You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION X-NORTHERN MINDANAO
SCHOOLS DIVISION OF ILIGAN CITY
ILIGAN CITY NATIONAL HIGH SCHOOL
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

PAGBASA AT PAGSUSURI SA IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK


IKALAWANG SEMESTRE
Self-Learning Activity Sheet No. 5

Deskripsyon ng Kurso : Pag-aaral sa proseso ng pagbasa at pagsusuri ng iba’t ibang anyo at uri ng teskto
na nakatutulong sa pagbuo at pagsulat ng sistematikong pananaliksik.
Pamantayang : Nasusuri ang iba’t ibang uri ng binasang teksto ayon sa kaugnayan nito sa sarili,
Pangnilalaman pamilya, komunidad, bansa at daigdig.
Pamantayan sa Pagganap : Nakasusulat ng isang panimulang pananaliksik sa mga penomenang kultural at
panlipunan sa bansa.

PAKSA: NAGAGAMIT COHESIVE DEVICES SA PAGSULAT NG SARILING HALIMBAWANG TEKSTO


KASANAYANG PAMPAGKATUTO: Nagagamit ang cohesive device sa pagsulat ng sariling halimbawang teksto
F11WG-IIIc-90
Basahin at suriin ang konteksto. Sagutan sa hiwalay na papel ang mga katanungang nasa ibaba ng
konteksto.
Pumunta ako sa Maynila na kung saan ang Maynila ang kabisera ng Pilipinas.
Nadatnan ko si Diego sa Quiapo Church. Pagkatapos magdasal si Diego ay nakita na ako sa
labas ni Diego.Nilibot namin ang Luneta. Ang Luneta ay lugar na kung saan naganap ang
pagkamartir ni Rizal. Nilibot namin ang Intramuros gamit ang kabayo. Pero ang kabayo ay
napagod kaya pinainom muna ang kabayo. Higit sa lahat, nakita na namin ang Fort
Santiago. Ang Fort Santigo ay isang makasaysayang pook sa Maynila.
Analisis:
1. Malinaw at maayos ba ang daloy ng konteksto? Ipaliwanag.
____________________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________________
________
2. Ano ano ang napansin mo sa pagkakabuo ng konteksto?
____________________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________________
________
3. Kung ikaw ang sumulat ng kontekstong ito, paano mo ito isusulat ng malinaw at
maayos ang kaisipan?
____________________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________________
________
Pag-usapan natin ang kinalabasan ng iyong pag-aanalisa at rebisyon sa nasabing konteksto. Unti-unti ng
hinahasa ka sa kasanayang pagsulat at mas lalong malilinang ito sa kaalamang matutunghayan mo sa susunod na
bahagi ng modyul na ito.
Ang ginawa mo kanina ay may kaugnayan sa pagsulat ng mga pangugusap na bumubuo sa mga talata kaya
kailangan ng mga salitang mag-uugnay sa mga ito. Dito makikita ang halaga ng cohesive devices. Upang higit na
maging malinaw sa iyo ang gamit ng cohesive devices sa anumang gawaing pagsulat, basahin mo na ang konseptong
ito!
Gamit ng Cohesive Devices
Kung ang mga pangungusap, idea, at detalye ay malinaw na nagkakaugnay sa isang konteksto, madali na
itong maunawaan ng mambabasa. Malaking tulong ang tamang paggamit ng mga cohesive devices para makabuo ng
makabuluhang teksto. Kung ang isinulat ng awtor ay malinaw na naunawaan at naisabuhay ng mambabasa,
nangangahulugang nagtagumpay ang awtor sa kaniyang isinulat.
1. Reperensiya (Reference) Ito ang paggamit ng mga salitang maaaring tumukoy o maging reperensiya ng paksang
pinag-uusapan sa pangungusap.Tinutukoy nito ang anapora at katapora.
Anapora- tumutukoy sa mga panghalip na ginagamit sa hulihan bilang pananda sa pinalitang pangalan na
binanggit sa pangungusap o talata. Halimbawa: Hindi baleng mabigo ka na ipaglaban ang mga pangarap mo, kesa
nabigo
ka nang hindi man lamang dahil sa mga ito. Halaw mula sa talumpati ni Ricky Lee Sa PUP nang gawaran siya ng Doctorate in Humanities
Honoris Causa noong ika-8 ng Mayo, 2019
Katapora- tumutukoy sa mga panghalip na ginagamit sa unahan bilang pananda sa pinalitang pangalan na
binanggit sa hulihan ng pangungusap o talata. Halimbawa: Kagaya ng karangalang itong ibinibigay n’yo sa akin. Di ko
alam kung anong nagawa kong kabutihan sa PUP para maibigay ninyo sa akin ito. Halaw mula sa talumpati ni Ricky Lee Sa PUP
nang gawaran siya ng Doctorate in Humanities Honoris Causa noong ika-8 ng Mayo, 2019
2. Substitusyon-Paggamit ng ibang salitang ipinapalit sa halip na muling ulitin ang salita. Halimbawa: Bumigay na
ang aking laptop kaya bumili ako ng bago. Ang salitang laptop ay napalitan ng bago.
3. Elipsis- May ibinabawas na bahagi ng pangungusap subalit inaasahang maiintindihan o magiging malinaw pa rin
sa mambabasa ang pangungusap dahil makatutulong ang naunang pahayag para matukoy ang nais ipahiwatig ng
nawalang salita. Halimbawa: Nagpunta si Nadine sa mall at namili si Nadine sa mall. Nagpunta si Nadine sa mall
at namili.
4. Pang-ugnay- Nagagamit ang mga pang-ugnay tulad ng “at” sa pag-uugnay ng sugnay sa sugnay, parirala sa
parirala, at pangungusap sa pangungusap. Sa pamamagitan nito, higit na nauunawaan ng mambabasa o tagapakinig
ang relasyon sa pagitan ng mga pinag-uugnay. Halimbawa: Ang mabuting magulang aynagsasakripisyo para sa mga
anak at ang mga anak naman ay dapat magbalik ng pagmamahal sa kanilang mga magulang.
5. Kohesyong Leksikal- Mabibisang salitang ginagamit sa teksto upang magkaroon ito ng kohesyon. May dalawang
uri ito.
1. Reiterasyon kung ang ginagawa o sinasabi ay nauulit ng ilang beses.
a. Pag-uulit o repetisyon
Halimbawa: Maraming bata ang hindi nakapapasok sa paaralan. Ang mga batang ito ay nagtatrabaho na sa
murang gulang pa lamang.
b. Pag-iisa-isa
Halimbawa: Nagtanim sila ng mga gulay sa bakuran. Ang mga gulay na ito ay talong, sitaw, kalabasa, at
ampalaya.
c. Pagbibigay Kahulugan
Halimbawa: Marami sa mga batang mangagawa ay nagmula sa mga pamilyang dukha. Mahirap sila kaya ang
pag-aaral ay naisasantabi kapalit ng ilang baryang naiaakyat nila para sa hapag-kainan.
2. Kolokasyon- mga salitang magkapareha o magkasalungat.
Halimbawa: nanay-tatay guro-mag-aaral doktor-pasyente hilaga-timog
puti-itim maliit-malaki mayaman-mahirap
Pagsasanay 1.
Natutukoy ang cohesive devices na ginamit sa teksto. Isulat sa patlang kung Anapora o Katapora ang tinutukoy ng
mga panghalip na nakasulat nang madiin (bold). Isulat ang sagot sa hiwalay na sagutang papel.
__________1. “Dalhin natin siya sa ospital dali!” ang sigaw ng maliksing si Doris habang pangko ang matandang
lupaypay at tila wala ng buhay. Isinakay siya sa huling bahagi ng kotse at saka mabilis nitong pinaandar ang
sasakyan patungo sa pinakamalapit na ospital. Subalit hindi na umabot nang buhay si Lolo Jose sa pagamutan.
__________2. Bayani ang mga taong handang tumulong sa nangangailangan kahit walang hinihintay na kapalit o
magbuwis ng buhay para sa bayan kung kinakailangan. Sila ay mga karaniwang taong nakagagawa ng hindi
pangkaraniwang kabutihan para sa iba.
__________3. Matamis na maasim ito. Ang may katigasan at kulay lilang balat ay nagtataglay ng mapuputing hilis na
paborito ng marami hindi lang dahil sa lasa nito kundi maging sa taglay na sustansiya. Hindi pangkaraniwang prutas
ang mangosteen.
__________4. Grab taxi na nga ba ang solusyong dala ng makabagong teknolohiya para mapadali ang paghahanap ng
masasakyan? Ito ay alternatibo sa nakasanayang de-metrong taxi.
__________5. Malinis at sariwang hangin, isa na nga lang ba itong alaala sa ating malalaking lungsod?
Pagsasanay 2.
Tukuyin kung substitusyon, elipsis, pang-ugnay o leksikal ang ginamit na cohesive devices sa mga
sumusunod. Gawing gabay ang mga salitang nakasulat nang madiin (bold) at isulat sa patlang ang sagot.
__________1. Nagbigay ng limang kilong bigas si Jhun. Si Ronnie naman ay tatlo.
__________2. Naubos ko ang masarap mong baon. Ibibili na lang kita ng kapalit.
__________3. Nabasa ng mga mag-aaral ang akda. Ang mga mag-aaral na ito ay natuto sa binasa.
__________4. Nagkasama sa paglalakbay ang magkaibigan. Lalo nilang nakilala ang isa’t isa sa biyaheng ito.
__________5. Ang mahusay na pagpapaliwanag at pagsasalita ang dahilan kung bakit nahihikayat makinig ang mga
tao sa kaniya.

Panuto: Sumulat ng isang tektong deskriptibo gamit ang mga cohesive devices sa pamamagitan ng isang Travel
Brochure. Lapatan ng pamagat. Gawing gabay ang rubrik sa ibaba sa iyong susulating tekstong deskriptibo. Gawin
at isulat sa isang construction paper o short bond paper.
Batayan sa pagsulat ng teksto:
1. Ang mga larawan ng mga lugar ay matatagpuan sa rehiyon o sa Iligan City.
2. Ang layunin sa pagbuo at pagsulat mo ng travel brochure.
3. Gawing malikhain ang iyong awput.

Pamantayan 4 3 2 1
Husay ng pagsulat Napakahusay at Nakagamit ng mga May kakulangan Kulang na kulang
at paglalarawan lubhang nakaaakit salitang ang pagkaka-gamit at hindi angkop ang
ang pagkakagamit mahuhusay at ng mahu-husay na mga salitang
ng mga salita sa nakaaakit sa mga salita sa ginamit sa
pagsulat ng pagsulat ng pagsulat kaya paglalarawan
paglalarawan. paglalarawan. naman hindi kaya’t hindi ito
gaanong nakaaakit nakaaakit sa
ang paglalarawan. sinomang
makababasa.
Paggamit ng Nakagamit nang Nakagamit ng mga Kakaunting datos Walang nasaliksik
angkop na datos angkop na mga datos na mula sa na nasaliksik lang na datos ang
tungkol sa lugar datos na lalong pananaliksik. ang nagamit at naisama at pawang
nakapagbigay rikit karamihan sa opinyon lang ng
sa paglalarawan. nakalahad ay manunulat ang
opinyon lang ng nailahad.
manunulat.
Paggamit ng Nakagagamit ng Nakagamit ng Nakagamit ng ilang Hindi gumamit ng
angkop na angkop na cohesive devices o cohesive devices o cohesive devices o
cohesive devices o cohesive devices o kohesyong kohesyong kohesyong
kohesyong kohesyong gramatikal sa gramatikal subalit gramatikal kaya’t
gramatikal gramatikal na pagbuo ng hindi ito sapat para walang kaayusan
lalong nagbigay paglalarawan. sa maayos na ang daloy ng
nang maayos na daloy ng paglalarawan.
daloy ng paglalarawan.
paglalarawan.

You might also like