You are on page 1of 5

KABANATA I

MGA BATAYANG KAALAMAN SA PAGSULAT

Panimula

Ang pagsulat ay ang paghahatid ng mensahe ng awtor (awtor man o

mga kaalaman) sa mga mambabasa sa tulong ng mga titik o simbolo at
kalakip nito ang pagiging epektibo niya sa paghahatid ng mensahe. Ang
pagiging epektibo ay nakasalalay sa paraan kanyang pagsulat, wikang
gamitin, linaw ng mensahe, uri ng impormasyon at iba pang salik. de Castro
at Taruc (2010).

ARALIN 1 KAHULUGAN AT KAHALAGAHAN NG PAGSULAT

Sinasabing hindi ganap ang pagkatuto ng wikang Filipino bilang

pangalwang wika kung walang gawaing pagsulat. Ang pagsulat ay isang
bahagi ng pakikipag-ugnayan o komunikasyon ng tao sa kanyang kapwa.
Ayon kay Bernales, et al. (2001) ang pagsulat ay pagsasalin sa papel o
sa anumang kasangkapang maaaring magamit na mapagsasalinan ng mga
nabuong salita, simbulo at ilustrasyon ng isang tao o mga tao sa layuning
maipahayag ang kanyang/ kanilang kaisipan (Bernales, et al., 2001).

Pangkalahatang Layunin

Nilalayon ng yunit na ito na malinang ang kasanayang sa pagsulat ng

mga mag-aaral bilang bahagi ng kurikulum sa Senior High School.
Naisaalang-alang din ang iba’t ibang mga simulain at kalakarang
kinakailangan sa pagsasatitik ng kaisipan, damdamin, opinyon sa maayos at
kapaki-pakinabang na paraan.
Tiyak na Layunin

1. Naipaliliwanag ang kahulugan at kahalagahan ng pagsulat.

Kahulugan Pagsulat

Ito ay isang pisikal at mental na aktibiti na ginagawa para sa iba’t ibang

layunin. Pisikal na aktibiti sapagkat ginagamit dito ang kamay sa pagsulat sa
papel, o sa pagpindot ng mga keys ng tayprayter o ng keyboard ng
kompyuter. Ginagamit din sa pagsulat ang mata upang imonitor ang anyo ng
writing output kahit pa ito ay handwritten lamang o rehistro sa monitor ng
kompyuter o print -out na.
Mental na aktibiti sapagkat ito ay isang ehersisyo ng pagsasatitik ng
mga ideya ayon sa isang tiyak na metodo ng debelopment at pattern ng
organisasyon at sa isang istilo ng gramar na naayon sa mga tuntunin ng
wikang ginamit.

Kahulugan ng pagsulat ayon sa iba’t-ibang dalubhasa:

Ang pagsulat ang bumubuhay at humuhubog sa kaganapan ng ating

pagiging tao. (William Strunk, E.B White)
Ang pag-iisip at pagsusulat ay kakambal ng utak, gayundin naman,
ang kalidad ng pagsulat ay hindi matatamo kung walang kalidad ng pag-iisip.
(Kellogg).
Ayon kay Xing at Jin (1989, sa Bernales, et al., 2006), ang pagsulat ay
isang komprehensibong kakayahang naglalaman ng wastong gamit ng
talasalitaan, pagbuo ng kaisipan, retorika at iba pang mga element. Kaugnay
nito ang pakikinig, pagsasalita at pagbasa. Komprehensibo ang pagsulat
sapagkat bilang isang makrong kasanayang pangwika, inaasahang
masusunod ng isang manunulat ang maraming tuntuning kaugnay nito.
Sinabi ni Badayos (2000) na ang kakayahan sa pagsulat nang mabisa
ay isang bagay na totoong mailap para sa nakararami sa atin maging ito’y
pagsulat sa uang wika o pangalawang wika man. ito ay nangyayari sa kabila
ng maraming taongginugugol natin sa pagtatamo ng kasanayang ito. sa
pagkakataong ito, maaari nating tanggapin na ang pagsulat ay isang
kasanayang pangwika na mahirap matamo.
Sinasabi na hindi biro ang gawaing pagsulat. Ang pagsuong sa
gawaing ito ay nangangailangan ng pusupusang mental at konsiderableng
antas ng kaalamang teknikal at pagkamalikhain (Bernales, et al., 2002).

Kahalagahan ng Pagsulat

Mula sa panulat ni Donald H. Oranes sa Balance the Basics: Let them

Write, binanggit niya ang kahalagahan ng pagsulat bilang instrumento sa
pagkatuto. Ito ay ang mga sumusunod:
1. Ang pagsulat ay nakapagdaragdag sa talino dahil sa ginawang
analisis at sintsesis sa mga nakuhang impormasyon;
2. Ang pagsulat ay nakapagdaragdag sa personal “esteem”;
3. Ang pagsulat ay nakapanghihikayat sa pagkatuto sa
maraminglarangan na gumagamit ng iskil sa pag-awit, sa paggamit
ng sining biswal at sistemang kinestetiko;
4. Nagpapagaling ng iskil sa pagbasa;
5. Tumutulong sa pagiging matapang ng manunulat na iwaksi ang
anumang “anonymity” o anumang may kalabuan at ito’y kanyang
tinutuklas;
6. Tumutulong sa mga mag-aaral na magkaroon ng inisyatib sa
paghahanap ng mga impormasyon; at
7. Upang makasunod sa hinihingi ng paaralan.

Paglalagom
Samakatuwid ang pagsulat ang pinakamataas na antas ng
komunikasyon. Bagamat ito ay gawaing napakakomplikado, kinakailangan
lamang ang puspusang mental at pagiging kritikal sa pagsasagawa nito.
Pagsasanay
Sagutin ang mga sumusunod na tanong.
1. Maliban sa mga nabanggit na kahulugan ng pagsulat, magbigay ng
sariling pagpapakahulugan. Limitado lamang ito sa dalawang
pangungusap.
________________________________________________________

2. Paano nakatutulong ang gawaing pagsulat sa iyong akademikong

kasanayan? Ipaliwanag nang komprehensibo. Limitado lamang ito sa
dalawang pangungusap.
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________

3. Bakit mahalagang malinang at mahubog sa mga mag-aaral ang

kasanayan sa pagsulat?
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________

4. Magsaliksik hinggil sa kahalagahan ng pagsulat sa iba’t ibang larangan

o disiplina. Magbigay ng mga ispesipikong halimbawa.

_______________________________________________________

Sanggunian

Badayos, Paquito B. Filipino sa Ibat’t Ibang Disiplina. Makati City: Grandwater

Publications and Research Corporation. 2002.

Bernales, Rolando A. et al. Filipino sa Larangang Akademiko. Mutya2017.

https://www.academia.edu/22027169/MODULE_OF_INSTRUCTIONPagbasa
_at_Pagsulat_Tungo_sa_Pananaliksik_1_Pagbasa

https://www.pinoynewbie.com/pagsulat/

https://www.scribd.com/presentation/414993769/MODYUL-1-to-4-Pagsulat-
Ng-Akademikong-Sulatin3

https://elcomblus.com/ang-kahulugan-katangian-at-layunin-ng-akademikong-
pagsulat/

https://thesilentlearner2014.blogspot.com/2014/06/filipino-2-kahulugan-at-
kahalagahan-ng_8.html

You might also like