You are on page 1of 12

11

Pagbasa at Pagsusuri
ng Iba’t Ibang Teksto Tungo
sa Pananaliksik

Ikatlong Markahan

Modyul 2: Cohesive
Device sa Pagsulat ng
Sariling Halimbawa ng
Republic of the Philippines
Department of Education

REGION VII, CENTRAL VISAYAS

SCHOOLS DIVISION OF SIQUIJOR

PAMATID SA COPYRIGHT

Ayon sa “Section 9, Presidential Decree No. 49”, ang Pamahalaan ng Pilipinas ay hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa
anomang akda. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan.

Ang materyal na ito ay binuo sa pamamagitan ng inisyatiba ng Curriculum Implementation Division (CID) ng Kagawaran ng
Edukasyon - Dibisyon ng Siquijor.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa
telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang
mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang
karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda
ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa
tagapaglathala.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


OIC-Schools Division Superintendent: Dr. Neri C. Ojastro
Assistant Schools Division Superintendent: Dr. Edmark Ian L. Cabio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: ¬ Mary Jean L. Larot

Mga Tagasuri: Rodson M. Jumalon, Christine V. Marchan, Charity E. Dimagnaong, Kathleen Rose A. Ocay, Christine Gaye D.Largo,
Mary Jean L. Larot, Anabel R. Jimenez

Tagapamahala: Dr. Marlou S. Maglinao


CID – Chief

Flora A. Gahob
Education Program Supervisor (Filipino)

Edesa T. Calvadores
Education Program Supervisor (LRMS)

Inilimbag sa Republika ng Pilipinas ng Basac National High School


Kagawaran ng Edukasyon – Region VII, Dibisyon ng Siquijor
Office Address: Larena, Siquijor
Telephone No.: (035) 377-2034-2038
E-mail Address: deped.siquijor@deped.gov.ph
11
Pagbasa at Pagsusuri
ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa
Pananaliksik

Ikatlong Markahan

Modyul 2: Cohesive Device sa


Pagsulat ng Sariling Halimbawa
ng Teksto
INTRODUKSYON

Ang modyul na ito ay isinulat bilang suporta sa K 12 Basic Education Program upang matiyak
ang pagkatuto ng mga mag-aaral ayon sa pamantayan na itinakda ng kagawaran.
Layunin nitong maibahagi ang mga mahalagang kaalaman tungkol sa paksang tinalakay sa
paggamit ng cohesive devices sa pagsulat ng sariling halimbawa ng teksto.
Kasama sa modyul na ito ang sumusunod na gawain:

 Inaasahang Kinalalabasan ng Pagkatutuo – ito ang mga inaasasahang kaalamang iyong


natamo matapos ang modyul.
 Panimulang Pagtataya – ito ay mga naunang kaalaman tungkol sa araling iyong pag-aaralan
 Pagtalakay sa Paksa – ito ay nagtataglay ng mahalagang kaalaman, simulain at kaugalian
tungkol sa aralin na makatutulong sa pagkamit sa inaasahang kinalalabasan ng pagkatuto.
 Gawaing Pampagkatuto – ito ay nagtataglay ng mga aplikasyon sa kaalaman, simulain at
kaugaliang natamo mula sa aralin at magpapatingkad sa iyong kakayahan habang
isinasagawa ang ibat ibang gawain.
 Panghuling Pagtataya – ito ang sumusukat sa lawak ng iyong kaalamang natamo sa buong
modyul

Sa pamamagitan ng iba’t ibang gawaing inihanda sa modyul na ito, nawa’y maging kasiya-siya
ang iyong pagkatuto habang nalinang ang iyong kakayahan sa kritikal na pag-iisip.

1
Alamin

Pagkatapos ng aralin, ang mag-aaral ay inaasahang:

 Nakasusulat ng ilang halimbawa ng uri ng tekstong binasa


 Nagagamit ang cohesive device sa pagsulat ng sariling halimbawang teksto

Subukin

A. IDENTIPIKASYON

Panuto: Isulat sa patlang ang pangunahing cohesive device o kohesyong gramatikal na nakapaloob
sa parentesis. ( Reperensiya,Substitusyon,Ellipsis,Pang-ugnay at Kohesyong Leksikal)

_________1. Ito ang paggamit ng mga salitang maaaring tumukoy ng paksang pinag-uusapan sa
pangungusap.
_________2. Paggamit ng salitang ipapalit sa halip na muling ulitin ang salita .
_________3. May binabawas na bahagi ng pangungusap subalit maiintindihan pa rin ito sa tulong ng
naunang pahayag para matukoy ang nais ipahiwatig ng nawalang salita.
_________4. Ginagamit ito sa pag-uugnay ng sugnay sa sugnay, parirala sa parirala,at
pangungusap.
_________5. Mabibisang salita na ginagamit sa teksto upang magkaroon ng kohesyon.

B. Tukuyin ang uri ng cohesive device na ginamit sa mga sumusunod na pangungusap.

_________6. Nawala ko ang pluma mo.Ibibili nalang kita ng bago.


_________7. Bumili si Gino ng apat na aklat at si Rino nama’y tatlo.
_________8. Ang mabuting magulang ay nagsasakripisyo para sa mga anak at ang mga anak
naman ay dapat magbalik ng pagmamahal sa kanilang mga magulang.
_________9. Maraming bata ang hindi nakapapasok sa paaralan.Ang mga batang ito ay
nagtatrabaho na sa murang gulang pa lang.
________10. Karamihan sa mga iskolar ay nagmula sa pamilyang dukha.Mahirap sila at walang
panustos sa pang-araw-araw na gastusin kaya pinaghuhusayan nila ang kanilang pag-
aaral.
________11. Sapatos ang gustong koleksyon ng aking kaibigan.Ito kasi ang paborito niya.
________12. Nagtatanim sila ng mga puno sa parke.Ang mga puno na ito ay Narra,Mahogany at
Molave.
2
C.Tukuyin ang cohesive device (Anapora o Katapora) na ginagamit sa nakalahad na
teksto.

_________13. Matamis na maasim-asim ito.Ang may katigasan at kulay lilang balat ay nagtataglay
ng mapuputing hilis na paborito ng marami hindi lang sa lasa kundi maging sa taglay
na sustansiya.Hindi pangkaraniwang prutas ang Mangosteen.
_________14. Bayani ang mga taong handang magbuwis ng buhay at tumulong sa nangangailangan
na walang hinintay na kapalit.Sila ay mga karaniwang taong nakagagawa ng hindi
pangkaraniwang kabutihan sa iba.
________15. Malinis at sariwang hangin,isa na nga lang ba itong alaala sa ating malalaking
lungsod?
_________16. Uber at Taxi na nga ba ang solusyon dala ng makabagong teknolohiya para mapadali
ang paghahanap ng masasakyan?Ang mga ito ay alternatibo sa nakasanayang de-
metrong taxi.

Balikan
Gawain 1:

Ipaliwanag:
Ano ano ang mga katangian at kalikasan ng tekstong deskriptibo?

1. _______________________________________________
2. _______________________________________________
3. _______________________________________________

Tuklasin
Ba Basahing mabuti ang paglalarawan sa ibaba. Pansinin ang mga salitang may salungguhit.

Sa unang tingin pa lang ay labis na akong naakit sa kanyang mga matang tila
nangungusap.Di ko mapuknat ang aking paningin sa hindi pangkaraniwang kagandahan sa aking
harapan.Papalayo na sana ako sa kanya subalit alam kong dalawang nagsusumamong mga mata
ang nakatitig sa aking bawat galaw,tila nag-aakit upang siya’y balikan,yakapin,at ituring na akin.Siya
na nga at wala nang iba ang hinahanap ko. Hindi ako makapapayag na mawala pa siyang muli sa
aking paningin. Halos magkandarapa ako sa pagmamadali upang siya’y mabalikan.”Manong, ang
asong iyan na ang gusto ko.Siya na nga at wala nang iba.Babayaran ko at nang maiuwi ko na.”

Mga Gabay na Tanong

1.) Ano sa palagay mo ang kahalagahan ng mga salitang nakasalungguhit sa tekstong iyong
nabasa?
2.) Anong bagay ang una mong naisip na inilalarawan batay sa mga naunang pangungusap sa
teksto?
3.) Paano inilahad ng may akda ang kaisipang nangingibabaw sa tekstong binasa?
3
Suriin
Gamit ng Cohesive Devices o Kohesiyong Gramatikal
sa Pagsulat ng Tekstong Deskriptibo

Upang maging mas mahusay ang pagkakahabi ng tekstong deskriptibo bilang bahagi ng iba
pang uri ng teksto o kaya’y maging mas malinaw ang anumang uri ng tekstong susulatin,
kinakailangan ang paggamit ng mga cohesive device o kohesyong gramatikal. Ang mga ito ay
mahalaga sa pagbibigay ng mas malinaw at maayos na daloy ng mga kaisipan sa isang teksto.

Ang limang pangunahing cohesive device o kohesiyong gramatikal ay ang sumusunod:

1.)Reperensiya (Reference) – ito ang paggamit ng mga salitang maaaring tumukoy o maging
reperensiya ng paksang pinag-uusapan sa pangungusap.Maaari itong maging anapora ( ito ay ang
panghalip na ginagamit sa hulihan bilang pananda sa pinalitang pangalan sa unahan ng
pangungusap ) o kaya”y katapora(kung nauna ang panghalip at malalaman lang kung sino o ano ang
tinitukoy kapag ipinagpatuloy ang pagbabasa sa teksto

Halimbawa:

 Anapora
Patuloy na dinarayo ng mga turista ang isla ng Boracay sa Aklan. Dahil sila’y
totoong nagagandahan sa lugar.
.

(Ang sil’ay sa ikalawang pangungusap ay tumutukoy sa mga turista na nasa unang


pangungusap.Kailngang balikan ang una upang malaman ang tinutukoy ng panghalip na sila)

 Katapora
Siya ang nagbibigay sa akin ng inspirasyong bumangon sa
umaga at masiglang umuwi sa gabi.Ang matatamis niyang
ngiti at mainit na yakap sa aking pagdating ay sapat para
makapawi sa kapaguran hindi lang ang aking katawan
kundi ng aking puso at damdamin.Siya si Bella,ang bunso
kong kapatid na mag-iisang taon pa lamang.

(Ang siya sa unang pangungusap ay tumutukoy kay Bella,ang bunsongkapatid.Malalaman lamang


kung sino ang tinutukoy ng siya o niya kapag ipinagpatuloy ang pagbabasa)

2.) Substitusyon (Substitution)- Paggamit ng ibang salitang ipapalit sa halip na muling ulitin ang
salita.

Halimbawa:
Nawala ko ang aklat mo. Ibibili na lang kita ng bago.

(Ang salitang aklat sa unang pangungusap ay napalitan ng salitang bago sa ikalawang


pangungusap. Ang dalawang salita’y parehong tumutukoy sa iisang bagay, ang aklat)
4
3.) Ellipsis- May binabawas na bahagi ng pangungusap subalit inaasahang maiintindihan o
magiging malinaw pa rin sa mambabasa ang pangungusap dahil makatutulong ang
nauunang pahayag para matukoy ang nais ipahiwatig ng nawalang salita.

Halimbawa:
Bumili si Gina ng apat na aklat at si Rina nama’y tatlo.

(Nawala ang salitang bumili gayundin ang salitang aklat para sa bahagi ni Rina subalit naiintindihan
pa rin ng mambabasa na tulad ni Gina, siya’y bumili rin ng tatlong aklat dahil nakalahad na ito sa
unang bahagi.)

4.) Pang-ugnay- Nagagamit ang mga pang-ugnay tulad ng at sa pag-uugnay ng sugnay sa sugnay,
parirala sa parirala, at pangungusap sa pangungusap

Halimbawa:
Ang mabuting magulang ay nagsasakripisyo para sa
mga anak naman ay dapat magbalik ng pagmamahal sa
kanilang mga magulang.

5.) Kohesyong Leksikal- Mabibisang salitang ginagamit sa teksto upang magkaroon ito ng
kohesyon. Maaari itong mauri sa dalawa:

a. Reiterasyon-Kung ang ginawa o sinasabi ay nauulit nang ilang beses.Maaari itong mauri sa
tatlo:pag-uulit o repetisyon,pag-iisa-isa at pagbibigay kahulugan.

(1.) Pag-uulit o repetesyon-Maraming bata ang hindi nakapapasok sa


paaralan. Ang mga batang ito ay nagtatrabaho na sa murang gulang
pa lang.
(2.) Pag-iisa-isa- Nagtatanim sila ng mga gulay sa bakuran. Ang mga gulay na ito ay
talong,sitaw,kalabasa,at ampalaya.
(3.) Pagbibigay-kahulugan-Marami sa mga batang manggagawa ay nagmula sa mga pamilyang
dukha. Mahirap sila kaya ang pag-aaral ay naisasantabi kapalit ng ilang
baryang naiaakyat nila para sa hapag-kainan

b. Kolokasyon- Mga salitang karaniwang magagamit nang magkapareho o may kaugnayan sa isa’t
isa kaya’t kapag nabanggit ang isa ay naiisip din ang isa.Maaaring magkapareho o
maaari ding magkasalungat.

Halimbawa: nanay-tatay.guro-mag-aaral,hilaga-timog
doktor-pasyente

5
Pagyamanin

 Pansariling Gawain

Panuto: Bumuo ng pangungusap batay sa sumusunod na salita gamit ang iba’t ibang cohesive
devices na nasa Pansariling Pagtataya.Gayahin ang halimbawa sa ibaba.
Halimbawa:
a. COVID-19- Ito (anapora)
Ang Covid-19 ay isang malaking suliraning kinakaharap ng buong bansa. Ito ay nagdudulot ng
pagbabago sa buhay ng bawat tao.

Pansariling Pagtataya
1.TIKTOK (repetisyon)
__________________________________________________________
__________________________________________________________

2.Drayber-konduktor (kolokasyon)
_________________________________________________________
_________________________________________________________

3.Mitch-Siya (katapora)
_________________________________________________________
__________________________________________________________

Isaisip

Natutunan ko na:
Ang mga teksto ay hindi lang basta binubuo ng magkakahiwalay na
pangungusap,parirala, o sugnay bagkus ay binubuo ng magkakaugnay na mga kaisipan
kaya’t kinakailangan ang mga salitang magbibigay ng kohesyon upang higit na
lumitaw ang kabuluhan at kahulugan ng bawat bahagi nito.Malaki ang naitutulong ng
mga cohesive devices o kohesyong gramatikal sa pagsulat ng tekstong Deskriptibo.

6
Isagawa

Panuto:Sa bilang 1 at 2 bumuo ng isang talata na bubuuin ng limang pangungusap gamit ang
cohesive device sa pagsulat ng sariling halimbawang teksto. Sundin ang nakasaad na gawain sa
bawat bilang.

Pamantayan sa Pagmamarka
 Nilalaman_(Organisasyon ng mga ideya)_____________10
 Wastong gamit ng cohesive device__________________10
 Kabuuan_______________________________________20

1. Maglarawan ng isang uri ng pagkain kung saan halos matakam ang mambabasa dahil sa
pagkakalarawan mo sa itsura,amoy at lasa nito.

2. Ilarawan mo ang isang naiibang tauhan sa pamamagitan ng pagpapakilos sa kanya.Maaaring


ilahad kung paano siya magsalita,maglakad,tumawa,at iba pa.

Tayahin

A. IDENTIPIKASYON
Panuto: Isulat sa patlang ang pangunahing cohesive device o kohesyong gramatikal na nakapaloob
sa panaklong. ( Reperensiya,Substitusyon,Ellipsis,Pang-ugnay at Kohesyong Leksikal)
_________1. Ito ang paggamit ng mga salitang maaaring tumukoy ng paksang pinag-uusapan sa
pangungusap.
_________2. Paggamit ng salitang ipapalit sa halip na muling ulitin ang salita .
_________3. May binabawas na bahagi ng pangungusap subalit maiintindihan pa rin ito sa tulong ng
naunang pahayag para matukoy ang nais ipahiwatig ng nawalang salita.
_________4. Ginagamit ito sa pag-uugnay ng sugnay sa sugnay,parirala sa parirala,at pangungusap.
_________5. Mabibisang salita na ginagamit sa teksto upang magkaroon ng kohesyon.
7
B. Tukuyin ang uri ng cohesive device na ginamit sa mga sumusunod na pangungusap.

_________6. Nawala ko ang pluma mo.Ibibili nalang kita ng bago.


_________7. Bumili si Gino ng apat na aklat at si Rino nama’y tatlo.
_________8. Ang mabuting magulang ay nagsasakripisyo para sa mga anak at ang mga anak
naman ay dapat magbalik ng pagmamahal sa kanilang mga magulang.
_________9. Maraming bata ang hindi nakapapasok sa paaralan.Ang mga batang ito ay
nagtatrabaho na sa murang gulang pa lang.
________10. Karamihan sa mga iskolar ay nagmula sa pamilyang dukha.Mahirap sila at walang
panustos sa pang-araw-araw na gastusin kaya pinaghuhusayan nila ang kanilang pag-
aaral.
________11. Sapatos ang gustong koleksyon ng aking kaibigan.Ito kasi ang paborito niya.
________12. Nagtatanim sila ng mga puno sa parke.Ang mga puno na ito ay Narra,Mahogany at
Molave.

C.Tukuyin ang cohesive device (Anapora o Katapora) na ginagamit sa nakalahad na teksto.

_________13. Matamis na maasim-asim ito.Ang may katigasan at kulay lilang balat ay nagtataglay
ng mapuputing hilis na paborito ng marami hindi lang sa lasa kundi maging sa taglay
na sustansiya.Hindi pangkaraniwang prutas ang Mangosteen.
_________14. Bayani ang mga taong handang magbuwis ng buhay at tumulong sa nangangailangan
na walang hinintay na kapalit.Sila ay mga karaniwang taong nakagagawa ng hindi
pangkaraniwang kabutihan sa iba.
_________15. Malinis at sariwang hangin,isa na nga lang ba itong alaala sa ating malalaking
lungsod?
_________16. Uber at Taxi na nga ba ang solusyon dala ng makabagong teknolohiya para mapadali
ang paghahanap ng masasakyan?Ang mga ito ay alternatibo sa nakasanayang de-
metrong taxi.

8
Bibliograpiya

“Clipart”. Accessed January 3,2021. https://www.vectorstock.com/royalty-free-vector/hand-


holding-blue-pen-2-vector-7771874
Dayag Alma M. at Mary Grace G. del Rosario. Pinagyamang Pluma II (K-12). Quezon City:
Phoenix Publishing House,2016.
Francia,Maricar. “ Mga Konseptong may Kaugnayang Lohikal”. November 18,2016. Accessed
December 9,2020. https://www.slideshare.net/may212015/konseptong-may-kaugnayang-
lohikal.
Reyes,Charlene Diane. “Kohesyong Gramatikal at uri ng Pang-abay”. March 16,2015.
Accessed Decemeber 10,2020. https://www.slideshare.net/charlenedianereyes/kohesyong-
gramatikal-at-uri-ng-pang-abay.
Sumague,Byng. “Panandang Kohesyong Gramatikal”. Novemeber 10,2013. Accessed
December 10,2020 . https://www.slideshare.net/cuteepieme/panandang-kohesyong-
gramatikal
Teodosio,John Anthony. “ Anapora at Katapora”. July 16,2013. Accessed December 11,2020.
https://www.slideshare.net/teodosiojohnanthony/anapora-at-katapora.

You might also like