You are on page 1of 5

KABANATA I

MGA BATAYANG KAALAMAN SA PAGSULAT

Panimula

Ang pagsulat ay ang paghahatid ng mensahe ng awtor (awtor man o mga


kaalaman) sa mga mambabasa sa tulong ng mga titik o simbolo at kalakip nito
ang pagiging epektibo niya sa paghahatid ng mensahe. Ang pagiging epektibo
ay nakasalalay sa paraan kanyang pagsulat, wikang gamitin, linaw ng mensahe,
uri ng impormasyon at iba pang salik. de Castro at Taruc (2010).

Tuklasin
1. Kumpletuhin ang kasunod na semantik map. Isulat sa mga bakanteng
bilog ang mga maiisip mong salitang kaugnay ng salitang nasa loob ng
paggitnang parihaba

PAGSULAT

1
1. Ipaliwanag ang mga salitang napili. Limitado lamang ito sa apat na
pangungusap.
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
__________________________________________________________

Pangkalahatang Ideya

Nilalayon ng yunit na ito na malinang ang kasanayang sa pagsulat ng mga


mag-aaral bilang bahagi ng kurikulum sa Senior High School. Naisaalang-alang
din ang iba’t ibang mga simulain at kalakarang kinakailangan sa pagsasatitik ng
kaisipan, damdamin, opinyon sa maayos at kapaki-pakinabang na paraan.

ARALIN 1 KAHULUGAN AT KAHALAGAHAN NG PAGSULAT

Sinasabing hindi ganap ang pagkatuto ng wikang Filipino bilang


pangalwang wika kung walang gawaing pagsulat. Ang pagsulat ay isang bahagi
ng pakikipag-ugnayan o komunikasyon ng tao sa kanyang kapwa.

Ayon kay Bernales, et al. (2001) ang pagsulat ay pagsasalin sa papel o sa


anumang kasangkapang maaaring magamit na mapagsasalinan ng mga
nabuong salita, simbulo at ilustrasyon ng isang tao o mga tao sa layuning
maipahayag ang kanyang/ kanilang kaisipan (Bernales, et al., 2001).

Tiyak na Layunin:

1. Naipaliliwanag ang kahulugan at kahalagahan ng pagsulat.

Kahulugan Pagsulat

Ito ay isang pisikal at mental na aktibiti na ginagawa para sa iba’t ibang


layunin. Pisikal na aktibiti sapagkat ginagamit dito ang kamay sa pagsulat sa

2
papel, o sa pagpindot ng mga keys ng tayprayter o ng keyboard ng kompyuter.
Ginagamit din sa pagsulat ang mata upang imonitor ang anyo ng writing output
kahit pa ito ay handwritten lamang o rehistro sa monitor ng kompyuter o print -out
na.
Mental na aktibiti sapagkat ito ay isang ehersisyo ng pagsasatitik ng mga
ideya ayon sa isang tiyak na metodo ng debelopment at pattern ng organisasyon
at sa isang istilo ng gramar na naayon sa mga tuntunin ng wikang ginamit.

Kahulugan ng pagsulat ayon sa iba’t-ibang tao:

Ang pagsulat ang bumubuhay at humuhubog sa kaganapan ng ating


pagiging tao. (William Strunk, E.B White)
Ang pag-iisip at pagsusulat ay kakambal ng utak, gayundin naman, ang
kalidad ng pagsulat ay hindi matatamo kung walang kalidad ng pag-iisip.
(Kellogg).
Ayon kay Xing at Jin (1989, sa Bernales, et al., 2006), ang pagsulat ay
isang komprehensibong kakayahang naglalaman ng wastong gamit ng
talasalitaan, pagbuo ng kaisipan, retorika at iba pang mga element. Kaugnay nito
ang pakikinig, pagsasalita at pagbasa. Komprehensibo ang pagsulat sapagkat
bilang isang makrong kasanayang pangwika, inaasahang masusunod ng isang
manunulat ang maraming tuntuning kaugnay nito.
Sinabi ni Badayos (2000) na ang kakayahan sa pagsulat nang mabisa ay
isang bagay na totoong mailap para sa nakararami sa atin maging ito’y pagsulat
sa uang wika o pangalawang wika man. ito ay nangyayari sa kabila ng maraming
taongginugugol natin sa pagtatamo ng kasanayang ito. sa pagkakataong ito,
maaari nating tanggapin na ang pagsulat ay isang kasanayang pangwika na
mahirap matamo.
Sinasabi na hindi biro ang gawaing pagsulat. Ang pagsuong sa gawaing
ito ay nangangailangan ng pusupusang mental at konsiderableng antas ng
kaalamang teknikal at pagkamalikhain (Bernales, et al., 2002).

3
Kahalagahan ng Pagsulat

Mula sa panulat ni Donald H. Oranes sa Balance the Basics: Let them


Writ, binanggit niya ang kahalagahan ng pagsulat bilang instrumento sa
pagkatuto. Ito ay ang mga sumusunod:
1. Ang pagsulat ay nakapagdaragdag sa talino dahil sa ginawang analisis
at sintsesis sa mga nakuhang impormasyon;
2. Ang pagsulat ay nakapagdaragdag sa personal “esteem”;
3. Ang pagsulat ay nakapanghihikayat sa pagkatuto sa
maraminglarangan na gumagamit ng iskil sa pag-awit, sa paggamit ng
sining biswal at sistemang kinestetiko;
4. Nagpapagaling ng iskil sa pagbasa;
5. Tumutulong sa pagiging matapang ng manunulat na iwaksi ang
anumang “anonymity” o anumang may kalabuan at ito’y kanyang
tinutuklas;
6. Tumutulong sa mga mag-aaral na magkaroon ng inisyatib sa
paghahanap ng mga impormasyon; at
7. Upang makasunod sa hinihingi ng paaralan.

Paglalagom
Samakatuwid ang pagsulat ang pinakamataas na antas ng komunikasyon.
Bagamat ito ay gawaing napakakomplikado, kinakailangan lamang ang
puspusang mental at pagiging kritikal sa pagsasagawa nito.

Pagsasanay
Sagutin ang mga sumusunod na tanong.
1. Maliban sa mga nabanggit na kahulugan ng pagsulat, magbigay ng
sariling pagpapakahulugan. Limitado lamang ito sa dalawang
pangungusap.
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________
4
2. Paano nakatutulong ang gawaing pagsulat sa iyong akademikong
kasanayan? Ipaliwanag nang komprehensibo. Limitado lamang ito sa
dalawang pangungusap.
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________

Sanggunian:

Badayos, Paquito B. Filipino sa Ibat’t Ibang Disiplina. Makati City: Grandwater


Publications and Research Corporation. 2002.

Bernales, Rolando A. et al. Filipino sa Larangang Akademiko. Mutya2017.

https://www.academia.edu/22027169/MODULE_OF_INSTRUCTIONPagbasa_at
_Pagsulat_Tungo_sa_Pananaliksik_1_Pagbasa

https://www.pinoynewbie.com/pagsulat/

https://www.scribd.com/presentation/414993769/MODYUL-1-to-4-Pagsulat-Ng-
Akademikong-Sulatin3

https://elcomblus.com/ang-kahulugan-katangian-at-layunin-ng-akademikong-
pagsulat/

https://thesilentlearner2014.blogspot.com/2014/06/filipino-2-kahulugan-at-
kahalagahan-ng_8.html

You might also like