You are on page 1of 14

KOMUNIKASYON AT

PANANALIKSIK

Guro: Sir Cabanez


Pangalan: Abiog,
Gabriel P
Seksyon: 11 – Pasteur
Ang katuturan o depinisyon ay ang pahayag ng kahulugan ng isang salita o
parirala. Ito
ang saysay, nilalaman o laman, ubod, buod, esensiya, kabuluhan, diwa, katot
ohanan ng salita, parirala, pati na ng pangungusap o talata, at katulad.

Uri ng katuturan

 Denotasyon - Literal na kahulugan (Nalulunod na si Bea.)


 Konotasyon - Malalim na kahulugan ng salita (Nalulunod sa kasiyahan.)

Example:
 Bola
 denotasyon : laruan na hugis bilog
 konotasyon : matamis na dila

 Pusang itim
 denotasyon : uri ng hayop na nangangalmot, kulay itim at
ngumingiyaw
 konotasyon : nagbabadya ng kamalasan

 Buwaya
 denotasyon : Hayop
 konotasyon : Pulitiko

 itim
 Denotasyon : Kulay
 Konotasyon : Kamatayan

 Posporo
 Denotasyon : bagay na panindi
 Konotasyon : ilaw

 Kawayan
 Denotasyon : damo
 Konotasyon : matayog

 Rosary
 Denotasyon : bagay
 Konotasyon : banal

 Pambura
 Denotasyon : bagay
 Konotasyon : kamalian

 Pusong bato
 denotasyon : walang puso
 konotasyon : matigas ang kalooban

 Kamay na bakal
 denotasyon : bakal ang kamay
 konotasyon : paghihigpit

 Bugtong anak
 denotasyon : anak na bugtong
 konotasyon : nag-iisang anak

 Nagsusunog ng kilay
 denotasyon : sinusunog ang kilay
 konotasyon : nag aaral mabuti

 Umusbong
 denotasyon : paglaki o pagtubo ng halaman
 konotasyon : kinalakihan o lumaki

 Bola ng kanyon
 denotasyon : Ang bola ng kanyon
 konotasyon : matigas ang ulo

 Balitang kutsero
 denotasyon : balita ng kutsero
 konotasyon : gawa gawang storya o chismis

 Nagpantay ang paa
 denotasyon : pantay ang paa
 konotasyon : patay na

 Iyak pusa
 denotasyon : umiiyak ang pusa
 konotasyon : iyakin

 Buhay alamang
 denotasyon : buhay na alamang
 konotasyon : mahirap

 Pagputi ng uwak
 denotasyon : pumuti ang uwak
 konotasyon : hindi na matutuloy o hindi mangyayari

 Basang sisiw
 Denotasyon : Sisiw na basa
 Konotasyon : Batang kalye

 Gintong kutsara
 Denotasyon : Kutsara na ginto
 Konotasyon : Mayaman na angkan

Ang kahalagahan ay tumutukoy sa kawalan o kalakihan ng kuwenta o


kapakinabangan ng isang bagay, tao, konsepto, o pangyayari.

Halimbawa na pangungusap:
 Naiintindihan mo ba kung ano ang kahalagahan ng mga buhay na
inialay ng mga aktibista noong panahon ng Martial Law? Napakalaki
ng halaga nila dahil kung wala sila, wala ang kalayaang tinatamasa
mo ngayon.

Kahulugan ng layunin (Layunin meaning):


Ang salitang ugat ng salitang layunin ay layon. Ang ibig sabihin ng layunin
ay pagkakaroon ng layon. Kapag sinabing may layunin, ibig sabihin ay
may intensyon. Ang kasingkahulugan nito ay obhektibo.

Ang salitang layunin ay maaaring ding tawaging samga sumusunod na


salita: adhika, adhikain, ambisyon, at pangarap. Ang sabi ng iba ay maaari
ring tawaging hangarin at katwiran o pangangatwiran.
Ang layunin ay isang motibasyon (motivation), iniibig, ginusto o
pinangarap. Maaari ring binabalak at isinakatuparan ng isang sistema
para makuha ang gustong makamit.

Ang layunin ay maaari ring isang pansarili, personal o pangsamahang


ninais na wakas.

Maraming mga tao sa mundo ang silang nagsusumikap o


nagpupunyaging maabot ang mga kani-kanilang layunin sa loob ng isang
panahon sa pamamagitan ng pagtatakda ng mga hangganang oras. Mas
kilala natin ito sa bokabularyong ‘deadline’.

Sa wikang Ingles, ang layunin ay maaaring tinatawag na ‘goal’ at ito ay


halos inihahalintulad sa mga salitang ‘purpose’ o ng ‘aim’.

Ang inaasahang resulta ng layunin ay gumagabay sa pagtugon o


reaksiyon, sa isang wakas, dulo, isang bagay na maaaring pisikal o
abstrakto.

Ang layunin o intensiyon kung tawaging kadalasan ay isang tiyak na


paghahangad ng isang bagay o pangyayari sa pamamagitang ng
pagsasagawa ng isa o mga kilos, o kaya ng mga serye na paggalaw, o
magkakasunod na mga gawain. Basta ang tinutumpok nito ay ang
gustong maging katapusan o layon na pinupukol.

Ang sinasadyang kilos o ugali ay maaaring siyang isinaisip at sadyang


pinakay patungo sa pagpapalaganap ng isinet na layunin. Ang mga
pananaliksik sa pilosopiyang eksperimental ay nagpapakita na mahalaga
rin ang iba pang mga bagay-bagay hinggil sa kung ang kilos ay
maisasaalang-alang bilang intensiyunal, sinadya, o hindi sinasadya.
Gamitin sa pangungusap ang salitang “layunin”:

• “Layunin ng pananaliksik na makakalap ng mga tama at eksaktong


impormasyon na makatutulong sa mga gustong matuto.”

• “Ano ba ang layunin mo sa buhay? Bakit ka nagsusumikap mag-aral?”

• “Kung layunin mo lang ay maging mayaman at magkaroon ng mga


mamahaling bagay sa mundo, ibig sabihin sariling pag-unlad lang ang
iniisip mo at hindi ang pag-unlad ng paligid mo.”

• “Ang layunin ng pag-aaral nang mabuti ay magamit ang napag-aralan sa


kabutihan

• “Dapat may mga layunin sa buhay dahil ang mga ito ay magsisilbing
motibasyon para mas maging makabuluhan ang iyong bu

• “Isa-isahin ang layunin ng inyong komunida

• "Layunin ng Kultura ang magpapalawig ng diwa at puso."

• “Ang mga layunin ng samahang ito ay pagtaguyod ng paglago ng


ekonomiya, kaunlarang panlipunan, pagsulong ng mga kultura sa mga
kasapi, at pagpapalaganap ng kapayapaang pangrehiyon.

• Artikulo3, Seksyon 2 ng Bill of Rights: Ang karapatan ng mga taong-


bayan na magkaroon ng kapanatagan sa kanilang sarili, pamamahay,
papeles, at mga bagay-bagay laban sa hindi makatwirang paghahalughog
at pagsamsam sa ano mang layunin ay hindi dapat labagin, at hindi dapat
maglagda ng warrant sa paghalughog o warrant sa pagdak

Read more on Brainly.ph -


https://brainly.ph/question/250872#readmore

Ang uri ay isa sa mga pinakapayak na pangkat sa kahanayang para sa


mga nilikhang may-buhay at isang antas ng pagkakapangkat-pangkat.
Kadalasang ipinakakahulugan na isa itong lipon ng mga organismo na
may kakayahang makipagtalik sa isang kalahi at nakapagsisilang
ng supling na maaari ring magka-anak.
Read more on Brainly.ph -
https://brainly.ph/question/868092#readmore

Kahulugan ng Balangkas

Balangkas

Ang balangkas ay tumutukoy sa ayos ng mga ideya sa isang teksto,


talumpati, ulat o hindi kaya ay sa isang sanaysay. Ito ay binubuo ng mga
pangunahin at pangalawang ideya na siyang kumakatawan sa buod o
konsepto na nais ipahatid ng isang akda. Ito rin ang nagsisilbing gabay sa
mga taga ulat, taga basa, at taga pakinig upang malaman at maipahatid
ang pinaka punto ng isang akda. Ang balangkas ay tinatawag na outline
sa Inges.

Ang balangkas ay maaaring isulat sa iba't ibang paraan. Narito ang ilan sa
mga paraan ng pagsulat ng balangkas:

Sentence Outline o balangkas na ginagamitan ng pangungusap

Topic outline o balangkas ng pangunahing ideya o konsepto

Read more on Brainly.ph -


https://brainly.ph/question/414082#readmore

Ang ibigsabihin po ng bahagi ay ito po sa inglish ay part o ito po ay siyang


bumubuosa isang kabuuan.

Mga Hakbang sapagpili at pagbuong Paksa saPananaliksik


1.Alamin ang interes . Tukuyinkung anong paksa angtumatawag sa iyong
pansin.
2.Gawing partikular o ispesipikoang paksang napili. Iwasanang malawak na
paksa.
3.Iangkop ang paksang napiliayon sa panahon o timeframe na inilaan
upangmatapos ang pananaliksik.

4. Suriin kung ang paksang napiliay napapanahon.


5. Tukuyin kung may makakalap nasapat na datos at sanggunianupang
maisagawa angpananaliksik.
katlong Hakbang
Bago pa man simulan ang pagpili ng iyong paksa ay mahalagang malaman
mo muna ang layunin sa pagbuo ng sulating pananaliksik para maihanay o
maigunay mo sa mga layuning ito ang iyong mga gagawin.
Halimbawa'y ito ang layuning sasabihin ng iyong guro: Ang layunin ng
gawaing ito ay maipamalas mo ang kasanayan sa pananaliksik sa Filipino
batay sa kaalaman sa oryentasyon, layunin, gamit, metodo, at etika ng
pananaliksik patungkol sa mga paksang napapanahong at pagbuti ng mga
programa at serbisyo ng paaralan para sa mga mag-aaral.
Mula sa layuning ito ay mag-isip ka ng paksang tutugma rito. Hinde dapat
lumayo ang iyong paksa sapagkat may dahilan ang guto sa pagpili ng
layuning pagmumulan ng sulating pananaliksik ng kanyang mga mag-aaral.
Alin kaya sa mga ito ang pinakagusto ko o pinakamalapit sa aking puso,
pinakamadali kong maihahanap ng kasagutan, pinakamadaling maiugnay sa
layunin, at tiyak na matatapos ko sa limitadong oras na ibinigay sa akin para
tapusin ang gawain?
5. Paglilimita sa paksa

4.Pagbuo ng tentatibong paksa

1. Alamin kung ano ang inaasahan o layunin ng susulatin


Unang Hakbang
Sa paglilimita sa iyong paksa, iwasang maging lubha nman itong limido na
halos wala ka nang pagkakataon upang mabuo ito bilang isang sulating
pananaliksik. Dito mangangailangan ka ng modipikasyon o bahagyang
pagpapalawak sa iyong paksa upang maging mas makabuluhan ang
kalabasan ng iyong pag-aaral.

Ikalawang hakbang
Nilimitahang Paksa:

Mga dahilan sa labis at madalas na pagpupuyat ng mga mag-aaral at ang


epekto nito sa kanilang gawaing pang-akademiko
Batay sa sagot na ibibigay mo sa tanong na ito ay mapipili mo ng iyong
tentatibong paksa.
May mga gurong nagbibigay ng mga paksang maaring pagpilian ng mag-
aaral. Ang mga paksang ito ay nakaugnay sa mga layunin. Kung sakaling wala
kang magustuhan sa mga paksang ibinigay upang pagpilian ay maari mong
kausapin ang iyong guro upang mabigyan ka ng pagkakataong pumili ng
ibang paksang malapit sa iyong puso at interes. Mahalagang lagi kang
makipag-ugnayan sa iyong guro para makuha ang pananaw niya sa
mungkahi mong paksa bago pa man ito simulan upang maiwasang masayang
ang oras mo kung sakaling may ibang suhestiyon pa ang iyong guro kaugnay
nito. Kung sakaling walang ibibigay na pagksang pagpipilian ang guro at ikaw
ay mabibigyan ng pagkakataong pumili ng sarili mong paksa, isa itong
maganda subalit mapanghamong gawain. Maari kang maupo at mag-isip ng
lahat ng mga posibleng paksa. Pag-isipan ang paksang malapit sa puso mo
na tutugma sa layuning ibinigay ng guro.
Muling balikan at isa-isang basahin ang mga isinulat mong ideya. Suriing
mabuti ang bawat isa gamit ang sumusunod na mga tanong:

Alin-alin sa mga ito ang magiging kawili-wiling gawin o saliksikin para sa iyo?
Bakit ka interesado rito?
Alin ang posibleng makatulog sa iba kapag naihanap ito ng kasagutan?
Ang alam na alam mo na? Alin ang gusto mo pang lalong makilala o
mapalawak ang iyong kaalaman
Alin ang maaaring mahirap ihanap ng kagamitang pagkukunan ng
impormasyon?
Alin ang masyadong malawak at mahirap gawan ng pananaliksik?
Alin naman ang masyadong limitado o maliit ang sakop?
Alin ang angkop sa iyong antas at kakayanin mong tapusin sa itinakdang
panahon
Ika-limang Hakbang
Maaring sa una'y malawak ang paksang nabubuo mo kaya't kakailanganin
mong limitahan ito upang magkaroon ng pokus ang gagawin mong
pananaliksik. Tandaang hindi dapat maging masyadong malawak o
masaklaw ang paksa na sa dami ng impormasyong gusto nitong patunayan
ay hindi na matatapos sa takdang panahon at hinde maihahanap ng angkop
na kasagutan. Makikita sa ibaba ang ilang halimbawa ng paglilimita sa isang
malawak o pangkalahatang paksa.

Mula sa mga sagot mo sa mga tanong na ito ay matutukoy mo kung alin sa


mga nakatala sa iyong papel ang maaari mong ipursige bilang paksa ng iyong
sulating pananaliksik. Lagyan ng marka ang mga ito gamit ang mga naunang
tanong bilang gabay. Muli, suriing mabuti ang mga napili mo. Magdesisyon
ka at itanong sa sarili:

3. Pagsusuri sa mga itinalang ideya

2. Pagtatala ng mga posibleng maging paksa para sa sulating pananaliksik

Paano tunguhin ng isang paksa


BAGO maorganisa ang materyal sa isang lohikal na paraan, kailangan mong
magkaroon ng isang tunguhin sa isip. Ang iyo bang tunguhin ay upang
ipabatid lamang sa iba ang tungkol sa isang partikular na paksa—isang
paniniwala, isang saloobin, isang kalidad, isang uri ng paggawi, o isang
paraan ng pamumuhay? Nais mo bang mapatunayan o mapabulaanan ang
isang partikular na ideya? Ang iyo bang tunguhin ay ang malinang ang
pagpapahalaga sa isang bagay o kaya’y magpakilos? Maghaharap ka man ng
iyong materyal sa isang indibiduwal o sa mas maraming tagapakinig, upang
magawa ito nang mabisa, kailangan mong isaalang-alang ang nalalaman na
nila hinggil sa paksa at ang kanilang saloobin tungkol dito. Pagkatapos mong
magawa ito, balangkasin ang iyong materyal sa paraang makatutulong sa iyo
na maabot ang iyong tunguhin.
May kinalaman sa ministeryo ni Saul (Pablo) sa Damasco, ang Gawa 9:22 ay
nag-uulat na “nililito [niya] ang mga Judio na naninirahan sa Damasco
habang pinatutunayan niya sa lohikal na paraan na ito ang Kristo.” Ano ang
kalakip sa lohikal na patotoong iyon? Gaya ng ipinakikita ng ulat sa dakong
huli ng ministeryo ni Pablo sa Antioquia at Tesalonica, ginawa muna niyang
batayan ang bagay na tinatanggap ng mga Judio ang Hebreong Kasulatan at
na sila’y nag-aangking naniniwala sa sinasabi ng mga ito tungkol sa Mesiyas.
Pagkatapos, mula sa Kasulatang iyon, pumili si Pablo ng mga bahagi nito na
tumatalakay sa buhay at ministeryo ng Mesiyas. Kaniyang sinipi ang mga ito
at inihambing ang mga ito sa aktuwal na nangyari kay Jesus. Sa dakong huli,
gumawa siya ng maliwanag na konklusyon, alalaong baga, na si Jesus ang
Kristo, o Mesiyas. (Gawa 13:16-41; 17:2, 3) Kung ikaw ay naghaharap din ng
katotohanan ng Bibliya sa isang lohikal na paraan, ito ay maaaring magdulot
ng nakahihikayat na epekto sa iba.
Pag-oorganisa ng Presentasyon. Ang materyal ay maaaring ayusin sa iba’t
ibang lohikal na paraan. Kung inaakala mong ito’y may bentaha, maaari
mong gamitin ang isang kombinasyon ng mga pamamaraan. Isaalang-alang
ang ilan sa mga posibilidad.
Kaayusan ayon sa tema: Ito’y nagsasangkot ng pag-oorganisa ng iyong
materyal sa iba’t ibang seksiyon, na bawat isa ay tumutulong sa iyong
tunguhin. Ang mga seksiyon ay maaaring mga pangunahing punto na
mahalaga upang maunawaan ang iyong paksa. Ang mga ito ay maaaring
espesipikong mga argumento na nagpapatunay o nagpapabulaan sa isang
bagay. Ang ilang punto, bagaman may kaugnayan sa paksa, ay maaaring
idagdag o alisin, depende sa iyong tagapakinig o sa iyong tunguhin.
Isaalang-alang ang isang halimbawa ng kaayusan ayon sa tema. Ang isang
maikling presentasyon hinggil sa pangalan ng Diyos ay maaaring sumaklaw
sa (1) kung bakit mahalaga na makilala ang Diyos sa kaniyang pangalan,
(2) kung ano ang pangalan ng Diyos, at (3) kung paano natin mapararangalan
ang pangalang iyon.
Malaki ang matututuhan hinggil sa kaayusan ng materyal ayon sa tema sa
pamamagitan ng pagsusuri sa mga publikasyong dinisenyo ng “tapat at
maingat na alipin” upang gamitin sa pantahanang pag-aaral sa Bibliya. (Mat.
24:45) Ang mga publikasyong ito ay karaniwan nang nagtataglay ng
maraming paksa, o tema, na makatutulong sa mga estudyante sa
pagkakaroon ng pangkalahatang pangmalas sa saligang mga katotohanan ng
Bibliya. Ang mas malalaking publikasyon ay gumagamit ng mga subtitulo
upang hatiin ang bawat kabanata. Inihahanda ng bawat tema ang
estudyante para sa kasunod na materyal at nakatutulong ito sa kabuuang
larawan.
Sanhi at epekto: Ang pangangatuwiran mula sa sanhi tungo sa epekto ay isa
pang paraan ng paghaharap ng impormasyon sa isang lohikal na paraan.
Kapag ikaw ay nakikipag-usap sa isang grupo o sa mga indibiduwal na
nangangailangang higit na magbigay-pansin sa kalalabasan ng isang bagay
na kanilang ginagawa o pinaplanong gawin, ang paraang ito ay maaaring
maging mabisa. Ang Kawikaan kabanata 7 ay naglalaan ng isang
napakahusay na halimbawa nito. Buong linaw na inilalarawan nito kung
paanong ang isang walang-karanasang binata na “kapos ang puso” (ang
sanhi) ay nasangkot sa isang patutot at nagdusa ng mapait na bunga nito
(ang epekto).—Kaw. 7:7.

Upang bigyan ng karagdagang pagdiriin, maaari mong ipakita ang


pagkakaiba ng masasamang resulta na nararanasan niyaong mga hindi
lumalakad sa mga daan ni Jehova at ng mabubuting resulta na nararanasan
ng mga nakikinig kay Jehova. Palibhasa’y napakilos ng espiritu ni Jehova,
ipinakita ni Moises ang gayong pagkakaiba nang siya’y magsalita sa bansang
Israel bago sila pumasok sa Lupang Pangako.—Deut., kab. 28.
Sa ilang pangyayari, mas mabuting magsimula sa iyong pagtalakay sa
pamamagitan ng pagtukoy sa isang kalagayan (ang epekto) at saka
magharap ng katibayan na nagpapakita ng mga salik na naging dahilan nito
(ang sanhi). Kadalasang ito’y kaugnay ng isang presentasyon na suliranin-at-
solusyon.

Suliranin at solusyon: Sa ministeryo sa larangan, kapag tinatalakay mo ang


isang suliranin na ikinababahala ng mga tao at ipinakikita na may isang
kasiya-siyang solusyon, maaaring mapasigla nito ang isang tao upang
makinig. Maaaring ikaw ang magbangon ng suliranin o maaaring ibangon ito
ng iyong kausap.

Ang gayong suliranin ay maaaring hinggil sa bagay na ang tao ay tumatanda


at namamatay, ang pangingibabaw ng krimen, o ang laganap na pag-iral ng
kawalang-katarungan. Hindi na kailangan ang mahabang pagtalakay upang
ipakita na may gayong suliranin, sapagkat ito ay kitang-kita na. Basta’t
magsimula sa pagbanggit sa suliranin, at saka iharap ang solusyong nasa
Bibliya.

Sa kabilang panig, ang suliranin ay maaaring totoong personal, na


nagsasangkot sa mga hamong napapaharap sa isang nagsosolong magulang,
pagkasira ng loob dahil sa malubhang sakit, o hirap na nararanasan ng isang
tao dahil sa di-maibiging pagtrato sa kaniya ng ibang tao. Upang
makapagdulot ng pinakamalaking kabutihan, kailangan ka munang maging
isang mabuting tagapakinig. Ang Bibliya ay naglalaan ng mahalagang
impormasyon sa lahat ng mga suliraning ito. Subalit kailangang gamitin ito
nang may kaunawaan. Upang talagang makinabang ang kausap mo sa iyong
tinatalakay, kailangan mong maging makatotohanan. Linawin mo kung ang
tinatalakay mo ay isang permanenteng solusyon, pansamantalang
kaginhawahan, o kung paano lamang haharapin ang isang kalagayang hindi
na magbabago sa sistemang ito ng mga bagay. Sa ibang salita, tiyaking ang
maka-Kasulatang pangangatuwiran na iyong ibinibigay ay sapat upang
masuportahan ang iyong konklusyon. Kung hindi, ang solusyong iyong
tinutukoy ay maaaring hindi magmukhang lohikal sa taong iyon.

Kronolohikal na pagkakasunud-sunod: Angkop na iharap ang ilang materyal


ayon sa panahon ng pagkapangyari. Halimbawa, sa aklat ng Exodo, ang
Sampung Salot ay iniharap ayon sa sunud-sunod na paglitaw ng mga ito.
Sa Hebreo kabanata 11, ang pagtatala ni apostol Pablo ng mga lalaki at
babaing huwaran sa pananampalataya ay sa paraang kronolohikal.

Kung maglalahad ka ng mga pangyayari mula sa nakaraan ayon sa


kronolohikal na pagkakasunud-sunod, ito ay maaaring makatulong sa iyong
tagapakinig na maunawaan kung paano naganap ang ilang mga pangyayari.
Ito ay kumakapit kapuwa sa makabagong-panahong kasaysayan at sa mga
pangyayari noong kapanahunan ng Bibliya. Sa gayo’y maaaring pinagsasama
mo ang kronolohikal na pagkakasunud-sunod at ang sanhi-at-epektong
pangangatuwiran. Kung pinaplano mong balangkasin ang mga pangyayari na
ayon sa Bibliya ay magaganap sa hinaharap, isang kronolohikal na
presentasyon marahil ang magiging pinakamadaling masubaybayan at
matandaan ng iyong tagapakinig.

Ang paggamit ng isang kronolohikal na paraan ay hindi nangangahulugan na


lagi kang mag-uumpisa sa simula. Sa ilang kaso, maaaring maging higit na
mabisa na pasimulan ang isang salaysay sa isang kapana-panabik na
pangyayari sa kuwento. Halimbawa, kapag naglalahad ng isang karanasan,
marahil ay pipiliin mong isaysay ang tungkol sa isang okasyon nang masubok
ang katapatan ng isa sa Diyos. Pagkatapos mapukaw ang interes sa bahaging
iyon ng salaysay, maaari mo nang ilahad sa kronolohikal na pagkakasunud-
sunod ang mga detalye na humantong doon.

Paggamit Lamang ng Kaugnay na Materyal. Anuman ang iyong paraan sa


pag-oorganisa ng iyong materyal, tiyakin na ang gagamitin mo ay yaon
lamang may kaugnayan sa paksa. Ang tema ng iyong pahayag ay dapat na
makaapekto sa iyong pagpili. Ang uri ng iyong tagapakinig ay dapat ding
isaalang-alang. Para sa isang uri ng tagapakinig, ang isang partikular na
punto ay maaaring napakahalaga, samantalang para sa ibang grupo ito ay
maaaring hindi na kailangan. Kailangan mo ring tiyakin na ang lahat ng iyong
materyal ay makatutulong sa pag-abot sa iyong tunguhin. Kung hindi, ang
iyong presentasyon, bagaman marahil ay kawili-wili, ay maaaring mawalan
ng bisa.

Kapag gumagawa ng pagsasaliksik, maaaring makasumpong ka ng maraming


kawili-wiling materyal na kaugnay ng iyong paksa. Gaano karami nito ang
dapat mong gamitin? Kung pauulanan mo ang iyong tagapakinig ng sobrang
materyal, maaaring mabigo ka sa iyong layunin. Ang ilang pangunahing ideya
na nabuong mabuti ay mas madaling tandaan kaysa sa napakaraming ideya
na inihaharap nang napakabilis. Hindi ito nangangahulugan na hindi na
kailangang isama kailanman ang kaugnay na kawili-wiling impormasyon.
Subalit, huwag mong hayaang palabuin ng mga ito ang iyong tunguhin.
Pansinin kung paanong ang gayong mga detalye ay maingat na isinama sa
Bibliya sa Marcos 7:3, 4 atJuan 4:1-3, 7-9.

Habang ikaw ay sumusulong mula sa isang punto tungo sa susunod, mag-


ingat na huwag gawin iyon nang biglaan anupat hindi masubaybayan ng
iyong tagapakinig ang pagkakasunud-sunod ng ideya. Upang maging mabisa
ang pagkakaugnay-ugnay ng mga ideya, maaaring kailanganin mong
maglagay ng isang tulay mula sa isang ideya patungo sa iba. Ang tulay ay
maaaring isang sugnay o ito ay maaaring isang kumpletong pangungusap na
nagpapakita ng kaugnayan ng dalawang ideya. Sa maraming wika, ang
simpleng pangatnig na mga salita o parirala ay maaaring gamitin upang
ipakita ang kaugnayan ng isang bagong ideya sa sinundan nito.
Ang paggamit lamang ng kaugnay na materyal at pagsasaayos nito sa lohikal
na pagkakasunud-sunod ay makatutulong sa iyo upang maabot ang iyong
tunguhin.

You might also like