You are on page 1of 7

11 Learning Activity Sheet

sa Pagbasa at Pagsusuri
ng Iba’t ibang Teksto
tungo sa Pananaliksik
Kuwarter 3 – MELC 4
Pagsulat ng Ilang halimbawa ng Iba’t ibang
Uri ng Teksto

REGION VI – KANLURANG VISAYAS


Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik 11 – Filipino 11
Learning Activity Sheet (LAS)
Unang Edisyon, 2020

Inilimbag sa Pilipinas
Ng Kagawaran ng Edukasyon,
Rehiyon 6 – Kanlurang Visayas
Duran St., Iloilo City

Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na “Hindi maaaring magkaroon


ng karapatang-ari (sipi) sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng
gawain kung ito’y pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.”

Ang Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik 11 -


Filipino 11 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay inilimbag upang magamit ng mga
Paaralan sa Rehiyon 6 - Kanlurang Visayas.

Walang bahagi ng aklat na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang porma
nang walang pahintulot sa Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon 6 – Kanlurang Visayas.

Bumuo sa Pagsusulat ng Learning Activity Sheet – Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t


ibang Teksto tungo sa Pananaliksik 11 – Filipino 11

Manunulat: Ophelia D. Banzuelo, TIII

Editor: Marissa C. Regalado, HT III


Lalice Joy J. Arquintillo, HT III

Tagasuri: Marissa C. Regalado, HT III


Aileen N. Menor, MT I

Tagaguhit: Juvy Mae S. Consibit, MT I

Tagalapat: Mervic Hope G. Villanueva, T III

Division of Iloilo City Management Team:


Ma. Luz M. De los Reyes, SDS
Ernesto F. Servillon Jr., ASDS
Dr. Jerry M. Lego, SGOD Chief
Arlo L. Villalva, CID Chief
Leila G. Valencia, EPS-LRMDS
Dr. Cynthia J. Punsalan, EPS-Filipino

Regional Management Team:


Dr. Ramir B. Uytico
Dr. Pedro T. Escobarte
Dr. Elena P. Gonzaga
Mr. Donald T. Genine
Celestino S. Dalumpines IV
MABUHAY!

Ang Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik 11 –


Filipino 11 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay nabuo sa pamamagitan ng sama-
samang pagtutulungan ng Sangay ng Lungsod ng Iloilo at Kagawaran ng Edukasyon,
Region 6 – Kanlurang Visayas sa pakikipag-ugnayan ng Curriculum and Learning Division
(CLMD). Inihanda ito upang maging gabay ng learning facilitator, na matulungan ang ating
mga mag-aaral na makamtan ang mga inaasahang kompetensi na inilaan ng Kurikulum ng
K to 12.

Layunin ng LAS na ito na gabayan ang ating mga mag-aaral na mapagtagumpayan


nilang masagot ang mga nakahanay na mga gawain ayon sa kani-kanilang kakayahan at
laang oras. Ito ay naglalayon ding makalinang ng isang buo at ganap na Filipino na may
kapaki-pakinabang na literasi habang isinasaalang-alang ang kani-kanilang
pangangailangan at sitwasyon.

Para sa mga learning facilitator:

Ang Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik 11 –


Filipino 11 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay binuo upang matugunan ang
pangangailangan ng ating mga mag-aaral sa larang ng edukasyon, na patuloy ang kanilang
pagkatuto kahit na sila ay nasa kani-kanilang mga tahanan o saan mang bahagi ng learning
center sa kanilang komunidad.

Bilang mga learning facilitator, siguraduhing naging malinaw ang mga panuto sa mga
gawaing iniatas sa kanila. Inaasahan din na patuloy nating masubaybayan ang pag-unlad ng
mga mag-aaral (learner’s progress).

Para sa mga mag-aaral:

Ang Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik 11 –


Filipino 11 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay binuo upang matulungan ka, na
mapatuloy ang iyong pagkatuto kahit na wala ka ngayon sa iyong paaralan. Pangunahing
layunin ng LAS na ito na mabigyan ka ng makahulugan at makabuluhang mga gawain.
Bilang aktibong mag-aaral, unawain nang mabuti ang mga panuto ng bawat gawain.
Kuwarter 3, Linggo 2

Learning Activity Sheets (LAS) Blg. 4

Pangalan ng mag-aaral: _______________________ Grado at Seksiyon: ____________


Petsa: ________________

GAWAING PAMPAGKATUTO SA PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG


TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK 11

Pagsulat ng Ilang halimbawa ng Iba’t ibang Uri ng Teksto

I. Kasanayang Pampagkatuto at Koda

Nakasusulat ng ilang halimbawa ng iba’t ibang uri ng teksto. (FIIPU-IIIb-89)

II. Panimula

Ang pagsulat ay naghahatid ng wastong kaalaman o impormasyon, layunin


nitong madagdagan ang kaalaman ng mambabasa. Sa pagsulat ng teksto ay kailangan
ang pagsusuri dahil ito ay tumutukoy sa detalyadong eksaminasyon ng mga elemento o
istruktura ng isang bagay o kaisipan bilang basehan ng interpretasyon o talakayan, ito ay
nagbibigay rin ng opinyon o kahulugan ng isang idea na gamit ang iba pang mga salita.
Ayon kay Helen Keller, ang pagsulat ay kabuuan ng mga pangangailangan at
kaligayahan. Kaya maraming manunulat ang makapagsasabi na ang pagsusulat ay
kaligayahan. Ayon naman kay Kellog, ang pag-iisip at pagsusulat ay kakambal ng utak,
gayundin naman ang kalidad ng pagsulat ay hindi matatamo kung walang kalidad ng
pag-iisip. Kaya ang kalidad ng pag-iisip ay mababasa sa paraan ng pagsusulat, hindi
matatamo ang tagumpay sa larang ng pagsulat kung kulang ang angking kaalaman,
kaya dapat ding isaalang-alang ang sariling pag-iisip upang matamo ang tamang kalidad
sa pagsulat.

Napag-aralan natin na may iba’t ibang uri ang teksto sa pagsusulat gaya ng mga
sumusunod: naratibo, impormatibo, deskriptibo, persuweysib, argumentatibo at
prosidyural. Hindi naging madali ang pagsulat kung wala kang malawak na kaalaman sa
mga iba’t ibang uri ng teksto. Bilang isang manunulat kailangan ang angking kaalaman,
kasanayan at karanasan sa larang ng pagsulat upang lalong mapataas ang kalidad nito.
Higit sa lahat ito ay nangangailangan din ng malawak na pang-unawa at talas ng isipan
upang maging mapadali ang pagkalap ng idea at impormasyon lalo na sa paraang
paggamit ng iba’t ibang uri ng teksto, kaya dapat isaisip, isapuso at isadiwa ito upang
mapagtagumpayan ang kaalaman sa larang ng pagsulat.

III. Sanggunian

http://angblogspotkosafilipino2.blogspot.com/2015/02/ang-pagsulat.html
https://www.slideshare.net/jombasto7/pagsulat-15995547
https://www.latimes.com/world-nation/story/2020-04-09/sketches-from-the-
coronavirus-fight

IV. Mga Gawain

Gawain 1:
Panuto: Gumawa ng isang teksto mula sa lawarang iyong makikita. Isulat ito
sa inyong papel.

______________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

Gawain 2:

Panuto: Basahin at unawain ang sitwasyong ibinigay at gawan ito ng teksto.


Isulat ang sagot sa papel.

“Anak na masunurin sa ina pero binabalewala ng ina ang kaniyang anak”


_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

Gawain 3:

Panuto: Mag-isip ng paksa at gumawa ng isang sanaysay gamit ang napiling


uri ng tekstong napag-aralan, at sundin ang tamang pagsulat na may panimula, gitna
at wakas. Sundin ang pamantayan sa ibaba.
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

Sagutin ang mga sumusunod na katanungan:

1. Ano ang kahalagahan ng pagsulat sa ngayong henerasyon?


_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

2. Sa pag-aaral ng iba’t ibang uri ng teksto, ano sa palagay mo ang naitulong nito
sa pagsulat?
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

Pamantayan sa Pagsulat ng Teksto

Pamantayan Puntos Natamong Puntos


Malinaw na nailahad ang layunin sa pagsulat ng teksto 5
Lantad ang pangunahing idea na tatalakayin 5
Himay-himay na inilahad ang mga suportang idea 8
Organisado ang mga idea gamit ang isang angkop na
5
hulwarang organisasyon
Matibay na nailahat ang mga idea nang may sapat na
7
batayan/sanggunian
Kabuoan 30pts
V. Repleksiyon

Batay sa aralin ngayon, ano ang magandang kaisipan ang naitutulong ng


pagsusulat sa pamumuhay ng tao?
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
Ang guro ang magwawasto sa mga gawain gamit ang rubrik na ibinigay.
Susi sa Pagwawasto VI.

You might also like