You are on page 1of 4

MODULE KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO

KABANATA 6: PAGPAPAHABA SA PANGUNGUSAP

LAYUNIN:
1. Naitatalakay ang mga paraan ng pagpapahaba ng pangungusap
2. Nakapagbibigay ng mga halimbawang pangungusap na
nakabatay sa natutunan mula sa mga impormasyong inilahad sa
modyul, video at ppt.
3. Nakasasagot sa isang maikliang pagsasanay tungkol sa
pagpapahaba ng pangungusap.

1. Pagpapahaba sa Pamamagitan ng Kataga


Ang mga katagang maaaring makapagpahaba sa pangungusap ay pa, ba, man,
naman, nga, pala at iba pa.
Halimbawa:
May tao pa?
May tao pa ba?
May tao na nga pala.
May mga tao na naman pala.

2. Pagpapahaba sa Pamamagitan ng Panuring


Ang mga panuring na, ng, at g ay nakatutulong sa pagpapahaba
ng pangungusap.
Halimbawa:
Siya ang anak.
Siya ang anak na babae.
Siya ang ulirang anak na babae.
Siya ang ulirang anak na babaing manggagamot.

3. Pagpapahaba sa Pamamagitan ng Pagtatambal.


Napagtatambal ang dalawang payak na pangungusap sa pamamagitan ng mga
pangatnig na at, ngunit, datapwat, subalit, saka, at iba pa.
Halimbawa:
Nagtatrabaho sa pabrika ang kaniyang tatay at nagtitinda sa
palengke ang kaniyang nanay.

4. Pagpapahaba sa pamamagitan ng kumplemento


Ang tinatawag na kumplemento ay ang bahagi ng panaguri na nagbibigay
kahulugan sa pandiwa. May iba’t ibang uri ng kumplemento ng pandiwa:
tagaganap, tagatanggap, ganapan, kadalihanan o sanhi, layon at kagamitan.

Page 1
MODULE KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO

a. Kumplementong tagaganap- pinangungunahan ito ng panandang ng at


mga panghalili nito.
Halimbawa:
Itininda ng kaibigan na babae ang bestida.
Itininda ni Rosa ang bestida.
Itininda niya ang bestida.
Sa mga halimbawang pangungusap, ang kumplementong tagaganap sa
unang pangungusap ay kaibigan; Rosa sa ikalawa; at niya sa pangatlong
pangungusap.

b. Kumplementong tagatanggap- isinasaad dito kung sino ang makikinabang


sa sinasabi ng pandiwa. Karaniwang pananda na ginagamit dito ang pang-
unkol na para sa, para kay at para kina.
Halimbawa:
Nagpaluto ng pagkain si Louie para sa mga bisitang darating.
Nagapluto niyan si Louie Nagapluto niyan si Louie para kay
Elizabeth.
Nagpaluto nito si Louie para kina Mang Lino at Aling Belen.

c. Kumplementong ganapan- ang panandang sa at mga panghalili nito ang


nagunguna sa kumplementong ito.
Halimbawa:
Nagpiknik sila sa tabing ilog.
Nagpiknik sila roon.
Nagpiknik sila rito.

d. Kumplementong sanhi- isinasaad dito ang kadahilanan ng pangyayari


ngkilos ng pandiwa. Ginagamit dito ang ang panandang dahil sa kay at mga
panghalili nito.
Halimbawa:
Dahil kay Rosa, nahulin ng dating si Nora.
Dahil sa kamuntik na siyang mawalan ng ina, isinumpa niyang
magbagong buhay na.

e. Kumplementong layon- tinutukoy rito ang bagay na ipinahahayag ng


pandiwa. Ginagamit dito ang panandang ng.
Halimbawa:
Nagtitinda ng sapatos si Nancy.
Bumili ng damit si Claire.
Uminom ng gamot si Francisco.

Page 2
MODULE KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO

f. Kumplementong kagamitan o instrumento- Pinangungunahan naman ito


ng pariralang sa pamamagitan ng at ng mga panghalili nito.
Tinutukoy rito kung anong instrumento o kagamitan ang ginagamit para
maisakatuparan ang kilos ng pandiwa.
Halimbawa:
Sa pamamagitan mo, mapapatawad niya si Ana.
Magkakalapit kayo sa pamamagitan ng cellphone.

Page 3
MODULE KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO

MGA SANGGUNIAN

Castillo, Alice F. et.al. 2003. Hiyas ng Lahi: Wika at Panitikan. Quezon City; University
of the Philippines Press.
De Quiros, Conrado. 1997. “Ang Kapangyarihan ng Wika, Ang Wika ng Kapangyarihan.”
Daluyan, Vol. III: 1-. Quezon City: University of the Philippines Press.
Fortunato, Teresita F. 1998. Pulitika ng Wika, Buhay at Lipunan: Filipino Para sa Agham.
Manila: De La Salle University Press
Santiago, Alfonso at Norma G. Tiangco. 2003. Makabagong Balarilang Filipino. Manila:
Rex Bookstore Publishing Co.
Pagkalinawan, et al. (2004). Filipino I: Komunikasyon sa akademikong Filipino.
Valenzuela City: Mutya Publishing House, Inc.
Santiago, Alfonso. 1979. Panimulang Lingguwistika. Manila: Rex Bookstore Publishing
Co.

Page 4

You might also like