You are on page 1of 12

HEOGRAPIKAL,

MORPOLOHIKAL, AT
PONOLOHIKAL NA VARAYTI NG
WIKA

By: Mary Grace Y. Paracha


HEOGRAPIKAL NA VARAYTI NG WIKA
 Nagiging salik ang heograpiya o lugar ngnagsasalita sa
pagkakaroon ng varayti ng wika. Dahil ang Pilipinas ay
isang archipelago na nahahati ng katubigan at kapatagan,
at napaghihiwalay ng mga pulo at kabundukan, hindi
maiiwasang makalikha ng sariling kultura o paraan ng
pamumuhay ang mga taong samasamang naninirahan sa
isang partikular na pulo o lugar.
 Kasabay ng nabubuong kultura ang pagbuo rin ng wika
sapagkat ang kultura ay kabuhol ng wika.
 Ito ang dahilan kung bakit sa magkakahiwalay at
magkakaibang lugar, ang iisang bagay o konsepto ay
nagkakaroon ng magkaibang katawagan.
Mga halimbawa ng Heograpikal na Varayti ng Wika:
Salita: Ibon
Filipino- ibon Sinugbuanong
Binisaya- langgam
 Samakatuwid, isang salita ngunit magkaiba ng kahulugan sa dalawang
magkaibang wika.
Salita: mangutang
Filipino: manghiram ng pera
Pampanga: magtanong ng direksiyon

Salita: maganda Salita: oras


Filipino: kaakitakit Filipino: panahon
Samar: mahusay Pangasinan: hugas
MORPOLOHIKAL NA VARAYTI NG
WIKA
 Hindi lamang ang lokasyon ng mga lugar at ang magkakaibang kultura na
lumilikha ng magkakaibang katawagan at kahulugan ang nagiging
dahilan ng varayti sa wika. Ang iba’t ibang paraan ng PAGBUO ng
SALITA ng mga taong kabilang sa iba’t ibang kultura ay nagiging salik
din sa varayti ng wika.

Basahin ang mga pahayag:


A. “napatak ang mga dahon”
B. “nasuray ang dyipni”
C. “mapurol ang ulo”
 Pansinin ang pagbuo ng mga salitang “napatak” at
“nasuray”. Sa ilang lalawigang Tagalog gaya ng
Batangas, ang pandiwa (verb) o salitang nagpapakita ng
aksiyon o kilos ay nakabanghay sa unlaping /na-/ tulad
ng naiyak, naulan, nakanta at natakbo. Sa maynila ang
pandiwa ay nakabanghay sa gitlaping /-um-/ gaya ng
umiiyak, umuulan, kumakanta, at tumatakbo.
 Kaya sa Maynila, ang napatak ay pumapatak at ang
nasuray ay sumusuray.
 Dahil sa iba-iba ang wikang ginagamit sa iba’t ibang lugar,
nagkakaiba rin ang paraan ng pagbuo ng salita ng mga
naninirahan sa mga ito. Ang pagkakaibang ito sa pagbuo ng
mga salita dahil sa paglalapi ang tinatawag na
Morpolohikal na Varayti ng Wika.
PONOLOHIKAL NA VARAYTI NG
WIKA
 Bukod sa mga pagkakaiba sa katawagan at
kahulugan (heograpikal na varayti), anyo at
ispeling (morpolohikal na varayti), nagkakaroon
din ng pagbabago sa bigkas at tunog ng mga
salita ayon sa pangkat ng mga taong gumagamit
nito.
PONOLOHIKAL NA VARAYTI NG WIKA
 Sa paglikha ng kani-kaniyang wika, hindi maiiwasang
malikha rin ang magkakaibang tunog at bigkas ng mga salita.
Nagkakaroon ng kani-kaniyang dialectal accent ang bawat
lugar. Halimbawa sa Bisaya, nagkakapalitan ang bigkas ng /e/
at /i/ at ng /o/ at /u/. Maaring ang maging bigkas ng isang
bisaya sa “pera” ay “pira”, ang “pitaka” ay “petaka”, ang
“kuya” ay “koya” at ang “bola” ay “bula”. Mali ba ang
ganitong pagbigkas? Ang sagot at hindi, sapagkat ang
nagsasalita ay bumibigkas ayon sa kanyang dialectal accent.
 Ang pagkakaiba-ibang ito sa bigkas at tunog ng mga
salita ang tinatawag na varayti sa ponolohiya.
Halimbawa:
often today
organization centennial
Adidas millennium
Nike accurate
TANDAAN:
 Sa heograpikal na varayti, nasa katawagan at kahulugan
ng salita ang pagkakaiba. Sa morpolohikal na varayti,
ang pagkakaiba ay nasa anyo at ispeling ng salita at
hindi sa taglay na kahulugan nito. Samantala, sa
ponolohikal na varayti, nasa bigkas at tunog ng salita
ang pagkakaiba.
MARAMING SALAMAT
SA PAKIKINIG 

You might also like