You are on page 1of 20

Pahina|1

DATA CENTER COLLEGE OF THE PHILIPPINES

BRGY. 8, SAN VICENTE, LAOAG CITY
ILOCOS NORTE

PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG

TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK

DISENYO NG KURSO

PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG

TITULO NG KURSO:
TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK
NAITALAGANG ORAS: 80(Walumpu) Oras

DESKRIPSYON NG Pag-aaral sa proseo ng pagbasa at

KURSO: pagsusuri ng iba’t ibang anyo at uri ng
teksto na nakatutulong sa pagbuo at
pagsulat ng sistematikong pananaliksik.

PANGANGAILANGAN Ang mga mag-aaral ay inaasahang:

NG MGA MAG-AARAL:
 Nasusuri ang kalikasan, katangian at
anyo ng iba’t ibang teksto.
 Nakasusulat ng mga reaskyong papel
batay sa binasang teksto ayon sa
katangian at kabuluhan nito sa:
a. sarili
b. pamilya
c. komunidad
d. bansa
e. daigdig
 Nakapamamalas ng kasanayan sa
pananaliksik sa Filipino batay sa
kaalaman sa oryentasyon, layunin,
gamit, metodo at etika ng pananaliksik

ISTRUKTURA NG KURSO:

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Araw na Isinagawa : Disyembre, 2020

Ibang Teksto Tungo sa
Pananaliksik Isinagawa ni : Jeffrey R. Bumanglag. LPT
Pahina|2

Pamantayang
Pangninilaman
Panahong
Mga Kasanayang Pampagkatuto
Itinalaga

1. Nasusuri ang  Natutukoy ang paksang tinalakay

iba’t ibang uri sa iba’t ibang tekstong binasa.
ng binasang  Natutukoy ang kahulugan at
teksto ayon sa katangian ng mahahalagang
kaugnayan salitang ginamit ng iba’t ibang uri
nito sa sarili ng tekstong binasa.
pamilya,  Naibabahagi ang mga katangian at
komunidad, kalikasan ng iba’t ibang tekstong
bansa at binasa.
daigdig.  Nakasusulat ng ilang halimbawa ng
iba’t ibang uri. Teksto. 1-6
 Nagagamit ang cohesive device sa Linggo
pagsulat ng sariling halimbawang
teksto.
 Nakakakuha ng angkop na datos
upang mapaunlad ang sariling
tekstong isinulat.
 Naiuugnay ang kaisipang
nakapaloob sa binasang teksto sa
sarili, pamilya, komunidad, bansa
at daigdig.
 Naipapaliwanag ang mga kaisipang
nakapaloob sa tekstong binasa.
2. Nakasusulat ng  Nagagamit ang mabisang paraan ng
mga reaskyong pagpapahayag:
papel batay sa a. kalinawan
binasang teksto b. kaugnayan
ayon sa c. bisa sa reaskyong papel na
katangian at isinulat.
kabuluhan nito  Nakasusulat ng mga reaskyong 7-8
sa: papel batay sa binasang teksto ayon Linggo
a. sarili sa katangoan at kabuluhan nito sa:
b. pamilya a. sarili
c. komunidad b. pamilya
d. bansa c. komunidad
e. daigdig d. bansa
e. daigdig
3. Nakapagmama-  Nasusuri ang ilang halimbawang 9-13
las ng pananaliksik sa Filipino batay sa Linggo
kasanayan sa layunin, gamit, metodo, at etika sa
pananaliksik sa pananaliksik.
Filipino batay sa  Nabibigyang-kahulugan ang mga
kaalaman sa konseptong kaugnay ng
oryentaysyon, pananaliksik (Halimbawa:
layunin, gamit, balangkas konseptwal, balangkas

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Araw na Isinagawa : Disyembre, 2020

Ibang Teksto Tungo sa
Pananaliksik Isinagawa ni : Jeffrey R. Bumanglag. LPT
Pahina|3

teoretikal, datos empitikal, atbp.)

 Naiisa-isa ang mga paraan at
tamang proseso ng pagsulat ng
metodo at etika isang pananaliksik sa Filipino
ng panaliksik batay sa layunin, gamit, metodo at
etika ng pananaliksik.
 Nagagamit ang mga katwirang
lohikal at ugnayan ng mga ideya sa
pagsulat ng isang pananaliksik
4. Nakabubuo ng  Nabubuo ng isang maikling
isang maikling pananaliksik na napapanahon ang
14-16
pananaliksik na paksa.
Linggo
napapanahon
ang paksa.

NAKATALAGANG DURASYON 16 Linggo

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Araw na Isinagawa : Disyembre, 2020

Ibang Teksto Tungo sa
Pananaliksik Isinagawa ni : Jeffrey R. Bumanglag. LPT
Pahina|4

TALAAN NG MGA NILALAMAN

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang teksto Tungo sa Pananaliksik Pahina

1. Batayang Kaalaman sa Pagbasa………………………………………………… 6

1.1 Teorya ng Pagbasa
1.2 Paghihinuha at Paghula

2. Hulwaran at Organisayon ng Tekstong Elspositori……………………… 9

2.1 Depinisyon
2.2 Pag-iisa-isa o Enumerasyon
2.3 Pagsusunod-sunod
2.4 Paghahambing at Pagkokontrast
2.5 Problema at Solusyon
2.6 Sanhi at Bunga

PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Araw na Isinagawa : Disyembre, 2020

Ibang Teksto Tungo sa
Pananaliksik Isinagawa ni : Jeffrey R. Bumanglag. LPT
Pahina|5

TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK

ABOT-TANAW

Pagkatapos basahin ang aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. naibigyang-kahu lugan ang kasanayang pagbasa;

2. natutukoy ang mga teorya ng pagbasa;

3. naiisa-isa ang mga uri ng teksto;

4. naipapaliwanag ang mga kahulugan ng iba’t ibang hulwaran; at

5. naiuugnay ang mga kaisipang panghulwaran batay sa kanilang katangian.

PAUNANG PAGSUSULIT

Ipaliwanag sa sariling pagpapakahulugan ang mga kotasyon.

“Be more, read more”

_________________________________________________________________________

________________________

“The man who reads is the man who leads.”

MGA BATAYANG KAALAMAN SA PAGBASA

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Araw na Isinagawa : Disyembre, 2020

Ibang Teksto Tungo sa
Pananaliksik Isinagawa ni : Jeffrey R. Bumanglag. LPT
Pahina|6

Be more, read more ang sinabi ng adbertisment ng isang pahayagan. Wika naman ni
Chesterfield, The man who reads is the man who leads. Bakit nga ba gayon na lamang ang
pagpapahalaga sa pagbasa sa dalawang kotasyon?

Kung susuriin, talino ang natatanging puhunan ng tao sa kanyang

pakikipagsapalaran sa buhay. Samakatuwid, mahalagang mahasa ang talino ng bawat tao
para na rin sa kanyang sariling kabutihan at kaunlaran.

Mahalaga ang gampaning papel ng pagbasa sa paghahasa ng talino at isipan.

Kailangan ang masidhi at malawakang pagbabasa na siyang makapagbubukas ng daan ng
lahat ng karunungan at disiplina tulad ng Agham Panlipunan, Siyensya, Matematika,
Pilosopiya, Sining at iba pa (Bernales, et al.: 2001).

Sa pagbasa, nagiging ganap ang pagkatao ng isang nilalang sapagkat nagiging sapat
ang kanyang kaalaman, kaligayahan at kasiglahan sa pakikisalamuha sa mga kapaki-
pakinabang na gawaing nagpapaunlad sa kanyang sarili, sa kanyang kapwa at sa kanyang
kinabibilangan.

Ayon naman kay Goodman(sa Badayos, 2000), ang pagbasa ay isang psycholinguistic
guessing game, sapagkat ang pagbasa ay bumubuo muli ng kaisipan o mensahe hango sa
tekstong kanyang binasa. Ayon sa depinisyon ni Goodman, binigyang-diin ang mga
kasanayan sa paghula, paghahaka, paghihinuha at pagggawa ng direksyon sa
pagpapakahulugan ng tekstong binabasa.

Teorya sa Pagbasa

a. Teoryang Buttom-up

Ang proseso ng pag-unawa, ayon sa teroyang ito, nagsisimula sa teksto(bottom)

patungo sa mababasa(up). Ang pagkilala sa mga salita at teksto ang pinakamahalagang
salik sa pagbasa. Ang mambabasa ay isang pasib na partisipant lamang sa proseso ng
pagbasa at ang tanging tungkulin niya ay maulit ang lahat ng detalyeng nakapaloob sa
tekstong binasa.

b. Teoryang Top-Down

Ang pag-unawa ay hindi nagsisimula sa teksto kundi sa mambabasa(top) tungo sa

teksto(down). Ayon sa proponent, ang mambabasa ay isang napakaaktib na partisipant sa
proseso ng pagbasa, na siya ay may taglay na dating kaalaman(prior knowledge) na
nakaimbak sa kanyang isipam at may sariling kakayahan sa wika (language proficiency) at
kanyang ginagamit habang siya ay nakikikpagtalastasan sa awtor sa pamamagitan ng
teksto (Badayos, 2000).

c. Teoryang Interaktib

Ang kombinasyon ng top-down at bottom-up na nagpapahiwatig ng dalawang

direksyon ng komprehensyon: itaas-pababa at ibaba-pataas. Ayon sa teoryang ito, ang
teksto ay kumakatawan sa wika at kaisipan ng awtor at sap ag-unawa nito, ang isang

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Araw na Isinagawa : Disyembre, 2020

Ibang Teksto Tungo sa
Pananaliksik Isinagawa ni : Jeffrey R. Bumanglag. LPT
Pahina|7

mambabasa ay gumagamit ng kanyang kaalaman sa wika at sa mga sariling konsepto o

kaisipan. Dito nagaganap ang interasyong awtor-mambabasa at mambabasa-awtor.

d. Teoryang Iskima
Mahalaga ang tungkuling ginagampanan sa pagbasa ng dating kaalaman ng
mambabasa. Ito ang batayang paniniwala ng teoryang iskima. Bawat bagong
impormasyong nakukuha sa pagbasa ay naidaragdag sa dati nang iskima. Samakatuwid,
bago pa man basahin ng isang mambabasa ang isang teksto, siya ay may taglay nang ideya
sa nilalaman ng teksto mula sa kanyang iskima sa paksa.

Maaaring binasa lamang niya ang teksto upang mapatunayan kung ang hinuha o
hula niya tungkol sa teksto ay tama, kulang at dapat baguhin. Hindi teksto ang initkutan
ng proseso ng pagbas, kundi ang tekstong nabubuo sa isipan ng mambabasa.

Paghihinuha at Paghula

Ang isang mahusay na mambabasa ay may binubuong mga tanong sa kanyang

isipan bago magbasa, habang nagbabasa at maging matapos magbasa, mga katanungan
iyong kanya ring sinasagot at bineberipay sa kanyang pagbabasa. Halimbawa ng mga
katungang ito ay Tungkol saan ang teksto? Ano kaya ang mangyayari? Bakit kaya iyon ang
nangyari? Ano ang nais sabihin sa akin ng wtor ng teksto?

Upang masagot nang wasto ang mga katanungang nabanggit, habang nagbabasa,
kailangang magtamo ng kasanayan sa paghihinuha at paghula.

Ang paghihinuha ay tumutuky sa kakayahang tukuyin ang isang bagay na hindi pa

alam bata sa ilang clues. Ang pamagat ng isang teksto, halimbawa ay maaaring maging
clue sa paghihinuha kung tungkol sa anong paksa ang teksto. May mga teksto ring may
kalakip na larawam. Katulad mh pamagat, maaari rin itong gagamitin sa paghihinuha.

Ang paghula ay tinatawag na prediksyon. Gamitin ito sa pagbabasa ng mga maikling

kwento, nobela at iba pa. Ang isang matalinong mambabasa ay nakagagawa ng halos
tumpak o tamang hula kung ano ang susunod na mangyayari o magiging kalalabasan o
wakas.

Pagtatasa o Pagtataya

Basahin ang kasunod na teksto at gawin ang bawat kawaing kaugnay nito:
Gawain 1. Pansinin ang pamagat at ang larawang kaugnay ng kasunod na teksto at
hihuhain kung tunkol saan ito. Isulat ang iyong hinuha sa mga kasunod na patlang at
patunayan kung tama ang iyong iyong naging hinuha.
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Araw na Isinagawa : Disyembre, 2020

Ibang Teksto Tungo sa
Pananaliksik Isinagawa ni : Jeffrey R. Bumanglag. LPT
Pahina|8

Ang Munting Kandila

Isang gabi ng Kapaskuhan, may isang batang lalak ang

patungo sa Katedral. Siya ay si Raul, May dala-dala siyang
isang maliit na kandil na tanglaw niya sa paglalakad. Balak
niyang itirik iyon sa altar ng Katedral para gumaling ang may
sakit at malubha niyang ina.
Mula sa munting bahay nina Raul patungo sa Katedral,
kinaikailangan niyang tumawid sa isang maukal na gubat. Sa
gitna niyo’y may isang balon na ayon sa sabi-sabi ay
pinagmumultahan.
Nang malapit na siya sa balon ay nakarinig siya ng mga taghoy. Natakot si Raul at
binilisan niya ang paglalakad upang malagpasan agad ang balon. Subalit natalisod siya’t
nadapa malapit sa balon. Napahiyaw sa takot si Raul.
Walang anu-ano’y nakarinig siya ng tinig na nanggagaling sa balon.

Sino ang pinanggalingan ng tinig sa balon? Ano ang kanyang itinataghoy? Isulat ang
iyong mga hula sa mga kasunod na patlang.
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________

Ipagpatuloy ang pagbabasa at alamin kung tama ang iyong mga hula.

“Para mo nang awa… ibigay mo sa akin ang iyong kandila upang makita ko ang
daan palabras,” anang tinig ng isang bata sa loob ng balon.
Sumagot si Raul, “Ang kandilang ito ay para sa aking ina. Ititirik koi to sa altar
upang gumaling siya.”
“Hindi mo ba ako mapagbibigyan sa gabi ng Kapaskuhan?” Ang samo ng tinig.

Gawain 2. Ano ang gagawin ni Raul? Pagbibigyan kaya niya ang samo ng tinig? Isulat ang
iyong hula sa mga kasunod na patlang.
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________

Ipagpatuloy ang iyong pagbabasa at alamin kung tama ang iyong hula.

Nag-isip sumandali si Raul. Pagkatapos ay inihagis niya ang kandila sa balon.

Lumuhod siya at sumubsob sa dalawang palad at umiyak.
Bigla-bigla ay nagliwanag. Nang itaas ni Raul ang kanyang mukha ay nakita niya
ang isang bata na tangan-tangan ang kanyang kandilang inihagis ni03ya sa balon.

“Magballik ka na sa inyo.” ang utos ng bata “Ang iyong ina ay magaling na.”

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Araw na Isinagawa : Disyembre, 2020

Ibang Teksto Tungo sa
Pananaliksik Isinagawa ni : Jeffrey R. Bumanglag. LPT
Pahina|9

Patakbong umuwi si Raul sa kanyang ina ang nangyari sa gubat. Matapos iyon
napagpasyahan nilang magtungo sa isang lumang kapilya na malapit sa kanilang bahay
upang magpasalamat.
Nang silaý pumasok sa kapilya ay halos masilaw sila sa liwanag na nagmumula sa
altar. Ang luma at maliit na kapilya ay nagliwanag at gumanda tulad ng isang Katedral.

Gawain 3. Saan nanggaling ang kakaibang liwanag sa altar ng kapilya? Bakit at paanong
ang kapiya ay nagliwang at gumandang tulad ng isang Katedral? Isulat ang iyong mga hula
sa mga kasunod na patlang.
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________

Ipagpatuloy ang iyong pagbabasa at lamain kung tama ang iyong mga hula.

“Raul, bakit ganoon ang liwang? Paano at bakit ang isang kandilang munti ay
nakapabibigay ng ganoong liwang?” ang tanong ng kanyang ina.
Lubhang namangha si Raul. Habng silaý nakaluhod ay tiningnan niya ang kandila.
Nakilala niya ang kandila. Iyon ang kandila niyang inihulog niya sa balon at dala-dala ng
batang kanyang tinulungan!
Ang liwanag ng kanyang munting kandila ay nagbalik sa kanya nang higit pa sa
liwanag ng sanlibong kandila.
Dahil sa kabutihang ipinamalas ni Raul, tinanggap niya ang pinakamagandang
regalo para sa Kapaskuhan mula sa Diyos. Ang paggaling ng kanyang inang may sakit.
Iyon ang pinakamasayang Pasko sa buhay ni Raul at ng kanyang ina.

Hulwaran at Organisayon ng Tekstong Elspositori

Iba-iba ang hulwaran ng organisasyon kapag pinag-uusapan ang tekstong

ekspositori. Ngunit ano ng aba ito? Ang tekstong ekspositori ay anumang teksto na
nagpapaliwanag o naglalahad ng mga kaalaman hinggil sa anumang paksang saklaw ng
kaalaman ng tao. Sa tekstong ekspositori rin nililinaw ang mga katanungan sapagkat
tinutugunan nito ang pangangailangan ng mga mambabasa na malaman ang mga kaugnay
na ideya o isyu.

Karaniwang isinusulat ang tekstong ekspositori ng mga manunulat na may sapat na

kasanayan sa pagsusuri ng kapaligirang ginagalawan. Kung gayon, ang manunulat ng
isang tekstong ekspositori ay kailangang marunong magsuri o mag-analisa at kailangan
niyang maging kritikal sa kanyang lipuanan upang ang kanyang teksto ay magtaglay ng
mga sumusunod na katangian:
a. obhetibong pagtalakay sa paksa;
b. sapat na mga kaalamang inilalahad sa teksto;
c. malinaw na pagkakahanay ng mga kaisipan o ideya; at
d. analitik na pagsusuri ng mga kaisipan.
Ang mga hulwaran at organisayson ng tekstong ekspotori ay ang sumusunod:
Depinisyon, Pag-iisa-isa o Enumerasyon, Pagsusunod-sunod, Paghahambing at
Pagkokontast, Problema at Solusyon at Sanhi at Bunga.

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Araw na Isinagawa : Disyembre, 2020

Ibang Teksto Tungo sa
Pananaliksik Isinagawa ni : Jeffrey R. Bumanglag. LPT
P a h i n a | 10

Talakayin natin ang mga nabanggit na hulwaran at organisasyon nang higit nating
maunawaan ang bawat isa.

Depinisyon
Kapag nais bigyang-kahulugan ang isang di-pamilyar na termino o mga salitang bago
sa pandinig at susulat ng isang sanaysay o ano pa man, kalimitang ginagamit ang istilong
depinisyon ay karaniwang nagtataglay ng tatlong bahagi: (1) ang termino o salitang
binibigyang-kahulugan, (2) ang uri, class o specie kung saan kabilang o nauuri ang
terminong binibigyang-kahulugan at (3) ang mga natatanging katangian nito(distinguishing
characteristics) o kung paano ito naiiba sa mga katulad na uri.
Maaari ring mapansin sa isang tekstong depinisyon ang dimensyong
denotasyon(karaniwang kahulugang mula sa diksyunaryo) at ang dimensyong
konotasyon(di-tuwirang kahulugan o matalinhagang kahulugan).
Halimbawa:
A.
Filipino an gating pambansang wika.
Wika- lenggwahe
“Tayong lahat ay mga Pilipino” wika ni Propesor Rivira
Wika- sabi

B.
Ayon kay Webster, ang wika ay isang masistema ng komunikasyon sa pagitan ng mga tao
sa pamamagitan ng mga pasalita o pasulat na simbolo.

Ayon kay Archibald Hill sa kanyang papel na What is Language, wika ang pangunahin at
pinakaelaboreyt na simbolikong gawain pantao.

C.
Wika. Ano ng aba ang wika? Maramng nagsasabi na ang wika ay mga tunog na lumalabas
sa bibig ng tao. Ito raw ay kasangkapan sa pakikipagtalastasan.

Pagtatasa o Pagtataya

Basahin ang kasunod na teksto at gawin ang mga kasunod na gawain.

Ang salitang tema ay galing sa salitang Griyego: thesis(pangungusap,pahayag); at

theme(ang sinasabi, ang ipinahahayag). Sa karaniwang pagkakataon, ang tema – bilang
pangungusap- ay may simuno at panaguri, at sa modong deklaratibo. (May gumagamit din ng
salitang tema bilang katumbas o singkahulugan ng salitang “paksa”. Ngunit hindi ito ang
gamit sa talakayang ito.)
Mahirap tiyakin ang wastong bilang ng mga tipo ng literatura kung ang pag-uusapan ay
kung ano ang dapat na paksain ng akdang literaryo. Kaya hindi natin masasabi dito na ang
bawat akdang literaryo ay may tema. Sapat nang sabihin na may mga akdang literaryo na
may tema. At tiyak din na may mga akda na nakasentro sa tema, na kung alisin ang tema ay
mawawala na rin ang akda. Halimbawa natin ang mga tulang “Ang Diyos Ko” ni Ramos, at ang
“Kung Ako ay Mamamatay” ni Lacaba.
Ang pangunahing layunin ng mga tulang ito ay pagpapahatid ng mensahe. Kapwa

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Araw na Isinagawa : Disyembre, 2020

Ibang Teksto Tungo sa
Pananaliksik Isinagawa ni : Jeffrey R. Bumanglag. LPT
P a h i n a | 11

rebelde sa kontemporanyong kalakaran ng buhay sa Pilipinas ang dalawang makata, kaya

naging pangunahing layunin nila ang pagmumulat sa kamalayan ng kanilang mga kababayan,
lalo na ang kanilang mga kapanahon, sa mga katotohanang na ibig ipahatid.
- Mula sa Mga Kuwadrong Konseptwal
para sa Pagtuturo ng Literatura .
ni Florentino H. Hornedo (2004) .

1. Tukuyin kung anong hulwaran ng tekstong ekspositori ang binasa. Tukuyin din ang paraang ginamit dito.
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
2. Isulat sa loob ng kasunod na graphic organizer ang mga kasunod na impormasyon mula sa teksto.

Pangkat na Kinabibilangan

Terminolohiya Katangiang Ikinaiiba sa mga

Kapangkat

Mga Detalye o Paliwanag

Pag-iisa-isa o Enumerasyon
Ang enumerasyon o pag-iisa-isa ay nauuri sa dalawa, ang simple at komplikadong
pag-iisa. Ang simpleng pag-iisa-isa ay pagtatalakay sa pangunahing paksa at pagbanggit
ng mga kaugnay at mahahalagang salita. Ang komplikadong pag-iisa-isa ay pagtalakay sa
pamamaraang patalata ng pangunahing paksa at mga kaugnay na kaisipan na naglilinaw
sa paksa.

A. Simpleng Pag-iisa-isa

Ang mga sumsunod ay mga kasangkapan ng isang nagsasalita

a. tinig d. kumpas

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Araw na Isinagawa : Disyembre, 2020

Ibang Teksto Tungo sa
Pananaliksik Isinagawa ni : Jeffrey R. Bumanglag. LPT
P a h i n a | 12

b. bigkas e. kilos
c. tinig

B. Komplikadong Pag-iisa-isa

Nilalaman ng isang Manwal

1. Pamagat- nagbibigay ng pangunahing ideya sa kung ano ang nilalaman ng manwal
2. Talaan ng nilalaman-nakasaad dito ang pagkakahati-hati ng mga paksa sa loob ng
manwal at ang pahina kung saan ito tinatalakay
3. Pambungad-naglalaman ng paunang salita tungkol sa manwal gayundin ng mensahe o
pagpapaliwanag tungkol sa nilalaman nito mula sa may-akda o sa isang taong may
kaugnayan sa kompanyang nagmamay-ari ng manwal
4. Nilalaman-tumatalakay sa katawan ng manwal, sa mismong pagpapaliwanang ng mga
gabay, pamamaraan at/o alituntunin
5. Apendise-matatagpuan dito ang mga kalakip na impormasyon hinggil sa manwal
katulad ng mga impormasyon sa pagkontak, mga tala, at iba pa.

Pagtatasa o Pagtataya

Basahin ang kasunod na teksto at gawin ang sumusunod na gawain.

Mga Gamit ng Dula sa Eskwelahan

Ang mga eskwelahan ay uri ng lipunan. Dahil dito, ang mga gamit ng dulaan sa lipunan
ay gamit din sa eskwelahan. Ngunit, dahil sa ang eskwelahan ay bukod tanging uri ng lipunan,
may bahagyang kaibhan din ang pamamaraan ng paggamit nito ng dulaan. Hindi na natin
tatalakayin pa rito ang magkakaparehong papel na ginagampanan ng dula sa lipunan at
eskwelahan. Tutukuyin na lamang natin ang ilang mahahalagang gamit nito sa paaralan.
Karaniwang nagtatanghal ng dula ang mga eskwelahan:
1. Kapag may kursong pangdulaan na nangangailangan ng practicum.
2. Kapag may guro at / o estudyanteng mahilig sa dula na nagnanais magpamalas o
maghasa ng kanilang kakayahan sa tanghalan.
3. Kapag ang tanghalan ay isa sa mga pinapayagang uri ng co-curricular activity.
4. Kapag may tradisyon ng taunang pagtatanghal.
5. Kapag may programang pang-okasyon na maaaring singitan ng maikling dula.
6. Kapag may fund raising ang eskwelahan o anumang pangkat sa eskwelahan.
(Kakaunti na lamang ang gumagawa nito ngayon dahil sa pagbabawal ng pagtinda
ng ticket ayon sa kautusan ng Departamento ng Edukasyon).
7. Kapag may okasyon o pagdiriwang na nangangailangan ng pagsasariwa sa alaala ng
Ilang simulain, idea o tao na maaaring ilahad sa pamamagitan ng dula, dularawan,
atbp.

- Mula sa Mga Gamit ng Dula sa Eskwelahan

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Araw na Isinagawa : Disyembre, 2020

Ibang Teksto Tungo sa
Pananaliksik Isinagawa ni : Jeffrey R. Bumanglag. LPT
P a h i n a | 13

ni Florentino H. Hornedo (2004) .

1. Tukuyin kung anong hulwaran ng tekstong ekspositori ang binasa. Uriin din ang tekstong ito.
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
2. Tukuyin ang mga impormasyong inisa-isa sa teksto. Isa-isahin muli ang bawat isa sa loob ng graphic
organizer.

Paksa :

Pagsusunod-sunod
Pag-ooraganisa ng isang tekstong ekspositori at pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari o nang isang proseso. Ang paraang ito ay madaling maunawaan sapagkat
sunod-sunod ang mgapaglalahad ng mga kaisipan o ideya na siyang nagpapalinaw sa
bumabasa. May dalawang batayang uri ito ay sikwensyal-kronolohikal at prosidyural.

a. Sikwensyal-Kronolohikal. Ang sikwens ayon sa diksyunaryo ay mga serye o sunod-sunod

na mga bagay na konektado sa isa’t isa at ang kronolohikaya naman ay mga
pagkakasunod-sunod ng mga bagay
b. Prosidyural. Ito ay isang uri ng teksto tungkol sa serye ng mga gawain upang matamo
ang inaasahang hangganan o resulta.

Pagtatasa o Pagtataya

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Araw na Isinagawa : Disyembre, 2020

Ibang Teksto Tungo sa
Pananaliksik Isinagawa ni : Jeffrey R. Bumanglag. LPT
P a h i n a | 14

Basahin ang kasunod na teksto at gawin ang mga kasunod na gawain.

Ang Magkakapatid na Rizal

Ang pag-iisang-dibdib nina Francisco Mercado Rizal at Teodora Alonso Realonda ay

biniyayaan ng labing-isang anak – siyam na babae at dalawang lalaki. Sila ay sina: Saturnina,
ang panganay sa magkakapatid na pinalayawang Neneng; Paciano, ang kuya ni Jose na
kanyang tinawag na Uto at naging ikalawang ama; Narcisa, ang ikalawang babae sa
magkakapatid na nakilala sa tawag na Sisa Olimpio, ikatlo sa mga babae na may palayaw na
Ypia; Lucia; Maria o Biang; Jose na pinalayawang Pepe at naging pambansang bayani ng
Pilipinas; Concepcion o Concha na namatay sa gulang na piyo; Josefa na kanilang tinawag na
Panggoy; Trinidad o Trining; at Soledad ang bunso sa labing-isa at binansagang Choleng.

1. Tukuyin kung anong uri ng tekstong ekspositori. Tukuyin din ang batayang uri nito.
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
2. Sa kasunod na talahanayan, isa-isahin muli ang magkakapatid na Rizal batay sa:
a. edad (mula pinakabata hanggang pinakamatanda)
b. alpabetikal na ayos ng kanilang mga pangalan.

Batay sa Edad Ayos Paalpabeto

Paghahambing at Pagkokontrast
Ang paghahambing at pagkokontrast ay isang tekstong nabibigay-diin sa
pagkakatulad at pagkakaiba ng dalawa o higit pang tao, bagay, kaisipan o ideya at maging
pangyayari. Maaaring halinhinan(alternating) ang pagtatalakay sa katangian at ang ikalawa
ay ang isahan(block) na ang ibig sabihin ay magkasunod na pagtataya sa katangian ng
dalawang paksang pinaghahambing at kinokontrast. Ganito ang karaniwang balangjas ng
dalawang paraan ng pagtalakay ng tekstong hambingan at contrast

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Araw na Isinagawa : Disyembre, 2020

Ibang Teksto Tungo sa
Pananaliksik Isinagawa ni : Jeffrey R. Bumanglag. LPT
P a h i n a | 15

Halinhinan Isahan
I. Pagkakatulad ng A at B I. Mga Katangian ng A
A. Pagkakatulad 1 A. Katangian 1
B. Pagkakatulad 2 B. Katangian 2
C. Pagkakatulad 3 C. Katangian 3
II. Pagkakaiba ng A at B. II. Mga Katangian ng B
A. Pagkakaiba 1 A. Katangian 1
B. Pagkakaiba 2 B. Katangian 2
C. Pagkakaiba 3 C. Katangian 3

Pagtatasa o Pagtataya

Basahin ang kasunod na teksto at gawin ang mga kasunod na gawain

Ang Pangulo at ang Kongreso

Mahalaga ang papel na ginagampanan ng Pangulo at Kongreso sa sistemang politikal ng

ating bansa. Tungkulin nilang pangalagaan ang seguridad gayon din ang kapakanan ng
mamamayan. Upang maisagawa ng Pangulo at ng Kongreso ang kanilang tungkulin, nakasaad
sa Konstitusyon ang kani-kanilang kapangyarihan.
Ang Kongreso ay may kapangyarihan sa paniningil ng buwis, pagbabadyet ng pondo,
pagdeklara ng digmaan ng bansa, bilang board of canvasser sa tuwing may eleksyon sa pagpili
ng Pangulo at Pangalawang Pangulo, pagsasagawa ng impeachment at pag-amyenda sa
kasalukuyang batas. Ilan lamang ito sa kapangyarihan ng Kongresong isinasaad sa
Konstitusyon. Ang iba pang kapangyarihan nito ay mauuring implayd at inherent.
Samantala, ang Pangulo naman ay may kapangyarihan sa pamamahala at pagpapatupad
ng batas. Tinatawag din itong kapangyarihang ehekutibo. Kabilang din sa kanyang
kapangyarihan ang paghihirang(appointment) ng mga opisyal ng kanyang pamahalaan. Ang
paghirang ay maaaring permanente o pansamantala. May kapangyarihan din ang Pangulo na
alisin ang mga taong kanya ring hinirang. Nangyayari ito kung hindi epektibo sa kanyang
tungkulin bilang opisyal ang sino mang hinirang ng Pangulo sa pamahalaan. May
kapangyarihan din ang Pangulo na kontrolin ang lahat ng ahensya ng gobyerno, lokal man o
nasyonal.
May kapangyarihan din ang Pangulo sa sandatahan ng Pilipinas. Sa katunayan, siya ang
tumatayong Commander-in-Chief nito. Ilan lamang ito sa kapangyarihan ng Pangulo na
nakasaad sa Konstitusyon.
Ang Panguloat ang mga mambabatas na bumubuo sa Kongreso ay kapwa binoboto ng
mga mamamayan. Sila’y pinipili batay sa kanilang mga kakayahang pamunuan an gating
bansa. Higit sa lahat, sila’y kapwa nagsisilbi para sa kapakanan ng buong bansa.

1. Tukuyin kung anong hulwaran ng tekstong ekspositori ang binasa. Tukuyin din ang batayang uri nito.

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Araw na Isinagawa : Disyembre, 2020

Ibang Teksto Tungo sa
Pananaliksik Isinagawa ni : Jeffrey R. Bumanglag. LPT
P a h i n a | 16

__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________

2. Sa loob ng kasunod na Venn diagram, tukuyin ang mga pagkakatulad at pagkakaiba ng Pangulo at ng
Kongreso.

Pangulo Kongreso
(Kaibhan) (Kaibhan)

Pagkakatulad
Problema at Solusyon
Pagtalakay naman sa isa o ilang suliranin at paglalapat ng kalutasan ang pokus ng
hulwarang ito. Karaniwang inuunang talakayin ang problema bago ang solusyon sa
hulwarang ito bagama’t minsan ay ang kabalikan nito. Ang problema ay maaaring
panlipunan o pang-Agham na nangangailangan ng solusyon. Sa mga sulating teknikal at
sayantipik ay napakagamitin ng hulwarang ito.

Pagtatasa o Pagtataya

Basahin ang kasunod na teksto at gawin ang mga kasunod na gawain.

31 Guyabano St.
Signal Village, Taguig
Metro Manila

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Araw na Isinagawa : Disyembre, 2020

Ibang Teksto Tungo sa
Pananaliksik Isinagawa ni : Jeffrey R. Bumanglag. LPT
P a h i n a | 17

Hunyo 28, 2013

Dr. Maria Elma B. Cordero

Editor, Homemaker Magazine
736 Gen. Kalentong St., Nadaluyong City

Dr. Cordero,

Ako ay isa sa napakaraming mambabasa ng babasahing inyong pinamamatnugutan, ang

Homemaker Magazine. Sumulat ako sa inyo dahil nais ko kayong batiin at purihin sa inyong
patuloy na paglalathala ng mga artikulong may malaking pakinabang sa ating lipunan, lalo na
sa aming mga kabataan.
Isa sa mga artikulong lubos kong naibigan ay ang Tapat Ko, Linis Ko na isinulat ni Ma.
Esmeralda A. Pascual at nalathala sa ikawalong isyu, Bolyum VI, sa taong ito.
Napakaimpormatibo ng artikulng isinulat ni Bb. Pascual. Tunay na marami akong natutunan
matapos kong basahin iyon.
Isa sa mga natutunan ko sa artikulong iyon ay kung paanong ang mga mikrobyong
panggaling ng mga sakit. Kapansin-pansin nga naman ang pagkakasakit ng maraming mga
bata sa mga lugar na napakarumi, Sang-ayon ako sa sinabi niyang kaawa-awa ang mga bata at
sanggol na dinadapuan ng sakit bunga ng kapabayaan sa tahanan at kapaligiran.
Mabuti na lamang at binanggit din ni Bb. Pascual sa kanyang artikulo ang pagtutulungan
ng mga mamamayan ng Barangay Poblacion 5 sa Coron. Sa pamamagitan niyon ay natitiyak
kong maiisip ng marami ninyong mambabasa na tularan ang pormulang ginamit ng mga taga-
Poblacion 5 sa pagpapanatili ng kalinisan at kalusugan sa kanilang lugar.
Kung tutuusin ay simple lamang ang pormula ng tagumpay ng Tapat Ko, Linis Ko sa
Poblacion 5. Una, ay ang pagbabatid sa bawat mamamayan ng masamang naidudulot ng mga
kalat at dumi sa ating kalusugan. Ikalawa, ay ang kooperasyon ng bawat mamamayan. Bawat
pamilya ay inatasan ng kanilang barangay na siyang mangangasiwa ng pagpapanatili ng
kalinisan sa tapat ng kani-kanilang bahay. Ikatlo ay ang pagtuturo sa mga mamamayan ng
pagre-recycle upang mabawasan ang mga basura sa kanilang lugar.

Sa pamamagitan ng inyong magasin, nais ko ring ipaabot ang aking pagbati sa lahat ng
mga mamamayan ng Barangay Poblacion 5 ng Coron dahil sa kanilang pagkakaisa. Tunay na
karapat-dapat sila sa pagkakapanalo nila bilang pinakamalinis na barangay sa kanilang
lalawigan.
Natitiyak kong ang ibang barangay ay maraming natutunan sa naging tagumpay ng
Barangay Poblacion 5. Nawa’y tularan natin sila.
Sana’y makapaglathala pa kayo ng marami pang artikulo na mapakikinabangan ng
maraming mamamayan. Kung inyong mamarapatin, nais ko sanang magmungkahi na
maglathala kayo ng artikulo tungkol sa pagre-recylce. Natitiyak kong bukod sa akin ay marami
pang ibang mambabasa ang matutuwa kung mapagbibigyan ninyo ang aking kahilingan.
Hanggang dito na lamang. Mabuhay kayong lahat!

Lubos na gumagalang,
Elimar A. Ravina .

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Araw na Isinagawa : Disyembre, 2020

Ibang Teksto Tungo sa
Pananaliksik Isinagawa ni : Jeffrey R. Bumanglag. LPT
P a h i n a | 18

1. Tukuyin kung anong hulwaran ng tekstong ekspositori ang binasa.

__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
2. Tukuyin ang Problema at solusyong tinalakay sa teksto. Isulat ang iyong mga sagot sa loob ng kasunod na
graphic organizer.
Solusyon

Problema

Sanhi at Bunga
Sa hulwarang sanhi at bunga, tinatalakay ang mga kadahilanan ng isang bagay o
pangyayari at ang mga epekto nito.

Pagtatasa o Pagtataya

Basahin ang kasunod na teksto at gawin ang mga kasunod na gawain.

Kriminalidad sa Bansa, Nababahala Na,

Ayon sa Dating Lider ng CBCP

Kinalampag ng isang Arsobispo ng Simbahang Katoliko ang pamahalaang Aquino kaugnay

sa umano’y lumalalang sitwasyon ng kriminalidad sa bansa.
Panawagan ni Jaro Archbishop Angel Lagdameo, dating pangulo ng Catholic Bishops
Conference of the Philippines. Dapat pakilusin ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang
kanyang anti-crime czar na si Executive Secretary Paquito “Jojo” Ochoa.
Sinabi ng arsobispo na lubhang nababahala na ang mga tao at natatakot para sa kanilang

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Araw na Isinagawa : Disyembre, 2020

Ibang Teksto Tungo sa
Pananaliksik Isinagawa ni : Jeffrey R. Bumanglag. LPT
P a h i n a | 19

seguridad at kaligtasan dahil sa mga nagaganap na krimen, na ang iba ay mismong alagad ng
batas ang sangkot.
Ginawa niyang halimbawa ang sunod-sunod na krimen sa Laguna at pagpatay sa isang
negosyanteng babaena itinago ang bangkay sa septic tank.
Lumitaw na mga pulis ang pangunahing suspek sa pagpatay sa naturang negosyante.
Nitong Miyerkules, pinaslang sa Sampaloc, Maynila ang mag-asawang politiko mula sa
Pangasinan.
“Isa sa mga impact na nakikita ko sa publiko sa mga krimen na nagaganap sa bansa, para
bagang may mga tao na manhid na sa mga nangyayari sa ating lipunan. ‘Di maiwasan na
nangangamba ang nasasangkot sa krimen,” pahayag ni Lagdameo sapanayam ng Radio
Veritas nitong Biyernes.
“Sana buksan natinang ating damdamin at mga mata upang Makita natin ang kasamaan
at dapat nating baguhin,” dagdag ng arsobispo kasabay ng panawagan sa anti-crime czar ni
Aquino na si Ochoa na tutukan at tugunan ang problema sa komunidad.
Binatikos din ni Atty. Au Santiago, president ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas, si Ochoa
na wala umanong ginagawng aksyon laban sa kriminalidad gayong binigyan ng titulo na anti-
crime czar.
- mula sa http://www.gmanetwork.com/news/story/250924/ulatfilipino/balitangpinoy

1. Tukuyin kung anong hulwaran ng teksyong ekspositori ang binasa.

__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________

2. Punan ang kasunod na graphic organizer ng mga hinihinging impormasyon batay sa binasang teksto.

Sanhi Bunga

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Araw na Isinagawa : Disyembre, 2020

Ibang Teksto Tungo sa
Pananaliksik Isinagawa ni : Jeffrey R. Bumanglag. LPT
P a h i n a | 20

KRIMINALIDAD

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Araw na Isinagawa : Disyembre, 2020

Ibang Teksto Tungo sa
Pananaliksik Isinagawa ni : Jeffrey R. Bumanglag. LPT

You might also like