You are on page 1of 13

11

Pagbasa at Pagsusuri
ng Iba’t Ibang Teksto Tungo
sa Pananaliksik
Ikatlong Markahan

Modyul1: Kahulugan at
Katangian ng Iba’t Ibang
Tekstong Binasa
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION VII, CENTRAL VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF SIQUIJOR

PAMATID SA COPYRIGHT

Ayon sa “Section 9, Presidential Decree No. 49”, ang Pamahalaan ng Pilipinas ay hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa
anomang akda. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan.

Ang materyal na ito ay binuo sa pamamagitan ng inisyatiba ng Curriculum Implementation Division (CID) ng Kagawaran ng
Edukasyon - Dibisyon ng Siquijor.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa
telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang
mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang
karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda
ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa
tagapaglathala.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


OIC-Schools Division Superintendent: Dr. Neri C. Ojastro
Assistant Schools Division Superintendent: Dr. Edmark Ian L. Cabio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: ¬ Mary Jean L. Larot

Mga Tagasuri: Rodson B. Jumalon, Christine V. Marchan, Charity E. Dimagnaong, Kathleen Rose A. Ocay, Christine Gaye
D.Largo, Mary Jean L. Larot, Anabel R. Jimenez

Tagapamahala: Dr. Marlou S. Maglinao


CID – Chief

Flora A. Gahob
Education Program Supervisor (Filipino)

Edesa T. Calvadores
Education Program Supervisor (LRMS)

Inilimbag sa Republika ng Pilipinas ng Basac National High School


Kagawaran ng Edukasyon – Region VII, Dibisyon ng Siquijor
Office Address: Larena, Siquijor
Telephone No.: (035) 377-2034-2038
E-mail Address: deped.siquijor@deped.gov.ph
11
Pagbasa at Pagsusuri
ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa
Pananaliksik
Ikatlong Markahan

Modyul1: Kahulugan at
Katangian ng Iba’t Ibang
Tekstong Binasa
INTRODUKSYON

Ang modyul na ito ay isinulat bilang suporta sa K 12 Basic Education Program upang matiyak
ang pagkatuto ng mga mag-aaral ayon sa pamantayan na itinakda ng kagawaran.
Layunin nitong maibahagi ang mga mahalagang kaalaman tungkol sa paksang
tinalakay,kahulugan at katangian ng iba’t ibang uri ng tekstong binasa.
Kasama sa modyul na ito ang sumusunod na gawain:

 Inaasahang Kinalalabasan ng Pagkatutuo – ito ang mga inaasasahang kaalamang iyong


natamo matapos ang modyul.
 Panimulang Pagtataya–ito ay mga naunang kaalaman tungkol sa araling iyong pag-aaralan
 Pagtalakay sa Paksa–ito ay nagtataglay ng mahalagang kaalaman, simulain atkaugalian
tungkol sa aralin na makatutulong sa pagkamit sa inaasahang kinalalabasan ng pagkatuto.
 Gawaing Pampagkatuto–ito ay nagtataglay ng mga aplikasyon sa kaalaman, simulain at
kaugaliang natamo mula sa aralin at magpapatingkad sa iyong kakayahan habang
isinasagawa ang ibat ibang gawain.
 Panghuling Pagtataya–ito ang sumusukat sa lawak ng iyong kaalamang natamo sa buong
modyul

Sa pamamagitan ng iba’t ibang gawaing inihanda sa modyul na ito, nawa’y magingkasiya-siya


ang iyong pagkatuto habang nalinang ang iyong kakayahan sa kritikal na pag-iisip.

1
Alamin

Pagkatapos ng aralin, ang mag-aaral ay inaasahang:


 Natutukoy ang paksang tinalakay sa iba’t ibang tekstong binasa
 Natutukoy ang kahulugan at katangian ng mahahalagang salitang ginamit ng iba’t ibang
uri ng tekstong binasa
 Naibabahagi ang katangian at kalikasan ng iba’t ibang tekstong binasa

Subukin

A.IDENTIPIKASYON

Panuto:Piliin sa loob ng panaklong ang uri ng teksto na isinasaad ng mga pahayag sa bawat bilang.
(Impormatibo.Naratibo,Deskriptibo,Argumentatibo,Persuweysib,Prosidyural)
___________1.Ito ay naglalayong magbigay ng impormasyon o magpapaliwag nang malinaw at walang
pagkiling
___________2.Mga pang-uri at pang-abay ang karaniwang ginagamit ng manunulat upang mabuo sa isipan
ng mambabasa ang paglalarawan
___________3.Maikling kuwento,pabula,alamat,at nobela ay ilan sa halimbawa ng tekstong ito.
___________4.Isang espesyal na uri ng tekstong ekspositori.
___________5.Manghikayat at mangumbinsi sa babasa ng teksto.
___________6.Inilalahad ang mga argumento,katwiran at ebidensiya ng manunulat.

B.TAMA O MALI

Panuto:Isulat ang TAMA kung wasto ang pahayag at MALI kung hindi angkop ang kaisipan sa bawat
bilang.
_________1.Ang tekstong impormatibo ay isang uri ng babasahing di- piksyon.
_________2. Ang tekstong persuweysib ay naglalayong manghikayat at mangumbinsi.
_________3. Ang tekstong Argumentatibo ay obhetibo.
_________4. Persuweysib naman ay subhetibo .
_________5. Malinaw at tama ang pagkakasunod-sunod ng mga dapat gawin satekstong
prosidyural..
_________6.Hindi kailangan ang larawan sa tekstong prosidyural.
_________7.Ginagamit sa mga iskrip para sa patalastas aang tekstong.persuweysib.
_________8. Di mahalaga ang pagsulat ng mga talasanggunian sa tekstong impormatibo.
.2
_________9. Mahalaga ang paggamit ng larawan, guhit, dayagram,tsart,talahanayan,timeline at iba
pa upang mapalalim ang pag-unawa ng mambabasa.
________10. Nakabase sa katotohanan ang tekstong impormatibo.

Balikan

Gawain 1:

Magtala ng tatlong sulatin na iyong nabasa o mga programang pantelebisyong napanood.Ibigay


ang katangian ng bawat isa.Tunghayan ang halimbawa sa ibaba.

Halimbawa:

TV PATROL - Nagbibigay impormasyon

Tuklasin
Panuto: Isaayos ang mga sumusunod na letra upang mabuo ang iba’t ibang uri ng teksto.

1. AURMANTTIBOGE - _________________
2. IAMTPMIBORO - ____________________
3. ANROATIB - ________________________
4. DRSEKOIPTIB - _____________________
5. PEESBUWYSIR - ____________________
6. OPRDSIYLURA - ____________________

3
Suriin

Basahin at Unawain: Mga Uri ng Teksto/Kahulugan at Kalikasan


:

1. Tekstong Impormatibo- Isang uri ng babasahing di-piksyon.Naglalayong magbigay ng


impormasyon o magpapaliwanag nang malinaw at walang pagkiling.Gumagamit ng talasanggunian
bilang basehan sa pagsulat.Makatotohanan ang mga datos.
2. Tekstong Naratibo-Nauuri sa piksyon at di-piksyon.Mga halimbawa nito ayang mga maikliling
kuwento,pabula,alamat,at nobela.Isa sa mga layunin nito ang mang-aliw o manlibang samga
mambabasa.
3.Tekstong Deskriptibo-Maihahalintulad sa isang larawang ipininta o iginuhitkung saan kapag
nakita ito ng mambabasa ay parang nakita na rin nila ang orihinal na pinagmulan ng larawan.Mga
pang-uri at pang-abay ang karaniwang ginagamit ng manunulat upang mailarawan ang bawat
tauhan,tagpuan,mga kilos o galaw, o anumang bagay na nais mabigyan-buhay sa imahinasyon ng
mambabasa.Sa paglalarawan masasabing subhetibo kung ang manunulat ay maglalarawan nang
napakalinaw at halos madama ng mambabasa subalit ang paglalarawan ay nakabatay lamang sa
kanyang mayamang imahinasyon at hindi nakabatay sa isang katotohanan.Obhetibonaman ang
paglalarawan kung ito’y may pinagbatayangkatotohanan
4.Tekstong Prosidyural- isang espesyal na uri ng tekstong ekspositori.Inilalahad nito
Ang serye o mga hakbang sa pagbuo ng isang gawain upang matamo ang
inaasahan.Nagpapaliwanag kung paano ginagawa ang isang bagay.Malawak ang kaalaman sa
paksang tatalakayin at nararapat na malinaw at tama ang pagkakasunod –sunod ng dapat gawin
upang hindi mailto o magkamali ang gagawa nito.

5. Tekstong Persuweysib-Layunin ng tekstong ito ang manghikayat o mangumbinsi sa babasa ng


teksto.Ito ay may subhetibong tono sapagkat malayang ipinahahayag ng manunulat ang kanyang
paniniwala sa pagkiling tunglok sa isangisyung may ilang panig.Taglay nito ang personal na opinion
at paniniwala ng may –akda.Ang tekstong ito ay ginagamit sa mga iskrip para sa patalastas.

6.Tekstong Argumentatibo-Nangunumbinsi batay sa datos o impormasyon.Inilalahad ng may akda


ang mga argumento,katwiran,at edidensiya na nagpapatibay ng kanyang posisyon o punto.Obhetibo
ang tono nito

4
Pagyamanin

Pansariling Gawain 1
Panuto:Balikan ang iba’t ibang uri ng tekstong tinalakay.Ibigay ang mga katangian ng iba’t ibang
teksto sa tulong ng graphic organizer. Gayahin ang pormat sa ibaba.

Uri ng Teksto Katangian ng uri ng teksto

Tekstong Impormatibo

Tekstong Deskriptibo

Tekstong Naratibo

Tekstong Prosidyural

Tekstong Persuweysib

Tekstong Argumentatibo

5
 Pansariling Gawain 2

Panuto: Tukuyin ang kahulugan at katangian ng mga salitang ginamit sa teksto na nakasulat
nang madiin sa bawat bilang.

 Pansariling Pagtataya 2
1.Ang sumusunod ay mga babasahing di piksyon: talambuhay,balita,artikulo sa
magasin.Batay sa mga halimbawang ito,ano ang di piksyon?

___________________________________________________________________
2.Ano ang kaibahan ng salitang Obhetibo sa Subhetibona kapwa ginagamit sa pagsulat ng
isang teksto?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________
3.Ang tekstong Prosidyural ay tinatawag na ekspositori ,ano ang nais ilahad nito?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Isaisip

Natutunan ko na:

 Ang tekstong Impormatibo, Naratibo, Deskriptibo,Prosidyural,Argumentatibo at


Persuweysib ay may iba’t ibang kahulugan katangian at kalikasan.Mahahalagang
malaman ang bawat uri ng ng teksto upang magamit ito ng wasto.

6
I Isagawa

A. Panuto: Basahin at unawain ang teksto na nasa ibaba. Suriin ito gamit ang tsart batay sa kanyang
kahulugan at kalikasan.

Cyberbullying
Sa makabagong panahon kung saan laganap ang paggamit ng teknolohiya,isang uri
ng pamb-bully ang nabigyang-daan nito:ang cyberbullying o ang pambu-bully sa kapwa gamit ang
makabagong teknologiya. Ang ilang halimbawa nito ay ang pagpapadala ng mensahe ng
pananakot,pagbabanta,o pagtataglay ng masasamang salita maging sa text o e-mail; pagpapalaganp
ng mga nakasisirang

usap-usapan,larawan,video,at iba sa e-mail at sa social media; pag-bash o pagpo-post ng mga


nakasisira at walng basehang komento; paggawa ng mga pekeng account na may layuning
mapasama ang isang tao;pag-hack sa account ng iba upang magamit ang sariling account ng
teknolohiya.Ang mga ito’y karaniwang nagbubunga ng pagkapahiya,pagkatakot,o kawalan ng
kapayapaan sa nagiging biktima nito.

Ano ba ng Sitwasyon ng Cyberbullying sa Pilipinas?

Ayon sa ulat ng Google Trends ,ang ikaapat sa mga bansa sa buong mundo
kung saan may pinakamaramingnaghanap ng impormasyon ukol sa cyberbullying noong 2013 ay
ang Pilipinas. Isa itong indikasyon na ang isyu ng cyberbullyi ng ay isa nang realidad sa ating bansa.
Bagama’t sa kasulukuyan ay wala pang opisyal na estadistika ang Pilipinas patungkols sa
cyberbullying, sa bansang Amerika ay lumalabas na nasa 9% ng mga mag-aaral sa Grade 6
hanggang 12 ang nakaranas ng cyberbullying noong Grade 9 hanggang 12 na nakaranas ng
cyberbullying:

 36% ang nagsabi sa bully na huminto sa pambu-bully niya


 34% ang gumawa ng paraan upang mahadlangang ang komunikasyon sa bully
 34% ang nagsabi sa mga kaibigan ukol sa pambu-bully
 29% ang walang ginawang anuman ukol sa pambu-bully
 28% ang nag-sign-offline
 11% lang ang nagsabi sa magulang ukol sa nangyayaring cyberbullying
7

Ano-ano ang Epekto sa Cyberbullying?

Maaaring sa cyberbullying ay walng pisikal na pananakit na nangyayari di tulad ng


harapang pambu-bully na kung minsa’y humahantong sa pananakit subalit mas matindi ang sakit at
pagkasugat ng emosyon o emotional at psychological traumana maaaring maranasan ng isang
biktima ng cyberbullying. May pangmatagalang epekto ito sa tao lalo na kung hindi maaagapan o
matutulungang ma-proseso ang damdamin ng isang naging biktima nito. Maaari siyang magkaroon
ng mga isyung sikolohikal hindi lang sa kasulukuyan kundi sa mga darating pang panahon.

Uri ng Teksto Paksa Mahalagang Impormasyong


inilahad ng Teksto (Magbigay ng
lima)

B. Panuto: Mula sa iyong binasang tekstong “Cyberbullying”,maglista ng dalawang salita (2) at isulat
ang mga ito sa unang Hanay, at sa ikalalawang Hanay ang kasingkahulugan nito gamit ang
diksyunaryo o sa konteksto ng pangungusap kung saan ito ginamit. Tingnan ang unang halimbawa.

Gayahin ang kasunod na pormat na nasa Pansariling Pagtataya 2

Salita Kahulugan
Cyberbullying Pambu-bully sa kapwa gamit ang makabagong
teknolohiya

8
Tayahin

Pangwakas na Pagtataya:
Panuto:Para sa bilang 1-6.Piliin sa loob ng kahon ang tamang sagot .

Impormatibo
Naratibo

Deskriptibo Argumentatibo

Persuweysib Prosidyural
___________1.Ito ay naglalayong magbigay ng impormasyon o magpapaliwag nang malinaw at
walang pagkiling
___________2.Mga pang-uri at pang-abay ang karaniwang ginagamit ng manunulat upang mabuo
sa isipan ng mambabasa ang paglalarawan
___________3.Maikling kuwento,pabula,alamat,at nobela ay ilan sa halimbawa ng tekstong ito.
___________4.Isang espesyal na uri ng tekstong ekspositori.
___________5.Manghikayat at mangumbinsi sa babasa ng teksto.
___________6.Inilalahad ang mga argumento,katwiran at ebidensiya ng manunulat.
B.TAMA O MALI
Panuto:Isulat ang TAMA kung wasto ang pahayag at MALI kung hindi angkop ang kaisipan.
_________1.Ang tekstong impormatibo ay isang uri ng babasahing di piksyon.
_________2. Ang tekstong persuweysib ay naglalayong manghikayat at mangumbinsi.
_________3. Ang tekstong Argumentatibo ay obhetibo.
_________4. Persuweysib naman ay subhetibo.
_________5. Malinaw at tama ang pagkakasunod-sunod ng mga dapat gawin sa tekstong
prosidyural.
_________6.Hindi kailangan ang larawan sa tekstong prosidyural.
_________7.Ginagamit sa mga iskrip para sa patalastas aang tekstong persuweysib.
_________8. Di mahalaga ang pagsulat ng mga talasanggunian sa tekstong impormatibo.
_________9.Mahalaga ang paggamit ng larawan,guhit,dayagram,tsart,talahanayan, timeline at iba
pa upang mapalalim ang pag-unawa ng mambabasa.
_________10 Nakabase sa katotohanan ang tekstong impormatibo.
Bibliyograpiya

Aklat
Dayag Alma M. at Mary Grace G. del Rosario. Pinagyamang Pluma II (K-12). Quezon City:
Phoenix Publishing House,2016.

Website
ASPA. “What is Cyberbullying”. March 1,2012. Acessed December 5,2020.
https://www.stopbullying.gov/cyberbullying/what-is-it
Mycz Doña. “ Iba’t ibang uri ng Teksto”. December 28,2017. Acessed December 21,2020.
https://www.slideshare.net/prettymycz/ibat-ibang-uri-ng-teksto

You might also like