You are on page 1of 11

Introduksyon sa Pag-aaral ng Wika Pahina 1 ng 11

Komunikasyon

Paksa: Komunikasyon
Subtopiko: Kahulugan, Modelo, Sangkap at Kategorya.

MAGANDANG BUHAY!

I. Panimula:

Sa materyal na ito tatalakayin ang komunikasyon. Makatutulong itong maunawaan ang kung paano
nagaganap ang komunikasyon at mga bagay na kailangang isaalang-alang para magtagumpay
ito.Susubukin din sa modyul na ito ang inyong kakayahan sa pakikipag-ugnayan sa sarili at sa kapwa.

II. Layunin:
Inaasahan ang mga mag-aaral ay:
1. Nakikilala ang mga sagabal na naranasan sa pakikipag-ugnayan;
2. Nagagawang makipag-ugnayan sa sarili sa pamamagitan ng solo-written na komunikasyon; at
3. Nakapagtatalakay patungkol sa komunikasyon.
Introduksyon sa Pag-aaral ng Wika Pahina 2 ng 11
Komunikasyon

III. Panimulang Gawain:

Panuto: Gamit ang malawak na isipan, kumpletuhin o bumuo ng sariling diyalogo mula sa mga sumusunod
na mga larawan.

Upang lubos na maunawaan ang aralin, basahin at intindihin ang materyal.


Introduksyon sa Pag-aaral ng Wika Pahina 3 ng 11
Komunikasyon

IV. Pagtatalakay
KOMUNIKASYON
 “Pagbabahagi ng ideya at damdamin sa estado ng pagkakaunawaan.” – Dale (1969)
 “Transmisyon ng mga impormasyon, ideya, pag-uugali, o damdamin at kasanayan… sa paggamit
ng mga simbolo.” – Berelson at Steiner (1964)
 “Transmisyon ng mga impormasyon, ideya, pag-uugali, o damdamin mula sa sa isang tao o pangkat
ng mga tao patungo sa kanyang kapwa…karaniwang isinasagawa sa pamamagitan ng mga
simbolo.” – Theodorson (1969)
MGA MODELO NG KOMUNIKASYON
MODELO NI ARISTOTLE NG KOMUNIKASYON - Nakasentro sa tagapagsalita tungo sa maraming
tagapakinig ang modelo ni Aristotle sa komunikasyon. Ito ay pinaunlad nang husto ng mga Edukador sa
Romo noong 33-39 AD.
Maaaring magamit ang
modelong ito ni Aristotle sa pasalita
o pasulat na komunikasyon.
Kinakailangan sa anumang
mensahe na ipahayag ang
pagtuklas sa kaalamang lohikal,
emosyonal at etikal na istratehikal
na isinasaayos tungo sa pagbibihis
ng ideya upang magkaroon nang
linaw at pagkakaugnay at maihatid
nang naaayon sa patutunguhan.
MGA MODELO NG KOMUNIKASYON NI SCHRAMM (1954) - Nagsimulang pag-aralan ni Wilbur Schramm
ang komunikasyon bilang isang hiwalay na disiplina o larangan. Lumikha siya ng mga modelo ng
komunikasyon na tutugon sa iba’t ibang uri ng katanungan.
Mahalagang maisaalang-alang ang
lawak ng karanasan ng tagapaghatid
ng mensahe at ng tagatanggap nito sa
isang komunikasyon. Binubuo ng
tagapaghatid ang mensahe sa
kanyang kaisipan kaugnay sa kung
paano niya ito naranasan,
samantalang inuunawa naman ng
tagatanggap ng mensahe ang inihatid
sa kaya batay rin sa sarili niyang
karanasan hinggil dito.
Introduksyon sa Pag-aaral ng Wika Pahina 4 ng 11
Komunikasyon

Samakatuwid, maaaring magkaroon ng pagkakaiba ang mensaheng ipinaabot ng tagapaghatid kung


mayroong pagkakaiba sa kanilang karanasan hinggil dito. Higit naming epektibo ang kanilang komunikasyon
kung sila ay may pagkakatulad ng karanasan.

Sa modelong ito ni Schramm, naimungkahi ang pagsasama ng tugon o Feedback mula sa


tagatanggap ng mensahe sa proseso ng komunikasyon. Nagkaroon ng tuloy-tuloy na proseso ng
komunikasyon sa pamamagitan nito, at hinahayaan ang pagkakaroon ng inter-aksyon sa bawat isa. Ang
tagahatid ay nagiging tagatanggap rin ng mensahe at muli, bumabalik rin siya sa pagiging tagahatid ng
mensahe.
MODELO NI LASWELL NG KOMUNIKASYON - Gumawa ng modelo ng komunikasyon ang political
scientist na si Harold Laswell noong 1948.

 Ipinakita sa modelong ito ni


Laswell ang mga katanungang “Sino ang
nagsabi?” Sa kanyang modelo makikita
ang iba’t ibang sangkap na dapat na
isaalng-alang upang matiyak ang maaaring
maging impak o maidudulot nito.

MODELO NI BERLO NG KOMUNIKASYON SMCR - Sa modelong ito ni Berlo, ipinakikita na ang


tagapagsalita ang siyang pinanggagalingan ng mensahe na gumagamit ng tsanel patungo sa tagatanggap
na siya naming uunawa nito.
Introduksyon sa Pag-aaral ng Wika Pahina 5 ng 11
Komunikasyon

Nakasalalay sa kasanayang komunikatibo,pag-uugali, kaalaman, sistemang panlipunan, at kultura


ng pinagmulan o tagapagsalita ang pag-eenkowd niya ng mensahe nadadaloy naman sa pamamagitan ng
pandinig, paningin,pandama, pang-amoy at panlasa ng tagatanggap o resiber. Magkakaroon ng
pagkakahalintulad o pagkakaiba ang mensaheng ipinaaabot ng tagapagsalita batay sa kasanayang
pangkomunikatibo, pag-uugali, kaalaman, sistemang panlipunan, at kultura ng tagatanggap ng mensahe.
Mayroon lamang iisang daloy ng komunikasyon sa modelong ito sapagkat walang nabubuong fidbak o balik-
tugon sa panig ng tagatanggap ng mensahe.
MODELO NG KOMUNIKASYONG HELICAL (DANCE,1967) - Ipinakikita sa modelong ito na ang
komunikasyon ay isang dinamikong proseso. Ang modelong Helix ay nagpapakita ng paraan ng
komunikasyon na umusbong sa isang indibidwal mula sa kanyag kapanganakan hanggang kasalukuyan.

 Sa lahat ng pagkakataon, ipinakikita nito


ang konsepto ng komunikasyon na habang
umiinog papaitaas, ay maaaring bumalik
paibaba sa anumang sandal at apektado ng
kaniyang mga nakaraang kaugalian ngunit
maaari rin naming unti-unting makalaya rito at
uminog nang paitaas. Hindi maiaalis na malaki
ang kaugnayan ng mga nakalipas sa pag-abot
o pagtungo sa hinaharap. Higit na fleksibol ang
prosesong ito ng komunikasyon.
Introduksyon sa Pag-aaral ng Wika Pahina 6 ng 11
Komunikasyon
SPEAKING MODEL NI DELL HYMES
 S – SETTING AND SCENE ( Saan nag-uusap?)
 P – PARTICIPANTS (Sino ang nag-uusap?)
 E – ENDS (Ano ang layunin ng pag-uusap?)
 A – ACT SEQUENCE (Paano dumadaloy ang usapan?)
 K – KEYS (Kabuuang tono o kaanyuhan ng Pagsasalita)
 I – INSTRUMENTALITIES ( Anyo at istilo ng pananalita)
 N – NORM (Pinakaangkop na kilos o gawi sa paksang pinag-uusapan)
 G – GENRE ( Uri ng pagpapahayag)
MGA SANGKAP NG KOMUNIKASYON
Tagapaghatid/Enkowder/Pinagmulan - tumutukoy sa tao o pangkat ng mga taong pinanggagalingan ng
mensahe.
Mensahe - Ito ang nilalaman ng komunikasyon. Nauuri ito sa dalawang aspeto: pangnilalaman (ang mismong
konteksto at payak ang nilalaman) at mensaheng relasyonal o di-berbal
Midyum - Berbal ba o di berbal ang pagpapayag ng mensahe?
Tsanel/Daluyan - tumutukoy ito sa instrumentong ginamit upang maihatid ang mensahe. Mayroon itong
dalawang kategorya: sensori (paggamit ng paningin, pandinig, pang-amoy, panlasa at pandama) at
institusyonal (paggamit ng iba’t ibang teknolohiya tulad ng sulat, email atbp.)
Tagatanggap/Resiber/Audience - Siya ang nagpapakahulugan sa mensaheng ipinadala.
Tugon/Feedback - Ito ang ginagawang pagsagot ng tagatanggap sa natanggap na mensahe. Mauuri ito sa
tatlo: tuwirang tugon(agad na pagbibigay ng reaksyon), di-tuwirang tugon(naipapahayag sa pamamagitan ng
di-berbal na komunikasyon) at naantalang tugon (hindi agad-agad sumagot)
Mga Potensyal na Sagabal - Bagama’t hindi tuluyang nailagay sa mga modelo ng komunikasyon, isa ito sa
mga nagiging sanhi ng katagumpayan o kabiguan ng proseso sa mga nagiging sanhi ng katagumpayan o
kabiguan ng proseso ng komunikasyonSa Ingles, tinatawag itong communication noise o filter.
 Mga Potensyal na Sagabal
 Semantikong Sagabal – matatagpuan ito sa salita o pangungusap. May mga salita na
maaaring hindi lamang iisa ang kahulugan. Halimbawa: ang salitang tubo na maaaring
nangangahulugang pipe (daluyan ng tubig), sugar cane, income o kaya’y pagsibol.
 Pisikal na Sagabal– ito ang mga ingay sa paligid, distraksyong biswal, suliraning teknikal
(sound system), hindi komportableng kalagayan ng nagsasalita o ng nakikinig.
 Pisyolohikal na Sagabal– matatagpuan ito sa katawan ng nagdadala o tumatanggap ng
mensahe tulad ng kapansanan sa pagsasalita, pagdinig o kaya’y paningin.
 Sikolohikal na Sagabal– ang pagkakaiba-iba ng kultura at kinalakhan ng tao ay nagiging
Introduksyon sa Pag-aaral ng Wika Pahina 7 ng 11
Komunikasyon
sanhi ng pagkakaiba-iba ng paghahatid at pagtanggap ng mensahe. Ito ang nagdudulot ng
biases at prejudices na maaaring magbunga ng mis-interpretasyon sa mensahe.
KATEGORYA NG KOMUNIKASYON
A. KOMUNIKASYONG INTRAPERSONAL - Nagaganap ang ganitong uri ng komunikasyon sa kalooban ng
isang tao, sa layuning liwanagin o ianalisa ang mga ideya at sitwasyon. Kadalasan, ito ay mapapansin sa
personal na pagmumuni-muni.
A.1. Konseptong-Pansarili - Ito ay kung paano nakikita o nadarama ng isang tao ang kanyang sarili sa
paningin ng iba. Ito ay may tatlong salik: paniniwala, pagpapahalaga at pag-uugali (belief, values and
attitudes). Maaari ring maaapektuhan ang konseptong pansarili ng kanyang katangian, talento, gampaning
panlipunan o kaya’y katayuang pangkapanganakan.
 Paniniwala – ito ay basikong personal na oryentasyon sa pagiging tama o mali kaya’y mabuti o
masama. Ito rin ay maaaring preskriptibo o deskriptibo.
 Pagpapahalaga – ito ay malalim na oryentasyon at ideya na karaniwang nakabatay sa konsistent
na paniniwala.
 Pag-uugali – ito ay pagpapakita ng gawi o kung paano tinatanggap ang paksa o mensahe.
Karaniwang ito ay global o nakahanay sa emosyonal na aspeto ng tao.
A.2. Persepsyon - Nakatuon sa panlabas. Ito rin ay nakaugat sa paniniwala, pagpapahalaga at pag-uugali.
A.3. Ekspektasyon - Oryentado sa panghinaharap na mga mensahe ang ekspetasyon. Ito ang paghuhula
sa relasyon o pagkakaugnayan ng bawat bahagi ng pagkatao.
Makikita rin ang intrapersonal na komunikasyon batay sa mga sumusunod na gampanin:
Panloob na diskurso - nagaganap ito sa pamamagitan ng pag-iisip, konsentrasyon at pag-aanalisa.
Kasama rin dito ang pananalangin, kontemplasyon at meditasyon. Ito ay ang pakikipag-ugnayan sa panloob
na katauhan.
Solo-Vocal na Komunikasyon – nagsasalita sa sarili nang malakas. Naisasagawa ito sa paglilinaw ng mga
kaisipan, pagsasanay sa sarili ng nais sabihin sa kapwa, o kaya nama’y paglalabas ng nararamdaman.
Halimbawa nito ay ang pagsasalita sa sarili patungkol sa galit mo sa iyong magulang o kapwa.
Solo Written na Komunikasyon- Ito ang pagsulat na isinasagawa hindi upang ipabasa sa iba. Halimbawa
nito ay ang paggawa ng dayari o kaya’y personal na jornal na ang tanging layunin ay maisawalat sa sarili
ang damdamin o pangyayaring nagaganap.
B. KOMUNIKASYONG INTERPERSONAL - Nagaganap ang ganitong uri ng komunikasyon sa pagitan ng
tagapagsalita at tagapakinig.
Maaaring makita sa sumusunod na kategorya ang mga ito:
Dayadikong Komunikasyon- Pag-uusap ng dalawang tao nang harapan o kaya’y gamit ang telepono,
pakikipag-chat, cellphone, o kaya naman ay sa pamamagitan ng pagsulat at e-mail.
Pangkatang Komunikasyon– pag-uusap ng tatlo o higit pa. Maaaring ito ay pagpupulong, impormal na
pagkukwentuhan o kaya ay teleconference.
Introduksyon sa Pag-aaral ng Wika Pahina 8 ng 11
Komunikasyon
Pampublikong Komunikasyon- Higit na maraming tao ang nakakapakinig. Karaniwang isa lamang ang
nagsasalita sa harapan ng maraming tao at hindi gaanong malaki ang gampaning pagtugon. Layon nito ang
makapaghatid ng mensahe, mang-aliw o manghimok.
C. KOMUNIKASYONG PANGMADLA O MASS COMMUNICATION - Nagaganap ang ganitong uri ng
komunikasyon sa pagitan ng isang tao tungo sa nakararaming tagapanood o tagapakinig gamit ang
teknolohiya ng radyo, telebisyon, internet, pahayagan, magasin at iba pang kauri nito.
Introduksyon sa Pag-aaral ng Wika Pahina 9 ng 11
Komunikasyon

V. PAGSUSURI, PAGLALAPAT AT PAGPAPALAWAK


GAWAIN 1
Pangalan ____________________________________ Petsa:__________________
Pangkat: _____________________________________Marka: _________________
Panuto: Ibahagi ang sariling karanasan ayon sa mga sumusunod na katanungan.
1. Alin sa mga sagabal ang madalas na iyong nararanasan sa tuwing nakikipagkomunikasyon ka?

GAWAIN 2
Panuto: Ibahagi ang iyong saloobin patungkol sa sumusunod na aktibidad.
1. Gamit ang solo-written na komunikasyon, ihayag ang gusto mong sabihin sa taong pinakamahalaga sayo.
Introduksyon sa Pag-aaral ng Wika Pahina 10 ng 11
Komunikasyon

VI. PAGLALAHAT
PANUTO: Ibigay ang sariling pananaw mula sa mga sumusunod na tanong.
1. Para sayo ano ang kahalagahan ng komunikasyon sa iyong pamumuhay?
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
__________

VII. TAKDA
PANUTO: Balikan ang mga kategorya ng komunikasyon. Gamit ang komunikasyong pangmadla, gumawa
ng 3-5 minuto ng pagtatalakay patungkol sa komunikasyon. Kunan ito ng video at i-send sag mail account
na ito josemariejrbenlot41@gmail.com .

Paalala: Ang lahat ng mga gawain ay kailangang maipasa


sa sunod na linggo.
Introduksyon sa Pag-aaral ng Wika Pahina 11 ng 11
Komunikasyon

VIII.EBALWASYON

Pangalan: ____________________________________ Petsa:___________________


Pangkat: _____________________________________Marka: ___________________
EBALWASYON/ PAGSUSULIT 11

Panuto: Bilugan ang pinakatamang sagot.

1. Nakasentro sa tapagsalita tungo sa maraming tagapakinig


A. Modelo ni Aristotle B. Modelo ni Schramm C. Modelo ni Laswell
2.Sa modelo ito, mahalagang isaalang-alang ang lawak ng karanasan ng tagapaghatid at ng tagatanggap
A. Modelo ni Aristotle B. Modelo ni Schramm C. Modelo ni Laswell
3. Tumutukoy sa tao o pangkat ng mga taong pinanggagalingan ng mensahe
A. Tagatanggap B. Tagapaghatid C. Midyum
4. Siya ang nagpapakahulugan sa mensaheng ipinadala
A. Tagapaghatid B. Midyum C. Tagatanggap
5. Ito ang ginagawang pagsagot ng tagatanggap sa natanggap na mensahe
A. Tugon B. Daluyan C. Mensahe
6. Ang pakikipag-usap sa gilid ng kalsada na panay ang pagdaan ng iba’t ibang sasakyan, anong potensyal
na sagabal ang mayroon?
A. Semantikong sagabal B. Pisyolohikal na sagabal C. Pisikal na sagabal
7. Ang pagkailang sa kausap dahil sa kanyang pisikal na kaanyuan, anong potensyal na sagabal ang
mayroon?
A Sikolohikal B. Pisyolohikal C. Pisikal
8. Nagaganap ang ganitong uri ng komunikasyon sa kalooban ng isang tao
A. Komunikasyong intrapersonal
B. Komunikasyon interpersonal
9. Nagaganap ang ganitong uri ng komunikasyon sa pagitan ng tagapagsalita at tagapakinig.
A. Komunikasyon interpersonal
B. Komunikasyong intrapersonal
10. Nagaganap ang ganitong uri ng komunikasyon sa pagitan ng isang tao tungo sa nakararaming
tagapanood o tagapakinig gamit ang teknolohiya ng radyo, telebisyon, internet, pahayagan, magasin at iba
pang kauri nito.
A. Komuniksayong pampubliko
B. Komunikasyong pansarili
C. Komunikasyong pangmadla

You might also like