You are on page 1of 12

ANTAS NG WIKA

Edison JR Inocencio Antonio


ANTAS NG WIKA
• Balbal
• Kolokyal
• Lalawiganin
• Teknikal
• Masining o Pampanitikan
BALBAL
Pinakamababang antas ng wika. Karaniwang likha lamang amg mga ito.
Halimbawa: dyowa, erpats, mudra, at iba pa.
KOLOKYAL
Karaniwang pakikipag-usap ng isang indibiduwal. Impormal ang pakikipag-
usap gayundin ang gamit ng mga salita. Halimbawa: titser, miting, kaklase, at
iba pa
LALAWIGANIN
Mga salitang ginagamit mula sa lalawigan. Halimbawa: vakul (Batanes),
malong (Maranao), tupig (Pangasinan), at iba pa
TEKNIKAL
Gamit sa iba’t ibang disiplina/sitwasyong akademiko. Halimbawa
Accountancy, Internet, Computer, at iba pa
MASINING O PAMPANITIKAN
Pinakamataas na antas ng wika. Halimbawa: salamisim, kadaupang-palad, at
iba pa
MGA PAHAYAG/SALITA NA
GINAGAMIT SA
PAGBIBIGAY NG OPINYON
Edison JR Inocencio Antonio
MGA PAHAYAG/SALITA NA GINAGAMIT
SA PAGBIBIGAY NG OPINYON
Sa pagbibigay ng opinion o kuro-kuro, karaniwang gumagamit ng mga pahayag na:
- naniniwala ako
- sa aking palagay
- buo ang aking paniniwala
- dapat na, at iba pa
Sa mga salita naman, karaniwang ginagamit ang:
- dapat
- wari
- dahil
- wari
- dahil
- kaya
- subalit
- ngunit, at iba pa.
BATAYAN NG
PAGKAKASULAT NG
SANAYSAY
Edison JR Inocencio Antonio
BATAYAN NG PAGKAKASULAT NG
SANAYSAY
1. Nakita – Mga pangyayari sa paligid na nakita at iuugnay sa isang paksa o
isyu na bibigyan ng opinion.
2. Napanood – May layuning gawin ang kasanayang ito mula sa pinapanood.
Maaaring magbigay ng reaksiyon o opinion sa mga pangyayari.
3. Narinig – Maaaring batay sa anumang narinig, maging maingat lamang na
huwag madagdagan o mabawasan sapagkat baka malihis ang ideyang
isusulat.
4. Nabasa – komprehensibong batayan na nakasalalay kung paano naunawaan
ang akdang binasa.
5. Naranasan – pinakaepektibong batayan sapagkat malapit sa damdamin,
saloobin, at naranasan ng susulat.

You might also like