You are on page 1of 40

12/3/2020 MODYUL BLG.

4- PAGSULAT NG ABSTRAK, TALUMPATI AT REBYU

MODYUL BLG. 4- PAGSULAT NG ABSTRAK, TALUMPATI AT REBYU

Site: New Era University Printed by: Zuriel P. San Pedro


Course: Filipino sa Piling Larangan Date: Thursday, 3 December 2020, 9:17 AM
MODYUL BLG. 4- PAGSULAT NG ABSTRAK, TALUMPATI AT
Book:
REBYU

https://k-12.neu.edu.ph/mod/book/tool/print/index.php?id=3866 1/40
12/3/2020 MODYUL BLG. 4- PAGSULAT NG ABSTRAK, TALUMPATI AT REBYU

Description

Inilalahad dito ang kahulugan at kabuluhan ng abstrak gayundin ang wastong paraan ng pagsulat ng isang talumpati at ang mga uri nito batay sa
kanyang nilalaman at pamamaraan. Panghuli, ibinahagi ang mga katangian ng isang mahusay na rebyu at kritiko.

https://k-12.neu.edu.ph/mod/book/tool/print/index.php?id=3866 2/40
12/3/2020 MODYUL BLG. 4- PAGSULAT NG ABSTRAK, TALUMPATI AT REBYU

Table of contents

1. Pagsulat ng Abstrak
1.1. Panimula
1.2. Mga Kasanayang Pampagkatuto
1.3. Panimulang Gawain
1.4. KAHULUGAN AT KABULUHAN NG ABSTRAK
1.5. MGA URI AT NILALAMAN NG ABSTRAK
1.6. Halimbawa ng Abstrak
1.7. Takdang Aralin (Unang Bahagi)
1.8. Rubriks
1.9. Takdang Aralin (Ikalawang Bahagi)
1.10. Rubriks

2. Pagsulat ng Talumpati
2.1. Panimula
2.2. Mga Kasanayang Pampagkatuto
2.3. Panimulang Gawain
2.4. MGA URI NG TALUMPATI BATAY SA NILALAMAN AT PAMAMARAAN
2.5. MGA GABAY SA PAGSULAT NG TALUMPATI
2.6. Halimbawa ng Talumpati
2.7. Talakayan
2.8. Takdang Aralin (Ikatlong Bahagi)
2.9. Rubriks

3. Pagsulat ng Rebyu
3.1. Panimula
3.2. Mga Kasanayang Pampagkatuto
3.3. Panimulang Gawain
3.4. MGA KATANGIANG DAPAT TAGLAYIN NG ISANG KRITIKO
3.5. MGA KATANGIAN NG ISANG MAHUSAY NA REBYU
3.6. MAHAHALAGANG BAGAY NA DAPAT TANDAAN SA PANUNURI
3.7. Halimbawa ng isang rebyu
3.8. Takdang-Aralin
3.9. Rubriks

4. Maiksing Pagsusulit

5. Mga katanungan

6. Sangguniang Ginamit:

https://k-12.neu.edu.ph/mod/book/tool/print/index.php?id=3866 3/40
12/3/2020 MODYUL BLG. 4- PAGSULAT NG ABSTRAK, TALUMPATI AT REBYU

1. Pagsulat ng Abstrak

https://k-12.neu.edu.ph/mod/book/tool/print/index.php?id=3866 4/40
12/3/2020 MODYUL BLG. 4- PAGSULAT NG ABSTRAK, TALUMPATI AT REBYU

1.1. Panimula

          Nakasulat ka na ba ng isang abstrak ng isang pananaliksik? O nakapagbasa ka na ba nito sa mga journal ng pananaliksik?

          Kung oo ang sagot mo sa dalawang tanong, tiyak na nagkaroon  ka na ng ideya hinggil sa nilalaman ng isang papel-pananaliksik sa
pamamagitan ng abstrak. O kung ikaw mismo ang gumawa ng isang pananaliksik at nagsulat mismo ng abstrak, tiyak na naikahon mo ang
mahahalagang ideya ng iyong pananaliksik sa abstrak niyon.

https://k-12.neu.edu.ph/mod/book/tool/print/index.php?id=3866 5/40
12/3/2020 MODYUL BLG. 4- PAGSULAT NG ABSTRAK, TALUMPATI AT REBYU

1.2. Mga Kasanayang Pampagkatuto

Sa pagtatapos ng pag-aaral, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. Naibibigay ang mga uri at nilalaman ng abstrak

b.  Naipapaliwanag ang kahalagahan ng abstrak sa malalimang


pagsusuri ng isang akda at pananaliksik

c.Nakapagsasagawa ng pagsusuri sa iba’t-ibang abstrak na isinulat batay


sa pamantayang binigay ng guro

https://k-12.neu.edu.ph/mod/book/tool/print/index.php?id=3866 6/40
12/3/2020 MODYUL BLG. 4- PAGSULAT NG ABSTRAK, TALUMPATI AT REBYU

1.3. Panimulang Gawain

Pindutin ang larawan upang masagutan ang forum

https://k-12.neu.edu.ph/mod/book/tool/print/index.php?id=3866 7/40
12/3/2020 MODYUL BLG. 4- PAGSULAT NG ABSTRAK, TALUMPATI AT REBYU

1.4. KAHULUGAN AT KABULUHAN NG ABSTRAK

          Ang abstrak ay maikling buod ng artikulong nakabatay sa pananaliksik, tesis, rebyu o katitikan ng komperensya. Maaari rin itong maging
buod ng ano mang malalimang pagsusuri ng iba’t ibang paksa na nagagamit ng mambabasa upang madaling maunawaan ang nilalaman at layunin
ng sulatin. Kung minsan ay tinatawag ding sinopsis o presi ng ibang publikasyon ang abstrak.

          Inilalagay ang abstrak sa unahang bahagi ng manuskrito na nagsisilbing panimulang bahagi ng anomang akademikong papel. Ginagawa itong
lagusan ng isang papel sa isang copyright, patent, o trademark application. Tumutukoy ito sa pagkuha ng eksklusibong karapatan o pagmamay-ari ng
isang may-akda. Nagagamit din ang abstrak sa indexing ng mga pananaliksik sa iba’t ibang akademikong disiplina  upang makita ang lawak at lalim
ng mga pag-aaral sa iba’t ibang larangan na nailathala na sa mga akademikong journal.

          Gumagamit ng abstrak ang akademikong papel upang madaling maipaunawa ang isang malalim at kompleks na pananaliksik. Maaari itong
tumindig bilang isang hiwalay na teksto o kapalit ng isang buong papel. Kadalasang ginagamit ang abstrak ng iba’t ibang organisasyon bilang batayan
ng pagpili ng proposal para sa presentasyon ng papel, workshop o panel discussion. Gayon din, karamihan ng online database ng mga pananaliksik 
sa internet ay naglalaman lamang ng abstrak  sa halip na buong transkripsiyon ng pananaliksik. Madalas na kailangang bayaran ang publisher’s fee
bago mabasa ang kabuuan ng mga artikulo.

          Maaaring ipakita ng abstrak ang mahahalagang resulta at kongklusyon ng pananaliksik ngunit mas mabuting basahin ang buong artikulo ng
mga siyentipikong papel upang maunawaan pa ang mga detalye ng metodolohiya, resulta at mga kritikal na diskusyon ng pagsusuri at interpretasyon
ng datos.

https://k-12.neu.edu.ph/mod/book/tool/print/index.php?id=3866 8/40
12/3/2020 MODYUL BLG. 4- PAGSULAT NG ABSTRAK, TALUMPATI AT REBYU

1.5. MGA URI AT NILALAMAN NG ABSTRAK

          Sa kabuuan, nilalayon ng isang mahusay na abstrak ang “maibenta” o maipakitang maganda ang kabuuan ng pananaliksik at mahikayat ang
mga mambabasa na ituloy pa ang pagbabasa sa buong artikulo sa pamamagitan ng paghahanap o pagbili ng buong kopya nito.

          May tatlong uri ng abstrak: Impormatibo, Deskriptibo at Kritikal. Ibinabatay sa kahingian ng isang akademikong journal kung anong uri ng
abstrak ang kailangang gawin para sa iba’t ibang pananaliksik. Pinakakaraniwan ang isang impormatibong abstrak. Hindi ito kasing-haba ng kritikal na
abstrak ngunit hindi rin naman kasing-ikli ng deskriptibong abstrak. Ang isang impormatibong abstrak ay naglalaman na ng halos lahat ng
mahahalagang impormasyon matatagpuan sa loob ng pananaliksik. Maaari  na itong makapag-isa sapagkat nagbibigay na ito ng buong ideya sa
lalamanin ng pananaliksik.

Taglay ng impormatibong abstrak ang sumusunod na nilalaman:

1. Motibasyon. Sinasagot nito ang tanong kung bakit pinag-aralan ng isang mananaliksik  ang paksa. Sa maikli at mabilis na paraan, kailangang
maipakita sa bahaging ito ang kabuluhan at kahalagahan ng pananaliksik.

2. Suliranin. Kailangang masagot ng abstrak kung ano  ang sentral na suliranin  o tanong ng pananaliksik.

3. Pagdulog at Pamamaraan. Ilalahad ng isang mahusay na abstrak kung paano kakalapin o kinalap ang datos ng pananaliksik at kung saan
nagmula ang mga impormasyon at datos. Ibig sabihin, magbibigay ito ng maikling paliwanag  sa metodolohiya ng pag-aaral.

4. Resulta. Ipinapakita rin ng abstrak kung ano ang kinalabasan ng pag-aaral sa pamamagitan ng paglalahad ng mga natuklasan ng mananaliksik.

5. Kongklusyon. Sasagutin din nito kung ano ang mga implikasyon ng pananaliksik batay sa mga natuklasan. 

          Ang deskriptibong abstrak naman ay mas maikli (kadalasang nasa 100 salita lamang) kaysa sa impormatibong abstrak (naglalaman ng malapit
sa 200 salita). Naglalaman lamang ito ng suliranin at layunin ng pananaliksik, metodolohiyang ginamit  at saklaw ng pananaliksik ngunit hindi tinalakay
ang resulta, konklusyon at mga naging rekomendasyon ng pag-aaral. Sapagkat hindi buo ang impormasyong ibinibigay tungkol sa pananaliksik, mas
lalong kailangang basahin ang buong artikulo.

          Ang kritikal na abstrak naman ang pinakamahabang uri ng asbtrak sapagkat halos kagaya na rin ito ng isang rebyu. Bukod sa mga nilalaman ng
isang impormatibong abstrak, binibigyang ebalwasyon din nito ang kabuluhan, kasapatan at katumpakan ng isang pananaliksik.

          Sa pamamagitan ng abstrak, kailangang maunawaan at magkaroon ng ideya ang isang mambabasa sa nilalaman ng pananaliksik ngunit
kailangan ding gustuhin niyang mapalalim pa ang nauunawaan sa pamamagitan ng pagbasa sa buong pananaliksik.

https://k-12.neu.edu.ph/mod/book/tool/print/index.php?id=3866 9/40
12/3/2020 MODYUL BLG. 4- PAGSULAT NG ABSTRAK, TALUMPATI AT REBYU

1.6. Halimbawa ng Abstrak

            Pansinin ang kasunod na halimbawang abstrak ng isang historikal na pananaliksik ni Analyn B. Munoz na Ang mga Pakikibaka ng mga Ayta
noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig: Isang Panimulang Kasaysayan na nailathala sa Ikalawang Tomo (2015) ng Hasaan Journal.

Ang mga Pakikibaka ng mga Ayta noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig: Isang Panimulang
Kasaysayan
Analyn B. Muñoz

            Ang mga Ayta ay kadalasang itinuturing na“minoridad lamang” kasama ng mga katutubong pangkat sa bansa. Isang trahedyang maituturing na
wala silang nasusulat na kasaysayan. Kung mayroon man, ang mga ito ay naisulat ng mga kolonisador kaya’t ang   pananaw ay maka-kanluran.
Subalit, may positibong mensaheng mapupulot mula sa halos kawalan ng presensya nila sa mga talang kolonyal. Hindi sila naabot ng mga banyagang
mananalaysay dahil hindi sila napasailalim sa kapangyarihang kolonyal. Ang kabundukan bilang likas na tahanan ang naging likas na depensa rin nila
mula sa banta ng kolonyalismo, partikular na noong panahon ng Hapon. Kaugnay nito, layunin ng pananaliksik na talakayin ang papel ng mga Ayta
noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, partikular ang pakikibakang gerilya sa Bulubunduking Zambales. Gamit na batis ang mga naisulat ng mga
Amerikanong gerilya at ilang panayam sa mga buhay na gerilyang Ayta, nakatuon ito sa malaking impluwensya ng kanilang kultura sa pakikibaka ng
mga gerilyang Amerikano. Binigyang-diin ang kahalagahan ng papel ng mga Ayta sa pagtatagumpay ng laban sa mga Hapon at sa pambansang
pagkilos ng mga gerilya.

https://k-12.neu.edu.ph/mod/book/tool/print/index.php?id=3866 10/40
12/3/2020 MODYUL BLG. 4- PAGSULAT NG ABSTRAK, TALUMPATI AT REBYU

1.7. Takdang Aralin (Unang Bahagi)

Pindutin ang imahe upang masagutan ang takdang aralin

https://k-12.neu.edu.ph/mod/book/tool/print/index.php?id=3866 11/40
12/3/2020 MODYUL BLG. 4- PAGSULAT NG ABSTRAK, TALUMPATI AT REBYU

1.8. Rubriks

Pindutin ang imahe upang makita ang rubriks

https://k-12.neu.edu.ph/mod/book/tool/print/index.php?id=3866 12/40
12/3/2020 MODYUL BLG. 4- PAGSULAT NG ABSTRAK, TALUMPATI AT REBYU

1.9. Takdang Aralin (Ikalawang Bahagi)

Pindutin ang imahe upang masagutan ang takdang aralin

https://k-12.neu.edu.ph/mod/book/tool/print/index.php?id=3866 13/40
12/3/2020 MODYUL BLG. 4- PAGSULAT NG ABSTRAK, TALUMPATI AT REBYU

1.10. Rubriks

Pindutin ang imahe upang makita ang rubriks

https://k-12.neu.edu.ph/mod/book/tool/print/index.php?id=3866 14/40
12/3/2020 MODYUL BLG. 4- PAGSULAT NG ABSTRAK, TALUMPATI AT REBYU

2. Pagsulat ng Talumpati

https://k-12.neu.edu.ph/mod/book/tool/print/index.php?id=3866 15/40
12/3/2020 MODYUL BLG. 4- PAGSULAT NG ABSTRAK, TALUMPATI AT REBYU

2.1. Panimula

          Naranasan mo na bang magtalumpati? O kaya ay sumulat nito? Para saan ang iyong naging talumpati?Paaano mo iyon binuo at ano ang mga
naging gabay mo sa pagsulat niyon?

          Tiyak na nagkaroon ka na ng isang karanasang magsalita sa harap ng publiko at magdiskurso tungkol sa isang paksa.

          Ang talumpati ay isang pormal na pagsasalita sa harap ng mga tagapakinig o audience. Ito ay isang uri ng pagdidiskurso sa harap ng publiko na
may layuning magbigay ng impormasyon o manghikayat kaugnay ng isang partikular na paksa o isyu. Kinapapalooban ang talumpati ng kakayahan sa
pagpapahayag ng ideya nang may organisasyon, talas ng pagsusuri at epektibong paggamit ng wika.

          Madalas na nabibighani tayo sa husay sa paggamit ng retorika ng isang tagapagsalita ngunit kailangang isaalang-alang ang lalim ng nilalaman
at katotohanan ng isang talumpati kaysa sa pamamaraan kung paano iyon binibigkas.

          Mas malalim pang mauunawaan ang talumpati sa pamamagitan  ng pagkilala sa iba’t ibang uri nito batay sa nilalaman at pamamaraan.

https://k-12.neu.edu.ph/mod/book/tool/print/index.php?id=3866 16/40
12/3/2020 MODYUL BLG. 4- PAGSULAT NG ABSTRAK, TALUMPATI AT REBYU

2.2. Mga Kasanayang Pampagkatuto

Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. Naibibigay ang mga uri ng talumpati

b. Nailalahad ang kahalagahan ng pagsulat ng talumpati sa panlipunang


pakikipagtalastasan

c. Nakasusulat ng talumpati batay sa paksang ibinigay ng guro

https://k-12.neu.edu.ph/mod/book/tool/print/index.php?id=3866 17/40
12/3/2020 MODYUL BLG. 4- PAGSULAT NG ABSTRAK, TALUMPATI AT REBYU

2.3. Panimulang Gawain

Pindutin ang larawan upang masagutan ang forum

https://k-12.neu.edu.ph/mod/book/tool/print/index.php?id=3866 18/40
12/3/2020 MODYUL BLG. 4- PAGSULAT NG ABSTRAK, TALUMPATI AT REBYU

2.4. MGA URI NG TALUMPATI BATAY SA NILALAMAN AT PAMAMARAAN

         Nahahati ang iba’t ibang uri ng talumpati batay sa nilalaman at pamamaraan. Batay sa nilalaman, maaaring impormatibo o kaya ay
persweysive o mapanghikayat ang isang talumpati. Impromptu at extemporaneous o pinaghandaan naman ang iba’t ibang pamamaraan ng
pagtatalumpati. Narito ang mga katangian at kalikasan ng bawat isa.

1. Impormatibong Talumpati. Ang uri ng talumpating ito ay naglalayong magbigay ng impormasyon tungkol sa ano mang bagay, pangyayari,
konsepto , lugar, tao, proyekto at iba pa. Ang kabuuang diskurso nito ay maglalahad at magpaliwanag upang maunawaan ng mga tagapakinig ang
paksang tinalakay.

Maaaring maging paksa ng talumpati ang pagpapaliwanag tungkol sa proseso na naglalaman ng mga sistematikong serye ng aksyon na tutungo sa
resulta  o pagbuo ng produkto. Maaari ring ipakita ang kronolohiya ng isang pamamaraang pang-organisasyon. Mahalaga ang tulong biswal sa
ganitong uri ng talumpati. Maaari ring simpleng pagpapaliwanag ng iba’t ibang konsepto gaya ng teorya, prinsipyo, paniniwala o ideya ang isang
talumpating nagbibigay ng impormasyon. Nakatutulong ang pagbibigay ng maayos na organisasyon o padron sa talumpati at ang epektibong
paggamit ng mga panandang diskurso para sa malinaw na daloy ng ideya. Sapagkat mas kompleks ang ganitong mga talumpati, esensyal ang
pagbibigay ng iba’t ibang halimbawa, analohiya at paghahambing.

Ilang mahalagang bagay na dapat tandaan sa pagbuo ng impormasyong talumpati ang paglimita sa paksang tinatalakay upang magkaroon ng pokus
ang laman ng talumpati. Huwag ding ipagpalagay na lahat ng tinatalakay ay alam na ng tagapakinig at sikaping magbigay ng mga halimbawang
malapit sa karanasan ng tagapakinig. Iwasan ding maging masyadong teknikal at abstrakto ang talumpati, bagkus ay gawing personal ang mga ideya
nang sa gayon ay mas madaling makaugnay ang mga tagapakinig. Ang ilan sa mga halimbawa ng ganitong  talumpati ay ang taunang State of the
Nation Address (SONA) ng Pangulo ng Pilipinas  na naglalaman ng impormasyon tungkol sa mga naging tagumpay, plano at hamon sa kinahaharap
ng bansa sa ilalim ng isang tiyak na administrasyon.

2. Mapanghikayat na Talumpati. Ang isang mapanghikayat o persweysive na talumpati ay kadalasang nakatuon sa mga paksa o isyung
kinapapalooban ng iba’t ibang perspektiba o posisyon. Sa talumpating ito, nagbibigay ng partikular na tindig o posisyon sa isang isyu ang isang
nagtatalumpati  batay sa malalim niyang pagsusuri sa isang isyu. Maaaring maging sentro ng isang mapanghikayat na talumpati ang pagkwestyon sa
isang katotohanan, sa isang pagpapahalaga o kaya ay sa polisiya. Mahalagang mahikayat ang mga tagapakinig na pag-isipan ang mga
pagpapahalaga sa pamamagitan ng kritikal na pagtatanong ng isang mananalumpati. Ang mensahe ng talumpati ay kailangang iangkop sa kaalaman,
interes, pagpapahalaga, aktitud, at mga paniniwala ng target na tagapakinig. May tatlong pagdulog sa mapanghikayat na talumpati.

a. Pagkuwestyon sa isang katotohanan. Ang pagdulog na ito ay halos kagaya ng isang impormatibong talumpati kung saan nagsisilbing
tagapamandila ng isang posisyon ang tagapagsalita na nagpapakita ng iba’t ibang katotohanan at datos upang suportahan ang kanyang posisyon.
Maaari siyang magpakita ng taliwas na pananaw ngunit upang tunggaliin lamang ito upang suportahan naman ang kanyang posisyon o tindig sa isyu.

b. Pagkuwestyon sa pagpapahalaga. Ang pagdulog na ito ay nakasentro sa personal na paghahatol kung ano tama o mali, mabuti o masama o
kaya ay etikal o hindi etikal. Kailangang pangatwiranan ng isang tagapagsalita ang kanyang posisyon batay sa isang tanggap na istandard o
paniniwala. Halimbawa nito ay ang mga nangangatwiran laban sa mga probisyong may kinalaman sa aborsyon na nakapaloob sa Reproductive
Health Law, ayon sa utos ng Bibliya.

c. Pagkuwestyon sa Polisiya. Ang layunin ng pagdulog sa talumpati na ito ay hikayatin ang mga tagapakinig na magpasyang umaksyon o kumilos.
Pagkatapos kuwestiyonin ang isang tiyak na polisiya , kailangang hikayatin ang mga tagapakinig sa pagkilos sa pamamagitan ng paglalatag ng isang
plano na magpakita ng praktikalidad ng isang panibagong proposal. Mahalagang maging ispesipiko ang paglalatag ng isang plano upang hikayatin
ang tagapakinig na suportahan ito.

          Sa kabuuan, mahalagang bigyang-diin na napaniniwala ng isang mahusay na tagapagsalita ang tagapakinig kung: naniniwala na may
kredibilidad ang nagsasalita (kakayahan at karakter), napaniwala sila ng mga ebidensya at mahusay na ebidensyang inilatag ng tagapagsalita,
nakumbinse sila ng mga pangangatwiran ng tagapagsalita o kaya’y nakanti ang kanilang emosyon sa pamamagitan ng talas ng ideya at husay sa
paggamit ng wika ng isang tagapagsalita. Sa kabila ng mga pamantayang ito, kailangang iwasan ng isang tagapagsalita ang manipulasyon at
panloloko ng datos upang makapanghikayat.

          Samantala, liban sa dalawang tinalakay na uri ng talumpati, tinukoy nina Bernales et. al. (2006) ang iba pang uri tulad ng Talumpating
Pampalibang, Talumpating Pampasigla, Talumpating Nagbibigay-galang at Talumpating Papuri. Ang huli ay maaaring binibigkas sa okasyon  ng
Serbisyong Nekrolohikal, Pagtatalaga sa Katungkulan, Pamamaalam-Paghahandog o Retirement at Pagmumungkahi o Pagsuporta sa Kandidatura.

Ganito naman mailalarawan ang dadlawang paraan ng pagtatalumpati:

https://k-12.neu.edu.ph/mod/book/tool/print/index.php?id=3866 19/40
12/3/2020 MODYUL BLG. 4- PAGSULAT NG ABSTRAK, TALUMPATI AT REBYU
          1. Impromptu o Biglaang Talumpati- Ang impromptu o biglaang talumpati ay isang uri ng talumpati  batay sa pamamaraan . Isinasagsawa ang
talumpating ito nang walang ano mang paunang paghahanda. Mahalaga ang biglaang talumpati upang masukat ang lalim at lawak ng kaalaman ng
isang mag-aaral o tagapagsalita sa isang tiyak na paksa kahit walang naunang pagbabasa hinggil dito. Bukod sa kaalaman, nahahasa rin ng biglaang
talumpati ang husay sa organisasyon ng ideya, talas ng pagsusuri at pagbibigay-diin sa mahahalagang aspekto sa isang isyu. May apat na batayang
hakbang sa pagbuo ng isang biglaang talumpati.

          a. Sabihin ang tanong na sasagutin o paksang magiging sentro ng talumpati at ang layunin nito.

          b. Ipaliwanag ang pangunahin at pinakamahalagang punto na nais mong bigyang-diin.

          c. Suportahan ang pangunahing punto ng mga ebidensya o patunay.

          d. Ibuod ang iyong pinakamahalagang punto at ipakita kung paano nito nasagot ang tanong o

          layunin ng talumpati.

          2. Ekstemporanyo o Pinaghandaang Talumpati- Kabaliktaran ng impromptu, ang talumpating ito ay maingat na inihahanda, pinagpaplanuhan
at ineensayo bago isagawa. Sa mismong pagbigkas ng talumpati, gumagamit ng maiiksing tala ang tagapagsalita upang madala ang mga
mahahalagang punto ng inihandang talumpati. Madalas ding sinasaulo o memoryado ang ganitong uri ng mga talumpati. Kumbersasyonal ang
katangian ng talumpati at kahit na praktisado, kailangang ispontanyo ang maging dating nito sa mga tagapakinig.

https://k-12.neu.edu.ph/mod/book/tool/print/index.php?id=3866 20/40
12/3/2020 MODYUL BLG. 4- PAGSULAT NG ABSTRAK, TALUMPATI AT REBYU

2.5. MGA GABAY SA PAGSULAT NG TALUMPATI

                   Tinipon ng forbes.com sa pamamagitan ni Jeff Schmitt (2013) ang iba’t ibang gabay sa pagsulat ng talumpati mula sa mga eksperto  sa
politikal na talumpati. Narito ang ilang patnubay mula sa kanila:

          1. Piliin lamang ang isang pinakamahalagang ideya. Ipinapakita ng mga pananaliksik na kakaunti lamang ang naaalala ng isang tagapakinig
mula sa isang talumpati kung kaya’t kailangang magbigay ng isa o dalawang pinakamahahalagang ideya lamang na pag-iisipan nila. Laging isipin na
maikling panahon lang ang nakalaan sa iyo para magtalumpati.

          2. Magsulat kung paano ka nagsasalita. Laging isaisip na nagsusulat ka ng isang talumpati at hindi sansaysay. Hindi ka babasahin, bagkus
ay pakikinggan ng isang tagapakinig. Mas mabuti kung kumbersasyonal ang tono ng talumpati. Maaaaring makatulong ang sumusunod sa gabay:

a. Gumamit ng maiikling pangungusap. Mas makabubuting gumamit ng dalawang maikling pangungusap kaysa isang kompleks na pangungusap
upang ipaliwanag ang iyong punto.

b. Huwag gumamit ng mga abstrakto at mabibigat na mga salitang hindi makakaugnay sa tagapakinig.

c. Laging basahin nang malakas  ang talumpati habang isinusulat ito. Sa pamamagitan ng pagbasa, matutukoy mo agad kung tila isang libro ang
nagsasalita o kaya’y isang tao nang nakikipag-usap

3. Gumamit ng mga kongkretong salita at halimbawa. Interesado ang mga tagapakinig sa kongkretong detalye. Mas mabuting gumamit ng mga
salitang mas karaniwan sa pandinig at karanasan ng mga tao.

4. Tiyaking tumpak ang mga ebidensya at datos na ginagamit sa talumpati. Mahalaga ang pananaliksik para sa talumpati. Kailangang ilatag ng
isang tagapagsalita ang kanyang kredibilidad sa pamamagitan ng malalim na pag-unawa  at pagbabasa tungkol sa paksa. Mahalagang lahat ng
sinasabi ng isang tagapagsalita ay batay sa mga siyentipikong  datos at pag-aaral at hindi ayon sa personal na haka-haka lamang. Mas madaling
hikayatin ang mga tagapakinig sa pamamagitan ng tiyak na numero at estadistika.

5. Gawing simple ang pagpapahayag sa buong talumpati. Kapag naisulat na ang unang burador ng talumpati, balikan ito at maghanap ng mga
salita o pahayag na maaari pang bawasan, paikliin o gawing simple. Ang pagbabawas ng mga salita sa isang talumpati ay maaaring mas magbigay-
linaw rito.

https://k-12.neu.edu.ph/mod/book/tool/print/index.php?id=3866 21/40
12/3/2020 MODYUL BLG. 4- PAGSULAT NG ABSTRAK, TALUMPATI AT REBYU

2.6. Halimbawa ng Talumpati

Pindutin ang video upang mapanood ang halimbawa ng isang talumpati

https://k-12.neu.edu.ph/mod/book/tool/print/index.php?id=3866 22/40
12/3/2020 MODYUL BLG. 4- PAGSULAT NG ABSTRAK, TALUMPATI AT REBYU

2.7. Talakayan

Pindutin ang imahe upang masagutan ang talakayan

https://k-12.neu.edu.ph/mod/book/tool/print/index.php?id=3866 23/40
12/3/2020 MODYUL BLG. 4- PAGSULAT NG ABSTRAK, TALUMPATI AT REBYU

2.8. Takdang Aralin (Ikatlong Bahagi)

Pindutin ang imahe upang masagutan ang takdang aralin

https://k-12.neu.edu.ph/mod/book/tool/print/index.php?id=3866 24/40
12/3/2020 MODYUL BLG. 4- PAGSULAT NG ABSTRAK, TALUMPATI AT REBYU

2.9. Rubriks

Pindutin ang imahe upang makita ang rubriks

https://k-12.neu.edu.ph/mod/book/tool/print/index.php?id=3866 25/40
12/3/2020 MODYUL BLG. 4- PAGSULAT NG ABSTRAK, TALUMPATI AT REBYU

3. Pagsulat ng Rebyu

https://k-12.neu.edu.ph/mod/book/tool/print/index.php?id=3866 26/40
12/3/2020 MODYUL BLG. 4- PAGSULAT NG ABSTRAK, TALUMPATI AT REBYU

3.1. Panimula

           Ang rebyu ay isang akdang sumusuri o pumupuna sa isang likhang sining. Maingat ditong binibigyang-pansin ang mga sangkap o elemento ng
genre na nirerebyu upang ang isang kritiko ay makapaglahad ng obhetibo at matalinong analisis.

          Samakatuwid, ano-ano ang maaaring gawan ng rebyu? Kung tutuusin, kahit na anong akdang sining. Kung gayon, maaaring gawan ng rebyu
ang mga akdang nababasa tulad ng tula, maikling katha, nobela, sanaysay at aklat. Maaari rin namang magsuri ng mga pagtatanghal tulad ng dula at
pelikula. Maaaring magsuri ng mga awral na sining tulad ng awit o drama sa radyo. May mga nagsusuri rin ng ibang mga biswal na sining tulad ng
photo exhibit, eskultural at painting.

https://k-12.neu.edu.ph/mod/book/tool/print/index.php?id=3866 27/40
12/3/2020 MODYUL BLG. 4- PAGSULAT NG ABSTRAK, TALUMPATI AT REBYU

3.2. Mga Kasanayang Pampagkatuto

Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. Naibibigay ang mga katangian ng isang mahusay na rebyu

b. Naibabahagi sa klase ang ambag ng pagkikritik sa kahusayang


pangwika

c. Nakagagawa ng isang mahusay na kritik sa isang akda

https://k-12.neu.edu.ph/mod/book/tool/print/index.php?id=3866 28/40
12/3/2020 MODYUL BLG. 4- PAGSULAT NG ABSTRAK, TALUMPATI AT REBYU

3.3. Panimulang Gawain

Pindutin ang larawan upang masagutan ang forum

https://k-12.neu.edu.ph/mod/book/tool/print/index.php?id=3866 29/40
12/3/2020 MODYUL BLG. 4- PAGSULAT NG ABSTRAK, TALUMPATI AT REBYU

3.4. MGA KATANGIANG DAPAT TAGLAYIN NG ISANG KRITIKO

          Hindi isang pangkaraniwang gawain ang magsuri ng isang likhang sining. May ilang mga katangiang dapat taglayin ang isang kritiko upang
maging ganap na kapani-paniwala ang kanyang rebyu. Ang mga katangiang ito ay ang mga sumusunod:

          1. Sapat na kaalaman sa genre na kanyang sinusuri at sa paksa niyon.

          2. Sapat na kakayahang magsuri o kakayahang kumilala ng mga kahinaan at kalakasan ng genre na sinusuri.

          3. Pagiging tapat, obhetibo at kawalan ng bahid impluho ng damdaming pansarili, at

          4. Pagkakaroon ng likas na kuro-kuro o hindi pagpapadala sa iba’t ibang impluwensyang may killing.

https://k-12.neu.edu.ph/mod/book/tool/print/index.php?id=3866 30/40
12/3/2020 MODYUL BLG. 4- PAGSULAT NG ABSTRAK, TALUMPATI AT REBYU

3.5. MGA KATANGIAN NG ISANG MAHUSAY NA REBYU

          Mula sa mga pagtalakay sa tatlong websites (http://write.edu.au, http://pkpschool.sfu.ca at http://www.dpreview.com), natipon ng mga may-
akda ang sumusunod na mga katangian ng isang mahusay na rebyu:

          1. Masaklaw. Sinusuri ng isang mahusay na rebyu ang lahat ng sangkap o elemento ng genre na kinabibilangan ng akdang sinusuri.
Halimbawa, kung maikling kwento ang sinusuri, kailangang mapagtuunan ng pansin ang tauhan, tagpuan, banghay, kasukdulan, wakas at kakintalan,
maging ang pamagat at simula ng akda.

          2. Kritikal. Ang rebyu ay isang mapanuring akda kung kaya kailangan ang malalimang pagsusuri ng mga sangkap. Ibig sabihin, kailangang
masuri ang isang akda sa pananaw ng isang kritiko, hindi sa pananaw ng isang karaniwang mambabasa o tagapanood. Halimbawa, ang mga
simbolismo at pahiwatig ay karaniwang  hindi napapansin ng mga karaniwang mambabasa o tagapanood, ngunit hindi iyon dapat makatakas sa mga
pamanuring mata ng isang kritiko.

          3. Napapanahon. Liban sa mga akdang klasiko, ang isang mahusay na rebyu ay pumapaksa sa isang akdang napapanahon. Halimbawa, sino
pa ba ang magkakainteres na basahin ang rebyu ng pelikulang Gone with the wind na ipinalabas noong 1939? Maaaring wala na, mangilan-ngilan na
lamang!

          4. Walang pagkiling. Obhetibo ang isang mahusay na kritiko. Hindi siya nagpapaimpluwensya sa kanyang mga pansariling pagkiling.
Halimbawa, maaaring Naranian ang kritiko, ngunit tinutukoy pa rin niya ang mga kahinaan ng pelikulang pinagbibidahan ni Nora Aunor sa kanyang
sinusuri. Kung puro papuri kasi sa mambabasa, nagiging kwestyonable ang objectivity ng nasabing kritiko.

          5. Mapananaligan. Kapani-paniwala ang isang mahusay na rebyu. Ang mga pamantayang ginamit ay katanggap-tanggap sa lahat o kung hindi
man ay sa nakararami. Hindi arbitraryo. Ginagabayan din siya ng angkop na teorya sa pagsusuri ng isang partikular na akda. Halimbawa, sa
pagsusuri ng mga tula ni Marjorie Evasco, maaaring gamitin ang teoryang feminismo. Nagbabanggit din siya ng mga awtoridad at iba pang hanguan
upang ang pagsusuri ay magkaroon ng higit na kredibilidad.

          6. Orihinal. Ang isang mahusay na rebyu ay hindi pagsasama-sama lamang ng sinasabi ng ibang kritiko. Hindi ito padampot-dampot lamang
doon at dito at animo’y pagdidikit ng laway ng sinabi nina kung sino-sino. Ang kritiko ay kailangang may sariling input sa rebyu, sa madaling sabi, may
sariling opinyon na maaaring kaiba o katulad ng sa ibang kritiko.

          7. Makatuwiran. Ang isang mahusay na kritiko ay makatwiran sa may-akda ng akdang sinusuri. Isinasaalng-alang niya ang limitasyon ng may
akda. Halimbawa, hindi makatwiran ang paghahambing ng isang pelikulang Pilipinong science fiction sa mga pelikula ni Steven Spielberg. Natural ang
una ay inferior sa huli, bunga nga ng mga limitasyon sa pananalapi at teknolohiya.

          8. Nagtatangi. Ang isang mahusay na rebyu ay nagtatangi ng mabuti sa hindi mabuti, ng mahusay sa hindi mahusay, ng mataas na kalidad sa
mababang kalidad. Sa pamamagitan ng mahusay na pagpapaliwanag, nagagabayan ng isang mahusay na rebyu ang ibang mambabasa o
tagapanood, kung kailangan pa nilang paglaanan ng salapi at panahon ang akdang sinusuri, o kung magiging pag-aaksaya lamang ng salapi at
panahon ang akdang iyon.

https://k-12.neu.edu.ph/mod/book/tool/print/index.php?id=3866 31/40
12/3/2020 MODYUL BLG. 4- PAGSULAT NG ABSTRAK, TALUMPATI AT REBYU

3.6. MAHAHALAGANG BAGAY NA DAPAT TANDAAN SA PANUNURI

          Sa kanyang aklat na Malikhaing Pagsulat, si Arrogante (2000) ay naglista ng ilang mga bagay na dapat tandaan sa panunuri:

          1. Liwanaging mabuti kung anong uri ng katha ang sinusuri kung ito’y nobela, maikling kwento, tula, dula, pelikula, programang pantelebisyon o
iba pa.

          2. Basahin o panoorin ito nang masinsin at igawa iyon ng lagom. Ang lagom ay maikli lamang, sapat lang ang haba upang maunawaan ng
babasa ang paksang diwa ng kathang sinusuri. Hindi dapat pag-ukulan ang lagom ng kung ilang pahina. Ang kailangan lamang dito ay ang buod ng
nilalaman.

          3. Bigyang- halaga hindi lamang ang nilalaman kundi pati ang estilo o paraan ng pagkakatulad ng katha.

          4. Bukod sa pagbanggit ng kahusayan at kahinaan ng katha, mag-ukol din ng karampatang pagpapakahulugan.

          5. Lakipan ng ilang siping (quotations) makapagbibigay- kabuluhan sa ginagawang panunuri. Maingat itong piliin at samahan ng maikling
pagbibigay-katuturan.

          6. Iwasan ang pagbibigay ng ano mang kapasyahan nang walang lakip na batayan o patunay. Hindi sapat na sabihing ang akda ay maganda at
kawili-wili. Kailangang ipaliwanag kung bakit ito maganda at kawili.

          7. Kailangang nakabatay din ang ano mang pagpasya sa mga takdang pamantayan, bagamat, maaaring isama rin ang pansariling pagkakilala
ng mga sumusulat ayon sa matapat niyang paniniwala.

Sa mga ito ay maaaring idagdag ang sumusunod:

          8. Gamitin ang pananalitang makatutulong sa mambabasa na makapagpasya kung ang akda ay karapat-dapat niyang basahin o hindi. Dapat
iwasan ang mahabang paglalahad upang hindi naman malaman ng lahat ng mambaabsa ng rebyu ang kalahat-lahatang bagay at hindi na niya
kakailanganing basahin pa ang akda.

          9. Iwasang makulayan ang rebyu ng palagay at kuro ng mga propesyonal na mamumuna na nakapagpahayag na ng kanyang kuro-kuro sa
akda.

          10. Pag-ukulan din ng pagpapahalaga ang estilo ng pagkakasulat bukod sa nilalaman. Maaaring dahil sa estilo ay maiba ang akda sa ibang
tumatalakay sa gayon ding paksa. Maaaring sa estilo ay maging lalo itong mahalaga kaysa sa ibang akda.

https://k-12.neu.edu.ph/mod/book/tool/print/index.php?id=3866 32/40
12/3/2020 MODYUL BLG. 4- PAGSULAT NG ABSTRAK, TALUMPATI AT REBYU

3.7. Halimbawa ng isang rebyu

Source: https://emilioaguinaldo2016.wordpress.com/2016/09/29/rebyu-ng-pelikulang-a-second-chance/

REBYU NG PELIKULANG A SECOND CHANCE

Ni Ferl Diane S. Siño

          

I. KWENTO O BANGHAY

           Ang pelikulang A Second Chance ay isang pelikulang Pilipino na pinagbibidahan nina John Lloyd Cruz (Popoy) at Bea Alonzo (Basha) sa
direksiyon ng isang batikang direktor na si Cathy Garcia-Molina. Ang pelikulang ito ay sequel sa pelikula ni Molina noong 2007 na One More Chance.
Ito ay ipinalabas noong Nobyembre 25, 2015 at pumatok ito sa takilya kaya sa unang araw pa lamang ng pagpapalabas nito sa mga sinehan ay
kumita ito ng ₱43 milyon at umabot ng mahigit ₱556 milyon ang kinita nito sa iba’t ibang panig ng mundo.

          Ang pelikulang ito ay tungkol sa unang pitong taon ng pagsasama bilang mag-asawa nina Popoy at Basha. Ang kwento ay nagsimula sa
pagbibigay daan ni Popoy sa kanilang pagmamahalan ni Basha –ang kanilang pagpapakasal. Mas pinili at inuna ni Popoy ang pagpapakasal kay
Basha kaysa ipagpatuloy ang pagtupad ng kanyang pangarap sa Europa. Binuo nila ang kanilang mga pangarap bilang mag-asawa na makapagtayo
ng negosyo na aakma sa kanilang propesyon bilang inhinyero at arkitek.

          Walang perpektong relasyon at ang lahat ay dumaranas ng mga problema o hamon sa buhay. Sa kanilang ika-pitong taon ng pagsasama ay
mayroong matinding pagsubok ang dumating sa kanila nakaapekto ng lubos sa kanilang pagsasama bilang mag-asawa. Sobrang dinamdam ni Basha
nang siya ay makunan at pinilit ni Popoy na itago ang nararamdamang lungkot at pagkadismaya dahil sa nangyari. Pagkatapos naman noon ay
gumuho ang parte ng gusali na ipinapatayo ni Popoy at dahil doon, kinailangan niyang gastusan ang nasira upang hindi mawala sa kanila ang
proyekto. At sa mga “bidding” naman ay hindi sila pinalad at higit sa lahat, nabaon ang kompanya nila sa utang.

          Nagpatuloy na magsumbatan ang mag-asawa dahil sa nangyari sa kanila ngunit tinutulungan naman sila ng kanilang mga kaibigan upang
magka-ayos. Sa paglipas ng mga araw, nagbago ang bawat galaw ng dalawa. Nilihim ni Popoy sa asawa ang tunay na estado ng kanilang kompanya.
Ngunit nagpumilit si Basha na magtrabaho dahil pakiramdam niya ay may mali na sa mga nangyayari at doon niya natuklasan ang tunay na kalagayan
ng kanilang negosyo at unti-unti siyang nawalan ng tiwala kay Popoy. Inayos ni Basha ang mga dapat ayusin sa kompanya. Hindi pumayag si Basha
sa gusto ni Popoy tungkol sa Calamity Proof Structure na nais nitong ipatayo kaya ipinahinto niya ito. Lumayo sila sa piling ng isa’t isa. Plinano ni
Popoy na pumunta ng Europa upang tuparin ang kanyang pangarap. Sa huli ay nagkabalikan sila at nangakong mas pagtitibayin pa ang kanilang
relasyon.

          Masasabing naging kawili-wili ang banghay ng pelikulang ito dahil bukod sa pagiging payak ay nag-iwan ito ng kapani-paniwalang mga
pangyayari at kakintalan sa mga manonood. Mapapansin din ang natural na daloy ng mga pangyayari at ipinakikita kung ano talaga ang realidad ng
buhay lalo na sa relasyon ng mag-asawa. Bagaman madaling nahulaan ang wakas ng pelikulang ito ay naging kasabik-sabik pa din ang bawat
eksena at tagpo sa pelikula.

II. TEMA

          Maganda at mahusay ang tema ng pelikulang ito na talaga namang makikita ng mga manonood na pinag-isipang mabuti. Ang tema ay angkop
para sa lahat kung saan ipinararating nito na ang lahat ng tao ay nagkakamali ngunit hindi iyon sapat na rason o dahilan upang layuan at iwanan natin
sila, bagkus ito dapat ay maging dahilan upang matulungan natin sila dahil lahat ng tao ay may karapatang mabigyan ng pangalawang pagkakataon

https://k-12.neu.edu.ph/mod/book/tool/print/index.php?id=3866 33/40
12/3/2020 MODYUL BLG. 4- PAGSULAT NG ABSTRAK, TALUMPATI AT REBYU
para maitama at maiayos ang kanilang nagawang pagkakamali.

III. KARAKTER AT PAGGANAP

          Ang pelikulang A Second Chance ay pinagbibidahan ng kapita-pitagan at mahusay na aktor at aktres na si John Lloyd Cruz na gumanap bilang
Popoy at si Bea Alonzo na gumanap bilang Basha. Hindi matatawaran ang husay ng pagganap nina Bea at John Lloyd bilang mag-asawa at
napakaganda ng kemistri ng dalawang ito kapag sila ang nagsasama sa pelikula. Ang pag-arte o pagganap ni Bea bilang Basha ay talagang
napakagaling at nagampanan niya ng maayos ang papel bilang asawa ni Popoy. Ang kanyang pag-arte ay puno ng emosyon at makikita na talagang
isinapuso niya ang karakter. Ang pag-arte o pagganap naman ni John Lloyd bilang Popoy ay hindi rin matatawaran dahil napakagaling din niyang
naipakita sa mga manonood ang karakter na si Popoy at talagang madarama ng mga manonood ang emosyong inilalabas nito. Ang mga linya na
kanilang binitawan sa pelikula ay tumatak sa maraming manonood.

          Nabigyan naman ng dalawang artistang ito ng hustisya ang mga karakter na kanilang ginampanan at naiatang sa kanila. Hindi nila binigo ang
mga manonood sa kanilang pag-arte at nahigitan pa nila ang ekspektasyon sa kanila ng mga tao. Kapansin-pansin din ang dedikasyon ng mga aktor
at aktres na gumanap dito bukod sa mga bida. Maliit man ang gampanin ng ilang artista, nakatulong pa rin ito upang maiparating ang maayos na
mensahe o koneksyon ng bawat tauhan sa mga pangyayari at nasuportahan nila ang takbo ng kwento ng pelikula.

IV. ISKRIP

          Ang iskrip ay mayroong malaking gampanin na ginampanan sa pelikulang ito at naging malaki itong tulong upang mas maipakita at maging
malinaw ang mensaheng nais iparating ng pelikula sa mga manonood. Naging makatotohanan ang mga pag-uusap at palitan ng mga linya ng mga
aktor at aktres. At talaga namang tumatak ang mga linya ng mga aktor at aktres sa pelikula gaya na lang ng sinabi ni Popoy (John Lloyd), “sa lahat
ng siguro, isa lang ang sigurado ako, Bash. Mahal na mahal kita.” At ang sinabi ni Basha (Bea) na, “kung gaganituhin mo lang din ako eh di
sana hindi na tayo nagbalikan.” At isa pang linya na sinabi naman ni Krizzy (Dimples Romana), “kung nahihirapan kang pagkatiwalaan siya,
pagkatiwalaan mo muna ang pagmamahal mo sa kanya.”

          Sa pamamagitan ng iskrip, naging organisado ang daloy ng banghay. Mawawalang bahala ang banghay o ang mga pangyayari kung wala ang
iskrip na magbibigay buhay sa bawat detalye ng pelikula. Sa pamamagitan din nito ay mas nadama ng mga manonood ang kwento ng pelikula.

V. SINEMATOGRAPIYA

          Sa simpleng storya at takbo ng pelikula nakita na kung ikukumpara  ito sa henerasyon ngayon, higit na yumaman ang sining ng sine ngayon.
Ang mga disenyo ay simple lamang at akmang-akma sa nais ipahiwatig ng storya. Kung kaya mas napagtuunan ng pansin ang pagsulat, pagplano, at
pagpapaganda ng storya.

          Mapapansing ang kamera ay ginamit at pinagalaw nang maayos simula sa umpisa hanggang sa magwakas ang kwento upang mas mabigyang-
diin ang mga pangyayari, damdamin, at tagpo sa pelikula. Ang kamera ay ipinosisyon sa iba’t ibang anggulo at gumamit ng iba’t ibang layo ng kamera
sa kinukunan. Malimit na ginagamit ang pagpopokus sa mukha ng bawat tauhan sa tuwing mayroong matinding mga linyang binibitawan. Sa
pamamagitan nito, mas naipakikita ang emosyong namayani sa mga tauhan sa pelikula.

VI. MUSIKA

          Ang musika at tunog ay naging malaking tulong sa pelikulang ito dahil sa pamamagitan nito ay napalitaw ang kahulugan ng storya at
napatingkad ang atmospera at damdamin upang ang bawat eksena ay tunay na madama ng mga manonood. Nakatulong ang musika at tunog sa
pagpapadama ng tunay na kalungkutang kalakip ng pelikulang ito.

          Ang kantang “I will be here” ni Juris ay akmang-akma sa pelikula dahil ang mensahe ng kantang ito ay umaangkop para sa storya ng pelikula.
Dahil sa pagdaragdag ng mga ganitong musika at tunog, mas naantig ang damdamin ng mga manonood at mas nakita nila ang katotohanan ng bawat
emosyong nakikita sa mga tauhan ay nangyari sa totoong buhay.

VII. EDITING

          Naipamalas sa pelikula ang natural na daloy ng mga pangyayari sa mga nasaksihang eksena, mapapansin ang mahusay at maayos na
pagkaka-edit dahil hindi halata ang pagputol ng mga bahagi mula umpisa hanggang sa katapusan ng pelikula. Dahil dito, mas nabigyang-daan ang
tunay na nilalaman nito upang makita ng mga manonood. Ang pag-edit ay talagang nakatulong para matuklasan at tunay na maunawaan ang paksa,
banghay, at iba pang kaangkop nito. Sa pamamagitan ng hindi pagsama ng mga bahaging hindi naman ganoon kahalaga, mas madaling naunawaan
ang takbo ng storya at mas gumanda ang laman ng pelikula dahil detalyado ang pagpapalabas ng bawat bahagi at walang nakasagabal sa daloy ng
pangyayari.

VIII. KABUUANG DIREKSIYON AT PRODUKSIYON

          Sa umpisa pa lamang ng pelikula ay kinakitaan na ito ng maayos na daloy ng mga pangyayari at hanggang sa matapos ito ay maayos pa din
ang takbo ng kwento. Dahil dito, masasabi naging matagumpay ang direksiyon ng pelikulang ito. Kitang-kita ang kontrol ng direktor sa tagpuan,
pagganap ng mga artista, posisyon o galaw ng kamera, pagsasaayos ng banghay, at ang pagbabawas o pagdaragdag ng iskrip dito.

https://k-12.neu.edu.ph/mod/book/tool/print/index.php?id=3866 34/40
12/3/2020 MODYUL BLG. 4- PAGSULAT NG ABSTRAK, TALUMPATI AT REBYU
          Sa kabilang banda, naisakatuparan din naman sa malikhaing paraan ang pook, tagpuan, makeup, kasuotan, at kagamitan na nagpalitaw ng
panahon, kapaligiran, at katauhang hinihingi ng realidad ng pelikula. Halimbawa na lamang sa kasuotan, nabigyang-diin ang ganap ni Popoy bilang
inhinyero sa pamamagitan ng pagsusuot ng uniporme ng tunay na inhinyero at nabigyang-diin din ang naging estado sa buhay ni Basha noong sila ay
medyo kinapos na sa salapi ay pangkaraniwang damit na lamang ang kanyang sinuot. Sa lahat ng ito, masasabing naging matagumpay ang direktor
at buong production team sa pag-abot ng tunay nilang layunin.

IX. ARAL AT PAGPAPAHALAGA

          Tunay ngang maraming aral ang mapupulot sa pelikulang ito gaya na lamang ng ang pagpapatawad ay isang bagay na nakapagpapalaya sa
iyo dahil kapag ang tao ay nagpatawad mas gumagaan ang buhay. Isa pa ay huwag parating pairalin ang ego at pride dahil kung mayroong taong
importante ay mas iiral dapat ang pagmamahal para sa taong iyon kaysa sa ego at pride. Ipinahihiwatig din ng pelikulang ito na kahit anong pagtatago
ang gawin mo sa katotohanan, lalabas at lalabas pa din ito kaya mabuting sa una pa lang ay sabihin na kung ano ang problema dahil walang
mabuting naidudulot ang pagsisinungaling. Ipinakita rin sa pelikula na sa kahit ano mang relasyon, huwag hayaang sirain ito ng sariling ambisyon at
pagmamahal sa pera. At panghuli ay hindi masusukat o mahuhusgahan ang isang tao base lang sa kanyang maling nagawa dahil lahat naman ng tao
ay nagkakamali at may karapatang mabigyan ng pangalawang pagkakataon para maitama ang pagkakamaling nagawa.

X. REKOMENDASYON

          Inirerekomenda lamang na mas gawing kapana-panabik ang wakas at huwag gumamit ng “predictable” na wakas ng storya dahil kung
makabubuo ng kakaibang wakas ay makatutulong ito para mas mapaganda ang pelikula.

          Sa kabuuan ay naging maganda naman ang takbo ng pelikula at maayos itong nailahad at naipakita sa mga manonood kaya naman naging
patok ito sa maraming Pilipino at maraming mga manonood ang tiyak na nakapulot ng mga aral na nais iparating sa mga manonood ng pelikula na
hindi lamang ito para sa mga mag-asawa o sa mga nagmamahalan, kung hindi para rin sa lahat.

https://k-12.neu.edu.ph/mod/book/tool/print/index.php?id=3866 35/40
12/3/2020 MODYUL BLG. 4- PAGSULAT NG ABSTRAK, TALUMPATI AT REBYU

3.8. Takdang-Aralin

Pindutin ang imahe upang masagutan ang takdang aralin

https://k-12.neu.edu.ph/mod/book/tool/print/index.php?id=3866 36/40
12/3/2020 MODYUL BLG. 4- PAGSULAT NG ABSTRAK, TALUMPATI AT REBYU

3.9. Rubriks

Pindutin ang imahe upang makita ang rubriks

https://k-12.neu.edu.ph/mod/book/tool/print/index.php?id=3866 37/40
12/3/2020 MODYUL BLG. 4- PAGSULAT NG ABSTRAK, TALUMPATI AT REBYU

4. Maiksing Pagsusulit

Pindutin ang imahe upang masagutan ang maiksing pagsusulit

https://k-12.neu.edu.ph/mod/book/tool/print/index.php?id=3866 38/40
12/3/2020 MODYUL BLG. 4- PAGSULAT NG ABSTRAK, TALUMPATI AT REBYU

5. Mga katanungan

May mga katanungan ba o kalituhan hinggil sa  ating aralin o gawain?

Pundutin ang imahe upang maipost ang katanungan.

https://k-12.neu.edu.ph/mod/book/tool/print/index.php?id=3866 39/40
12/3/2020 MODYUL BLG. 4- PAGSULAT NG ABSTRAK, TALUMPATI AT REBYU

6. Sangguniang Ginamit:

Bernales, Rolando A. et al., 2016. Filipino sa larangang akademiko. Malabon City: Mutya Publishing House, Inc.

Garcia, Florante C. 2017. Filipino sa piling larang. Quezon City: Sibs Publishing House, Inc.

Hanguang elektroniko:

http://write.edu.au/

https://pkpschool.sfu.ca/

https://www.dpreview.com/

https://emilioaguinaldo2016.wordpress.com/2016/09/29/rebyu-ng-pelikulang-a-second-chance/

https://k-12.neu.edu.ph/mod/book/tool/print/index.php?id=3866 40/40

You might also like