan, hindi na kakaiba ang mga ganitong pangyayari na paulit-ulit na
nangyayari mula’t sapul. Nabasa ko na rin ang maraming istoryang tulad nito at
nakakabahala ang mga ganitong desisyon para lang maibsan ang hirap na dinaranas.
Sa aking pag-upo habang nagsusulat nito, batid kong marami ang nagugutom
samantalang ako dismayado sa lasa ng iniinom kong kape. Tinanong ko ang aking
sarili kung makakatulong ba ako sa hinaharap nating krisis bagama’t hindi lamang
tayo ang nag-iisang bansa sa mundo ang nakararanas ng ganitong mga problema.

5. Ano ang implikasyon ng dulang ito sa iyo bilang isang Pilipino, bilang isang
mamamayang naninirahan sa Republika ng Pilipinas?
- Bilang isang Pilipino, kailangan kong maging mapanuri, matalino, makatao, at hindi
papasilaw sa mga material na bagay.
Mga Gabay na Tanong sa Dula ni Romeo P. Peña:

1. Sa ano-anong katangian nagkakatulad at nagkakaiba ang Hawaii sa Pilipinas?


- Makikita natin na ang Pilipinas at Hawaii ay may halong naninirahang mga Bisaya,
Tagalog, at Ilokano. May mga tindahan din sila ng Jollibee, Goldilucks, at Red
Ribbon. Pareho ring nakapagsasalita ng Ingles. Ang agrikultura ang pangunahing
kinabubuhay nila. May mga pagkakaiba rin sila tulad ng Pambansang Awit. Si
Ferdinand Magellan na Portugese ang nakadiskubre sa Pilipinas samantalang si
Captain James Cook na isang British explorer ang nakadiskubre sa Hawaii.

2. Bakit mahalaga na hindi makalimutan ang nakaraan o ang pinamulang lugar ng isang tao
katulad ng inilahad ng mga pangunahing tauhan sa dula?
- Kailangan nating pag-aralan ang ating nakaraan at kung saan tayo nagmula sapagkat
mahalagang malaman ang tungkol sa ating kasaysayan at ang ating pangunahing
pagkakaiba-iba ng tao upang maunawaan kung paano umunlad at umusbong ang mga
Pilipino.

3. Nagtagumpay ba ang may-akda na ihatid ang mensaheng nais niyang iparating sa


mambabasa? Sa paanong paraan?
- Opo, sa paraan ng paggamit ng "conversational" upang maka-relate o maintindihan
ang mga sinasabi ng mga tauhan. Ang paggamit din ng higit sa isang wika (Filipino,
Hawaiian, at Ingles) ay naging mas nakakumbinsi tungkol lugar kung saan
natatagpuan ang kwento.

4. Ano ang kahalagahan ng dulang ito sa tulad mong Pilipino?


- Matapos basahin ang dula na ito, mahusay na makikita kung gaano kalayo nakarating
ang mga Pilipino. Nasanay tayo na makita ang ating bansa na palaging humaharap sa
korapsiyon at palaging third-world country ang tingin. Ang pag-unlad ng ating mga
kababayan ay pruweba na marurunong tayo kaya dapat nating ipagmalaki ang ating
mga nakamit natin bilang mamamayang Pilipino.

5. Bilang isang Pilipino paano mo maipagmamalaki ang iyong lahi?


- Sa palagay ko magiging epektibo ito kung pag-aaralan natin nang higit pa ang
tungkol sa ating kasaysayan upang mailalapat natin ito sa hinaharap ng bagong
henerasyon. Sa kabila ng ating mga suliranin sa pamahalaan at lipunan, hindi natin
maitatanggi na ang ating bansa ay mayaman sa kasaysayan. Dapat nating ipagmalaki
ang pagiging kayumanggi at ng iba`t ibang mga wikang Pilipino at gamitin ang mga
ito upang lampasan kung sino tayo noon at kung sino tayo ngayon.
ARALIN 5: “ANG TALUMPATI”

Mga Gabay na Tanong sa Talumpati ni Pangulong Pangulong Joseph Ejercito Estrada:

1. Ano-ano ang mga suliraning binanggit ng Pangulo sa kaniyang talumpati?


- Ang talumpati ni Pangulong Joseph Estrada ay tungkol sa korapsyon at problema sa
pagkakakitaan na kung saan ay marami nang sector ang nalulugi. Pinapatay ang mga
may kakayahang tumulong sa industriya. Ang iba naman, tulad ng mga nasa
pamahalaan at pulisya, ay kumakanlong sa mga criminal.

2. Paano inilatag ni Pangulong Estrada ang kanyang mga plataporma sa kanyang talumpati?
- Ilinatag ni Pangulong Estrada ang kanyang plataporma sa paraang pagsusulong sa
pag-angat ng bansa sa kinakaharap na krisis tulad ng pagaalam kung ano ang
kakayanan at kahinaan ng bawat isa. Hindi lahat ay kayang tulungan at umasa lang sa
gobyerna Pinangako niyang gagawin niya ang makakaya niya upang sugpuin ang
korapsyon sa Pilipinas, gaya ng PACC o ang “Presidential Anti-Corruption
Commission” na kaniyang matagumpay na nilabanan ang mga malalaking negosyante
na nagpahirap sa maraming Pilipino

3. Ano ang reaksyon mo hinggil sa mga platapormang ipinahayag sa talumpati?


- Tunay akong namangha ang kaniyang plataporma lalo na’t direktang sakop nito ang
mga ekonomiya, kriminal, at mga mahirap na matagal nang dumadaing. Kahit naman
sino ay mabibighani sa galing niya sa kanyang inihaing talumpati.

4. Ano ang mahalagang bagay na natutuhan mo sa talumpati? Bakit?


- Natutunan kong makikita sa gawa ng tao ang totoong sinasabi nito kesa puro salita
ngunit walang gawa. Hindi malilingid na marami syang nagawa sa kanyang termino
gayung nakapagsilbi lamang siya ng dalawang taon at pitong buwan. Ang salita ay
makapangyarihan kahit na sinuman at saan ka man nanggaling. Magtatagumpay ang
kahit na sino sa pagiging matalino sa pamamaraan ng salita ngunit puno ng
kapangyarihan na uukit sa puso ng karamihan.

5. Nakatulong ba ng malaki ang mga pananalitang ginamit sa talumpati upang mahikayat


ang mga nakikinig o mambabasa?
- Sa talumpating puso ng pag-asa, tiyak na papuri ang kanyang matatanggap mula sa
mambabasa at tagapakinig. Kumbaga, nakuha niya ang kiliti ng nakararami. Iskripted
man na maituturing pero sa oras na saktong may krisis ay masasabing iyong salitang
binitiwan niya ang nagpagaan sa problemang hinaharap ng mamamayan. Iyon ang
naging armas niya upang magupi ang kahirapan at gamutin ang sugat na dama ng tao
noong panahon niya. Mababaw na salita ngunit makapangyarihan na parang mahika
sa damdamin sa sambayanang Pilipino na “Erap para sa mahirap” at may pag-asa
para umunlad ang Pilipinas.

Mga Gabay na Tanong sa Talumpati ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III:

1. Sa iyong palagay, paano nakatulong ang wikang ginamit ng may-akda upang ipahayag
nang malinaw ang mensahe ng talumpati?
- Sa kaniyang talumpati na puno ng pangako sa mga sapat lang ang kabuhayan, marami
rin ang natuwa sa kaniyang pagbabatid na siya rin ay naranasan ng mga problema ng
mamamayang Pilipino. Ito ay humikayat sa mga taga-pakinig at naging pag-asa natin
sa mga suliranin ng lipunan.

2. Ano ang pagkakatulad o pagkakaiba ng talumpati sa naunang talumpating binasa?


- Ang pagkakaiba nito sa una ay may pagbabalang sinabi ni Erap na kung saan ay
nakaka-intriga sa mga Pilipino sapagka’t nakumbinsi sila sa kapangyarihan ni Erap.
Samantalang ang dating ng talumpati ni Pangulong Aquino ay mahinahon at
tradisyunal. Pinahayag din ni Erap ang mga limitasyon ng kaniyang plataporma tulad
ng pagkasabi niyang “hindi mapapakain ang pamunuan ang lahat”. Binanggit din ni
Erap na dapat kalimutan ang dating mga nagawa niya at mag-focus sa kung ano
gagawin nya bilang Presidente. Si Aquino naman ay ipinaalala sa mamamayan ang
mga inambag ng kaniyang pamilya sa nakaraan. Ang pagkakatulad ng mga talumpati
nila ay inilahad ang kanilang mga plataporma at kung ano ang magagawa nila bilang
Pangulo.

3. Paano ipinakita ng may-akda ang kanyang ideya ukol sa pagbabagong hatid ng bagong
pamunuan?
- Si Pangulong Aquino ay nagpakitang ramdam at experiyensadong tao siya tulad ng
naranasan ng iba. Gusto niyang tanggalin ang harang na naghihiwalay sa kanya at sa
mga tao. Gusto niya ng pagbabago at huwag lang umasa ang tao sa gobyerno.
Pinangako niyang tayo ang prayoridad niya at utang na loob niya sa mamamayan ang
pagkakaluklok niya sa pwesto. Kasama raw niya ang sambayanan sa pagsugpo sa
problema ng bansa.

4. Paano nagpahayag ang mananalumpati? Naglahad ba siya? Nagsalaysay? Naglarawan?


Nanghikat? Nangatuwiran? Ipaliwanag.
- Nagpahayag ang mananalumpati sa paraan ng PAGHIHIKAYAT. Katulad na lamang
ng mga talumpati na narinig natin sa mga dating president, layunin nil ana bigyan
tayo ng pagasa at paniniwala na lahat ng kanilang pangako noong nangangampanya
pa lamang sila at mangyayari at matutupad.
5. Ano ang epekto sa iyo ng talumpating iyong binasa? Bakit?
- Ang isang malaking kadahilanan na nakatulong sa Talumpati ni Pangulong Aquino ay
ang kamalayan niya sa paulit-ulit ng mga pangako mula sa mga dating pangulo.
Nagsawa ako sa mga talumpating binibigkas ng mga pangulo dahil sa walang
pagbabago sa agwat ng mga mahirap sa mayaman. Hindi ako makikinig sa kung ano
gagawin nila ngunit oobserbahan ko lamang ang mga “gagawin” nila kung magagawa
ba talaga nila.

You might also like