You are on page 1of 12

Depinisyon ng Wikang Ayon sa Iba’t-Ibang Manunulat

Ano ang Wika?


Ang salitang wika ay nagmula sa salitang Latin sa lengua, na ang literal na kahulugan ay “dila”, kayat ang
magkasingtunog ang dila at wika. Ito raw ay simbolong salita ng mga kaisipan, saloobin, behikulo o paraan ng
paghahatid ng ideya, opinion, pananaw, lohika o mga kabatirang ginagawa sa proseso na maaring pagsulat o
pasalita.

Ayon sa pagpapahayag ni Constantino, isang dalubwika, ang wika ay maituturing na behikulo ng


pagpapahayag ng damdamin, isang insrumento rin sa pagtatago at pagsisiwalat ng katotohanan.

Ang wika ay kasangkapan ng ating pulitika at ekonomiya. Ang mabisang paggamit nito ang nagpapakilos sa
tao at nagagawang manipulahin ang mali at tama sa lipunang ating kinabibilangan.

Ayon kay Randy S.David sa kombesyon ng Sangfil na nalathala sa Daluyan, Tomo VII – Bilang 1-2 journal ng
Sentro ng Wikang Filipino kalian man ay di magiging nyutral o inosenteng larangan ang wika.

Ayon kay Whitehead, isang educator at Pilosopong Ingles: Ang Wika ay kabuuan ng kaisipan ng lipunang
lumikha nito; bawat wika ay naglalaman ng kinaugaliang palagay ng lahing lumikha nito. Ito raw ay salamin ng lahi at
kanyang katauhan.

Sa depinisyon ni Gleason: Ang wika ay masistemang balangkas. Lahat ng wika ay nakabatay sa tunog na
kung tawagin ay ponema, na ang maagham na pag-aaral nito ay tinatawag na ponolohiya. Kapag ang ponema ay
pinagsama-sama maaaring makabuo ng maliliit na yunit ng salita na tinatawag na morpema. Sintaksis ang tawag sa
makaagham na pinagugnay-ugnay na mga pangungusap. Diskors, kapag nagkaroon ng makahlugang palitan ng
dalawa o higit pang tao.

Sa paliwanag ni Ngugi Ihiong (1987) isang Aprikanong manunulat: Ang wika ay kultura. Isa itong konektibong
kaban ng karanasan ng mga tao at ng kasaysayan ng wika. Dahil sa wikang nakatala sa mga aklat pangkasaysayan at
panliteratura, nagkikita ng bayan ang kanyang kultura na natutuhan nitong angkinin at ipagmalaki.

Ayon kay San Buenaventura (1985): “Ang wika ay isang larawang binibigkas at isinusulat. Isang kahulugan,
taguan, imbakan o deposito ng kaalaman ng isang bansa.” Isang ingat-yaman ng mga tradisyong nakalagak ditto, sa
medaling salita ang wika ay kaisipan ng isang bansa kaya’t kailanman itoy tapat sa pangangailangan at mithiin ng
sambayanan. Taglay nito ang haka-haka at katiyakan ng isang bansa.

Ang wika ayon kay Chomsky (1957), isang prosesong mental. May unibersal na gramatika at mataas na
abstrak na antas; may magkatulad na katangiang linggwistik.

Sa pagpapaliwanag ni Hymes (1972), nangangahulugan itong isang buhay, bukas sa sistema ang wika na
nakikipagnteraksyon. Binabago at bumabago sa kapaligiran bilang bahagi ng kultura ng grupong gumagamit nito. Isa
itong kasanayang panlipunan at makatao.

Sa pagtalakay ni Halliday(1973)may gamit na instrumental ang wika. Tumutulong ito sa mga tao upang
maisagawa ang mga bagay na gusto niyang gawin. Nagagamit ang wika sa pagpapangalan, verbal na pagpapahayag,
pagmumungkahi, paghingi, pag-uutos,at pakikipag-usap.

Ayon kay Hayakawa,may tatlong gamit angn wika : 1. Pagbibigay ng impormasyon tungkol sa tao bagay at
maging sa isang magaganap na pangyayari. 2. Ito ay nag-uutos. 3. Ito ay nagseset-up o saklaw ang mag kahulugan.
Ayon kay Haring Psammatikos, ang wika ay sadyang natutuhan kahit walang nagtuturo ay naririnig. Ang
naging batayan, ipinadala niya ang dalawang sanggol sa malayong lugar na walang nakikita at naririnig. Ang unang
salitang binibigkas ay “bekos”, ang ibig sabihin ay “tinapay”.

Sa pag-aaral ni Charles Darwin nakasaad sa aklat ni Lioberman (1957) na amy pamagat na “THE ORIGIN OF
LANGUAGE” ang pakikipagsapalaran ng tao para mabuhay ay may nagtuturo sa kanya uoang makalikha ng iba’t-
ibang wika.

Ayon kay Plato, isang pilosopong Griyego, ang wika ay nabubuo ayon sa batas ng pangangailangan ng tao na
may mahiwagang kaugnayan sa kalikasan at ng mga kinatawan nito. Naniniwala naman ang mga siyentipiko na ang
wika ay nagmula sa homo sapiens o mg unang tao.

Sa pananaw ni Rene Descartes, ang wika ay nagpapatunay na ang tao ay iba-iba. Ang mga hayop ay maaring
nakaiintindi, katulad ng kalawakan ng isip at pag-unawa ngntao.

May paniniwala rin ang kauna-unahang wika na ginamit sa daigdig ay ang linggwahe ng mga Aramean. Sila
ang sinaunang tao na naninirahan sa Syria at Mesopotamia. Tinatawag na Aramaic ang kanilang wika. Ang wikang
Aramaic na nabibilang sa angkan ng Afro-Asiatic sa timog ng Africa at hilagang-kanluran ng Asya at kasama ang
pangkat ng Semitik, ay ang linggwaheng ginagamit ni Hesukristo at ang kanyang mga disipulo. Sa wikang ito unang
sinulat ang Bibliya. Noong dumating ang kalagitnaan ng ika-8 siglo, ipinalalagay na ang lingwahe’y nagmula sa
Herbrew, anong orihinal na wika Bibliya.

Batayang Kaalaman sa Wika

Kahulugan ng wika

Hindi maitatanggi sa mga tao dito sa mundo ang kahalagahan ng wika. Ito ang naging daan upang maibahagi sa
isa’t isa ang kani-kanilang mga ninanais at niloloob. Ayon kina Espina at Borja (1999:1), ang wika ay isang
mahalagang kasangkapan upang maipahayag ng tao ang kanyang damdamin at kaisipan. Ang kakayahan sa
paggamit ng wika na nasasalig sa isipan, damdamin at kilos ng tao ay resulta ng isang dinamikong prosesong bunga
ng kanyang karanasan—kabiguan, tagumpay, pakikipagsapalaran at maging ng kanyang mga pangarap at mithiin.

Kung hindi maipahahayag ng tao ang kanyang mga ideya at niloloob, anong uri kaya ng lipunan mayroon tayo?
Walang makabuluhang gawaing pantao ang maaaring maganap kung hindi niya maipababatid ang kanyang iniisip
gayon din kung hindi niya mauunawaan ang nais ipahayag ng iba.

Ano nga ba ang wika? Bakit ito’y totoong napakakomplikado at tunay na may kapangyarihan? Ilan lang ito sa mga
katanungan na hindi karaniwang pinag-iisipan o ipinaliliwanag dahil seguro sa pagiging natural lang sa tao ang
pagkatuto, pagkakaroon at tuluyang paggamit ng kanyang wika mula pagkabata. Ito ay kung wala siyang naging
kapansanan para hindi matuto ng wika o kaya’y para matigil ang kanyang paggamit ng wikang kinagisnan.

Ang mga dalubhasa ay may iba’t ibang pakahulugan sa wika.

Ayon kay Edward Sapir, ang wika ay isang likas at makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan,
damdain at mithiin sa pamamagitan ng isang kusang-loob na kaparaanan na lumikha ng tunog.

Si Carroll (1964) ay nagpapahayag na ang wika ay isang sistema ng mga sagisag na binubuo at tinatanggap ng
lipunan. Ito ay resulta ng unti-unting paglilinang sa loob ng maraming dantaon at nagbabago sa bawat henerasyon,
ngunit, sa isang panahon ng kasaysayan, ito ay tinutukoy na isang set ng mga hulwaran ng gawi na pinag-aaralan o
natutuhan at ginagamit sa iba’t ibang antas ng bawat kasapi ng pangkat o komunidad.
Ayon kay Todd (1987) ang wika ay isang set o kabuuan ng mga sagisag na ginagamit sa komunikasyon. Ang
wikang ginagamit ng tao ay hindi lamang binibigkas na tunog kundi ito’y sinusulat din. Ang mga tunog at sagisag na
ito ay arbitraryo at sistematiko. Dahil dito ay ayon sa kanya, walang dalawang wikang magkapareho bagamat bawat
isa ay may sariling set ng mga tuntunin.

Ayon din kay Archibald A. Hill sa kanyang papel na What is Language? Ang wika raw ay ang pangunahin at
pinakaelaboreyt na anyo ng simbolikong gawaing pantao. Ang mga simbolong ito ay binubuo ng mga tunog na
nalilikha ng aparato sa pagsasalita at isinasaayos sa mga klase at pattern na lumilikha sa isang komplikado at
simetrikal na istruktura. Ang mga simbolong ito ay mayroon ding kahulugang arbitrayo at kontrolado ng lipunan.

Marami pang mga kahulugan ang mailalahad ng mga dalubhasa tungkol sa wika. At ang mga kahulugang ito ay
maiisa batay sa kahulugang ibinigay ni Gleason tungkol sa wika. Ayon sa kanya, ang wika raw ay masistemang
balangkas ng sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong
kabilang sa isang kultura.

Ang wika'y kasangkapang ginagamit ng lahat ng uri o antas ng tao sa lipunan. Nagagamit ito sa iba't -ibang
aspekto ng pamumuhay ng tao; pang-ekonomiya, pangrelihiyon, pampulitika, pang-edukasyon at panlipunan. Ang
wika'y nawawala atnamamatay kung nauubos o umuunti ang minoryang pangkat na gumagamit ng nasabing wika
ngunit patuloy naman itong lumalaganap, umuunlad at nagbabago kasabay ng pag-unlad ng mayoryang pangkat na
gumagamit nito.

Ang Wika ayon kay Dr. Jose Villa Panganiban, ay paraan ng pagpapahayag ng kuru-kuro at damdamin a
pamamagitan ng mga salita upang makipag-unawaan sa kapwa-tao. Ito ay binubuo ng mgasalita, parirala, at
pangungusap na may kahulugan.

Ayon naman sa isang dalubwikang si Gleason, ang wika ay sistematikong balangkas ng isinatinig na mga
tunog na pinili at isinagawa sa pamamaraang arbitraryo upang magamit sa pakikipagtalastasan ng mga taong
nabibilang sa isang kultura. Arbitraryo, na ang ibig sabihin ay hindi na pinagtatalunan at samakatuwid
pinagkasunduan na gamitin na lamang.

Ayon sa isang pilosopong Ingles na si John Locke, ang wika ay arbitaryong walang kahulugan kundi
naglalaman ng ideya sa pagiisip ng tao.

Ano ang mga pangunahing wika sa Pilipinas?

Bilang tugon sa implementasyon ng DepEd Order No. 74, s. 2009 o ang Pagsasainstitusyon ng Edukasyong
Multilingguwal na Batay sa Katutubong Wika, isinapanahon ng Kagawaran ng Edukasyon ang talaan ng mga
pangunahing wika ng Pilipinas (DepEd Order No. 16, s. 2012) na kinabibilangan ng:

Tagalog, Kapampangan, Ilocano, Bikol, Cebuano, Hiligaynon, Pangasinan, Waray (Samar-Leyte), Tausug,
Maguindanaoan, Maranao at Chabacano.

Ilan ang kabuuang bilang ng mga wika sa Pilipinas at ano ano ito?

Ang Pilipinas alinsunod sa pinakahuling pag-aaral na isinagawa ng Summer Institute of Linguistics (SIL) ay may 181ng
buhay na wikang sinasalita sa Pilipinas, 171 sa mga ito ang katutubo (indigenous) habang sampu (10) naman ang
itinuturing na hindi katutubo (immigrant) (Lewis, 2009). Kung titingnan ang pagkakaiba-iba ng mga ito batay sa
Greenberg’s diversity index, tinatayang 0.855 ang diversity index ng mga WP o katumbas ng 96% diversity coverage.
Ibig sabihin, sadyang magkakaiba ang mga wikang ito at tinatayang bawat dalawang tao sa populasyon ang
makapagsasabi na mayroon silang magkaibang katutubong wikang sinasalita.
Mga teorya ng pinagmulan ng wika
Maraming haka-haka tungkol sa pinagmulan ng wika. Bukod sa dami-daming teorya ng iba’t ibang tao hindi
pa rin maipaliwanag kung saan, paano at kailan talaga nagsimula ang wika. Tinatanggap ng
mga dalubwika na hanggang sa ngayon ay wala pa ring katiyakan ang iba’t ibang teorya tungkol sa
pinagmulan nito. Isa itong palaisipang hanggang sa kasalukuyan ay hinahanapan ng patunay subalit
nananatili pa ring hiwaga o misteryo.
Teorya ang tawag sa siyentipikong pag-aaral sa iba’t ibang paniniwala ng mga bagay-bagay na may mga
batayin subalit hindi pa lubusang napapatunayan. Iba’t ibang pagsipat o lente ang pinanghahawakan ng
iba’t ibang eksperto. Ang iba ay siyentipiko ang paraan ng pagdulog samantalang relihiyoso naman sa iba.
May ilang nagkakaugnay at may ilan namang ang layo ng koneksiyong sa isa’t isa. Narito ang iba’t ibang
teorya ng wika sa tulong ng talahanayan.
Tore ng Babel
Batay sa istorya ng Bibliya, iisa lang ang wika noong unang panahon kaya’t walang suliranin sa
pakikipagtalastasan ang tao. Naghangad ang tao na higitan ang kapangyarihan ng Diyos, naging
mapagmataas at nag-ambisyong maabot ang langit, at nagtayo ng pakataas-taas na tore. Mapangahas at
mayabang na ang mga tao, subalit pinatunayan ng Diyos na higit siyang makapangyarihan kaya sa
pamamgitan ng kaniyang kapangyarihan, ginuho niya ang tore. Ginawang magkakaiba ang Wika ng bawat
isa, hindi na magkaintindihan at naghiwa-hiwalay ayon sa wikang sinasalita. (Genesis kabanata 11:1-8)
Bow-wow
Ayon sa teoryang ito, maaaring ang wika raw ng tao ay mula sa panggagaya sa mga tunog ng kalikasan.
Ang mga primitibong tao diumano ay kulang na kulang sa mga bokabularyong magagamit. Dahil dito, ang
mga bagay-bagay sa kanilang paligid ay natutunan nilang tagurian sa pamamagitan ng mga tunog na
nalilikha ng mga ito. Marahil ito ang dahilan kung bakit ang tuko ay tinatawag ng tuko dahil sa tunog na
nalilikha ng nasabing insekto. Pansinin ang mga batang natututo pa lamang magsalita. Hindi ba’t
nagsisimula sila sa panggagaya ng mga tunog, kung kaya’t ang tawag nila sa aso ay aw-aw at sa pusa
ay miyaw. Ngunit kung totoo ito, bakit iba-iba ang tawag sa aso halimbawa sa iba’t ibang bansa gayong
ang tunog na nalilikha ng aso sa Amerika man o sa Tsina ay pareho lamang?
Ding-dong
Kahawig ng teoryang bow-bow, nagkaroon daw ng wika ang tao, ayon sa teoryang ito, sa pamamagitan ng
mga tunog na nalilikha ng mga bagay-bagay sa paligid. Ngunit ang teoryang ito ay hindi limitado sa mga
kalikasan lamang kungdi maging sa mga bagay na likha ng tao. Ayon sa teoryang ito, lahat ng bagay ay
may sariling tunog na siyang kumakatawan sa bawat isa at ang tunog niyon ang siyang ginagad ng mga
sinaunang tao na kalauna’y nagpabagu-bago at nilapatan ng iba’t ibang kahulugan. Tinawag din ito ni Max
Muller na simbolismo ng tunog.
Pooh-pooh
Unang natutong magsalita ang mga tao, ayon teoryang ito, nang hindi sinasadya ay napabulalas sila
bunga ng mga masisidhing damdamin tulad ng sakit, tuwa, sarap, kalungkutan, takot, pagkabigla at iba pa.
Pansinin nga naman ang isang Pilipinong napapabulalas sa sakit. Hindi ba’t siya’ y napapa-Aray!
Samantalang ang mga Amerikano ay napapa-ouch! Ano’ng naibubulalas natin kung tayo’y nakadarama ng
tuwa? Ng sarap? Ng takot?
Yo-he-ho
Pinaniniwalaan ng linggwistang si A.S. Diamond (sa Berel, 2003) na ang tao ay natutong magsalita bunga
diumano ng kanyang pwersang pisikal. Hindi nga ba’t tayo’y nakalilikha rin ng tunog kapag tayo’y nag-
eeksert ng pwersa. Halimbawa, ano’ng tunog ang nililikha natin kapag tayo’y nagbubuhat ng mabibigat na
bagay, kapag tayo’y sumusuntok o nangangarate o kapag ang mga ina ay nanganganak?
Yum-yum
Katulad ng teoryang ta-ta, sinasabi rito na ang tao ay tutugon sa pamamagitan ng pagkumpas sa alinmang
bagay na nangangailangan ng aksiyon. Ang pagtugong ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng bibig ayon
sa posisyon ng dila. Katulad halos ng teoryang ta-ta ang paliwanag ng mga proponent ng teoryang ito sa
pinagmulan ng wika.
Ta-ta
Ayon naman sa teoryang ito, ang kumpas o galaw ng kamay ng tao na kanyang ginagawa sa bawat
partikular na okasyon ay ginaya ng dila at naging sanhi ng pagkatuto ng taong lumikha ng tunog at
kalauna’y nagsalita. Tinatawag itong ta-tana sa wikang Pranses ay
nangangahulugang paalam o goodbye sapagkat kapag ang isang tao nga namang nagpapaalam ay
kumakampay ang kamay nang pababa at pataas katulad ng pagbaba at pagtaas na galaw ng dila kapag
binibigkas ang salitang ta-ta.
Sing-song
Iminungkahi ng linggwistang si Jesperson na ang wika ay nagmula sa paglalaro, pagtawa, pagbulong sa
sarili, panliligaw at iba pang mga bulalas-emosyunal. Iminungkahi pa niya na taliwas sa iba pang teorya,
ang mga unang salita ay sadyang mahahaba at musikal, at hindi maiikling bulalas na pinaniniwalaan ng
marami.
Hey you!
Hawig ito ng teoryang pooh-pooh. Iminungkahi ng linggwistang si Revesz na bunga ng interpersonal na
kontak ng tao sa kanyang kapwa tao ang wika. Ayon kay Revesz, nagmula ang wika sa mga tunog na
nagbabadya ng pagkakakilanlan (Ako!) at pagkakabilang (Tayo!). Napapabulalas din tayo bilang
pagbabadya ng takot, galit o sakit (Saklolo!). Tinatawag din itong teoryang kontak.
Coo Coo
Ayon sa teoryang ito, ang wika ay nagmula sa mga tunog na nalilikha ng mga sanggol. Ang mga tunog
daw na ito ang ginaya ng mga matatanda bilang pagpapangalan sa mga bagay-bagay sa paligid, taliwas
sa paniniwala ng marami na ang mga bata ang nanggagaya ng tunog ng mga matatanda.
Babble Lucky
Ayon sa teoryang ito, ang wika raw ay nagmula sa mga walang kahulugang bulalas ng tao. Sa
pagbubulalas ng tao, sinuwerte lamang daw siya nang ang mga hindi sinasadya at walang kabuluhang
tunog na kanyang nalikha ay naiugnay sa mga bagay-bagay sa paligid na kalaunan ay naging pangalan ng
mga iyon.
Hocus Pocus
Ayon kay Boeree (2003), maaaring ang pinanggalingan ng wika ay tulad ng pinanggalingan ng mga
mahikal o relihiyosong aspeto ng pamumuhay ng ating mga ninuno. Maaari raw kasing noo’y tinatawag ng
mga unang tao ang mga hayop sa pamamagitan ng mga mahikal na tunog na kalaunan ay naging
pangalan ng bawat hayop.
Eureka!
Sadyang inimbento ang wika ayon sa teoryang ito. Maaari raw na ang ating mga ninuno ay may ideya ng
pagtatakda ng mga arbitraryong tunog upang ipakahulugan sa mga tiyak na bagay. Nang ang mga ideyang
iyon ay nalikha, mabilis na iyong kumalat sa iba pang tao at naging kalakaran sa pagpapangalan ng mga
bagay-bagay (Boeree, 2003).
La-la
Mga pwersang may kinalaman sa romansa. Ang salik na nagtutulak sa tao upang magsalita.
Ta-ra-ra-boom-de-ay
Likas sa mga sinaunang tao ang mga ritwal. Sila ay may mga ritwal sa halos lahat ng gawain tulad ng sa
pakikidigma, pagtatanim, pag-aani, pangingisda, pagkakasal, pagpaparusa sa nagkasala, panggagamot,
maging sa paliligo at pagluluto. Kaakibat ng mga ritwal na iyon ay ang pagsasayaw, pagsigaw
atincantation o mga bulong. Ayon sa teoryang ito, ang wika raw ng tao ay nag-ugat sa mga tunog na
kanilang nililikha sa mga ritwal na ito na kalauna’y nagpapabagu-bago at nilapatan ng iba’t ibang
kahulugan.
Mama
Ayon sa teoryang ito, nagmula ang wika sa mga pinakamadadaling pantig ng pinakamahahalagang bagay.
Pansinin nga naman ang mga bata. Sa una’ y hindi niya masasabi ang salitang mother ngunit dahil ang
unang pantig ng nasabing salita ang pinakamahalaga diumano, una niyang nasasabi ang mama bilang
panumbas sa salitang mother.
Rene Descartes
Hindi pangkaraniwang hayop ang tao kung kaya’t likas sa kaniya ang gumamit ng wika na aangkop sa
kaniyang kalikasan bilang tao. May aparato ang tao lalo na sa kaniyang utak gayundin sa pagsasalita
upang magamit sa mataas at komplikadong antas ang wikang kailangan niya hindi lamang para mabuhay
bagkus magampanan ang iba’t ibang tungkulin nito sa kaniyang buhay.
Plato
Nalikha ang wika bunga ng pangangailangan. Necessity is the mother of all invention. Sa paniniwalang ito,
gaya ng damit, tirahan at pagkain, pangunahing pangangailangan din ng tao ang wika kung kaya’t
naimbento ito ng tao.
Jose Rizal
Kung lahat ng likas na bagay ay galing sa Poong Maykapal, bakit hindi ang wika? Naniniwala ang
pambansang bayani na kaloob at regalo ng Diyos ang wika sa tao.
Charles Darwin
Nakikipagsalaparan ang tao kung kaya’t nabuo ang wika. Survival of the fittest, elimination of the weakest.
Ito ang simpleng batas ni Darwin. Upang mabuhay ang tao, kailangan niya ng wika. Ito ay nakasaad sa
aklat na Lioberman (1975) na may pamagat na “On the Origin of Language”, sinasaad dito na ang
pakikipagsapalaran ng tao para mabuhay ang nagtuturo sa kanya upang makalikha ng iba’t ibang wika.
Wikang Aramean
May paniniwalang ang kauna-unahang wikang ginagamit sa daigdig ay ang lenggwahe ng mga Aramean.
Sila ang mga sinaunang taong nanirahan sa Syria (Aram) at Mesopotamia. Tinatawag na Aramaic ang
kanilang wika.
Haring Psammatichos
Sinasabi sa paniniwalang ito na bilang hari ng Ehipto, gumawa ng isang eksperimento si Psammatichos
kung paano nga ba nakapagsasalita ang tao. May dalawang sanggol siyang pinalaki sa loob ng kuweba at
mhigpit na ipinag-tos na hindi ito dapat makarinig ng anumang salita. Sa tagal ng panahon nakapagsalita
raw ng “Bekos” ang dalawang bata na ang ibig sabihin ay tinapay. Sa maikling sabi, likas na natututuhan
ng tao ang wika kahit hindi ituro ang pinanghahawakan ng teoryang ito.
Alin sa mga teoryang ito ang wasto? Hindi natin matutukoy. Kaya nga teorya ang tawag sa mga ito, mga
haka-haka lamang na mahirap patunayan at husgahan. Ang pagpipilit na ang isa ang tama ay tiyak na
hahantong lamang sa walang hanggang pagtatalo. Bawat teorya ay may sari-sariling kalakasan at
kahinaan na maaaring maging batayan upang ating paniwalaan o di kaya’y tanggihan. Magkagayon man,
mahalaga ang bawat isa sa pagtalakay sa pinagmulan ng wika.

Binanggit ni Austero et al (1999) mula kay Gleason na “ang wika ay masistemang


balangkas ng sinasalitang tunog na isinaayos sa paraang arbitraryo. Ang mga tunog ay
hinugisan/binigyan ng mga makabuluhang simbolo (letra) na pinagsama-sama upang makabuo
ng mga salita na gamit sa pagpapahayag.”

Dagdag naman nina Mangahis et al (2005) na ang wika ay may mahalagang papel na
ginagampanan sa pakikipagtalastasan. Ito ang midyum na ginagamit sa maayos na paghatid at
pagtanggap ng mensahe na susi sa pagkakaunawaan.

Kahalagahan ng Wika
Mahalaga ang wika sapagkat:

1. ito ang midyum sa pakikipagtalastasan o komunikasyon;


2. ginagamit ito upang malinaw at efektivong maipahayag ang damdamin at kaisipan ng
tao;
3. sumasalamin ito sa kultura at panahong kanyang kinabibilangan;
4. at isa itong mabuting kasangkapan sa pagpapalaganap ng kaalaman.

Katangian ng wika
1. Ang wika ay isang masistemang balangkas dahil ito ay binubuo ng mga makabuluhang
tunog (fonema) na kapag pinagsama-sama sa makabuluhang sikwens ay makalilikha ng
mga salita (morfema) na bumabagay sa iba pang mga salita (semantiks) upang
makabuo ng mga pangungusap. Ang pangungusap ay may istraktyur (sintaks) na
nagiging basehan sa pagpapakahulugan sa paggamit ng wika.
a. Ponolohiya o fonoloji – pag-aaral ng fonema o ponema; ang fonema ay tawag sa
makabuluhang yunit ng binibigkas na tunog sa isang wika. Halimbawa ay ang
mga fonemang /l/, /u/, /m/, /i/, /p/, /a/ at /t/ na kung pagsama-samahin sa
makabuluhang ayos ay mabubuo ang salitang [lumipat].

b. Morpolohiya o morfoloji – pag-aaral ng morfema; ang morfema ay tawag sa


pinamakamaliit na makabuluhang yunit ng salita sa isang wika. Sa Filipino ang
tatlong uri ng morfema ay ang salitang-ugat, panlapi at fonema.

Salitang-ugat = tao, laba, saya, bulaklak, singsing, doktor, dentista


Panlapi = mag-, -in-, -um-, -an/-han
Fonema = a
*tauhan, maglaba, doktora

c. Sintaksis – pag-aaral ng sintaks; sintaks ay ang tawag sa formasyon ng mga pangungusap sa


isang wika. Sa Filipino, maaaring mauna ang paksa sa panaguri at posible namang
pagbaligtaran ito. Samantalang sa Ingles laging nauuna ang paksa.

Hal. Mataas ang puno.


Ang puno ay mataas.
The tree is tall. (hindi maaaring ‘Tall is the tree.’ o ‘Tall the tree.’)

d. Semantiks – pag-aaral ng relasyon ng salita sa bawat isa sa iisang pangungusap; ang mga
salita sa pagbuo ng pangungusap ay bumabagay sa iba pang salita sa pangungusap upang
maging malinaw ang nais ipahayag.

Hal. Inakyat niya ang puno.


Umakyat siya sa puno.

Makikita na nang ginamit ang pandiwang [inakyat] ang panghalip ng aktor sa


pangungusap ay [niya] at ang pantukoy sa paksa ay [ang]. Samantalang sa ikalawang
pangungusap ang pandiwa ay napalitan ng [umakyat] kaya nakaapekto ito sa panghalip ng
aktor na dati’y [niya] ngayo’y [siya] na. Imbis na pantukoy na [ang] ay napalitan na ng pang-ukol
na [sa]. Nagkaiba na ang kahulugan ng dalawang pangungusap.

2. Ang wika ay binubuo ng mga tunog. Upang magamit nang mabuti ang wika, kailangang
maipagsama-sama ang mga binibigkas na tunog upang makalikha ng mga salita.
(Tingnan ang ponolohiya)

3. Ang wika ay arbitraryo. Lahat ng wika ay napagkakasunduan ng mga gumagamit nito.


Alam ng mga Ilokano na kapag sinabing [balay], bahay ang tinutukoy nito. Sa
Chavacano naman ay [casa] kapag nais tukuyin ang bahay at [bay] naman sa Tausug
samantalang [house] sa Ingles. Kung sakaling hindi naintindihan ng isang tao ang isang
salita o pangungusap ng isang wika, nangangahulugan na hindi siya bahagi ng
kasunduang pangkaunawaan. Ngunit kung pag-aaralan at matututunan niya ang wika,
nangangahulugang sumasang-ayon siya sa kasunduan ukol sa naturang wika.

4. Ang wika ay may kakanyahan. Lahat ng wika ay may sariling set ng palatunugan,
leksikon at istrukturang panggramatika. May katangian ang isang wika na komon sa
ibang wika samantalang may katangian namang natatangi sa bawat wika.

Halimbawa
Wikang Swahili – atanipena (magugustuhan niya ako)
Wikang Filipino – Opo, po
Wikang Subanon – gmangga (mangga)
Wikang Ingles – girl/girls (batang babae/mga batang babae)
Wikang Tausug – tibua (hampasin mo), pugaa (pigain mo)
Wikang French – Francois (pangngalan /fransh-wa/)

Mapapansin sa wikang Swahili (isang wika sa Kanlurang Afrika) isang salita lamang ngunit
katumbas na ng isang buong pangungusap na yunik sa wikang ito. Sa Filipino lamang
matatagpuan ang mga salitang opo at po bilang paggalang. Sa Subanon naman, mayroong di
pangkaraniwang ayos ng mga fonema gaya ng di-kompatibol na dalawang magkasunod na
katinig sa iisang pantig na wala sa karamihang wika. Sa Ingles naman, isang fonema lamang
ang idinagdag ngunit nagdudulot ng makabuluhang pagbabago. Sa Tausug naman ang
pagkabit ng fonemang /a/ ay nagdudulot na ng paggawa sa kilos na saad ng salitang-ugat. Sa
French naman, mayroon silang natatanging sistema sa pagbigkas ng mga tunog pangwika.

5. Ang wika ay buhay o dinamiko. Patuloy na nagbabago at yumayaman ang wika.


Nagbabagu-bago ang kahulugan ng isang salita na dumaragdag naman sa leksikon ng
wika.

Halimbawa: BOMBA
Kahulugan
a. Pampasabog
b. Igipan ng tubig mula sa lupa
c. Kagamitan sa palalagay ng hangin
d. Bansag sa malalaswa at mapanghalay na larawan at pelikula
e. Sikreto o baho ng mga kilalang tao

6. Lahat ng wika ay nanghihiram. Humihiram ang wika ng fonema at morfema mula sa


ibang wika kaya’t ito’y patuloy na umuunlad. Gaya sa Chavacano, binibigkas na ang ‘ka’
na hiniram sa Visaya bilang kapalit ng ‘tu’ at ‘bo’. Ang Filipino ay madalas manghiram
gaya ng paghiram sa mga salitang [jip, jus at edukasyon] na mula sa Ingles na [juice],
[jip] at Kastilang [educaćion].

7. Ang wika at kultura ay magkabuhol at hindi maaaring paghiwalayin. Maraming salita na


hindi maisalin sapagkat wala silang katumbas sa ibang wika. Dahil sa ganitong
pagkakataon, napipilitang humiram ng salita mula sa isang wika sapagkat hindi komon
ang salita sa kultura ng wikang patutunguhan. Halimbawa, walang katumbas ang
/malong/ sa Tagalog sapagkat hindi bahagi ng kultura ng mga Tagalog ang salitang ito.
Ang /lamaw/ naman ng Cebuano ay hindi rin matutumbasan sapagkat iba ang paraan ng
paghahanda ng buko ng mga Cebuano sa iba pang komunidad sa bansa.

8. Ang wika ay bahagi ng karamihang anyo/uri ng komunikasyon. Sa komunikasyon ng


mga pipi, hindi wika ang kanilang ginagamit kundi mga kilos. Hindi wika ang kanilang
midyum sapagkat hindi nito taglay ang katangian ng isang ganap na wika.

9. Nasusulat ang wika. Bawat tunog ay sinasagisag ng mga titik o letra ng alfabeto. Ang
tunog na “bi” ay sinasagisag ng titik na ‘b’. Ang simbolong ‘m’ ay sumasagisag sa tunog
na “em”.

KALIKASAN NG WIKA – (Austero, et al., 1999)


Pinagsama-samang tunog (combination of sounds- Ang wika ay pagsasama ng mga
tunog na nauunawaan ng mga tagagamit nito na kapag tinuhog ay nakabubuo ng salita.
Ang fonema ay tawag sa makabuluhang yunit ng binibigkas na tunog sa isang wika.
Halimbawa ay ang mga fonemang /l/, /u/, /m/, /i/, /p/, /a/ at /t/ na kung pagsama-samahin
sa makabuluhang ayos ay mabubuo ang salitang [lumipat]
May dalang kahulugan (words have meaning)
Ang wika ay pagsasama ng mga tunog na nauunawaan ng mga tagagamit nito na kapag
tinuhog ay nakabubuo ng salita.

Kapag pinagsama-sama sa makabuluhang sikwens ang mga makabuluhang tunog (ponema)


ay makalilikha ng mga salitang nagbibigay kahulugan.

Ang morfema ay tawag sa pinamakamaliit na makabuluhang yunit ng salita sa isang wika. Sa


Filipino ang tatlong uri ng morfema ay ang salitang-ugat, panlapi at fonema.

Salitang-ugat = tao, laba, saya, bulaklak, singsing, doktor, dentista

Panlapi = mag-, -in-, -um-, -an/-han

Fonema = a

May ispeling
Bawat salita sa iba’t ibang wika ay may sariling ispeling o baybay. Sa wikang Filipino
kung ano ang bigkas ay siya ring baybay.
May gramatikal istraktyur (grammatical structure)

Binubuo ito ng ponolohiya at morpolohiya (pagsasama ng mga tunog upang bumuo ng


salita), sintaks (pagsasama-sama ng mga salita upang bumuo ng pangungusap); semantiks
(ang kahulugan ng mga salita at pangungusap); pragmatiks (nagpapaliwanag sa
pagkakasunud-sunod o pagkakaugnay-ugnay ng mga pangungusap.

Sintaks ay ang tawag sa formasyon ng mga pangungusap sa isang wika. Sa Filipino,


maaaring mauna ang paksa sa panaguri at posible namang pagbaligtaran ito. Samantalang
sa Ingles laging nauuna ang paksa.
Hal. Mataas ang puno.
Ang puno ay mataas.
The tree is tall. (hindi maaaring ‘Tall is the tree.’ o ‘Tall the tree.’)
Semantiks – pag-aaral ng relasyon ng salita sa bawat isa sa iisang pangungusap; ang mga
salita sa pagbuo ng pangungusap ay bumabagay sa iba pang salita sa pangungusap upang
maging malinaw ang nais ipahayag.

Hal. Inakyat niya ang puno.Umakyat siya sa puno.

Makikita na nang ginamit ang pandiwang [inakyat] ang panghalip ng aktor sa


pangungusap ay [niya] at ang pantukoy sa paksa ay [ang]. Samantalang sa ikalawang
pangungusap ang pandiwa ay napalitan ng [umakyat] kaya nakaapekto ito sa panghalip
ng aktor na dati’y [niya] ngayo’y [siya] na. Imbis na pantukoy na [ang] ay napalitan na
ng pang-ukol na [sa]. Nagkaiba na ang kahulugan ng dalawang pangungusap.
Sistemang oral-awral (oral-aural system)
Sistemang sensura sa paraang pasalita (oral), at pakikinig (awral). Ang dalawang
mahalagang organo na binubuo ng bibig at tainga ang nagbibigay-hugis sa mga tunog na
napapakinggan. Ang lumalabas na tunog mula sa bibig ay naririnig ng tainga na
binibigyang kahulugan ng nakikinig.
Pagkawala o ekstinksyon ng wika (language loss)
Ang pagkawala ng wika kapag hindi na ginagamit o wala nang gumagamit.
Iba-iba, diversifayd at pangkatutubo o indijenus (indigenous)

Dahil sa iba’t ibang kulturang pinagmulan ng lahi ng tao, ang wika ay iba-iba sa lahat ng
panig ng mundo. Ang bawat etnikong grupo ay may sariling wikang sinasalita na sila
lamang ang nakakaintindi.

Ebolusyon ng WIKA
Hunyo 7, 1940 – Pinagtibay ng Batas-Komonwelt Blg. 570 na nagtadhana na simula sa Hulyo 4, 1946, ang
Wikang Pambansa ay isa sa mga opisyal na wika ng bansa

- isinulat ni Lope K. Santos ang Balarila ng Wikang Pambansa na siyang nagpakilala sa Abakada na may 20
letra, na kung saan ang letrang a lamang ang idinadagdag sa dulo ng bawat katinig para sa tunog nito

1987 – Ang Alpabetong Filipino ng 1987, ang siyang pinagbago at pinaghusay na Abakada at Alpabetong
Filipino ng 1976. Ang naturang Filipino Alphabet ay binubuo ng 28 titik na kung saan ang pagbasa nito ay
halintulad rin sa pagbasa ng alpabetong Ingles. Ito ang kasalukuyang ginagamit natin ngayon—na siyang
nagpapayaman at nagpapalawig pa sa wikang Filipino

- Ginamit ang wikang Ingles bilang pangunahing instrumento sa pagtuturo

Panahon ng mga Amerikano

"abecedario" = alpabetong Espanyol

Panahon ng mga Kastila

Hunyo 19, 1974 - Nilagdaan ni Kalihim Juan Manuel ng Kagawaran ng Edukasyon at

Kultura ang Kautusang Pangkagawaran Blg.25 para sa pagpapatupad ng edukasyong bilingwal sa lahat ng
kolehiyo at pamantasan

PANAHON NG MALASARILING PAMAHALAAN

- Pebrero 8, 1935 – Artikulo XIV, Sekyon 3 ng Konstitisyong 1935, ang magiging bagong wika ay ibabase
sa mga kasalukyang katutubong wikang meron sa ating bansa

- Disyembre 30, 1937 – Sa pamamagitan ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 ng Pangulong Quezon,
ang Wikang Pambansa ay ibabatay sa Tagalog

- Abril 1, 1940 – Ipinalabas ang Kautusang Tagapagpaganap na nagtadhana ng paglilimbag ng isang


balarila at isang diksyunaryo sa Wikang Pambansa. Ipinahayag pa ring ituturo ang wikang pambansa sa
mga paaralan sa buong Pilipinas na nagsimula noong Hunyo 19, 1940.

- Nang manungkulan si Manuel L. Quezon bilang Pangulo ng Komonwelt at si Sergio Osmeña bilang
pangalawang Pangulo, binig-yan pansin ang isyung nasyonalismo

- Oktubre 24, 1967 – Nilagdaan ni Pangulong Marcos ang isang kautusang nagtatadhana na ang lahat ng
mga gusali at mga tanggapan ng pamahalaan ay panganlan sa Pilipino
Hulyo 30, 1976 – Sa pamamagitan ng Department Memo no. 194 na inisyu ng Kagawaran ng Edukasyon,
Kultura, and Pampalakasan, ang 20 titik ng abakada ay nadagdagan ng labing-isang banyagang-hiram na
titik. Ang naturang revised Filipino Alphabet na binubuo ng 31 na letra, ay kinabibilangan ng mga letrang
banyaga tulad ng c, ch, f, j, ll, ñ, q, rr, v, x, at z

BALARILA

- binubuo ng tatlong patinig (vowels) at labing-apat na katinig (consonants)

Agosto 25, 1988 – Ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 335 ay ipinalabas at nilagdaan ni Pangulong
Corazon Aquino na nagtatadhana ng paglikha ng Komisyong Pangwika na siyang magpapatuloy ng pag-
aaral ng Filipino. Gayon din, pinagtibay ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng pagtuturo sa mga
paaralan sa mga piling asignatura

Kasaysayan ng Ebolusyon

ng Wikang Filipino

Agosto 7, 1973 – Nilikha ng Pambansang Lupon ng Edukasyon ang resolusyong nagsasaad na gagamiting
midyum ng pagtuturo mula sa antas elementarya hanggang tersyarya sa lahat ng paaralang pambayan o
pribado at pasisimula sa taong panuruan 1974--75

Binura ng mga Espanyol ang mga paganong pag-uugali ng mga katutubo, kabilang na ang pag-iiba sa
sistema ng pag-susulat, pagbasa at mga salita ng mga ito

- kapag wala itong kudlit ( ' ) binabasa na may kasama na patinig a

Panahon ng mga sinaunang Pilipino

- Nobyembre 13, 1937 – Ang Unang Pambansang Asemblea ang siyang bumuo sa Institusyon ng Wikang
Pambansa

- pagyakap sa Kristyanismo at ang pagiging sibilisado ng mga pamayanan

- Bago pa dumating ang mga banyaga dito sa Pilipinas tulad ng mga Kastila, ang mga katutubong Pilipino
ay may sarili ng alpabeto at sistema ng pagbabaybay na mas kilala sa tawag na “alibata” o alif-ba-ta sa
Arabo

- kapag ang kudlit naman ay nasa itaas, ang patinig ay nagiging e o i

- Agosto 12, 1959 - Tinawag na Pilipino ang Wikang Pambansa ng lagdaan ni Kalihim Jose Romero ng
Kagawaran ng Edukasyon ang Kautusang Blg 7

- Nobyembre 1936 – Inaprobahan ng Kongreso ang Batas Komonwelt Bilang 184 na lumikha ng Surian ng
Wikang Pambansa na naatasang gumawa ng pag-aaral ng mga katutubong wika at pumili ng isa na
magiging batayan ng wikang pambansa

- kapag may kudlit sa ibaba, ang patinig a, ay napapalitan ng patinig o o di kaya ay u

- Marso 26, 1954 – Nagpalabas ng isang kautusan ang Pangulong Ramon Magsaysay sa taunang
pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa mula sa Marso 29 - Abril 4. Subalit ang petsa ng
pagdiriwang ay inilipat sa Agosto 13-19 tuwing taon.
Nang dumating naman ang mga Amerikano sa Pilipinas, ipinatupad ang patakarang alinsunod sa ilang
patakarang ipinatupad ng mga mananakop na Kastila.

ERMINOLOHIYANG PANGWIKA ...


Lingguista/Linggwista -mga taong
nagsasagawa ng maagham na pag-aaral sa wika
Lingguistika/Linggwistika -maagham na
pag-aaral
ng wika Lingua-Franca -unang wikang natututunan ng tao sa kanyang buhay Pangalawang Wika -
pangalawang wikang natututunan sa kayang buhay Poleglot -mga taong nakapagsasalita ng higit sa
dalawang wika ngunit hindi nangangahuluganna siya ay isang lingguista-tawag kay rizal Bilingual -wikang
sinasalita na magkahiwalay ng tao Jargon -wikang ginagamit ng isang pangkat ng tao sa kanyang
propesyon o trabaho Ideolect -wikang ginagamit ng tao sa iba't-ibang bahagi ng kanyang
buhay Bernakular -wika na galing sa rehiyon
MGA AMA NG WIKA ... Francisco Balagtas -ama ng
Balagtasan
Manuel Luis Molina Quezon -ama ng
wikang pambansa
Lope K. Santos -ama ng balarilang Tagalog KWFLWPSWP Komisyon sa Wikang
FilipinoLinangan ng mga Wika sa PilipinasSurian ng Wikang Pambansa Damian Domingo -
sining at pagpinta Alejandro G. Abadilla -sanaysay-malayang taludturan-makabagong
prosang tagalog

You might also like